The Perfect Weapon [COMPLETED]

By ROOBIINHOOD

606K 18K 868

Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damda... More

General Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4- Minor Edit
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56- The End

Chapter 36

8.8K 274 15
By ROOBIINHOOD

Reese

Gabi na kayanaligo ulit ako at nag-ayos. Nagsuot ako ng itim na long sleeve at itim ding pantalon. Ginamit ko ang boots na may three-inch high heels. Pinapusod ko ang buhok ko kay Reed ng mataas.

Ito na ang oras para umalis ako at puntahan ang lugar na pinagdalhan kay Papa. Magaling sina Jomarie at Alejandro, mabilis nilang na-activate ang nakapatay na tracking device sa wristwatch niya.

"Sasama ako."

"Huwag na, ako na lang. Kailangan ka nina Mama dito." Tutol ko, "Hindi ka pa magaling, Reed. Sa susunod na may gawin akong ganito, isasama na kita."

"Baka mapahamak ka dun."

"Kapag sinabi ko, huwag ka ng kumontra." Tinitigan ko siya sa mga nata at sinalubong niya naman ang mga titig ko.

His eyes turned grey.

"You can't even control your ability, Reed. Look at your eyes here." Inaharap ko siya sa salamin at doon niya nakita ang tinutukoy ko.

Kumurap siya ng ilang beses at saka lang bumalik sa normal ang kulay ng kanyang mga mata.

"You are not affected by it, aren't you?"

"Ng ano?" Balik ko sa kanya.

"That sleeping persona inside you."

Hinarap niya ako na naghihintay sa aking isasagot.

"Hindi ako sigurado, Reed. Kapag ba dumating ako sa punto na mawala ako sa katinuan, ano'ng gagawin mo?"

"I'll kill you." Tumango ako sa kanyang isinagot, "It will be my last resort if I don't find any solution to stop you."

"Ang kinakatakutan nina Mama ay ang umabot tayo sa sukdulan. Ang mawalan ng kontrol sa sarili at pumaibabaw ang bugso ng ating damdamin."

"Ano ang ibig mong sabihin?" Naguguluhan niyang tanong

"We have the monster inside of us. Sabi pa nga natin dati, halimaw na natutulog. Pero tayo pa din ang nasa loob natin, Reed. Huwag lang tayong makaramdam ng sobrang sakit na halos madama na natin ang pagsikip ng dibdib at pagbugso ng kakaibang pakiramdam na kung maitatawag ng mga normal na tao ay galit."

"Paano mo naman nasabi 'yan?"

"I'm studying in a real school, talked to other people and​ experienced passing out. Meron akong natutuhan sa paglabas ko dito sa bahay at marami ding mga magagandang bagay na natuklasan. Nahimatay ako ng dalawang beses, Reed. Yung unang beses, dahil na-overload ang nararamdaman ko sa loob. Hindi ko alam kung paano kontrolin 'yon."

"At ang pangalawa?"

"I can define it, it was so overwhelming. I feel sorry and pitiful for the two of us, at naisip ko na siguro, dahil sa sobrang galit at pagkamuhi sa mga pinagdaanan natin na siyang pinagmulan ng lahat ng ito. Walang ama ang kayang gawin ang ganung kasama na bagay sa mga anak niya. At kung gugustuhin natin, makakaramdam tayo. Kailangan lang nating kilalanin at bigyan ng pangalan ang ating nadarama. Gustong gusto ko nang makaramdam Reed, pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan." Niyakap niya ako at hinagod ang buhok ko.

"Maybe, we just need time. For fifteen years, nasa loob lang tayo ng kulungan na iyon. We haven't gone through what normal people do. Have patience, Reese."

Pagkatapos naming mag-usap ay bumaba na kami sa sala at naabutan namin ang lahat na nag-uusap ng masinsinan. Dito na din muna matutulog ang mga kaibigan ko upang makasiguro ako na wala ng susugod pa o magtatangka na manakit kina Mama.

"Aalis na ako."

Napatayo ang mga lalaki at lumapit silang lahat sa akin. Nakabihis din sila at mukhang may pupuntahan pa.

