My Ultimate Campus Crush(REVI...

majestic_qwyn द्वारा

94.4K 1.3K 116

BOOK 2: INCEPTION: THE SEQUEL अधिक

My Ultimate Campus Crush
MUCC1: Classmate
MUCC2: Accidentally
MUCC3: His Eyes
MUCC4: Hi
MUCC5: Girl
MUCC6: Stranger
MUCC7: Vision
MUCC8: Practice
MUCC9: Great
MUCC10: I Will
MUCC11: Luck
MUCC13: Terrified
MUCC14: Again
MUCC15: Gift
MUCC16: Mall
MUCC17: Josh
MUCC18: Guy
MUCC19: Eavesdrop
MUCC20: One Gaze
MUCC21: Small World
MUCC22: Parents
MUCC23: Rolls
MUCC24: Heard
MUCC25: Star
MUCC26: Triggers
PLEASE READ
MUCC27: Triggers
AUTHOR'S NOTE
GREETINGS
BOOK 2

MUCC12: Spy

1.2K 39 3
majestic_qwyn द्वारा

Wendy's Pov

Days been passing by. Ilang araw na din ang lumipas simula nung malanghap ko ang swerte. World was really on my side this time.

Sukli na ata to ng langit dahil sa lahat ng mga paghihirap na ginawa ko noon.

Imagine, ibang-iba ang simula ng school year ko ngayon. Una, naging kaklase ko na siya. Pangalawa, nag-uusap na kami! Pangatlo, 'yung narinig niya akong kumanta sa music room. Pang-apat, naging parte na ako ng banda!

At ngayon na pang-lima, makakapak na ako sa lungga ng nga Sullivan. Tapos meron pa sis! Pang-anim, susunduin niya pa talaga ako sa bahay. Jusko.

Kaya tangina. Paano hindi gaganda ang buhay ko ngayong taon? Ako na ata pinaka-maswerte sa buong Pilipinas eh.

"Hoy gago samahan mo kaming magdala neto," I was taken a back when I heard Amara.

Doon ko lang din napagtanto na inutusan pala kami ni Sir Ducase 'yung History teacher namin na dalhin 'yung mga worksheet na iniwan niya kanina lang sa amin.

Nawala din agad ang mga kaklase ko. Ang mga cleaners, nagsitakasan na at halos takbuhin na ang pintuan kanina na akala monaman may ka date.

Kami na lamang ni Arkie at Amara ang naiwan dito kaya sa amin napunta 'yung responsibilidad.

Jusko. Kabataan ngayon.

"Ang laki ng katawan niyo tapos hindi niyo 'yan kaya?" Si Arkie, he was struggling putting his things inside his backpack.

Habang kami ni Amara ay nasa teacher's table na at inaayos ang mga paperworks. Agad ko namang sinamaan si Arkie na kahit kailan wala talagang utang na loob.

"Marupok kami, hindi namin to kaya." sambit ko.

He raised his brows on me before rolling his eyes. Napairap din tuloy ako sa kanyang ginawa. Tanginang mukha  'yan parang kaldero na kinuskusan ng liha.

"Mabait lang ako sa mabait," he said before finally going towards our direction.

"Mabait naman kami, demonyo ka lang talaga." si Amara ng hindi inaalis ang tingin sa papel sa harap.

I bit my lower lip to stop laughing. Umiling na lang ako bago ko narinig ang singhap ni Arkie sa tabi namin.

Halos matigilan naman kami ng bigla niyang agawin sa amin ang mga nagkukumpulang papel kaya napalingon kami sa kanya. Ngayon ay nakabusangot na at nag-iinarte.

"Sinong demonyo?" Aniya habang unti-unti ng kinakarga ang lahat.

"Ikaw,"

"Ako?"

"Hindi. Baka 'yung upuan," pilosopong sambit ni Amara.

Napangisi tuloy ako. Kahit kailan talaga, tatandang loko-loko ata tong mga kabigan ko.

"Baka ikaw 'yun," balik pa ni Arkie.

