Encantadia: A Love Untold [C...

By AmihanMaxTine

278K 7.4K 2.4K

One Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love L... More

Ω Kabanata I Ω Ang Pagbabalik sa Lireo
Ω Kabanata II Ω Ang Kapasyahan ni Mine-a
Ω Kabanata III Ω Ang Sayaw ng Pag-Ibig
Ω Kabanata IV Ω Maskara
Ω Kabanata V Ω Ang Reyna
Ω Kabanata VI Ω Reyna Amihan
Ω Kabanata VII Ω Ang Itinadhana ni Emre
Ω Kabanata VIII Ω Pagdadalang-Diwata
Ω Kabanata IX Ω Mga Nababagabag na Damdamin
Ω Kabanata X Ω Mine-a
Ω Kabanata XI Ω Lihim
Ω Kabanata XII Ω Panlilinlang
Ω Kabanata XIII Ω Si Lira
Ω Kabanata XIV Ω Ang Prinsipe ng Sapiro
Ω Kabanata XV Ω Ang Pagkawala ni Alena
Ω Kabanata XVI Ω Ang Galit ng mga Sang'gre Ω
Ω Kabanata XVII Ω Pagtatagpo Ω
Ω Kabanata XVIII Ω Agam-agam ni Amihan
Ω Kabanata XIX Ω Ang Katotohanan Ukol kay Ybarro
Ω Kabanta XX Ω Bugso ng Kapangyarihan
Ω Kabanata XXI Ω Ang Reputasyon ni Danaya
Ω Kabanata XXII Ω Ang Kaparusahan kay Danaya
Ω Kabanata XXIII Ω Ang Katuparan ng Plano ni Pirena
Ω Kabanata XXIV Ω Ang Pagbagsak ng Lireo
Ω Kabanata XXV Ω Ang Pagkagapi ni Amihan
Ω Kabanata XXVI Ω Ang Kantao, ang Dyamanteng Lira At ang Maskara ni Hara Amihan
Ω Kabanata XXVII Ω Mga Itinakdang Pagtatagpo
Ω Kabanata XXVIII Ω Ang Pagkikita nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXIX Ω Ang Pagbabalik
Ω Kabanata XXX Ω Ang Muling paghaharap nila Amihan at Pirena
Ω Kabanata XXXI Ω Ang Misyon nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXXII Ω Ang Pagbabalik ng Ala-ala ni Alena
Ω Kabanata XXXIII Ω Ang Damdamin ni Amihan
Ω Kabanata XXXIV Ω Ang Kapahamakan kay Lira
Ω Kabanata XXXV Ω Ang Basbas kay Lira mula sa Devas
Ω Kabanata XXXVI Ω E Correi....... Hara
Ω Kabanata XXXVII Ω Ang Muling Pagkikita nila Amihan at Alena
Ω Kabanata XXXVIII Ω Ang Paghingi ng Kapatawaran ni Amihan kay Danaya
Ω Kabanata XXXIX Ω Ang Anak ni Hara Amihan
Ω Kabanata XL Ω Ang Pagliligtas ni Rehav Ybrahim sa Hara Amihan
Ω Kabanata XLI Ω Si Caspian
Ω Kabanata XLII Ω Ang mag-Inang Amihan at Lira
Ω Kabanata XLIII Ω Ang Punyal ng Sandugo
Ω Kabanata XLIV Ω Isang Pamilya
Ang Apat na Sang'gre
Ω Kabanata XLV Ω Si Kahlil
Ω Kabanata XLVI Ω Ang Panlilinlang ni Pirena
Ω Kabanata XLVII Ω Bugna
Ω Kabanata XLVIII Ω Edi Sanctre
Ω Kabanata XLIX Ω Ang Batis ng Katotohanan
Ω Kabanata L Ω Rehav ese Adoyaneva
Ω Kabanata LI Ω Mga Maitim na Balak ni Adhara
