(COMPLETED) PARTNER IN BED

By Yazhley27

218K 4.6K 174

Rated 18 More

CHAPTER-1
CHAPTER-2
CHAPTER-4
CHAPTER-5
CHAPTER-6
CHAPTER-7
CHAPTER-8
CHAPTER-9
CHAPTER-10
CHAPTER-11
CHAPTER-12
CHAPTER-13
CHAPTER-14
CHAPTER-15
CHAPTER-16
CHAPTER-17
CHAPTER-18
CHAPTER-19
CHAPTER-20
CHAPTER-21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER-30 (Finale)

CHAPTER-3

10.5K 203 4
By Yazhley27

PARTNER IN BED

❤❤❤


TILA umaalingaw-ngaw sa pandinig ni Mia, ang salitang iyon. Bagama't parang nanlalamig ang kaniyang buong katawan, nang mga sandaling iyon naman ay nakaramdam siya ng kauntig kilig at kasiyahan. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan ng lalaking nasa kaniyang harapan.



"Halika na... Baka kanina ka pa nagugutom, kumain muna tayo." pag-iiba bigla ng binata.



Bahagya namang nakahinga ng maluwag si Mia. Nakakahiya mang isipin pero kinabahan talaga siya, lalo pa at halos lumapat na ang katawan ni Anthony sa dibdid niya. Tapos naramdaman pa niya ang mainit na hininga niyon. Akala pa nga niya ay hahalikan siya nito kaya bigla niyang naipikit ang mga mata.



"Ohh Ms Cute, wala ka pa ba balak umalis diyan. Ang sabi ko halika na, kumain na tayo. Sige ka, baka mamaya nyan magbago pa ang isip ko at ikaw ang kainin ko ."pabiro at pilyong sabi nito sa dalaga.



"Siraulo! Oo na, kakain na." ani Mia na umirap pa dito.



Bagama't natatawa naman ang huli pero hindi nito intensyon sadyain na sabihin iyon. Pero atleast epektibo naman.



Pagdating nila sa hapag kainan, nakahanda na nga ang dalawang set ng plato. May apat na putahing nakalatag sa mesa. Amoy palang ng mga ulam ay nakakatakam na.



Samantala, bago pa makaupo si Mia, ay mabilis siyang ipinaghila ni Anthony ng upuan para makaupo ng maayos.



"Salamat!" tipid niyang sagot. Kahit paano ay naapreciate naman niya ang pagka gentelman nito.



"Sana magutushan mo ang inihanda ni Manang Bebeng." wika ng binata. Iniabot nito sa dalaga ang kanin.



"Bakit pala ang dami naman ng pinaluto mo. Ano 'to, fiestahan?" pag-iiba niya.



"Hmm, hayaan mo na. Kung hindi maubos eh 'di ipamimigay sa iba. Tsaka si Manang na bahala diyan. Kumain ka na lang para naman tumaba ka." nakangiting tugon sa kaniya ng binata.



"Okay!"



At dahil kanina pa nga kumakalam ang sikmura, hindi na siya nahiya pang sumandok ng pagkain.



Pagkaraan ng ilan sandali pa ay tahimik na silang kumakain. Ni sulyap sa binata ay hindi na ginawa ni Mia. Mas itinuun niya ang atensyon sa kaniyang kinakain. Samantalang ang binata naman, kanina pa di mawari ang sarili. Kung nakakatunaw lang ang kaniyang mga titig, siguro ay kanina pa natunaw si Mia. Bahagya pa ito napapangiti sa tuwing makikita ang magandang anggulo ng dalaga. Talagang tinamaan nga siya dito.



Halos patapos na si Mia, kumain pero si Anthony, parang hindi manlang nagalaw ang pagkain sa kaniyang plato.



"Bakit ganyang ka makatitig sa akin?" anang dalaga ng 'di sinasadyang mapasulyap siya dito.



"Hahaha wala! Masaya lang ako." tugon nito.



"Masaya? Para saan?"



"Masaya dahil kasama kitang kumakain ngayon. Dati, palagi lang ako mag-isa. So ngayon, may makakasabay na ako parati---, ikaw." nakangiting sagot ng binata.



Muli ay pinamulahan nang mukha si Mia. Nahiya na hindi maintindihan ang sarili.



"Hindi ka naman kumakain ah. Tingnan mo yang pagkain mo, ni hindi mo nga yata nagalaw." pag-iiba nalang niya sa usapan.



"Makita lang kita na busog, parang busog narin ako." sagot pa niyon.



