An Orphan's First Love 2: Dan...

By JeraldineTanL

801K 12.4K 1.5K

LOVE is DANGEROUS. This is the second book. An Orphan's First Love ang title ng book 1. More

Dangerous Love
[ 1 ] Surprise
[ 2 ] Forgiveness
[ 3 ] Phone Call
[ 4 ] Secret
[ 5 ] Eric
[ 6 ] Confused
[ 7 ] Back To Normal
[ 8 ] Fear
[ 9 ] Video
[ 10 ] Wedding Planner
[ 11 ] Daughter
[ 12 ] Family
[ 13 ] Fool
[ 14 ] Christmas
[ 15 ] Christmas Gift
[ 16 ] Sorry
[ 17.1 ] Visit
[ 17.2 ] Gift
[ 17.3 ] Pride
[ 18 ] Love
[ 19 ] What if?
[ 20 ] Selfish
[ 21 ] Giving
[ 22 ] Breakfast
[ 23 ] Couple Shirt
[ 24.1 ] Simple Date
[ 24.2 ] Change
[ 24.3 ] Wish
[ 25 ] A Bad Mother
[ 26 ] Impression
[ 27 ] Peace of Mind
[ 28 ] Work or Family?
[ 29 ] Karma
[ 30 ] Sick
[ 31 ] Flowers
[ 32 ] Note
[ 33 ] Warning
[ 34 ] Obsession
[ 35.1 ] Prisoner of Love
[ 35.2 ] Hero
[ 35.3 ] Challenge
[ 36 ] Baby
[ 37 ] Protective
[ 38 ] Letting Go
[ 39 ] Brother
[ 41 ] Jealous
[ 42 ] Kidnapped
[ 43 ] Sorry
[ 44 ] Looking Back
Epilogue

[ 40 ] Picnic

9.3K 166 18
By JeraldineTanL

Chapter 40: Picnic

"Let's go out on a date" pagyayaya ni Jico

"Date? Ayoko nga. Bakit ako makikipagdate sa 'yo?"

"No, not a usual date, Steffi. Let's go on a family date."

"Family date? Hindi ba delikado masyado para dyan?"

"Paulit ulit ko na lang ba sasabihin sa 'yo ang "don't worry"? Masyado ka kasing nag-aalala. Gusto ko lang na makagala na yung mga bata. Ang tagal na nilang nakakulong dito sa bahay."

"I don't like that idea. Masama ang kutob ko sa gusto mong mangyari. Pwede naman tayo dito sa bahay, 'di ba? Let's have a barbecue party. May pool naman dito. We can enjoy na hindi na natin kailangan pang lumabas sa gate na 'yan."

"Come on, Steffi. Buryong buryo na yung mga bata dito. Dalawang linggo na silang hindi nakakalabas. Pupunta lang tayo sa mall, kakain at uuwi din kaagad."

"No! Masyadong matao ang mall. Kung may mangyari man na masama, hindi natin 'yun makikita agad."

"Nandito naman ako ah? Bakit ba masyado kang nag-aalala? Poprotektahan ko naman ang mga bata."

"I trust you but still-"

"Okay, fine. Hindi tayo sa mall pupunta. Sa park na lang na malapit dito. Okay na ba 'yun?"

Napaisip doon si Steffi. Sa pagyayaya ni Jico, pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari sa kanila lalo na at banta pa din sa kanila si ZAC kahit na hindi na sila ginugulo nito at ang balita nila ay nangibang bansa ito. Alam niya din naman na poprotektahan sila ni Jico pero hindi niya pa din maiwasan na mag-alala. Natatakot lang siya para sa sarili at para na din sa anak.

"Okay. Pumunta na lang tayo sa park."

"Let's go there tomorrow. Ang balita ko, maganda ang panahon bukas. Magpicnic na lang tayo doon at hayaan na makapaglaro ang mga bata tapos uuwi din tayo kaagad. Okay na ba 'yon?"

"Yes, Jico."

Kahit na napa-oo niya si Steffi. Halatang halata sa mukha ni Steffi na hindi ito komportable sa naging desisyon niya. Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Steffi.

"Everything will be okay. Its just a day. Hayaan mo na makapag bonding tayo at makapagsaya. Wag na muna natin isipin ang problema. I won't let anything bad happen to any of you now that you're by my side," assurance ni Jico sa kanya.

Hinila siya ni Jico papalapit at hinalikan siya sa noo. Pinilit niya naman na ngumiti.

'It's just a day, right? Wala naman sigurong magiging problema' pagkukumbinsi niya sa sarili.

Nilapitan sila ng mga bata.

