Pagkarating na pagkarating namin sa loob ng bahay ay mabilisan akong itinulak ng tatlong baliw papunta sa kwarto ko. Dito magoovernight si Ryzza, gusto daw kasi nila Jm na kasabay sya pagpasok bukas para makita ang reaksyon ng mga kaklase namin.. Si Jake naman ay nauna na papuntang taping ng isang telenovela nya.
Nang makarating sa loob ng kwarto ay isinara nila ang pinto ko, tinulak ako paupo sa kama, pinatay ang ilaw at tinutok sakin ang flashlight ng phone ni Jm. “Jm! Wag mo itutok sa mata ko.. nakakasilaw!”
Ibinaba nya naman ito ng direksyon at sabay sabay pa silang nagsalita. “Speak up.”
I literally rolled my eyes. Sabi ko na nga ba ay hindi nila palalampasin ang nangyari kanina. “Ano bang dapat ko sabihin?”
“Nako Steffie ha! Bruha ka! Magsalita ka o kakalbuhin kita!” kahit kailan ay wala ata akong maipanglalaban sa kabrutalan ni Cecille.
“Ano ngang sasabihin kooooo?”
Umiling-iling si Ryzza. “Si Bryan.. sya yung kanina no?”
“H-How did you know?” patay! Patay ako talaga sa kanila. =_= Brace yourself, Steff!
At simula na nga ang pagbubunganga ni Jm. “Anong akala mo samin ha? Kasing manhid ni Jake? Nako nako. Babae ka! Sabihin mo na! Bakit ba nagpapakatanga ka pa dyan sa Bryan na yan?! Niloko ka na nga nila ni Laine! Jusko Steffanya! Hindi pa ba sapat ang tatlong taong katangahan!?”
Inaamin kong nasaktan ako dun.. pero hindi ko naman sila mapipilit na paniwalaan din si Bryan tulad ng ginagawa ko ngayon. Kung katangahan ang maniwala sa kanya, okay sige, tanga nga siguro ako.
Minsan lang sila magsalita ng seryoso... pero ang sakit pala. Tagos-tagusan. </3
“Hindi kami tanga para hindi mapansin lahat Steff. Yung mga sulyap ni Bryan sayo at yung malalagkit mong tingin sa kanya.. at kanina narinig namin na andun si Bryan din sa mall.. dun namin naisip na si Bryan nga ang nasa loob ng mascot.” paliwanag ni Cecille.
“At yung rason mo na katext mo si Jona.. duh Steff?! Nakalimutan mo na ba? Sinabi mo na din yang rason na yan kaninang umaga nung tinanong ka namin kung sinong nagtext sayo.. You said the exact same reason!” hindi ko maintindihan kung natatawa o naiinis si Ryzza sa reaksyon nya..
Grabe ganun ba ako hindi kagaling magsinungaling?! =_=
“O-Okay guys, I’m sorry alam ny—“
“Ano bang meron si Bryan at hindi mo siya mabitaw-bitawan?” mahinahong tanong ni Jm.. his words strucked me.. Ano nga ba? Bakit nga ba? Bakit ba sya?
“I love him Jm.. I’m inlove with him.”
Right now.. I just really wanna be alone and sulk in my room for a month.. Yes. Loner it is.
Inis na napahilamos si Cecille sa mukha niya. “At dahil lang mahal mo siya kaya okay lang na magmukha kang tanga? Okay lang na masaktan ka? Okay lang na lokohin ka nya! Ay grabeng kagagahan na yan Steffie Lian! Hindi ko ma-reach! Nagi-isip ka pa ba?!” mataas na ang tono ng boses nya. Hindi ko tuloy maiwasan ang pagbigat ng dibdib ko.
Hindi ko alam yung nararamdaman ko ngayon.. yung lumulutang na feeling kanina biglang naglaho. Biglang naging mali ang lahat.. Maling mahalin siya, maling maniwala ako sa kanya, maling pakinggan ko pa siya.. Ang hirap pala ng pakiramdam na ganito, yung parang wala ka man lang kakampi sa nararamdaman mo..
Sa totoo lang ay sila ang inaasahan kong unang iintindi sakin.. diba sinabi pa nga nila na ipaglaban ko si Bryan nung una? Bakit biglang naging ganito? Naiintindihan ko.. galit sila dahil dun sa issue, but they made it sound na I’m the dumbest person on earth because I am madly inlove with Bryan Harris. Like I’ve commited a mortal crime.
And it hurts to personally hear it from them.. yung pangbabash sakin ng mga fans nila Laine at Bryan sa social sites ay matatanggap ko pa. Yung pagtsi-tsismis sakin ng mga estudyante sa eskwelahan ay maatim kong pakinggan.. pero mga kaibigan ko sila. At ang sakit palang marinig mula sa kanila kung gaano ako kalaking tanga.
Ryzza walked and sit beside me.. making me stop from crying. “Mayroon ba kaming hindi alam, Steff?”
Gusto ko sabihin sa kanila yung mga sinabi ni Bryan pati na rin ang mga pagu-usap namin habang nasa camp.. Maniniwala kaya sila? O huhusgahan din nila ako tulad ng ibang tao?
