My Ultimate Campus Crush(REVI...

By majestic_qwyn

94.4K 1.3K 116

BOOK 2: INCEPTION: THE SEQUEL More

My Ultimate Campus Crush
MUCC1: Classmate
MUCC2: Accidentally
MUCC3: His Eyes
MUCC4: Hi
MUCC5: Girl
MUCC7: Vision
MUCC8: Practice
MUCC9: Great
MUCC10: I Will
MUCC11: Luck
MUCC12: Spy
MUCC13: Terrified
MUCC14: Again
MUCC15: Gift
MUCC16: Mall
MUCC17: Josh
MUCC18: Guy
MUCC19: Eavesdrop
MUCC20: One Gaze
MUCC21: Small World
MUCC22: Parents
MUCC23: Rolls
MUCC24: Heard
MUCC25: Star
MUCC26: Triggers
PLEASE READ
MUCC27: Triggers
AUTHOR'S NOTE
GREETINGS
BOOK 2

MUCC6: Stranger

1.6K 45 1
By majestic_qwyn

Wendy's Pov

After the time we enrolled ourselves. Naging mabilis lang din ang araw. I would always hang out with my friends. Madalas kami na gumala ni Amara at Arkie.

Although we still have a few weeks left bago magsimula ang pasukan. We made ourselves enjoy the remaining days of the summer. Pumunta kami ng beach at kung saan-saan pa masulit lang ang bakasyon.

'Yun nga lang. Matapos nung isang gabi na makachat ko si Rad. Hindi na muli pang nagparamdam ito. Napansin ko rin na madalas na lang siya kung maging active sa Facebook.

I didn't expect for any progress anymore. Hirap kasi sa akin kasi binibigyan ko ng kahulugan lahat. Na imbes maging normal na chat lang 'yun. Lagi akong nage-expect kahit hindi naman dapat.

False hope.

Walang katotohanan lahat ng 'yun. Maybe he act that way to everyone. Umasa lang ako. Kasi alam ko mismo sa sarili ko na may gusto ako sa kanya.

Buti pa nga mga chismosa eh. Alam na may gusto ako kay Rad. Eh siya kaya?

"Tara na?"

Napalingon kami pareho ni Amara kay Arkie. Doon ko lang din napagtanto na nasa tapat na kami ng school.

Wearing our white long sleeves and black skirt. It felt so good to wear our uniform again. I put my sling bag on the top of my shoulder before going out of the car. Ganun din si Amara.

Lumabas na din si Arkie na galing front seat. He insisted himself to drive us to school. Talagang sinundo pa kami at binilhan ng Starbucks.

Sabi niya pang bwena mano daw sa simula ng panibagong school year. Tangina pano naging swerte 'yun eh siya nga nagbibigay malas sa amin.

Sa huli tumango na lang kami ni Amara at sumunod sa kanya sa hallway. He parked his car on the parking. Kahit na doon ay maraming kakilala na kaming nakasalamuha. They greeted us with a smile. Ngumiti din kami pabalik.

"Hi Arkie!"

One of our batch mate said when we came to pass by her side. Nakangisi din itong nag-aabang sa sasabihin niya pero tanging tango lang ang natanggap nito mula kay Arkie.

"Pogi mo naman ser," I teased him.

May iilang babae din ang nagsubok na kausapin siya pero tinatanguan na lamang niya ito patuloy na naglakad.

"Maliit na bagay," mayabang niyang sambit bago hinawi ang makapal niyang buhok.

I rolled my eyes on him before shaking my head. Minsan hindi ko alam kung matutuwa pa ba ako na naging ganito ka yabang si Arkie. O tatanggapin ko nalang kasi wala naman talaga akong ibang choice?

Upon arriving on our respective building. We immediately went upstairs to meet our classroom.

Nang makapasok kami ay agad na bumungad ang mga panibagong mukha ng mga kaklase namin. Some were familiar but mostly are new to my sight. Kaya naman ng magtagpo ang paningin namin ng ilan kong kaklase. I would show them my smile.

