(COMPLETED) PARTNER IN BED

By Yazhley27

218K 4.6K 174

Rated 18 More

CHAPTER-1
CHAPTER-3
CHAPTER-4
CHAPTER-5
CHAPTER-6
CHAPTER-7
CHAPTER-8
CHAPTER-9
CHAPTER-10
CHAPTER-11
CHAPTER-12
CHAPTER-13
CHAPTER-14
CHAPTER-15
CHAPTER-16
CHAPTER-17
CHAPTER-18
CHAPTER-19
CHAPTER-20
CHAPTER-21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER-30 (Finale)

CHAPTER-2

12.2K 245 8
By Yazhley27


PARTNER IN BED

❤❤❤


"IBANG klase talaga siya?" bulong ng dalaga. Aminadong hindi niya kayang salubungin ang mga titig na iyon.

"Syanga pala... sa bahay na kita dadalahin. At kung aangal ka, wala ka ng magagawa dahil pumayag ka na sa gusto ko." wika ng binata.

"Ewan ko sa 'yo. Masyado kang mayabang." tanging naibulong lang nang huli.

"May sinasabi ka?"kunot noo na tanong ni Anthony nang hindi nito mawatasan ang binubulong niyon.

"Ang sabi ko, hindi mo manlang ba ako pauuiwiin muna sa amin. Baka hinahanap na ako ng mga magulang ko." pagsisinungaling ni Mia sa kaniya.

"Seryoso ka? Ikaw hahanapin ng mga magulang mo?!"

"Sobra ka naman. Bakit ikaw ka ba kapag hindi nakakauwi sa inyo, 'di ka manlang  hinahanap ng mga magulang mo?" balik na tanong niya dito.

"Hindi!" maikli at mabilis nitong sagot.

"Puwes, ako malamang kanina pa nila hinahanap. Panigurado nag-aalala na sila sa akin. Kaya please lang, payagan mo muna ako umuwi." pakiusap niya sa binata. Kung pwede lang, kanina pa niya gustong tumalon sa bintana ng sasakyan upang makaalis doon. Pero naisip niya, kung gagawin niya iyon, baka lalo lang siya mapahamak. Pero paano kung mas lalo lang siya mapahamak kung tuluyang sumama siya kay Anthony. Buti sana kung maganda talaga ang intensyon nito sa kaniya?!

"For now, sa bahay ka muna. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo diyan sa isip mo." nasabi lang ng binata sa kaniya.

"Haissttt! Diyos ko naman, ano ba kasing atraso ko sa 'yo at ginagawa mo sa akin ito?" tanong niya. Walang magawa kundi ang paulit ulit na pag-iling nang ulo.

"Ang kulit mo rin 'no?! Hindi ba't sinabi ko ng kailangan kita. Mahirap bang intindihin yun ha? Sayang maganda ka pa naman pero ang hina ng IQ mo." giit na sabi nito. At sa tono ng boses halatang nagagalit na yata ito. Sa lahat pa naman ng ayaw nito ay yung paulit ulit na nagpapaliwanag.

"Grabe ka naman. Sa ginagawa mo, puwede kitang kasuhan." biglang nasabi ni Mia dito.

"Really? Oh sige nga, at anong kaso naman ha?! Hahaha," anitong parang nang iinsulto pa ang tawa.

"Harashment!"

"Owhs! At anong alam mo ba batas, Ms Angeles?"

"Kahit wala akong alam sa batas, alam ko naman ang karapatan ko. Sa ginawa mo  sa akin, hindi ba at panghaharash ang tawag dito? Pinipilit mo ang gusto mo kahit ayaw nung tao. Nakikiusap ako sa 'yo pero hindi mo ako pinakikinggan. Ano ba talaga ha, ano---?" malakas na niyang sabi at nang hindi na siya nakatiis para bang luluwa na ang kaniyang dalawang mata dahil sa galit.

Noon din ay tila natigilan si Anthony. Ganito nga ba talaga ang gusto niya. Ang pilitin ang isang babae? Pero buo narin ang kaniyang desisyon, at ngayon natagpuan na si Mia, hindi na siya papayag na muling mawala ito sa kaniyang paningin at ano man ang mangyari kaya nitong panindigan ang kaniyang sinasabi.