Ngayon ay halos mapanguso ako dahil sa pag-aaway ng dalawa. Para tuloy akong nanonood ng live na face-to-face. Kulang nalang magbatuhan sila ng upuan para intense.

"Baka si Wendy,"

Agad ko siyang hinampas dahil sa sinabi. Tangina, nananahimik ako dito.

"Utot mo,"

Tumawa naman siya dahil sa sinabi ko. Ngayon ay naglalakad na palabas ng classroom para pumunta sa office ni Sir.

We went downstairs to meet the school ground. Kailangan pa naming tumawid ng field para lang maibigay 'to.

Buong oras na naglalakad kami puro bangayan lang ata ginawa namin. Lahat na lang ata ng nakikita namin sa daan pinag-aawayan pa namin. Jusko.

"Uy si Arkie," si Amara sabay turo sa tae na nakita niya sa lupa.

Halos mabulunanan ako sa kakatawa dahil sa ginawa niya. Sumasakit na din tiyan ko sa kanila kanina pa. Baka nga sila lang talaga 'yung may galit sa isa't-isa. Ako kasi mabait lang, kaya iwas sa gulo.

"Eto ka," sambit naman ni Arkie bago niya tinaas ang kamay at pinakita ang dirty finger.

Napailing na lang ako. Buti na lang at agad kaming nakarating ng office, baka mamaya hindi na batuhan ng salita mangyari sa kanila. Baka mag-rambolan na sila sa damuhan mamaya, jusko.

Pero okay lang, at least para na din akong nanood ng live na face-to-face, saya siguro nun pagnagkataon.

Ng maibigay na namin sa office 'yung mga papers. Agad na kaming nagpaalam sa isa't-isa para umuwi. Hindi din sasabay si Amara sa akin ngayon dahil susunduin daw siya ng Mom niya.

I didn't protest though at agad din namang naka-uwi ng dumating si Kuya Roi sa parking.

Naramdaman ko tuloy ang kaba ng makarating sa bahay. I bit my lower lip to compose myself. Hindi alam kung paano sasabihin kay Mom na susunduin ako ni Rad dito sa bahay ngayong Saturday.

"Mom, si Rad po susunduin ako dito. Hindi pa naman kami pero papunta na din naman po 'yun doon?"

I said to myself in front of the mirror. Ngayon ay nakapagbihis na ng pang-bahay at handa ng bumaba para kumain.

I tried to practice my words. Hindi alam kung saan ko sisimulan, kaya inensayo ko muna.

"Mom, 'yung crush ko po ngayon ka banda ko na. Susunduin niya din daw ako dito sa Sabado para sa date namin." sambit ko habang nakangiti na parang tanga.

"Group date pala ng banda," pagbabawi ko kaya agad din akong napanguso.

Tangina. Bakit ko ba 'to ginagawa? Alam ko naman na suportado si Mom, pero bakit pa din ako kinakabahan? Baka nga matuwa pa 'yon sa akin at iisipin na baka may gusto din si Rad sa akin kaya ako kinuhang member.

Pero syempre joke lang. Malabo 'yon kaya tama ng asa.

Halos mapatalon naman ako ng makarinig ako ng katok mula sa labas ng pintuan. Natigilan din ako sa kakasalita kaya napalingon agad ako dito.

"Hija kakain na sa baba," si Manang.

"Opo! Bababa na po," I said before running towards the door.

Sa huli sabay na din kaming bumaba para salubungin ang nakahain na mga pagkain sa hapag kainan. Napansin ko din agad ang malaking ngiti ni Mom ng makita ako. I smiled back at her but then immediately vanished when I remember the words I practiced inside my room.

"How's your day?" Si Mom ng magsimula na kaming kumain.

Natigilan ako at agad na napaangat ang tingin sa kanya. She's smiling at me while here am I struggling to find the words I need to tell her.

"It's great! Kayo po ba?" I said a bit hesitant.

"It was great too sweety. Tell me about it, bakit parang ang saya mo ngayon. May nangyari bang maganda?" She anticipated.

"Ha? W-wala naman po masyado," I said.

Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ko. She tried sipping on her glass of water before looking back at me again.