"Wag tayo sa likod. Makakatulog ako dun panigurado," si Arkie ng makapasok kami.

I heard some of our classmates started gossiping along the corner. Ang ilan mukhang kinikilig pa na parang ewan. Parang nakakita ng celebrity pero para sa akin mukhang laos na siya.

I don't even get why they get easily attracted by his charms. Siguro dahil nadadala sila sa ngiti?

"'Wag din sa unahan. Hindi tayo ligtas sa recitation niyan," si Amara.

Napanguso naman ako dahil sa narinig. I don't even know what to say gayung naalala ko na kaklase ko na pala si Rad. The butterflies inside my stomach went insane. Hindi na mapigilang kabahan dahil alam kong ano mang oras ay dadating na siya.

"Mid lane na tayo" si Arkie at tinuro ang tatlong upuan na bakante malapit sa bintana.

"Gago hanggang dito ml pa rin nasa isip mo," I said before shaking my head.

Sumunod naman kami sa sinabi niya at agad na nilapag ang bag sa arm chair. He lifted his brow and sat in front of me. Si Amara naman ay nasa kaliwa ko gayung may naka-upo na sa katabi pa nitong upuan.

Imbes na doon si Arkie. He positioned himself right in front of us. Kung saan natatabunan niya ang buong view ko. Boses na lang siguro basehan ko nito sa klase. Puro buhok ni Arkie 'yung nakikita ko eh.

"Bakit ano bang gusto mong isipin ko? Ikaw?" He teasingly said.

Sinabunutan ko siya dahil sa kanyang sinabi. Tangina. Kadiri. Alam ko namang sira-ulo siya palagi pero once in a life time. Gusto ko talagang subukan na makipag sabunutan sa kanya.

'Yung bang hindi lang sa ml pwedeng mag one on one. Kundi pati na din sa pakikipagsabunutan.

Tangina naglalaway na ako.

Gusto ko ng gulo.

"Sinabi ko bang ako? Tangina mo," umirap na lang ako pagkatapos.

He just laughed at me before getting his phone from his pocket. Malamang sa malamang maglalaro ulit ito.

"Kelly!"

A smiled crept into my lips as soon as we saw her entered our classroom. She's one of our friend way back on our younger years. Naging kaklase din namin siya noon pero hindi ko inaakala na muli kaming magsasama sa iisang classroom!

She's tall and probably beautiful. Ang mga malalim niyang mata ay tila mahirap iwasan. Her skin is as white as snow. Para siyang prinsesa na hindi mo magawang lapitan.

"Hello!" She cheerfully said before she sat near us.

We both started our conversation kasama si Amara ng bigla ulit kaming matigilan ng mapansin ang bulto ng ilang lalake na pumasok ng classroom.

Miro from the other hand entered the premises as he went straight to Arkie. He's one of his friends actually. May lahing hapon na isa pang bersyon ng isang Martinez.

"Wag kang magulo naglalaro ako," si Arkie na tutok na tutok sa kanyang cellphone.

Nakita ko naman kung paano napakamot ng ulo si Miro sa sinabi ng kaibigan. I laugh a bit at his reaction the reason why his eyes went to mine.

"Hi Wendy. Long time no see ah," aniya at ngumiti sa akin.

His eyes disappeared for the moment. Kagaya ng kay Arkie mukhang kambal sila na pinaglapat tuwing magkasama. Sila ata 'yung tinatawag na samahan ng mga nawawalan ng mata kapag ngumingiti.

"Ikaw rin. Mas lalo ka ng pumayat ngayon," I commented as I saw how thin he is right now.

"Daming trabaho eh. Pero ayos lang. At least lumaki naman muscles ko," pagyayabang niya bago inangat ang braso at pinakita sa amin.