"Bolero! Paano kaya nangyari yun?" tanging sa isip nalang niya iyon nasabi. Pero halatang nagdidiwang naman ang kaniyang puso.



Kanina lang ay inis na inis na siya sa binata. Pero ngayon ay para bang unti-unti nang lumalambot ang kalooban niya dito. Kahit may panakaw nakaw din siyang tingin, don ay nagpantanto niyang sobrang gwapo pala ng lalaking ito. Tanga lang siguro ang babaeng tatanggi dito kung sakaling alukin na maging girlfriend. Bigla tuloy siya nakaramdam ng guilty sa inasal niya kanina. Hanggang sa bigla nalang sumagi sa kaniyang sa ala-ala ang nangyari sa kanilang dalawa noon.



Hinding hindi yata niya malilimutan ang masaya at masarap na karanasang nung gabing iyon sa piling ni Anthony. Parehas man silang nakainom noon, alam na alam naman nila bawat kaganapan na nangyayari sa kanilang dalawa. Hanggang sa bigla nalang siya napangiti ng wala sa oras, bagay na ipinagtaka naman ni Anthony.



"Are you okay?" tanong nito kay Mia .



Napapitlag naman ang huli. Nawala sa ala-ala na nasa hapag kainan pa nga pala sila. Hindi niya napansing malayo na ang nilakbay ng isip niya.



"Nag-iba naba ang ihip ng hangin?" muling tanong ni Anthony nang hindi siya sumagot.



"Salamat sa pagkain. Nabusog ako." taliwas na sagot ni Mia sa tanong nito.



Napangiti nalang si Anthony sa sagot niya.



"Okay! Mabuti naman kung ganon. Baka gusto mo ng magpahinga. Ipinaayos ko na kay Manang Bebeng yung magiging room mo. Sabihin mo lang kung gusto mo nang pumunta doon para maipahatid kita." wika nitong nakangiti parin. Sa tuwing ngingit ang binata, lalo namang lumilitaw ang taglay nitong kagwapuhan.



"Sigurado ka ba talaga na gusto mong dito ako tumira?" seryosong tanong ni Mia sa kaniya.



"Oo. Dadalahin ba kita dito kung hindi." mabilis nitong sagot sa dalaga.



"Baka hinahanap na ako bahay. Ang alam nila naghahanap ako ng trabaho. Baka nag-aalala na sila sa akin dahil hanggang ngayon hindi pa ako umuuwi." aniyang biglang lumungkot ang tinig.



Sa tono ng boses ng dalaga, tila naman nakaramdam si Anthony ng kurot sa kaniyang konsenya. Saan man daanin, mali talaga siya.



"Mia, I'm so sorry kung naging pangahas ako. Hindi bale, bukas na bukas...ihahatid kita sa inyo." malumanay na sabi nito.



"Bukas pa?"



"Masyadong malalim na ang gabi, pwede mo naman silang tawagan muna para huwag mag-alala. Heto ang cellphone ko, tumawag ka muna sa inyo. Sabihin mo sa isang kaibigan ka muna magpapalipas ng gabi at bukas ka nalang makakauwi." seryoso nitong sabi.



"P-pero..."



"Sige na---" si Anthony



"S-salamat!" tipid nalang na tugon ng huli. Walang nagawa kundi kunin ang cellphone para makatawag.



Noon din ay tumawag nga sa kanilang bahay si Mia. Sinabi niyang hindi siya makakauwi. At kagaya ng sinabi ng binata, sinunod nga niya ang sinabi nito.



Pagkaraan ng ilan saglit at matapos ang tawag na iyon hindi niya napansin na wala na pala si Anthony. Nagpalinga linga pa siya para hanapin at isuli sana ang cellphone na ipinahiram sa kaniya. Subalit makaraan pa ang ilan saglit, si Aling Bebeng na ang kaniyang nakita.



"Ma'am, excuse me po...pinasasabi po ni Sir, na samahan ko na kayo sa room niyo." wika ng katulong.



"Ganon po ba? P-pero nasaan pala siya."



"Nauna na po siya. Ngpapahinga narin po sa kaniyang silid."



"Ah okay!" tanging nasabi nalang niya.



Pagdating sa kaniyang magiging silid, laking gulat niya ng lumantad ito sa kaniyang harapan. Malinis, maaliwalas, maganda at parang sinadya ang lahat.



"Sige po Ma'am, maiwan ko na po kayo. Kung may kailangan po pala kayo, huwag po kayo mahiyang tumawag sa amin ni Lina. Sabi kasi ni Sir, bahagi narin kayo ng tahanang ito." sabi ni Aling Bebeng sa dalaga.



