My Ultimate Campus Crush(REVI...

By majestic_qwyn

94.4K 1.3K 116

BOOK 2: INCEPTION: THE SEQUEL More

My Ultimate Campus Crush
MUCC1: Classmate
MUCC2: Accidentally
MUCC3: His Eyes
MUCC4: Hi
MUCC5: Girl
MUCC6: Stranger
MUCC7: Vision
MUCC8: Practice
MUCC9: Great
MUCC10: I Will
MUCC11: Luck
MUCC12: Spy
MUCC13: Terrified
MUCC14: Again
MUCC15: Gift
MUCC16: Mall
MUCC17: Josh
MUCC18: Guy
MUCC19: Eavesdrop
MUCC20: One Gaze
MUCC22: Parents
MUCC23: Rolls
MUCC24: Heard
MUCC25: Star
MUCC26: Triggers
PLEASE READ
MUCC27: Triggers
AUTHOR'S NOTE
GREETINGS
BOOK 2

MUCC21: Small World

1K 42 0
By majestic_qwyn

Wendy's Pov

I wiped the sweat from my forehead, ngayon ay halos humihingal na sumasayaw sa gitna ng field. We are practicing our cheer dance again. I tied my hair on a bun para hindi sumagabal.

"Now pivot!" Si Mace.

Just like what she said, agad namin itong sinunod habang tumutugtog ang music. It's also been an hour since we started, hindi maitatanggi na halos patapos na kami sa sayaw kahit na nung isang araw pa lang naibigay ni sir ito sa amin.

I can see from the other section na halos hindi pa sila nakakagawa ng steps or kahit ng formation. Ang iba ay halos magtalo pa dahil hindi lang man umuusad ang sa kanila. We were quite thankful that Mace was our leader, kahit papaano ay naituturo niya sa amin ang mga nalalaman niya sa pagsali mula sa cheer dance.

"Okay, water break muna kayo!" She announced.

"Hay, nakakapagod," rinig kong sambit ni Amara nang umupo ito sa tabi ko.

Ngayon ay nasa bleachers kami at umiinom ng tubig. I took my towel and put it on my back, medyo nahirapan pa ako na gawin ito pero buti na lang at nagawa ko rin.

We looked at Arkie na ngayon ay hinihingal na umupo rin sa kaliwa ko. He was sweating pero ang amoy niya ang fresh pa rin. Edi siya na.

From the other side, nakita ko sina Rad na umupo sa mataas na parte ng bleachers, kasama ang mga kaibigan. Umiling na lang ako at binalik ang tingin sa harap.

"Hingi ako tubig," si Arkie.

"Bakit hindi ka nagdala?" My brows creased.

"Nakalimutan ko" simple niyang sagot habang ngumunguso sa akin na akala mo naman cute.

"Konti lang!" I said.

Sanay kaming ganito. Kung bakit hindi ba naman nagdala ng sarili niyang inumin at nakalimutan pa. Alam kong kukulangin ito dahil ang lakas niyang uminom!

He took my tumbler beside me. He poured it on his mouth, sabi ko na nga ba. Pinagmagmasdan ko itong lumagok hanggang sa nangalahati ito at hindi pa rin tumitigil sa pag-inom.

"Hoy! Tama na 'yan,"

Agad nga itong tumigil kaya napangiwi ako ng makita ang laman.

"Hayop ka talaga." I said. He just gave me a peace sign and smiled.

"Damot. E re-refill ko naman 'yan!" aniya.

Umiling na lang ako at humarap sa field. Nakita ko na papunta na rin sina Miro sa pwesto namin, agad silang umakyat at umupo sa likuran kaya napailing naman kami ni Amara nung magsimula silang mag-usap. Agad umingay ang paligid.

"May pagkain kayo diyan?" Bungad agad ni Miro.

"Uy chips!" He saw the inside of my bag, aga namang kumunot ang noo ko dito. Akmang kukunin niyo ito nang pigilan siya ni Arkie.

"Bumili ka do'n," he said before closing my bag.

Napailing naman ako dito.

"Damot, konti lang naman." saad pa ni Miro.

"Hindi sa'yo 'yan,"

Napabaling naman ako kay Amara nang tapikin niya ako. I ignored the boys and just looked at Amara.

"What?"

Agad niyang pinakita sa akin ang hawak niyang phone. I look down on it.

"Bakit mo sini-stalk ang account ni Joshua?" I asked when I saw his Facebook account on the screen.

"Gaga akala ko ba updated ka lagi kay Rad? Nag-post siya ng story at kasama niya si Joshua doon at naka tag ang pangalan." paliwanag niya.

