Me and My Boys VOLUME 4

By JayChowder

297K 9.8K 2.4K

Yup! Another adventure of Allexa and his boys! More

Special Dedications
Chapter 1: Seen
Chapter 2: Tamad
Chapter 3: Local News
Chapter 4: Sermon
Chapter 5 Reminisce
Chapter 7: Eto-Kal LT
CHAPTER 8: The Visitors
Chapter 9: It smells like trash
Chapter 10: Mcdo 24/7
Chapter 11: Cute? Saang banda?
Chapter 12: Haliparot
Chapter 13: Ouch
Chapter 14: Pumayag ka?!
Chapter 15: Holy mother of goose
Chapter 16: Great, now what??
Chapter 17 Spell OA
Chapter 18 Nagda-drugs ata siya?
Chapter 19: 3D
Chapter 20: Alam niyo na, OA
Chapter 21: Faded
Chapter 22: Hi ate
Chapter 23: You're sick
Chapter 24: The Visitor
Chapter 25: The gathering
Chapter 26: Greenhouse
Chapter 27: Are you okay?
Chapter 28: Gang from North
Chapter 29: Eagle
Chapter 30: She mustn't know
Chapter 31: Literal
Chapter 32: To infinity?
Chapter 33: Maybe
Chapter 34: No Mercy
Chapter 35: Us

Chapter 6: The Call

9.5K 350 82
By JayChowder


Allexa's POV

"Pwede bang pakiexplain uli sa akin kung bakit ako dapat ang tumawag kay MJ? Anlabo besh eh, alam mo yun?" drama ni Nathaniel, nakaupo kaming dalawa sa sofa while Kalbo's group, with the baby, are playing on the floor. Grabe, talagang aliw na aliw sila sa baby, in fairness to them, bagay nilang maging tatay, sana naman may pumatol na't sumeryoso sa kanila.

"Muka nga niya kung malinaw, paliwanag pa kaya niya?" siksik ni Kalbo, mabuti nalang anlapit lapit lang ng likod niya sa paanan ko kaya naman nasipa ko agad siya't sumubsob siya ng konti sa floor saka ako tinignan ng masama.

"Ikaw nalang kaya kashi?" Nathaniel said to me habang nagpapa-cute.

"My gad 'di mo bagay!" sumimangot siya, "Ikaw nga kasi never mo pa siyang tinawagan at inimbita sa kahit ano, syempre iisipin niyang dahil first time mo siyang i-invite, kailangan ka niyang pagbigyan, alam mo namang sentimental yung tao, lahat ng 'firsts' niya eh nirerecord o pinapangalagaan" paliwanag ko.

"Nirerecord lahat ng first niya?" he asked with a naughty smile kaya tinaasan ko siya ng kilay. Napatingin ako sa mga boys, pareho silang nakangiti, parang may inside joke sila na hindi ko mawari.

"Nirecord kaya nila ni Jason? Kkkk" tawa ni Adong.

"Sigurado yun pre, si Jason pa?" said Pekto tapos naghighfive sila ni Ilong while laughing naughtily.

"Eh yung first niyo ni mfmfmfff" hindi na itinuloy ni Adong yung tanong niya sa akin dahil tinakpan na ni Etong yung bunganga niya. Parang nagegets ko na tuloy yung sinasabi nila pero hindi ko na pinahalata at baka lumala pa.

"Huwag mo na silang pansinin" said Nathaniel, "fine, tatawagan ko na siya't iimbitahang magbakasyon dito".

"Kita mo? Papayag ka rin pala, andami mo pang arti" I said.

"Edi huwag na-" tatayo na sana siya pero hinila ko siya pabalik.

"Joke lang! ke arti ng baklang 'to" sabi ko and he flipped his imaginary long hair to his side at naginarte talagang parang bading, sarap batukan.

"Did you call her na ate?" asked someone from behind us, si Ashley pala, kakababa lang nila ni Allen sa hagdan.

"Hindi pa, tatawagan palang" I answered.

"Hoy Allen, nirecord mo ba?" tanong ni Kalbo tapos nagtawanan uli sila, pati si Nathaniel nakisali narin.

"Hindi po eh" sagot naman ni Allen habang nagkakamot ng batok kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Allen!" sigaw k owith my eyes ready to pop out of their sockets.

"Joke lang ate" agad na sabi niya sabay peace sign, I calmed a little pero pinanliitan ko parin siya ng tingin.

"Nirecord yung alin?" tanong ni Ashley.

"Don't mind it Ashley, lalabas ba kayo?" I asked, nakabihis kasi silang dalawa, I smiled and looked at them suspiciously, "ayeee!! Anur yurn!? Magde-date kayo?" biro ko.

"As much as I want to call it a date, pero may bibilhin lang po kami saglit" sagot ni Ashley  at nagkamot na naman ng batok si Allen habang nakangiti.

"Weh? Bakit hindi niyo nalang itext kina Bryce?" tanong ni Nathaniel, lumabas uli kasi yung dalawa dahil nakalimutan nila yung isang grocery bag sa pinagbilhan nila. Si Kurt naman, nasa taas, natutulog pa, napuyat sa midnight calls nila ni Kate.

"Yan nga din po ang sinabi ko eh" said Allen.

"Kesa naman magmukmok tayo rito kasama ng mga retards ano!" Ashley exclaimed kaya tumigil yung mga boys sa paglalaro at dahan dahang tinignan ng masama si Ashley, "hindi po kayo, sina ate Lexa at kuya Nathaniel ang tinutukoy ko" she corrected at kami naman ni Nathaniel ang tumingin ng masama sa kanya, "Bakit? Totoo naman ah!" sigaw niya sa amin.

