Erik's POV
Pagkapasok ko ng Monday, nakita ko yung tatlong mokong. (Serg, Pat at Felix)
May kasama silang mga babae from other department at nagtatawanan.
Nanliligaw na naman siguro sila.
Napaka-playboy talaga ng mga yun!!
(nagsalita ang hindi...amp)
Inaamin ko...
gawain ko yun dati...
pero, bakit ganun...
dati na-eenjoy ko yung ganun.
flings..
Laro lang...
It's all just a game for me...
Pero, bakit parang ngayon...
ayaw ko na...
na-realized ko kasi na mali yun...
sobrang mali...
isa pa...
dahil rin sa kanya...
siya yung dahilan...
yung babaeng yun...
amp siya...
nakakainis...
Aanhin ko pa yung gravity... kung sa kanya pa lang.... NAHUHULOG na ako...
Argh!!
Ang corny mo ERIK!!!
Binilisan ko na lang yung lakad ko, kunware di ko sila nakita.
Pumunta na ako sa upuan ko.
Maya-maya pa, nakita na nila ako..
Pumunta sila sa akin..
At alam ko na kung bakit....
"Oi, pare, kanina ka pa?" - Serg
"Oo nga, di ka namin nakita" - Pat
"Hindi, kadadating-dating ko lang rin" - Ako
"So, ano na balita sa pustahan natin ha? Kayo na ba ni Alexa o baka naman na-break mo na agad ha?" - Felix
Tumawa sila..
Kilala nila ako pagdating sa girls..
What Erik wants...Erik gets...immediately...
Pero, iba na ngayon...
Di ko maintindihan..
Parang ayaw kong madaliin yung sa amin ni Alexa...
Sa ngayon kasi...
gusto ko pa siyang makilala ng lubos...
Kailangan kong mag-isip ng dahilan para makalusot sa mga mokong na to...
"Ah, yung tungkol nga pala dun, hindi ko pa maasikaso e, naging busy kasi ako ng Saturday at Sunday..may pinagawa sa akin si mama.."
Mukhang naniwala naman sila..hehe
"Ah, ganun ba, bilisan mo lang dumiskarte Erik, mag-babakasyon na rin e." - Felix
"Oo nga, dapat single na ulit tayo sa bakasyon." - Pat
At nagtawanan sila.
Matagal na rin kaming magbabarkadang apat.
Kami nga rin pala yung mala-F4 dito sa school.
....
Maya - maya pa, dumating na yung prof. namin.
Nagsibalikan na rin yung iba kong kaklase sa upuan nila.
Whole day yung klase namin ngayon pero nalaman namin na may meeting pala ang mga teachers mamayang tanghali kaya half-day lang kami ngayon.
Tamang-tama naman.
Finals na rin kasi bukas.
Umuwi na ako agad, dala ko yung kotse ko.
Tapos biglang tumunog yung cellphone ko.
Nagtext si mama na nasa hospital daw yung bunsong pinsan ko.
Dalawin ko daw bago ako umuwi. Binigay niya rin sa akin yung room number. Sa may 3rd floor ata yun.
Niliko ko na agad yung kotse para dumiretso sa hospital na sinabi niya.
.............
SA HOSPITAL....
Hinanap ko yung elevator..
Nakita ko na...
Magsasara na yun kaya agad akong tumakbo para habulin at para makasakay rin ako.
Pinigilan ko yun ng kamay ko.
At pagkapasok ko.
Nagulat ako.
Nakita ko siya.
Nakita ko si Alexa...
.......................
Alexa's POV
"ERIK??" - Ako
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa nangyari ngayon.
Nagkita lang naman kami ni Erik.
At kahit siya nagulat..
Tinanong ko siya...
"Anong ginagawa mo dito sa hospital?" - Ako
"Dadalawin ko lang yung pinsan ko, naka-confined kasi siya dito.. E - e, ikaw.... anong ginagawa mo dito?" - Erik
"Dadalawin ko din kasi yung kaklase ko, andito rin siya." - Ako
"Ikaw lang mag-isa?" - Erik
"Hindi, kasama ko sila Rhea, nauna lang sila sa akin.." - Ako
"Ah.. I see...teka, anong floor ka ba?" - Erik
"Sa 3rd floor lang ako." - Ako
"Sabay na tayo, dun din ako e." sabi niya sabay ngiti.
Ngumiti rin ako tapos tumahimik na..
Pinindot na niya yung sa 3rd floor.
Ang awkward naman..
-_____-
Magkasama lang naman kami ni ERIK sa elevator.
Malas ba to o swerte???
Ewan ko..
Tahimik pa rin kaming dalawa...
Nang nasa 2nd floor na kami..
May biglang tumunog na malakas..
Di ko alam kung saan nanggaling..
Tapos kasabay nun...
Huminto yung elevator na sinasakyan namin..
Ang lakas ng impact!!
Natumba ako kay Erik!!!
Nahawakan naman niya ako agad..
Ayan na naman e...
Nagkatitigan na naman kami...
>///////<
Alexa!! Ang puso...ang puso!!!!
Di pwede to..
Kailangang may gawin..
Tumayo ako agad...
Wew!!
Pero, bumilis na naman ang tibok ng puso ko..
Amp.
"A - Anong nangyari? Bakit huminto yung elevator???" - Ako
"Hi- hindi ko rin alam, baka may naputol sa wiring." - Erik
O.M!!!
"Don't tell me ma-i-stuck tayo dito??" - Ako
"Malamang ganun na nga.." - Erik
Noooooooo!!!!!!!!!
Tinignan ko yung phone ko...
Walang signal...
Panic mode ako.. Di ko alam kung bakit....
Dahil ba siguradong hahanapin ako nila Rhea???
o dahil kasama ko si Erik ngayon???
T_______T
Anong gagawin ko..
"Mag-intay na lang tayo, ok ka lang ba?" - narinig kong sabi ni Erik
Tumango lang ako.
Nakita ko siyang umupo.
Umupo na lang rin ako.
Panaginip lang ba to.
Argh!!!
Pumikit ako, tapos dumilat ulit....
I guess not..
-____-
Totoo nga ito...
I'm STUCK with him....
_____________________
A/N:
Oh no!! hahaha
Ano nang mangyayari kay Erik at Alexa ngayon at na stuck sila sa elevator????
Abangan sa CHAPTER 19 :)
VOTE/COMMENT pleaseeee???
hehehe
misskomplikado ♥