Encantadia: A Love Untold [C...

By AmihanMaxTine

278K 7.4K 2.4K

One Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love L... More

Ω Kabanata I Ω Ang Pagbabalik sa Lireo
Ω Kabanata II Ω Ang Kapasyahan ni Mine-a
Ω Kabanata III Ω Ang Sayaw ng Pag-Ibig
Ω Kabanata IV Ω Maskara
Ω Kabanata V Ω Ang Reyna
Ω Kabanata VI Ω Reyna Amihan
Ω Kabanata VII Ω Ang Itinadhana ni Emre
Ω Kabanata VIII Ω Pagdadalang-Diwata
Ω Kabanata IX Ω Mga Nababagabag na Damdamin
Ω Kabanata X Ω Mine-a
Ω Kabanata XI Ω Lihim
Ω Kabanata XII Ω Panlilinlang
Ω Kabanata XIII Ω Si Lira
Ω Kabanata XIV Ω Ang Prinsipe ng Sapiro
Ω Kabanata XV Ω Ang Pagkawala ni Alena
Ω Kabanata XVI Ω Ang Galit ng mga Sang'gre Ω
Ω Kabanata XVII Ω Pagtatagpo Ω
Ω Kabanata XVIII Ω Agam-agam ni Amihan
Ω Kabanata XIX Ω Ang Katotohanan Ukol kay Ybarro
Ω Kabanta XX Ω Bugso ng Kapangyarihan
Ω Kabanata XXI Ω Ang Reputasyon ni Danaya
Ω Kabanata XXII Ω Ang Kaparusahan kay Danaya
Ω Kabanata XXIII Ω Ang Katuparan ng Plano ni Pirena
Ω Kabanata XXIV Ω Ang Pagbagsak ng Lireo
Ω Kabanata XXV Ω Ang Pagkagapi ni Amihan
Ω Kabanata XXVI Ω Ang Kantao, ang Dyamanteng Lira At ang Maskara ni Hara Amihan
Ω Kabanata XXVII Ω Mga Itinakdang Pagtatagpo
Ω Kabanata XXVIII Ω Ang Pagkikita nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXIX Ω Ang Pagbabalik
Ω Kabanata XXX Ω Ang Muling paghaharap nila Amihan at Pirena
Ω Kabanata XXXI Ω Ang Misyon nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXXII Ω Ang Pagbabalik ng Ala-ala ni Alena
Ω Kabanata XXXIII Ω Ang Damdamin ni Amihan
Ω Kabanata XXXIV Ω Ang Kapahamakan kay Lira
Ω Kabanata XXXV Ω Ang Basbas kay Lira mula sa Devas
Ω Kabanata XXXVI Ω E Correi....... Hara
Ω Kabanata XXXVII Ω Ang Muling Pagkikita nila Amihan at Alena
Ω Kabanata XXXVIII Ω Ang Paghingi ng Kapatawaran ni Amihan kay Danaya
Ω Kabanata XXXIX Ω Ang Anak ni Hara Amihan
Ω Kabanata XL Ω Ang Pagliligtas ni Rehav Ybrahim sa Hara Amihan
Ω Kabanata XLI Ω Si Caspian
Ω Kabanata XLII Ω Ang mag-Inang Amihan at Lira
Ω Kabanata XLIII Ω Ang Punyal ng Sandugo
Ω Kabanata XLIV Ω Isang Pamilya
Ang Apat na Sang'gre
Ω Kabanata XLV Ω Si Kahlil
Ω Kabanata XLVI Ω Ang Panlilinlang ni Pirena
Ω Kabanata XLVII Ω Bugna
Ω Kabanata XLVIII Ω Edi Sanctre
Ω Kabanata XLIX Ω Ang Batis ng Katotohanan
Ω Kabanata L Ω Rehav ese Adoyaneva
Ω Kabanata LI Ω Mga Maitim na Balak ni Adhara
