The Perfect Weapon [COMPLETED]

Door ROOBIINHOOD

597K 17.9K 860

Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damda... Meer

General Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4- Minor Edit
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56- The End

Chapter 17

12K 417 21
Door ROOBIINHOOD

Reese Elizabeth Cohlsin

Habang nasa biyahe kami ni Aidan ay may biglang humarang sa daan, may bumaba doon na lalaki at lumapit sa kotse namin. Ang sabi ay pinapasundo ako ni Ashton. Sumama ako ng walang alinlangan, mukha naman siyang mapagkakatiwalaan at hindi ako nagkamali. Dinala niya ako sa bahay ni Ashton at nakita ko siyang nakaupo, naghihintay sa loob ng kanyang opisina. Opisina niya, sabi na din ng sumundo sa akin.

Malaki ang bahay nila, wala pa sa kalahati ang laki ng bahay namin kung ikokompara ang mga ito. Malawak ang pasilyo at makikita ang karangyaan sa mga mwebles na nandoon. Hindi din maikakaila na malaki ang respeto ng mga katulong nila sa kanya. Kung paano sila makitungo sa kanya lalo na no'ng pagbaba namin ay yumuko silang lahat sa kanyang harapan.

"I will make this clear for once so listen carefully, lady." Biglang harap niya sa akin.

Napatigil naman ako sa pagbuntot sa likod niya, "Ano 'yon?"

"Hindi kita gagastusan katulad ng ginawa ni Aidan sa'yo. I already used my parents' dirty money to purchase you so don't think that I will waste even a single cent again."

"Ah. Okay lang. Ako ang may respnsibilidad na sundin ka at huwag magreklamo dahil may kasunduan tayo. Hindi mo naman talaga kailangan na gumastos sa akin."

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo." Muli siyang tunalikod at ipinagpatuloy ang paglalakad, "Do you know how to ride a horse?"

"Medyo." Maraming show sa TV na napanood ko na, may alam rin ako kung paano ang sumakay at paamuhin ang kabayo.

"Sumagot ka ng maayos." Paninita niya sa akin.

"Marunong ako."

Nakasunod ako sa kanya kaya malayang napagmamasdan ko ang kanyang likod. Magkasing-edad lang kami pero masyado nang nahasa ang pisikal niyang katawan. Kung magsalita rin siya ay mature na at pagalit lalo na kung ako ang kausap.

Pansin ko naman lagi na hindi siya masyadong nagsusuklay. Nagpupulbo siya minsan ng kanyang likod. Iisang brand lang ng perfume ang kanyang ginagamit. Wala rin siyang ni isang suot na alahas kahit relos.

"Ang cellphone ko nga pala, Ashton."

Muli ako'ng natigil sa paglalakad ng walang warning na tumigil siya at harapin ako. Mukha naman siyang iritable.

"I'll give it back later. Bakit? May hinhintay ka ba na tawag? A boyfriend or someone?"

"Wala naman."

"Tss." Tumalikod na naman siya.

"Sir Vhon!" Tawag sa kanya ng lalaling papalapit. Naka-cowboy outfit ito at nasa mid-thirties ang edad.

"Where's Thunder?"

Habang nag-uusap sila ay naglakad-lakad ako sa kwadra ng mga kabayo. Matataas ang mga kabayo nila rito at matitikas. Halata na inaalagaan ang mga ito ng maayos.

"Napakakisig."

"They better be. Masyadong malaki ang ginagastos sa kanila para lang magmukhang sakitin." Nilingon niya ako saka binalik ang atensyon sa kabayo, "His name is Thunder. This white guy is Lincoln."

"May pangalan rin pala sila."

"Magpalit ka ng boots at magsuot ka ng sombrero. Magpatulong ka kay Nico na umakyat ng kabayo kapag tapos ka na sa pagpapalit. May pupuntahan tayo."

"Okay."

Lumapit sa akin ang Nico na tinutukoy niya na may bitbit ng pares ng boots at isang summer hat. Kontodo ngiti siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

"Masaya lang ako na dinala ni Señorito ang girlfriend niya." Wika niya kahit hindi ako nagtatanong.

"Hindi naman ako--"

"Ano'ng oras kayo matatapos diyan?" Lapit ni Ashton na masungit na naman ang hitsura, "Oh?"

"Tapos na kami."

"Sumakay ka na." Utos niya.

Inalalayan naman ako ni Nico sa pag-akyat sa kabayo na tinawag nitong si Lincoln. Disiplinado ang hayop na ito, at parang nakakaintindi kapag pinagsasabihan o kinakausap.

"Sumunod ka sa likod ko. Huwag mo'ng aalisin ang tingin sa akin, maliwanag ba?" Pang-ilang utos niya na ito sa akin.

"Oo."

Pinalakad niya na ang sinasakyang kabayo kaya gano'n rin ako. Kagaya ng bilin niya ay tahimik lang ako na nakasunod kung saan siya pupunta. Umpisa ay mabagal ang lakad nila hanggang sa tuluyan na silang tumakbo.

