The Perfect Weapon [COMPLETED]

By ROOBIINHOOD

597K 17.9K 860

Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damda... More

General Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4- Minor Edit
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56- The End

Chapter 7

12.9K 423 14
By ROOBIINHOOD

Reese Elizabeth Cohlsin


"Oh, gising ka pa?" Tawag ko kay Terry na kakalabas ng kwarto.

Umiwas ako ng tingin nang mapansin na wala siyang suot na panloob. Masyado siyang komportable sa buhay.

"Hindi ako makatulog. Dagdag pa na parang may narinig ako na lumagabog sa itaas." Wika niya sabay lapit sa pwesto ko, "Naka-semento nga pero rinig pa rin ang ingay."

"Huwag mo na lang pansinin." Kanina pa nga iyon pero hindi na ako nag-abalang alamin kung ano ang nangyayari sa taas.

"Ikaw ba, hindi inantok? Tinotoo mo talaga ang sinabi mo kanina ah."

"Hindi ako dalawin ng antok."

"Magchikahan na nga lang tayo." Nakangising suhestyon niya, "Nagka-boyfriend ka na ba, Reese?"

"Boyfriend? Ni wala akong nakilalang binata noong nasa bahay pa ako nakatira."

Ni minsan ay hindi kami pinalabas ni Papa ng bahay beses lang na nakalabas kami ay nang itinakas kami ni Mama papunta sa amusement park. Nang makauwi at nalaman ni Papa ay nag-away sila ni Mama dahil doon kaya kahit kailan ay hindi na namin ninais ni Reed na lumabas man lang. Namroblema pa kami habang nasa Park dahil biglang nanghina ang kambal ko at dahil nauubusan kami ng oras ay sinugatan ko ang aking palad at ipinainom siya ng dugo ko.

"Jusko naman. Maria Clara ka ba? Taong tabon o ano? 21st century na tayo pero sinasabi mo na ngayon ka lang nagkaroon ng kaibigan o kakilala na kasing edad natin." Umiiling na sabi niya, "Sa ganda mong 'yan eh wala man lang nanligaw? Walang naglakas loob na magpakilala?"

"Wala."

"Charry! Halika nga rito!" Malakas niyang sigaw.

Napalingon ako sa pintuan ng parang may narinig ako na kumakalas.

"Ingay mo, Terry. Baka ma-report tayo dahil sa'yo ah!"

Nagsisigawan na ang dalawa habang ako naman ay dahan-dahan na lumapit sa pinto. May naamoy ako na pabango galing sa labas.

Hinawakan ko ang doorknob ng mahigpit, may dalang susi kung sino man ang nasa kabila. Sinubukan niya pang buksan ang pinto pero nang mapag-isip-isip niya na baka mali ang susing ginamit ay tumigil naman siya. Idinikit ko ang aking kanang tainga sa pinto at narinig ko ang malutong niyang mura bago tumalikod.

"Reese? May problema ba?" Tawag ni Terry sa akin.

Sinenyasan ko naman siya na huwag lumapit.

"Stay here." Bilin ko saka binuksan ang pinto, "May titignan lang ako sa labas."

Sinuri ko ang pinto, may nagmarkang kuku ng kung sino. Ang sahig ay may mga putik at mangilan-ngilan na damo.

Mahuhuli rin kita.

Bumalik ako sa loob na parang walang nangyari. Ni-loco ko ang pinto at naupo sa harap nina Terry at Charry na naguguluhan sa inasal ko.

"Bakit, Reese?" Tanong ni Charry.

"Wala naman."

"Sige na nga! Magkwentuhan na tayo!" Thrilled na panimula ni Terry, "Chika natin ang tungkol sa mga hari, specifically the Highest King, Mr. Vhon Ashton Black."

"Bakit naman siya ang pag-uusapan natin?" Tanong ko.


"

Why?" Interesanteng tanong niya, "Because the major happenings in this Academy are all about him."

"When we talk about King Vhon, kasama na do'n si Leonora the kontrabida." Dugtong ni Charry.

"Leonora the kontrabida? Girlfriend siya ni Ashton?"

"Hindi daw, 'yon ang sabi ng iba. Professional ang trato sa kanya ni Vhon. But well, as the Queen, Leonora is the bitch you never want to mess up with. Pinapabugbog niya ang lahat ng umaagaw sa atensyon na dapat daw ay sa kanya, lalo na kapag si Vhon ang naaagaw sa kanya. Attention seeker siya at sadyang arogante. Isang maling sagot mo lang, umasa ka ng may mangyayaring hindi maganda sa 'yo." Sagot ni Terry sa akin na may kasamang panlalaki ng mga mata, "What do you expect nga naman sa isang anak ng assassin at soon to be tagapagmana ng Mafia."