Ω Kabanata LII Ω Ang Sumpa ni Ether
Ω Kabanata LIII Ω Mga Mapaglarong Puso
Ω Kabanata LIV Ω Amarteya Lireo
Ω Kabanata LV Ω Ang Pangako Ni Ybrahim
Ω Kabanata LVI Ω Ang Dalawang Kahilingan
Ω Kabanata LVII Ω Ang Itinadhana Para kay Amihan
Ω Kabanata LVIII Ω Ang Pagsisilang ni Amihan
Ω Kabanata LIX Ω Ang Paglalakabay Patungong Devas
Ω Kabanata LX Ω Ang Pagbabalik Ng Ala-ala nila kay Lira
Ω Kabanata LXI Ω Ang Galit Ni Hara Amihan
Ω Kabanata LXII Ω Ang Pagpaparaya ni Alena
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Agam-agam ni Pirena
Ω Kabanata LXIV Ω Ang Huling Mensahe ni Mine-a
Ω Kabanata LXV Ω Ang Kapatawaran
Ω Kabanata LXVI Ω Hadezar
Ω Kabanata LXVII Ω Halik ng Pamamaalam
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Katuparan ng Propesiya kay Amihan
Ω Kabanata LXIX Ω Isang Bagong Simula
Encantadia: Ang Ikalawang Yugto
Ӝ Kabanata LXX Ӝ Ang Encantadia
Ӝ Kabanata LXXI Ӝ Ang Pagbangon
Ӝ Kabanata LXXII Ӝ Ang Bagong Etheria
Ӝ Kabanata LXXIII Ӝ Ang Huling Pagsubok para kay Lira at Mira Ӝ
Ӝ Kabanata LXXIV Ӝ Avisala, E Correi
Ӝ Kabanata LXXV Ӝ Ang Kasiyahan sa Lireo
Ӝ Kabanata LXXVI Ӝ Ang Apat na Kaguluhan sa Encantadia
Ӝ Kabanata LXXVII Ӝ Katotohanan at Panlilinlang
Ӝ Kabanata LXXVIII Ӝ Si Lirios
Ӝ Kabanata LXXIX Ӝ Pagkakabihag
Ӝ Kabanata LXXX Ӝ Isang Alok
Ӝ Kabanata LXXXI Ӝ Ang Brilyante ng Apoy
Ӝ Kabanata LXXXII Ӝ Ang Tunay na Danaya
Ӝ Kabanata LXXXIII Ӝ Ang Pagbagsak
Ӝ Kabanata LXXXV Ӝ Ang Pagbalik Sa Nakaraan
Ang Kasaysayan ng Lumang Encantadia ayon sa kalatas na sinulat ni Raquim.
Cast and Characters of EALU: Enamuya Arc
Ӝ Kabanata LXXXVI Ӝ Ang Pagkawala ng mga Brilyante
Ӝ Kabanata LXXXVII Ӝ Ang Pagdadalang-Diwata ni Ornea Ӝ
Ӝ Kabanata LXXXVIII Ӝ Ang Muling Pagkikita
Ӝ Kabanata LXXXIX Ӝ Si Amihan, Ng Kaharian ng Lireo
Ӝ Kabanata XC Ӝ Ang Sapiryan at ang Diwata
Ӝ Kabanata XCI Ӝ Sila Memen at Ornea
Ӝ Kabanata XCII Ӝ Sang'gre laban sa Heran
Ӝ Kabanata XCIII Ӝ Ang Ina ng mga Sang'gre
Ӝ Kabanata XCIV Ӝ Si Mine-a
Ӝ Kabanata XCV Ӝ Si Mine-a at si Cassiopei-a
Ӝ Kabanata XCVI Ӝ Ang Pagliligtas
Ӝ Kabanata XCVII Ӝ Pagmamahal
Ӝ Kabanata XCVIII Ӝ Si Raquim, si Mine-a at si Hagorn
Ӝ Kabanata XCIX Ӝ Lireo
Ӝ Kabanata C Ӝ Ang Paglusob
Ӝ Kabanata CI Ӝ Ang Inang Brilyante
Avisala
Kabanata CII: Ether
Kabanata CIII: Pagbabalik sa Kasalukuyan
Kabanata CIV: Pag-Iisang Dibdib
Kabanata CV: WAKAS
Avisala Eshma

