The Papabol Angel Who Won My...

נכתב על ידי hannahbax

33.6K 400 202

Meet Juniora Delos Santos or simply Junie. She's smart. She's pretty. But no boy bothered to go near her. Pan... עוד

P R O L O G U E
Bating Panimula
Kabanata 1: Meet the Club
Kabanata 2: Meet Junie's Guardian Angel (Daw)
Kabanata 3: The Lesson Starts Now
Kabanata 4: Playful Marion
Kabanata 5: Ang Isaw. Bow
Pananaw ni Otor (pasingit lang ha!)
Kabanata 5.2: Ang Isaw the Continuation
Kabanata 7: Goodbye WHBF na ba?
Kabanata 8: The Dark Secret
Kabanata 9: The Past
Kabanata 9.2: The Past the Continuation
Kabanata 10: A Day with Chi-chi and Somebody
Kabanata 11: The Action Star and The Crying Lady
Kabanata 12: Wala Munang Title HEHEHE :D
Kabanata 13: Liza and the Other Papabol Guy
Kabanata 14: When Harry Met Junie
Kabanata 15: Bestfriends Bonding or Trouble?
Kabanata 16: Charlie The Angry Lion. Roaaaarrr!
Kabanata 17: The Savior
Kabanata 18: Here goes Charlie again T_T
Kabanata 19: The Unexpected
Kabanata 20: Jealousy and Hatred
Kabanata 21: Pain and Regrets
Kabanata 22: Another Manloloko?
Kabanata 23: Forgotten Yesterday
Kabanata 24: Face the Music
Kabanata 25: Where is She?
Kabanata 26: No Other Choice
Kabanata 27: The Worst
Kabanata 28: Start of Something
Kabanata 29: YEEEEEEEE.
Kabanata 30: Forgive and Forget
Kabanata 31: A New Beginning
Kabanata 32: Happiest Birthday
Kabanata 33: Graduation
Kabanata 34: Don't Call Me
Kabanata 35: Girl Talk
E P I L O G U E
Hannahbax's note
Pasingit lang for my New Story HOHOHO! :D

Kabanata 6: Unang Bonggang Pagtibok ng Puso

776 12 4
נכתב על ידי hannahbax

Nica's POV

Hi! Hello! I'm Nica nga pala, the original bestfriend of Junie.

We've been bestfriends since elementary. Ewan ko ba, magkaiba talaga kami ng ugali. Ako, dakilang playgirl. Papalit-palit ako ng boyfriends. Siya, ni isa wala. Marami ngang nagsasabi napakaarte ko. Ibang-iba daw ako kay Junie na bestfriend ko. Minsan nga napagsabihan ko na si Junie na layuan ako kasi pati siya pumapangit ang image dahil lagi niyang kasama ang isang malanding gaya ko. Pero ang makulit na babaeng iyon, binatukan ako at sinabing, "Hayaan mo sila. Masaya akong kaibigan kita. The hell I care kung pumangit image ko. Basta ang mahalaga, we should not think of others' perspective for us. Ulitin mo pa yang sinabi mo, jojombagin kita nang bonggang bongga."

Siyempre di ko na sinabi ulit iyon. Takot ko lang sa kanya. T_T

Ayun nga. Patuloy pa rin ako sa pagkakaroon ko ng maraming bf. Eh kasi naman eh, ang hilig nilang magpakilig! Nakakainis lang, lagi naman akong nahuhulog. Tapos pag iniwan naman nila ako, crayola ako to the max! Pero marami naman din ang sumasalo sa sugatan kong puso. And the cycle of my love story continues.

Ay teka, bakit nga ba ako nagkaroon ng POV dito? Bida din ba ako? Eh kasi nandito si Junie sa tabi ko. Tuliro. Pilit kong tinatanong kung anong bumabagabag sa kanya, ayaw naman sabihin. Nandito kami sa tambayan namin, ang family restaurant/cafe namin na Nica's Place. Siyempre pinangalan sa akin. 

