(COMPLETED) PARTNER IN BED

By Yazhley27

218K 4.6K 174

Rated 18 More

CHAPTER-2
CHAPTER-3
CHAPTER-4
CHAPTER-5
CHAPTER-6
CHAPTER-7
CHAPTER-8
CHAPTER-9
CHAPTER-10
CHAPTER-11
CHAPTER-12
CHAPTER-13
CHAPTER-14
CHAPTER-15
CHAPTER-16
CHAPTER-17
CHAPTER-18
CHAPTER-19
CHAPTER-20
CHAPTER-21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER-30 (Finale)

CHAPTER-1

20.5K 337 6
By Yazhley27

PARTNER IN BED

❤❤❤

Sa edad na 32, hindi na girlfriend ang hanap ni Anthony. Kundi isang babaeng makakasama niya at magpapaligaya sa kaniya. Babaeng pweding maging partner panghabang buhapPy. Sawa na kasi siya sa mga babaeng nakatabi niya sa kama. Katwiran ay hindi nito makita sa mga ito ang tunay na kaligayahan.

Hanggang sa nakilala nito si Riana Mia Angeles. Maganda, sexy at matangkad.

At dahil may malaking problema, ang dalaga, kailangan niyang makipagkasundo kay Anthony. Isang kasunduan na hindi niya mapaniwalaan.

Sino ba naman ang hindi tatanggi sa lalaking ito, mayaman, gwapo at isang CEO sa isang malaking kompanya. Kung kaya't hindi makapaniwala ang dalaga, na hinahanap siya ni Anthony, at nang magkita sila, nagkunwari pa siyang hindi niya kilala ang binata. Pero nagtagal at kalaunan, umamin din siya na siya nga si Mia.

"Ahh...hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Ikaw ang gusto kong maging kapalit."

"Naloloko ka na talaga? Bakit ako?!"

"Simple lang, dahil type kita. Ano may tanong ka pa?"

_____

Hahaha, pasensya na ngayon ko lang ito sisimulan. Sana matapos ko ito bago rin matapos ang taon. Wahhhh, peace!

Enjoy Reading!

******

CHAPTER 1

❤❤❤

LAKING gulat ni Anthony nang makita ang isang pamilyar na babae. Kaya naman, hindi narin nito pinalagpas pa ang pagkakataon at kaagad din nilapitan.

"Mia?! Sinasabi ko na nga ba at ikaw 'yan?" anito at mabilis na niyakap ang babae.

"Wait, sino ka ba?" habang tinutulak niya ito.

"Ohh Mia, matagal na kitang hinahanap. Alam mo bang halos baliktarin ko na ang mundo, makita lang kita. Mababaliw na yata ako sa paghahanap sa'yo. Miss na miss na kita." sabi ni Anthony dito.

"Mia? Pasensya na Sir... Pero hindi ako si Mia."

Pagrinig ay biglang natahimik si Anthony. Tama ba ang narinig niya, hindi si Mia ang babaeng ito?

"Sir, pwede bang bitawan niyo na ho ako." naiilang na sabi pa ng babae.

"Hindi! hindi ako pweding magkamali, ikaw si Mia. Hindi mo na ba ako nakikilala?" anito sa babae

Sa pag-aakalang hindi siya makikilala, pilit na nagkukunwaring hindi niya alam ang sinasabi nito.

"Hindi ka ba marunong makaintindi, sabi ng hindi kita kilala." naiiritang wika niyon.

Napakunot noo si Anthony. Hindi talaga siya pweding magkamali, si Mia ang babaeng ito. Si Mia na nakasama niya ng isang buong magdamag na siyang nagpaligaya sa kaniya sa gabing iyon. Ang babaeng alam nitong siya lang ang kauna unahang lalaki na nakauna dito. At simula nang may nangyari sa kanila nung gabing iyon, hindi na ito mawala sa kaniyang isipan. At ngayong muli silang nagtagpo, hindi na makakapayag pa si Anthony na muli ito mawala sa buhay niya.