"Daddy, are we going out tomorrow?" tanong ni Stephen.

"Oo, Jericho. Aalis tayo bukas. Pumayag na ang mommy niyo."

"Really, Mommy?"

"Yes, Stephen," nakangiting sagot ni Steffi.

"Yes!"

Hinawakan ni Stephen ang kamay ni Faye.

"Did you hear that Faye? We're going out tomorrow!" masayang ikiwento ni Stephen.

"Yes! Thank you, Mommy!"

Sabay sabay silang umakyat papunta sa kwarto ng mga bata. Sa isang kwarto lang natutulog si Faye at Stephen. Sa magkaibang kwarto rin naman natutulog sina Steffi at Jico. Malaki naman ang bahay kaya walang problema sa pwedeng tuluyan doon.

"Mommy, I want to sleep with you!" sabi ni Faye.

"I'll sleep here beside you."

"No! I want to sleep in your room."

"How about Stephen?"

"Sanay naman yang anak ko na mag-isa sa kwarto. Sige na, magtabi kayo ni Faye ngayon," 

"Okay, Jico. Magpahinga na kayo."

"Good night, Stephen. Good night, Jico."

Hinalikan ni Stephen si Steffi sa pisngi at ganun din ang ginawa nito kay Faye. Humalik na din naman si Faye sa pisngi ni Jico.

"Mommy, what about Daddy? Hindi mo ba ikikiss si Daddy?" tanong ni Stephen.

Kahit na naiilang ay nakipagbeso si Steffi kay Jico at saka sila dumeretso sa kwarto nila.

Kung titingnan sila ay para na silang isang buong pamilya doon. Ang kulang na lang yata sa kanila ay kasal at pagmamahal nina Jico at Steffi sa isa't isa.

"Mommy?"

"Hm?"

"I miss daddy Eric. When will I see him?"

"I don't know. Maybe sooner or later. He's not your real daddy."

"I know Mommy. I just miss him."

"I know he misses you too. Go to sleep. Good night, my princess."

***

Nang magising si Steffi ay naabutan niya si Jico na nagluluto sa kusina. Nakahanda na din ang pagkain nila doon.

"Good morning," nakangiting bati nito sa kanya.

"Good morning. Anong mayroon? Ang dami mo yatang niluluto?"

"Magpipicnic tayo ngayon, 'di ba? Maglalaro 'yang mga bata at sigurado ako na mapapagod sila kaya madami silang kakainin. Ikaw din, kailangan mong kumain dahil ang payat mo na."

"Talaga namang ganito ang katawan ko ah?"

Nilapitan siya ni Jico at hinawakan ang damit niya. Bahagyang ibinaba ni Jico ang sleeves ng damit niya pero agad niya itong itinaas.

"A-ano ba?!" naiinis na tanong ni Steffi.

"Collar bones mo kitang kita na. Noon, hindi ganyan."

"W-wala lang 'to."

"You better eat well, Steffi. Hindi pa tapos ang laban natin. Kailangan mong maging malakas."

"Kung ano ano na naman ang sinasabe mo. Tatawagin ko na 'yung mga bata para makapag almusal na at makaalis na tayo."

***

Pagkarating nila sa park ay agad silang naghanap ng mapepwestuhan. Madaming tao doon ngayon dahil maganda ang panahon. May mga ilan din doon na nagpipicnic, may mga nagdedate at may mga batang naglalaro.

Nagsimula na si Jico na ayusin ang pepwestuhan nila doon.

"Mommy, were going to play there!"

Aalis na sana doon sina Faye at Stephen pero pinigilan niya ang mga ito.

"Just stay here. You can play here."

Napansin ni Jico ang ginawang pagpigil ni Steffi sa mga bata kaya nilapitan niya ang mga ito.

"Just let them. Useless din ang paglabas natin ngayon kung hindi sila makakapagsaya. Jericho, Faye, just stay where we can see you, okay?"

"Yes, daddy!" sabay na sagot ng mga bata.

Mabigat man sa loob ni Steffi pero pinakawalan niya ang kamay ng dalawang bata. Naglalaro ito sa playground na hindi kalayuan doon at nakikita niya ang mga ito.

"Jico, I'm worried about them. Hindi ko maiwasan na hindi mag-alala lalo na at alam ko na pwede silang mapahamak."

"I understand, Steffi. You also need a break. Masyado ka na sigurong stressed sa mga nangyayari sa buhay mo. Tara, wag mo na intindihin 'yan. Nakikita naman natin sila dito."

Pinaupo niya si Steffi sa inilatag niya na sapin sa grass doon.

