The Perfect Weapon [COMPLETED]

By ROOBIINHOOD

606K 18K 868

Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damda... More

General Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4- Minor Edit
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56- The End

Chapter 18

11.8K 427 25
By ROOBIINHOOD

GUYS. I FEEL SO BAD FOR CHANGING THIS CHAPTER!

***

Vhon Ashton Black

Ano'ng kamalasan ba ang dumapo sa akin ngayong araw at nagkanda-letse letse na ang lahat?! Badtrip na nga ako dahil natagalan na bago ko siya nakuha kay Aidan, dagdagan pa na may mga nakalaban kami, naputol ang kaliwang kamay niya at tumubo ulit. Pagkatapos ay ito na naman?!

"Reese? Wake up! Hey! Hey!" Ilang segundo pa na tinampal ang mukha niya pero wala talagang epekto. Tulog na talaga siya ng tuluyan!

"Sir?! Ma'am Reese?!"

"Magpatawag ka ng doktor!" Malakas na sigaw ko kay Nico saka binuhat si Reese, "Shit!"

Ang sakit na nga ng katawan ko, dinagdagan pa na papasanin ko ang babaeng ito. Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan dahil nasa puder ko siya ng may mangyari kanina.

Lakad takbo ang ginawa ko kahit tirik na tirik ang araw at kinakapos na rin ako ng hangin. Kung hindi lang sana nakatakbo sila Thunder at Lincoln ay nakauwi na kami kaagad!

"Ah. Thank god wala rin sina Mom at Dad ngayon."

Napakamalas ng araw na ito!

Simula nang umalis ako ng bahay ay puro kamalasan ang nangyayari sa akin.

Napapikit ako ng maalala ang sinabi niya kanina. Siguro nga ay lagi siyang minamalas pero hindi niya alam kung ano ang mga positibong epekto niya sa pagdating sa Academy. She made a big change.

Ni halos wala akong ideya kung sino siya pero iisa lang ang natitiyak ko. She's a trouble magnet. At kailangan ko siyang protektahan sa kahit sino.

Sa sobrang pagod ay napaluhod ako nang makarating kami sa bakod na gawa sa bahay. Ilang minuto na lang sana ay nakakarating na kami sa bahay pero halos hindi ko na maigalaw ang mga paa ko.

"Kuya? What happened?!"

"Ah, Vhien Aries!" Tawag ko sa pangalan ng kapatid ko, "Help me take her to the mansion! She badly needs to see a doctor!"

"Okay. Okay!" Isinakay niya si Reese sa kalesa saka niya ako tinulungan na makatayo at makaakyat.

"Bilisan mo!"

Sinipat ko ang noo ni Reese at halos mapaso ako sa temperatura niya. Pagtingin ko sa wristwatch niya ay nasa forty-one degrees na ang body temperature niya. And her heartbeat is not normal anymore.

"Ano ba ang nangyari, kuya?" Pati si Vhien ay natataranta na.

"I don't have a fucking idea!" Dinukot ko sa bulsa ng pagtalon ko ang cellphone, balak ko sana itong ibigay sa kanya sa pag-uwi namin kaso minalas!

Should I call her parents? Kilala ko ang mga magulang niya pero hindi ako sigurado kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang nangyari sa anak nila. And to think na ako pa ang kasama niya ng magkaganito siya.

"Dalhin na lang natin siya sa ospital--"

"No! She'll rest at the mansion and nowhere else!"

Tumigil ang kalesa sa mismong pinto ng likod ng mansyon. Kahit nangangalay pa ako ay nagawa ko na uli siyang buhatin.

"Young master--"

"Out of the way! Prepare some cold water and bring it to my room!" Ang hapdi na ng sugat ko at halos napapaso na ako sa init ng katawan niya.

Kasalanan ni Aidan kung bakit nagkaganito ang lahat! Napunta sa kapahamakan ang effort ko kagabi sa bidding!

Sinipa ko ang pinto ng kwarto ko at inihiga siya ng may pag-iingat sa kama.

Kailangan ko nang tawagan ang Papa niya.

"Kuya, tumawag ang family doctor natin, baka mahuli raw siya ng dating dahil nagka-emergency sa--"

"Get out, Vhien." Utos ko sabay turo ng pinto.

I dialed her father's phone number. Isang ring lang ay sinagot nito kaagad ang tawag.

"Hello, Reese? Anak? How are you?"

Dumoble na ang tibok ng puso ko dahil sa tensyon, "This is Vhon Ashton Black, Sir."

"Bakit nasa sa'yo ang cellphone ng anak ko?!" Inilayo ko ang gadget nang sumigaw siya ng malakas, "Ano'ng ginawa mo sa anak ko, ha?!"

"I'll explain everything later, Sir. Your daughter passed out, with a shit-- forty-two degrees body temperature, and her heartbeat is doubled." I'm now panicking!

Kulang na lang ay umusok ang babaeng ito at masunog ang kumot ko!

