Encantadia: A Love Untold [C...

By AmihanMaxTine

278K 7.6K 2.4K

One Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love L... More

Ω Kabanata I Ω Ang Pagbabalik sa Lireo
Ω Kabanata II Ω Ang Kapasyahan ni Mine-a
Ω Kabanata III Ω Ang Sayaw ng Pag-Ibig
Ω Kabanata IV Ω Maskara
Ω Kabanata V Ω Ang Reyna
Ω Kabanata VI Ω Reyna Amihan
Ω Kabanata VII Ω Ang Itinadhana ni Emre
Ω Kabanata VIII Ω Pagdadalang-Diwata
Ω Kabanata IX Ω Mga Nababagabag na Damdamin
Ω Kabanata X Ω Mine-a
Ω Kabanata XI Ω Lihim
Ω Kabanata XII Ω Panlilinlang
Ω Kabanata XIII Ω Si Lira
Ω Kabanata XIV Ω Ang Prinsipe ng Sapiro
Ω Kabanata XV Ω Ang Pagkawala ni Alena
Ω Kabanata XVI Ω Ang Galit ng mga Sang'gre Ω
Ω Kabanata XVII Ω Pagtatagpo Ω
Ω Kabanata XVIII Ω Agam-agam ni Amihan
Ω Kabanata XIX Ω Ang Katotohanan Ukol kay Ybarro
Ω Kabanta XX Ω Bugso ng Kapangyarihan
Ω Kabanata XXI Ω Ang Reputasyon ni Danaya
Ω Kabanata XXII Ω Ang Kaparusahan kay Danaya
Ω Kabanata XXIII Ω Ang Katuparan ng Plano ni Pirena
Ω Kabanata XXIV Ω Ang Pagbagsak ng Lireo
Ω Kabanata XXV Ω Ang Pagkagapi ni Amihan
Ω Kabanata XXVI Ω Ang Kantao, ang Dyamanteng Lira At ang Maskara ni Hara Amihan
Ω Kabanata XXVII Ω Mga Itinakdang Pagtatagpo
Ω Kabanata XXVIII Ω Ang Pagkikita nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXIX Ω Ang Pagbabalik
Ω Kabanata XXX Ω Ang Muling paghaharap nila Amihan at Pirena
Ω Kabanata XXXI Ω Ang Misyon nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXXII Ω Ang Pagbabalik ng Ala-ala ni Alena
Ω Kabanata XXXIII Ω Ang Damdamin ni Amihan
Ω Kabanata XXXIV Ω Ang Kapahamakan kay Lira
Ω Kabanata XXXV Ω Ang Basbas kay Lira mula sa Devas
Ω Kabanata XXXVI Ω E Correi....... Hara
Ω Kabanata XXXVII Ω Ang Muling Pagkikita nila Amihan at Alena
Ω Kabanata XXXVIII Ω Ang Paghingi ng Kapatawaran ni Amihan kay Danaya
Ω Kabanata XXXIX Ω Ang Anak ni Hara Amihan
Ω Kabanata XL Ω Ang Pagliligtas ni Rehav Ybrahim sa Hara Amihan
Ω Kabanata XLI Ω Si Caspian
Ω Kabanata XLII Ω Ang mag-Inang Amihan at Lira
Ω Kabanata XLIII Ω Ang Punyal ng Sandugo
Ω Kabanata XLIV Ω Isang Pamilya
Ang Apat na Sang'gre
Ω Kabanata XLV Ω Si Kahlil
Ω Kabanata XLVI Ω Ang Panlilinlang ni Pirena
Ω Kabanata XLVII Ω Bugna
Ω Kabanata XLVIII Ω Edi Sanctre
Ω Kabanata XLIX Ω Ang Batis ng Katotohanan
Ω Kabanata L Ω Rehav ese Adoyaneva
Ω Kabanata LI Ω Mga Maitim na Balak ni Adhara
