A Player + A Manhater + A DAR...

By misskomplikado

339K 4.2K 601

He's an all time player. Wala pa siyang sineryosong babae. She's the ultimate manhater. Nang dahil sa isang... More

Prologue
Chapter 1 - The Past.
Chapter 2 - Meet Mr. Playboy.
Chapter 3 - Status: Manhater?
Chapter 4 - Truth or DARE?
Chapter 5 - Friends.
Chapter 6 - Splash!
Chapter 7 - The Consequence.
Chapter 8 - Erik a.k.a. THE PLAYER.
Chapter 9 - The Game.
Chapter 10 - First Date
Chapter 11 - He got caught!
Chapter 12 - Alone
Chapter 13 - The Perfect Dress
Chapter 14 - Fight for you
Chapter 15 - Sweet Old Photograph
Chapter 16 - Who, What and Why...???
Chapter 17 - Him again?!
Chapter 18 - Stuck with each other
Chapter 19 - Thinking of you
Chapter 20 - Exams. Exams. Exams.
Chapter 21 - Confused?!
Chapter 22 - The Annual Ball (part 1) "Grand Entrance"
Chapter 23 - The Annual Ball (part 2) "He meets him"
Chapter 24 - The Annual Ball (part 3) "Deja Vu"
Chapter 25 - The Annual Ball (part 4) "Expect the unexpected"
Chapter 26 - The Annual Ball (part 5) "The Game Plan"
Chapter 27 - "Smile :)"
Chapter 28 - All about him
Chapter 29 - Some old stuff
Chapter 30 - He found her...
Chapter 31 - Meet the Parents
Chapter 32 - Busy?!!
Chapter 33 - Almost!
Chapter 34 - Okay.
Chapter 35 - Ready - Set - Go!
Chapter 36 - A Trip To Remember
Chapter 37 - Double Trouble?!
Chapter 38 - Ian's POV
Chapter 39 - Erik's POV
Chapter 40 - Just Say It
Chapter 41 - Stay.
Chapter 42 - The Chase
Chapter 43 - One Sweet Day
Chapter 44 - The Contract
Chapter 45 - A Sweet Serenade
Chapter 46 - Moment of truth
Chapter 47 - SODAmn Sweet!
Chapter 48 - Done.
Chapter 49 - Unsaid.
Chapter 50 - It's over.
Chapter 51 - Still waiting...
Chapter 52 - Who's that girl?!
Chapter 53 - He's back...
Chapter 54 - Rebound???
Chapter 55 - The Flashback.
Chapter 56 - The Confession.
Chapter 57 - Her Decision.
Chapter 58 - The Soda. Again.
Chapter 59 - The unrequited love.
Chapter 60 - Childhood memories.
Chapter 61 - Another encounter.
Chapter 62 - Goodbye.
Chapter 63 - I won't give up.
Chapter 64 - Choices and Chances.
Chapter 65 - 143
Chapter 67 - The Sign.
Chapter 68 - The Boat.
Chapter 69 - Letting Go.
Chapter 70 - Game Over
Epilogue
Author's Note: PLEASE READ! :)

Chapter 66 - Two Sides.

2.3K 25 1
By misskomplikado

Erik's POV

Ang totoo niyan, nilakasan ko na yung loob ko nang magdesisyon akong pumunta kila Alexa.

Alam kong alam na niya lahat.

Nagbakasakali ako na makakapag-usap kami nang maayos.

Nung nakita ko siya, ngumiti lang ako. Pero ang totoo niyan, nalulungkot ako kapag nakikita ko siya, lalo na at ngayong alam kong hindi na siya sa akin.

Nag-usap kami.

Sinabi ko lahat. 

Ilang beses rin siyang nag-sorry sa akin.

Tapos sinabi rin niya sa akin lahat.

Hindi nga ako nagkamali. Lahat ng nangyari sa amin ni Alexa totoo. Hindi lang yun basta laro.
I was right. Minahal niya ako.

What we had was real. 

Napansin kong hindi siya makatingin nang diretso sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit.

Ilang beses rin akong nag-sorry sa kanya.

Tinanong niya bakit ngayon lang? 

Sinabi ko na duwag ako. Natakot ako.

Kung sana daw sinabi ko lang agad, e 'di sana daw...tapos napahinto siya.

Nung oras na yun, alam ko.
Sana nga Alexa.

Sana nga sinabi ko na lang agad.

Para sana ako pa rin.

Para sana tayo pa rin.

Hindi siya nakapagsalita. 

Tapos kinuha ko yung ID sa bulsa ko. Dinala ko yun para ibalik sa kanya. Nagulat siya nang makita yun, nagtaka siya kung paano daw napunta sa akin yun ID niya. Sinabi ko na baka nagkapalit kami noon.