"Tell me," aniya pa.

Jusko. Sign na ba 'to?

Bakit parang kinakabahan ako? Hindi naman siguro magpapa lechon si Mom kapag nalaman niya diba? Pero kung willing naman siya why not diba? Charot.

"Okay," I stopped.

Napainom din ng tubig bago tuluyang nagkaroon ng lakas para sabihin sa kanya ang totoo. She was so patient while eating her dinner. Paminsan-minsan din akong sinusulyapan na para bang gusto talaga na malaman ito.

"Si Rad po," I bit my lower lip.

"Why? Nanliligaw na ba?" She said with eagerness.

"Mom naman. Syempre sa susunod pa 'yan!" I said jokingly.

Agad ko namang narinig ang mahina niyang tawa. Napailing din siya at muling bumaling sa akin.

"What about him. Is he the reason behind that smile?" Aniya pa at ngumisi.

Napanguso tuloy ako bago nagkibit balikat. I tried to contemplate again, trying to figure out the words I should say.

"Kahapon po kasi I went to the music room kasi wala sina Amara. Gusto ko lang naman libangin 'yung sarili ko kaya pumunta ako doon," ani ko.

"And then?" she said between her food.

"And then kumanta ako. Akala ko ako lang mag-isa doon kaya napanatag naman ako na magpatugtog. That's what I thought nung una, kaya nagulat ako ng makita si Rad doon." I continued.

Nakita ko naman na napa 'o' si Mom sa sinabi ko. I saw the glimpse on her eyes before she finally suppressed a smile.

"So he heard you," she stated. Napatango ako sa kanya bago sumubo ulit ng pagkain.

"Anong sinabi niya?"

I sip on my glass before I looked back again on her.

"He complimented me," sabi ko.

"And you're happy with it," Tumango ulit ako bago nagpatuloy.

"Hindi lang po 'yun ang nangyari. Pagkatapos niya akong marinig nagulat ako kasi bigla niya akong tinanong kung pwede akong sumali ng banda nila."

She smiled before raising his eyebrows.

"And what did you say to him?"

"Syempre kinabahan pa ako nung una. I wasn't expecting for it to happen, kaya kahit na labas na sa comfort zone ko 'yun I still said yes. Not because he asked me to, gusto ko din naman kasing sumubok ng mga bagong bagay." I explained.

Nakita ko naman kung paano tumango si Mom sa sinabi ko. She then looked at me with amusement. Bigla tuloy akong nahiya. Hindi alam kung tama ba ang sinabi ko.

"That's great sweety. I'm glad you're exploring new things. You're talented, sayang naman kung hindi mo ito maipakita," she said.

"Kaya nga po. Thank you for your genes Mom," I said chuckling.

She even laughed with me as well. Napailing din ito pagkatapos.

"Of course. That's just a small thing sweety," she confidently said before laughing again.

"Mom?"

Natigilan ito bago muling bumaling sa akin. She gave me a questioning look before I continued.

"Susunduin po ako ni Rad dito ngayong Weekend. We'll have our first practice together with the whole band," sambit ko.

"For real? So I'm finally meeting the boy. I should set my schedule free," aniya pa na ikinagulat ko.

"Mom!"

"I'm just kidding. But he's welcome here sweety. Hayaan mo at magpapahanda ako kay Manang para makakain kayo bago man lang kayo umalis. It's just bad kasi hindi ko kayo maabutan, we have our errand tomorrow with the team. Mukhang hindi ko kayo masasabayan," she said a little bit sad.

Napanguso tuloy ako. Iba talaga kapag supportive si mother earth. May pa handa pa eh. Sana included lechon diyan. Kaya lang hindi niya din pala maabutan si Rad bukas. I can't just tell her to stay para lang makita si Rad. And he's always around, marami pa namang chances. Baka sa susunod niyang bisita sa bahay baka kami na.

Diba mas matutuwa si Mom niyan pagnagkataon.

"Okay lang naman po. Hindi din naman kami magtatagal dito, tiyaka may next time pa naman po," I said sheepishly.