Sa attitude pa lang ni Vhon, hindi malayong ayaw niya ng commitment. He's too heartless para umibig. Mukhang bagay nga sila ng Leonora na 'yon. Gusto kong makilala ang Reyna na 'yon. Gusto kong makalaban ang isang anak ng assassin at tagapagmana ng isang Mafia clan.

"I want to meet her."

"Yaaah?! Tanggap na naming weirdo ka talaga at may topak Reese, pero iwasan mo na lang siya, okay? Baka pati si Vhon makalaban mo pa dahil sa kanya." Suway ni Terry sa akin.

"Ashton can control his emotions. I don't think he care about Leonora that much since sabi mo naman ay professional ang pagtrato niya dito."

"Alam mo, hindi na talaga kita maintindihan." Dismayado ang mukha ni Charry, "Naghuhukay ka ba ng sarili mong libingan?"

"Vhon isn't just a King, Reese. Mafia heir din siya. Pinakamalakas na Mafia clan sa buong Pilipinas na saklaw ang iba pang kontinente sa labas ng bansa. Siya ang magpapatakbo no'n balang araw. Imagine mo na lang kung si Leonora ang makakatuluyan niya. Geez." Nangyime na litanya ni Terry.

"Huh?"

"What we mean is, mautak si Vhon. At para mas maging mabilis at malakas ang Mafia niya, kailangan niyang makapag-asawa ng katulad niya na isa ding tagapagmana." Pagpapaliwanag ni Charry, "Umaabot na tayo sa kung saan."

"Pero ang sabi ni Mama, dapat daw magpakasal ka lang sa taong mahal mo at hindi dahil sa kung ano ang meron siya." Rason ko naman.

Natawa siya sa sinabi ko.

"Tama naman siya, Charry. Makatawa 'to." Turan ni Terry sa inasal ni Charry, "21st century na tayo, praktikal na ang mga tao ngayon. Hindi na uso ang love, arranged marriage ang trend ngayon. At sa mukhang 'yon ni Vhon? Power over love ang pipiliin niya." Salungat niya.

Just as I thought. Pero walang kasiyahan kung walang pagmamahal. Lagi kong nakikita iyon sa mga magulang ko. Kapag nagmahal ka, sasaya ka. Lagi silang nakangiti, naglalambingan at tumatawa.

"Ano ba ang pakiramdam ng nagmamahal at minamahal?"

"Reese. Tao ka ba talaga?" tanong ni Charry

"Hindi ko alam. Mukha ba akong alien?" balik ko

"Haha! Siraulo." Binato ako ni Terry ng popcorn.

"Kapag nagmahal ka, masasaktan ka. Kapag minamahal ka, masasaktan ka pa din." Biglang umasim ang mukha ni Charry.

Pero hindi gano'n ang nakikita ko kina Mama.

"Bakit? Diba nakakapagpasaya ang pagmamahal?"

"Reese, walang exact definition ang pagmamahal. Kapag nagmahal ka, magsasakiripisyo ka. Masasaktan ka kasi may mga dadating na pagsubok sa inyo ng taong mahal mo. Doon nasusubukan kung gaano katatag ang tiwala at pagmamahal niyo sa isa't isa." Litanya na naman ni Charry na parang pinariringgan ang kanyang sarili, "With love, comes pain and sufferring."

"Talagang kasiyahan ang dulot ng pagmamahal, lalo na kung mahal ka din ng taong mahal mo. Normal lang sa buhay ang masaktan, Charry, ang ampalaya mo ha!" Hinila ni Terry ng mahina ang buhok no Charry.

"Sa inyo ba? Ano ang love?"

Ngumiti ng malapad si Charry, "Love? Four letters that can shatter you into pieces."

"Pipirasuhin ka?"

"Baliw ka talaga. Hindi literal ang ibig ko'ng sabihin. Yung halos dudurugin ang puso mo, yun bang babasagin ang tanging organ mo na tumitibok sa loob na halos gusto mo nang mamatay. Masakit talaga magmahal, Reese. Kung alam mo lang."

"Ikaw, Terry?"

"Pagmamahal 'yong tanging bagay na kokompleto sa puwang sa puso natin, Reese." sagot niya.

Pagmamahal ang kokompleto sa isang tao? Hinawakan ko ang aking dibdib, magkakalaman din ba ito?

"May minahal ka na ba, Charry?"

"Si Ford ang tanungin mo kung minahal niya ba talaga si Charry. Haha." singit ni Terry saka inulan ng pang-aasar ang namumulang mukha ni Charry.

"Tsk. Tigilan na nga natin ang love love na 'yan!" Hindi niya kinaya ang pang-aasar sa kanya hanggang mag-walk out na siya.

"Matutulog na ako!" Sigaw niya sabay bagsak ng malakas ng pinto.

"Alam mo, Reese... Charry and Ford had the best days of their lives when they were together." Matamis na ngiti ang binigay sa akin ni Terry, "They were so in love. Everything was magical. Lalo na kay Charry who gave her all to Ford."