Ω Kabanata LII Ω Ang Sumpa ni Ether
Ω Kabanata LIII Ω Mga Mapaglarong Puso
Ω Kabanata LIV Ω Amarteya Lireo
Ω Kabanata LV Ω Ang Pangako Ni Ybrahim
Ω Kabanata LVI Ω Ang Dalawang Kahilingan
Ω Kabanata LVII Ω Ang Itinadhana Para kay Amihan
Ω Kabanata LVIII Ω Ang Pagsisilang ni Amihan
Ω Kabanata LX Ω Ang Pagbabalik Ng Ala-ala nila kay Lira
Ω Kabanata LXI Ω Ang Galit Ni Hara Amihan
Ω Kabanata LXII Ω Ang Pagpaparaya ni Alena
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Agam-agam ni Pirena
Ω Kabanata LXIV Ω Ang Huling Mensahe ni Mine-a
Ω Kabanata LXV Ω Ang Kapatawaran
Ω Kabanata LXVI Ω Hadezar
Ω Kabanata LXVII Ω Halik ng Pamamaalam
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Katuparan ng Propesiya kay Amihan
Ω Kabanata LXIX Ω Isang Bagong Simula
Encantadia: Ang Ikalawang Yugto
Ӝ Kabanata LXX Ӝ Ang Encantadia
Ӝ Kabanata LXXI Ӝ Ang Pagbangon
Ӝ Kabanata LXXII Ӝ Ang Bagong Etheria
Ӝ Kabanata LXXIII Ӝ Ang Huling Pagsubok para kay Lira at Mira Ӝ
Ӝ Kabanata LXXIV Ӝ Avisala, E Correi
Ӝ Kabanata LXXV Ӝ Ang Kasiyahan sa Lireo
Ӝ Kabanata LXXVI Ӝ Ang Apat na Kaguluhan sa Encantadia
Ӝ Kabanata LXXVII Ӝ Katotohanan at Panlilinlang
Ӝ Kabanata LXXVIII Ӝ Si Lirios
Ӝ Kabanata LXXIX Ӝ Pagkakabihag
Ӝ Kabanata LXXX Ӝ Isang Alok
Ӝ Kabanata LXXXI Ӝ Ang Brilyante ng Apoy
Ӝ Kabanata LXXXII Ӝ Ang Tunay na Danaya
Ӝ Kabanata LXXXIII Ӝ Ang Pagbagsak
Ӝ Kabanata LXXXIV Ӝ Enamuya
Ӝ Kabanata LXXXV Ӝ Ang Pagbalik Sa Nakaraan
Ang Kasaysayan ng Lumang Encantadia ayon sa kalatas na sinulat ni Raquim.
Cast and Characters of EALU: Enamuya Arc
Ӝ Kabanata LXXXVI Ӝ Ang Pagkawala ng mga Brilyante
Ӝ Kabanata LXXXVII Ӝ Ang Pagdadalang-Diwata ni Ornea Ӝ
Ӝ Kabanata LXXXVIII Ӝ Ang Muling Pagkikita
Ӝ Kabanata LXXXIX Ӝ Si Amihan, Ng Kaharian ng Lireo
Ӝ Kabanata XC Ӝ Ang Sapiryan at ang Diwata
Ӝ Kabanata XCI Ӝ Sila Memen at Ornea
Ӝ Kabanata XCII Ӝ Sang'gre laban sa Heran
Ӝ Kabanata XCIII Ӝ Ang Ina ng mga Sang'gre
Ӝ Kabanata XCIV Ӝ Si Mine-a
Ӝ Kabanata XCV Ӝ Si Mine-a at si Cassiopei-a
Ӝ Kabanata XCVI Ӝ Ang Pagliligtas
Ӝ Kabanata XCVII Ӝ Pagmamahal
Ӝ Kabanata XCVIII Ӝ Si Raquim, si Mine-a at si Hagorn
Ӝ Kabanata XCIX Ӝ Lireo
Ӝ Kabanata C Ӝ Ang Paglusob
Ӝ Kabanata CI Ӝ Ang Inang Brilyante
Avisala
Kabanata CII: Ether
Kabanata CIII: Pagbabalik sa Kasalukuyan
Kabanata CIV: Pag-Iisang Dibdib
Kabanata CV: WAKAS
Avisala Eshma

