The Perfect Weapon [COMPLETED]

By ROOBIINHOOD

606K 18K 868

Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damda... More

General Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4- Minor Edit
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56- The End

Chapter 29

9.8K 286 23
By ROOBIINHOOD

Vhon Ashton Black


Nakaupo kaming nasa dalawampo sa harapan ng mahabang mesa. Nagpapakiramdaman. Naghihintay kung sino ang unang magsasalita. Lahat ay nakaramdam ng tensyon. Seryoso an mga mukha at bakas doon ang pagkabahala.

Isang linggo na ang nakakaraan ng may  kumalat na usap-usapan na nabuhay ang isang nilalang na kinatatakutang magising sa matagal na pagkakahimbing. Tinatawag nila itong Terminator, Hunter, Abomination. Nang sumunod na ikaapat na araw ay sunod-sunod na ang patayan. Doon sila naalarma.

"Sabihan mo na linisin nila ang kalat doon. Cremate the body and do further tests." Buntong hininga ni Papa, "Bakit ba nangyayari sa atin ito? Wala naman akong matandaan na may gustong kumalaban sa Mafia natin, mga naghahamon lang, but they end up staying away from us. This one is different." Kapagkuwan ay bumagsak ang mga balikat nito, "Eleven people, for just three days. Mapapatawad ko pa kung mga pipitsugi at baguhang kasamahan natin ang napapatay. Bullshit! I demand you all to lookter each one of you. That devil is a total beast. He kills no mercy, such a wrathful creature."

"Wala namang kinalaman dito ang mga Addis, diba?" Singit ko.

"No. They're loyal to us. They are not that stupid enough to go against us. Your engagement will be this Saturday and I don't see any reason for them to take us down."

Uminit ang ulo ko sa sinagot niya. Akala ko pa naman ay makakalusot ako dahil na rin sa mga nangyayari ngayon.

"Da-"

"Enough with contradicting our decisions, son. Pupunta ka sa engagement party, after a year you will marry Leonora. Huwag ka nang kumontra pa, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa pamilya ng babaeng iyon at sa kanya mismo oras na hindi ka sumulpot sa gabi ng kasunduan. Are we clear?"

"I can't love that slut." Plain niyang sagot sa kanya.

"You have no choice." He sighed once again, "Back to that killer. We have made some theory since are not really it's a he or a she. I already asked some people to spy on the possible killers. Pero kahit na may theory na kami, I want to hear your ideas. Anyone?"

"Sir. I think he's a man, 5'6 - 6'0 foot tall." Sabat ng isang lalaki sa kabilang bahagi ng mesa.

"The Terminator is a girl." Kontra ng isa.

"A highly skilled killer works smooth and clean. Lalaki siya." Angal naman ni Mina.

"I can feel that she's a woman." Singit ng isang assassin sa dulo.

"How can a woman carry a dead body who weighted 80 kilograms and throw it on a well from a three-kilometer distance on the exact spot where he was killed?" Pagrarason ng isang assassin sa pagtukoy ng isa pa naming kasamahan na natagpuang patay kahapon. May mga bakas ng nagdaang laban sa lupa at mga tuyong dahon na natabig. Walang natagpuang bakas na hinila ang bangkay, bagkus ay binuhat ito at inihulog sa balon. Not even a single track of a vehicle wad to carry the body.

Unbelievable!

"And how can HE seduce a man who's in his deep slumber if HE is​ a guy?" Sabat pa ng isa na mukhang banas na sa sinasabi ng mga kasamahan. Diniinan pa nito ang pagtukoy sa kasarian ng kriminal.

Tinutukoy naman nito ang natagpuang bangkay kagabi ng isang reaper na hubo't hubad sa kama na isang hotel. Wala na itong buhay ng madatnan ng mga nakakita dito. Dilat din ang mga mata nito katulad ng mga naunang napatay na tauhan namin.

I am having a headache.

"But how can you explain what SHE did to the three men on the first day of HER killings? An amazona who has superpowers? Hindi basta basta ang kakayahan nina Laxus, Dale, at Lando." Balik dito ng isa, "They're on top of the list also."

Nasa most wanted list ng underground world ang tatlong nabanggit na napatay ng tinatawag nilang Terminator. Kilala ang tatlo ba deadly trio dahil sa magkasama ito sa lahat ng misyon. Magagaling at maliliksing kumilos ang mga ito. Walang makapantay sa kakayahan sa combat at paggamit ng katana. Sikat din ang mga ito dahil sa pagiging maloko.