I bit my lower lip. I forgot to open last night dahil nag-movie marathon kami ni Dad. I didn't realize it hanggang sa makatulog ako.

"Curious lang naman ako kaya stinalk ko ang account niya, but look what I found out," she said. Scrolling from his photos at tumigil ito sa isang larawan. She showed it to me.

Nakita ko ang mukha ni Joshua, he was wearing a formal attire, mukhang nasa isang gathering ito. From his side, naningkit ang mata ko nang makita si Kyline. She was wearing a cocktail dress. Nakangiti silang dalawa sa larawan.

"Mukhang magkakilala na ata sila bago pa siya lumipat dito. Small world, o baka dahil kaibigan siya ni Rad?" She said.

I don't know much about Joshua. I just met him and that's it. Maliban sa alam ko na pinsan siya ni Rad, ay wala na akong iba pang alam sa kanya.

"Hindi ko alam. Baka gano'n nga," sambit ko.

"Hindi kaya close ang family nila ni Rad at Kyline?" Tanong ni Amara.

"Ang alam ko lang na parehong nasa business ang pamilya ni Rad at Kyline. Baka ganun siguro." ani ko.

"Hmm, mukha rin silang close ni Josh. Ang angas niya naman, malapit pala sa mga Sullivan. Kabahan kana!" Sinamaan ko siya ng tingin.

I know she's just joking. But she's right, mukhang close nga ito sa dalawa. Kahit na nung pumunta ako ng bahay nila Rad. Sinasabi na maliban daw sa akin, si Kyline pa lang ang nadadalang babae ni Rad sa kanilang bahay. I shook my head from that thought.

I was also taken a back when our leader spoke in front. Mukhang natapos na ang 5 minutes na water break namin kaya tumayo agad kami at bumalik sa field para mag ensayo ulit.

Thank God and we finally finished our routine, konting formation na lang gagawin namin at 'yung mga stunts na kailangan e practice.

Buti na lang din at early dismissal ulit kami. Nagkataon na may general meeting ang teachers kaya nagdiwang ang lahat ng mga students sa nalaman.

"Kain tayo sa labas! Libre ko kayo, maaga pa naman para umuwi." si Arkie.

Agad akong napanguso dahil sa sinabi niya. Anong meron sa kanya ngayon? Sinasanay niya talaga kami sa libre.

"Oh? Saan? Nakakahiya naka pe uniform pa tayo!" Si Amara.

We already changed our clothes, pero naka pe pants pa rin at sapatos. I adjusted the strap of my bag on my shoulder before looking at him.

"So? Kakalain lang naman tayo, hindi naman natin sila sasayawan." aniya pa.

"KFC lang naman, malapit lang dito sa atin."

"Sige na nga," at the end of it, pumayag din kami sa sinabi ni Arkie. I texted my Dad na sasabay na ako kina Arkie uuwi mamaya. I told him that we'll eat somewhere, hindi nagtagal ay pumayag din ito.

"Tara na!" Sambit ko.

We were on the parking lot, ngumisi naman kami nang makita ang sasakyan nila ni Arkie. Nandoon din sa loob ang driver nila kaya binati namin ito.

"Kuya Jo, sa KFC muna tayo." sambit ni Arkie rito.

We were at the back seat, kasama ko si Amara habang si Arkie ay nasa harapan. We were lucky na hindi masyadong traffic ngayon sa daan, hindi pa naglilimang minuto ay agad kaming nakarating sa lugar.

Mabilis kaming lumabas at pumasok ng KFC. Medyo marami-rami ring mga tao ngayon kaya agad kaming sinabihan ni Arkie kung ano ang gusto naming e order.

"Sige, ako na oorder. Maghanap na lang kayo ng mauupuan," aniya maya tumango agad kami sa kanya.

"Doon tayo malapit sa bintana," turo ni Amara sa bakanteng upuan malapit sa glass window.

We occupied the seat before leaning our back on the chair. Natanaw rin namin si Arkie na halos magtagpo ang kilay habang humalukipkip na tumitingin sa menu. Napailing na lang ako at mukhang may apat na tao lang nauna sa kanya sa pilahan.

"Hoy, si Joshua!"

Napabaling ako kay Amara nang magsalita ito sa harapan ko. She pointed something from my back using her lips, kaya kumunot ang noo kong sinundan ito ng tingin.

From our table, nakita ko ang mukha ni Joshua na nakatagilid sa amin. He was seating on the other table while he was busy typing on his phone. Hindi niya kami nakita at mukhang abala ito sa ginagawa, he was alone. Pero mukhang may hinihintay namang dumating.