"I'm scraed, Jico. Paano kung nandito pala si ZAC? Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin kay Faye."

"Subukan niya lang na galawin ang anak natin at sigurado ako na magkakagulo tayo dito. Hindi ko siya hahayaan na saktan si Faye. Steffi, tigilan mo na nga yang kakaisip mo. Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko?"

"May tiwala naman ako pero--"

"Then shut up. Pati ako naguguluhan na dahil sa 'yo. Were here to relax. Wag mo muna isipin 'yang mga bagay na 'yan kahit ngayon lang.. please."

"Okay, I'm sorry."

Napahiga si Steffi at tumingin sa langit. Huminga siya ng malalim.

'Why did my life turned out this way? I hope this will come to an end.'

Paulit ulit na tinatanong ni Steffi ang sarili kung bakit nagkaganoon ang buhay niya. 'Yon na ba ang kabayaran sa masasamang pinaggagawa niya noon? Sa lahat ng tao, bakit siya pa ang kailangan na dumanas noon?

'Ayaw ba talaga ng tadhana sa 'ming dalawa ni ZAC? Siguro ito na 'yung sign na hindi kami ang para sa isa't isa.'

Napatingin siya kay Jico nang hawakan nito ang kamay niya.

'Is he the one?'

Napaisip si Steffi. Palagi nga naman na nakaalalay sa kanya si Jico. Noong una ay ayaw na ayaw niya dito. Masyado kasi itong mayabang at know-it-all pero habang tumatagal ay nakikita niya ang pagbabago nito lalo na noong nagkaanak ito. Hindi niya inaasahan na magiging mabuting ama ito kay Stephen kahit na kadalasan ay tinuturuan niya din ng kalokohan ang anak. Kahit na babaero ito, hindi nito pinabayaan si Stephen at inuuna pa din nito ang anak kahit na ano pa man ang mangyari.

Napangiti siya. Naaalala niya kung paano nito ipinaglaban si Stephen sa daddy niya. He was really cool back then.

"Ang lalim ng iniisip mo ah?"

"Naalala ko lang 'yung buhay natin noon sa ibang bansa. Tahimik lang pero masaya."

"Wala ka kasing iniintindi noon."

Napaupo si Steffi kaya umupo na rin naman si Jico sa tabi niya.

"You're right. Nagsimula lang ang problema ko noong nalaman ko na buntis ako at kailangan natin na itago 'yon. Pero maayos na din ang problema na 'yon. Nagsimula lang naman yata ang paghihirap ko simula nang bumalik ako dito. Tama si Eric. Buong buhay ko yata umiikot sa kasinungalingan. If only I didn't lied to them.. Kung sinabe ko na lang sana sa kanila ang totoo, iba siguro ang takbo ng buhay ko ngayon. Why exactly do I have to lie? If he loves me, he will accept me wholeheartedly. Sana nga nakinig na lang ako sa 'yo noon.. Edi sana hindi nagkaganito."

"Huli na ang lahat para magsisi ka. Wala ng magbabago."

Natawa si Steffi sa sinabe ni Jico na ipinagtaka naman ng isa.

"May nakakatawa ba sa sinabe ko?"

"Wala. It's just that Eric said the same words. Tagalog nga lang 'yung sa 'yo at English 'yung sa kanya. Magkapatid nga talaga kayo. Hindi ko lang naisip 'yun dahil magkaibang magkaiba kayo. Kaya pala minsan napapansin ko na may hawig kayo. You know, I still feel sorry for him. Hindi ko maibalik sa kanya ang nararamdaman niya para sa 'kin."

"Ako kaya, maibabalik mo sa 'kin ang nararamdaman mo?" pabulong na sinabe ni Jico pero sapat na para marinig ni Steffi

Sinadya ni Jico na marinig ni Steffi ang bulong niya para makaramdam ito. Hindi pa siya handang tuluyan na umamin sa kanya tungkol sa nararamdaman niya dahil malinaw sa kanya kung sino talaga ang mahal nito at useless din naman kung sabihin niya iyon. Sapat na sa kanya ang naging pag-amin niya sa ospital noon.

"Anong sinabe mo?" patay malisya na tanong ni Steffi kahit na narinig niya naman talaga.

"Wala."

"In the right time, Jico. For now, I can't but I will try," sagot ni Steffi sa sinabe ni Jico.

Hindi inaasahan ni Jico na sasagot pa si Steffi sa sinabe niya.

"I've been through a hard time. Galit ako kay ZAC pero kahit na ganun, mahal ko pa din siya. I want to forget everything if I can. Masyado lang talagang masakit ang mga ginawa niya sa 'kin."

