Encantadia: A Love Untold [C...

By AmihanMaxTine

278K 7.4K 2.4K

One Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love L... More

Ω Kabanata I Ω Ang Pagbabalik sa Lireo
Ω Kabanata II Ω Ang Kapasyahan ni Mine-a
Ω Kabanata III Ω Ang Sayaw ng Pag-Ibig
Ω Kabanata IV Ω Maskara
Ω Kabanata V Ω Ang Reyna
Ω Kabanata VI Ω Reyna Amihan
Ω Kabanata VII Ω Ang Itinadhana ni Emre
Ω Kabanata VIII Ω Pagdadalang-Diwata
Ω Kabanata IX Ω Mga Nababagabag na Damdamin
Ω Kabanata X Ω Mine-a
Ω Kabanata XI Ω Lihim
Ω Kabanata XII Ω Panlilinlang
Ω Kabanata XIII Ω Si Lira
Ω Kabanata XIV Ω Ang Prinsipe ng Sapiro
Ω Kabanata XV Ω Ang Pagkawala ni Alena
Ω Kabanata XVI Ω Ang Galit ng mga Sang'gre Ω
Ω Kabanata XVII Ω Pagtatagpo Ω
Ω Kabanata XVIII Ω Agam-agam ni Amihan
Ω Kabanata XIX Ω Ang Katotohanan Ukol kay Ybarro
Ω Kabanta XX Ω Bugso ng Kapangyarihan
Ω Kabanata XXI Ω Ang Reputasyon ni Danaya
Ω Kabanata XXII Ω Ang Kaparusahan kay Danaya
Ω Kabanata XXIII Ω Ang Katuparan ng Plano ni Pirena
Ω Kabanata XXIV Ω Ang Pagbagsak ng Lireo
Ω Kabanata XXV Ω Ang Pagkagapi ni Amihan
Ω Kabanata XXVI Ω Ang Kantao, ang Dyamanteng Lira At ang Maskara ni Hara Amihan
Ω Kabanata XXVII Ω Mga Itinakdang Pagtatagpo
Ω Kabanata XXVIII Ω Ang Pagkikita nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXIX Ω Ang Pagbabalik
Ω Kabanata XXX Ω Ang Muling paghaharap nila Amihan at Pirena
Ω Kabanata XXXI Ω Ang Misyon nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXXII Ω Ang Pagbabalik ng Ala-ala ni Alena
Ω Kabanata XXXIII Ω Ang Damdamin ni Amihan
Ω Kabanata XXXIV Ω Ang Kapahamakan kay Lira
Ω Kabanata XXXV Ω Ang Basbas kay Lira mula sa Devas
Ω Kabanata XXXVI Ω E Correi....... Hara
Ω Kabanata XXXVII Ω Ang Muling Pagkikita nila Amihan at Alena
Ω Kabanata XXXVIII Ω Ang Paghingi ng Kapatawaran ni Amihan kay Danaya
Ω Kabanata XXXIX Ω Ang Anak ni Hara Amihan
Ω Kabanata XL Ω Ang Pagliligtas ni Rehav Ybrahim sa Hara Amihan
Ω Kabanata XLI Ω Si Caspian
Ω Kabanata XLII Ω Ang mag-Inang Amihan at Lira
Ω Kabanata XLIII Ω Ang Punyal ng Sandugo
Ω Kabanata XLIV Ω Isang Pamilya
Ang Apat na Sang'gre
Ω Kabanata XLV Ω Si Kahlil
Ω Kabanata XLVI Ω Ang Panlilinlang ni Pirena
Ω Kabanata XLVII Ω Bugna
Ω Kabanata XLVIII Ω Edi Sanctre
Ω Kabanata XLIX Ω Ang Batis ng Katotohanan
Ω Kabanata L Ω Rehav ese Adoyaneva
Ω Kabanata LI Ω Mga Maitim na Balak ni Adhara
Ω Kabanata LII Ω Ang Sumpa ni Ether
Ω Kabanata LIII Ω Mga Mapaglarong Puso
