The Perfect Weapon [COMPLETED]

By ROOBIINHOOD

597K 17.9K 860

Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damda... More

General Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4- Minor Edit
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56- The End

Chapter 38

8.4K 259 20
By ROOBIINHOOD

Reese

"Oh, akala ko may klase ka ngayon?" Pukaw sa akin ni Terry.

Nakahilata pa din ako, kanina pa ako gising pero ayaw kong bumangon. Parang ayaw gumalaw ng katawan ko, wala din naman akong gagawin sa klase.

Iisipin ko pa kung paano ko mababawi si Papa, sobra na ang pag-aalala sa kanya nina Mama.

"Hindi ako papasok, kayo na lang." Nagtalukbong ako ng kumot at tumalikod sa kanila ni Charry.

Bihis na sila at may dala-dalang mga gamit.

Naramdaman ko na may humihila sa kumot ko pero hindi ko na lang pinansin hanggang sa mahila na iyon ng tuluyan. Nakapikit pa din ako at hindi alintana ang tinging ipinupukol nila sa akin.

Ayaw ko lang talagang lumabas ng dorm. Para akong pagod na hindi ko maintindihan. May kung anong pumipigil sa akin na umalis at pumasok sa eskwela. Matutulog na lang ako, kulang lagi ang tulog ko at kailangan kong bumawi.

"Problema mong babae ka ha? Bumangon ka na diyan at maligo, huwag kang tamad." Terry

Hindi ako nagsalita, nanatili pa din ako sa aking pwesto.

"Reese, masama ba pakiramdam mo?" Charry

"Ano ka ba? Hindi 'yan tinatablan. Hoy Reese, may iniiwasan ka ba? Ha?" Terry

Bumalikwas ako sa kabila at hindi pa din sila sinasagot. Ayaw kong magsalita o makipagkwentuhan sa kanila.

"Sakit sa puso, baka. Hihi." Charry

Rinig na rinig ko ang bungisngis nilang dalawa.

Sakit sa puso? Hindi ako nagkakasakit, lalo na sa puso. Bakit niya naman nasabi 'yon? Hindi naman ako kinakapos ng hininga o naninikip ng dibdib.

Napatingin ako sa kanilang dalawa ng bigla na lang nila akong daganan at tumatawa pa sila. Sinulyapan ko ang wall clock, "It's past nine, you will be late. Go now, I'll stay here."

"Reese, maligo ka na. Wala ka namang gagawin dito, dali na!" Terry

"Ayaw ko nga sabi, kayo na lang." Hindi ako patitinag hanggang sa hinawakan ako ni Terry sa dalawang paa at si Charry naman sa magkabilang braso ko.

"Ayaw mo ha? Kami ang magpapaligo sa 'yo. Haha." Terry

Napakakulit at hyper nila ngayon. I'm wondering what's running in their crazy minds.

"Stop, I'll get up now." Ayaw ko na mabigatan si Charry. Baka mapano siya at ang baby na nasa tiyan niya. Siya ba hindi nababahala? Bubuhatin pa talaga nila ako. I haven't seen her this happy, much happier than before I mean. She's glowing​. She's so proud of herself that she soon will be a mother. She will be a great parent. With Ford and her, they will be a perfect family.

"Ay. Haha. Okay! Bilisan mo ha, sabay na tayong pupunta sa building. Dali!" Tinulak-tulak pa nila akong dalawa papasok ng banyo. Kahit si Charry ay nakikisabay sa kakulitan ni Terry. Pinagtutulungan na nila ako na dati ay silang dalawa ang napagtitripan.

Nag-lock ako ng pinto at naligo na.

Binilisan ko lang ang mga galaw ko at paglinis sa katawan. Pagkatapos ko sa banyo ay lumabas ako kaagad at tumakbo papuntang kwarto.

Nagbihis ako ng uniform ko at nagsuklay ng buhok. Hindi naman ako magaling sa pagpusod kaya hinayaan ko na lang ang buhok ko na magkalat sa mukha ko at balikat dahil nakabungayngay lang.

*******

"Reese, sama ka?" Tawag ni Kelly sa akin.

"Susunod ako."

Ilang araw na ba? Tatlo? Lima? Isang linggo.