"Kung hindi ka matututong magpatawad, hindi ka din makakalimot. Just forgive and forget. Soon, you will move on."

"I hope so, Jico. Sana nga mangyari na 'yon."

Kung ano ano na ang gustong sabihin ni Jico. Gusto niyang pormahan si Steffi pero hindi niya pa 'yon pwedeng gawin sa ngayon kaya pasimple na lang muna siyang humihirit dito.

"Kung ako na lang sana.."

"I didn't know your feelings then. Ngayon ka lang naman umamin sa 'kin."

"Kung sakali bang umamin ako, ako ang pipiliin mo? Hindi rin naman, 'di ba? At kung sakali man na oo, hindi ko hahayaan na maging ganito ang buhay mo. Hindi kita sasaktan kagaya ng ginawa niya sa 'yo."

"Talaga? Parang imposible yata 'yon."

"Nagbago na ako. Nakita mo 'yon."

"Have you forgotten? Ikaw mismo ang nagsabi sa 'kin noon na "Ang taong mabait, pwedeng maging masama. Pero ang masama, kahit anong gawin na pagbabago, mananatili pa ding masama." Noon, hindi ako naniniwala sa sinabi mo pero napatunayan ko na tama 'yon kaya naniniwala na ako ngayon. Nananakit ka. Nagawa mo na akong saktan noon pa at magagawa mo rin ulit 'yon ngayon. Akala ko ba magaling ka? Wag mo naman sanang baliktarin ang mga sinabe mo noon."

"Oo, tama ka doon. 'Yan ang nagagawa ng pagmamahal sa tao. Nagagawa mong magbago pero mananatili pa din sa 'yo ang dati mong ugali. Ibahin mo ako kay ZAC. Hindi ako kagaya niya na kayang saktan ang mahal ko."

Napailing si Steffi.

"Hindi.. hindi ako naniniwala. Now, I cant trust no one but myself. I'm sorry, Jico. I won't fall for sweet words anymore."

Natahimik si Jico doon. Lahat ng sinabe niya noon para mapalayo si Steffi kay ZAC ay bumabalik sa kanya ngayon.

'Ang tanga tanga mo, Jico! Bakit mo sinabe 'yun sa kanya? Hindi ka pa nga nakakaporma, bawas pogi points na agad.'

Nang dahil doon ay natahimik na naman si Jico. Nahihiya siya sa mga sinabe niya. Parang binaliktad niya ang mga sinabe niya noon. Idedefend niya pa naman sana ang sarili pero naisipan niya na wag na lang. Ayaw niya na magmukhang defensive at guilty sa harap nito. May point nga naman kasi ang sinabe niya noon kaya hindi na na mababawi pa iyon.

Nagawa niya ng pumatay noon at kahit na nagbago na siya, alam niya na magagawa niya pa rin na pumatay ulit kung kakailanganin at kung gagawin niya naman 'yun para sa taong mahal niya. Lalo na kung ang pamilya niya o si Steffi ang involved, hindi na siya magdadalawang isip pa na gumawa ng kasalanan ulit.

"Jico, I want to be happy. When I say happy, I mean really happy. Happy with the one I love and happy with my life. Yung wala masyadong iintindihin.." habang sinasabe iyon ni Steffi ay nakangiti siya dahil naiimagine niya ang sarili niya na ganoon "Kung sakaling hindi ako bumalik sa Pilipinas, will my life be better?"

"Probably, yes. Hindi pa din natin 'yan masasabi. Hindi man maganda ang pinagdaanan mo dito pero ang importante naman doon, natuto ka. I hope you will not make the same mistakes in the future."

Natigilan sila sa pag-uusap nang marinig na sumisigaw si Stephen. Tumatakbo ito papunta sa kanila kaya napatayo silang dalawa.

"What's wrong, Stephen? Where's Faye?" tanong ni Steffi.

"Mommy, she's gone!"

"Ano?!"

Hindi na nagsalita pa si Jico at agad siyang tumakbo at hinanap ang anak sa paligid. Nakita niya ito sa kabilang dulo ng park at buhat buhat siya ng isang lalaki at base sa itsura ng anak, wala itong malay. Agad niyang hinabol ang lalaki pero nang makalabas siya sa park ay nakaalis na ang sasakyan at dahil malayo na ay hindi niya man lang nakuha ang plate number ng sasakyan.

'Isa lang ang naiisip ko na may kagagawan nito. Walang iba kung hindi si Kim.'

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 114K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...
56.8M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
88.4M 2.1M 50
[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo, bulakbol at pakikipag-away ang palagi n...
22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...