Ω Kabanata LIV Ω Amarteya Lireo
Ω Kabanata LV Ω Ang Pangako Ni Ybrahim
Ω Kabanata LVI Ω Ang Dalawang Kahilingan
Ω Kabanata LVII Ω Ang Itinadhana Para kay Amihan
Ω Kabanata LVIII Ω Ang Pagsisilang ni Amihan
Ω Kabanata LIX Ω Ang Paglalakabay Patungong Devas
Ω Kabanata LX Ω Ang Pagbabalik Ng Ala-ala nila kay Lira
Ω Kabanata LXI Ω Ang Galit Ni Hara Amihan
Ω Kabanata LXII Ω Ang Pagpaparaya ni Alena
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Agam-agam ni Pirena
Ω Kabanata LXIV Ω Ang Huling Mensahe ni Mine-a
Ω Kabanata LXV Ω Ang Kapatawaran
Ω Kabanata LXVI Ω Hadezar
Ω Kabanata LXVII Ω Halik ng Pamamaalam
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Katuparan ng Propesiya kay Amihan
Ω Kabanata LXIX Ω Isang Bagong Simula
Encantadia: Ang Ikalawang Yugto
Ӝ Kabanata LXX Ӝ Ang Encantadia
Ӝ Kabanata LXXI Ӝ Ang Pagbangon
Ӝ Kabanata LXXII Ӝ Ang Bagong Etheria
Ӝ Kabanata LXXIII Ӝ Ang Huling Pagsubok para kay Lira at Mira Ӝ
Ӝ Kabanata LXXIV Ӝ Avisala, E Correi
Ӝ Kabanata LXXV Ӝ Ang Kasiyahan sa Lireo
Ӝ Kabanata LXXVI Ӝ Ang Apat na Kaguluhan sa Encantadia
Ӝ Kabanata LXXVII Ӝ Katotohanan at Panlilinlang
Ӝ Kabanata LXXVIII Ӝ Si Lirios
Ӝ Kabanata LXXIX Ӝ Pagkakabihag
Ӝ Kabanata LXXX Ӝ Isang Alok
Ӝ Kabanata LXXXI Ӝ Ang Brilyante ng Apoy
Ӝ Kabanata LXXXII Ӝ Ang Tunay na Danaya
Ӝ Kabanata LXXXIII Ӝ Ang Pagbagsak
Ӝ Kabanata LXXXIV Ӝ Enamuya
Ӝ Kabanata LXXXV Ӝ Ang Pagbalik Sa Nakaraan
Ang Kasaysayan ng Lumang Encantadia ayon sa kalatas na sinulat ni Raquim.
Cast and Characters of EALU: Enamuya Arc
Ӝ Kabanata LXXXVI Ӝ Ang Pagkawala ng mga Brilyante
Ӝ Kabanata LXXXVIII Ӝ Ang Muling Pagkikita
Ӝ Kabanata LXXXIX Ӝ Si Amihan, Ng Kaharian ng Lireo
Ӝ Kabanata XC Ӝ Ang Sapiryan at ang Diwata
Ӝ Kabanata XCI Ӝ Sila Memen at Ornea
Ӝ Kabanata XCII Ӝ Sang'gre laban sa Heran
Ӝ Kabanata XCIII Ӝ Ang Ina ng mga Sang'gre
Ӝ Kabanata XCIV Ӝ Si Mine-a
Ӝ Kabanata XCV Ӝ Si Mine-a at si Cassiopei-a
Ӝ Kabanata XCVI Ӝ Ang Pagliligtas
Ӝ Kabanata XCVII Ӝ Pagmamahal
Ӝ Kabanata XCVIII Ӝ Si Raquim, si Mine-a at si Hagorn
Ӝ Kabanata XCIX Ӝ Lireo
Ӝ Kabanata C Ӝ Ang Paglusob
Ӝ Kabanata CI Ӝ Ang Inang Brilyante
Avisala
Kabanata CII: Ether
Kabanata CIII: Pagbabalik sa Kasalukuyan
Kabanata CIV: Pag-Iisang Dibdib
Kabanata CV: WAKAS
Avisala Eshma

Ӝ Kabanata LXXXVII Ӝ Ang Pagdadalang-Diwata ni Ornea Ӝ

1.6K 43 12
By AmihanMaxTine

Ӝ Kabanata LXXXVII Ӝ
Ang Pagdadalang-Diwata
ni
Ornea

Ӝ

Sa Nakaraan......

