The Perfect Weapon [COMPLETED]

By ROOBIINHOOD

597K 17.9K 860

Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damda... More

General Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4- Minor Edit
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56- The End

Chapter 46

7.8K 219 4
By ROOBIINHOOD

Reese

Napamulat ako ng dahan dahan ng may maramdaman akong nakahawak sa aking pisngi. Ilang ulit akong napakurap hanggang sa maging malinaw sa akin ang buong paligid. Sinubukan kong igalaw ang aking kamay ngunit hindi ko magawa. Napagtanto ko kung ano ang nangyayari sa akin ng sulyapan ko ang mga braso ko. Nakatali ako sa isang upuan, pati na din ang aking mga paa.

Ilang segundo lang akong nayuko ng may bumuhos ng malamig na tubig sa akin. Inangat ko ang aking tingin sa nagsaboy sa akin at nakita ko ang nakangisi niyang mukha. Ang mataray na babae kagabi.

"Ang saya, diba?" Bungad niya sa akin.

Lumapit siya sa lalaking nakayuko sa harap ko, na katulad sa akin ay nakagapos din sa bangko niya at tulog pa hanggang ngayon.

"Reed." Tawag ko sa aking kapatid.

Hinawakan niya sa buhok ang kapatid ko at walang anong inangat ng marahas ang mukha niya. Kinuyom ko ang aking mga kamay at tinignan ng diretso sa mga mata niya ang babae.

"Sorry to disappoint you but it won't work, dear. We have been warned already about your special ability so it has no use to us. Lahat kami ay may contacts ngayon." Pang-uuyam niya.

"Kakausapin ko si Ashton. At bitawan mo ang kapatid ko."

"So cold, dangerous, and serious. I'm just wondering, you never raised your voice. Why is that?" Hindi niya pa din binibitawan ang kapatid ko.

"Ano ang ginawa niyo sa kanya?"

"Oh, I think may special ability ka pa siguro na tinatago or because you're just like that." Wala akong makukuha na matinong sagot sa kanya.

Kailangan kong makausap si Ashton, siya lang ang tanging paraan upang mailigtas ko si Reed.

"I heard, this twin of yours isn't as strong as you are. Bakit kaya? Para ba kayong trial and error?" Parang gustong magwala ng loob ko sa sinasabi niya. Sa tono ng pananalita niya, parang iniinsulto niya kaming magkapatid.

Ayaw ko sa tabas ng dila niya.

Pumikit ako ng ilang segundo at pagmulat ko ay naging abo ang kulay ng aking mga mata. Hinatak ko ang kamay ko sa tali, hindi pa nakakalas.

Tumawa siya sa ginawa ko pero kaagad din siyang naalarma ng paunti unti kong natatanggal ang mga kamay ko sa pagkakagapos. Inilabas niya ang kanyang baril at tinutok iyon sa ulo ng kambal ko.

Itinigil ko ang ginagawa ko, baka mapatay niya si Reed kapag nagkataong pinilit ko na makalas ang kamay ko sa pagkakatali.

"Axel! Pumasok ka nga dito!" Mukha siyang nataranta sa tono ng pagtawag niya.

Pumasok ang isang lalake na blonde ang buhok at may suot na eyeglasses.

"Ano'ng​ ginagawa mo? Gusto mo bang malintikan kay Boss?" Bulalas ng lalake sa ginagawa niya.

"Ikadena mo 'yan. Masyadong malakas, muntik niya ng makalas ang tali. Bilisan mo!" Tumalima naman kaagad ang lalake at lumapit siya sa akin.

Umupo siya sa harapan ko at tinitigan ko lang siya ng posasan niya ako. Kinadena niya din ang aking mga paa. Naninigurado na at baka makawala pa ako.

"Sorry ha? Medyo mainitin lang talaga ang ulo niyang pinsan ko, gutom ka na ba?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Mas mahalaga ang kambal ko, huwag niyo siyang sasaktan at pababayaan. Kaya ko na ang sarili ko."