Isang linggo simula nung burahin ko ang alaala niya na kasama ako. Isang linggo na hindi ko na siya nakikita. Isang linggo na nagbabakasakali ako na sana maalala niya ako. Isang linggo na hindi siya nawala sa isipan ko. At isang linggo na sana kasama ko pa din siya sa tabi ko.

But then, everything changed.

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang cafeteria. Nasa first floor lang naman at dulo lang ang classroom na nilabasan ko kaya malapit lang.

Pagpasok ko ay kaagad akong naghanap ng bakanteng pwesto. Sa paglinga-linga ko ay nakita ko sa dulo sina Terry at Charry na kasama si Ford. Tatlo lang sila kaya doon ako nagpunta at inilagay ang mga libro ko sa mesa. Pinapagitnaan nina Ford at Terry si Charry.

Maraming senior high students ang kumakain dito ngayon. Medyo maingay at magulo pero mas maayos kesa may mga nagbubugbugan o nagsasabunutan lang.

"Bakit ngayon ka lang?" Terry

"Kakaalis ko lang ng classroom namin." Naupo ako sa harapan nina Ford, sinusubuan niya si Charry na halos namumula na.

"Alin dito ang gusto mong kainin?" Terry

Tinignan ko ang mga nakahain sa mesa namin. Carbonara, chicken salad, burger, and sandwich with mineral water. Meron ding chicken curry and rice.

"Masyadong marami ang in-order niyo, mauubos ba ang lahat ng ito?"

"Oo naman." Charry

Kinuha ko na lang ang isang plato ng chicken salad at iyon ang kinain ko. Malasa naman at makakabusog na.

"How is he?" Tanong ko ng hindi siya nililingon.

"Still a badass, Reese. And he's getting worse." Ford

"Natuloy ba ang engagement nila no'ng biyernes?"

"Yes, and they're already official." Sagot niya ulit.

Biglang tumahimik ang buong cafeteria at natigil ang mga ginagawa ng iilan.

Napatingin ako sa pintuan ng cafeteria at umiwas din kaagad ng tingin ng magsalubong ang aming mga mata. Ipinagpatuloy ko ang pagkain na parang walang nangyari.

"Drink this love, it's good for the both of you." Ani Ford na halos subuan na ng baso si Charry. He's holding a glass of milk.

Natigil ako sa pagkain ng may tumabi at pumagitna sa amin ni Terry. Sinulyapan ko lang din siya at nagpatuloy sa pagsubo ng chicken salad.

"May I know your name, Miss?" Panimula ni Aidan.

"Hi, Papa Aidan. Dito ka din ba kakain?" Terry

"Yes. You don't mind, do you?" Aidan

"Ano ka ba, okay na okay sa amin. Diba, guys?" Terry

"Hello there, Miss. I'm Aidan, ikaw?" Inilahad niya ang kanyang kanang kamay at napaisip ako ng ilang segundo.

Don't get near him again. Don't talk to him. Just... Stay away from him, okay?

Don't get near him again. Don't talk to him. Just... Stay away from him, okay?

Don't get near him again. Don't talk to him. Just... Stay away from him, okay?

Hindi niya ako naaalala. Dapat ko bang tanggapin ang kamay ni Aidan at makipagkaibigang muli sa kanya?

Ngunit paano si Ashton? Hindi niya din naman ako matatandaan.

"Tanggapin mo na, Reese. Papunta sila dito." Ford

Inabot ko ang kamay niya at pagkatapos nun ay yumuko na ako. Malapit ko ng matapos ang kinakain ko ng may tumayo na naman sa gitna namin ni Ford.

"Hey, bro." Ford

"Hi! Can we eat here with you?" It's her. Leonora herself.

Bakit nandito silang magkapatid? Ano ang plano nila? Una si Aidan, ngayon ay si Leonora naman. At kasama pa niya si Ashton.

"Reese? Okay lang ba?" Baling sa akin ni Ford.

"Aidan, pwede mo ba akong ibili nitong carbonara?" Baling ko naman sa katabi ko na nakangiti ng malapad sa akin.

"Sure." Tumayo na siya at naglakad na papuntang counter.

