The Perfect Weapon [COMPLETED]

By ROOBIINHOOD

597K 17.9K 860

Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damda... More

General Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4- Minor Edit
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56- The End

Chapter 15

11.8K 383 16
By ROOBIINHOOD

Reese Elizabeth Cohlsin


"Death! Death!

Wala pang hudyat mula kay Therese ay nagtakbuhan na ang ilang survivors sa direksyon ko. Wala na akong nagawa kundi tumakbo papasalubong sa kanila upang subukan silang protektahan mula sa mga atake ng kampo ni Leonora.

Ligtas naman silang nakalabas ng arena kaya ako ang naiwan laban kay Leonora at sa lima niyang alipores.

"Death! Death! Death!"

"Ohoo! The real and final show has begun, students! Who do you think will make it out alive tonight?! Si Leonora Addis ba o ang ating Queen of the Night?"

Lumiit ng ilang metro ang arena at naging sarado ng tuluyan. Ibig sabihin ay walang makakalabas o makakapasok.

May mga naririnig ako na sigaw mula sa mga kalalakihan na gustong ipatigil ang laro. Rinig ko rin ang boses nina Terry at Charry na tinatawag ang pangalan ko. Hindi naman nagpapaawat si Aidan na pilit sinisita ang nakababata niyang kapatid nang magtigil ito.

"Death! Death! Death!"

Hinubad ko ang suot na sandals na nasa 1 inch lang ang takong. Kailangan ko nang magseryoso dahil walang puso at kaluluwa ang makakalaban ko.

"Naku! Mukhang magsasaya tayo, Miss Queen of the Night!" sigaw ng may hawak na palakol, "Say... would you like the easy way... or the hard way?"

"Saktan niyo ng todo 'yan. I want her to realize what mistake she's done for flirting with Vhon." wika naman ni Leonora, "But I will be the one to kill her." dugtong niya.

Binitawan ko ang mga hawak ko na katana at tumayo ng normal. Madali lang silang patumbahin pero napapaisip ako kung bubuhayin ko ba ang may hawak ng palakol. Hindi pwedeng patayin ko si Leonora. Ang mga mababang alipores niya naman ay patutulugin ko lang kaagad.

"Death! Death! Death!"

Kinakalampag na ng mga manonood ang mga barrier. Hindi na sila makapaghintay sa mga mangyayari.

Pumikit ako ng dalawang segundo at pagmulat ng mga mata ko ay tiyak ko na iba na ang kulay ng mga ito. Hinilot ko rin ang aking leeg.

Clenched my fists to the level of force that I will blow to each of them.

"Sugod na." usal ko na mabilis tinalima ng tatlong nasa harapan ni Leonora.

"Woaahhh! Death! Death! Death!"

"Kill her! Kill them! Kill her! Kill them!"

Tumakbo ako papasugod sa direksyon nila. Naghiwalay silang tatlo kaya nakakita ako ng pagkakataon upang madaliin ang pagpapatulog sa kanila. Uunahin ko ang nasa gitna na may hawak ng baseball bat, mukhang nabibigatan siya kaya tutulungan ko siya na pagaanin ang pinasapasan niya. Sa paglandas ng baseball bat ay yumuko ako at sinuntok siya sa tiyan dahilan upang tumalsik siya ng ilang metro. Natalsikan pa ako ng lawas na may bahid ng dugo na nagmula sa bibig niya.

Lumiyad ako at hinuli ang kanang kamay na may hawak ng kadena na ginawang pang-atake ng pangalawa sa kanan. Hinuli ko rin siya sa leeg niya at iniuntog ang ulo niya sa ulo ko, dahilan upang mawalan siya ng ulirat. Binitiwan ko siya kaagad nang inatake ako ng pangatlo.

Napaatras ako nang muntik niyang masugatan ang braso ko.

Hindi ako pwedeng masugatan.

"Kill her1 kill her! Kill her!"

Napaliyad ako at napayuko sa mga sunod niyang atake. May kaunting karanasan ang isang 'to sa paghawak ng katana.

"Stop this!"

Nawalan ako ng balanse nang marinig ko ang galit na boses ni Ashton. Napatid ako ng kalaban kaya natumba ako ng patihaya. Akmang hihiwain niya na ang ulo ko ng sipain ko ang kamay niya. Agad ako na bumangon at hinuli ang paa na muntik nang tumama sa paa ko, nakisali na rin ang panglima. Sa sobrang gaan niya ay nabuhat ko siya at nagpaikot-ikot saka ibinunggo sa kasamahan niya.

Paglingon ko sa direksyon nina Leonora ay lumilipad na ang palakol patungo sa direksyon ko. Iiwasan ko na sana ito pero sinipa ko na lang palayo dahil kapag umilag ako ay tatamaan ang dalawa sa likod ko.

Hindi na makapaghintay si Leonora na tumakbo na papasugod sa akin. Sasalubungin ko rin siya na nakaamba ang kamao ko.

"Kill! Kill! Kill!"

