The Perfect Weapon [COMPLETED]

By ROOBIINHOOD

597K 17.9K 860

Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damda... More

General Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4- Minor Edit
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56- The End

Chapter 50

7.9K 230 2
By ROOBIINHOOD

Reese

Nakatulog ako sa biyahe at paggising ko ay tuyo na ako. Nakasuot ng bagong damit, isang puting bestida na abot hanggang tuhod.  Tinanong ko ang mga nakabantay kung nasaan ako pero hindi nila ako iniimik.

Lumabas kami sa kwartong hinihigaan ko kanina at naglalakad kami sa malawak na pasilyo ng sinalubong niya kami.

"Wala 'to sa usapan." Binungad niya ako ng may kasamang yakap at may ngiting malawak.

Si Papa Dimitrios, ang taong nanakit kay Papa Hideo. Ang taong nagpadukot kay Ashton at ngayon ay ang taong gagamitin ako para sa pansarili niyang mithiin.

"Welcome, my dear. Come, I'll show you something." Inakay niya ako palapit sa isang pinto.

Nasaan si Ashton? Bakit wala siya dito?

Pinagbuksan kami ng isang bantay at pagpasok namin ay inilibot ko ang aking paningin. Maraming laboratory computers at mga taong naka-lab gown ang mga abala sa kanya kanyang gawain.

Pagtingin ko sa dulo ay napako ako sa mismong kinatatayuan ko.

Parang nawalan ako ng hininga... naubusan ng hanging ibubuga ng makita ko kung sino ang nasa loob ng malaking kristal.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tumakbo ako papunta sa direksyon niya. Marami ang humaharang sa akin ngunit napatigil sila ng sumigaw si Papa Dimitrios na hayaan ako. Nang makalapit ako sa kristal ay tinitigan ko siya ng ilang segundo. Halos isubsob ko ang sarili ko sa kristal makita ko lang kung ayos siya. Kung may mga pasa ba siya o sugat.

"Ashton..." Mahinang usal ko sa kanyang pangalan.

Ang lakas ng kabog ng puso ko, gusto ko na siyang mahawakan at mayakap.

Nagpalakad lakad ako hanggang sa makita ko ang pinto. Sinubukan kong buksan iyon pero hindi ko magawa. Bakit?

Tinignan ko uli siya. Bakit tulala lang siya? Bakit parang wala siya sa sarili niya?

Kinalampag ko ang pinto pero wala pa ding epekto. Nilapitan ko si Papa Dimitrios. Hindi. Dimitrios lang dapat. Hindi ko na siya tatawaging ama dahil sa ginawa niya kay Ashton.

Hinawakan ko siya sa mga dalawang balikat ng mahigpit. Dumilim ang mukha niya sa ginawa ko pero wala akong pakialam.

"Buksan mo ang pinto. Pakawalan mo na siya."

Gumuhit ang isang ngisi sa kanyang labi.

Kahit ama ko siya, wala na talaga akong respeto na natitira pa para sa kanya. Napakawalang puso niya.

"Sure, my child. I'll set him free but he will lose his consciousness forever. Is that fine with you?" Isa siyang demonyo.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Ano ang ginawa niya kay Ashton?

Bakit ganun siya? Bakit... Gagawin niyang baliw si Ashton? Hindi maaari. Hindi ako makapapayag.

"Well, let's just say that your boyfriend there is suffering from a very dangerous state of unconsciousness. Tahimik lang siya at tulala pero sa loob ng utak niya ay paulit ulit na siyang pinapatay doon."

Halos matumba na siya nang sa isang iglap lang ay tumama sa pisngi niya ang kamao ko. Sinuntok ko siya at wala na akong pakialam kung ano ang iisipin o gagawin niya sa akin.

Lalapitan ko pa sana siya ng may dalawang katao na humawak sa magkabilang braso ko. Hinatak nila ako palayo kay Dimitrios, tinulak ako at may isa pang lumapit sa akin na may hawak na isang baril. Napaupo ako at napahawak sa parteng nasa puso ko ng patamaan niya ako sa balikat.

Ang bala na tumama sa akin ay parang inatake ang puso ko at halos pigilan ang pagtibok nun. Napahiga ako sa sahig sa hirap ko sa paghinga.

Wala talaga siyang kaluluwa.

"Bring her inside the glass with the boy." Iyon lang ang sinabi niya at tumalima kaagad ang dalawang lalake sa kanyang sinabi.

Nang makapasok na ako ay may lumabas na puting usok sa ibabaw ko at nakaramdam ako ng antok.

Sinulyapan ko si Ashton at hinihiling ko na sana ay bigyan siya nila ng lunas. Natumba din siya at napapikit ng mga mata.

Kampante na ako at nagkita na din kami sa wakas.

*******

Vhon

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at sa unang pagkakataon matapos akong dalhin sa loob ng malaking kristal na ito ay nakahinga ako ng maluwag.

