The Perfect Weapon [COMPLETED]

By ROOBIINHOOD

597K 17.9K 860

Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damda... More

General Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4- Minor Edit
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56- The End

Chapter 31

8.8K 234 6
By ROOBIINHOOD

Reese Elizabeth Cohlsin

Tumigil din ang kotse ng shooter at lumabas siya doon. Nanatili lang kami sa loob na nakatingin sa papalapit niyang pigura.

Mabagal siyang naglalakad papunta sa direksyon namin na hawak hawak pa rin ang kanyang baril. Nasa gitna ng kalsada ang kotse at patagilid. Nasa gilid siya ni Ashton, diretso papunta sa driver's seat.

Lady in black and red. 5'7. May magandang postora. She has a mask- no. She's wearing a bonnet that's covering almost her whole face except for her eyes and lips.

"Stay here, I'll handle her." Pigil niya.

"Mag-iingat ka." Ngumiti siya, hinalikan ako sa noo bago tumayo at salubungin ang kalaban. One of his habits, he always kisses me whenever possible.

Tumayo din ako at sumampa sa hood ng kotse, manonood na lang ako sa kanila. I won't meddle unless my presence will be needed. Hindi sa wala akong tiwala sa kakayahan ni Ashton, may hindi lang ako maintindihan sa nararamdaman ko. Ito ang kauna-unahang beses na makikita ko siyang makipaglaban at sa kapwa babae ko pa. Evil enough? O normal lang dahil na din sa klase ng pamumuhay niya?

Huminto sila ng ilang hakbang ang pagitan sa isa't isa, magkaharap na nakatayo at tahimik na nagpapalitan ng tingin. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang kikilos.

Tinignan ko ang mga bakas ng bala sa kotse, marami. Mukha pa namang mahal ang pagkakabili nito at mataas ang kalidad. Ibinalik ko ang aking atensyon sa dalawa na nagpapaikot at nakatitig pa din sa isa't isa.

To Ashton's surprise, naglabas ng dalawang dagger ang babae at ni-pwesto ito sa harapan upang gawing depensa laban sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata at pinagmamasdan niya ang kalaban ng bigla itong sumugod.

Isang pasada ng dagger sa kanang kamay na sinundan ng kanan. Nakaiwas siya at napaatras ng dalawang hakbang. Wala kay Ashton ang atensyon ko kundi sa mismong kalaban niya. Habang panay atake siya ay ilag lang ng ilag si Ashton. The way she moves, even just her stance-- she is more than a pro, she's like Ashton. Skilled, professional, and dangerous.

Ngunit bakit hindi lumalaban pabalik si Ashton? Ayaw ba niyang manakit ng babae? Bakit parang nag-aalangan siya? Ano ang pumipigil sa kanya? Dahil ba babae ang kanyang kalaban at ayaw niyang masabihang bakla?

One smooth kick hit him in his left cheek. Napaatras siya at sinapo ang nataamaang pisngi. May dugo.

Napababa ako ng sasakyan dahil sa nangyaring iyon. Napatingin siya sa gawi ko at may nababanaag akong kakaiba sa mga mata niya, may gusto itong ipahiwatig na hindi ko mabasa. Nakailang hakbang na ako ng umiling siya, but why? Ayaw niya ba na tulungan ko siya? Pero hindi niya naman nilalabanan pabalik ang kalaban.

"Shit!" Asar niyang anas ng madaplisan naman siya ng dagger nito sa kanang braso. Napaatras uli siya.

Naglakad ako ng mabilis papunta sa kanilang dalawa, pumagitna ako, and just before the dagger was about to be stabbed in his right arm. Sinalag ko na iyon at tinignan sa mga mata ang nanakit sa kanya.

"Ano'ng?! I told you to stay in the car!" He's frustrated and pissed. Why is he trying to control himself if he can beat this woman in a short period if he wants to?

Hindi ko siya pinansin, bagkus ay hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanang braso ng babae gamit ang kaliwang kamay ko. Nakita ko kung paano siya napalunok at kumurap ng ilang beses.

"Stay at the back, let me finish this." Daad ko.

Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak doon at nakita ko na gumalaw ang parte ng bibig niyang natatabunan ng mask, napapangiwi siya sa sakit. Iginalaw niya ang kanyang kaliwang kamay na sinalag ko lang din, hinampas ko iyon at sinuntok ko siya sa panga at binitiwan ang pulsuhan niya. Napaatras din siya sa ginawa ko.

"Sana sinabi mo na kaagad sa umpisa pa lang na hindi mo kayang manakit ng babae, ikaw pa tuloy ang nasaktan." He's standing behind me a few steps away. Nilingon ko siya at nakitang nakangisi habang naka-krus ang dalawang braso sa dibdib.

What a proud boyfriend do I have here? His eyes are sparkling again.

"I'll cheer you up, sweetheart. Go on, beat her down. You can kill her if you want, just make it slow for her to taste her death till her last breath." Ah. I'll give him what he wants then.