Napanguso ako dahil sa kayabangan niya. Wala talagang pinagkaiba kay Arkie at pareho lang sila ng ugali. Doon ko lang din napagtanto na sumunod sa likuran niya sina Vins at Neight na mga kaibigan din ni Arkie.

They smiled at me as well pero agad ding binaba ang tingin para tumingin sa laro ni Arkie na mukhang natatalo na.

"Tangina lag." dinig kong reklamo niya bago tumayo para maghanap ng signal.

Umiling na lang din ako at sinundan na lamang ito ng tingin. I was about to answer Miro when suddenly I heard the crowd gasping from the corner. May iilang estudyante din ang natitigilan sa paglalakad ng biglang lumuwa ang bulto ni Rad at ng kanyang mga kaibigan papasok ng room.

My breathing stopped from the moment. Ang kaninang nag-uusap na si Amara at Kelly ay natigilan din ng mapansin ang mga dumating. I bit my lower lip to stop myself from panicking.

Ang kaninang kalmado kong puso ay ngayon nagwawala na sa nakita. I held my chest and felt how fast my heart was beating for him.

Rad entered our classroom like a wild beast. With Dayle and Cyver beside him. They look so powerful enough that you would feel under their presence.

The uniform he is wearing makes him look so hot. Lahat na ata ng damit ay bagay sa kanya. Sana ako din para sa kanya.

I saw how he manage to look at me. Para akong natigilan lalo na nung magsimula siyang maglakad sa gilid ko. Some were looking at my direction too. Wondering why the hell he is looking to some lousy student.

"Nakatingin siya sa'yo sis pota," dinig kong sambit ni Amara habang sinisko ako.

I was about to reply and say that it's not good to assume things. Ng laking gulat ko ng biglang ngumiti sa akin si Rad habang naglalakad palapit sa aming pwesto.

I didn't even know where I got the strength to smile back at him and felt so smitten with his fucking presence.

Tangina.

'Wag kang pa fall Rad.

I was ready to burst out from my seat when I felt him walking straight until he stopped right behind me. Akala ko titigil siya sa harapan ko pero mali ng bigla itong umupo sa likuran namin.

Is that even right?

They fucking sat behind us kahit na marami pa namang bakante na upuan sa gilid. I can even smell his expensive perfume! It's freaking addictive. Saan kaya siya bumili? I want them on my pillows.

"Nice. Walang tulugan na 'to kasi nasa likuran mo lang 'yung crush mo," I felt Amara whispering.

She even giggled at my reaction dahil malamang sa malamang namumula na ako sa hiya at kilig.

I tried to breathe but my lungs tighten when I heard his baritone voice filling my ears.

"This is the spot. Mukhang maganda naman view rito," aniya mula sa likuran.

Lahat ata ng balahibo ko sa katawan ay halos magsitayuan na. His voice vibrated like it was the most attractive sound I ever heard. Tangina. 'Wag kang ganyan Rad.

"Sabi mo eh. Basta ako matutulog na lang," if I were right boses ni Dayle 'yung nagsalita.

Bumaling ako kay Amara na ngayon ay halos ngumuso na dahil sa narinig. I know she heard it. Mukhang kinilig din ang gaga pero pinipigilan lang.

"Good morning everyone,"

We were taken a back after hearing the voice. Bumaling kaming lahat sa harapan at napagtanto na dumating na pala ang unang subject teacher namin. We all stood up and greeted her as well.

Halos suntukin ko na din si Arkie na humaharang sa harapan ko dahil sa tangkad niya. Sinipa ko din ang arm chair dahilan para lingunin niya ako.

He just rolled his eyes and even stick out his tongue to tease me. I showed him my middle finger before we finally sat from out seat. Langya talaga kahit kailan.

The class started sooner but most of our discussion were just about the rules and regulations for this school year. It didn't take long until we proceed to our next subject. Ganun pa din ang nangyari hanggang sa dumating ang lunch time.

"Katakot ng ibang subject teacher natin. Mukhang terror," ani Arkie ng makarating kami ng cafeteria.

