Falling for Mr. Wrong (A Shar...

By imnotkorina

146K 4.7K 981

Alam ni Corazon kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para masabing ito na si Mr. Right... More

FALLING FOR MR. WRONG (A SharDon Fanfic)
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER: Mr. Right

CHAPTER 24

2.9K 101 30
By imnotkorina


CORAZON

Tinignan niya ang mga braso. Humupa na ang pamumula no'n. Taliwas sa sinabi ni Donny ay tingin niya naman hindi ganoon kalala ang nangyari. He just overreacted. Maputi ang balat niya kaya mabilis itong magkulay kahit sa kakaunting bagay.

Bumuntong-hininga siya bago ibinaba ang manggas ng kanyang sweatshirt at niyakap ang sarili. Malamig dahil gabi na't nagsimula pang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya nga sa halip na pumila siya sa terminal para makasakay na ng jeep pauwi ay pinasya niyang dito na muna sa waiting shed manatili para hindi mabasa.

Pilit niyang iwinawaksi sa isip ang mga nangyari kanina. How Donny overreacted and how Kisses looked quizzically at them both. Nasisiguro niyang sa mga oras na ito ay tinatanong na nito si Donny. Hindi tanga si Kisses para wala itong mapansin.

Kung mangyayari man iyon ay hihingi na lamang siya ng tawad dito. Hindi naman mahalaga kung magkakilala sila ni Donny o hindi pero sa tingin niya mali pa ring pinagtaguan niya ito. But it wouldn't surely affect their relationship so she shouldn't bother herself too much too.

Hinigpitan niya ang yakap sa sarili nang umihip ang mas malamig na hangin. Pinanood niya ang bawat patak ng ulan sa naiipong tubig sa gutter. Nawala roon ang tingin niya nang isang pares ng maganda at mamahaling sapatos ang umagaw ng kanyang atensiyon. Sinundan niya ng tingin ang taong nagmamay-ari no'n at pagod na napasinghap nang makita si Donny.

Ngayon ay may suot na itong itim na leather jacket sa ibabaw ng puting long sleeves. Wala itong dalang payong ngunit hindi naman masyadong basa ang ulo at katawan. But still droplets of water fell from his hair. The way his hair became messier and his lips more wet and red bothered her so much.

"Sumabay ka na sa'kin. Ihahatid na kita pauwi," he said in a casual and low tone.

Mariin siyang pumikit. Kinakalma ang sarili. Kanina'y gusto niyang sumabog. Hindi niya maintindihan ang ikinilos nito. Ano naman kung mapaso siya ng sabaw? Ano naman dito kung masaktan siya? Bakit ngayon ito nag-aalala kung kailan hindi na niya iyon kailangan?

Mahal niya si Donny pero hanggang doon lang ang katangahan niya. Luckily.

"Corazon..."

"Nasaan si Kisses, Attorney Pangilinan? Hindi ba siya ang dapat mong ihatid pauwi?" aniya sa malamig na tono. Nakatakas ang sakit sa kanyang tono sa kabila ng pigil niya rito.

"Nakauwi na siya. The driver drove her home."

"Kung ganoon umuwi ka na rin," tumayo siya at inayos ang sports bag sa kanyang likod. Balak na niyang suungin ang ulan para lang makawala sa harapan ni Donny.

"Corazon...hayaan mo na ako'ng ihatid ka."

Tears stung her eyes. Nanginig ang labi niya dahilan upang kailanganin niyang kagatin iyon. Hindi niya alam kung bakit siya ang kailangan nitong paglaruan ng ganito. Ngunit kung ano mang rason iyon ay sana tumigil na ito. Isn't it enough that up until now she's in love with him?

"Masaya ka ba, Donny? Masaya ka ba tuwing pinaglalaruan mo ako? Nage-enjoy ka ba?" nakakagulat ang kalmado niyang tono sa kabila ng lahat ng emosyong gustong sumabog.

