The Perfect Weapon [COMPLETED]

By ROOBIINHOOD

597K 17.9K 860

Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damda... More

General Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4- Minor Edit
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56- The End

Chapter 20

11.2K 391 13
By ROOBIINHOOD

Reese Elizabeth Cohlsin


"Wait. Reese!"

Nilingon ko si Ashton na mukhang kabado. Ito yata ang pinakunang pagkakataon na matino ang pagkakatawag niya sa akin.

"Bakit?"

Kakarating lang namin ng Academy galing sa bahay nila. Kailangan ko munang diretso sa dorm para magpahinga lalo pa at may hindi ako nagustuhan sa mga nangyari kanina.

Naputol ang kamay ko pero tumubo naman agad. Bigla akong nahimatay at habang tulog ako ay may kamukha ako at--- ayaw ko nang isipin ang gano'ng bagay. Tiyak naman na malalaman ko rin kung ano talaga ang mangyayari kung sakali.

"Hey. Are you even listening to me?" Pukaw niya sa akin.

"Ah. May sinasabi ka, Ashton?"

Kumunot na naman ang kanyang noo, "Tandaan mo na laging nasa akin lang dapat ang oras at atensyon mo kapag ako ang kaharap mo."

"Oo, masusunod."

"Tsk. Ano na lang ang gagawin ko sa'yo."

"May sasabihin ka pa ba, Ashton?" Untag ko naman sa kanya.

Napahawak siya sa kanyang batok at hindi makatingin ng diretso sa akin.

"You're a trouble magnet."

"Ah, oo." Diretsang sagot ko, "Hindi ko rin maintindihan kung bakit marami ako'ng kalaban. Siguro nga ay may mga bagay na kailangan ko munang alamin at intindihin."

"You don't give me peace." Sunod niyang sabi.

"Sorry kung gano'n, Ashton. Nadadamay ka sa mga kamalasan ko." Yumuko pa ako ng bahagya.

"There's one way you will be able to repay me, lady."

"Sabihin mo lang."

"Date me." Mabilis niyang tugon.

"Sure, I'll date you." Mas mabilis sa sagot ko, "Hindi ko man ako kombinsido na 'yan ang totoong dahilan mo pero papayag ako."

Amused naman na napangisi siya.

Ah, he's amused. Natutuwa ba siya sa akin o sa sinabi ko? Ngayon ko lang nakita ang ganitong bahagi ng pagkatao niya. Tiyak na maalala ko naman ang mukha niyang ito sa tuwing wala ako'ng ginagawa.

"Masyado kang easy to get." Naglakad siya palapit sa akin.

"Walang rason para tumanggi pa ako o magpakipot."

Tuluyan na siyang natawa.

Napatingala ako sa mukha niya nang may marinig ako na kumalabog sa loob ko. Napaatras ako ng nasa harapan ko na ang nakangiti niyang mukha.

"Backing out?"

Mas lumakas ang kabog sa loob ko.

"Hindi." Ako naman ang umiwas ng tingin, "Magkita na lang tayo bukas o sa ibang araw. Magpapahinga muna ako, Ashton."

"Ihahatid na kita."

"Huwag na. Aalis na ako."

Kumaripas na ako ng takbo bago pa man siya may masabi.

Date me.

Date me.

Date me.

Iwinaksi ko sa isip ang sinabi at ang mukha niyang nakatawa at nakangiti.

"Reese! Reese!"

Tumigil ako sa pagtakbo nang marinig ko ang boses ni Castiel na tumatawag sa akin.

"Bakit?" Lapit ko sa kanya.

"What's up? How's your date?"

"Okay lang naman. Masaya."

"So did Vhon asked you to be his girlfriend?" Sulpot ni Al na nakangisi.

Tumingala ako, nagdadalawang isip kung sasagutin ko ba ang tanong niya o hindi.

"Come on, Reese, answer him." Dumating rin si Ford na malapad ang ngiti.

"Hindi niya tinanong kung gusto ko na maging girlfriend niya," sa sagot ko ay dismayado siya at umiling-iling, "Pero diretsa niyang sinabi na magdate kami at pumayag ako."

Nagsigawan silang tatlo na may kasamang talon.

"Sabi na eh!"

"Don't forget out bet!"

"I'm so happy!"

"Okay lang ba kayo?" Tanong ko sa kanilang tatlo na nagpupunyagi, "Aalis na ako, kailangan ko kasing magpahinga."

"Sure, sure." Tinapik-tapik pa nila ako'ng tatlo sa braso.

Umalis ako na naririnig pa rin ang hiyawan nilang tatlo.

"Hi, Reese!" Muntik na kaming magkabanggaan ni Aidan na biglang humarang sa dadaanan ko.

"Bakit, Aidan?" Kanina lang ng umaga ay magkasama kami, bakit ngayon naman ay-- "Ano'ng ginagawa mo?"

"I didn't get the chance earlier kaya ngayon ako babawi."

"Masyado kang malapit--"

Walang pasabing hinawakan niya ako sa batok habang ang isang kamay niya ay sumuporta sa likod ko at hinalikan ako sa labi.