Ω Kabanata LII Ω Ang Sumpa ni Ether
Ω Kabanata LIII Ω Mga Mapaglarong Puso
Ω Kabanata LIV Ω Amarteya Lireo
Ω Kabanata LV Ω Ang Pangako Ni Ybrahim
Ω Kabanata LVI Ω Ang Dalawang Kahilingan
Ω Kabanata LVII Ω Ang Itinadhana Para kay Amihan
Ω Kabanata LVIII Ω Ang Pagsisilang ni Amihan
Ω Kabanata LIX Ω Ang Paglalakabay Patungong Devas
Ω Kabanata LX Ω Ang Pagbabalik Ng Ala-ala nila kay Lira
Ω Kabanata LXI Ω Ang Galit Ni Hara Amihan
Ω Kabanata LXII Ω Ang Pagpaparaya ni Alena
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Agam-agam ni Pirena
Ω Kabanata LXIV Ω Ang Huling Mensahe ni Mine-a
Ω Kabanata LXV Ω Ang Kapatawaran
Ω Kabanata LXVI Ω Hadezar
Ω Kabanata LXVII Ω Halik ng Pamamaalam
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Katuparan ng Propesiya kay Amihan
Ω Kabanata LXIX Ω Isang Bagong Simula
Encantadia: Ang Ikalawang Yugto
Ӝ Kabanata LXX Ӝ Ang Encantadia
Ӝ Kabanata LXXI Ӝ Ang Pagbangon
Ӝ Kabanata LXXII Ӝ Ang Bagong Etheria
Ӝ Kabanata LXXIII Ӝ Ang Huling Pagsubok para kay Lira at Mira Ӝ
Ӝ Kabanata LXXIV Ӝ Avisala, E Correi
Ӝ Kabanata LXXV Ӝ Ang Kasiyahan sa Lireo
Ӝ Kabanata LXXVI Ӝ Ang Apat na Kaguluhan sa Encantadia
Ӝ Kabanata LXXVII Ӝ Katotohanan at Panlilinlang
Ӝ Kabanata LXXVIII Ӝ Si Lirios
Ӝ Kabanata LXXIX Ӝ Pagkakabihag
Ӝ Kabanata LXXX Ӝ Isang Alok
Ӝ Kabanata LXXXI Ӝ Ang Brilyante ng Apoy
Ӝ Kabanata LXXXII Ӝ Ang Tunay na Danaya
Ӝ Kabanata LXXXIII Ӝ Ang Pagbagsak
Ӝ Kabanata LXXXIV Ӝ Enamuya
Ӝ Kabanata LXXXV Ӝ Ang Pagbalik Sa Nakaraan
Ang Kasaysayan ng Lumang Encantadia ayon sa kalatas na sinulat ni Raquim.
Cast and Characters of EALU: Enamuya Arc
Ӝ Kabanata LXXXVI Ӝ Ang Pagkawala ng mga Brilyante
Ӝ Kabanata LXXXVII Ӝ Ang Pagdadalang-Diwata ni Ornea Ӝ
Ӝ Kabanata LXXXVIII Ӝ Ang Muling Pagkikita
Ӝ Kabanata LXXXIX Ӝ Si Amihan, Ng Kaharian ng Lireo
Ӝ Kabanata XCI Ӝ Sila Memen at Ornea
Ӝ Kabanata XCII Ӝ Sang'gre laban sa Heran
Ӝ Kabanata XCIII Ӝ Ang Ina ng mga Sang'gre
Ӝ Kabanata XCIV Ӝ Si Mine-a
Ӝ Kabanata XCV Ӝ Si Mine-a at si Cassiopei-a
Ӝ Kabanata XCVI Ӝ Ang Pagliligtas
Ӝ Kabanata XCVII Ӝ Pagmamahal
Ӝ Kabanata XCVIII Ӝ Si Raquim, si Mine-a at si Hagorn
Ӝ Kabanata XCIX Ӝ Lireo
Ӝ Kabanata C Ӝ Ang Paglusob
Ӝ Kabanata CI Ӝ Ang Inang Brilyante
Avisala
Kabanata CII: Ether
Kabanata CIII: Pagbabalik sa Kasalukuyan
Kabanata CIV: Pag-Iisang Dibdib
Kabanata CV: WAKAS
Avisala Eshma