Pinakita ko rin sa kanya yung picture namin dati sa probinsya nung mga bata pa kami. Nagulat rin siya.

Tinanong niya ako kung matagal ko na daw bang alam na siya si Xandra. Sinabi ko yung totoo, na nito ko lang nalaman.

Binalik ko naman sa kanya yung tanong, kung matagal na ba niyang alam na ako si EJ. Sabi niya nito lang rin niya nalaman.

Natahimik ulit siya.

Nilakasan ko na yung loob ko.
Itatanong ko na...

 "Alexa," tawag ko, "W-wala na ba talaga?"

Tumingin ako sa kanya ng diretso, "Hindi na ba talaga pwede?"

Please Alexa.

Just please...

Sabihin mo na pwede pa.

Sabihin mo na may chance pa.

Hindi siya sumagot.

Nalungkot ako.

Nakatingin lang siya sa akin.

Magsasalita sana ulit ako nang nag-ring yung phone ni Alexa. Hindi ko sinasadya na mapatingin doon kaya nakita ko kung sino yung tumatawag.

Si Ian. 

Napayuko ako.

Alam ko na kaya hindi siya kumikibo. 

Kaya 'di niya masagot yung tanong ko.

It's because of Ian.

Nagpaalam siya na kailangan niyang sagutin yung tawag. Wala naman akong magagawa. Sino ba naman ako diba?

Maikli lang lagi yung mga sagot niya kay Ian. Siguro naiilang rin siya dahil nga alam niyang nandun ako.

Hindi ko alam kung ano yung pinag-uusapan nila pero sa sagot ni Alexa, mukhang may lakad sila bukas. Maybe a date.

I admit, nasaktan ako nung oras na yun.

Patuloy lang akong nakatingin kay Alexa.

Ilang sandaling katahimikan. 

Bago niya ibaba yung phone, tumingin siya sa akin ng diretso.

"I love you." Mahinang sabi niya pero sapat na yun para marinig ko yun nang buong-buo.

Nung mga oras na yun, sobrang kumabog ng malakas yung dibdib ko. Yung mga tingin niya na yun... ramdam ko, alam ko.

But who am I kidding? Alam ko naman e. That 'I love you' was meant for Ian. Not me.

Sumakit yung dibdib ko. 

Tumayo ako bigla, i just wanted to get out.

Nagulat si Alexa, napatayo rin siya at tinanong ako kung aalis na ba ako. Hindi ako sumagot, tumango lang ako. Aaminin ko, nasaktan ako. Nasasaktan pa rin ako.

Tahimik lang kami hanggang makarating kami sa may gate ng bahay nila. 

Ayokong umalis. Ayokong matapos 'to.

Gusto ko pa siyang kausapin.

Gusto ko pa siyang kumbinsihin.

Pero alam ko naman, huli na.

Sinabi ko dati na I won't give up on her, pero kung masaya na siya, siguro dapat maging masaya na rin ako.

Hindi ko man ganun kakilala si Ian, alam kong mahal na mahal niya si Alexa at aalagaan niya ito ng mabuti.

So hanggang dito na lang ba?

Ganito ko na lang ba gustong matapos 'to?

Tumingala ako at huminga ng malalim.

Isa pa.

Isa na lang.

Kahit ito na lang.

Paulit-ulit kong sabi sa sarili ko. Huminga ako nang malalim.

Humarap ako kay Alexa. 

"Bukas sa may tapat ng clock tower ng Forbes Park, 6:30pm, iintayin kita." Sabi ko.

"Ha?" Tanong niya. 

"Kapag dumating ka, ibig sabihin you're giving me a chance. That you're giving us a chance. Pero kapag hindi ka dumating, alam ko na," seryoso na yung mukha ko "Titigilan na kita at hindi na kailan man guguluhin pa."

Halatang nagulat si Alexa sa mga sinabi ko.

"Maghihintay ako hanggang 8:30pm." Sabi ko pa.

2 hours. Maghihintay ako for  2 hours.

Alam kong sa ngayon ito lang yung kaya kong gawin, ang maghintay.

Kung ako yung papipiliin, I will choose Alexa. It will always be her.

Pero the decision is not mine. It's hers to make.

Bukas magkikita rin sila ni Ian.

I hate to make her choose but I have to.

She has to.

Tumalikod na ako para umalis pero di ko na napigilan.

I hugged her.

Nagulat siya pero hindi siya pumalag.

Matagal ko nang gustong gawin yun ever since makabalik ako at makita siya.

I miss her so much and it's killing me already.

Kailangan ko lang yun gawin.

"Sorry, I just need to do this. Just in case hindi na tayo ulit magkita. Just in case ito na yung huli." Bulong ko sa kanya.