Nakangising binitawan niya ako, "Now Vhon and I are even."

Kumurap ako at tinitigan ang mga mata niya, "Hindi tayo magkakilala at kahit kailan ay walang nangyari sa ating dalawa. Alis."

Wala sa huwisyo na naglakad siya sa kung saan siya galing.

Ninakaw niya ang first kiss ko.

Sana naman ay wala nang iistorbo sa paglalakad ko.

Bumabagabag talaga sa akin ang mga nangyari kanina. Sino ang dalawang lalaking gusto ako'ng saktan at sino ang nag-utos sa kanila? Wala man lang ako'ng nakuhang impormasyon dahil napuruhan ko ang nakalaban ko sa pagtangka niyang pambabastos sa akin. Habang ang kay Ashton naman napatay niya na.

At ang ginamit nilang katana, nagawa nitong putulin ang kamay ko.

Ikinuyom ko ang aking palad na naputol kanina. Kung ikokompara sa normal na tao ay halos metal na ang mga buto ko.

May alam sila.

"Kailangang makausap ko si Papa."

Pinangaralan niya ako kanina tungkol sa mahigpit na bilin niya sa akin. Binawalan niya rin ako na makibagkaibigan o sumama kay Ashton.

Ano ba ang nangyari sa amin ni Reed sa loob ng labinlimang taon? Nagkasakit lang ba kami? Na-comatose? Bakit kami ganito... Bakit napakalusog ko habang si Reed ay sakitin.

Nang makauwi ako sa dorm ay sumalampak ako ng higa sa kama at nakipagtitigan sa kisame. Tatawagan ko ba si Papa? Si Mama?

Hindi niya ako kinunan kanina ng dugo dahil sa mga sinabi ko. Baka raw maging masama ang epekto no'n kay Reed.

Hanggang kailan magiging sakitin si Reed?

Tumagilid ako ng higa at napatingin sa bintana. Maraming tumatakbo sa utak ko.

Date me.

Bumalikwas ako ng higa nang sumagi na na naman sa aking isipan ang mukha ni Ashton na nagliliwanag.

"His handsome face is haunting me." Wika ko.

Nakahawak pa siya sa kanyang batok at hindi makatingin sa akin ng diretsa nang sinabi niya iyon. Tumawa rin siya. Kumikinang rin ang kanyang mga mata.

Mababaliw ba ako?

Itutulog ko na lang ito at baka sakali na maging maayos mamaya ang paggising ko.

***

"Good morning, our dearest Reese!"

Binulabog na naman ako ni Terry. Kahapon pa siya nangungulit at ginagatungan naman ni Charry.

"Magandang umaga rin."

"Good morning, mahal na prinsesa. How's your sleep?" Niyakap ako ni Charry, "Congratulations, Reese."

"Para saan?"

"Eeh?! Haba ng hair mo girl ah, nililigawan ka na ni Vhon. Haha! Sinasabi ko na nga ba at hindi siya makakaligtas sa kamandag mo!" Tumatango na naka-thumbs up si Terry nang sumagot sa akin, "Oh, ano? Ano'ng chika? May gagawin ba kayo mamaya?"

"Hindi ko alam."

"Masaya kami para sa'yo." Napakalambing ni Charry.

"Ah. Salamat."

"Ano ba 'yan, Reese! Parang lugi ka pa sa lagay na 'yan ah. Umakto ka naman na masaya ka rin!" Angal ni Terry.

Paano ba maging masaya?

"Ngumiti ka man lang, Reese." Dagdag naman ni Charry.

"Hindi ko kaya."

"Jusko naman!" Hinawakan ni Terry ang magkabilang  pisngi ko at inunat, "Ayan--- ay huwag na lang pala, mukha kang psycho."

Psycho.

Psycho killer.

"Reese? Natulala ka diyan." Pukaw sa akin ni Terry, "Inaya ako ng kaklase ko na pumunta sa kakahuyan. Magbonfire kami mamaya with some friends and a little party na rin kaya gabi na ako uuwi ha."

"Doon kayo maglunch at dinner?" Tanong ni Charry.

"Yes!" Masiglang sagot nito, "Chika chika tayo mamayang late pag-uwi ko, ha? Hayyy. Daming ganap ngayon sa buhay ko, puro goodvibes lang!"

"Ikaw lang mag-isa dito, Reese, okay lang ba?"

"May pupuntahan ka rin?" Namula naman ang mukha ni Charry.

"Doon kasi ako kakain ng lunch at dinner kina Ford. Kung gusto mo ay sumama ka para naman kahit papa'no ay may makausap ako doon, Reese."

"Huwag na, Charry. May gagawin rin ako mamaya at sa gabi naman ay kakausapin ko sina Papa. Hindi ako magpupuyat dahil may pasok bukas."

"Napakaboring mo, Reese. You have to come out of your comfort zone sometimes, ah. Have fun and socialize a lot dahil hindi naman habang buhay ay teenager tayo." Litanya ni Terry, "At isa pa, kapag naging kayo ni Vhon ay tiyak na magkakaroon na ng limitasyon sa lahat ng bagay."