           Isang bagong umaga ang nagisnan ng magkakapatid na Sang'gre sa kuta ng mga diwata sa Eceros. Paglabas ng kanilang kubol ay agad nilang nakita ang pagsasanay nila Demetria at Marvus sa mangilang-ngilang diwata ng pakikipaglaban.
          "Ang akala ko ba ayon sa kasaysayan ni Aldo Raquim ay di marunong ang mga diwata na makipaglaban sa panahon na ito kaya nga sila naaalipin di ba?" Tanong ni Pirena sa kanyang mga apwe.

          "Hindi ko din alam kadarating lang natin kahapon napaka-imposible naman na may nagawa tayo para mabago ang kanilang pamumuhay." Sagot ni Amihan kay Pirena. Sumang-ayon naman sila Alena at Danaya.
         "Isa pa ang dapat nating mahanap ay sila Ybarro para sabay-sabay na nating hanapin sila Lirios at Caspian ng makabalik na tayo sa ating panahon." Sabi naman ni Alena
          "Tama si Alena...." Muli ay pag-sang-ayon ni Amihan ng lumapit sa kanila si Ornea na di maikakaila sa muka ang saya.

         "Mga diwata gising na pala kayo halina kumain kayo ng mga pagkaing dala ng magkapatid na gunikar mula sa Admaya na sila Banak at Nakba." Nakangiting paanyaya sa kanila ni Ornea. Napangiti naman sila sa sinabi ni Ornea.
         "Sila Banak at Nakba?" Nakangiting tanong ni Alena nasasabik siyang makita ang mga kaibigan na kasama pala sa lahi ng mga Gunikar katulad ni Memfes.

          "Oo kilala niyo ba sila... Halina kayo." Sabi ni Ornea saka sila pumasok sa isang kubol at doon nila nakita ang dalawang encantado na magkahawig.
         "Nakba at Banak sila ang mga diwata na aking sinasabi sa inyo." Sabi ni Ornea nagtaka naman ang mga Sang'gre sa kanilang nakita.

         "Kayo pala ang mga diwata na sinasabi ni Ornea... Tunay ngang kay gaganda niyo at  kay gaganda din ng inyong mga gayak pandigma...." Nakangiting sabi sa kanila ni Nakba.
         "Tunay nga bang kayo sila Nakba at Banak?" Tanong ni Danaya.
         "Kami nga at wala ng iba pa... Tayo na at kumain." Nakangiting sabi din ni Banak saka umupo ang dalawa.

        "Kamangha-mangha di pala sila likas na lamang lupa." Sabi ni Alena.
        "Tama ka ngunit ang kanilang amoy ay kaparehas lang ng sa panahon natin... Kaya nasisiguro ko na sila nga sila Banak at Nakba....di yata sila marunong maglinis ng katawan." Disgustong sabi ni Pirena.
         "Pirena ano ka ba." Lihim na natatawang sabi ni Amihan sa kapatid.
        
          "Ah mga diwata halina at kumain na tayo." Anyaya muli sa kanila ni Banak tumango naman ang mga Sang'gre saka sila umupo at kumuha ng mga paneya na dala ng magkapatid
          "Hindi ba at ipinagbabawal ang paggamit ng sandata sa mga diwata?" Tanong ni Danaya sa mga kasama.
         "Siyang tunay diwata.... Ngunit ibahin mo sila Marvus at Demetria.... Nais nila ay isang pag-aaklas laban sa Etheria kaya naman sinanay nila ang sarili sa pakikipaglaban na kanilang pinapasa ngayon sa mga sumusunod sa kanila." Sabi ni Banak.