Yumuko ako malapit sa tainga ni Lincoln, "Bilisan mo ang takbo."

Humabol ako kay Ashton hanggang sa halos magkasabay na kami. Nilingon niya ako na walang ekspresyon ang mukha.

Dumaan kami sa mga kakahuyan.

Maraming ibon ang nag-ingay at nagliparan nang marinig ang ingay ng mga yabag ng mga kabayo.

"Ashton, tigil."

"What?!"

"Tigil."

"What the fuck are you saying?!"

"Ang sabi ko... Tigil!" Napabitiw ako sa handle kaya nawalan ako ng balanse habang takiptakip ang bibig ko na nalaglag sa damuhan.

Patuloy sa pagtakbo si Lincoln habang si Ashton ay alisto na tumigil at bumaba ng sinasakyang kabayo. Humahangos na dinaluhan niya ako.

"What on earth?! Nasisiraan ka na ba ng ulo?!" Sinipat niya ang ulo, mukha, braso maging hita hanggang sa paa ko.

"Sorry."

"Ano?! Ano'ng kalokohan ang naisip mo at bigla kang bumitaw kay Lincoln?!"

"May nakita ako na gumalaw sa 'di kalayuan." Pinigil ko ang kamay niya sa pagsipat sa mukha ko, "Okay lang ako."

"Pinagsasabi mo? Naalog ba 'yang utak mo?"

Hinawakan ko siya sa leeg at inilapit sa akin sabay huli ng kahoy na muntik nang tumama sa kanyang ulo.

"What the...!"

Hinatak ko ang kahoy sabay tapon sa malayo. Kaagad ako na tumayo at tinulungan si Ashton.

"Wala talagang mabuting nangyari simula nang humiwalay ako sa pamilya ko." Usal ko, "Simula nang umalis ako ng bahay ay puro kamalasan ang nangyayari sa akin."

"Who are you?! Ang lakas ng loob mo na sumugod sa property ko!" Nanggagalaiti na sigaw ni Ashton.

Sana ay hindi niya napansin ang nangyari kanina no'ng nagtaas rin ako ng boses.

Pinigilan ko siya sa balikat nang akmang susugurin niya na ang kalaban. Hindi ko agad napansin na may papababa mula itaas namin na may hawak na katana. Masyadong mabilis ang nangyari.

"Ang kamay ko." Naputol niya ang kamay ko na nakahawak sa balikat ni Ashton.

"What the fuck?! What the actual fuck?!" Taranta na parang nauulol si Ashton sa nakikita. Hindi niya alam kung lalapitan niya ba ako o ano.

"Okay lang ako. Pero nakakapagtaka..." May dugo nga na lumalabas sa braso ko pero paunti-unti itong bumabagal, "May alam ba kayo?" Tanong ko sa dalawang kalaban.

"This blade is made just for you, dear." Sabay wasiwas ng katana sa harapan namin, "We were ordered to hurt you badly."

"Did you like our surprise, dear?" Tanong naman ng isa pa.

Tinitigan ko ng maigi ang naputol ko na braso na nalaglag sa damuhan. Mukha na itong naagnas.

"Your fucking hand! What the hell is going on!?" Napaatras siya ng makita kung paano muling tumubo ang naputulan ko na braso.

Mula sa buto na muling tumubo ay nagsimula rin na bumalik ang dugo at mga tissue ng kamay ko.

"I don't fully understand what's happening but we need to take them down first." Pansin ko na bigla siyang namutla.

Ikinuyom ko ng ilang beses ang palad ko na nabalik na sa dati. Walang pinagbago maliban sa katotohanan na pangalawang kamay ko na ito sa kanan.

"Ah, sige." Sang-ayon ko na pumwesto na upang salubungin ang mga kalaban na papasugod.

Nagdadalawang-isip ako kung papatayin ko ba silang pareho o bubuhayin ang isa sa kanila upang kwestyunin. Tiyak na may alam sila tungkol sa akin.

O higit pa ang alam nila sa nalalaman ko.

Sinuntok ko ang kahoy na binalak niyang ihampas sa uli sa akin at nabali ito. Ni hindi sila nasorpresa sa nangyayari.

Papasugod na hinuli ko siya sa tiyan at inuntog ang likod niya sa malaking puno. Tinuhod niya ako sa tiyan kaya napabitaw ako at tinamaan ng kasunod na sipa niya sa mukha.

Dumura ako ng dugo.

Sinalag ko ang suntok niya sa kaliwa pero hindi ko napigil ang upper cut na binigay niya kaya napaatras naman uli ako.

Hindi ako makapag-isip ng maayos.

Paglingon ko kay Ashton ay napaatras rin siya na sapo ang panga.

Tumilapon naman ako na sapo ang tiyan.

Ano ba ang nangyayari sa akin?

Hindi pa ako nakakabangon ay hinuli niya na ako sa leeg at pilit na itinatayo.