"Mukha lang. Pero sana naman walang mambabagsak ng grades," I said after I started eating my lunch.

"Sana nga. Pero di bale inspired na din naman ako dahil maganda 'yung teacher natin sa English." sambit ni Arkie habang malaki ang ngisi na nginunguya ang pagkain.

"Gago may asawa na 'yun," Si Amara.

"Alam ko. Wala din naman akong balak na maging kabit. Sabi ko lang naman maganda siya," depensa niya pa.

"Wala akong sinabing maging kabit ka. Tangina mo." ani pa ni Amara.

"Ang unsupportive niyo. Palibhasa 'yung mga crush niyo nasa likuran niyo lang," ani Arkie bago lumagok sa kanyang inumin.

"Bakit sa'yo hindi ba?"

Halos mabulunan naman siya dahil sa biglaang sambit ni Amara. She laughed like it was the most funniest thing she ever encountered.

"Pota pinagsasabi mo?" ani pa ni Arkie bago tinapunan ng tissue ang mukha ni Amara.

I made a face like I'm confuse to what they are saying. Hindi naman ako ganun ka manhid pero ako 'yung nasa likuran niya kung tutuusin.

I don't want to think that way but he's my friend. We tease each other everytime. Tiyaka tangina hindi kami talo!

"'Yung totoo Arkie," si Amara habang panay pa din ang tawa.

"Wag kang maniwala sa kanya Wendy. Sino bang sira-ulo ang magkakagusto sa kanyang kaibigan?" he shook his head.

"Edi ikaw!" si Amara at muli na namang humagalpak sa tawa.

"Ew. Pota hindi nga kasi kami talo. Tangina mamamatay muna ako bago ko siya magustuhan," ani Arkie na mukhang diring-diri pa sa mukha ko.

Hinampas ko siya sa braso gayung katabi ko lang naman siya. I glared at him but he manage to raise his brows on me.

"Grabe ka. Hindi din naman kita magugustuhan oy! Marupok man ako pero para lang 'to sa kanya," I confidently said before pointing my heart.

"Oo na. Ikaw na marupok," he stated before continued eating.

Si Amara naman parang sirang plaka na tumatawa. She even wipe some of its tears na naluha na ata sa sariling kalokohan.

"Tangina ang saya ng buhay ko." aniya pa ng huminto din sa wakas.

After eating our lunch. Agad kaming tumayo para bumalik na ng classroom. We only have a short lunch break since shorten ang time ngayon dahil Monday. Usually ganun ang nangyayari dahil may general meeting ang teachers sa umaga.

Dumaan kami ulit sa hallway habang panay naman ang tango at ngiti ni Arkie sa mga estudyanteng nakakasalubong namin.

Marami kasi ang nakakakilala kay Arkie. Madalas pa ay mga babae na may gusto sa kanya. Akalain mo 'yun?

Umiling na lang din ako at patuloy na naglakad hanggang sa makarating kami ng building.

We were about to take the stairs when my eyes suddenly vision the two people talking from a far. Natigilan din ako dahil sa nakita.

Kung kailan ang saya ko kanina. Agad namang binabawi dahil ngayon ay hindi ko na mapigilang malungkot.

I saw Rad talking to someone with a wide smile plastered on his lips. Pinagmasdan ko ang kasama niya at doon ko lang din napagtanto na si Kyline ang kausap niya.

I bit my lower lip to stop myself from being insecure. She's pretty. Probably better than me. She's also from the special class where students entails themselves with special abilities.

She even won last election kung saan nanalo siya bilang Vice President ng school campus. She's talented as well. She can do sports and other activities.

Now tell me who wouldn't feel ashame for not being like her?

Lahat ata nasa kanya na. And seeing her with Rad makes me feel unwanted.

Because who am I for him?

Sino ba naman ako para tingnan niya ng ganyan. He deserves the best but I'm only here for him as a stranger.