"Oh come on Miss Mia Riana Angeles. Alam kong kilala mo ako. Magkano ba ang gusto mo, babayaran kita ng malaking halaga sumama ka lang sa akin." wala sa huwesyong sabi nito.

"w-what? How dare you. Kung sino ka mang antipatikong lalaki na sasaksakan ng kapal ang mukha, hindi ko kailangan ang pera mo. Hindi ka na nahiya. Kung inaakala mong isa akong bayarang babae, nagkakamali ka. At FYI, maraming pok pok diyan sa tabi tabi na nangangailan ng pera mo. Sila ang alukin mo, huwag ako." anang babaeng tila galit na galit kay Anthony.

Maya maya pa ay patakbo itong lumayo.

"Sandali lang--- Miss..." habol ni Anthony sa babae.

Sa takot na baka maabutan, nagsisigaw ang babae habang tumatakbo papalayo.

"Saklolo! Tulangan niyo ako, may manyakis na humahabol sa akin. Saklolo---" malakas niyong sigaw.

"Hoy, anong manyakis pinagsasabi mo diyan?" sigaw naman ni Anthony at binilisan din ang paghabol sa babae.

"Saklolo! Saklolo!" muling sigaw ng babae.

"Aba, talagang...sinabi ng hindi ako manyakis." siyang tugon naman ni Anthony.

"Manyakis ka--- huwag kang lalapit sa akin, hayop ka."

At ilan sandali pa ay naabutan na ito ni Anthony.

"Ahh, manyakis pala ha..." pagkasabi nito'y biglang binuhat ang babae ng maabutan nito iyon.

"Hoy! hayop ka bitawan mo ako." palag naman ng huli.

"Hindi! Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabing ikaw si Mia." pagpupumilit na sabi ni Anthony.

"Hindi nga kita kilala. Bakit ba ang kulit mo? Pwede ba ibaba mo na ako." katwiran ng babae.

Subalit sa halip na ibaba siya ni Anthony, ay dinala nito iyon sa kanyang sasakyan.

"Diyan ka lang. At kung tatangkain mo pang tumakbo or tumakas, mapapahamak ka lang. Naiintindihan mo." nanlilisik ang matang banta nito sa babae.

Sa takot na baka nga tuluyang mapahamak, tila nagsawalang kibo nalang ang babae. Takot man ay minabuting huwag nalang muna magsalita. Kailangan hindi siya magpakita ng anumang kahinaan dito.

Ilan sandali pa ay nasa loob narin ng kotse si Anthony. Bumuntong hininga muna ito, bago ini-start ang sasakyan. Maya maya'y sinulyapan muna nito ang katabing babae, bago tuluyan pinatakbo ang sasakyan.

Nang nasa byahe na, tila hindi nakatiis ang huli at di mapigilan na muling magsalita.

"Ano ba kasing kailangan mo sa akin?"

"So, naalala mo na kung sino ka?" tanong naman ni Anthony.

"Okay fine! Oo na, kilala na kita. Ano pa bang gusto mo ha, hindi ba't naging malinaw sa atin ang lahat. Kapwa tayo lasing noon. Hindi natin ginusto ang nangyari. Hindi naman kita inuoblegasyon panagutan ako sa nangyari sa atin diba? Tsaka bakit kailangan hanapin mo pa ako eh wala naman ako utang sa 'yo?" aniyang nanlilisik ang mga mata.

"Hahaha... Hahaha... Hahaha..." tawa lang ng tawa si Anthony. Napapailing pa habang tumatawa.

"Haist! Nababaliw na yata ang isang 'to." inis na sabi ni Mia.

Nung una, nagkunwaring hindi siya si Mia. Pero dahil sadyang kilala siya ni Anthony, wala narin siyang nagawa kundi ang umamin.