          "Ngunit bakit ano ang nag-udyok sa kanilang dalawa na gawin ito?" Tanong ni Amihan.
         "Bukod sa nais palayain ni Marvus sa pagiging alipin ang mga diwata ay may karagdagan pang dahilan si Demetria kung bakit nais niyang magkaroon ng pag-aaklas... Nang sa gayo'y magantihan niya ang mga etherian." Sagot naman ni Nakba. Tumango naman sila.

          "Ngunit bakit sobra ba ang pang-aalipin na ginawa kay Demetria kaya siya nagkaroon ng ganyang pagpapasya?" Si Pirena.
         "Hindi lamang iyon.... Si Demetria ay may anak.... Si Esmeralda.... Isang napakabait na diwata, si Esmeralda ay nagkaroon ng kabiyak... Si Frekos...ninais ni Frekos na malayo sila sa Etheria nais nilang bumuo ng pamilya na di magiging alipin ng mga Etherian kaya naman sila ay umalis dito at nagtungo sa malayong kabundukan para mamuhay.
            Nang minsan dinalaw sila ni Demetria ay kalunos-lunos na pangyayari ang kanyang nadatnan.... Patay na sila Esmeralda at Frekos ang nakakalungkot pa nito ay nawawala ang babaeng anak ng mga ito...at alam namin na mga Etherian ang may kagagawan non sa mag-asawa dahil sa isang pulang tela na iniwan ng mga ito." Pagsasalaysay ni Ornea sa kwento ni Demetria.

         "Sadyang kalunos-lunos nga ang nangyari.... Sana ay makita pa ni Demetria ang kanyang apo sa anak niyang si Esmeralda." Sabi ni Amihan saka sya napatingin kay Demetria na kausap si Marvus. Sumasang-ayon naman ang kanyang mga apwe.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

            
          Hindi maipaliwanag ni Ybrahim ang sayang nararamdaman habang inililibot niya ang kanyang paningin sa ganda ng Sapiro sa panahon na ito. Tunay ngang isa sa pinakamatayog na kaharian noon ang Sapiro, na sana lang ay magawa niya sa kanyang panahon.

        "Sino ka?" Napalingon siya ng may magsalita habang papasok ito ng punong bulwagan.
        "Ako si Ybrahim..." Sabi niya saka siya yumukod batay sa gayak nito ay isa itong maharlikang Sapiryan.
        "Ybrahim... Ikaw ang sinasabi ni Aldo Asval na nakuha ni Ashti-Hara Nadezhda sa daan pabalik dito sa Sapiro." Sabi nito sa kanya.
        "Ganoon na nga po.... Maaari ko ho bang malaman kung sino kayo?" Lakas loob na tanong niya.

        "Ako si Raquim.... Hadia ng Rama ng Sapiro" sagot nito napangiti naman si Ybrahim kinagagalak niyang makilala ang ama ng kanyang minamahal na diwata.....at nasisiguro niyang ikatutuwa ni Amihan na makita ang ama nito.

       "Ikinagagalak ko kayong makilala Ald---Rehav... Rehav Raquim." Nakangiting sabi niya. Ngumiti din si Raquim sa kanya. Di niya malaman ngunit napatunayan niyang totoo ang sinasabi ng kanyang Aldo-Rama Meno na kapag naka-usap mo ang sapiryan na ito ay kagagaanan mo agad ng loob.

         "Ako din Ybrahim." Sabi na lamang nya.
         "Raquim...." Agad naman na nilingon ni Raquim ang tumawag dito maging siya ay napatingin.
        "Hagorn, kaibigan ano't naparito ka." Nakangiting sabi ni Raquim na nakipag-kamay kay Hagorn. Di maiwasan mamangha ni Ybrahim, na magkaibigan pala ang Aldo Raquim at si Hagorn sa panahon na ito.