Ӝ Kabanata XC Ӝ Ang Sapiryan at ang Diwata

1.6K 60 19
By AmihanMaxTine

(Authors Note:
          I've been doing this story since December 25, 2016.
I just wanna thank all of you for reading and non stop supporting this story.
         Keep Fighting! YbraMihan!
KyRu! 💙💛)

Ӝ Kabanata XC Ӝ
Ang Sapiryan
at
ang Diwata

Ӝ


Sa Nakaraan....
      Sa kuta ni Amarro.....

          Nasa bisig pa din ni Ybrahim ang walang malay na si Amihan. Lahat sila ay walang magawa para mapagaling ang sugat na nilikha ng umbra ni Avria kay Amihan. Nang may maramdaman silang nagbabadyang panganib.

         "Pashnea.... Bagong hukbo ng mga vedalje!" Sigaw ni Pirena.
         "Ngunit sugatan si Amihan!" Sabi ni Alena na tumayo na din at inihanda ang kanyang sandata. Ganun din ang ginawa nila Azulan, Memfes, Amarro at Apitong. Nilingon naman ni Pirena si Danaya at Ybrahim na hawak pa din si Amihan.
         "Danaya! Gamitin mo ang evictus at umalis na kayo nila Ybrahim at Aquil dito." Utos ni Pirena sa bunsong apwe.
     
          "Ngunit paano kayo?" Tanong ni Danaya.
          "Kami na ang bahala sa sarili namin... Basta ipangako mo na gagaling si Amihan...." Sambit pa ni Pirena kay Danaya, sang-ayon naman si Alena sa naisip ni Pirena.
          "Kung gayon ay mag-ingat kayo." Sabi nj Danaya saka niya hinawakan sila Ybrahim na hawak si Amihan at si Aquil saka sila nag-evictus paalis ng kuta nila Amarro.

         "Tayo na at tapusin ang mga vedalje na ito." Sabi ni Pirena sa mga kasama saka nila sinalubong ang pagsalakay ng mga kawal-Etherian na dala nila Juvila at Odessa.

        Agad na nilabanan nila Pirena at Alena kasama ng kanilang mga kapanalig ang mga kawal-Etherian na sumugod sa kanila na madali din nilang nagapi.

        "Tanakreshna! Di ako papayag na matalo tayo!" Sabi ni Juvila saka niya pinagana ang kanyang kapangyarihan. Pinatigil ni Juvila ang panahon pansamantala sa kanyang mga vedalje kaya di makagalaw ang mga diwata.

        "Pashnea... Si Juvila!" Sambit ni Pirena ng di na sila makagalaw. Marahan naman lumapit sa kanila sila Juvila at Odessa.
        "Lumaban kayo ng patas tanggalin mo ang kapangyarihan mo sa amin!" Galit na sabi ni Alena. Nakangising tinapik-tapik ni Odessa ang kanyang pisngi.

          "Ssheda mababang uri ng diwata... Lahat kayo dadalhin namin kayo sa Etheria... Hahayaan namin ang Reyna Avria ang siyang magpataw ng parusa sa inyo." Sabi ni Odessa.
        "Mga kawal... Itali sila at dadalhin na natin sila sa Hera Andal." Sabi ni Juvila. Isa-isa namang itinali ng mga kawal-Etherian saka sila pinagtulakan para maglakad papuntang Hera Andal.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

         Di maiwasan ni Aquil na ikuyom ang palad niya habang pinagmamasdan nila ang pagdakip ng mga kawal-Etherian sa kanyang ama at sa mga dayo. Nang nagkagulo na kanina ay lihim silang pinuntahan ni Apitong para ilikas at di madamay sa pagdarakip ng mga kawal-Etherian.

        "Adto Apitong... Paano si Ama?" Tanong ng paslit na si Aquil. Napailing naman si Apitong.   
        "Huwag kang mag-alala... Makakayanan ni Pinunong Amarro na makatakas sa Etheria." Pampalubag loob ni Apitong sa bata.
        "Ngunit saan na tayo tutungo Apitong?" Tanong sa kanya ng isa sa mga diwata.