"Saan ka pupunta?" Edu

"I'll save them. Please stay here with my family, don't leave them here."

"Sasama kami, Reese." Tumayo si Ford at lumapit sa harapan ko.

"Anak, dito ka na lang." Mama

"Kukunin ko na sina Papa sa kanya, Mama. Nandito naman po si Reed at ang mga kaibigan ko, babantayan na nila kayo dito."

"I want to see her, I want to make sure she's safe." Ford

"Kapag sinabi kong mananatili ka dito, you will."

"No! I have to save them, Reese. I can go there alone if you won't allow me to accompany you." Nagmamatigas niyang sagot. He's stubborn now.

"Isang araw pa lang siyang nawawala. Stop worrying too much."

"I know but I can't help it. I love that girl so much." Ganun kalakas ang pagmamahal niya kay Charry, he will do everything to save her. How lucky Charry is for having this guy.

"Because she's my girlfriend, okay? Hindi ko na kaya ang manatili dito. Para na akong gago na nakatulala kakahintay, kakaisip kung maayos lang ba siya doon. Your​ father is a beast." Prangka niyang sabi.

Pinakalma siya ng mga kaibigan niya at pinayuhang bumalik sa pwesto niya pero hindi siya nagpaawat. Lumapit pa siya sa akin at hinawakan sa magkabilang braso.

"Please? Hindi ako makakampante hangga't hindi ko sila nakikita." His eyes are getting teary again, such a crybaby.

"Anak?" Mama

"Ano po 'yon?"

"Sina Terry na lang ang maiiwan dito, hayaan mo na kung gusto nilang sumama."

"Ayaw ko ng may kasama, dadagdag lang kayo sa babantayan." Wika ko, mukha naman silang nainis sa sinabi ko. Ayaw ko na makasama sila, paano kung may maiwan kami? Paano kung nailigtas nga namin sina Papa, isa naman sa kanila ang mapahamak?

"Are you underestimating what we are capable of, Reese?" Taas kilay na tanong ni Mario.

"You're seeing us, as good friends and funny pals. But still, we are the Kings of Black Academy, ano na lang sa tingin mo ang hitsura ng paaralan natin kung basta-basta lang kami?" Alejandro

"Oo nga, sa kapogian ko pa lang?" Castiel

"Ulol! Saan banda? Wala si Dora dito kaya walang mapa. Mahirap hanapin ang sinasabi mong kagwapuhan." Sita sa kanya ni Jomarie.

"Sekreto ko lang 'yon! Tsk!" Castiel

"Asa ka naman, ano? Huwag kang feeler." Terry

"Tigilan mo nga ako, amazona!" Castiel

Nagsasagutan na sila at kulang na lang ay magsuntukan silang dalawa. Wala ni isa ang umawat sa kanila.

"Tara na, every second counts." Jomarie

"Kayong dalawa ang maiiwan dito. Subukan niyo na ding magbati. Kapag nagkabalikan kayo, may isang supot kayo ng lollipop sa akin. Imported pa, gusto niyo?" Edu

"Tse!" Irap ni Terry sa kanya

"Ingat kayo!" Pamamaalam ni Castiel na kumaway kaway pa.

Nakita ko na naghahabulan silang tatlo nina Joseo at Terry. My brother has found new friends.

"I'll prepare the van, just follow afterward." Magkasamang lumabas sina Mario at Ford, nagpaalam naman sina Edu at Jomarie kina Mama.

"Mama, aalis na po kami. Mag-iingat po kayo dito. Kapag may kumatok, huwag niyong pagbubuksan. If it's my doppelganger, shoot her again. Kill her."

"Your character is changing, anak. Even your attitude." Puna niya sa mga kinikilos ko.

"Ako pa din ito, Mama."

"Nagbabago ka na. You talk the same, but you can now demand on something." Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo, "Mag-iingat din kayo. Iligtas mo ang Papa mo, okay?"

"Opo."

"Ate Terry! Huwag po! Haha! Waaah. Mama!" Narinig ko pa ang masayang tawa ng kapatid ko bago ko tuluyang isinara ang pinto.