         "Sapagkat may ibabalita ako di ko lang alam kung maganda o masama ito." Nangingiting sabi ni Hagorn sa kaibigan.
        "Sabihin mo ano ba iyon?" Tanong ni Raquim
         "Ang aking ama.... Nakipagkasundo siya sa Reyna Avria na ipakasal kami ng nag-iisang anak ng Reyna" balita ni Hagorn sa kaibigan. Natawa naman si Raquim.

         "Ano ang masama doon Hagorn... Nasa hustong gulang na tayo.... Saka ayaw mo noon ang mapapangasawa mo ay ang tigapagmana sa trono ng Etheria?" Sabi ni Raquim samantalang si Ybrahim ay nakinig na lamang sa dalawa kanyang pinag-sisisihan na di niya binasa ang kalatas ng kasaysayan ng Aldo Raquim nung binigay sa kanila ito ni Cassiopei-a kaya naman nagugulat siya sa mga pangyayari ngayon.

           "Ngunit ayokong matulad kay Rama Memen na sunud-sunuran sa asawa hanggang sa ayan na nga nag-alsa Laban din dito." Sabi ni Hagorn. Hindi naman na nakasagot si Raquim alam niyang maaari ngang maging ganoon ang kalabasan ni Hagorn lalo pa at di kailanman nagpapasakop sa kahit na sino ang nga Etherian.

          "Siya nga pala... Nais kong ipakilala sayo si Ybrahim." Sabi ni Raquim kay Hagorn
         "Avisala Rehav Hagorn." Sambit niya, tumango naman si Hagorn.

          "Rehav Raquim nais ko sanang ihingiin ang inyong pahintulot nais ko sanang umalis para mahanap ang mga kasamahan ko na napahiwalay sa akin." Pagpapaalam niya dito. Tumango naman si Raquim.
         "Kung iyan ang iyong nais di kita pipigilan....tandaan mo lamang na tahanan mo na din ang Sapiro.......Pagpalain ka nawa ni Emre na makita na sila." Sambit ni Raquim.
         "Avisala eshma, Rehav Raquim.... Rehav Hagorn." Sabi niya saka siya yumukod at lumabas ng punong bulwagan sana lang ay makita na niya sila Amihan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

          
           "Tila yata malalim ang iniisip mo Amihan." Sabi ni Pirena sa kapatid habang namamahinga sila sa ilalim ng puno.
        "Akin lamang iniisip kung saan maaaring dalhin ni Ether ang aking anak." Sagot niya kay Pirena.
       "Maging ako ay yan din ang aking iniisip... Saan dito sa nakaraan ang maaari nyang pagdalhan sa mag-apwe." Sabi ni Pirena.
        "May naisip akong paraan... Ang batis ng katotohanan." Sabi ni Danaya napatango naman sila sa bunsong kapatid.

         "Tama ka ngunit saan natin makikita ang Batis ng Katotohanan gayong di natin kabisado ang sinaunang Encantadia?" Tanong ni Amihan nang makita ni Pirena sila Banak at Nakba
        "Tila alam ko na kung paano." Nakangiting sabi ng panganay na Sang'gre.
.
.
.
.
.
.......
.
.
.
.
.
.
.
           "Sige na maiwan na kayo dito." Sabi ni Alena kina Banak at Nakba na tinulungan sila kung paano matunton ang batis ng katotohanan. Tumango naman ang dalawa saka sumunod si Alena sa mga apwe sa taas ng bundok kung saan may uka ito at naroon ang batis ng Katotohanan.

          "Sinigurado mo ba na di sila makakasunod?" Tanong ni Pirena kay Alena
         "Sinigurado ko." Sagot ni Alena saka sila tumingin sa batis ng katotohanan.
         "Avoya-avoya..... Ipakita mo sa akin ang lugar kung saan dinala ng Bathalumang Ether ang aking mga anak na sila Caspian at Lirios." Sambit ni Amihan sa batis ng katotohanan.

           Unti-unti ay nagliwanag ito at ipinakita ang isang rebulto ng ahas kung saan meron itong bolang kristal sa bibig nito.