Hindi na din ako nakakaramdam ng pagkaalarma.

Am I already awake? Am I back to the real world? Gising na nga ba talaga ako at nakawala na sa mga bangungot na iyon?

Napahawak ako sa aking ulo ng makaramdam ako ng sakit dito.

Damn it! Fuck those almost no ending nightmares!

Hindi pa din ako makapaniwala na halos mamatay na ako dahil lang sa walang kwentang mga bangungot na 'yon!

For Pete's sake, I've dreamed​ of her for several times and all she did in those dreams is to kill me... Torture me!

Kumalabog ang puso ko ng may nakita akong babaeng nakahiga ilang hakbang mula sa pwesto ko.

Fuck!

Halos magkumahog ako sa paglapit sa kanya at halos hindi ako makapagsalita nang makita ko ang mukha niya. Binuhat ko siya at niyakap ng sobrang higpit.

It's really her! This is real, this is my sweetheart! The lady I love! I can't be wrong, I am very sure that this is her!

'Yong kayakap ko, siya na talaga 'to. Hinaplos ko ang maamo niyang mukha at hinalikan siya sa noo. How I missed her so much.

Hindi ko na siya itutulak pa ulit palayo sa akin. Tama na ang apat na buwang paghihirap ko ng bigla na lang siyang mawala.

"Savor this moment, Black. Your death sentence will be held after I tell you the real story." Tinignan ko ang walanghiyang matanda na nanloko sa amin. Ang nanlinlang at gumamit sa kakayahan ng babaeng pinakamamahal ko.

Alam ko na siya ang ama ni Reese, na siya si Dimitrios Kaida. Mapapatay ko siya! Patawarin ako ng babaeng yakap yakap ko ngayon pero hindi ko sasantuhin ang taong ginawa siyang isang human tester. Human subject as a weapon against my family.

I also knew that my girlfriend is as innocent as a baby, she just got out and started living a normal life for just two years ago. And this old man stole her childhood. Lintik lang ang walang ganti at sisiguraduhin ko na pagsisisihan niya ang lahat ng kahayupang nagawa niya.

"What do you want? Why are you doing all of this?" Pinapatay ko na siya sa utak ko pa lang. If only I can kill him in just a snap, "At ano ang ginawa mo sa kanya?" Tukoy ko kay Reese na tulog pa din.

"You're lucky enough that I care for my daughter's happiness. I gave you the antidote to bring you back the consciousness you should have lost already while you were drowned in your own mind with those nightmares. I should have killed you in the very first place when your father called me and even took my children."

Nakatingin lang siya kay Reese habang nagsasalita. Wala na ang nakakaawang matanda sa kanya, tanging pagkasuklam at poot ang nakikita ko. Ang totoong pagkatao niya.

"She's just asleep. Tamang oras para malaman mo ang buong katotohanan. Kung bakit gustong gusto ko na maubos ang lahi niyo, mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabatang miyembro ng pamilya mo." May lumabas na pagak na tawa sa mga labi niya at sumandig siya sa kristal.

Ano ang kinalaman nina Papa dito? Ipinadukot pa nila si Reese para sa ano? Dahil ba ayaw kong pakasalan ang malanding Leonora na 'yon?

I made a vow. And I have no reasons, nor plans to break it. I am a man of my words.

"Ginamit mo ang sarili mong anak para mabawasan kami ng mga mapagkakatiwalaang tauhan. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nakipaghiwalay ako sa kanya." Tiim bagang ko siyang nilisikan ng mga mata. Uminit ang ulo ko ng tumawa siya at umiling iling.

I forgave Reese for what she has done. Nalinlang lang talaga siya. Pareho kaming may kasalanan kung bakit nagkaganito kaming dalawa, at hindi ko na uulitin pa ang nagawa ko.

"I deceived my daughter, yes. And because it's what she's made for. She's my blood and flesh and she felt that father-daughter leap of blood the very first time she saw me. Her senses are more like tripled that of a normal person. Well, my daughter doesn't need anyone. She can live without you."

No. Reese needs me and I need her more than anything. Patatahimikin ko ang lahat ng susubukang pumagitna at susubuk na manakit sa kanya. And as for my parents, pag-uusapan namin ang tungkol sa pagpapadukot nila sa kanya.

"You don't have the right to call her your daughter. You have never been a good father to her, you stole half of her life and his twin brothers' too."

I want to pity my girlfriend, but I can't. I don't want to. I even admire her and how she's been taught by her foster parents. I have loved her along with her imperfections, flaws and our differences to each other.

I love how she made me feel like I don't need to look handsome everyday, that my physical appearance doesn't matter anymore. That she's into me even if she never told me what she feels. Except that she confessed and said to me that her heart pumps and beats louder, faster than her normal heartbeat. It's a relief to my part that somehow, she has unrecognized feelings for me.