Narinig ko na pumayag si Ford kaya umisod ako palapit sa upuan ni Aidan at nabigyan sila ng malaking espasyo. Malapad ang mesa at pangwaluhan ang upuan na sakop nito kaya magkakasya kaming pito dito.

"Congratulations, anyway." Ford

"Condolence, 'kamo." Terry

"What the- oh, thank you, Ford. I really knew from the start that we will end up together." soundsound so happy and proud.

But why do I feel inside like I just want to leave this place? Bakit parang may naririnig ako sa utak ko na sumisigaw? Na suntukin ko siya sa mukha at bugbugin hanggang sa mamatay na siya?

I don't like the idea of him, being with her.

"You look good together." Napaangat ako ng tingin sa sinabi ni Ford at napaiwas na naman kaagad. Magkatabi pala kami.

Kumakabog ng malakas ang dibdib ko at parang ayaw ko nang gumalaw pa.

Bagay ba talaga sila? Kami ba? Bagay din naman kami, bagay na bagay. At ako ang mahal ni Ashton, hindi ang clingy na babaeng ito na gusto ko nang patayin sa utak ko pa lang.

Masama na ba ako? Ayaw ko sa ideyang pumapatay kung hindi din lang naman kalaban sa kaligtasan ko at ng mga taong pinapahalagahan ko. Ngunit si Leonora ba? Labas na ba siya sa ganitong bagay? Threat din siya sa akin, sa amin ni Ashton.

Dapat sa akin lang si Ashton.

"I'm back. Kumain na tayo ulit?" Inilapag ni Aidan ang mga pagkain sa gitna at pinaghain niya ako ng kanin na may ulam. Ang paborito ko, ampalaya. Nagluluto na sila dito ng ampalaya ngayon, dati wala pa. Si Ashton ang nagsabi nun mismo sa kusinera nila.

"Carbonara lang ang sinabi ko."

"Naah. You should eat a lot, ang payat mo." Nilagyan niya ng maraming kanin ang plato ko at pati amplaya. Pinagbuksan niya din ako ng mineral water.

"Ganito lang talaga ang pangangatawan ko." Nagsimula na kaming kumain. Hindi naman ako matatawag na payat o mataba. Naaayon sa edad ko ang aking pangangatawan.

Hindi namin alintana ang mga pares ng mata na nakatingin sa amin. Magana kaming kumakain.

"Eww. Brother, you're eating that?" Napatingin kami sa nagsalita.

Mukha siyang diring diri sa kinakain namin.

Paborito ko ang pagkaing ito.

"I heard it's her favorite. It doesn't taste bad at all, I even find it delicious." Aidan

Patuloy lang sa pagkain ang tatlo sa harapan namin. Parang kaming apat lang ang nandito. Ramdam ko ang kakaibang aura na nagmumula kay Ashton. Bakit kaya?

Hindi ko siya magawang sulyapan na tahimik lang sa pagkain. Sobra sobra na ang kabog ng aking dibdib. Ano ba ang nangyayari sa akin? Siya lang talaga ang nakakapag ganito sa puso ko.

"Favorite? Tss. Poor taste in choosing a viand." Is she insulting me? Bakit iba ang tono ng pananalita niya? Parang may kasamang-

"Arte mo!" Asik ni Terry sa kanya.

Hindi na ako sumagot pa, mas ginanahan ko ang pagkain.

I'll look childish if I will talk back to her. Hindi naman ako isip bata katulad niya.

"Shut up, bitch!" Asik niya pabalik kay Terry.

"Manners." Sabay na suway nina Ashton at Ford sa kanya.

"What's your ideal guy, Reese?" Tanong ng nasa kanan ko.

"Wala." Mahina kong sagot sa kanya.

"Do you have a boyfriend?" Napatigil ako sa tanong niyang iyon.

Meron pa ba? Kami pa ba? Ako pa din ba ang girlfriend niya?

Engaged na sila ni Leonora at binura ko ang alaala niya. Kami pa ba?

Sabi ni Ford kanina, official na sila. Kami pa ba?

Boyfriend ko pa din ba siya kahit may fiance na siya? Kami pa din ba?

Ano ba ang dapat kong isagot?

"So?" Aidan

"May... May hinihintay ako." May hihintayin pa ba ako?