Ӝ Kabanata LXXXIV Ӝ Enamuya

1.5K 50 6
By AmihanMaxTine

Ӝ Kabanata LXXXIV Ӝ
Enamuya

Ӝ

          
        
         "Ikaw na lang at ako Amihan....at sisiguraduhin ko na isa lang sa atin ang matitira." Sambit ni Avria na tinutok sa kanya ang espada.
          "Oo at sisiguraduhin ko na ako ang matitira." Sagot ni Amihan.

         "Atayde!"
        "Agtu!" Magkapanabay na sabi ng dalawa sa pinakamalalakas na diwata at etherian saka nila sinalakay ang isa't-isa. Ang bawat malalakas na pagsalakay nila sa isa't-isa ay tinutumbasan naman ng isa ng malalakas na depensa. Kung sino man ang makakakita sa dalawa ay masasabi na walang gustong magpatalo sa mga ito.

          Naglabas naman ng enerhiyang itim si Avria saka niya ito pinatama kay Amihan na natumba ng tamaan nito.
         "Mas malakas pa din ako sayo Diwata." Nakangising sabi ni Avria sa kanya.
        "Huwag mong maliitin ang isang Sang'greng na katulad ko!" Sigaw ni Amihan saka siya nagpalabas ng hangin mula sa kanya kamay at pinatama ito kay Avria na ikinaurong nito.

           "Sabihin na natin na ikaw ang pinakamalakas sa panahon mo.... Pero nasa panahon kita Avria.... At ako kasama ng aking mga apwe ang pinakamalalakas sa panahon na ito!" Sambit ni Amihan saka niya inilabas ang dalawang brilyante na hawak niya.

         "Ano ang gagawin mo!" Sigaw ni Avria. Ngumisi naman si Amihan saka niya tiningnan ang dalawang brilyanteng hawak niya.
         "Sa bisa ng aking salita at sa kapangyarihan ng Brilyante ng Hanggin at Brilyante ng Diwa. Isinusumpa kita Avria ng Etheria na simula sa gabing ito ay maghihiwalay na ang iyong Ivtre at katawan.....
         At hangga't nabubuhay ang dugo ng mga Sang'gre ay di kailanman magsasama ang iyong katawan at ivtre!" Sigaw ni Amihan. Nanlaki naman sa takot ang mga mata ni Avria.

           Ilang sandali pa ay naramdaman na nito ang unti-unting paghiwalay ng ivtre nito sa sariling katawan hanggang sa tuluyan ng nilisan ng ivtre ni Avria ang katawan nito. Agad naman na hinuli ni Amihan ang ivtre ni Avria at kanya itong nilagay sa isang bolang kristal na gawa sa hangin, samantalang ang katawan nito ay kanyang ibinaon sa bato sa pamamagitan ng brilyante ng diwa.

           "Brilyante ng Hangin dalhin mo ang ivtre ni Avria sa isang lugar na wala siyang makakasama at mapipinsala." Sambit niya saka dinala ng hangin ang bolang kristal na kinalalagyan ng ivtre ni Avria patungo sa lugar na kanyang sinabi.
          Huminga ng malalim si Amihan saka iya gumamit ng evictus papuntang Sapiro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

          
         Sa pagkagapi ni Animus ay unti-unti na ding nagapi ang mga kawa-Etherian at muli ay naipagtanggol nila ang Lireo sa mga nais na sumakop dito.
         "Muli na nating naipagtanggol ang Lireo." Sambit ni Alena sa kanyang mga kapatid.
        "Avisala eshma sa inyong tulong mga apwe." Sambit ni Danaya sa dalawa.
        "Walang anuman...." Magkapanabay na sabi nila Pirena at Alena.

         "Maging ang palasyo ng Etheria ay napabagsak na ng Bunggaitang Cassiopei-a." Sambit ni Muros na kadarating lang kasama si Cassiopei-a at mangilan-ngilang kawal-diwata na nabihag ng Etheria.
        "Ang balita na lamang mula sa Sapiro at kay Sang'gre Amihan ang kailangan natin." Sambit ni Aquil.

        "Mas makakabuti kung susundan natin sa Sapiro ang inyong apwe may pakiramdam ako na may magaganap doon." Sambit ni Cassiopei-a, tumango naman sila saka kumapit si Aquil kay Danaya bago sila nag-evictus papuntang Sapiro.

         "Patnubayan sana kayo ni Emre....." Sambit ni Muros saka nito nilingon ang mga kawal at dama.
          "Ating muling ayusin ang Lireo! Esta sectu." Sambit ni Muros sa mga ito na agad namang kumilos para maisaayos muli ang Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
        
         

           
         Paglingon naman ni Ybrahim kay Asval ay nakatayo na ito at nasugatan siya sa kanyang balikat na kanyang ikinaluhod. Hindi maiwasan ni Ybrahim na mahilo. Kakaiba kung makasugat ang Kabilan tila ba pati ang iyong ivtre ay sinusugatan nito.
         "Mukang ito na ang katapusan mo Rama ng Sapiro!" Sambit ni Asval sa kanya. Tiningnan niya ito.
          "Bakit Asval.... Bakit mo ito ginagawa? Bakit mo pinagtataksilan ang sarili mong dugo?!....bakit gayong isa ka ding rehav ng kaharian na sinasalakay mo ngayon!" Galit na tanong niya dito. Ngumisi naman si Asval saka itinutok sa kanyang leeg ang kabilan.