Ω Kabanata LIX Ω Ang Paglalakabay Patungong Devas

2.6K 64 41
By AmihanMaxTine

Ω Kabanata LIX Ω
Ang Paglalakabay
Patungong Devas
Ω


Buong maghapon na nakamasid at nagbabantay sa Sapiro si Asval. Nalaman kasi niya na wala ang kanyang hadia sa palasyo. Kaya umiisip siya ngayon ng paraan para makapasok dito at malusutan ang mga kawal na tapat kay Ybrahim.

"Asval.... May nakikita ako." Sambit ni Axilom sa kanya saka ipinasa sa kanya ang largabista na agad niyang kinuha at sinilip kung ano ang nakita ni Axilom.

"Si Pirena at mga babaeng mukang palaban....." Sabi niya saka niya ibinaba ang largabista.
"Tanakreshna! Hindi dapat ako maunahan ni Pirena sa pagkubkob sa Sapiro.... Tayo na!" Sigaw ni Asval sa mga kasama saka sila bumaba ng bundok na kinaroroonan nila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Habang naglalakbay sa himpapawid papunta sa Devas gamit ang caracoa ni Wahid ay nilapitan ni Lira si Anthony.
"Anthony." Tawag niya dito napalingin naman ito sa kanya saka tumayo at iniwan muna ang natutulog na si Mira.

"Lira...bakit?" Tanong nito.
"Ah gusto ko lang sabihin na salamat sa pagsama mo kay Mira at pagtulong mo sa akin dito." Pagpapasalamat ni Lira sa kaibigan.
"Walang anuman Lira.... And beside gusto talaga kitang makita para lang makasigurado ako." Sambit nito na ikinakunot ng noo ni Lira.

"Makasigurado saan?" Tanong ni Lira.
"Sa nararamdaman ko para kay Mira." Sambit nito.
"Nararamdaman mo para kay Mira?" Nagtatakang tanong niya. Tumango naman si Anthony
"Nitong mga nakaraang linggo.....I've been thinking kung ano ang nararamdaman ko para kay Mira... Magkasama kami sa mundo natin rather mundo ko pala.
And I find her attractive.... Lovable...." Sambit nito sa kanya. Napahinga naman ng malalim si Lira.

May koonti siyang sakit na nararamdaman, aaminin niya na may gusto siya kay Anthony pero ano ba ang magagawa niya kung di nabaling sa kanya ang pagtingin nito. Pilit siyang ngumiti.

"Eh bakit kailangan mo pa akong makita para makasiguro ka?" Tanong ni Lira muli.
"Aaminin ko nagkagusto ako sayo Lira.... But as day, weeks passed by na magkasama kami ni Mira.... Nalaman ko na di ganoon kalalim ang pagtingin ko sayo." Sabi ni Anthony saka ito tumingin sa mga kaulapan. Napayuko naman si Lira kahit papano masaya siyang nalaman na nagkaroon din ito ng pagtingin sa kanya kahit di iyon nagtagal.

"At ngayon ngang nakita mo na ako muli.....masasabi mo ba na mahal mo na si Mira hindi isang pagtingin lang?" Tanong ni Lira muli kay Anthony. Marahang tumango si Anthony.
"Mahal ko si Mira although di ko muna sasabihin sa kanya" nakangiting sabi ni Anthony.
Napangiti si Lira, masaya siya na malaman na minamahal ni Anthony ang pinsan si Mira. Kahit na may kirot sa kanya ito alam naman ni Lira na mawawala din iyon.

Ibinaling na lang ni Lira ang paninigin niya sa unahan ng caracoa at nakita niya si Wahid na nakangiting kumaway pa sa kanya. Napangiti na lang tuloy siya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Marahang ibinalot ni Amihan kina Caspian at Lirios ang balabal na ginawa niya na may burda ng pangalan nila saka niya binuhat ang kanyang mga anak sa kanyang bisig salamat na lamang sa kapangyarihan ng hangin at napapagaan nito ang bigat ng kambal sa kanyang mga bisig.

"Ate Amihan bagay na bagay po sa kanila ang mga balabal na pinagawa niyo." Nakangiting sabi ni Pao-pao kanina pa ito di umaalis sa kanyang tabi at nilalaro ang kanyang mga anak.