Lumapit na din si Jm at Cecille at umupo sa kama.. “Sorry teh. Na-carried away lang ako. Ikaw naman kasi e! Magkwento ka naman minsan! Feeling ko tuloy hindi na tayo friends! Araw-araw nga tayo magkasama pero parang lagi kang alone.” may paghihinampong sabi ni Jm.. Guilty’ng-guilty na ako.
“Oo nga e. Paano ka naman kasi namin maiintindihan kung hindi ka magkkwento? Hirap na hirap na kaming ipagtanggol ka sa mga sumisira ng pangalan mo kasi naman hindi alam ang totoong istorya.” –Cecille
Niyakap ako ni Ryzza mula sa gilid ko. “Alam mo ba kung ilang accounts na sa bawat social net ang nagagawa naming tatlo maipagtanggol ka lang? Pero nung mga nakaraan ay hindi na kami makapagsalita kasi hindi na namin nasusubaybayan yang lovelife mo.. Akala ko ba tama na? Akala ko ba move on na?”
Ang sarap pa rin sa pakiramdam ng may mga kaibigan kang dumaramay sayo sa mga panahon na tulad nito.. Yung mga kaibigan papakinggan ka, ipagtatanggol ka, at yayakapin ka kapag umiiyak ka.. Hindi katulad ng ibang kaibigan na nangiiwan, yung kaibigang andyan lang pag may kailangan, yung kaibigan paguusapan ka kapag wala ka sa harap nila.. yung kaibigang tulad ni Laine.. hindi ata kaibigan ang tawag dun.
“Akala ko din e. Akala ko din kaya ko siya kalimutan, akala ko kaya ko siyang hindi tignan.. akala ko napagod na yung puso ko masaktan.. hindi pa pala. Kaya nga maraming namamatay sa maling akala diba? Gustuhin ko man na iwasan sya ay hindi ko magawa, gustuhin ko mang kalimutan sya pero ni umpisahan hindi ko alam kung saan magsisimula.. Tanga ba ako? Hayy. Siguro nga tanga nga ako.. pero ano bang dapat ko gawin? Yung puso ko ang nagsasabing paniwalaan ko siya.. yung puso ko ang nagsasabing patuloy kong mahalin siya.” I smiled bitterly.
Ngayon ko lang napatunayan na kahit anong sabihin ng ibang tao.. kapag nagpaliwanag siya ay mas pakikinggan at paniniwalaan ko siya.. Minsan kahit gaano kasakit.. kahit gaano kalabo.. tinatanggap at iniintindi ko para sa kanya.
Nakakaasar ba?
Wala e, mahal ko siya.
“Kinausap niya ako kaninang umaga. He told me everything.. na wala siyang kinalaman sa issue at pagpapa-interview ni Laine. Hindi ko alam kung bakit ba kayang-kaya ko siyang paniwalaan sa isang iglap lang. Para kasing sinasabi ng puso ko na.. nagsasabi siya ng totoo. Nung nasa camp kami wala siyang ginawa kundi ang bantayan ako, alagaan. Sinabi niya noon palang na pagkabalik nya ay makikipaghiwalay na sya kay Laine, pero hindi ako pumayag.. Kaibigan ko pa din si Laine.. but not until I heard the issue. Mahal ko si Bryan, guys. And sorry for not telling you this earlier. Natatakot kasi akong husgahan nyo ako.” nakayukong sabi ko. Nakakahiya.. baka nasaktan ko sila dahil tingin nila ay hindi ko sila pinagkakatiwalaan.
Bigla akong nakaramdam ng malakas na batok. Sino pa ba ang brutal saming lahat? “Gaga! Bakit ka naman namin huhusgahan! Kung iniisip mong katulad kami ng bitch mong friend na si Laine nagkakamali ka.. Haynako Steffie. Ang sarap mong batukan ng paulit-ulit.”
Napangiwi ako habang kinakamot ang part ng ulo ko na walang awa nyang hinampas. Grabe. Kawawa ang magiging boyfriend nitong babaeng ‘to pag nagkataon.
“Teka! Saan ba kasi talaga nagsimula lahat?” curiousity is written in Ryzza’s face.. para bang kapag hindi ko nasagot ang tanong nya ay ikamamatay nya.
“Simula? Anong simula?”
“When did you fall inlove with him? How did you two meet? I mean hindi naman pwedeng naging crush mo lang sya nung first year tapos BOOM! Hindi ka na naka-get over ng walang dahilan.. mukhang malalim ang pagkakahulog mo sa kanya e so hula ko may mas malalim na dahilan.”
Oo nga pala no? Hindi ko pa pala naikkwento sa inyo kung bakit ako inlove na inlove kay Bryan.. “Ganito kasi yun—“
“HEP HEP!!!” sigaw naman ni Jm na tumakbo pa sa harap ko para pigilan ako magsalita. “Wag.ka.muna.magsalita. Couz! Maglatag ka dyan sa baba ng kama ni Steffie. At ikaw Betty, samahan mo ako! Magluluto tayo ng popcorn!”
“Teka?! Bakit? Ano meron?!”
“Dito kami matutulog sa kwarto mo para makinig sa mahaba-habang kwento mo.. at syempre mas masarap lahat kapag may pagkain! Kaya wait ka lang dyan ha! DONT MOVE! Or else..” umakto pa ito na parang hinihiwa ang leeg, tinapunan ko nga ng unan!
*****
NEXT LONG UPDATE