"Alright, next time around then. I'm really sorry sweety. But I hope I could meet him the other time, hopefully," she said kaya agad naman akong tumango

After our dinner. I felt so relieved telling her everything about what happened. Para akong mas sumaya lalo dahil sa ginawa. I'm thankful that she's been so support of me since day one.

Kaya naman, I slept early than my usual time. Nakakagulat nga eh. Hindi naman siguro ako excited bukas? Napagtanto ko lang din na Weekend na pala.

Time flies at parang kailan lang pinapanaginip ko na hinahatid sundo ni Rad sa bahay. It felt so weird knowing that he'll be here tomorrow morning to fetch me.

I can still feel the butterflies inside my stomach everytime I think of him getting out of his car and lean on them while staring me and waiting for me to go near him.

Tapos pagbubuksan niya pa ako ng pintuan kasi feeling girlfriend ako. Tapos siya din magsusuot ng seatbelt ko at agad na tatakbo pabalik ng driver's seat at magmaneho.

It's so amazing by just thinking of it, paano pa kaya kapag nangyari nga? It would be so magical.

I then suddenly remembered him and Kyline. Bigla akong nalungkot ng masaksihan ko ang araw na magkasama sila sa iisang sasakyan.

Awit.

Ganda ng imagination ko may nauna na pala sa akin.

Kung ako hanggang panaginip lang, sa kanya naging reyalidad na.

It's a two different situation but it's too obvious to think who's more luckier.

Dito mo pala talaga masusukat kung sino ang mas lamang.

"Hay,"

Agad kong binalot ng kumot ang buo kong katawan at mukha dahil sa konting kirot na naramdaman. Bakit ko ba kasi naisip 'yon? Kung saan ako masaya doon naman may eepal sa isipan ko.

Hanggang sa makatulog ako. Sa panaginip ko dala ko pa din 'yung sakit. Parang tanga tuloy ako na gumising kinaumagahan. I wanted to motivate myself that I don't need to feel bad for myself.

So what kung sila ni Kyline?

As if naman ugali ko ang mang-agaw. If they are really together, kahit na gusto ko siya didiatansya ako. I will never go beyond the limits. Masama 'yun.

Kaya kahit masakit.

Gagawin ko.

Kung talagang totoo na sila.

Pero kung hindi edi fighting pa rin hanggang sa akin siya mapunta.

Pero syempre asa ulit. Himala na siguro kapag mangyayari 'yun. Tamang abang lang ganun.

"Hija?"

Agad akong natigilan sa pag-iisip ng marinig ko ang ilang katok ni Manang sa labas ng kwarto ko. I was putting on my white sneakers when I heard her.

"Po?" I said.

"Nandito na ang susundo sa'yo. Hindi mo naman sinabi na artistahin pala 'tong crush mo sa personal" aniya.

Agad akong nanigas at nanlaki ang mata ng mapagtanto na nandito na si Rad sa bahay.

"Tangina," I muttered a curse before I immediately put on my shoes.

"Manang papasukin mo po siya muna! Sandali lang po!" I yelled.

Narinig ko naman ang sagot niya at agad na bumaba para siguro abalahin si Rad. Napatakbo tuloy ako sa harap ng salamin para suriin ang ayos ko.

I just wore a black high waisted jeans and white scoop blouse that has a cute ribbon in front. I just let my hair down naturally and put a lot of my expensive perfume on my wrist, neck, shoulders, hair, jeans and handkerchief.

Tangina. Pang one time na gamitan ng perfume na 'to. Minsan na nga lang sumaya love life ko kaya susulitin ko na.

I also bring my white tote bag with me that has a graphic name in front that says 'angel'. Naglagay din ako ng konting limp balm bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Muntik pa akong matumba ng magsimula akong bumaba ng hagdan. Jusko. Atat ka sis? Parang gusto ko nalang na tumalon mula sa taas dahil sa pagmamadali at baka isipin niya pang pinaghihintay ko siya ng matagal.

"Naghanda ako ng pagkain hijo. Bakit hindi na lang muna kayo kumain bago umalis?" Dinig kong sambit ni Manang mula sa baba.