"Tama ka Pao-pao." Nakangiting sabi niya saka niya pinagmasdan ang kanyang mga anak.
"Masayang masaya ako na dumating kayo sa buhay ko.....napawi niyo ang lungkot na aking nararamdaman magmula pa noong namatay ang inyong apwe.
E correi diu mga anak." Sambit ni Amihan saka niya hinalikan sa noo ang mga sanggol

"Mahal ko din kayo!" Nakangiting sabi ni Pao-pao na parang nagustuhan ang sinabi nilq dahil ngumiti ang kambal sa kanilang dalawa.

"Ngumiti sila Ate Amihan!" Tuwang sabi ni Pao-pao
"Oo nga mukang gusto ka nila Pao-pao." Nakangiting sabi ni Amihan sa batang ligaw saka niya marahang inilapag sa higaan ang kambal.

Habang nilalaro ni Pao-pao sila Caspian at Lirios ay nag-iba ang ihip ng hangin tila may binabadya ito. Agad na pinalapit ni Amihan ang dalawang dama sa kanila, saka siya tumayo at agad na inilabas ang brilyante ng hanggin at inintindi ang ibinubulong ng hangin sa kanya.

"Sapiro...." Agad siyang bumaling sa mga dama.
"Wag na wag kayong lalabas ng silid na ito...Pao-pao dito ka lamang kasama nila hah." Sambit niya kay Pao-pao at sa mga dama.

"Opo Ate Amihan." Sabi ni Pao-pao saka niya hinalikan sa noo ang mga anak niya. Hindi niya alam ngunit tila ayaw na niyang umalis sa piling ng mga ito ngunit kailangan malaman ni Ybrahim ang masamang nagaganap sa Sapiro.

Napahinga ng malalim si Amihan saka siya lumabas para hanapin sila Ybrahim at nakita niya ito na kasama sila Danaya, Imaw, Aquil at Muros.

"Ybrahim..." Pagtawag niya dito saka siya lumapit.
"Mahal kong Reyna.... Ano't humahangos ka?" Tanong ni Ybrahim kay Amihan.
"Ybrahim may ibinulong sa akin ang hangin may masamang nagaganap sa Sapiro." Sambit niya sa rehav na agad namang naalarma sa sinabi niya. Maging ang iba ay nag-alala.
"Ano.... Kailangan makabalik ba aki ng Sapiro." Sambit ni Ybrahim. Napatango naman si Amihan.
"Ano ang nagaganap?" Tanong ni Alena.
"Ang Sapiro may masamang nagaganap daw dito ayon kay Amihan." Sagot ni Danaya kay Alena.

"Wala ng panahon para magtalstasan pa tayo dito.... Ybrahim sasamahan kita... Muros sasama ka sa amin.... Danaya at Aquil pangalagaan niyo ang Lireo habang wala kami." Utos ni Amihan sa dalawa. Agad naman na lumapit si Muros kay Amihan.

"Masusunod Hara." Sagot ni Danaya.
"Kung gayon ay tayo na." Sabi ni Amihan saka kumapit kay Alena si Muros at si Ybrahim sa kanya at sika ay naglaho papunta sa Sapiro.

"Aquil... Doblehin mo ang higpit ng ng pagbabantay sa mga lagusan." Utos naman ni Danaya sa mashna.
"Masusunod Sang'gre Danaya." Pagsunod ni Aquil sa utos ni Danaya.
"Haay... Sana ay walang mangyaring masama sa dalawang kaharian na kanlungan ng mababait na diwata." Dalangin naman ni Imaw ng mapag-isa na ito sa bulwagan ng Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagmamadaling pumasok ang isa sa mga konseho sa loob ng silid tanggapan at agad nitong hinanap si Ilios, ang pantas.

"Ilios.... Nakaalis na ang Hara Amihan... Tanging sila Sang'gre Danaya at Mashna Aquil na lang ang natira dito sa Lireo." Sambit nito. Napatango naman si Ilios saka nito kinuha ang mangilan-ngilang pares ng damit ng mga hathor.
"Maghanda na kayo." Sambit ni Ilios sa mga napili niyang konseho na sasama sa kanya.

"Sigurado ka ba sa nais mong gawin Ilios?" Tanong sa kanya ni Caros, isa ding kasapi ng konseho.
"Oo....para ito sa kaligtasan ng Lireo at nating mga diwata.....narinig mo ang hula ni Rosa di dapat mangyari iyon.... Dapat mawala ang kambal." Sambit ni Ilios saka niya sinuot ang damit ng hathor.