         "Sa bolang kristal naroon sila Caspian at Lirios...." Sabi ni Danaya. Tumango naman sila.
        "Ngayong alam na natin kung nasaan sila Lirios at Caspian.... Ano ang uunahin natin ang hanapin sila Ybrahim o ang puntahan ang mga nakababatang rehav?" Tanong ni Alena.

         "Ngunit bakit di pa natin alamin sa batis ng katotohanan kung nasaan sila Ybrahim?" Mungkahi ni Danaya tumango naman si Amihan.
        "Avoya-avoya ipakita mo sa amin kung nasaan si Ybrahim." Sambit niya sa batis ng katotohanan. Muli ay nagliwanag ang batis ng katotohanan at ipinakita si Ybrahim sa Sapiro.
        "Sapiro... Nasa Sapiro si Ybarro." Sambit ni Alena.
         "Ngayon, ano ang uunahin natin ang Etheria? O ang Sapiro?" Tanong ni Pirena.
         "Pag-isipan natin ng mabuti ang ating gagawin tayo na bumalik sa Eceros." Sabi ni Danaya sa mga apwe niya, tumango sila sqkq bumaba mula sa Batis ng Katotohanan kung nasan naghihintay sila Banak at Nakba.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Kasalukuyan......

           "Lira ano ang nangyari..... Bakit walang dumating?" Tanong ni Mira sa pinsan ng matapos nitong patugtugin ang plauta.
          "Di ko din alam.... Ganun lang naman pinatugtog ni Ashti Danaya ito ng tinawag niya si Lakan noon." Sabi ni Lira saka tiningnan ang plauta.
          "Habang wala pang nangyayari sa iyong pagpapatugtog ng plauta ay susubukan ko munang patahimikin ang Minukawa." Sabi ni Cassiopei-a saka ito naglabas ng kapangyarihan mula sa mga kamay nito. Ngunit mas lalong nag-ngalit ang Minukawa.

         "Pashnea...." Sabi ni Cassiopei-a sa mga kasama.
         "Ako kaya baka magamitan ko siya ng mahika na aking natutunan kay Ashti Alena at Imaw." Sabi ni Lira saka siya humarap sa Minukawa.

          "Sa bisa ng aking tinig.... Ika'y mahahalina at unti-unti ay dadalhin ka sa paghimbing...." Awit ni Lira sa Minukawa at nakamamangha na unti-unti ay nahimbing ang Minukawa.
         "Bessy ang galing mo!" Sabi ni Mira saka niyakap si Lira.
         "Pero Bes.... Magigising din ang Minukawa at baka lalong magalit ito at sunugin ang Lireo dahil sa ginawa ko." Sabi niya sa mga ito.

        "Siyang tunay Lira kaya kailangan talaga natin ang tulong ng mga Mulawin." Sabi ni Cassiopei-a
         "Pero paano kung di sila dumating?" Tanong ni Anthony
        "Di iyan maaaring mangyaring sapagkat alipin ng plauta ang mga Mulawin kaya alam kong darating sila." Sabi ni Imaw sa kanila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Sa Nakaraan.....

          Pagdating ng mga Sang'gre, Nakba at Banak sa Eceros ay napansin nila na may saya sa muka nila Ornea at Memen kaya naman kanila itong nilapitan at nakita nila ang tanda ng pagdadalang-diwata sa palad ni Ornea.
         "Nagdadalan-diwata ka na." Nakangiting sabi ni Alena kay Ornea.   
        "Siyang tunay at napakasaya namin ni Memen dahil dito." Nakangiting sabi ni Ornea sa kanila.

        "Kami din ay masaya para sa isang biyayang dumating sa inyong buhay" sabi ni Danaya na sinang-ayunan naman ng kanyang mga apwe. Ngunit ang saya nila ay madaling napawi ng marahas na binuksan ang mga halaman na nagsisilbing pananggalang ng Eceros.