Parang mauulol na hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari!

"Mahabaging Diyos! Gawan mo ng paraan para bumaba ang temperatura niya at kapag magising siya na walang pagbabago sa init ng katawan niya ay magtago kayo!"

"Huh?"

"Nasaan kayo?!"

"Nasa bahay."

"I'll be there!"

Shit! Binabaan niya ako?! Kung hindi lang siya tatay ng babaeng ito ay masasapak ko siya pagdating niya mamaya rito!

"Young master, narito na ang p--"

"Ibuhos mo ang lahat ng 'yan sa bathtub. Damihan mo pa ang yelo."

"Masusunod po."

Binuhat ko siya papunta sa banyo at inihiga sa bathtub. Binasa ko ang mukha niya gamit ang malamig na tubig.

"Hey, wake up." Walang epekto ang ganito sa kanya!

Ang putla niya na nga, mas naging maputla pa siya. Tsk.

Naupo ako sa gilid ng bathtub at hinawakan ng mariin ang palad niya. Kapag talaga may mangyaring masama sa kanya ay si Aidan ang sisisihin ko sa lahat.

Kung hindi niya inaya ang isang 'to na kumain sa restaurant ay ako sana ang nagdala sa kanya sa mamahalin na kainan! Hindi ko sana siya dinala rito at naiwasan ang mga ito!

"Hindi 'to dapat nangyari."

Naputol pa ang kamay niya kanina pero mas nangilabot ako nang tumubo uli iyon at parang walang nangyari!

"Shit."

Mababaliw ako kapag wala ako'ng nakuhang sagot sa tatay niya. Bakit siya maputla. Bakit iisa lang ang ekspresyon ng mukha niya. Bakit napakamanhid niya.

What the fuck was that regenerating thing with her hand earlier?!

Ni ang lakas at pwersa niya ay hindi rin normal!

Binuhusan ni yaya Puring ng maraming ice ang bathtub, "That's enough, yaya. Kaag may dumating ay papuntahin niyo agad dito."

Tinignan ko ang wristwatch niya. Nasa forty degrees na siya.

Is she sick or something? Sa mga ganitong sitwasyon na masyadong mataas ang temperatura niya ay dapat nanginginig na siya o nagdedeliryo. Hindi 'yong para siyang patay.

Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib.

"Nasaan ang anak ko?!"

Napatayo ako ng diretso nang marinig ko ang boses ng tatay niya.

Sinalubong ko siya at tinuro ang banyo. Kaagad naman siyang pumasok bitbit ang isang leather handbag.

"Her temperature is going down, thank god." Usal niya, "Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan kami magkikita ng anak ko."

Binuksan niya ang kanyang leather bag at naglabas ng syringe na may limang karayom.

"Woah! Wait. Alam mo ba kung ano ang gagawin mo?" Pigil ko sa kamay niya nang akmang ituturok niya na ito sa braso ng tulog niyang anak.

"Itanong mo nga 'yan sa sarili mo." Sagot niya sa akin.

Tsk.

Humalukipkip ako at hinayaan na lang siya sa ginagawa niya. Siya naman ang tatay kaya tiyak na alam niya ang dapat at hindi para sa anak niya.

He injected her shoulder like nothing. Matapos no'n ay pinailawan niya ang magkabilang mata nito. Sinipat niya rin ang leeg at mukha nito na parang may hinahanap na kung ano.

"Naputol kanina ang kaliwa niyang kamay." Wika ko.

Nilingon niya ako na parang wala lang saka binalik sa anak niya ang atensyon, "Stay away from her. Hindi pwedeng maging magkaibigan kayo."

"And why?"

"Dahil ang gusto ko ay mamuhay ng tahimik at malayo sa kapahamakan ang anak ko."

"When she stepped inside the Academy, she's had a lot of trouble since then. And if you're worried that she'll be in danger again, I can assure you of her safety."

"Ano naman ang magagawa ng bata na katulad mo? Baka nga anak ko pa ang magprotekta sa'yo."

Napapikit ako ng mariin.

Ayoko siyang patulan. Kalma lang. Kalma.

"No matter what you say or do, you can't stop me." Sagot ko sa kanya, "Hindi niyo naman siya mababantayan sa lahat ng oras kaya mas mabuti na hayaan niyo na lang na magkalapit kami."

"Hindi ko gusto ang talas ng dila mo." Tinampal niya ng mahina ang pisngi ni Reese, "Like father, like son, eh?"

Napabuga ako ng hangin sa inis. Kung hindi lang siya tatay ni Reese ay baka nasapak ko na siya!

"What is she?"

Walang sagot. Tahimik lang siya na inaasikaso ang anak niya.

Tinignan niya rin ang heartbeat ni Reese saka naglabas ng bagong syringe at itinusok ito sa kanya.

"I know she's not your real daughter." Saka ko lang nakuha ang atensyon niya, "Yon lang ang alam ko."