         "Dahil kailanman ay di pinahalagahan ng Ama kong si Nahq ang aking kakayahan.... Palagi na lamang ang iyong Ilo Meno ang pinapanigan nito.... Sawa na ako kaya ginawa ko na ang nararapat.... Pero ipinanganak ang iyong Aldo Raquim at ang ama mong si Armeo.... Mas lalo akong nawalan ng pag-asa na makuha ang trono....kaya kung di ito mapapasaakin mabuti pang mawala na ito ng tuluyan kasama ka!" Sigaw ni Asval saka nito itinaas ang kabilan na handa na nitong isaksak sa kanya.

          "Ssheda!" Sigaw ni Amihan na kadaratong lamang at agad nitong pinatamaan ng bolang hangin si Asval na ikinatumba nito saka niya nilapitan si Ybrahim na kanyang tinulungan makatayo.
        "Ayos ka lang ba Ybrahim?" Tanong ni Amihan. Tumango naman ito saka tumayo at itinutok ang Erra'ordin sa kanyang Ilo Asval.

          "Asval.... Kung naging mabuti lamang sana ang iyong puso... Hahayaan pa sana kitang mamuno.... Ngunit nabalot ng kasakiman at katrayduran ang puso mo.... Bagay na di kailangan ng isang Hari." Sambit ni Ybrahim dito. Huminga naman ng malalim si Asval.

         "Ano pa ang hinihintay mo Ybrahim patayin mo na ako!" Galit na sabi nito. Umiling naman si Ybrahim saka nito kinuha ang kabilan kay Asval.
         "Hindi... Hindi kita papaslangin. Hahayaan kitang mabuhay at pagbabayaran mo sa Carcero ang iyong kasalanan." Sambit ni Ybrahim.
        "Ybrahim si Lira... Ang mga bata?" Tanong ni Amihan sa kanya.
        "Tumakbo palayo ang dalawang bata kasama si Wantuk sinundan sila ni Lira... Tayo na at sumunod sa kanila." Sabi ni Ybrahim.

         Galit na tiningnan ni Asval si Ybrahim saka niya kinuha ang espada ng isang patay na kawal saka ito tumayo.
          "Ivi Sanctre!" Sigaw ni Asval kay Ybrahim agad naman na tinulak ni Ybrahim palayo si Amihan saka siya mabilis na humarap kay Asval at kanyang isinaksak sa sikmura nito ang espadang kabilan.

         "Arrrghhhh!" Sigaw ng nasaktan na si Asval.
         "Ikaw ang humiling nito Asval." Galit na sabi ni Ybrahim saka niya hinugot ang kabilan.
        Dilat na napaluhod si Asval at nabitawan nito ang espadang hawak saka ito bumagsak ng walang buhay. Lumapit naman si Amihan kay Ybrahim.

          "Ybrahim... Tayo na." Sabi ni Amihan tumango si Ybrahim saka nila sinundan ang daang tinahak ng mga anak.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
           
        

          

           Habang tumatakbo sila Caspian at Lirios kasama si Wantuk ay ikinabigla ng dalawang paslit ng hawakan sila sa kamay ng Damang si Kata.
         "Aldo Wantuk!" Sigaw ni Caspian ng pigilan sila ni Kata na makatakbo.
        "Kata.... Ano ang ginagawa mo maaabutan tayo ng mga etherian!" Sambit ni Wantuk dito. Kukuhanin niya sana ang dalawang paslit ng ilayo ito ni Kata.

          "Mas mabuti nga iyon ng mapaslang na sila ng Hera Andora." Sambit ni Kata. Napakunot naman ang noo ni Wantuk sa sinabi ng dama.
          "Ano ba ang sinasabi mo?" Tanong ni Wantuk. Ngunit bago pa man magsalita si Kata ay dumating na si Andora.