"Hmm. Ikukuha ko lang kayo ng makakain. Tara na Anne, hayaan muna natin silang makapagpahinga." Pinaningkitan niya ako ng mga mata bago sumunod sa pinsan niyang lumabas. Anne pala ang pangalan niya, humanda siya at babalikan ko talaga siya.

Naiwan kaming dalawa ni Reed dito sa loob. Inilibot ko ang aking paningin at napagtanto ko kung nasaan kami. Parang basement, maayos dito at malinis. Walang ni isang insekto na lumilipad sa amin. Hindi din mabaho.

"Reed." Tawag ko sa kanya.

Ilang hakbang lang naman ang layo niya sa akin.

"Reed." Tawag ko ulit.

May narinig akong mga yabag bago bumukas ang pinto at iniluwa nun ang ama ni Ashton. Ang dilim ng aura niya at blanko ang kanyang mukha. Kamukhang kamukha niya talaga si Ashton.

Lumapit siya sa harapan ko at sinalubong ko ang kanyang mabalasik na titig. Ilang segundo pa ay dismayado siyang napailing.

"Nasaan sina Mama at ang kapatid kong si Joseo?"

"They're safe, unharmed." Plain niyang sagot.

"Gusto kong makausap si Ashton."

"The very first night you killed five of my men, you killed my son's trust and feelings for you also. Wala ka ng karapatan pa na makita siya."

"Hindi ko iyon sinasadya."

"Pero ginusto mo. What a very wonderful Christmas gift from my people, mabilis ka nilang nakuha." Nagpalakad lakad siya sa gitna namin ni Reed.

"Ano ang kailangan niyo sa akin?"

"A revenge. We will use you against your father." Isa din siyang manggagamit. Iba si Ashton sa kanya, hindi ganito ang pag-iisip ng lalakeng mahal ko.

"Alam mo kung sino ang nagsimula ng sigalot sa pagitan niyo ni Dimitrios, labas na ako doon."

"Oh well, we are a Mafia. So every single person who has a connection to your father will be damned​ too. Lalo na kayo ng kambal mo." Umikot siya sa pwesto ni Reed.

"Kahit ako na lang, huwag niyo nang idamay si Reed."

"We will need him. Hindi ka namin mapapasunod kung wala kaming pinanghahawakan laban sa 'yo." Mautak siya.

Kailangan kong maitakas si Reed. Sa lalong madaling panahon.

"Kapag ba nalaman ni Ashton ang katotohanan, matatangap ka pa niya?"

"I am his father. Pamilya kami. I'm not sure kung matatanggap ka niya kapag nalaman niya ang totoo."

"Bakit naman? Hindi ko naman siya kaanu ano."

"I'll feed him with lies. It's the only way that I can take you out of his system. Malas kayo sa pamilya namin, salot sa relasyon namin ng anak ko." Kami pa ang naging malas? Kung nagkataon na naging isa kaming pamilya, magagawa at masasabi niya pa kaya ito sa amin?

"Ganun ba ang isang huwarang ama? Kayang magsinungaling sa sarili niyang anak? Pinagmumukha mo siyang tanga sa gagawin mo."

Tumawa siya ng malakas at hinawakan sa kaliwang balikat si Reed.

Sinubukan kong igalaw ang mga braso ko sa ginawa niyang paghawak sa kapatid ko, mahigpit siya kung humawak. Kung hindi lang manhid si Reed ay baka nagising na siya at napasigaw sa sakit.

"At paano naman ang ginawa mo sa kanya? Hindi ba't pinagmukha mo din siyang tanga? Pinatay mo pa ang mga taong pinagkatiwalaan niya ng lubos."

Napayuko ako sa sinabi niyang iyon. Gumuhit ang isang mapait na ngiti sa mga labi ko sa pag-alala ng mga oras na halos ipagtulakan na ako palayo ni Ashton. Nang gabing nilisan ko ang resort na iyon ng walang pasabi kung kelan ako babalik at kung saan ako pupunta.

Kung paanong ang gabing iyon ang mismong gabi na sinira ko kung ano ang meron kami.

Tumahimik ka na! Huwag ka munang magpapakita sa akin! Huwag mo akong lalapitan o kakausapin!