I had a feeling na hindi ko na ulit siya makikita.

I know. Maliit yung chance na magpakita siya bukas pero I'm still hoping. Maghihintay pa rin ako.

And kung sakali man na hindi nga siya magpakita, ito na yung huli. 

At least, nayakap ko naman siya.

Nung oras na yun, ayoko nang bumitaw but I have to.

"You have all the time you need para mag-isip hanggang bukas." Sabi ko. I smiled weakly.

At bago umalis, sinabi ko na yung matagal na matagal ko nang gustong sabihin sa kanya... 

"I love you Alexa, I always do."

Ian's POV

Ilang minuto rin akong nakatitig sa cellphone, iniisip ko kung dapat bang tawagan ko na siya. Gusto ko nang marinig yung boses niya. Gusto ko na siyang makita.

Huminga ako ng malalim. 

Sige na nga. Isa pa, I think we really need to talk. Bulong ko sa sarili.

Instead of calling her I decided na puntahan ko na lang siya. Isa pa Sabado naman ngayon kaya malamang nasa bahay lang siya.

Kinuha ko yung susi ng kotse ko at umalis na para pumunta kila Alexa.

Tama si Kyla. Dalawa lang naman yung pwede kong gawin e at kailangan kong mamili.

Nang malapit na ako kila Alexa, napansin ko na agad na may kotseng nakaparada sa tapat ng gate nila. 

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. 

Isang tao lang agad yung pumasok sa isip ko.

Nagpark ako sa likod nung kotse. Pababa na sana ako nang mabaling yung tingin ko sa may terrace nila Alexa. Yun kasi agad yung makikita mo kung nasa labas ka ng bahay nila. Bahagya kong binaba yung bintana ng kotse.

Napatigil ako nang makita ko kung sino yung kausap ni Alexa.

Tama nga yung naging hinala ko nung una pa lang.

Si Erik.

Hindi ko maipaliwanag kung ano yung naramdaman ko nung mga oras na yun.

Biglang kumirot yung dibdib ko.

Huli na pala ako.

Nakikita ko silang dalawa from afar. Nag-uusap sila, nakayuko lang palagi si Alexa pero si Erik, nakatitig lang sa kanya.

Hindi ko alam kung ano yung pinag-uusapan nilang dalawa pero that time, nakakaramdam ako ng selos.

Selos. Siguro kasi alam ko na may past sila. Past na maaaring hanggang ngayon hindi pa rin naghi-heal para sa kanilang dalawa.

Nung nakita ko sila sa sa elevtor, akala ko yun na yung huli.

Akala ko it was their goodbye already.

Pero hindi ko naman masisisi si Erik. Bakit? Kasi Alexa is the kind of girl na mahirap pakawalan.

Ganito pala no?

Ganito pala kasakit na makita mo yung taong mahal mo sa piling ng iba. Lalo na at yung 'iba' na yun ay yuung lalaking minahal niya ng sobra sobra.

Pero maghihintay na lang ba ako ng ganito?

Hindi man lang ba ako lalaban? Hindi ko man lang ba siya ipaglalaban?

Isa pa, I still have her.

Hindi pa naman siya tuluyang nawawala sa akin.

Kami pa rin ni Alexa.

That's why I decided to call her. 

Nagulat si Alexa nang mag-ring yung phone niya. Nakita rin yun ni Erik. Nagkatitigan silang dalawa pero sa huli sinagot pa rin ni Alexa yung tawag ko.

Nung oras na yun, I decided na wag na lang ipaalam na nasa labas ako ng bahay nila, na nakikita ko silang mag-kausap ni Erik. Na kunwari wala ulit nangyari. Na maayos kaming dalawa. Na kunwari hindi ako nasasaktan. 

Parang nung nakita ko lang sila ni Erik sa elevator, I decided na ipag walang bahala na lang ulit lahat, kahit nasasaktan ako.

Kinamusta ko siya. Ang sabi niya maayos naman siya. Kinamusta rin niya ako. SInabi ko naman yung totoo, na miss na miss ko na siya.

Hindi siya sumagot dun.
Nasaktan ako.

Naisip ko na ituloy na lang rin yung plano ko. Isa pa, gusto ko rin naman talagang magkausap kami ng personal. 

Nag-sorry ako sa kanya dahil naging busy ako lately. Then tinanong ko kung pwede ba siya bukas para sa isang dinner date.

Sumagot naman siya at sabi niya free naman siya bukas. Napangiti naman ako dun. At least, magkikita na kami.

Sinabi ko na susunduin ko siya ng mga around 6pm. Nagulat ako ng sabihin niya na wag ko na siyang sunduin. Magkita na lang daw kami at itext ko na lang sa kanya yung lugar.