Migraine na yata ang nararamdaman ko! I'm so worried for my family and Reese's sake!

"Hindi naman natin minamata ang kakayahan ng kalaban natin, diba?" Singit naman ni Vhienna Marie or Anne for short. Mataray itong tignan at matapang na sinalubong ang mata ng mga kasamahan niya.

"What if the killer isn't just only one? Paano kung may punto naman kayong lahat at mali tayo ng inaakala na iisa lang siya?" Sabat ng lalaking may makapal na salamin sa tabi ni Vhien-- it's Axel, Anne's cousin, sumang-ayon naman ang ilan sa sinabi nito.

Nagtaas ng kilay si Mama sa reaksyon ng ilan.

"Naisip ko na din iyan. Kung may kasama siya, siguradong mas dumadami pa ang nalalagas sa atin tuwing gabi. Sigurado ako na mag-isa lang siya, he or she hunts at night time." Giit naman ng katabi nito.

"Eleven people for three days? I don't think the killer can do that alone, to think that he killed a virtuoso and some experts in handling guns and knives?" Iling ng isa pa.

Sa unang gabi ay namatayan sila ng limang kasamahan, sa ikalawang gabi ay tatlo at ngayong araw naitala na tatlo na din ang napatay.

Gabi ito umaatake, umaga na natatagpuan ang mga bangkay. Ni isa sa mga biktima nito ay walang nakaligtas. Malinis magtrabaho ang kanilang kalaban, mabilis at walang gusot.

Madaling pumatay ng kalaban, ang sugurin ito kung kilala nila. Ngunit sa sitwasyon namin ay kami ang itinutumba nito isa isa. Mas lalo pa kaming namomroblema dahil wala pagkakakilanlan dito o kahit konting kaalaman kung sino ang nag-uutos dito para patahimikin ang mga tauhan namin ng paunti-unti.

"Kaya nga hindi siya simple o pipitsuging mamamatay tao lang, diba? She's a huntress. Bakit ba ayaw niyo pang tanggapin na may mas nakaaangat pa sa kakayahan natin?" Pagtataray na naman ni Anne.

"Dahil hindi naman kasi tayo sigurado sa kanya. Ano ang kakayahan na meron siya, kung sino ang susunod na target niya at kung sino ang nag-uutos sa kanya. We look helpless, waiting for him to kill us one by one. He will surprise us in just a snap and take our life in a short period of time. Just like what happened to some of our friends." Balik sa kanya ng naka all blue na babae. Mukha itong nalungkot sa sinabi, unti-unting nawawalan ng pag-asa at paniniwala.

Hilakbot, takot, tensyon, at samu't saring reaksyon ang nakikita niya sa mga ito. Natatakot ang mga ito para sa kapakanan ng mga buhay nila. Wala pa sa trenta ang mga edad ng mga ito at halos wala pang sariling pamilya ang ilan. Ang iba naman ay nagsisimula pa lang na umangat sa buhay.

Naisip ko din ang kapakanan ni Reese, ayaw ko na pati ang buhay niya ay malagay sa alanganin. Kailangan ko'ng masiguro na ligtas siya sa lahat ng oras, na walang mananakit sa kanya. Pero paano ko siya mababantayan kung matatali ako kay Leonora? Siguradong hindi ako tatantanan ng haliparot na 'yon kapag natuloy ang engagement namin.

"Son, what are you thinking?" Untag sa akin ni Papa.

"Nothing."

How can I protect Reese? No one knows who the killer is. Baka nga kilala na niya ang girlfriend ko at minamanmanan na sa mga oras na ito.

Parang guato ko na lang ipukpok ang ulo ko sa mga naiisip ko. My parents doesnt knoe about the scientists that i hired. They know nothing. Paano kapag baliktarin ako ng mga taong pinagkakatiwalaan ko at ikanta nila sa mga magulang ko ang ginawa ko?

Ang pagkuha at pag-hire ng sapilitan sa mga scientist na iyon ay may kaakibat na malaking responsibilidad. Dahil ako ang nagpadukot sa kanila ay sa akin nakasalalay ang kapakanan ng mga iyon. They're my responsibilityas well! At kahit ako man ay walang alam kung sino ang dumukot sa mga doktor mula sa secret lab na pinasadya ko para lang sa paggawa ng gamot ni Reese. Si Vhien lang at ilan sa mga tapat sa akik ang nakakaalam no'n.