Para akong kinilabutan ng marinig ko ang mahinang tawa ni Rad bago ako tuluyang nakarating doon.

I was so stiff when I saw him on his white V neck shirt,  black maong pants and white sneakers. He has a watch on his wrist that seems so expensive on the eyes. His hair was already fix and it felt so soft by just looking at it.

Nagmukang couple tuloy kami dahil halos pareho kami ng suot. Biglang namula ang pisngi ko sa naisip kaya napasinghap ako. I bit my lower lip to stop anticipating. Tangina.

Legit na kinikilig ako ngayon sis.

Para akong kinikilabutan tuwing nakikita ko ang sarili ko na kasama siya na ganito ang ayos.

Bakit hindi nalang kaya kami? Ngayon pa nga lang parang couple na kami sa suot, paano pa kaya kapag naging kami na? Edi pareho na din kami ng underwear nun pagnagkataon?

Tangina. 'Yang utak mo Wendy kung saan-saan na napupunta.

Natigilan naman ako ng biglang tumigil ang tingin niya sa direksyon ko. His smile never faded instead parang mas lalo lamang itong lumawak ng makita ako.

He surveyed me from head to foot. Para tuloy akong nanghina sa kanyang ginawa. Jusko. Kumalma ka Wendy. Wag kang bibigay.

"Oh andito na pala siya," si Manang ng may malaking ngisi din sa akin.

Agad naman akong napaiwas ng tingin kay Rad bago ngumiti pabalik kay Manang. Hindi ko tuloy alam ang gagawin lalo na at nandito siya sa loob ng bahay namin.

"G-gusto mo bang kumain muna bago umalis? Naghanda d-daw si Manang." I almost said it like a whisper.

Halos hindi ko din magawang tumingin sa direksyon niya kaya nanatili akong nakuyuko. I even felt his head tilting, trying to meet my eyes but I never dared to do it.

"Sure. Tamang-tama hindi rin ako nakapagbreakfast kanina," he said.

Para tuloy akong natutop sa kinauupuan ng pumayag siya na kumain dito. Tangina lang talaga Rad! Kainis. Bakit ba kasi lahat ng gawin mo kinikilig na ako?

Tao ka pa ba?

Bakit ganito ang epekto mo sa akin?

"Sa kusina tayo kung ganun. Buti na lang at maaga akong nakapaghanda kanina," masayang sambit ni Manang at nauna pang umalis sa amin.

Bigla tuloy akong kinabahan dahil naiwan kaming mag-isa ni Rad sa sala. I was so careful not to act so nervous in front of him. Parang gusto kong suntukin ang tuhod kong namamanhid dahil sa tingin niya.

"Tara?" I said in my bravest voice.

I heard him chuckled a bit before nodding. Hindi tuloy ako mapakali lalo na at alam kong nakasunod lamang siya sa likuran ko. I can feel his heavy eyes on me.

"Kayong dalawa lang ang nandito?" I suddenly heard his baritone voice behind.

"Ah y-yes. Mom was on errand today, si Dad he's not here," I briefly said before shifting my gaze on the floor.

Ngayon ay tuluyan na nga kaming nakapasok ng dining area kung saan nakahanda na ang mga pagkain. I sat on the left corner while he was right in front of me staring.

Tangina. Anong titig 'yan Rad? Gusto mo ba akong patayin?

"Kumain na kayo at marami akong hinanda sa inyo," si Manang ng magsimula itong magsalin ng tubig para sa amin.

"Sabay na po kayo sa amin Manang," I offered.

"Tapos na ako hija. Gano'n din si kuya Roi mo kaya kayo na ang kumain diyan," she said before tapping my shoulder.

I nodded at her before I felt Rad slowly lifting the spoon from the table. Ganun din ako at sinabayan na din siyang kumain.

"Balita ko magkaklase pala kayo nitong alaga ko?" Si Manang habang abala sa island counter.

We were few meters away from her. But enough to hear each other. I bit my lower lip to stop myself from hyperventilating.