Our fists were inches away when we heard Ashton's loud voice.

"I will not fucking purchase a damaged product so you better not touch even a single strand of her fucking hair, Leonora!" biglang tumahik ang buong gym sa galit niyang boses, "And you, lady!" tukoy niya sa akin, "Lumabas ka na diyan kung ayaw mong kaladkarin pa kita!"

"Tsk." dumura pa si Leonora bago tumalikod na binigyan ako ng middle finger, "I'll kill you next time."

"Handa ako." huminga ako ng malalim saka sinipat ang sarili ko. Sinisigurado ko lang na wala akong sugat o galos nang hindi ko nalalaman dahil wala akong kakayahan na makaramdam ng sakit.

"Nice game, Miss Queen of the Night." lapit sa akin ng babaeng mahilig sa palakol. Inilahad niya ang kanyang kanang kamay sa akin na may ngiting nakapaskil sa kanyang labi, "Ako si Veronica." natatawang nilinis niya ang kanyang kamay na may mga dugo, "Pasensya ka na kanina. Hay... pero aaminin ko, excited sana ako na kalabanin ka."

Tinanggap ko ang kamay niya na namumula sa mantsa ng dugo, "Ako si Reese. Maglaro tayo paminsan-minsan."

"Nang hindi nagpapatayan?" paniniyak niya, "Too bad... may mga nakabantay na sa'yo kaya tiyak na baka hindi na mangyari 'yan. Oh well, if you need anything, just find me. Sayonara." pamaalam niya saka tumalikod na rin. Palundag-lundag siya na humabol kay Leonora.

"The party will resume right away so please keep distance from the arena."

Hinanap ko ang pares ng sandals na hinubad ko kanina.

"Reese!" yakap nina Charry at Terry sa akin.

"Oh? Akala ko ba ay umuwi na kayo?" sinuot ko ang sandals ko saka sila hinawakan sa kanilang mga kamay, "Hindi ko alam na nanood rin kayo."

"Hay naku! Mabuti na lang talaga at buhay ka! Ni galos ay wala!" high-pitched na naman si Terry, "Huwag ka nang pasaway ulit, okay? Pati si Vhon tuloy ay uminit ang ulo sa'yo. Mag-ingat ka at sinabi niya na kaninang hindi siya bibili ng may damaged na produkto." bumungisngis siya matapos ng mahaba niyang litanya.

"Ang galing mo kanina, Reese. Kinabahan ako ng todo nang makita si Veronica na kakalabanin ka rin." wika naman ni Charry.

"Maayos naman ang utak niya kahit isa siyang psycho killer." tukoy ko naman kay Veronica, "Kilala niyo siya?"

"Oo naman! Every year ay gano'n ang ginagawa niya. Napaka-heartless no'n kapag nasa arena o kahit saang labanan, 'noh!" hinatak na ako ni Terry paallis ng arena, "Umuwi na tayo ng makapaglinis ka na! Kadiri ka ah, ang lansa ng dugo!"

"Reese my lovely queen!" nilagpasan namin si Aidan na kontodo ngiti.

"Bukas na lang tayo magkita, Aidan."

Binilisan namin ang lakad nang hinarang naman kami ni Therese Belmonte.

"Wow. That was really good, Elizabeth. For a teenage girl like you, i never thought you were that skilled." Pumalakpak pa siya ng ilang beses, "What's up, Terry?"

"You bitch! Huwag mo'ng kakausapin ang kaibigan ka na parang wala kang ginawang kasalanan kanina lang. Ang puti mo nga pero kasing-itim ng buhok nitong si Reese ang budhi mo." Hinatak na naman nila akong dalawa ni Terry, "Babalian kita ng buto sa susunod na may ginawa ka na naman!"

"Terry hindi halatang may tinatago ka na galit kay Therese ah." Pang-aasar ni Charry.

"Jusko. Sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ng isang 'yon ay kumukulo ang dugo ko! At ikaw naman, Reese, iwasan mo na ang bruha na 'yon!" Nanggigil na litanya niya.

"Oo."

"Ang haba ng buhok ng kaibigan natin, Terry. Hihi. Akalain mo 'yon, nababaliw sa kanya si Vhon." Pag-iiba ni Charry ng usapan.

"True! Sinasabi ko talaga sa'yo, Reese, magpapaganda ka lalo bukas! Huwag ka nang umungal dahil pinunit mo ang gown na regalo ko!"

"Sorry. Hindi kasi ako makakilos ng maayos kanina kaya napilitan ako na punitin 'to," Binagalan namin ang lakad ng makalabas na kami ng tuluyan sa gym, "Bakit napakadali lang para sa kanila ang pumatay rito."

"Obvious naman sa klase ng Academy na ito, Reese. Pero alam mo, kahit ako ay nagtataka. Parang hindi mga tao ang nandito, kundi mga demonyo!" Sagot ni Terry sa akin.

"We have our own demons inside us pero maraming literal na demonyo rito." Dagdag ni Charry.