"She's my daughter and she will do whatever I say. Do you want to know the reason why she doesn't need you? Because your parents killed my wife! They destroyed my family and took away my happiness! And that's why you should hate yourself too, that you are my enemy's son!"

Parang bomba na umalingawngaw sa utak at pandinig ko ang sinabi niya.

What the fuck... He's a good manipulator! Sinungaling!

"Hindi 'yan totoo." Usal ko sa malalim na boses at may pagpipigil ng galit.

Sinuklay ko ang mahaba niyang buhok gamit ang mga daliri ko. She's peacefully sleeping. She's like an angel.

"You are my family's enemy. The reason why they abducted my children and planned to use her against me."

Natigil ako sa pagsuklay at napatingin kay Dimitrios. And then.. something came up in my mind.

What's the reason why they didn't want me to pursue my feelings with this lady?

Why can't they accept her?

"They have their reasons."

"Your father hates me, abhors me because I killed his brother." Si uncle Jacob?

Hindi ko na siya nakilala pero madalas siyang ikwento sa akin ni Papa. My uncle is the most amazing brother Dad ever had.

Whenever he talks about his older brother, may kung ano sa mga mata niya na nagre-reflect ng ibang emosyon. He loved uncle Jacob.

"Why did you kill him?"

"I met my wife when I was just fifteen, courted her and we got married at my age of twenty six since she's two years older than me. After a month of our marriage... A son of a devilish bastard in hell, your uncle, took advantage of her. Got her drunk, drugged... raped her."

What .. the fuck.

Niyakap ko si Reese ng sobrang higpit.

He's lying.

The way Dad talks about my uncle is way too far the way I could imagine of what he is. Mabait siya at maasahang kapatid sa ama ko. Hindi niya iyon magagawa.

But why do I feel something inside me? My heart is pounding too fast. Sumisigaw ang utak ko na tama siya, na hindi siya nagsisinungaling. He's a great liar, a manipulator. But my mind insists, it keeps on insisting that he's telling the truth.

After all, this is how everything started.

May kasalanan si Uncle Jacob​.

And I badly want to say sorry to Reese, apologize with all my heart for letting her down. Hindi ko maisip kung ano ang naramdaman niya ng malaman niya ang katotohanang ito.

Napahanga niya pa ako dahil kahit sobrang laki ng kasalanan ng pamilya ko sa kanya, tinanggap niya pa din ako.

"And do you know what's the most unexpected, but happiest thing that happened to me? We found out that she was two months pregnant, two months right after she was abused by your uncle. And thankfully, they are mine."

Nanginginig na ang loob ko sa dinagdag niya.

After one revelation, there comes another. Ano pa ba ang dapat kong maramdaman?

Kaya niya pinatay si uncle dahil sa panggagahasa sa ina ni Reese. Ibig sabihin, muntik ko na siyang maging pinsan kung nagkataong si uncle ang nakabuntis sa asawa niya?

I just can't help but feel happy. I am relieved that she's not my cousin.

But what more? May hindi pa ba siya sinasabi?

"Sabihin mo na lahat."

"We were living a few blocks away sa bahay nina Hideo. They knew everything since we were working in the same company. He even helped me in saving my kids, but unfortunately we lost their mother. Wanna know why she died?"

Inihanda ko na ang sarili ko sa isisiwalat niya.

So they really knew Reese since then? And they're not just the simple foster parents?

"She was just seven months pregnant when your heartless father sent some of his men to kill my family. All of us, even my innocent angels na nasa sinapupunan pa lang ng pinakamamahal kong asawa. Bigla siyang naglabor and since we were running away, I never had the chance to revive her. We lost her."

May kasalanan sina Dad. At may kasalanan din siya.

But why Reese? Bakit nagkaganito siya?

Bakit naging ganito ang lahat? Kami ang napapagitnaan dahil sa mga nangyari sa kanila.

And she lost her childhood days because of the conflict our parents are having. Na hanggang ngayon ay hindi pa din natatapos.

When will all of this fucking come to an end?

Continue Reading

You'll Also Like

535K 9.1K 43
Aryaniah, Princesang iniwan ang marangyang buhay niya sa Italya at namuhay ng simple nang hindi kinokontrol ng sariling batas na meron ang pamilya ni...
12.9K 1.6K 31
May mga bagay sa mundo na sadyang hindi maipaliwanag, katulad nalang ng isang dalagang nagising at walang maalala. Bukod sa nawawalang memorya hindi...
573K 11.4K 65
BOOK 2 of DANGER SERIES *This story contains emoticons. Bakas pa ang jejemon days sa way ng pagkakasulat. *I will never edit this story, dahil dito...
Sangre Fria By Maria Luna

Historical Fiction

1K 110 40
1893 Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa bayan ng San Martin sa unang araw ng taon. Bangkay iyon ni Don Ricardo Montinola, isang mestizo. Ang pi...