         "Ayon sa narinig ko sa mga panauhing diwata na galing sa kuta nila Marvus... Nasa Ascano daw ang mga ito.... Kaya mga kasama doon din tayo tutungo." Sabi ni Apitong sa mga ito. Nagtanguan naman sila saka sila nagsimulang maglakad papuntang Ascano.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

              Sa isang batis lumitaw sila Danaya, Aquil at Ybrahim habang nasa bisig niya ang walang malay pa ding si Amihan ngunit ang kataka-taka ay di na sumunod sa kanila ang mga retre.
        "Amihan.... Maawa ka... Idilat mo na ang iyong mga mata...." Sambit ni Ybrahim.

         Wala naman magawa si Danaya kundi ang mapayuko dahil naiinis siya sa sarili sapagkat wala siyang magawa para mailigtas ang kanyang apwe. Niyakap naman siya ni Aquil para panatagin ang loob niya.

         Ilang saglit pa ay isang liwanag ang nagmula sa mga kamay ni Amihan na sumakop sa kanyang buong katawan.
        "Amihan?" Gulat na sabi ni Ybrahim at ng mawala ang liwanag ay unti-unti ay idinilat ni Ybrahim ang kanyang mga mata at ang unang nakita mga ay ang wangis ng nag-aalalang si Ybrahim.

          "Amihan..."
         "Ybrahim....." sambit ni Amihan na hinaplos ang pisngi ni Ybrahim saka siya maayos na umupo. Nakahinga naman ng maluwag ang tatlo.
         "Amihan paano mo nagawang takasan ang iyong kamatayan?" Tanong ni Danaya sa kapatid.
        "Sapagkat pinili ko itong labanan... Pinili ko ang mabuhay para sa Encantadia at para sa mga mahal ko." Sagot ni Amihan saka siya tumingin kay Ybrahim na animo ay natanggalan ng pasanin sa sayang nakikita sa muka nito.

         "Masaya ako Amihan na nilabanan mo ang kamatayan at piniling manatili sa aming piling." Nakangiting sabi ni Ybrahim saka nila niyakap ng mahigpit ang isa't-isa.

        "Nasaan na tayo? Nasaan na sila Pirena at Alena... Ang mga kasama natin?" Tanong ni Amihan pagkatapos siyang tulungan makatayo ni Ybrahim.
       "Naiwan sila sa kuta ng aking ama...." Sabi ni Aquil sa kaniya.
       "Kung ganoon ay tayo na at bumalik doon." Sabi niya.
      "Amihan... Maghintay ka na lamang dito...mahina ka pa....hintayin niyo na lamang kami dito." Sabi ni Danaya.
      "Ngunit Danaya." Pagpoprotesta niya ngunit di na natinag ang pasya ng diwata ng lupa.

        "Tama na Amihan... Maghintay na lamang kayo ni Ybrahim dito.... Aquil tayo na." Sabi ni Danaya saka kumapit sa kanya si Aquil saka sila naglaho.

      Hinawakan naman ni Ybrahim ang kamay ni Amihan.
      "Hayaan mo na si Danaya... Nais lamang niyang maging ligtas ka pagkatapos ng nangyari." Sabi ni Ybrahim sa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi ang tumango sa sinabi ng sapiryan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Hera Andal.....

       Halos ipagtulakan ng mga kawal sa punong bulwagan sila Pirena, Alena, Amarro, Azulan at Memfes kasama ng mangilang-ngilang pang nag-aaklas na diwata na nahuli nila Juvila at Odessa. Napangiti naman si Avria saka siya bumaba sa kanyang trono at nilapitan ang mga nakagapos na diwata.

       "Sino sa kanila ang pashneang pumaslang sa mga kawal natin?" Tanong ni Avria. Agad naman na nilapitan ni Juvila sila Pirena at Alena saka niya ito pinagtulakan palapit sa Reyna.
       "Sila Mahal na Reyna... Sila ang mga ashtading kumakalaban sa Etheria." Sambit ni Juvila mas lumapit naman si Avria sa dalawa saka niya binigyan ng malalakas na sampal ang magkapatid na diwata.

       "Ashtadi!" Sigaw ni Pirena kay Avria na tinawanan naman siya.
       "Tama pala sila may taglay na tapang ang mga diwatang ito... Ngunit sayang... Sapagkat maikli lamang ang buhay niyo dahil dito na kayo sa Etheria mamamatay! Kawal... Dalhin sila sa piitan at wag pakakainin o paiinumin man lang." Utos ni Avria sa mga kawal na agad naman na sinunod ng mga ito.