"Our own demons inside." Bigkas ko sa sinabi ni Charry.

Paano kung maging katulad rin ako ni Veronica? Paano kapag nawalan ako ng kontrol sa aking sarili? Paano kung dumating ang panahon na makalimutan ko kung sino at ano ako?

Paano kung... dahil sa demonyo na nasa loob ko ay masaktan ang mga taong mahalaga sa akin. Ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko.

"Okay ka lang? Natulala ka diyan." Pukaw ni Terry sa akin.

Niyakap ko ang mga braso nila, "Wala lang 'to."

Lumundag si Terry, "Pagdating natin ay maglinis tayo kaagad at matulog ng maganda. Tomorrow is Reese's lucky day!"

"Oo! Kwento mo sa amin bukas ang mga nangyari sa date niyo, Reese ha. " bungisngis ni Charry

"Ah. Sige."

Nakauwi kami ng dorm na halos hatinggabi na. Masyado palang mabilis ang oras kapag may mga ganitong pangyayari.

Kaagad ako na naligo. Sinigurado ko na walang matitirang bahid ng dugo sa katawan ko. Sa tuwing naalala ko ang mga nangyari kanina ay may hindi ako maintindihan sa loob ko.

"At ang lalamunan ko..."

Parang may bumabara sa lalamunan ko na hindi ko talaga maintindihan. Manginignginig pa ang mga palad ko sa tuwing lalandas sa isipan ko kung paano ko sinaksak sa leeg ang estudyante kanina.

"Reese?! Nakatulog ka na ba diyan?!" Katok no Terry sa pinto.

"Palabas na ako, Terry."

Gustuhin ko man sana na tawagan si Papa upang tanungin tungkol dito ay hindi ko magawa. Bukod sa rason na hindi pa nasusuli ni Ashton ang cellphone ko at nagdadalawang-isip ako na magsabi kay Papa tungkol sa Acquaintance party.

Knowing my father... Masyado siyang praning sa mga ganitong bagay. At si Mama ay tiyak na mag-aalala ng husto.

"Reese?!"

"Oo na."

Nagtapis ako ng tuwalya saka lumabas ng banyo.

"Ano'ng ganap, girl? Nalipad yata ang isip mo sa kung saan." Puna ni Terry sa kinikilos ko.

"Ah. Wala ito. Masyado lang akong napagod dahil kanina." Pagsisinungaling ko, "Papatuyuin ko lang itong buhok ko at matutulog na agad. Good night, Terry."

"Good night din. Huwag ka masyadong mag-isip at baka mukha kang zombie bukas!" Pahabol niya bago magsara ng pinto.

"Reese, halika. Papatuyuin ko buhok mo." Pinaghila ako ni Charry ng upuan, "Alam mo, ang galing mo talaga kanina."

"Masaya ka ba, Charry? Ngayong gabi ba ay naging mabuti para sa'yo?"

Sinimulan niya na ang pag-blow dry ng buhok ko na may kasabay suklay.

"Maliban sa nangyaring patayan, masasabi ko na masaya na ako sa ibang nangyari kanina."

"Nagsayaw ba kayo ni Ford?" Tanong ko na nagpapula sa mga pisngi niya.

"Oo... No'ng second song na. Hihi."

"I'm happy for you."

"Ako rin. Kinilig nga ako eh."

"Paano ba ang kiligin?"

"Having butterflies in your stomach." Wala sa sariling sagot niya, "Nanginginig pa nga ako kanina no'ng nasa dancefloor na kami eh."

"Bati na ba kayo?"

"Hindi pa, 'noh." Napangiwing sagot niya, "He even said that he only asked me to dance because he lost with the bet."

"He must be lying."

"Paano mo naman nasabi? Sa tuwing nagkakasalubong kami ay puro pang-iinsulto ang ginagawa niya sa akin."

"Kilala mo ba si Therese Belmonte?" Biglang tanong ko.

"Sina Terry ang magkaaway pero halata naman sa hitsura ng isang 'yon na walang mabuting gagawin. Siya kasi ang nang-agaw kay Castiel." Pagpapaliwanag niya.

"Ah."

"Nakakainis talaga ang ginawa niya kanina, Reese, mabuti na lang at tinulungan ka ni Vhon."

"Yon ba..."

"Masakit ba ang noo mo? Tiyak sasakit ang ulo mo niyan bukas. Iuntog mo ba naman ang skull mo sa iba."

"Okay lang ako."

Continue Reading

You'll Also Like

111K 4.4K 71
"She's the pureblood's code red." ⚫btsvelvet⚫ Heavy Angst ⚠️ Slow Burn ⚠️ Happy Ending ___ DS : 06/05/18 DE : 10/04/19
603K 18.5K 79
Everyone has an untold story hidden behind closed doors. The untold stories that will change their life. will they let it, change them? Or let it rem...
2025 By boss ni wawie

Science Fiction

611K 39K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...
9.2K 698 33
"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which mai...