Maya maya pa ay katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Hindi na nasalita si Anthony, hanggang sa makarating sila sa tapat ng isang malaki at napakagandang bahay. Huminto saglit ang sasakyan sa tapat nang magarang tarangkahan. Maya maya'y binuksan iyon ng isang babaeng nakasuot ng uniporme ng isang kasambahay. 

"Magandang hapon po, sir!" magalang na bati niyon ng magbaba ng salamin ng binta si Anthony.

"Manang, pakihanda nalang po ng hapunan, may bisita tayo." kaswal na sabi ng binata.

"Sige po, sir." nakangiting tugon sa kanita ng kasambahay.

Samantala, namangha naman si Mia, nang lumantad sa kaniyang harapan ang malaking mansyon na iyon. Ilan beses siyang napalunok ng laway. Maya't maya din ang kurap niya.

"My God, ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang bahay." tanging naibulong niya sa sarili. Ang iniisip niya kanina ay tila ba pansamantalang nabura sa alala-ala at napalitan iyon ng pagkamangha dahil sa mga nakikita niya ngayon.

"Pwede ka ng bumaba diyan." untag ni Anthony sa kaniya.

"Kaninong bahay ba 'to?" maang maangang tanong niya sa binata.

"Bahay ko."

"B-bahay mo 'to?"

"Oo! Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng ganitong bahay?" natatawang tanong niyon. Nang hindi kumikibo ang huli, siya na ang unang bumababa ng sasakyan.

Nang makababa na ay napansin nitong wala yatang balak bumaba ang huli.

"Hoy Ms Angeles, bumababa ka na diyan? Oh baka naman gusto mong buhatin pa kita," sabi nito sa dalaga.

Sa tingin ni Mia, parang seryoso ito. Kaya bago pa man gawin ang sinabi ay nagkusa na rin siyang bumaba sa kotse. Inis at galit man ay wala na talaga siya magagawa pa. Ang tanging iniisip na lang niya ngayon ay baka nga si Anthony na ang taong makatulong sa problema niya.

"Naku, sana nga lang." sa isip isip pa niya.

Nang makababa, bahagya siyang nginitian ng binata. Doon ay nakita niyang mukhang hindi naman talaga masamang tao ang kaharap niya.

"Tara na sa loob at ng makapagpahinga ka muna." malumanay nitong sabi.

Nagpauna siyang pumasok sa loob, Sumunod naman sa kaniya si Mia.

Napakagara nang loob ng bahay. Hindi lang sa labas pati mismong kabahayan. Halatang mamahalin ang mga kagamitan dito. Tahimik at walang imik habang nakasunod siya kay Anthony.

"Good morning maam," bati ng isa pang kasambahay. Ngiti naman ang tanging naisagot ni Mia, dito. Hanggang ngayon, parang di parin ito naniniwala sa nangyayari sa kaniya.

"Lina, simula sa araw na ito, tratuhin  ninyo ng mabuti ang ma'am Mia, n'yo. Mamaya nga pala after dinner, pakisabihan narin si Manang Bebeng na ayusin ang magiging room niya." utos ni Anthony sa katulong.

"Yes, sir!" nangangiting tugon ni Lina, at ilan saglit namaalam narin sa dalawa at pumunta sa kusina upang tulungan naman si aling Bebeng.

Binalingan naman ni Anthony si Mia, na kanina pa nito halatang tahimik.

"Nagustuhan mo ba ang bahay ko? Ako lang, at ang dalawang kasambahay ko ang nakatira dito." wika nito.

"M-malaki. Maganda." tipid na sagot ng dalaga.

"Hindi magtatagal, magiging bahay mo narin ito."

"Seryoso ka ba? Paanong magiging bahay ko narin 'to?" patay malisyang tanong niya.

"Sooner or later, malalaman mo rin. Ang importante...nandito ka na." pahayag ng binata.