        Pilit mang kumakawala ang mga bihag ay nadala na din sila ng mga kawal-Etherian papunta sa kanilanh piitan kung saan nila hihintayin ang kanilang kaparusahan na kamatayan.

        Nakangiting pinagmasdan naman ni Avria ang mga ito saka siya muling umupo sa kanyang trono. Dalawa na ang hawak niya... Dalawa na lang ang kanyang dapat hulihin at wala na muling magtatangka na pabagsakin ang Etheria.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

              Pagdating nila Danaya at Aquil sa kuta nila Amarro ay nanlumo sila sa nangyari dito. Sinunog ng mga etherian ang buong kuta. May mangilan-ngilan silang nakitang patay na diwata at kawal-Etherian ngunit wala na sila Pirena.

        "Nasaan na sila?" Tanong ni Danaya kay Aquil.
        "Ang hiling ko lang Danaya ay di sana napahamak ang aking ama at ang iyong mga apwe" sagot ni Aquil sa kanya. Napailing naman si Danaya ito ang ayaw niyang mangyari ang magkahiwa-hiwalay muli sila dahil tyak na mas mahihirapan silang mabawi ang kanyang mga hadia at makabalik sa panahon nila.

        "Aquil... Maglibot-libot tayo baka nasa paligid lang sila." Sabi ni Danaya, tumango naman ito saka sila naglakad-lakad, nagbabaka-sakaling makita sila Amarro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Adjantao......

            Masayang pinagmamasdan ni Ornea ang anak niyang si Cassiopei-a sa kanyang mga bisig. Maging si Memen ay di maitago ang tuwa habang tinitingnan ang anak.
         "Tiyak ko kung makikita lang ni Mine-a si Cassiopei-a ay matutuwa din ito sa kanyang apwe." Nakangiting sabi ni Memen. Ngumiti naman si Ornea sa sinabi ng katipan saka naman pumasok si Evades sa kubol nila.

         "Tila humahangos ka Evades.... Ano ba ang nangyari?" Tanong ni Memen sa kapatid.
        "Kailangan na natin makaalis dito nararamdaman ko na palapit na ang mga kawal-Etherian at ang hadia nating si Andora.... Alam kong dadakpin ka na nila." Sabi ni Evades nagkatinginan naman sila Memen at Ornea.
        "Memen umalis na tayo dito... Ayokong mapasakamay nila o mapaslang ang ating anak." Sabi ni Ornea. Tumango naman si Memen at iniligpit ang mangilan-ngilang gamit nila saka niya tinulungan makatayo si Ornea at lumabas na sila nh kubol.

         "Dito tayo sa kaliwang bahagi magdaan...." Sabi ni Evades na pinangunahan ang pag-alis nila ng Ajantao bago pa man dumating si Andora.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa kagubatan....

            Marahang ibinalabal ni Ybrahim ang makapal na tela muli kay Amihan ng mapag-isa na sila habang naka-upo sa ilalim ng malaking puno at naghihintay sa pagbabalik nila Danaya.

         "Dapat talaga sumama na tayo kina Danaya sa pagbalik nila sa kuta nila Amarro... Baka kung anong nangyari sa kanila." Sabi ni Amihan hinawakan naman niya ang kamay nito.
        "Ipanatag mo ang loob mo.... At pagkatiwalaan mo sila Danaya na ligtas silang makakabalik dito." Sabi nama niya dito, tumango naman ito sa sinabi niya ng maramdaman na palapit sa kanila. Agad silang naging alerto ni Amihan dahil baka isa itonb kawal-Etherian at mapapalaban na naman sila.

          Ngunit nagkamali sila dahil isa itong sapiryan at nagkagulatan pa sila ng magkakitaan. Tila nakilala naman nito si Ybrahim.
        "Ybrahim... Ikaw ba iyan?" Tanong nito sa kay Ybrahim napatingin naman si Amihan sa mga ito. Napangiti naman ang kanyang kasama.