"Yung totoo, gusto mo lang maka-libre ng cake at capuccino dito ano? May pa-senti peg ka pa diyan," sabi ko sa kanya. Haha! Pang-ice breaker lang. Ang tahimik niya kasi, nakakapanibago.

"Haha! Paano mo nalaman? Sige na nga, oo nagugutom ako at nakalimutan ko ang wallet ko. Saktong dumaan ako dito at naamoy ko ang napakabangong kape nyo kaya umisip ako ng taktika para pakainin mo ako ng maluwag sa loob mo haha!" sagot naman ni bestfriend, with pilit na ngiti.

May mali eh. Feeling ko nagsisinungaling siya. May problema ito. Ayaw niya lang sabihin. Paano ko kaya malalaman? 

"Haha! Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi pwedeng libre! Utang na iyan! Gusto mo bang ma-bankrupt kami? Parehas pa kayo ni Charlie. Haysus." 

"Teka, asan na ngapala si Charlie? Dumadaan ba dito?" 

"Ewan ko dun. Ilang araw na ring hindi nagpapakita eh. Eh bakit mo sa akin hinahanap? Di naman kami mag-bestfriends noh. Kayo lang." 

Okay. Selosa ako. Kainis kasi yung baklang iyon, feeling ko inaagaw niya bestfriend ko sa akin. 

"Adik! Treat him, ay her pala, as your bestfriend na rin. Away kayo nang away. Hay, nadagdag pa kayo sa problema ko. Tss."

Yown! Erase Charlie and me issue muna. Eto na, sharing of problems na! Haha.

"Oops. Really? Bakit ano-ano ba mga problema mo ngayon? Share it to me naman. Ano pang silbi ng pagiging magkaibigan natin kung hindi mo ibabahagi sa akin problems mo?" 

Napatingin siya sa akin. I can see sadness in her eyes. 

"Ayoko. Baka pagtawanan mo lang ako."

Eh? Ano ba pinagsasabi nito? "Teka, wala ka pa ngang sinasabi sa akin, pagtatawanan agad kita? Labo mo teh!"

"Eh kasi...Alam mo ba yung feeling na pag nakita mo ang isang tao, hindi mo alam gagawin mo? Parang natataranta ka? Iisipin mo pa lang yung meet-up nyo, kinakabahan ka na? Pag hindi mo siya kasama, hinahanap-hanap mo naman siya. Pero pag nasa harap mo naman na siya, ang lakas-lakas ng tibok ng  puso mo at gusto mong umalis na lang para lang kumalma ka? Naramdaman mo na ba yun tseb?"

Pinag-isipan ko lahat ng mga sinabi niya. Oh. Em. Ji. Di kaya...

IN LOVE NA ANG BESTFRIEND KO???!

Di ko napigilan sarili ko. Natawa ako. Napasimangot naman siya.

"Sabi ko na nga ba pagtatawanan mo lang ako. Ang weird-weird ba ng tanong ko?"

"Eh kasi naman eh! Natutuwa ako para sayo tseb! Congraaaats! In love kaaa!"

Nanlaki naman ang mga mata niya. 0_0

"Anong sinasabi mo? Ako? In love?"

"Yung description mo sa tanong mo. Lahat yon nararamdaman ng isang taong in love."

Super bongga ng pag-iling niya. Deny pa tong isang to. "Teka, wala naman akong sinabing nararamdaman ko yon ah." >_<

"Asus. Kahit anong gawin mong pagde-deny, halata naman iyon ang nararamdaman mo as of this moment. Sino yan tseb?" 

"Tse! Sinabi nang hindi ako yon eh. Tanong lang yon. Hypothetical lang. Walang kinalaman sa akin yung mga tanong ko kanina."

"Sabihin mo na kasi. Wag mo nag itanggi." Sa sobrang saya ko, napasigaw ako. "Yehey! May lovelife na sa wakas ang man-hater na bestfriend ko! Wahaha!" 