Hindi ko naman siya iniiwan, pinalaya ko lang siya pansamantala. Kung ligtas siya, ayos na ako dun. Kahit hindi niya na ako maalala pa.

"Oh c'mon, you're just wasting your time. No one will ever love you back." Leonora

"Bitch, please!" Terry

"You shut up! Ano'ng pinagmamalaki mo? Si Asstiel?" She's being irritated with Terry's attitude. Ayaw ko namang pumagitna, labas na ako sa away nila. Huwag niya lang pipisikalin at baka ako ang mismong bubugbog sa kanya.

"Kung mag-aaway lang din kayo, huwag dito." Ford

"It's not my fault!" Leonora

"Ang arte mo!" Terry

"Wanna die, bitch?!" Napatayo na si Leonora at kinalampag pa ang mesa.

"Huwag ka ng makisali." Bulong ni Aidan sa kanang tainga ko.

"Kapag kinailangan, papagitna na ako." Bulong ko din pabalik.

Natahimik kaming lahat sa mesa namin ng biglang ibinagsak ni Ashton ang kanyang kubyertos at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kawalan.

Wala siyang sinabi pero malakas ang kutob ko na ayaw niya sa ginagawa nina Leonora.

"Get the fuck out of this place, you two. If you don't, just shut the hell up or else." Madiin niyang banta na mas lalong nagpalakas ng kabog sa dibdib ko. Bakit iba ang dating ng sinabi niyang 'yon?

Tumayo na ako at lumipat sa pwesto ni Terry. Nakakunot noo naman siyang nakatingin lang sa akin.

Nakahakot na kami ng manonood at lahat ng nandito sa cafeteria ay nakatingin lang sa aming lima.

"Saan ka pupunta, Reese?" Charry

"Lilipat na lang kami ng upuan ni Terry, okay lang ba? Masyado kasing masikip dito." Pagsisinungaling ko.

"Great! I just can't take sharing the same table with two social climbers, I'm losing my appetite." Pasaring pa niya.

Akma na siyang susugurin ni Terry ng pigilan ko siya sa braso. Galit na talaga ang kaibigan ko.

"Paki mo?! Kayo na nga 'yong nakiki-upo lang dito. Landi mo naman! Mukha ka namang aso! Mas nakakawalan ka ng ganang kaharap!" Terry

"Hey. Easy, Miss. That's my sister." Alma ni Aidan.

"Pagsabihan mo din ang kapatid mo." Balik ko sa kanya.

"Why so epal?! Huwag mo ding kakausapin ng ganyan ang kapatid ko!" Ako naman ngayon ang pinagbalingan niya. Ako naman ang kinakalaban niya.

"Ayusin mo ugali mo at baka ayusin din namin ang pakikipag-usap sa inyo." Bawi ko sa kanya.

"You?! I'll fucking kill you!" May kasama pa siyang duro.

"Awat na." Aidan

"Try me, bitch." Patawarin sana ako nina Mama sa tinawag ko sa kanya.

"Nasa harapan tayo ng pagkain." Ford

"Tama na 'yan, Reese." Charry

"I'm just giving back the treatment she has for me and Terry." Rason ko.

Alam kong may mali kami ni Terry pero mas mali naman na hinuhusgahan niya kami kaagad. Walang issue sa amin ang social status pero dinidehado niya kami.

"Get out of here!" Ma-awtoridad na sigaw ni Ashton, ang hindi ko inaasahan sa lahat. Galit na galit siya at nanlilisik pa ang mga mata na nakatingin lang sa akin.

Pangalawang beses pa lang na nagtaas siya ng boses sa akin ng harap harapan at parang nanikip ang dibdib ko dahil doon.

Nawawala na ba talaga siya ng tuluyan sa akin?

Hindi ako papayag.

Ang akin, akin lang.

Continue Reading

You'll Also Like

395K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
238K 10K 54
Raised By Wolves Book 1 on my Main Acct: MisaCrayola " Who is the evil half? " Cover by: MysteriousMilkShake *u*
1.2M 14.3K 75
How could a secret mission of a secret agent change your life forever? (Book 1, 2, 3)
7.3K 271 38
He has everything in this world. He got this looks, fame, money and beautiful girls. He loves adventures and problems not until he met this mysteriou...