        "Rehav Raquim... Ako nga ito." Sagot naman
Ybrahim sa encantado na ikinabigla ni Amihan.
        "Ikaw si Raquim ng Sapiro?" Tanong niya tumango naman ito.
        "Ako nga... Liban na lamang kung may iba pang Raquim kang kilala-----" di na natapos ni Raquim ang kanyang sinasabi ng yakapin agad siya ni Amihan. Hindi alam ng binatang prinsipe pero nakaramdam siya ng tuwa sa puso niya ng yakapin siya ng encantada.
          Samantalanh si Amihan ay walang pagsisidlan ng saga dahil nakita niya na muli ang kanyang pinangungulilaang ama.

         "Diwata... Ano ba ang iyong ginagawa?" Tanong ni Raquim sa kanya saka naman bumitaw si Amihan lumapit naman si Ybrahim para idistansya siya sa kanyang ama.
        "Poltre Rehav Raquim.... Nadala lamang ako ng damdamin ko.... Usap-usapan kasi nf mga diwata ang ginagawa niyong pagtulong sa amin.... Kaya ikinatuwa ko na nakilala na kita... Kaya nayakap kita." Pagsiainungaling ni Amihan kay Raquim mg mapagtanto niya ang kamaliang nagawa niya kanina lamang
        "Siyang tunay Rehav Raquim..... Ano nga pala ang ginagawa niyo dito?" Tanong na lamang ni Ybrahim.

        "Ah... May hinahanap kasi akong encantada na nagngangalang Amara.... Nagbabakasakaling makita ko siya... Teka siya ba ang sinasabi mong kasama mo na hahanapon mo kaya ka umalis ng Sapiro?" Tanong ni Raquim kay Ybrahim
        "Siya nga Prinsipe Raquim... Siya si Amihan." Sagot naman ni Ybrahim napatingin naman sa kanya si Raquim.

         "Napakagandang pangalan... Ang ganda sa pandinig." Nakangiting sabi nito sa kanya.
        "Avisala eshma" nsambit ni Amihan.
        "Sandali lamang bakit di pa kayoa tumuloy sa Sapiro.... Nakita niyo naman na ang isa't-isa.... Mas magiging ligtas kayo doon." Sabi nito. Napatingin naman sa kanya si Ybrahim.

       "Avisala eshma sa inyong paanyayaya" sagot niya
        "Kung gayon at tayo na." Sabi ni Raquim sa kanila saka ito nauna nang lumakad. Nanatili naman nakatayo ang dalawa.

         "Amihan....?" Nagtatakang tanong ni Ybrahim
        "Gusto kong makasama siya Ybrahim mm. Kahit saglit lang..." Sagot niya tumango naman si Ybrahim saka sila sumunod kay Raquim papuntang Sapiro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Hera Andal.....

         "Anong sinabi mo Gurna.... Nahuli ang mga nag-aaklas na diwata?" Tanong ni Mine-a sa kanyang dama.
        "Siyang tunay mahal na Heran.... Sa kasalaukuyan ay nakapiit sila." Sagot ni Gurna sa kanya. Biglang nagkaroon ng pagnanais si Mine-a na makita at makaharap ang mga diwata na nagiging sakit sa ulo ng kanyang Ina.

         "Nais ko silang makita...." Sabi ni Mine-a saka siya tumayo at lumabas ng kanyang silid agad naman na sumunod sa kanya si Gurna.
.
.
.
.
.
.......
.
.
.
.
.
.
           Hindi maiwasan mag-alala ni Pirena dahil kay Amihan at dahil nakapiit sila ngayon nila Alena.
           "Pirena.... Maupo ka na nga.... Wala naman magagawa ang iyong inis sa naganap sa atin." Sabi ni Alena, samantalang tahimik lang na nakatingin sa kanila sila Amarro, Azulan at Memfes.
          "Hindi naman sa naiinis lang ako.... Iniisip ko din si Amihan.... Ano na kaya ang lagay niya ngayon... Napagaling kaya siya ni Danaya.... At paano natin sila makikita muli." Sabi ni Pirena kay Alena, napahinga naman ng malalim si Alena.