Nanalangin siya kay Emre na gabayan siya sa kanyang gagawin sapagkat gagawin niya ito para sa kaligtasan ng Lireo at ng mga diwata.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Walang gaanong naging suliranin sa pagpapalipad ng caracoa kaya naman iniwan saglit ni Wahid ang manibela nito at siya ay lumapit kay Lira na nakamasid lang sa mga ulap na kanilang tinatahak samantalang nagpapahinga naman sila Mira at Anthony.

"Lira..." Sambit niya dito. Lumingon naman ito sa kanya.
"Wahid.... Anong kailangan mo?" Tanong ni Lira sa kanya. Minsan iniisip ng barbaro kung bakit ba mula noong nakilala niya ito at naiwan sa Lireo para maging dama ay di na naalis sa isip niya ang dalaga.... At di niya alam kung bakit.
"Huy Wahid anong nangyari sayo?" Tanong ni Lira sa barbaro.

"Ah.... Narinig ko kasi na nag-uusap kayo ni A-Anthony..... Isa pala siyang mortal." Sambit ni Wahid sa kanya napatango naman siya.
"Oo kaibigan ko siya nung nasa mundo pa ako ng tao." Nakangiting sabi niya.
"Galing ka pala sa mundo ng tao.... Kungsabagay may mga diwata at sapiryan na doon mas ninais na manirahan pagkatapos ng digmaan laban sa Etheria....ng minsang binuksan daw ni Cassiopei-a ang lagusan." Sabi ni Wahid nakuha naman nito ang atensyon ni Lira.

"Etheria... May kinalaman ba kay Ether yan?" Tanong niya.
"Oo ang Bathalang sinasamba ng mga Etherian ay si Bathalumang Ether." Sagot ni Wahid.
"Eh anong nangyari sa kanila...nung nagdigmaan?" Tanong ulit ni Lira.

"Sabi sa mga kwento na napabagsak daw ng Lireo, Sapiro, Adamya at ng kakampi pa noong Hathoria ang Etheria gamit ang nuo'y buo pang Inang brilyante....ayun....naubos ang kanilang lahi nawala na sila sa Encantadia." Pagsasalaysay ni Wahid nito sa kanya.

"As in wala na talaga sila.... Waley ng natira sa kanila?" Tanong pa niya ulit.
"Oo nga saka kung may Etherian man na nabubuhay pa eh makikilala naman yun dahil sa isang palatandaan sa likod katulad ng nasa mga Sang'gre." Paliwanag pa ulit ni Wahid.

"Anong palatandaan?" Tanong muli ni Lira.
"Di pa ako nakakakita non at mukang hindi na pero ang sabi nila parang balat daw ito...na pag nakita mo ay aakalain mong balat ng ahas" sabi ni Wahid.

"Ah ganun pala.... Kaya pala ang bitter ni Ether.... Natalo pala siya ng mga brilyante na hawak nila Inay." Patango-tangong sabi ni Lira. Kumunot naman ang noo ni Wahid.
"Hanggang ngayon ba pinaniniwalaan mo pa din na anak ka ni Hara Amihan?" Tanong nito sa kanya.

"Totoo naman kasi ang sinasabi ko... Basta pag nakarating tayo sa Devas maniniwala ka din." Sabi niya saka niya kinidatan si Wahid na napapailing na lamang.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Pagdating sa Sapiro ay agad nakita nila Amihan, Ybrahim, Alena at Muros ang mga sugatang Kawal Sapiryan agad na dinaluhan ito ni Ybrahim.
"Kawal sino ang may gawa nito?" Tanong ni Ybrahim dito.
"Si Sang'gre Pirena, Rehav at may mga kasama siyang babaeng mukang galing sa Carcero.... Pagkatapos nila kaming sakakayin ay dumating naman si Asval at sinalakay din nila kami." Ang nahihirapang salaysay ng kawal Sapiryan.