"Opo. Ngayon ko lang din nga po siya naging kaklase," he replied before taking a spoonful of rice and ham.

I can't imagine that we're just being casual here. I don't even know how to intrude the conversation. Mabuti pa at manahimik na lang siguro ako.

"Aba mabuti 'yan. Kumusta naman siya bilang kaklase? Madaldal ba? Dito kasi sa bahay ganyan 'yan. Baka mamaya ganun din pala siya sa school-"

"Manang naman," I said.

Feeling a bit embarrassed dahil talagang sa harapan pa ni Rad niya mismo ito sinabi. Parang gusto ko tuloy na mawala sa kahihiyan.

If it wasn't about his laugh. Baka iisipin ko na sumasang-ayon siya kay Manang. I was surprise to see him looking at me before answering.

"She's smart and talented inside the class. Kaya rin siguro ako humanga sa boses niya at naisipang kunin siya bilang parte ng banda," aniya dahilan para mamula ang pisngi ko.

"Talaga? Buti naman kung ganun. Edi palagi na kayong magkakasama niyan?" Isyoso pang tanong ni Manang habang binibigyan ako ng makahulugang paningin.

I even mouthed her to stop but she didn't listen. Tangina. Mukhang lalamunin na ako ng kahihiyan neto.

"For the band, yes baka palagi ko na po siyang makakasama." si Rad bago lumagok sa kanyang baso.

Patay ka sa aking baso ka. Talagang itatago ko 'yan mamaya at para may souvenir naman ako galing sa kanya.

"Buti naman at nagkaroon ng bagong kaibigan 'tong si Wendy. Sana dumalas din ang bisita mo rito hijo," si Manang ng kinidatan pa ako ng hindi nakatingin si Rad sa kanya.

Nanlaki ang mata ko dahil sa mga sinabi niya. Ngayon pa nga lang nakakahiya na at si Manang palang ang nakakausap niya eh. Paano pa kaya kapag si Mom na?

"Salamat po. It's nice to be here too mukhang mapaparami lagi ang kain ko rito," he said laughing.

Napanguso tuloy ako bago siya sinulyapan. His eyes almost disappeared from laughing. Muli naman akong napailing ng bigla niya akong lingunin.

I just took my glass of water and took the last food from my plate. Napansin ko din na naparami naman talaga ang kain niya halos mangalahati na 'yung nilutong pochero ni Manang. He was done eating too kaya napasimsim din siya sa basong nanakawin ko mamaya para e display sa loob ng kwarto ko.

"Mabuti naman at nagustuhan mo ang luto hijo. Hayaan mo at dadamihan ko sa susunod,"

Agad namang lumapit si Manang sa amin para ligpitin ang pinagkainan. I was about to help when Rad immediately took the plates from her hands.

"Ako na po," he said.

Bigla tuloy akong nanghina dahil sa kanyang ginawa. Hindi alam na may ganitong side pala siya tangina.

Edi siya na.

"May pupuntahan pa kayo hindi ba? Sige na at ako na ang magliligpit dito," si Manang at binawi sa kamay ni Rad ang mga pinagkainan.

I bit my lower lip when he suddenly looked at me with wonder. Umiwas ako at nagkunware na kinuha na lamang ang bag sa counter top.

"Sigurado po kayo?"

"Oo naman hijo. Sige na at mag-ingat na lamang kayo sa daan." ani Manang bago ako lumapit sa kanya para humalik sa pisngi.

"Thank you po manang ah," I whispered.

She smiled at me wickedly before leaning closer at my direction.

"Rinig mo 'yun? May next time pa ang pagbisita ng crush mo," aniya dahilan para mamula ako.

"Manang naman," I whispered back.

Mukhang hindi naman ito narinig ni Rad dahil nasa dining table na ulit siya na naghihintay.

"A-alis na po kami!" Paalam ko ulit bago bumaling si Rad sa aming direksyon.

"Salamat po ulit sa pagpapakain. I really enjoyed staying here," sambit ni Rad.

Buti naman. Hayaan mo at may susunod pa ito hindi ba? Sa susunod mong punta dito baka tayo na kaya galaw-galaw ka naman diyan Rad.