            "Siyang tunay.... Ngunit ang dapat nating alalahanin ngayon ay kung paano tayo makakatakas dito sa Hera Andal." Sabi ni Alena.
           "Tama si Alena.... Dahil lalong di natin magagawa ang ating misyon kung mapapaslang nila tayo." Sabi naman ni Azulan sa kanya. Tumango na lamang siya sapagkat may katotohanan naman ang mga sinambit ng dalawa.

           Maya-maya pa ay may mga dumating na karagdagang kawal-Etherian at mga dama.
         "Anong nangyayari?" Tanong ni Memfes, na-alarma naman tuloy sila kung sino ang dumating sa piitan. Ilang sandali pa ay nakita na nila kung sino ang dumating, isang naoakagandang encantada na sa tingin nila ay may mataas na katungkulan sa Etheria.

          "Magbigay pugay sa anak ng Reyna Avria." Sabi ng kawal sa kanila. Napaatras naman sila at piniling wag yumukod dito.
           "Kayo pala ang mga diwatang kumakalaban sa Etheria.... Bakit? Bakit niyo ito ginagawa?" Tanong nito. Napatingin dito sila Alena at Pirena di nila alam kahit na anak ito ng Reyna Avria ay wala silang makapang galit o inis man lang dito.
          "Sapagkat sobra na ang inyong pagmamalabis sa mga diwata!" Sabi ni Amarro. Natigilan naman ito. Sasagot sana ito ng dumating si Vixtus.

          "Hera Mine-a.... Maling narito kayo at nakikipag-usap sa mga ashtading ito." Sabi nito sa Etherian na nakaharap sa kanila. Di makapaniwala na napatingin sila Pirena at Alena dito ng marinig kung ano ang ngalan ng Heran na nakaharap sa kanila.
         "Nais ko lamang silang makita... Sige na babalik na ako sa aking silid." Sabi ni Mine-a saka sumunod sa kanya ang mga dama niya.

          Tiningnan naman sila ng masama ni Vixtus bago ito umalis ngunit di na ito nabigyan ng pansin nila Alena at Pirena dahil natuon ang atensyon nila sa Hera Mine-a.
           "Narinig mo iyon Pirena....Mine-a ang ngalan ng heran na iyon... Siya kaya ang ating Ina?" Tanong ni Alena sa nakatatandang kapatid
           "Kung siya nga ang ating Ina.... Ibig sabihin may dugong etherian tayo?" Naguguluhang sabi ni Pirena sa kapatid.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

              Nang wala ng makitang diwata sila Aquil at Danaya sa paligid ay bumalik na sila sa lugar kung saan nila iniwan sila Amihan at Ybrahim ngunit wala na din ang dalawa doon.
          "Danaya wala na din sila dito." Sabi ni Aquil. Napailing si Danaya.
          "Saan naman kaya sila nagpunta... Wag naman sanang nabihag din sila ng Etheria." Sabi ni Danaya
         "Ang mabuti pa ay hanapin natin sila." Sabi ni Aquil tumango naman si Danaya saka sila naglakad ng may marinig silang mga yabag na palapit sa kanilang kinaroroonan. Agad na inihanda ng dalawa ang kanilang mga sandata ng makita nilang sila Apitong at batang Aquil ito kasama ang iba pang mga diwata.

         "Diwatang Danaya!" Nakangiting tawag sa kanya ng batang Aquil na agad yumakap sa kanya napangiti naman si Danaya at niyakap din ang paslit. Napailing naman si Aquil tila yata nagseseslos siya sa batang sarili dahil sa pagyakap nito kay Danaya. Bumaling na lang tuloy siya kay Apitong.

         "Apitong ano ang nangyari?" Tanong niya.
         "Ang mga kasama niyo at si Pinunong Apitong ay nabihag ng mga Etherian." Sagot ni Apitong sa kanya.
         "Ganoon ba.... Saan kayo tutungo ngayon?" Tanong ni Danaya. Marahan naman hinawakan ni Aquil ang batang Aquil at medyo inilayo kay Danaya nakakunot naman ang noo na tumingin ito sa kanya. Nginitian na lamang niya ito.