"Ginawa ko lang 'yon, dahil akala ko iyon ang nararapat."

"Now what? Masakit bang masampal ng mga salitang nabitawan mo?" dagdag pa niya.

Pero bakit naglihim ka?! Kung sinabi mo sa umpisa pa lang, sana hindi na humantong pa sa ganito! Sana hindi kami nawalan ng mga tapat at maaasahang tauhan! Sana hindi ako nakakaramdam ng galit dito sa puso ko!

"I can't feel pain." Sagot ko na lang.

Naaalala ko lahat ng sinabi niya sa akin. Lalo na ang mga salitang nagpabasag sa paniniwala ko na hindi niya ako magagawang iwan.

I don't need you anymore. Let go of me. From now on, this is over. We are over. This relationship is fucking over.

Ipinikit ko ang aking mga mata at malayang naglandas ang puting likido sa aking mga pisngi.

May sinabi pa siya sa akin ng gabing iyon na hindi ko makalimutan.

Kung pinapahalagahan mo ako, kung kaligtasan at kapakanan ko ang iniisip mo ay sana nagsabi ka kaagad! Ganyan ka na ba kawalang puso at nagawa mong maglihim?! You are an insensitive, heartless lady! All I did is to love you! And you gave me nothing! You did nothing for me!

Sa pagmulat ko ng aking mga mata ay isang palad ang dumapo ng malakas sa aking pisngi.

"Iniiyakan mo ang anak ko? Hah! A beast like you shouldn't be loved back! Ang dapat sa iyo ay habang buhay na nakakulong sa apparatus na pinagmulan niyo ng kambal mo! Doon kayo nababagay!" Bulyaw niya sa mismong mukha ko.

Sinakal niya ako ng sobrang higpit, parang gusto niya na talaga akong patayin.

Ramdam ko na din ang paghirap ko sa paghinga. Dumiin ang tingin ko sa kanya ng mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa aking leeg.

Walang hikbi na lumabas sa bibig ko, walang ungol sa lakas ng pagdapo ng palad niya sa pisngi ko. Walang bahid ng kahit anong hinanakit ang aking mga mata at walang emosyon ko lang siyang tiningnan.

Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko at nanatili pa din akong nakatingin sa kanya.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na umiyak ang aking mga mata. Hindi man ramdam ng tuluyan ng puso ko ang sakit, nagpapatunay naman ang mga luha ko na may nararamdaman ako sa loob ko. Na hindi ako tuluyang manhid at may konsensya din ako. Na minamahal ko ang anak niya. Na hindi ko susukuan ang nararamdaman ko sa kanya. Ipaglalaban ko siya at poprotektahan katulad ng sinumpaan ko.

Walang makakahadlang sa akin, gagawin ko ang lahat para sa kanya. Makita ko lang ang maganda niyang ngiti, ang maaliwalas niyang mukha at kumikinang na mga mata.

Gusto kong marinig ulit ang mga paglalambing niya sa akin. Yong tinig niya na tinatawag akong sweetheart. Gusto kong maramdaman yong mga nakaw niyang halik sa labi at pisngi ko. Gusto kong marinig ulit ang malakas at mabilis na kabog ng puso niya, 'yung yakap niya na nakakapagpagaan sa paligid ko. Gusto kong mahawakan ang mga kamay niya at pisilin iyon ng mahigpit.

Ganun ko siya kamahal. Sobra sobra ang pangungulila ko sa kanya.

"Gawin mo na ang lahat ng gusto mo sa akin, kahit patayin mo na din ako. Sana kapag natapos ka na sa akin ay pakawalan mo na si Reed at hayaan si Ashton sa mga kagustuhan niya." Iyon lang ang nasabi ko at napayuko na ulit.

"And you think it's that easy? I will kill your brother right after when you're done with your father. That's my condition and you have nothing to do with it." Pagmamatigas niya.

"Paano na lang ang nararamdaman ni Ashton? Hindi mo man lang ba naiisip ang magiging epekto nito sa kanya?"