"Siguro nga nababaliw na ako."anito. Pagkabi'y biglang inihinto ang sasakyan. "Kasalanan mo, Mia. Akala mo madali lang sakin ang lahat, kung alam mo lang matagal kitang hinanap. At ngayong nakita na kita, hindi na ako papayag na mawala ka pa sa paningin ko." mariing sabi nito sa dalaga.

"Nasisiraan ka na talaga? At sino ka para gawin sa akin 'yan. Hoy! Hindi mo ako pag-aari para sabihin ang bagay na 'yan." giit na wika ni Mia dito.

"Ang dami mong satsat. Pwedi ba, itikom mo nalang yang bibig mo kung ayaw mong dalahin kita sa pulisya." anito at muling pinatakbo ang sasakyan.

"What?" tanong at tila nagbigla si Mia.

"Sa pulisya. Hindi ka naman bingi diba?"

"A-anong---?

"Oh come on, alam kong may malaki kang kasalanan. May malaking kang pinagkakautangan diba? Dahil hindi ka makabayad, gusto mong takasan ang utang mo at ngayon, hinahanap ka naman ng taong pinagkakautangan mo. Ang kung di ka makakabayad sa kanila, malamang makukulong ka. Tama ba ako?" nakangising sabi ni Anthony dito.

"P-panong..." at biglang iniharang ni Anthony ang isang daliri nito sa bibig ni Mia.

"Susshhhh...relax! Kung susunod ka lang sa gusto ko, ako na ang bahala sa 'yo. Babayaran ko ang utang mo. Kapag pumayag ka wala ka ng magiging problema. Basta ba, magkakasundo tayo eh. Ano, deal?!" wika nito sa babae.

"OMG! seryoso ba ang mokong na ito?" sa isip isip ni Mia. Aminado siya na isang magandang pagkakataon na ito para sa kaniya. Pero ano ang magiging kapalit, siya? Ang katawan niya? Noon din biglang nanlaki ang kaniyang mga mata. "Ayoko!" agad niyang sabi.

"What? Tinatanggighan mo ba ang alok ko?" usisa muli ni Anthony.

"At anong kapalit ha?"

"Ahh...hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Ikaw ang gusto kong maging kapalit." walang gatul nitong sabi.

"Naloloko kana talaga? Bakit ako?!"

"Simple lang, dahil type kita. Ano may tanong ka pa?"

"Ewan ko sa 'yo?"

Pero sa kabilang banda, parang hinaplos ang puso ni Mia. Kung tutuusin, maswerti siya kung papayag siya sa gusto ni Anthony. Hanggang sa bigla nalang siya natahimik.

"Ohh ano, bakit wala ng kibo diyan? Huwag mong sabihin na nagpapakipot ka pa. Hahaha, yan ang gusto ko sa 'yo eh, yung pakipot pero bibigay din naman." diretsahang payahag ni Anthony.

Muli na naman nagsalubong ang kilay ni Mia. Oo aminado siyang nagpapakipot talaga siya, pero hindi naman siya ganun kadispirada gaya ng iniisip ng lalaking ito sa kaniya.

"Ohh anong tinitingin tingin mo diyan. Pumapayag kana ba sa alok ko." ulit ni Anthony.

"Okay fine! Kahit naman tumanggi ako ipagpipilitan mo rin ang gusto mo."

"Hmmm...exactly!" nakangiting tugon ni Anthony, at nginitian nito ng matamis si Mia.

"Ohh my gosh! ang smile niya...." at bigla siyang pinamulahan ng mukha ng titigan siya ng binata.

Continue Reading

You'll Also Like

8.4K 208 28
CONTENT WARNING: R-18 Written in English and Tagalog Please read responsibly. Voltaire Vin Villareal and Vivienne Nicole Monzante #25 lovesongs - 06...
867K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
904K 17K 55
Your Freedom? Then what about me? how about my feelings? did you considered it nick? (sigaw ni christine) Im not happy anymore .so.....lets end thi...
25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...