"Pashnea!" Sambit ni Ybrahim na naikuyom ang mga kamao at nagtatakbo papasok ng moog ng Sapiro.
"Ybrahim"
"Ybarro!" Magkapanabay na tawag nila Amihan at Alena ngunit di sila nilingon ni Ybrahim, agad naman na sinundan ni Alena ang rehav.

"Mahal na Reyna...." Tawag naman ni Muros kay Amihan.
"Muros isaayos mo ang mga sugatan saka ka sumunod sa akin." Utos ni Amihan sa hafte.
"Masusunod mahal na reyna." Sambit ni Muros saka sumunod si Amihan kina Ybrahim at Alena.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Panginoon.... Handa na ang ating hukbo para lumusob sa Lireo." Sambit ni Agane kay Hagorn na nakatanaw sa palasyo ng Lireo.
"Kung gayon ay halina na.... Ating nang kuhanin ang balintataw ni Imaw at kung papalarin ay ang Lireo muli." Nakangising sabi ni Hagorn. Tumango naman si Agane saka ito yumukod at pinuntahan ang hukbo ng mga hathor na dadalhin nila.

"Sa pagkakataong ito ay ipinapangako ko na magagapi ko na ang mga pashneang diwata na iyan.... At ikaw Lila Sari... Kukuhanin ko sayo ang aking anak!....ang aking tigapagmana..." Nakangising sabi nito saka ito nagpakawala ng mga apoy na lumipad papunta sa ere biglang hudyat ng paglusob nila sa Lireo.

At ng handa na ang lahat ay saka sila naglakbay papunta muli sa Lireo....na kanya muling inaasam na magapi at makubkob.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nang magising si Mira ay agad niyang ikinumot sa nahihimbing na si Anthony ang kanyang balabal saka siya lumapit kay Lira.

"Lira..."
"Mira.... Gising ka na pala." Nakangiting sabi nito tumango naman siya saka siya umupo sa tabi nito.
"nagka-usap na ba kayo ni Anthony?" Tanong niya sa pinsan
"Oo naman.... Teka kamusta ka pala sa kanila madali ka bang nakabagay sa mundo namin?" Tanong ni Lira.

"Noong una nahirapan ako pero nakaya ko naman saka nandyan naman si Anthony." Nakangiting sabi ni Mira. Napangiti naman si Lira dahil nakikita niya ang sarili kay Mira.... At alam niyang may gusto na din ito kay Anthony.
"Edi mabuti pala kung ganoon." Nakangiting sabi niya ng hawakan ni Mira ang mga kamay niya.

"Sayo ako nalulungkot Lira.... Di ko alam na ganoon na pala ang pinagdaraanan mo dito sa Encantadia pero ngayon nandito na ako di na kita iiwan....." Nakangiting pangako ni Mira.
"Totoo? Peksman?" Nakangiting sabi ni Lira
"Oo P-Peksman kung ano man ang ibig sabihin nun." Nakangiting sabi ni Mira saka nila niyakap ang isa't-isa at alam nilang ng sandaling yun ay nakahanap sila ng matalik na kaibigan at kapatid sa isa't-isa.

"Lira...." Sambit ni Mira na may pagkamangha na nakatingin sa likuran niya.
"Bakit?" Tanong ni Lira saka siya lumingon sa tinitingnan ni Mira at napangiti siya ng makita ito.

"Ang Devas!" Nakangiting sabi ni Lira na puno ng saya at pananabik.

Natutuwa naman si Mira para sa pinsan at kanya sana itong yayakapin ng bigla itong maglaho kasabay ng paglalaho ng lugar na tinawag ni Lira na Devas.

"Lira! Lira nasaan ka na?!" Gulat na sabi ni Mira, nagising naman sila Wahid at Anthony na agad napalapit sa nag-aalalang diwani.

"Anong nangyari?" Tanong ni Wahid kay Mira.
"Si Lira bigla siyang naglaho kasabay ng paglalaho ng tinawag niyang Devas..." Nag-aalalang sabi ni Mira.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nagkasalubong sa punong bulwagan ng Sapiro sila Pirena at Asval kasama ng kani-kanilang mga kapanalig sa pagkubkob sa Sapiro.
"Pirena... Di ko akalain na may pag-aasam ka pala sa Sapiro." Sambit ni Asval sa diwata ng apoy.