Kaya ang hirap magkakagusto sa isang tao eh. 'Yung hindi naman siya para sa'yo pero dahil gusto mo wala kang magagawa kundi ang pagmasdan siyang sumaya sa tamang tao.

"Selos ka na niyan?" Si Arkie ng mapansin ang pagtigil ko.

I looked at him with disbelief pero agad ding umiling ng mapagtano na dapat hindi ako ganito. So what if he's with someone else? I don't need to feel down kasi wala lang naman ako sa kanya.

"Sabi sa'yo e gho-ghost ka rin niyan," aniya na para bang alam lahat ng mangyayari.

"Ewan ko sa'yo,"

I just shrugged the thoughts out of my head. Bumalik kami ng classroom at hinintay na lang din na magsimula ang klase.

No matter how I want myself distracted. Hindi ko magawa dahil alam kong nasa likuran ko lang siya na naka-upo. Gusto ko 'to hindi ba?

Bakit hindi na ako masaya?

Even when our class started. Hindi na mawala sa isipan ko ang imahe ni Rad at ni Kyline na masayang magkasama kanina.

Sinasaktan ko lang sarili ko pero wala akong magawa. I couldn't stop myself from overthinking again. I wanted to save myself. But the thoughts won't leave me.

Hanggang sa matapos ang klase. Hindi ako lumingon o sumulyap lang man kay Rad. I was hurt okay.

Wala man ako sa lugar. But will you blame my feelings? I'm not heartless. Literal akong nasasaktan kaya kung may solusyon man sa pag-iwas. Siguro matagal na akong hindi ganito.

"Hintayin niyo ako sa parking may kukunin lang ako." si Arkie.

"Okay,"

Hindi na kami pumalag ni Amara dahil siya din naman mag-uuwi sa amin. He drove us here kaya dapat siya rin ang uuwi sa amin. Hindi na din kami nagtanong kung saan siya pupunta instead we just waited for him to return.

Sa huli medyo nangalay na din ang paa namin ni Amara sa kakahintay sa kanya. Buti na lang at iniwan ni Arkie ng bukas ang sasakyan niya ng umalis kaya umupo na kami sa loob at doon nag-antay.

"Bakit ang tagal niya?" I asked.

"Ewan baka natatae na 'yun tas di na makaantay na umuwi," she said while playing with her phone.

I pouted my lips and just waited for a little more. Gusto ko na din kasing umuwi. To freshen up a bit. Nakakapagod pala talagang umasa.

"Pasensya natagalan ako,"

We were taken a back after we saw him running back towards us. Pumasok siya ng driver's seat before placing the paper bag in front.

Nasa front seat kasi ako na umupo habang si Amara ay nasa likuran nakapwesto. Kumunot ang noo ko sa nakita.

"Ano 'to?" I asked.

I tried to open the paper bag. Binigyan niya din si Amara. Hindi ko alam kung bakit ako napangisi but I know what he's trying to do.

"Mukha ka kasing malungkot kaya bumili ako." he said before I took the vanilla ice cream from the inside.

He knows me too well. Everytime I get sad we would always treat each other some ice cream. Kasi sa aming tatlo we do crave for the same flavor.

Kaya natutuwa ako na kahit na sa gitna ng kalungkutan ko kanina. There will always be that one person who can cheer you up again.

Continue Reading

You'll Also Like

6K 257 57
may tatlong lalaking nag kagusto sakin pero isa lang talaga s kanila ang gusto ko pero may isa sa kanila ay naging crush ko...
17.6K 982 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
253K 3.1K 57
magkaka anak si glaiza sa bf nyang si Denis dahil sa hirap ng buhay at namatay ang kanyang ina iiwan nya ito sa isang malaking bahay at aamponin it...
126K 3.9K 43
Simple lang naman ang gusto ni bebang, ito ang maalagaan ng mabuti ang kaniyang kapatid na si inday. ulila na silang lubos kong kaya't silang dalawa...