"Nakakahiya nga po eh pero salamat po sa inyo."wika niya.



"Naku ma'am, wala po yun. Ang totoo, masaya ako para kay sir. Pano magpahinga ka na po. May mga damit narin po pala diyan sa drawer, sigurado po ako na kasyang kasya lahat yun sa inyo." nakangiti niyong sabi.



"G-ganon p-po ba?" garalgal na sagot ni Mia. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa nalaman. Para bang pinaghandaan talaga ni Anthony ang pagdating niya.



Nang makaalis na si Aling Bebeng, hindi parin makapaniwala si Mia. Nananaginip ba siya or sadyang hindi lang talaga niya ito inaasahan. Maya maya pay kinurot kurot at tinapik tapik ang mukha. "Mia, gumising ka na nga." utos niya sa sarili.



Para tuloy siya'ng timang sa ginagawa niya nang gabing iyon. Hanggang sa naipasyang mahiga nalang. Pabagsak niyang inihiga ang katawan sa malambot at malapad na kama.



"Haisstttt..." kasabay niyon ay ang pagpikit ng kaniyang dalawang mga mata.



Hindi pa gaanong nagtatagal na nakahiga ay nakaramdam agad siya ng antok. Hanggang sa mabilis na nga itong nakatulog.



Samantala, hindi naman mapakali si Anthony. Nakay Mia, ang isipan. Hanggang sa naipasyang tingnan muna ang dalaga sa silid niyon.



Pagdating nito roon ay nakita niyang nakabukas ng bahagya ang pintuan. Pati ilaw ay halatang bukas parin. Dahan-dahan siyang kumatok sa pag-aakalang gising pa ang dalaga.



"Mia!" mahinang sambit nito.


"Mia---" ulit pa.


"Mia..."



Pero walang sumasagot sa kaniya. Hanggang sa naglakas loob siyang pumasok sa loob. Doo'y nakita nitong nakahilata na sa kama si Mia. "Kaya naman pala walang sumasagot, tulog na tulog na siya." anitong kinakausap ang sarili na malamang naghihilik na ang dalaga.



Ilan sandali pa ay pinagmadan nito ang natutulog. Hindi pa siya nakontento at nilapitan iyon. Gumilid siya ng upo sa tabi ng kama.



"Napakaganda mo parin kahit natutulog ka." anitong lihim na nasisiyahan.



Hanggang sa bigla itong nakaramdamg ng kakaibang init nang katawan. Sino bang hindi maaakit sa sitwasyon na iyon, bigla nalang umungol ang dalaga at sa pagkilos niya'y napapatong ang kamay sa ibabaw ng pundiyo ni Anthony. Hindi tuloy maiwasang mabulabog ang kanina ay nananahimik na nitong alaga.



"Shit!, Mia..." anas na sambit pa nito. Pilit pinipigilan ang sarili sa maaaring mangyari, pero sadya yatang mapanukso ang pagkakataon. Dahil nang mga oras na iyon, wala siyang ibang naiisip kundi ang muling maulit ang nangyari sa kanilang dalawa.



"No! mali ito..." saway bigla nang kaniyang konsensya.



Lalaki siya, at nasa pamamahay yata niya ang babaeng matagal na niyang inasam at pinangarap na makasama. Ngayon pa ba nito pakakawalan ang pagkakataon gayong nasa kaniyang harapan na.



Hanggang sa tuluyan na nga siyang nilamon ng makamundong damdamin. Sa sobrang pananabik nito sa dalaga, walang anu-ano ay bigla nalang nito hinagkan iyon sa mga labi. Dati rati, nang hindi pa niya nakilala si Mia, siya ang hinalikan ng babae, pero ngayon ay siya naman ang naging mapangahas na gawin iyon.



Sa paglapat ng mga labing iyon, biglang nagising at napaungol ng wala sa oras si Mia.



"Ummmmm... A-anthony....?


❤❤❤

Continue Reading

You'll Also Like

58.6K 1.6K 29
"akala ko natutuwa lang ako kaya lagi kitang gusto makita. yun pala....."
325K 6.1K 22
Papasok na sana ako ng kwarto nang marinig kong may kausap si Justin sa phone. "So kelan mo siya ipapakilala kila mommy?" Nakaloudspeaker ito kaya ma...
753 66 23
KAPAG KUMINANG ANG GINTO (THE HARLOT LAST SERIES) Written by M.R.Galing TEASER ANAK si Merry Cris ng magkasintahang sina Cristina na isang nurse at...
11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...