"Oh dear," hinaplos niya ang pisngi ko na may kalaswahan ang ekspresyon sa mukha, "You're a good catch, I must say. Kaso... inutusan kasi kami na saktan ka ng husto para malaman noya kung hanggang saan ang limitasyon mo."

"Sino ang nag-utos sa inyo?"

"You'll know soon."

Akmang ilalapit niya ang kanyang mukha sa akin ng sipain ko siya sa ulo. Nang mabitawan niya ako ay hinuli ko siya sa kanyang kwelyo at ibinunggo ang aming mga ulo. Wala pa siya sa tamang pag-iisip kaya tinuhod ko naman ang kanyang ulo saka siya ibinuggo sa punong kahoy.

Hindi ko binitiwan ang ulo niya na dumudugo na ang labi at ilong. Pinagpatuloy ko ang pagbunggo nito sa punong kahoy hanggang sa mawalan na siga ng malay. Lugmok na bumagsak sa damuhan.

Nang lingunin ko si Ashton ay napatay niya na ang kanyang kalaban pero hindi rin maganda ang kanyang lagay. Putok na ang labi at kaliwang kilay niya. Ang buhok niya na normal nang magulo ay mas lalo pang naging magulo.

"Hello, Nico. Magdala ka ng tagadispatsa ng katawan dito sa kakahuyan papunta sa farm, sunugin niyo ang mga katawan o putulan ng ulo. Wala akong pakialam! Basta siguraduhin niyo na patay na ang dalawang 'to! Pakihanap na rin sina Thinder at Lincoln."

Nanggagalaiti na ibinulsa niya ang kanyang cellphone at lumapit sa akin.

"Okay ka lang ba?" Pinahid ko ang dugo sa pumutok niyang kilay. Nang hawakan ko ang sugat niya sa braso ay napaigik siya sa hapdi.

"Do I look like I am fucking okay?" Iritableng sagot niya, "How about you? Hindi rin maganda ang ginawa niya sa'yo."

"Walang masakit sa akin."

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko na walang tanda na naputol kanina, "This is unbelievable but after seeing what happened..."

"Hindi ko rin akalain na mapuputol niya ang kamay ko. Siguro nga ay kakaiba ang katana niya." Mas matibay kung ikokompara sa normal na tao ang mga buto ko. Ni hindi ko inakala na tutubo pa ulit ang itong kamay na naputol.

"Are you an alien or what?" Naguguluhang tanong niya, "I had goosebumps because of you."

"Tao ako, Ashton."

Hawak ang kamay ko na nagpatiuna siyang maglakad kaya nagpahatak na lang ako.

Magkahawak ang mga kamay namin.

Napahawak ako sa bandang dibdib ko. Bakit parang ramdam ko ang pagkabog ng puso ko. Ano'ng nangyayari? May sakit ba ako? Side effect ba ito ng mga nangyari?

Ilang minuto na kaming naglalakad pero hindi pa rin siya bumibitaw sa akin.

"What?" Paninita niya sa akin.

"Wala." Umiwas ako ng tingin.

"I wanted to eat but I lost my appetite. Parang gusto ko na lang maglasing at itulog ang mga nangyari."

"Gagamutin ko ang mga sugat mo saka ka matulog, Ashton."

"Okay."

"Bakit nga ba ang sungit mo sa akin?" Tanong ko na nagpahigpit sa hawak niya.

"Because I don't trust you." Diretsang sagot niya, "You're a stranger with a not-so-good aura to me. And it seems like you totally charmed my friends that easy which is not right."

"Ah. Okay." Napatingala ako sa langit, "Masyadong maaraw ngayon."

Pagtingin ko sa suot ko na relos ay umaabot sa thirty-nine degrees ang sikat ng araw. Ang body temperature ko naman ay nasa forty degrees na. Sunod ay tumunog ito na parang sasabog na bomba.

Sa huling hakbang ay napaluhod na ako, "Ano'ng... Ashton..."

"What is happening with you?"

Pumupungay ang mga mata ko na pinipilit na aninagin ang mukha niya na nag-aalala.

Nagpapanic na naman siya. Ramdam ko na tinatampal niya ang pisngi ko.

"Fuck it, lady! What the hell is wrong with you!?"

"Matutulog... lang ako... sandali."

Kahit ano'ng mulat ko ng mata ko ay tuluyan na itong pumikit. Naririnig ko pa ang pagtawag niya hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

285K 21.3K 58
A new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking and mind manipulation. Serena who becomes...
23.6K 1.2K 63
「COMPLETED」「UNEDITED」 Babaeng happy go lucky, laging nasusunod, lahat ng gusto nakukuha agad agad. May kapatid na sweet at caring at syempre may magu...
32.3K 1K 48
Vaughn Series 3 VAN FLOYD VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half Werewolf, meet Van Floyd Vaughn ang pinaka maloko sa mag kakapatid na Vaughn. He loves...
10.6K 607 53
"Umalis ka na nga!" Napanguso ako nang muli niya akong ipinagtabuyan pero hindi ako umalis at patuloy na sumunod sa kaniya. "Ano ba, Patricia? 'Di mo...