"Your wish is my command." Ako na ang umatake sa kalaban. Inambahan ko siya ng isang suntok pagkatapos nun ay tumalikod ako at binalak na patamaan siya ng kaliwang siko ko na kaagad niya namang nasalag. Mabilis ang reflexes niya kaya nakapanangga kaagad siya.

And I made a mistake, she's not a pro. She may move like Ashton but she can never win against him if only she's a guy. Masyadong mahina ang taktika niya kahit mabilis ang kanyang kilos.

Hinuli niya ako sa dalawang braso at ikinulong upang hindi ako makagalaw. I've done a calculation already, I'm done checking her move and force. Tinuhod niya ako sa likod, hindi ako napaluhod nun. Walang epekto. Ang ginawa ko ay yumuko ako at binunggo ko ang aking ulo sa mismong mukha niya. Nabitawan niya ako at kaagad akong gumawa ng isa pang atake. Umikot ako kasabay ng pagsampal ng kanang paa ko sa pisngi niya. Surprise kick. Halos matumba siya sa impact ng ginawa ko. Nabitawan niya din ang hawak niyang punyal.

I'm giving her back what she did to Ashton. She deserves more of it and I am very much willing to double the pain and wound she gave to him.

"Take it, hold it. Use it against me again. Just make sure that you can at least give me a bruise." Mukhang nainsulto siya sa sinabi ko kung kaya ay tinapon niya ang isa pa niyang hawak at nagdefense position. Nakakuyom ang dalawang kamao paharap sa akin.

"Make it thrilling, sweetheart. I'm bored to death of how she fights back to you." Saad niya sa likod.

Pumikit ako ng dalawang segundo, pagmulat ko ay nag-iba na ang paningin ko sa kanya. So she was just playing easy earlier? Mukhang ngayong pa lang siya magseseryoso.

"He will die, soon." Malalim niyang bigkas.

Sa sinabi niyang iyon ay parang may kumirot sa loob ko. Hindi iyon mangyayari, poproteksyunan ko siya sa lahat ng makakaya ko.

In a few seconds, she's in front of me throwing punches and releasing kicks. Hindi naman ako magpapatalo, nasasalag ko ang lahat ng atake niya. Nagpapakawala din ako ng ilang suntok at sipa.

Natamaan niya ako sa tiyan ngunit wala akong naramdamam kahit konting sakit.

Pinaulanan ko siya ng suntok hanggang sa napaatras siya ng napaatras. Sugod lang ako ng sugod. Kapag ipinagpatuloy ko ito ay siguradong mapapagod na siyang dumepensa.

Nasalo ng kanang braso niya ang paa ko na ginamit upang masipa siya, hinuli niya iyon at hinawakan ng madiin.

Napangisi siya, "Don't rejoice yet, we're just starting over."

Ginawa kong patungan ang dalawang kamay ko sa semento at sinipa siya ng isang paa ko papaikot. Natumba siya. Mabilis akong kumilos at sinakal siya sa leeg hangga't may pagkakataon.

"A-ah." Mahinang daing niya. I'm closing my palm to strengthen my grip on her neck.

Mabagal siyang napatayo at hinawakan ang braso ko na nakasakal sa kanya. Wala siyang kawala, baka mapatay ko na siya.

"Bawiin mo ang sinabi mo." Utos ko.

Kahit nahihirapan na siyang huminga ay nakuha pa niyang tumawa.

"Ah-aha-ah. M-malap-pit na s-siya." Naghihirap​ niyang bigkas.

Itinayo ko siya ng tuluyan at binigyan ng mag-asawang sampal. Dumugo ang gilid ng kanyang labi sa ginawa kong iyon.

"Hindi mangyayari ang sinasabi mo, mauuna muna ako kesa sa kanya." I will die for him. He's worth saving, he's worth my life, "Sino ang nag-utos sa iyo?"

"P-patay-yin mo n-na lang a-ako. Ack!" Nakatayo na siya ng diretso at halos kapusin na ng hininga sa pwersang binibigay ko sa leeg niya.

"Marami pa ba kayo?"

"H-ha-h-ha." Tumawa pa siya, nagawa pa niyang tumawa?

Nakatingin siya sa direksyon ni Ashton, nilingon ko din siya. He's just standing there, looking at me intently. Is he examining me?

Wala siyang makikitang kakaiba sa akin, kontrolado ko ang mga pinapakawala kong suntok at sipa. I can kill a person with just one punch.

"Kill her now. She's not just the first of them." Seryosong sabi niya.

Ano'ng ibig niyang sabihin? May mga iba pang nauna sa babaeng ito na nagtangka sa buhay niya? Bakit hindi niya sinasabi sa akin? Wala ba siyang tiwala sa kakayahan ko? Bakit kailangan pa niyang maglihim?

"Ilan pa kayo?"

"H-ha-aha-ha."

Walang ano ko siyang sinikmuraan gamit ang kanang tuhod ko. Napabaluktot siya sa sakit sa semento na sapo ang tiyan at habol ang hininga.

"Sumagot ka o mapapadali ang buhay mo." Tinitignan ko kung paano niya indahin ang sakit ng kanyang tiyan. Halos masuka na din siya.