         "Mga Etherian!" Sigaw ni Marvus sa kanila.
         "Memen!" Ang natatakot na sabi ni Ornea sa minamahal.
         "Huwag kang mag-aalala... Poprotektahan kita!" Sabi naman ni Memen.
        "Danaya... Alena protektahan niyo si Ornea alam natin kung gaano kahalaga ang bata sa kanyang sinapupunan.... Pirena.... Tayo ang tatapos sa mga pashneang Etherian!... Esta Sectu!" Sigaw ni Amihan saka nila kinalaban ni Pirena ang mga Etherian samantalang sila Alena at Danaya ay agad na pinapaslang ang lalapit kina Memen at Ornea. Samantalang isang nakakabinging tinig naman ang pinakawalan ni Ornea para sa mga vedalje.
   
         Namangha naman ang mga Etherian at mga diwata sa galing na pinamalas ng apat na Sang'gre at di nga naglaon ay nagapi na ng mga Sang'gre ang mga Kawal-Etherian ngunit may isang nakatakas na di na nila hinabol pa.

        "Ayos ka lang ba Ornea?" Tanong ni Amihan sa diwata na nilapitan din nila Marvus at Demetria.
         "Kailangan na nating lumikas ngayong alam na nila ang kinaroroonan niyo." Sabi ni Demetria kina Memen at Ornea.
        "Sumasang-ayon ako kay Demetria dapat maging ligtas ang iyong magiging anak." Sabi naman ni Pirena.

        "Sa akin... Sa akin sila magiging ligtas." Napalingon sila sa nagsalita at nakita nila si Evades
        "Evades kapatid ko." Bungad ni Memen dito
        "At saan mo naman sila dadalhin?" Tanong ni Marvus.
        "Sa Adjantao... Doon ay magiging ligtas ang pagsisilang ni Ornea.... At kayo din mga diwata kailangan niyo ng iwan ang Eceros alam kong babalikan kayo dito ni Avria" sagot ni Evades sa kanila.

          "Narinig niyo iyon mga kasama magsipag-handa sa paglikas!" Sabi ni Marvus sa mga diwata na agad naman ginawa ang kanyang sinabi. Nagkatinginan naman ang mga Sang'gre.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
          
        
            "Mahal na Reyna... Nakabalik na ang mga kawal na pinadala niyo para hulihin sila Memen at Ornea." Sambit ni Vixtus kay Avria na napatayo naman ng marinig ito. Maging si Mine-a, may tampo man siya sa ama ay nangangamba pa din siya sa kaligtasan nito sa oras na mahuli ito ng kanyang Ina. Samantalang naghintay naman ang mga heran na kasama ni Avria sa kawal.

        Ilang sandali pa ay naglakad na ang mga kawal o mas marapat na sabihin ay ang kawal.

           "Bakit ka nag-iisa?!" Nagtatakang tanong ni Avria sa kawal.
          "Mahal na Reyna ang aking mga kasama ay pinaslang ng mga diwata na aming sinalakay." Sabi nito sa kanya. Napakunot naman ang noo ni Avria sa sinabi ng kawal.
        "Paanong mangyayaro iyon?" Nagtatakang sabi ni Avria
         "Mahal na Reyna hayaan mo akong silipin ang nakaraan ng diwata." Sabi ni Hera Andora, tumango naman si Avria saka bumaba si Andora at lumapit sa kawal at kanya itong hinawakan.

         At mula nga doon ay napatunayan ni Andora na totoo ang sinasabi ng Kawal.
        "Mahal na Reyna tunay ang sinasabi ng kawal.... Apat na diwatang babae ang nanguna sa paglaban sa mga kawal-Etherian na pinadala niyo para hulihin sila Memen at Ornea" sabi ni Andora

         "Pashnea!  Ang lalakas ng loob nila na gawin yan! Juvila! Pamunuan mo ang isang hukbo ay tugisin ang mga pangahas na diwata nais ko silang mahuli at maparusahan!" Galit na utos ni Avria kay Juvila ng Hera Volo.
        "Masusunod Mahal na Reyna." Sambit nito saka yumukod kay Avria bago bumaba at pinuntahan ang hukbo ng kawal na kanyang dadalhin.