'Wag mo ng hintayin na lagyan ko ng gayuma 'yang pagkain mo sa susunod.

Pero syempre joke lang. Masama 'yun eh.

After bidding our goodbye ay agad kaming lumabas ng bahay. He was behind me while I was the one leading the way until we reached the main gate.

Napansin ko rin ang malaking ngisi ni Manang mula sa pintuan kaya napailing ako.

Kung masaya ka manang paano na lang kaya ako?

"Pasensya ka na kay Manang kanina ha. Gano'n talaga siya sa mga bisita." I said.

Natigilan naman si Rad. He took his car key from his pocket before looking at me.

"I'm thankful that I met her actually. She's kind, you are all kind here honestly." aniya at ngumiti sa akin. I was taken a back when I noticed how he turned to be comfortable around us now. Ang saya lang.

"Tara na?"

I then realise that he already opened the door for me. Para akong aatakihin sa puso dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay makakapasok na ako ng kanyang sasakyan.

He even used his other car at napansin ko na mukhang kakabili lang din nito. It was covered with Red. It's more enticing to look at. Kaya napangisi ako.

"T-thank you," I said before I lowered my head to enter the passengers seat.

I even shivered when I smelled his perfume. Nanuot ito sa aking ilong ng maglapit kami dahil nasa labas lamang siya ng pinto para alalayan ako.

Afterwards he immediately closed the door and jogged towards the other side.

What I imagine is completely different from reality. Iba pala talaga kapag mismong nangyayari. Iba din kapag sa'yo mismo nangyari. It's like an achievement. Hindi alam na ganito pala pakiramdam ng nakakasama siya.

We're like a freaking couple this day. Parang gusto kong magwala pero hindi ko magawa.

I wanted to burst out of joy pero alam ko na mamayang gabi ko pa ito e cecelebrate. Ngayon ay susulitin ko na lamang ang araw na ito. Enjoy the moment kumbaga.

He immediately opened the door for him as he went inside with me. Tangina. Eto na talaga.

Para akong kakapusin ng hininga lalo na nung sinimulan niyang paandarin ang makina. The way he move his body swiftly made me shiver. Parang alam niya talaga ang gagawin. The veins on his arms while holding the steering wheel felt so appealing.

Jusko. Ano ba 'tong iniisip ko?

Agad ko na lamang na iniwas ang tingin at bumaling sa ibang direksyon para hindi makapag-isip ng kung ano-ano.

I diverted my gaze on the window. Para tuloy akong mabubulunan ng may mapansin akong bulto mula sa labas.

My brows creased when I found Amara and Arkie hiding behind the bushes. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil may telescope pa talaga silang dala.

They were a few meters away from our direction. Pero dahil sa tangkad ni Arkie ay agad ko silang napansin. They were like talking to each other. But more on bangayan? Dahil halos magsabunutan na sila habang nag-aagawan ng telescope.

I don't know what's up with this two. Kung intensyon ba nila na bantayan ako at si Rad? Tangina.

Okay na sana sila na bilang spy eh. Mali lang ata sa part na nahuli ko sila.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

The three bad boys and me jazypia द्वारा

किशोर उपन्यास

6K 257 57
may tatlong lalaking nag kagusto sakin pero isa lang talaga s kanila ang gusto ko pero may isa sa kanila ay naging crush ko...
Your Promise (Taglish) Yel द्वारा

किशोर उपन्यास

1.7K 161 54
Promise,gaano nga ba ito kahalaga? matutupad ba ito kung tadhana na mismo ang pumigil na matupad ito? gaano katatag kaya ang taong nag palitan ng pro...
19.3K 457 17
Paano pag ina-arranged married ka ano gagawin mo? Papayag ka ba? O Hindi? Paano pag nafall ka sa kanya ng di inaasahan?sasabihin mo ba or sayo nalang...
725K 7.3K 47
Mahirap magmahal dahil sabi nga nila, ito ay komplikado pero paano pa kaya kung sa sarili mong kapatid ka umibig?