"Layuan mo ang anak ko." May diin na wika niya, "Hindi kayo pwede, nagkakaintindihan ba tayo?"

"And why?" Humalukipkip ako at napasandig sa gilid ng pinto.

"Because she will never love you. She will never feel any emotion towards you."

"I will prove you wrong." Determinadong sagot ko sa kanya.

Tumawa siya na parang nakakainsulto, "Ang alam mo lang ay hindi ko siya totoong anak. Paano na lang kapag nalaman mo pa ang buong katotohanan? Huwag kang magsalita ng tapos, bata."

"Try me."

Napailing na lang siya.

"Reese? Anak?"

Tumuwid ako ng tayo nang gumalaw na siya. Tulala lang siya ng ilang segundo at nang nilingon niya ang kanyang tatay ay iba ang kulay ng mata niya.

"Is she okay?" Lapit ko sa kanila.

"Reese anak, magsalita ka."

Pumikit uli siya ng ilang segundo at sa pagdilat niya ay naging normal na ang kulay ng kanyang mga mata.

Lalo lang nadadagdagan ang mga dahilan kung bakit mas gugustuhin ko na magkalapit kaming dalawa.

"Papa? Bakit ka nandito?"

"Your... friend here called me." Turo sa akin ng tatay niya, "How are you feeling? Can you remember what happened?"

"Wala naman akong nararamdaman. Kanina... bigla na lang ako napaluhod at pumipikit ang mga mata ko kahit hindi ko gustuhin. Nakatulog ako. Tapos... May boses ako na naririnig. At..."

"At?" Sabay na tanong namin ng tatay niyo.

"Everything went black. Then there's a flash... At may natayo na sa harapan ko. Kamukha ko siya, Papa, kamukhang-kamukha. Ang mga mata niya... Sobrang itim na halos dumugo na ang mga iyon... At ang sabi niya AKO AY IKAW, IKAW AY AKO."

"Kaya kailangan na mag-ingat ka, anak. Hangga't maaari ay huwag kang maghahanap ng gulo o gagawa ng bagay na makakasama sa iyo." Nilingon naman ako ng tatay niya, "Simulan mo sa pag-iwas sa mga tao na masama ang magiging impluwensya sa iyo."

"Mabuting tao si Ashton, Papa."

Tinaasan ko ng kilay ang tatay niya sa sinagot ni Reese.

"But still, anak, huwag kang pakampante."

"Mag-iingat na po ako sa susunod. What happened was unexpected, Papa."

Bumuntong-hininga na lang siya dahil halata naman na hindi magpapaawat ang anak niya, "May usapan tayo, hindi ba?"

"Wala akong nakakalimutan, Papa."

"I'll ask someone to bring her new clothes." Lumabas ako ng banyo para mabigyan sila ng private time bilang mag-ama, mukhang marami rin silang pag-uusapan.

"Yes, Sir?"

"Magdala ka ng mga bagong damit para sa babae, at first aid kit na rin. Bring them to my room."

"Masusunod."

Nagpunta ako ng bar counter at lumagok ng ilang shots.

"Oh, kuya, halos alas dos pa lang ah. Bakit umiinom ka na?" Lapit ni Vhien, "How's your girlfriend nga pala?"

"She's fine. Ginagamot na ng tatay niya."

"What a small world, right?" Namamanghang tanong niya, "Tito Hideo used to work for Dad, but two years ago he just quit. At ngayon naman ay girlfriend mo ang anak niya. Can you still remember when I told you I met a cute girl in their house? Sinabi ko pa nga na subukan mo ihatid doon si Cindy para makita mo."

"But I refused." Sagot ko.

And indeed, what a small world it really is.

Ano ang nangyari two years ago that made Mr. Cohlsin quit. May kaugnayan ba ang lahat sa nangyari noon sa mga pangyayari ngayon?

I will find out the truth. Everything.

Wala akong palalampasin na kahit katiting na detalye. Hindi ako titigil hangga't wala ako'ng nakukuha na impormasyon kay Reese.

"Don't you think it's destiny, kuya?"

"There's no such thing as destiny, Vhien."

It must be fate.

Fate.

Continue Reading

You'll Also Like

96K 3.1K 54
Kailan ko kaya mararanasan ang isang maayos at magandang pamumuhay?. Pagod na pagod na ako sa buhay ko, ayoko na nang ganito. Ayoko nang makakita nan...
20.2K 592 41
What if you accidentally married a dead woman? Nang dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang lahat. Nang dahil sa isang pagkakamali ay napakasalan n...
34.5K 1K 48
Vaughn Series 3 VAN FLOYD VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half Werewolf, meet Van Floyd Vaughn ang pinaka maloko sa mag kakapatid na Vaughn. He loves...
12.2K 956 53
Simula nang mawala ang ina niya ay nasanay na si Cassey sa kakarampot na pagmamahal na pinaparamdam ng kaniyang ama. Namuhay siyang mag isa, natuto s...