"Ang lonely niya naman. Samahan mo!" Si Amara. She laughed at my reaction when I glared at her.

Hindi na lang ako umimik at binalik ang paningin sa pwesto ni Josh. I was about to look away again when I saw Kyline coming out of the restroom and walk straight in front of Joshua's table. Umupo ito sa kaharap niyang upuan at doon lang din umangat ang tingin niya.

"So totoo nga. Ano kaya ang meron sa dalawa? Are they even dating?" Si Amara.

Nakita ko na nag-uusap na ang dalawa ngayon. Kyline was talking cheerfully in front of Josh while he was just staring at her.

"Hindi ko alam. Ano naman kung meron?" I said looking away from them. Ngayon ay kay Amara na nakatingin.

"Ang sabihin mo, mabuti kung meron silang relasyon. Edi may pag-asa ka na kay Rad kung ganoon. Kasi 'yung pinsan pala ang gusto!" Aniya.

"Hindi ka nakakasigurado," I said chuckling.

"Sus. Tagal mo kasing bakuran si Rad, mamaya baka maunahan ka pa ng iba diyan." aniya nang umiiling.

"Gawin mo muna 'yan kay Dayle, susunod ako." natatawa kong sinabi. She crossed her arms ang raised her brows at me.

"Ikaw mauuna! Ni wala pa nga kaming progress. Baka kapag naging kayo ni Rad doon na mangyayari ang hinihintay ko!" Aniya.

"Tss. Hindi ako umaasa no." I lied.

"Hindi raw, hindi mo ako mauuto Wendy sa mga salita mong 'yan!" she said. Napailing ako kasi alam ko naman na hindi ito maniniwala.

Nagulat kami ng biglang nilapag ni Arkie ang tray sa harapan namin. He sat beside me habang nasa harap namin si Amara. My stomach suddenly crumbled when I saw the food in front.

"Anong pinag-aawayan niyong dalawa?" He asked.

Isa-isa niya namang nilapag ang mga paborito namin sa aming harap. He really knows us that much, kaya kami na s-spoil kasi alam niya lagi ang gusto namin. Kahit na inaaway niya kami palagi, binawi naman ito sa pag-alaga sa amin.

"Hindi kami nag-aaway," I said. He looked at me and smirked.

"Talaga? Halos dinig ko 'yung boses niyo mula sa counter eh," aniya nang natatawa.

That's when we realize that maybe, we were too loud while talking? Napansin ko na umiwas ang mga matang kanina pa pala nakatingin sa amin. Bigla tuloy akong nahiya sa nangyari.

"Napalakas lang," si Amara. Tumawa naman si Arkie sa naging reaksyon namin. We just shook our head and started eating.

Bumili rin pala siya ng para kay Kuya Jo, 'yung driver nila. Naka take out ito. Kaya napangiti ako nang makita sa gilid ng table.

"Alam mo ba, nandito si Joshua at kasama niya si Kyline." si Amara.

Natigilan naman si Arkie dito lalo na nung ngumuso si Amara habang tinuturo ang table ulit nila ni Josh. Lumingon naman si Arkie rito.

"Ah. Matagal nang magkakilala 'yang ang dalawa," kaswal niyang sambit na nagpataas ng kilay sa akin.

"Talagang ginamit mo rin ang pagkachismoso mo no?" Sambit ko sa kanya.

He looked at me before rolling his eyes.

"Sinabi lang sa akin ni Vins. Magkakilala rin ang dalawa eh. Nagulat din nga ako kasi akala ko nagbibiro lang siya," he nonchalantly said before biting on his piece of chicken.

"Bat di mo sinabi sa amin agad?!" Si Amara.

"Hindi naman kaya nagtanong,"

"Kahit na!" Ani Amara ulit. I sighed.

"Oh bakit kayo naging interesado bigla sa buhay ng lalakeng 'yon?" Nagtatakang tanong ni Arkie sa amin.

"Pinsan siya ni Rad, tiyaka may theory kami ni Wendy na baka gusto ni Kyline ito! Pero dumating si Josh tapos makikita pa namin silang magkasama. Kaya nagtataka kami if ano ang relasyon niya sa dalawa," paliwanag ni Amara.

"Ang sabihin niyo, kayo ang totoong chismosa. Ang lakas pa ng loob niyong akusahan ako!" He said spilling some food from his mouth.

Agad ko siyang sinaway dahil sa nangyari. He just wiped his lip before sipping on his drink to calm down.

"Duh, tawag diyan friendship goal!" Sambit pa ni Amara.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi rito. Kaya umiling na lang ako at sumimsim din sa aking inumin.

"Paano pala nagkakilala si Vins at Josh? Hindi ko inexpect 'yun!" I said.