"Allen, ilayo mo yan sa akin, kundi-"

"Kundi ano!?" Ashley challenged Nathaniel and they battled in glaring. Akala ko as time will pass by, magiging close pa lalo sila, I guess I was wrong.

Allen sighed and went between the two na nagtatamaan ng laser eyes, he took Ashley's hand and without a word, he dragged her out of the house, pero nagtitinginan parin yung dalawa ng masama hanggang sa nagclose na yung door.

"Patulan pa kasi" sabi ko kay Nathaniel.

"Nakita mo naman yung pananalita nung malditang yun!"

"Bakit lumala uli ata kayo?"

"Hindi ah, siya lang yung lumala. Yun ata ang effect ng puberty sa kanya. Sa tingin ko, pagdating ng debut niya, isa na siyang ganap na witch."

"Loko," tumawa ako ng konti, "sige na nga, tawagan mo na si Mary Jane" dagdag ko sabay sundot ng paulit ulit yung shoulder niya, it annoys him kasi.

"Fine! Fine!" he said as he shakes his shoulder violently, making me stop poking him. He looked at his phone like it is the most sinful thing on earth and dialed a number, pero tinitigan niya lang yung call button like he's debating internally kung pipindutin ba niya iyon o hindi.

"Do it!" utos ko't nagulat siya ng konti, "isipin mo nalang na si Crystal ang tatawagan mo."

"Gagu, speaking of which" sabi niya pero alam kong gusto niya lang iwala yung usapan, "ano'ng oras daw sila dadaan dito?"

"Ikaw yung boyfriend, tapos ako ang tatanungin mo?"

Last night, after we finished watching, umuwi agad yung mga girls kasi may pasok pa sila today. Syempre hindi namin sila pinigilan.

"Sige na bago pa dumating sina Jason!" ulit ko.

"Heto na nga! Idina-dial na oh! Kring kring na daw oh!" sabi niya sabay pakita sa akin yung screen ng phone niya't ibinalik agad sa tenga niya. We waited for few more rings until she finally answered. I asked Nathaniel to put it on a loud speaker pero ayaw niya. "MJ! Pare! Kumusta!?" masayang sabi niya sa receiver.

"Loud speaker kasi!" bulong ko pero hindi niya ako pinansin.

"Ahh, good kung gano'n...ako? Gwapo parin syempre!—"

Kunwaring nasusuka ako pero 'di parin niya ako pinansin.

"Hehehe, oo naman..heto, mainit na ang panahon..oo, kasama ko sila dito sa bahay.." sinipa ko siya para ipaalala yung mission niya, nag-thumbs up siya and cleared his throat, "Oo nga pala MJ, bakasyon ka naman dito? Antagal nang hindi ka namin nakasama.." there was a long pause, "ahh, ganoon ba, okay sige, tawagan mo nalang ako ha?..okay..okay..sige! Bye!" he dropped the call saka tumingin sa akin.

I waited for him to speak pero he just looked back to his phone at mukang bubuksan pa yung game app niya.

"Hoy!!" sigaw ko't gulat siyang tumingin sa akin.

"Bakit!?" tanong niya.

"Gagu! Ano'ng sinabi ni Mary Jane!?"

Kumunot saglit yung noo niya saka parang kakarealize niya lang kung ano ang tinutukoy ko.

"Ahh, yun ba. Sabi niya titignan niya raw kung makakabakasyon siya" he answered.

"Ahhh" dismayadong sabi ko, "so..50-50?"

"Mmm, more like... 50-never" he corrected, "huwag na tayong umasa" he said and went back to his phone.

Oo nga, parang nawawalan tuloy ako ng pag-asa. Pero malaking percent parin yung 50, magtry nalang kami ng iba pang approach.

"Oo nga pala Lexa" sabi ni Adong, "alam mo bang marunong na akong magSpanish?"

"Weh!?" gulat na tanong ko, mukang ako lang talaga yung nagulat, nagsmirk lang yung mga kasama niyang nakaupo sa baba eh, "Kalokohan" I finished.

"Totoo!" sabi niya sabay clear ng throat niya, ", Sólo con pensarlo se acelera el pulso" he said with the accent, at talagang feel na feel!

"Wahhhw!" bilib na bilib talaga ako! "ano'ng ibig sabihin no'n?" I asked pero itinaas niya lang yung palm niya to shush me.

"Esto hay que tomarlo sin ningún apuro" he continued and I clapped slowly sabay shake ng head ko, I am really really impressed.

"Ang galllling pare, saan ka natuto niyan?" tanong ko, Nathaniel is now grinning, like he is about to laugh any minute now.

"Sa net, andali lang kaya!" sagot ni Adong saka tumingin kina Kalbo, "Marunong din sila" he pointed at the guys.

"Wow! I'm so proud!" naiiyak na sabi ko.

"Sabay tayo!" Kalbo exclaimed happily...and they began to sing.

"Deeeeeeeeeeeeespacito! Quiero respirar tu cuello despacito!!" they sang together habang dahan dahang tumatayo at nagreready sa kung ano man ang gagawin ko.

I....stayed in my seat...trying to understand and remember why they are still my friends all this time.

-=-=-=-=-=-=-

Continue Reading

You'll Also Like

3M 17K 11
✔ REVISED VERSION [COMPLETED] ✔ AVAILABLE ON GOODNOVEL She's a nerd who dreamed of being just an ordinary girl but turns out to be a princess? Howeve...
73.5K 596 69
Hugot para sa puso mong sugatan, mga nararamdaman na sa poetry mo lang maidadaan. Date started: June 13, 2018 End: January 4, 2020
484K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...