          Napahinga naman ng malalim si Mine-a
          "Apat na diwata..... Sino kaya sila?" Naitanong niya sa sarili.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
          
          Mula ng umalis sa Sapiro si Ybrahim ay wala pa siyang nakakasalubong na diwata o kahit anong lahi. Dalangin niya sa kanyang paglalakbay na ito ay makita na niya sila Amihan, ng sa gayo'y mahanap na nila sila Lirios at Caspian at makabalik na sila sa kanilang panahon.

          "Sandali lamang encantado." Napatigil si Ybrahim ng marinig niya ang na may pumigil sa paglalakad niya marahan siyang lumingon dito at nabigla siya ng makita niya si Odessa ng Hera Aega.

         "Isa kang Sapirian hindi ba?"
         "Ako nga ay isang sapirian.... Kung di niyo mamasamain ay nagmamadali ako sa aking paglalakbay." Sambit ni Ybrahim saka siya tumalikod para magpatuloy sa paglalakad. Di dapat niya maka-usap ang Heran na ito.

         "Ssheda! Kailanman ay wala pang tumatalikod sa isang Heran!" Sigaw ni Odessa saka niya inilabas ang kanyang pana. Di naman makagalaw si Ybrahim ngunit buti na lamang ay may tumulak sa kanya ng bitawan ni Odessa ang palaso patama sa kanya.

        "Pashnea pakialamero!" Sigaw ni Odessa tiningnan naman ni Ybrahim ang tumulak sa kanyang encantado na tumawa saka ito naglabas ng pampasabog na kagaya ng ginagawa niya noon ng nasa kuta pa siya ng mga mandirigma. Sinindihan nito iyon at inihagis kay Odessa sandaling gumawa ng usok ang pampasabog na hinagis nito ginamit naman nilanh paglakataon yun para makatakbo sila mula sa Heran at mga kawal na kasama nito.

            "Ashtadi! Mapapatay din kita." Galit na sambit ni Odessa.

.
.
.
.
........
.
.
.
.

         Nang mapagtanto nila Ybrahim na di na sila sinundan ng Heran ay saka lang tumigil ang dalawa sa pagtakbo.
        "Kaibigan, Avisala eshma sa pagtulong mo sa akin." Sabi ni Ybrahim sa encantado nakipag-kamay naman ito sa kanya.

         "Walang anuman kaibigan." Sabi nito.
         "Ako nga pala si Ybrahim." sabi niya tumango naman ito.
         "Ako naman si Apitong... Teka may matutuluyan ka ba... Kung wala ay halina sa aming kuta at doon ka muna magpahinga" Nakangiting anyaya nito sa kanya.
          Hindi naman mapigilan ni Ybrahim na di yakapin si Apitong, ang encantadong kukupkop sa kanya sa hinaharap.

           "Oo nais kong magpalipas ng gabi sa inyong kuta." Nakangiting sabi ni Ybrahim sobrang saya niya na makita ito sa panahon na ito at muli ay iniligtas siya nito sa tyak na kapahamakan kagaya ng sanggol pa lamang siya.
           Nagtataka man ay tinawanan na lamang siya ni Apitong at sinabihan na sumunod na lamang.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Comment and Votes
💙💛

Jak Roberto as Young Apitong

Continue Reading

You'll Also Like

67.1K 1.4K 31
Mahal ni Lira ang kanyang Ashti Alena. Mahal din niya ang kapatid/pinsan na si Kahlil. Ngunit mas mahal niya ang kanyang inay at gagawin niya ang lah...
1.6M 35.3K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈
21.8K 200 21
Different stories in one shot Tagalog-English Help by: Bird Stone Inspiration from: Puto Bongbong & Friends With Collaboration: @MrJamba
9.9K 469 25
When Life after death plays with destiny, to fulfill the Love that has been shortened by an unfortunate event.