Natahimik ako. Dati kasi hatid sundo ko naman siya. Siguro nga kailangan lang rin niya ng space para mapag-isipan lahat. 

Ayoko naman na siyang pilitin kaya pumayag na rin ako. Ang sabi ko, itetext ko na lang sa kanya yung lugar pag naayos ko na. Hindi ko pa rin naman kasi naaayos yung reservations at yung lahat.

Natahimik ulit ako.

Halos maiikli lang yung mga naging sagot ni Alexa. Naninibago tuloy ako. Usually kasi kapag mag-kausap kami, sobrang jolly niya at makulit.

Alam ko na kung bakit.

Hindi ko alam kung ano ba yung nasa isip ni Alexa ngayon. Alam kong magulo pa yun lalo na at nandiyan na ulit si Erik.

Hindi ko pa nasasabi ito sa kanya at alam ko na kahit sabihin ko, this is not an assurance na ako pa rin. But still, sinabi ko pa rin.

I wanted her to know. 

Tinignan ko si Alexa sa malayo.

"Alexa." Sabi ko sa phone.

"I love you." Sa pagkasabi ko na nun, alam ko yung boses ko may halong lungkot but I meant it.

Napatingin siya kay Erik nang sabihin ko yun. Si Erik naman, nakatingin lang rin sa kanya.

"I love you." Mahinang sagot niya sabay baba ng phone.

Nung oras na yun, hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil I got a response o malulungkot dahil alam ko, ramdam ko, it wasn't meant for me.

Binaba na rin niya yung phone pagkatapos. Hindi pa ako umalis nun, pinagmasdan ko lang sila ni Erik. Nakita ko na tumayo na si Erik, tipong aalis na. Napatayo rin si Alexa at naglakad sila papunta sa gate.

Paalis na rin sana ako nang lumingon si Erik kay Alexa at hindi ko sinasadya pero narinig ko yung sinabi ni Erik. Nasa may mismong gate na kasi sila, hindi ganun kalakas pero sapat na yun para marinig ko nang buong buo yung mga sinabi niya.

 "Bukas sa may tapat ng clock tower ng Forbes Park, 6:30pm, iintayin kita." Sabi ni Erik.

"Ha?" Rinig kong tanong ni Alexa.

"Kapag dumating ka, ibig sabihin you're giving me a chance. That you're giving us a chance. Pero kapag hindi ka dumating, alam ko na," natahimik si Erik tapos nagsalita ulit, "Titigilan na kita at hindi na kailan man guguluhin pa."

  

"Maghihintay ako hanggang 8:30pm." Sabi pa nito sabay talikod.

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.

Bukas rin kami magkikita ni Alexa at alam niya yun.

At kung tama yung pagkakaintindi ko, gusto niyang mamili si Alexa. 

Akala ko yun na yun pero mas nagulat ako sa mga sumunod na nangyari.

Humarap si Erik kay Alexa at bigla itong niyakap.

Feeling ko nadurog yung puso ko nung mga oras na yun.

Ang sakit!

Tinignan ko yung reaksyon ni Alexa. Halatang nagulat rin siya sa ginawa ni Erik. Hindi siya nagsasalita. May binulong si Erik kay Alexa pero hindi ko na narinig yun o baka sinadya ko na lang na wag nang pakinggan para hindi na madagdagan pa yung sakit.

Ini-start ko na yung kotse at dahan-dahang umalis.

Sapat na yun. 

Sapat na yung mga nakita ko.

to be continued...

_____________

A/N:

Sorry nga pala kung lagi na lang bitin yung mga updates. Ewan ko ba, bitin rin kasi ako mag-isip. Hahaha.

Two Sides. Yung side ni Erik at yung side ni Ian.

Isa lang ang pwedeng piliin ni Alexa at gaano man kahirap, sa huli may isa talagang masasaktan.

Sino kaya?

Kung kayo si Alexa, who would you choose? 

Vote.

Comment.

Be a fan.

Salamat po sa lahat ng mga nagbabasa nito. 

Hart hart! <3

misskomplikado. 

Continue Reading

You'll Also Like

142K 2.7K 55
Mabait, Matalino, Mapag mahal, Sweet Ganyan niya i-describe Gabriel, her Kuya's best friend. When he asked her to be his girl, hindi na siya nag...
1.3M 19.2K 41
Dice and Madisson
8.6K 338 55
Ella is a free-spirited, hopeless romantic, twenty-year-old girl na gustong gumanda, gustong paibigin si Paul, gustong yumaman, at gustong makita ang...
49.7K 895 32
LOVE- ito yung feeling na kapag nakikita mo siya ay kinikilig at nagiging masaya ka!nagiging buo ang araw mo at lagi kang nasa good mood HATE- ito yu...