"Ready?" Salubong ni Mario sa akin.

"Oo."

*******

Narating namin ang lugar na na-track nina Alejandro kaninang hapon.

"Are you scared?" Tanong ko sa kanilang lima.

Nakatayo kami ng ilang kilometro ang layo sa isang malaking bahay. Naaaninag ko ang mga nakapalibot na gwardya na nagbabantay sa labas ng mataas na pader. Malakas ang kutob ko na nasa loob sina Papa.

"Ako na ang mauuna. Papasok lang kayo kapag may signal ko na."

"Naah. Hindi kami papayag, Reese. Ikaw na lang lagi ang nasusunod dito, alam mo 'yon?" Tanggi ni Jomarie.

"Just like his boyfriend." Ford

"Wala na akong boyfriend."

"Alam mo naman siguro na engagement party niya ngayon?" Ang tanong ni Ford na nagpatigil sa akin.

"Hindi ko iyon nakakalimutan." Nag-iwas ako ng tingin. Babawiin ko siya kapag nasa lugar na ang lahat.

"Akala ko ba nagmamadali tayo? Tama na nga 'yan. Mauna ka na Reese, susunod kami." Binatukan ni Alejandro si Edu.

"Walangya ka, Alam mo namang delikado doon. Papaunahin mo talaga siya?" Alejandro

"Mauuna si Reese at maghihintay tayo dito." Segunda ni Mario sa sinabi ni Edu.

"Pati ba naman ikaw?" Jomarie

"She is Dimitrios' daughter, he won't hurt her. Right, Reese?" Ford

Tumango ako. 'Yon din ang nasa isip ko. Hindi niya ako sasaktan o pagtatangkaan na patayin dahil anak niya ako.

Anak ako ng isang halimaw. Isang tao na hindi ko gugustuhin na kilalanin na naging ama ko. Na sa kanya ako nanggaling.

"Wait for my signal."

Naging seryoso silang lahat. Umalis na ako at naglakad patungo sa gate. Ilang kilometro pa ang layo ko ay papasalubong na ang ilang gwardya na nagbabantay sa labas.

May mga bitbit silang armas na nakasukbit sa kanilang mga balikat. Nasa anim lang sila at kaya ko silang patumbahin kaagad.

"Umalis ka na dito, Miss! Private property 'to!" Sigaw nung isa na may malaking katawan

Naglakad pa din ako at hindi pinansin ang sinigaw niya.

"Miss, second warning! Kapag ipinagpatuloy mo pa, papaputukan ka na namin!" Sunod na sumigaw ang katabi nito na may hawak na shotgun.

Patuloy lang ako sa paglalakad. Ilang hakbang na lang ang agwat ko sa kanila ng tumigil ako at itinaas ko ang dalawa kong kamay sa ere.

"Papasukin niyo ako."

"Hindi mo alam ang pinuntahan mo, Miss. Papipiliin uli kita. Tatalikod ka at aalis dito, o papatayin ka namin ngayon mismo." Sabi ng unang sumigaw kanina.

"Ako si Reese, anak ni Dimitrios. Gusto ko siyang makausap, dalhin niyo ako sa kanya." Nagtinginan silang anim na parang nag-uusap sa pagtango nila at kilos.

"Wala pa dito si Boss, Miss. At hindi kami naniniwala sa iyo." He's the leader of their group, I guess.

"Lumapit ka." Utos ko na pinanlisik ng kanyang mga mata.

"Huwag mo akong mautusan! Umalis ka na dito!" Sigaw niya pabalik sa naiinis na boses.

"Ang sabi ko, lumapit ka at may sasabihin ako sa iyo na sekreto." Mukha siyang napaisip.

Sumang-ayon ang mga kasama niya at pinahintulutan siya. Alinlangan siyang lumapit sa akin at nakakunot ang noo na sinalubong ang aking mga titig.

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat

Lima... Iniba ko ang kulay ng mga mata ko at napatulala siya dahil doon.

Lutang siyang napatigil at napako sa kinatatayuan niya. Ako na ang humakbang paabante.