"Oo nga, Reese," sang-ayon ni Charry, "Naalala mo kung paano ka niya ipinagtanggol sa Acquaintance Party? Medyo possessive yata si Vhon."

"Ah." Nagpatango-tango naman ako, "Marami naman akong mga kaibigan at maayos ang pakikipagsalamuha ko sa mga kaklase ko."

"If that's what you say so. Oh siya, maghahanda na ako ah. May date pa naman ako doon sa party party namin sa gubat!"

"Enjoy, Terry."

"Mag-aayos na rin ako, Reese."

"Sige."

Naghilamos ako at nagsipilyo saka nagbihis ng gardening outfit. Dumiretso ako sa botanical garden ni Miss Anastasia at nanghiram ng gardening tools, mabilis naman siyang pumayag.

Tumungo ako sa abandonang lugar na minsan ko nang naayos. Tinantsa ko na nasa seventy-two swuare meters ang espasyo ng lilinisin at aayusin ko. Sakto lang na laki para sa dami ng magpupunta rito, kung meron man maliban sa akin.

Nagwalis ako ng mga tuyong dahon at sinilaban sa bandang gilid sa likod ng puno. Ginamit ko naman ang grass cutter upang magpantay ang mga damo at carabao grass saka winalis at itinambak sa apoy.

Nasa sampong minuto na lakad rin itong lugar sa Senior High Building kaya posible na may ibang makatuklas ng lugar na ito. Ang gusto ko sana ay gawin itong tambayan--

"So you're here... Alone."

Paglingon ko ay nakita ko si Ashton na mataman na nakatitig sa akin.

"Magandang umaga, Ashton."

"Dapat ay sinabi mo sa akin na maglilinis ka rito. Tsk." Lumapit siya sa akin at kinuha ang hawak ko na gunting, "Kanina ka pa?"

"Mga dalawang oras na rin."

Dumukot siya ng panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang mukha ko pati leeg. Napaayos ako ng pagkakatayo sa pagdampi ng daliri niya sa labi ko.

"You don't have to do things alone now, okay? If you need something, tell me. Ayoko na naghihirap ka mag-isa."

"Okay lang. Kaya ko naman at hindi ako napapagod."

"Look, just because you're a superhuman or special being, doesn't mean you don't need help anymore. You can lean on me, understand?"

"Oo."

Pwede ba na maging dependent ako sa kanya? Pero pinagbawalan ako ni Papa.

Hinawakan niya ang kabilang pisngi ko. Hindi ko napigilan na mapapikit nang hinaplos niya ako, napakalambot ng kanyang palad. Nang magmulat ako ay ngumingiti na naman siya sa akin.

"Stay away from Aidan, okay?"

"Sinabihan ko na siya na tigilan niya na ako at pumayag naman siya."

"That's good to know. Hindi natin alam kung ano na naman ang gagawin ng siraulo na 'yon."

"Huwag. Mabaho ako at malagkit dahil sa pawis." Pigil ko nang akma niya akong yayakapin.

"It's okay. You smell like baby powder."

"Talaga?"

"Want me to prove it?" Tumango naman ako, "Close your eyes."

Bakit hindi ako makatanggi sa mga sinasabi niya? Parang kusang lumalabas sa bibig ko ang mga sagot na nais niyang marinig.

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga, sunod ang pagdampi ng malambot niyang labi sa aking leeg. Saglit lang iyon.

Saglit pero ang simpleng pagdampi ay umabot ang sensasyon hanggang sa aking tiyan. Ano ito?

Bakit ba ako nagkakaganito kapag siya ang kaharap ko?

"Bakit?" Usal ko nang pagmulat ko ay nagliliwanag ang mukha niyang nakasalubong sa akin.

"I didn't expect our first date to be like this but I'm glad we get to spend the day together. Productive rin tayo sa ganitong paraan kesa nakatunganga lang."

"Oo. Gusto ko talaga na maayos ang lugar dahil magandang tambaya 'to, tahimik at wala rin masyadong nakakaalam dito."

"This place will be ours from now on. Walang pwedeng umistorbo sa atin kapag nandito."

"Hmm. Magdadala ako ng libro rito paminsan-minsan."

"That would be great." Pinisil niya ang baba ko, "Let's get back to work? Ako na ang bahala sa paggunting."

"Bubunutan ko ng mga damo ang bawat paso at aayusin ang mga bulaklak."

"Okay."

Masaya siya. Natutuwa na siya sa ganitong paraan na magkasama kami kahit okupado kami ng kanya-kanyang gawain.

And I find peace when I am with him.

Sana ay laging ganito.

Sana ay lagi siyang masaya at natutuwa sa tuwing magkasama kami.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 14.3K 75
How could a secret mission of a secret agent change your life forever? (Book 1, 2, 3)
37.2K 1.4K 56
(This can be a stand alone novel.) Kilala na natin si Ren bilang masipag, kuripot, at business-minded na babaeng katutuntong lamang sa ikalabingwalo...
9.2K 698 33
"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which mai...
285K 21.3K 58
A new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking and mind manipulation. Serena who becomes...