Kaya pala naging gano'n ang reaksyon noon ni Ford nang mabanggit ko ang pangalan ni Charry. Kinantiyawan rin siya ng mga kaibigan niya dahil doon.

"Ano ang nangyari?"

"Ford was o baka nga hanggang ngayon ay womanizer pa rin. Old habits die hard eh." Sagot niya.

Pero hindi ko nakita iyon kay Ford. He is a good man. Wala sa hitsura niya ang pagiging womanizer. Nirerespeto niya ako bilang babae at disiplinado siya.

"Na-bully din ba si Charry dahil kay Ford?"

"Not that much. More on death threats lang naman at minor pranks ang nangyari. Things just got worse no'ng kumalat na ang tungkol sa break up nila." Lumapit siya sa akin ng bahagya, "But there's this evil witch who tried to kill her."

"Sino?"

Napabuga siya ng malalim, "No one knows. Ang sabi sa tsismis ay manipulative ang babaeng 'yon. Marami siyang inutusan para ma-bully si Charry, at sa tuwing malalaman na namin kung sino siya ay kaagad na pinapatahimik niya ang nakakaalam kung sino siya."

"Sa tingin mo ba ay may kinalaman ang pangayayaring iyan sa ngayon? Sa taong nagpupumilit na makapasok rito."

"Maliit ang chance. But here's the biggest chika, ang sabi ay gusto niyang mapa-sakanya ang lahat ng King rito sa Academy."

"Oh." Tanging reaksyon.

"Alam mo, Reese, sinubukan naming alamin kung si Leonora ba 'yon pero napatunayan naman na hindi siya. All eyes lang siya kay Vhon eh."

"Okay."

"Mapunta naman tayo sa ideal guy mo, Reese." Taas-baba ang kilay niya habang may nakapaskil na ngisi sa kanyang mga labi, "May type ka ba rito?"

"Wala." Ni hindi sumagi sa utak ko ang mga ganitong bagay.

"Ang boring mo'ng kausap sa ganitong part ha." Umikot ang eyeballs niya, "Gusto mo ba ng mas matangkad sa'yo o pareho lang kayo ng height?"

"Ang gusto ko..." Sinampal ko ang sarili ko nang may kung ano na biglang lumitaw sa utak ko, "Wala akong partikular na gusto. Hindi ba't puso naman ang tinitignan kapag nagmahal? Kaya wala akong ideal type. Pero sa tingin ko ay mas maayos tignan kung mas matangkad siya sa akin."

"Reese ha, may sumagi sa isip mo kaya siguro sinampal mo ang sarili mo, ano?" Sinundot-sundot niya ako sa targiliran, "Sino 'yan ha."

"Wala naman."

"Sige. Next question tayo." Pinagpapadyak niya ang kanyang mga paa, "Would you rather date a guy like Vhon or the opposite?"

"Bakit?" Lumayo ako ng bahagya sa kanya, "Hindi ko naman siya kilala ng lubusan kaya bakit napupunta lagi sa kanya ang usapan."

"Eh! Just answer the question." Natatawang niyakap niya ang kanyang sarili, "Sige ito na lang, bad boy o good boy?"

"Ah... Pareho." Sagot ko, "We all have our bad sides. Kung magiging masama siya dahil kinakailangan, okay sa akin 'yon."

"Hindi ko gets ng kaunti." Bumungisngis naman siya, "Ewan ko ba pero sa tuwing naiisip ko kayo ni Vhon ay kinikilig ako."

"Walang magandang patutunguhan ang ganyang pag-iisip mo, Terry."

"Isipin mo naman kasi, Reese. Kapag naging kayo ay magiging cold couple kayo. Ikaw na ice queen at siya na ice king. Perfect!"

"Matulog ka na." Biglang sabi ko, "Maaga pa bukas ang klase mo, diba?"

Padabog na tumayo siya, "Hay naku, Reese, pinapaalala mo na naman ang isa sa pinakanakakatamad na araw ng buhay ko."

"Goodnight, Terry."

"Night, Reese. Mapanaginipan mo sana si King Vhon! Hihi!" Kapagkuwan ay kumaripas siya ng takbo papaasok ng kwarto.

Humiga naman ako ng nakatihaya at nakipagtitigan ako sa kisame.

Ni minsan ay hindi pa ako nananaginip sa tanang buhay ko. At kapag managinip man ako, ang gugustuhin ko na makita ay ang mukha ng pamilya ko.

Continue Reading

You'll Also Like

163K 4.8K 45
Was there any hope when all of his senses demanded him to kill her when his heart only wish was to spend a day with her?
348K 10K 88
A serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live...
2025 By boss ni wawie

Science Fiction

610K 39K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...
23.6K 1.2K 63
「COMPLETED」「UNEDITED」 Babaeng happy go lucky, laging nasusunod, lahat ng gusto nakukuha agad agad. May kapatid na sweet at caring at syempre may magu...