         "Magaling Kata...." Sambit ni Andora naguguluhan man ay inilabas ni Wantuk ang kanyang espada.
         "Wantuk....kalaban siya!" Sigaw ni Azulan at saka nila tinangkang iligtas ang mga umiiyak na diwan ngunit bago pa man sila makalapit dito ay pinatigil na ni Andora ang kakayahan nilang makagalaw.

        "Masyado na kayong pakialamero"  Sambit ni Andora saka niya pinatapon sila Azulan at Wantuk sa kalayuan ng di na sila makasagabal. Agad naman na nawalan ng malay ang mga ito  doon.
        "Aldo Wantuk! Amang Azulan!" Magkapanabay na sigaw nila Caspian at Lirios.

         "Ssheda!" Pagsawata ni Andora sa dalawang paslit na nais kumawala sa hawak nila ni Kata.    
         "Bitawan mo ang aking mga apwe!" Sigaw ni Lira na nakasunod na sa mga ito.
          "Kata pigilan mo si Lira na makalapit sa atin!" Sambit ni Andora saka niya ginamitan sila Caspian at Lirios ng kapangyarihan niya para di makatakas ang mga ito. Agad na sinalakay ni kata ang Sang'gre na madali ding natalo ni Lira dahil. Kailanman ay di sinanay ang mga dama na lumaban. Napailing naman si Andora.

          "Ate Lira!" Magakapanabay na sigaw ng dalawa kay Lira.
          "Ssheda!" Sigaw ni Andora saka siya nanalangin.
          "Bathalumang Ether....Bathalumang Ether..... hawak ko na ang dalawang paslit." Sambit ni Andora saka nagpakita sa kaniya ang Bathalumang Ether.

          "Magaling Andora." Nakangiting sabi nito saka pinalibutan ng buntot nito ang dalawang paslit saka sila naglaho.
         Kung saan sila dadalhin ng Bathalumang Ether ay di na niya inalam pa dahil ang mas mahalaga ay matalo niya si Lira.
           "Caspian! Lirios!" Nag-aalalang sigaw ni Lira ng kuhanin ni Ether ang kanyang nga kapatid.
         "Pashnea!" Sigaw niya saka niya sinalakay si Andora ngunit ginamit na naman ni Andora ang kanyang kapangyarihan na patigilin ang isip ng isang nilalang para mapigilan itong gumalaw.

          Nag-alala din si Lira na maapektuhan siya ng kapangyarihan ni Andora pero ang ikinagulat niya ay nakakagalaw pa din siya.
         "Paano?" Tanong ni Andora ng maramdaman naman niya na siya ang di makagalaw
         "Dahil sa amin." Sambit ni Amihan saka sila napatingin sa likuran. At nandoon na ang mga si Rama Ybrahim at ang mga Sang'gre hawak ang kanilang mga brilyante na pinipigilan ang kapangyarihan ni Andora na makaapekto kay Lira. Samantalang sila Danaya at Pirena ang pumipigil kay Andora na makagalaw.

         "Sige na Lira..  Tapusin mo na ang Laban na ito." Sambit ni Pirena. Tumango naman si Lira saka siya sumugod kay Andora at sinaksak ito.
         "Para ito kay Alira Naswen at kay Wahid!" Sigaw ni Lira saka niya sinaksak muli si Andora at tinadyakan ito na naging dahilan ng pagkahulog nito sa bangin.

          Agad naman na lumapit ang mga Sang'gre at si Ybrahim kay Lira.
          "Lira nasaan ang mga kapatid mo?" Tanong ni Amihan.
          "Inay... Itay.... Kinuha siya ng Bathalumang Ether." Sambit ni Lira sa mga magulang.
         "Pashnea..."' Galit na sabi ni Ybrahim samantalang nanlumo naman si Amihan sa nalaman.
         "Amihan... Gamitin natin ang mga brilyante para mahanap natin sila Caspian at Lirios." Sambit ni Danaya. Tumango naman sila saka nila nilabas ang mga brilyante na kanilang pinag-isa.

          "Inang Brilyante ituro mo sa amin kung saan nagtungo ang Bathalumang Ether." Sambit ni Amihan saka nagliwanag ang brilyante agad naman na kumapit sa mga Sang'gre sila Ybrahim at Lira saka sila naglaho papunta sa lugar kung nasaan si Bathalumang Ether.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
              "Bathalumang Ether." Sambit ni Odessa saka ito yumukod sa Bathaluman. Agad naman nag-anyong encantada si Ether at inihiga ang mga walang malay na sila Caspian at Lirios.