"Maniwala ka, gusto niya ang makapasok ako sa loob. Gusto niyang makita ko kung ano ang meron sa loob ng bahay."

"Oo... Papasok ka.. pinapayagan na kita." Wala sa sariling sagot niya

"Sabihin mo sa kanila."

Naglakad na kami pabalik sa lima niyang kasamahan at nagtataka silang nakatingin sa kasama ko.

"Papasukin niyo na siya." Wika ng kasama ko na wala sa tamang huwisyo.

"Gago ka ba? Malilintikan tayo kay Boss sa sinasabi mo!" Angil ng isa dito.

"Tutukan mo siya." Utos ko sa kanya na kaagad niya namang sinunod.

Itinutok niya ang kanyang armas sa mga kasamahan na kaagad namang umalma. Kahit nalilito ay tinutukan din nila kami.

"Walangya ka?! Ano ba ang nangyayari sa 'yo?!" Nabibiglang tanong ng isa sa kanya.

"Ibaba mo 'yan, pare!"

"Papatayin kitang lintik ka! Huwag kami ang tutukan mo!"

"Papasukin niyo na ako." Wika ko sa kanila.

"Papasok siya... Sa ayaw niyo man... O gusto." Dagdag ng lalakeng katabi ko.

"Ikaw?! Ano'ng ginawa mo sa kanya?!" Takot siya, namamawis siya ng malamig at nagiging malikot ang mga mata. He's nervous.

"Shoot them." Isang sabi ko lang at nagtago ako kaagad sa likod niya.

Para siyang sumasayaw nang paputukan siya ng mga kasamahan niya. Sa dami ng narinig kong putok bumaha din ng dugo niya sa semento. Nang natigil na ang putukan ay itinulak ko ang katawan niya sa harapan.

Nakita ko na may isang gumagapang, naghihingalo. Nilapitan ko siya at hinila ang buhok niya. Napasigaw siya sa sakit.

"Kung pinapasok niyo lang sana ako, hindi na kayo umabot sa ganito." Akma pa siyang sasagot ng hinampas ko ang mukha niya sa semento. May lumabas na dugo dahil sa impact ng pagkakahampas ko.

Sa paglapit ko sa gate ay may kadenang nakapulupot at may padlock. Napaisip tuloy ako kung paano sila makakapasok kapag ganito.

Hinawakan ko ang kadena at hinila ito ng malakas. Naputol iyon at nakalas. Binuksan ko ang gate at pumasok.

Ilang hakbang pa lang ay may lumipad nang punyal papunta sa akin. Muntik na iyong tumama sa mukha ko kung hindi ko ito nasalo ng maagap.

Napaliyad ako nang may maglandas na espada sa aking harapan.

Clone? Ilan ba ang kamukha ko na ginawa niya?

"Surprised, my dear?" Nakangisi niyang tanong.

"If you know me, you shouldn't be asking me that." Tumaas ang kilay niya at nilisikan niya ako ng mata na sumugod.

Napaatras ako palabas ng gate. Tuloy lang siya sa pag-atake at ilag lang ang ginagawa ko.

Napalihis ako pagilid at hinuli ang kamay niya. Umikot ako at napadikit ako sa kanya. Siniko niya ako sa mukha at napabitaw ako sa pagkakahawak. Napaatras ako sa kanyang ginawa.

"Oh. You're the original, right? Why so stupid?" Pang-aasar niya sa akin.

"Yes, I am the original. At kahit kailan ay hindi niyo ako mapapalitan."

Nakita ko sa likod niya na naglalakad na ang mga kaibigan ko papunta sa direksyon namin.

Wala na akong magagawa, I guess it's time to let them move.

Continue Reading

You'll Also Like

400K 26.2K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
28.3K 1.1K 48
Isang simpleng dalaga lamang si alesxia. Siya ay nag iisa nalamang dahil sa pagkawala ng kaniya mga magulang sa mismong kaarawan na edad 9 years old...
6.5K 137 12
Pippa live for so long being a single and boring life. Not until Divina come up and bring the excitement in her life. What is it? Lets find out.
16.7K 499 53
kahit babae nangliligaw... credits to beautifulsoul_05 sa cover :)