Ngumisi lang siya at tumalikod na sa akin.

"As I said earlier, I'll feed him with lies. I am his father and he is just my son."

Tuluyan na siyang lumabas at nabalot na ulit ng katahimikan ang buong silid.

Napatingin na lang ako sa kawalan.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Dapat ba lumuhod ako sa harapan nila

Dapat bang patayin ko na lang ang sarili ko upang wala na akong problema?

Dapat ko na lang bang sukuan si Ashton?

"R-reese..." Naalimpungatan si Reed at nakatingin siya sa akin na may bahid ng pagtatanong sa kanyang mga mukha.

For four months, pinag-aralan namin kung paano ang ngumiti at tumawa. Nakakangiti na ako ng pilit pero hindi ko pa nasusubukan ang makatawa kahit konti. Marunong na din si Reed sa pagkontrol ng kanyang mga mata. May konting pakiramdam na din siya katulad ko. Pero hindi pa siya gaanong kalakas katulad ko. Sadyang magkaiba kami sa lakas, ngunit hindi ako titigil hangga't hindi siya gumagaling ng lubusan kagaya ko.

"Umiiyak ka ba?"

Napayuko ako at hindi sinagot ang tanong niya.

"Ano ang ginawa nila sa iyo?"

"Wala, Reed. Ayos lang ako. Ikaw? Sinaktan ka ba nila?"

"Hindi naman ako nakakaramdam. Bakit ka umiiyak? Sino ang gumawa sa 'yo niyan?" usisa niya.

"Nakausap ko ang ama ni Ashton, galit na galit siya sa akin. Papatayin ka niya, Reed."

"Hindi iyon mangyayari."

"Huwag kang pakasisiguro."

Base sa pagkakakilala ko sa ama ni Ashton, may isa siyang salita. Na kahit ang kanyang asawang si Glorietta ay hindi makakontra. Naikwento din sa akin ni Papa kung ano'ng klaseng tao siya, sobra pa sa inaakala ng iba kung gaano siya kasama at mapanganib.

Kailangan ko siyang makumbinsi. Kailangan kong maipatindi sa kanya na wala kaming kasalanan ni Reed, na wala kaming kinalaman sa away nila ni Papa Dimitrios.

"Makakatakas tayo dito, Reese."

"Kelan pa? Kapag nawala na ng tuluyan sa akin si Ashton? Kapag nabulag na ng tuluyan ang ama natin ng kasamaan at poot? Kapag nawala na sa atin ang lahat?" Sunod sunod kong tanong.

"Nawawalan ka na ba ng pag-asa?"

"Hindi. Dahil sa oras na makaalis ako dito, wawakasan ko na ang lahat. Aayusin ko ang kasalanang hindi naman tayo ang naging dahilan. Na biktima lang din tayo." Tumango siya at tumahimik na din.

Babawi ako sa mga nagawa kong kasalanan kay Ashton.

Ngayon, alam ko na ang totoong kahulugan ng salitang pagmamahal.

Ang magsakripisyo para sa taong pinakaimportante sa buhay mo. Ang gawin ang lahat para sa kaligtasan niya. Ang ibigay ang lahat na meron ka mapangiti mo lang siya.

Sa pagmamahal, hindi lang puro saya. May sakit din, pangungulila at galit. Pwede kang magpahinga, tumakas saglit pero huwag kang susuko. Hangga't may nakikita ka pang maliit na pag-asa, ipaglaban mo siya kahit kalaban niyo pa ang buong mundo.

Dahil ang totoong nagmamahal, hindi sumusuko. Walang sinusukuan.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 25K 60
Highest rank #7 po ang story kong ito A simple girl living a simple life, her name is Alexandra Knight. Isang ulila kaya sa tita niya na lamang siy...
7.3K 271 38
He has everything in this world. He got this looks, fame, money and beautiful girls. He loves adventures and problems not until he met this mysteriou...
37.2K 1.4K 56
(This can be a stand alone novel.) Kilala na natin si Ren bilang masipag, kuripot, at business-minded na babaeng katutuntong lamang sa ikalabingwalo...
395K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...