"Business daw. Magkakilala ang parents nila kaya gano'n. Hindi naman sila close pero sapat na para magkita sila sa mga gathering or business party. Si Kyline alam mo naman, parents niya ganun din kaya hindi rin malabo. Tiyaka kaya lang naman nasabi ni Vins sa akin ito dahil nakita ko silang magkasama ni Josh nung isang araw sa school." aniya pa. Mas lalong kumunot ang noo ko sa narinig.

"Hoy ang daming info! Spill the tea, bakit daw sila magkasama?" Si Amara na mukhang interesado sa pinag-uusapan.

"Sasali ata sila bilang banda. Ewan, 'yun ang sinabi sa akin. Nagulat nga ako kasi hindi ko alam na may ganoong talento pala si Vins. Ganoon din sina Miro, kaya sila nagmeeting nung isang araw." aniya.

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Grabe, hindi ko inaasahan 'yon. I really thought that Josh is something, 'yun pala ay halos nasa iisang circle lang kami. It's like we have a small world.

"Does that mean, makakalaban niyo sila?" Si Amara. Nagkibit-balikat lang ako.

"Hayaan mo, papanig pa rin ako sa inyo!" Si Arkie kaya napangisi ako.

"Basta ba kantahan mo muna kami." he teased me.

Agad ko siyang hinampas sa braso dahil sa kalokohan.

"Gusto mong masapak?"

He pouted.

"Damot, parinig lang naman. Wala bang pa teaser diyan bago ang elimination ninyo?" Aniya pa. Narinig ko rin ang pagsang-ayon ni Amara dito kaya napailing na lang ako.

They did not stop hanggang sa makalabas kami at makapasok ng sasakyan. We left the place habang nandoon pa rin sa loob si Kyline at Josh. There's no interaction that happened, mabuti na lang at hindi rin kami nila napansin at mukhang abala ang mga ito sa pag-uusap. 'Yun nga lang, marami kaming nalaman tungkol sa kanya.

At least, that explains why they were close to each other. Kahit na kay Rad.

"Kuya Jo, 'wag niyong ihinto ang sasakyan sa bahay nila Wendy hangga't hindi siya kumakanta ah." si Arkie.

I glared at him. Nasa daan na ulit at talagang binuksan niya pa ang stereo nila para kumbinsihin akong kumanta.

"Sige na Wendy! Kahit chorus lang. Parinig naman ng boses mong nagkumbinsi kay Rad na kunin ka." Taas baba ang kilay ni Amara sa akin na sinabi.

Isa pa 'to. Ang kulit!

"Oo na! Jusko, ayaw niyo talagang tumigil." I finally said.

Not that it's my first time to sing in front of them. Ngayon na lang ulit. Kaya ewan ko na lang talaga sa gusto nilang mangyari! They're probably making fun of me.

"Yey!"

Masaya namang pumalakpak si Arkie habang pumipili ng kanta mula sa kanyang phone na naka konekta naman sa kanilang stereo.

I cleared my throat when the music began. I was crossing my arms while waiting for the first verse to start. Nakita ko naman ang nag-aabang na mukha ng mga kaibigan ko, kahit na ang driver nila Arkie ay nakaabang din. Nakakahiya tuloy.

"He is sensible and so incredible and all my single friends are jealous..." I sang.

"He says everything I need to hear and it's like I couldn't ask for anything better." nakita ko na ngumisi si Arkie sa akin mula sa salamin.

"He opens up my door and I get into his car, and he says, "You look beautiful tonight..." and I feel perfectly fine" I bang my head when I hit chorus.

I almost laughed when I saw them cheering for me and joining me as well.

"But I miss screaming and fighting and kissing in the rain and it's 2:00 a.m. and I'm cursing your name, so in love that you act insane and that's the way I loved you!" I heard Arkie's baritone voice kaya muntik na akong matawa dahil sa lalim ng kanyang boses.

"Breakin' down and coming undone it's a roller coaster kinda rush and I never knew I could feel that much and that's the way I loved you!"

I just knew then that we were singing at the top of our lungs while we are heading home, it was fun not until I heard Arkie cracked his own voice that cause us to stop and laugh at him.

Continue Reading

You'll Also Like

8.2K 219 8
lagi nya akong binubully ano ba gusto nya? ano ba kaylangan nya sakin? bat ba laging ako?
101K 6.7K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
618K 1.9K 7
Tunghayan ang istorya ni Kriza Dimaguiba ang tinaguriang Binibining Undas ng kanilang lugar. at ang barumbadong siga na si Teejay Lopez.
340K 23.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...