Nagtinginan sa akin ang mga tao sa loob ng cafe. Tapos non, sa kanya naman tumingin. Unti-unti ko na lang narinig na nagpapalakpakan ang madla. Mukang masaya din sila para sa tseb ko.

Pagbalik ko ng tingin sa kanya, ang sama ng tingin niya sa akin.

"Ewan ko sayo! Bakit ba ang hirap mong umintindi?! Hindi nga sabi di ba!" Sabay walk out.

Naiwan akong nakanganga. Offended sa sinabi niyang mahirap umintindi? Naaah. Sanay na ak. Sus, ang tseb ko talaga. Tampong-pururut lang yon. Denial queen eh. ^_^

Ang mission ko: Malaman kung sino ang lucky guy na nagpapatibok sa puso ni Juniora Delos Santos. 

--------

Junie's POV

Naiinis ako kay Nica. Bakit naman niya kasi inisip na my questions are related/happening to me? Hello! Duh! Hindi noh. Hindi ko alam kung bakit ko natanong yon. Out of blue, lumabas sa bibig ko ang mga tanong na iyon. But that doesn't mean I'm in love. Hello again! Wala namang nanliligaw sa akin. Wala din akong boy na friend na super close sa akin except for Charlie siyempre. Kanino ako in love, aber? Mahilig talagang gumawa ng conclusions ang best friend ko. Hay. Nasigawan ko pa tuloy siya. 

Pumunta na lang ako sa mall. Okay fine! Nagsinungaling ako. Hindi ko kinakalimutan ang wallet ko. So eto, lilibangin ko muna ang sarili ko. Libangan ko? Ang mag-basketball sa Tom's World. Saya ng feeling eh! 

Namili ako ng tokens at humanap ng available na basketball ring. I found one, nasa may dulo. I inserted the token and push the 'start' button. I started shooting the balls na. Ang saya talagaa! *-*

Almost all ng mga shots ko ringless. Kaya sa loob ng one full minute, I made 80 shots. Yebaaa! Sayang lang, hindi ito kagaya ng other amusement parks na kapag naka-60 shots ka, may another round ka pa. So naghulog na lang ulit ako ng token.

Pipindutin ko na sana ang start button ng may nagsalita sa kabilang ring.

"Hey! Do you wanna have some game?" 

Guess who? Sino pa ba? Ang mala-kabute kong guardian angel. 

"Hinahamon mo ako?" 

"Kung pwede lang."

"Fine! Let's do it!" 

Naghulog na rin siya ng token at sabay kaming nag-start. Hindi ko tinitingnan ang score niya, baka ma-pressure lang ako. Basta, shoot lang ako ng shoot. Natapos ang round. Medyo sumakit mga muscles ko ah! Tinignan ko ang score niya. Napalaki mga mata ko. Halimaw ata isang to.

150 points sa isang round? Tinde! 90 lang sa akin. Hay. First time kong natalo ah. Well, ngayon lang naman ako naglaro ng basketball ng may kalaban.

"Galing ko ano? Ang gwapo ko na, matalino din ako, at magaling pa ako sa basketball. San ka pa?" ang napakahanging komento niya sa sarili niya. Conceited ah!

"Ewan ko sayo! Ang yabang mo. Psh. Geh, anong ipapalibre mo?" nakakarami na to ng libre sa akin ah. Tss.

"Teka, I didn't say that if I win, you'd treat me. It's the other way around. Let me buy you dinner. Tara!" 

And the unexpected thing happened: HE'S HOLDING MY HAND. 

I felt the butterflies are moving in my stomach. My heart's fluttering. My head's hurting of thinking what is happening to me. 

Tama kaya si Nica? Am I in love? Kay...Marion? 

This can't be. I can't fall in love with my guardian angel. It's a sin. T_T

---------

Marion's POV

I was just walking around an amusement park when I saw a familiar figure playing basketball. I watched her every move. Lalaki ba to? Galing mag-shoot ng bola. Pero still, her moves are a woman's. She raised her arms gracefully, and staring at her, it feels great. I want to stare at her beauty for all of my life.