The conference slash meeting took an almost two hours long.

"Don't lose hope people, just believe that we will get through this. We may not know for now kung sino ang kalaban. Sa ngayon, kayo na muna ang bahala sa isa't isa. Huwag niyong kakalimutan na mag-ingat sa lahat ng oras." My mother is not looking good. Stressed na siya sa pag-aalala sa aming lahat.

"Madam, dito na po kami mananatili pansamantala. Kailangang nandito kami kung sakaling sumugod siya dito." Wika ng may makapal na salamin, si Mimi.

"You may if you want to, but we are not forcing you to live here for a while." Sagot ni Mama dito.

"Pwede na kayong lumabas. Vhien, Vhon, let's talk."

What? Ano na naman ang sasabihin ni Dad? Kailangan ko nang bumalik sa Academy. Marami pa kaming pag-uusapan ni Reese.

"Have you broke up with her already, Vhon?"

Sinalubong ko ang mga titig niya at matigas ang panga na nagsalita, "I told you for how many times that I will not marry Leonora, Dad. I can't be her fiancè, I can't." Giit ko.

"Sa nangyayari ngayon, be practical. Hindi ka mapoprotektahan ng anak ni Hideo, Vhon." Sulsol naman ni Mama.

"I don't need their protection, Mom. All I want is to be with Reese, I can protect myself. When will you stop treating me like a child?" May poot sa tono na sagot ko sa kanya.

"Mom, payagan niyo na si kuya. Ngayon lang kaya siya naging totoo. Mahal niya si Reese at wala akong makitang dahilan upang komuntra kayo sa kanya." Pagtatanggol ni Vhien sa akin.

Ah, thank you, brother.

"Don't meddle, young man." Suway naman ni Papa dito.

"Okay." Umaalmang sagot nito.

"Dad, just let me be with my girlfriend." Madamdaming saad ko. I'm almost begging! Ano pa ba ang gusto nila?

Imbes na unahin nila ang kaguluhan sa Mafia ay ito pa talaga ang pinagsisiksikan nila sa akin!

"No. Tuloy ang engagement niyo sa sabado at huwag kang magkakamali na ipahiya kami."

Mas lalong uminit ang ulo ko dahil sa katigasan ng ulo ni Papa. Nasanay na sila na buong buhay ko ay wala akong kontra sa mga kagustuhan nila para sa akin. Parang nagsisisi na ako na naging masunurin ako'ng anak.

All I did is follow my parents' demands, likes and rules. And now that i needed their support the most, saka pa sila kumokontra.

"As a favor, I will call Headmistress Anastasia Beverly after this talk. Bibigyan kita ng isang buong araw, bukas. Ipasyal mo si Reese, magdate kayo sa kung saan niyo gusto. After that, you will attend the party and act like you really wanted to be Leonora's fiance. Is that a deal?"

Isang buong araw? Pinagloloko niya ba ako? Sa ilang buwan na nagde-date kami ni Reese ay tiniyak ko sa kanya na wala sa plano ang hiwalayan ko siya. I never thought that I have to go through this kind of situstion!

Araw namin bukas at sa susunod at araw naman ni Leonora. Tiyak na magsasaya ang haliparot na 'yon kapag natuloy ang engagement namin. Hah! Akala niya siguro ay papayag na lang ako ng basta-basta!

Hindi ko kakayanin ang hiwalayan si Reese. At mas natatakot ako sa banta ng kriminal na unti-unti kaming pinipilayan. I have to protect Reese in any possible way that i can. I can't lose her!

Napayuko na lang ako.

Damn it! Ni hindi kayang sabihin kay Reese na nawawala ang tatay niya!

Shit!

Continue Reading

You'll Also Like

77.4K 2.6K 28
Note : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination...
400K 26.2K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
18.8K 530 20
All that Tiana wanted to have was a perfect vacation and being stranded on an island is not on her plan of activities. Lalo na ang makasama doon ang...
74.6K 1.4K 60
Xia stands for XENON ISABELLE ALDAMA. #XeRo #ZeNon #XiaZero babaeng_marupok | 2015