          "Naihanda mo na ba ang lahat?" Tanong ni Ether sa kanyang natitirang alagad.
          "Opo Bathalumang Ether naihanda ko na.' Sambit ni Odessa saka niya ibinigay dito ang ginintuang orasan. Napangising kinuha naman ito ni Ether saka niya ibinaligtad ang ginintuang orasan kasabay noon ay ang pagliliwanag ng lagusan.

          "Isa na lang ang kailangan para magamit ko ang lagusan.... Isang buhay na isasakripisyo" nakangising sabi ni Ether saka ito tumingin kay Odessa. Bigla naman kinabahan si Odessa at umurong pero di pa siya nakakalayo ay dinukot na ni Ether ang kanyang puso.

         "Arrrghhh!" Sigaw ni Odessa saka ito bumagsak sa lupa na wala nang buhay samantalang ang puso nito ay dinurog ni Ether sa ginintuang orasan na ng malapatan ng dinurog na puso ni Odessa ay mas lalo pang nagliwanag at ang lagusan ay ipinakita na sa kanya ang panahon na nais niyang puntahan.

         Muli ay nag-anyong dambuhalang ahas siya at kinuha ang magkapatid saka sila pumasok sa lagusan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

                       Pagdating ng mga Sang'gre at nila Ybrahim at Lira sa lugar kung saan itinuro ng Inang Brilyante kung nasaan ang mga anak ni Amihan ay wala na silang naratnan doon kundi ang bangkay ni Odessa, isang ginintuang orasan at isang bukas na lagusan na di nila alam kung saan patungo.

         "Patay na si Odessa... Ngunit sino ang dumukot sa kanyang puso?" Tanong ni Alena.
        "Di na natin dapat alamin pa yan... Ang ating mga hadia ang dapat nating hanapin." Sabi ni Pirena.
         "Hanapin muli natin sila gamit ang Inang Brilyante." Sabi ni Danaya tumango naman sila saka nila inilabas ang Inang Brilyante.
         "Inang Brilyante tulungan mo muli kaming mahanap ang aking mga anak." Sambit ni Amihan muli ay nagliwanag ang brilyante ngunit wala na itong ginawa pa bukod doon.

         "Amihan... Ano ang nangyari?" Tanong ni Ybrahim
         "Hindi sinusunod ng Inang Brilyante ang aming samo." Sagot ni Amihan.

         "Sapagkat wala na sa panahon na ito ang iyong mga anak Amihan... Ybrahim." Sabi ng kadarating lang na si Cassiopei-a kasama si Aquil at ang gunikar na si Memfes.
         "Wala na sa panahon na ito? Anong ibig mong sabihin Cassiopei-a?" Tanong ni Amihan sa nakakatandang diwata.

         "Sila ay dinala ni Ether sa nakaraan kung saan mas malakas ang kapangyarihan niya at ng mga heran laban sa inyo." Sagot ni Cassiopei-a. Nag-aalalang nagkatinginan naman sila.
       "Ano ang marapat naming gawin Cassiopei-a?" Tanong ni Ybrahim.

        "Iisa lang ang maaari nyong gawin.. Ybrahim at Amihan.... Ang sumunod sa nakaraan.... Ang tanong handa na ba kayo na harapin ang panganib ng nakaraan mabawi lang ang mga anak niyo?" Tanong ni Cassiopei-a.

         Marahan naman na hinawakan ni Ybrahim ang kamay ni Amihan saka nila tiningnan ang isa't-isa at alam nilang iisa lang ang magiging desisyon nila.

          "Oo handa kami ni Ybrahim na harapin ang nakaraan para sa aming mga anak" sambit ni Amihan. Tumango naman si Cassiopei-a.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Etheria Arc

💛💙
Comment and Votes.

(P.S. just want to take this space to congratulate @kylienicolep for safely giving birth to her own Little Prince.
Love you Kylie 💙💙💙)

Continue Reading

You'll Also Like

257K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
110K 2.3K 112
Nagkaroon ng mga anak ang mga sanggre ang bawat sa kanila ay tagapagmana ng kanilang mga brilyante upang hindi na muli pa itong pag-intirisan ng mga...
17.9K 1.2K 74
Kilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing s...
8.7K 272 17
AshMatt fanfic