         "Papunta kami sa Ascano...dahil batay na din sa sinabi niyo ay nandoon sila Marvus...panahon na para magsanib pwersa na kami." Sabi ni Apitong. Tumango naman sila Danaya at Aquil.
         "Kung ganoon ay sasama kami." Sabi ni Danaya.
          "Kung gayon ay tayo na.... At magtungo sa Ascano." Sabi ni Apitong sa kanila, tumango naman sila Danaya at Aquil saka sila naglakad papuntang Ascano.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Sapiro.....

         Naabutan si Amihan ni Ybrahim na nakatingin sa madilim na kalangitan na nalalatagan ng magagandang bituin at ng dalawang buwan ng Encantadia.
         "Amihan... Bakit ka narito?.... Di ka pa ba magpapahinga?" Tanong ni Ybrahim sa kanya.
        "Nagpadala lamang ako sa hangin ng isang mensahe kay Danaya para sabihin kung nasaan tayo....at nasisiyahan lang ako kahit paani ay nakita ko si Itay." Nakangiting sabi niya. Huminga naman si Ybrahim saka tumingin sa kanya.

         "May nais ka bang sabihin Ybrahim?" Tanong niya dito bumaling naman sa kanya si Ybrahim.
         "Amihan alam ko na di ito ang tamang panahon para dito.... Pero sobra akong nangamba sa nangyari... Na maaari kang muli ay mawala sa akin kung itatakda man ng tadhana...." Sabi ni Ybrahim saka ito may kinuha sa sisidlan ng kasuotan nito. Isang maliit na kahita. Nang binuksan ito ni Ybrahim ay isang magandang palamuting na may dyamanteng nag-aagaw ang asul at ginto ang kulay pag nasisinagan ng liwanag.

          "Ybrahim...iyan yung katulad sa mundo ng mga tao na nakikita natin noong tumira tayo doon kasama si Itay..." Sambit niya patukoy sa palamuti.
          "Oo.....at lagi itong nasa akin... Humahanap ako ng pagkakataon na maibigay sayo toh.... Ngunit sa mga nangyari kanina naisip ko walang tamang panahon para dito lalo at di natin hawak ang kapalaran natin....." Sambit nito saka hinawakan ang kanyang kamay.

         "Ybrahim...."
         "Amihan.... Ikaw ang noon pa man ay hanap-hanap na ng aking puso.... Ang pangalan mo ang sigaw ng bawat pintig nito....
          Amihan mahal na mahal kita... At kung papayagan mo ay nais ng Sapiryang ito na makasama ka habang buhay bilang aking kabiyak...." Buong sinserong sabi ni Ybrahim sa kanya. Di maiwasan ni Amihan na mapuspos ng labis na saya ang kanyang damdamin.

        "Mahal na mahal din kita Ybrahim.... At tinatanggap ng diwatang ito na makasama ka habang buhay at maging kabiyak ng iyong puso." Nakangiting sabi niya. Di naman maitatanggi ang saya ni Ybrahim sa kanyang sagot saka nito isinuot sa kanyang daliri ang palamuti.

         "Di mo alam kung gaano mo ako pinasaya...mahal ko..... E correi diu Amihan...." Nakangiting sabi ni Ybrahim sa kanya.

         "Ganoon din ako..... E correi dei diu Ybrahim..." Sagot ni Amihan saka siya marahang hinalikan ni Ybrahim sa kanyang noo, sa kanyang pisngi at huli nitong hinagkan ang kanyang labi.
.
.
.
.
........Ivi adoyaneva e
ivi sancretireya
Asshenti, e corre
ivi neshda asshenti
E corre desha
ivi a acrimeya
E corre e corre
ivi neshda asshenti......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Engagement party everyone? 💙💛
Char!
Comment and Votes.

Continue Reading

You'll Also Like

100K 296 72
PART 1 Naghahanap ka ba ng pangalan para sa character mo? Well feel free to browse this and find the name you're looking for! -- Do you need names fo...
9.9K 469 25
When Life after death plays with destiny, to fulfill the Love that has been shortened by an unfortunate event.
21.8K 392 29
This is a story After The War againts Hagorn and the Etherians as One Chapter Ends another Chapter opens. A Story about Love and Sacrifice
It's You By Aloha

General Fiction

18.6K 366 45
"Sa totoong mundo mahirap manglimos ng totoong pagmamahal."