"Wow. You really amaze me in everything, sweetheart." Nilapitan niya ako at inakbayan.

Inapakan ko ang babae sa leeg niya, diniinan ko din hanggang sa halos magwala na siya sa paghabol ng kanyang hininga.

"Mahalaga ang araw na ito para sa amin, sinira mo lang. Nabawasan na kami ng oras sa pamamasyal, alam mo ba iyon?" Tanong ko sa kanya kahit hindi naman siya makakasagot.

"A-ack. H-ha." Hingal na hingal siya sa paghabol.

"Stay here, kukunin ko lang ang isang punyal na nabitawan niya kanina." Bilin ko kay Ashton.

Mabilis akong bumalik at umupo malapit sa pwesto ng babae na halos mawalan na ng malay.

"Now. Ilan pa kayo at ano ang mga plano niyo?" Nilaro-laro ko pa ang dagger sa kanang kamay ko. Kapag hindi ko matanggap ang sagot niya ay ibabaon ko ito sa kanya mismo.

"Sa tingin m-mo ba, m-may makukuha ka s-sa akin. Aaaahhhhhh!" Hiyaw niya ng isaksak ko ito sa kanyang kanang hita. Mangiyak ngiyak na siya ngayon dahil sa sakit.

Hearing someone groan in pain, crying for it, screaming like it's the only way to ease it, parang musika sa pandinig ko ang ganun. Na parang gustong gusto kong pakinggan ng paulit ulit.

"Maybe our friend here needs more of it." And my boyfriend is smirking like a sweet little devil beside me.

"Pwede ko pang isaksak ulit ito sa iyo, Miss. Pero sa kabila naman upang magpantay, ibabaon ko na ba ulit? Bubunutin ko na ba ito?" Hinawakan ko ang punyal at idiniin pa iyon sa hita niya. Mas lalo pa siyang napasigaw sa sakit at pinagpapawisan na din siya ng sobra.

Napakagandang pakinggan ng hiyaw niya, parang gusto kong ipikit ang aking mga mata at damhin ang bawat segundo nun.

Kapag pinagpatuloy niya ang pagtanggi sa mga tanong ko ay baka mahimatay na siya sa hindi niya makayang sakit. O baka mamatay na lang siya sa dami ng dugong lalabas sa sugat niya kapag binunot ko na ang punyal.

"P-please." Pagmamakaawa niya.

"Why don't we take off her mask?" Suhestyon ni Ashton.

"She will die in a few minutes later. Bakit pa?" Tanong ko.

"You have a point there. Don't you feel pity for her?"

"Why would I? Hindi nga siya nag-alinlangan na salubungin tayo at paulanan ng bala. Sinaktan ka niya at sinugatan. Karapatdapat pa ba siyang kaawaan sa ginawa niya sa iyo?" Rason ko.

Hindi kinakaawaan ang mga ganitong klaseng tao, dapat lang sa kanilang mamatay. Walang puwang ang mga katulad nila sa mundong ito.

"You care that much? How sweet." Hindi ko na tinignan ang ekspresyon niya. Nakayuko lang ako at iniiwasang magtama ang aming mga mata.

"Any last words?" Tanong ko sa babae na nanghihina na, bagsak na siya at nakalupasay na ng tuluyan sa semento

"Your.. Black Mafia.. will fall. Nagising na siya... tama ba?" What is she saying? May hindi pa ba nasasabi sa akin si Ashton?

Magsasalita pa sana ako ng bigla niyang hawakan sa ulo ang babae at binalibag iyon. Dilat ang mga mata nitong nawalan ng buhay.

"Let's go? I'm hungry." Aya niya na hindi ko tinanggihan.

Tinulungan niya akong tumayo at naglakad na kami papunta sa kotse ng kalaban.

"Teka, 'yon ang kotse mo." Turo ko sa kabilang dulo.

"Hindi na iyan mapapakinabangan. Let's use her car, besides it's her fault why we are late with our schedule. This day is supposed to be one of the most memorable date we will ever have but she came and ruined it. She might as well as return the favor, right?" Pinakita niya sa akin ang susi ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

"Saan tayo pupunta ngayon?" Ipinaglock niya ako ng seatbelt at lumipat sa kabila ng kotse.

"Hindi na sa Mall. I'll not spoil any details. Patience and you will know later. Okay?" Bago niya pinaandar ang makina ay may tinawagan siya upang linisin ang bangkay ng babae kasama ang luma niyang kotse.

"Ready? Excited?"

"I'm ready."

Continue Reading

You'll Also Like

285K 21.3K 58
A new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking and mind manipulation. Serena who becomes...
348K 10K 88
A serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live...
111K 4.4K 71
"She's the pureblood's code red." ⚫btsvelvet⚫ Heavy Angst ⚠️ Slow Burn ⚠️ Happy Ending ___ DS : 06/05/18 DE : 10/04/19
37.2K 1.4K 56
(This can be a stand alone novel.) Kilala na natin si Ren bilang masipag, kuripot, at business-minded na babaeng katutuntong lamang sa ikalabingwalo...