"Ssheda.... Kakailanganin ko lamang ang Sapiro para gamitin laban sa Lireo at Hathoria." Sambit ni Pirena. Napangisi naman si Asval.
"Pareho lamang pala tayo ng ninanais bakit di pa tayo magtulungan?" Sambit nito.

"Ssheda.... Wala akong balak na makipagtulungan sa mga taksil na kagaya mo." Sagot ni Pirena saka niya inihanda ang kanyang espada.
"Tingnan mo kung sino ang nagsalita.... Eh isa ka ding taksil." Nakangising pang-uuyam ni Asval kay Pirena.

"Mga Buenoveshka! Kahit sino sa inyo ay walang karapatan sa trono ng Sapiro!" Galit na sigaw ni Ybrahim saka sila pinatamaan ni Alena ng enerhiyang tubig na ikinamatay ng ilang kapanalig ng dalawa.

"Ang aking pinakamamahal na hadia!" Sigaw ni Asval saka niya sinakakay si Ybrahim na agad nitong nasangga.
"Pashnea!" Galit na sabi ni Pirena saka siya nagtatakbo sa ibang direksyon.
"Pirena!" Pagtawag ni Alena sa panganay na kapatid saka niya ito sinundan.

Pinasugod naman ni Asval ang mga alagad niya kay Ybrahim saka ito umupo sa trono ng Sapiro.
Isa-isa namang nagapi ni Ybrahim ang mga kapanalig ni Asval saka ito tinutukan ni Ybrahim ng esapada.

"Ngayon tayong dalawa na lamang dito.... At sasabihin ko muli Asval wala kang karapatan sa trono ng Sapiro." Galit na turan ni Ybrahim.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nagulat na lamang si Lira ng sa pagdilat niya ay nasa isang hardin na siya muli saka siya napangiti.
"Ito na nga iyon ang Devas." Nakangiting sambit niya.

"Tama ka." Napalingon si Lira sa nagsalita at napangiti siya ng makitang si Kahlil ito, agad na niyakap ni Lira si Kahlil.
"Kahlil miss na kita." Nakangiting sabi niya.
"Ako din" nakangiting sabi nito.
"Teka naiintindihan mo na ang salita ko?" Tanong niya sa kapatid na tumango.
"Kapag kasi namahinga ka na at napunta ka na dito sa Devas may mga karagdagang kapangyarihan o katalasan ng isip ang ibibigay sayo ni Emre.....at ako mas pinili ko ang katalasan ng isip." Nakangiting sabi ni Kahlil.

"Masaya ako para sayo little bro." Nakangiting sabi niya dito. Napangiti naman si Kahlil bago ito nagsalita
"Siya nga pala Lira... May nais na makipag-usap sayo." Sabi ni Kahlil saka ito nagbigay daan sa isang nilalang na walang mukha.... Sa halip ay liwanag ang naroon.

Sobrang liwanag nito ngunit ang nakapagtataka ay di masakit sa mata kung ito ay pagmamasdan mo....at di niya alam kung bakit pero nakakaramdam siya ng kaginhawaan sa pagtingin pa lamang dito.

"Siya si Bathalang Emre." Pagpapakilala ni Kahlil saka ito yumukod sa ipinakilala nitong Bathalang Emre at bilang paggalang ay yumukod na din si Lira.
"Lira." Pagtawag nito sa kanya. Nakaramdam ng kaba si Lira, iniisip niya kung karapat-dapat nga ba siyang humarap sa Bathalang Emre.

"Nababasa ko ang iniisip mo Lira.... At sinasabi ko sayo karapat dapat ka dahil busilak ang iyong puso...
Sige na sabihin mo sa akin ang iyong kahilingan" sambit nito sa napakamalumanay na tinig, marahan tumingin si Lira sa Bathala.

"Isa lamang po ang kahilingan ko Mahal na Bathalang Emre.... Nais ko pong makilala na ako ng pamilya ko.... Ng magulang ko." Sambit niya dito. Tumango naman si Emre.
"Iyon ba talaga ang kahilingan mo?..... Bakit di mo muna tingnan ang mga ito." Sabi nito saka nito pinakita ang nasa likuran nito, isang baul ng kayamanan at alahas.