Mali. Erase the thought. Hindi pwede itong mga iniisip ko. Malapitan na nga.

Tamang-tama, pagdating ko, maghuhulog siya ng token. Hamunin ko kaya ito? Pumayag naman. Kala nya siguro wala akong binatbat pagdating sa basketball. Magmamayabang ulit ako, MVP ako when I was in college. Kaya chicken lang ito sa akin.

Tama nga ako. Panalo ako. 40 points ang lamang ko sa kanya. Haha! Pero ayokong magpalibre. Siya ang ililibre ko.

Sa sobrang saya ko, hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa Max's. Siyempre, manlilibre ako, dapat medyo sa mamahaling resto na. ^_^

I ordered Camaron Rebosado, Fish fillet in Black Bean Sauce, Aparagus With Tofu, with rice syempre, at Ube Creme Decadence for dessert. 

Habang kumakain kami, wala talagang sali-salita sa amin. Siguro, parehas kaming gutom. Tapos ang sarap-sarap pa ng mga foods na to. Why bother to talk? :)

Nang matapos kaming kumain ng main dish, kinain naman namin ang dessert. Siyempre, slow down muna. I initiated the conversation.

"How's the food?" 

Ang sama ng tingin niya sa kin. May sinabi ba akong masama? "You're asking me about the food? Bakit, di mo nagustuhan? Of course I like it! Wala pa ngang natira ni mumo sa plato ko." 

Ah. Iyon naman pala. Ang init naman ng ulo nito.

"Ah. Hehe! Bakit parang badtrip ka? Something wrong?" 

"Paano ba naman kasi yung bestfriend ko. Pinipilit na in love na ako. Duh? In her dreams!" Pagkatapos niyang magsalita, tinakpan niya ang bibig niya. Oops. Mukang nadulas ah.

"Really? Wow! That's a good news! Madali na ang mission ko! Thank you! Kanino ka in love?" 

Tiningnan niya ulit ako ng masama. 

"Isa ka pa! Sinabi na ngang hindi di ba." 

"Sabihin mo na kasi, para alam ko nang wala ka nang galit sa lalaki at matapos ko na itong misyon ko sa buhay mo." 

"I said none. Makulit ka din ano?" 

"Please, tell me. I want to go back to my own life. Saka nakakasawa na itong pangungulit ko sayo. Pero di naman nasayang efforts ko. I think all my plans worked. Saka ayoko na makipagkita sayo. Hehe." Kasi mababaliw ako pag tumagal pa itong pagkikita natin.

"Ah! So sawa ka na? Fine! I'll tell you. I'm in love with a boy named Charlie. Masaya ka na? Go now! Tell your boss that I'm not a man-hater anymore. I'm happily in love! Thank you for teaching me that! Good bye."  Then she stormed out of the restaurant.

Tama ba narinig ko? She's already in love? Siguro okay na ito. Ayoko na siyang gambalain. Tapos na talaga siguro ang misyon ko.  I really don't want to annoy her again. Ako lang ang masasaktan.

Kasi I think I'm in love with Junie. It's a sin. Hindi ito maaari.

_____

PANANAW NI OTOR: Musta naman ang last lines nina Junie and Marion? ^_____^

Impossible? Sin? Kasi nga di ba guardian angel si Marion? Mali ang ma-in love ang mortal sa imortal. PERO...

You have to stay tuned. May something-something. Basta, tandaan niyo ROMANCE ang genre nito. Sa romance, ang mga bida ang nagkakatuluyan. So, sino ba ang bida? HAHA!

I gave a clue. Dapat pala Mystery and other genre neto haha.

Salamat sa pagbabasa! MWah! Sana hindi kayo magsawa! :D

Sorry ngapala kung pangit ang chapter title. Wala akong maisip eh haha! XD

-hannahbax 

המשך קריאה

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
414K 21.8K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...