Maya maya pa ay nilapitan nito si Mia. Malapit na malapit na halos isang dangkal nalang ang agwat nila. Kinabahan naman ang huli kung kaya't napaatras siya ng wala sa oras.

"L-lumayo ka nga..." sabi niyang biglang kinabahan.

"Ang amoy mo, at ang presensya mo, alam mo bang hinahanap-hanap ko 'yan. Ang malambot mong balat, ang makinis at maamo mong mukha, kaytagal ko hinintay na ang pagkakataon na muling mahaplos. Ang labi mo...para bang nasasabik na ako na muling mahagkan. In short, namiss ko ang kabuan mo." walang kagul na sabi ni Anthony dito.

Dahil sa takot, sunod sunod na kabog sa dibdib naman ang naramdaman ni Mia. Mukhang tinamaan talaga sa kanya ang lalaking ito.

"W-wag kang lalapit---h-hanggang diyan ka lang." aniya nauutal pa dahil sa pag-aakalang may binabalak itong masama sa kaniya.

"Ano bang meron ka, Mia? Simula nung gabing iyon, hindi na ako matahimik. Ang isip ko, palaging nasaiyo. Walang oras at araw na sinayang ko para lang makita ka. At heto ka na, nasa harapan ko na. Aboy kamay na kita. Hindi ko na mapapalagpas pa ang pagkakataong ito, gagawin ko ang lahat para sa iyo, dumito ka lang sa tabi ko." malumanay nitong sabi.

"Ang tagal na nun,Anthony. Taon na ang nakalipas. Kung tutuusin, wala naman tayong relasyon. Ni hindi nga natin ginusto ang nangyari diba? Ang lahat ay aksidenti lang. Tsaka pareho tayong nakainom nun." mariing paliwanag naman ni Mia sa binata.

"Yun na nga eh. Matagal na pero hanggang ngayon, hindi ko parin malimutan ang nangyari sa atin. Ang gabing iyon. Honestly, Alam mo bang galit na galit ako nun sa 'yo dahil hindi mo manlang ako ginising bago ka umalis. Kung saan-saan na kita hinanap makita lang kita." sabi nito habang nakatitig sa mata ni Mia.

"P-pero..."hindi na ituloy ni Mia ang sasabihin ng biglang hawakan ni Anthony ang kamay niya.

"Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdam ko. Pero sa maniwala ka at sa hindi, masaya ako na nakita kitang muli." malumanay nitong sabi.

Hanggang sa bigla nalang sila natahimik. Kapwa titig na titig sa isa't isa. Hindi malaman ni Mia kung ano ang gagawin. Para bang nakakaramdam siya ng panglalabot ng mga tuhod. Ang mga titig na iyon ni Anthony, para bang may kung anong bumubulong sa kanyang isipan. Hanggang sa nararamdaman nalang niya na para bang may mainit na hangin ang unti unting dudampi sa mukha niya. Aminado naman siya na hindi lang ito ang nanabik ng gabing iyon, kahit siya ay may pag aasam din noon na sana magkita ulit sila. Pero hindi niya akalain na sa ganitong paraan sila muling magkikita.

"M-mia..." anas na sabi ng binata. Halos magdikit na ang kanilang katawan. Nang bahagyang iyuko ang kaniyang ulo, lihim na siyang napangiti nang makitang nakapikit ang dalawang mata ng dalaga. Sa totoo lang, kanina pa may naglalaro sa isipan ni Anthony na gustong gawin. Mabuti nalang at napigilan din nito ang kaniyang sarili.

"Ang cute mo pala." tanging naibulong nito sa punong taenga ni Mia.

❤❤❤

Continue Reading

You'll Also Like

904K 17K 55
Your Freedom? Then what about me? how about my feelings? did you considered it nick? (sigaw ni christine) Im not happy anymore .so.....lets end thi...
58.6K 1.6K 29
"akala ko natutuwa lang ako kaya lagi kitang gusto makita. yun pala....."
310K 5.4K 25
Hey darkness your my Misstress on bed..... Whatta f_ck who told you so,,, coconut shell.. Am just letting you know ms rain zamonte,,nakangising Turan...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...