"Sa akin po ang lahat ng iyon?" Tanong ni Lira sa bathala.
"Kung nanaisin mo maaari kong ibigay sa'iyo yan." Sabi muli nito. Napangiti naman si Lira.
"Salamat po pero mas nanaisin ko po na makasama ko na ang pamilya ko." Sambit niya bilang pagtanggi sa alok nito.

Tumango naman si Emre saka ito naglabas ng isang napakagandang brilyante sa palad nito.
"Kapangyarihan kaya.... Nais mo ba na makamit ang brilyante na ito na mas malakas pa sa pinagsama-samang brilyante ng iyong Ina at mga ashti." Tanong ni Emre. Napatingin dito si Lira saka siya napailing. Oo nakaka-enganyong tanggapin ito ngunit isa lang talaga ang isinisigaw ng isip at puso niya.

"Sorry po Bathalang Emre pero pareho ko pong tatanggihan ang kayamanan at kapangyarihang alok niyo po.....
Kasi po mas nanaisin ko na makabalik sa Lireo at makilala ng aking mga magulang dahil para sa akin ay walang kayamanan ang hihigit pa sa buong pamilya....
At walang kapangyarihan ang hihigit pa kesa sa pagmamahal ng iyong mga magulang at pamilya.....kaya sorry po pero di ko matatanggap ang alok niyo." Magalang na pagtanggi ni Lira, nakita naman niyang tumango si Emre saka nito muling inilahad ang kamay at isang maliit nasisidlan ang laman nito.

"Napakabusilak ng iyong puso Lira...... Ito ang sisidlan na ito ang kasagutan sa iyong suliranin Lira....
Sa sandaling tumapak ka sa Encantadia ay inumin mo ito at maaalala ka na nilang lahat lalo na ang magulang." Agad naman na inabot ni Lira ang maliit na sisidlan at kanya itong niyakap.

"Maraming salamat Emre.... Maraming maraming salamat." Sabi ni Lira na di malaman kung ano ang mararamdaman ngayong hawak na niya ang sisdlan na makapagpapabalik sa lahat sa dati.

Tuwa... Pagkasabik.....lahat na ay nararamdaman niya dahil sa wakas maaalala na siya ng kanyang magulang na sila Amihan at Ybrahim. Nakangiting nakatingin naman sa kanya si Kahlil natutuwa ito na maisasaayos na muli ang kaguluhan na ginawa ni Ether sa kanyang apwe.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kanina pa pabalik-balik si Danaya sa paglalakad nag-aalala siya sa nagaganap sa Sapiro lalo pa at di pa bumabalik ang mga nagtungo roon.
"Sang'gre Danaya.... Bakit hindi ka muna maupo... Kalamayin mo ang loob mo." Sambit ni Imaw sa kanya.

"Nag-aalala lamang ako Imaw.... Lalo pa at wala pa tayong balita sa kanila." Sagot naman ni Danaya ng makitang papasok si Aquil sa silid tanggapan ni Amihan.

"Aquil nandyan na ba sila nakabalik na?" Tanong niya agad. Umiling naman si Aquil
"Hindi pa sila nagbabalik ngunit may mas mahalaga tayong dapat harapin dito." Sagot ng mashna.
"Ano yun?" Tanong ni Imaw.

"Ang mga hathor sumasalakay." Sambit ni Aquil. Naikuyom naman ni Danaya ang kamao sa narinig.
"Pashnea..... Tayo na maghanda na tayo." Sambit ni Danaya saka siya nagpalit ng baluting pandigma.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Comments and Votes.

Continue Reading

You'll Also Like

21.8K 200 21
Different stories in one shot Tagalog-English Help by: Bird Stone Inspiration from: Puto Bongbong & Friends With Collaboration: @MrJamba
18.3K 443 19
the book 3 has come arrived: the story unfolds about our main character named Amihan who is the second eldest among of the four sisters. Mature and...
It's You By Aloha

General Fiction

18.6K 366 45
"Sa totoong mundo mahirap manglimos ng totoong pagmamahal."
7K 160 40
Different types of Filipino and English Poetries. ✅ Free verse ✅ Tanaga ✅ Haiku ✅ Limerick Note: All of my works are myself written remember plagia...