Sinabi niya iyon nang nakatingin kay Donny ng tuwid. Sinalubong nito ang kanyang mga mata nang hindi natitinag.

"Hindi kita pinaglalaruan—"

"Kung gano'n, bakit? Bakit, ha?" nanginig ang boses niya. Tumulo ang kanyang luha bago pa man niya iyon mapigilan. Wala na. Nakita na ni Donny na nasasaktan siya. There's no reason for her to hide it anymore. "Bakit ganyan ka kung maka-akto ngayon? Bakit parang concerned na concerned ka sa'kin? Bakit hindi mo na lang ako pabayaan?! Nagawa mo ng sampung taon 'di ba?! Bakit 'di mo pa ituloy-tuloy?! Pabayaan mo na ako!"

Lumapit si Donny sa kanya. Sari-saring emosyon ang naglalaro sa maganda nitong mga mata. He held her by the arm but that didn't stop her from thrashing to escape from his tight grip.

"Bitawan mo nga ako!" sigaw niya habang buong lakas na hinahampas ang dibdib nito. Hoping that the pain would make him let go. Ngunit hindi. "Ano ba?!" She slapped him repeatedly on the face and on his chest but his grip only became tighter. Tumigil siya't natauhan nang makita ang dugo sa pumutok nitong labi.

Her fists rested on his chest. Pinagmasdan niya si Donny na nakayuko at tila nanghihina. Tears pooled on the sides of his eyes until they fell. For a moment she forgot about her own pain. This is the first time she'd ever seen him cry.

Naguguluhan siya. Bakit mukha itong nanghihina? Bakit mukha itong nasasaktan? Ano'ng karapatan nitong maramdaman ang mga iyon? Kung may dapat masaktan dito, siya iyon. Siya dapat iyon.

"Let me drive you home. For the last time. Please, little girl..." pumikit ito bago kinagat ang ibabang labi. Unti-unti iyong pinakawalan sabay ng direktang pagtingin nito sa mga mata niya. "And this is going to be the last time you'll ever see me."

Hearing his endearment for her from years ago gave her goose bumps. Bakit naaalala pa nito iyon? Bakit naaalala pa siya nito? Hindi siya mahalaga para kay Donny kaya dapat matagal na siyang nakalimutan nito. Bakit?

Maluwag na ang pagkakahawak ni Donny sa mga braso niya. Dapat ay kunin na niya itong pagkakataon upang tumakas at lumayo mula rito. Ngunit sa halip na iyon ang gawin ay nanatili siya sa harapan nito nang walang ginagawa ni isang kilos.

She's stuck between holding on and letting him go. Pagod na siyang gawin iyong una at iyong pangalawa ay tingin niyang tamang gawin. Pero hindi niya magawang mamili. Nananatili siya sa gitna at takot gumawa ng desisyon.

Kinuha ni Donny ang kanyang mga kamao nang hindi pa siya kumilos. Nanghihina siya kaya naman wala nang nagawa pa nang dalhin nito iyon sa labi at bigyan ng tig-isang halik. Her fists loosened, giving him a chance to kiss her palms.

Pumatak ang mainit nitong luha sa kanyang balat ngunit 'di na siya nabigyan pa ng pagkakataong pansinin iyon nang mabilis nitong alisin ang jacket at ipatong sa kanyang ulo. Naramdaman niya ang init na nagmumula sa katawan ni Donny nang akbayan siya nito.

He's so solid and warm and he's here. Her heart clenched painfully that it became harder for her to breathe properly. Hindi niya alam kung para saan iyon pumipiga at namimilipit na halos maramdaman niya ang pisikal na sakit. She's so happy that he's here even if it's wrong to feel that way.

Naisakay siya ni Donny sa passenger seat ng kotse nito na nasa 'di kalayuan mula sa waiting shed kung saan siya kanina. Isinara nito ang pintuan nang hindi kinukuha ang jacket mula sa kanya para sa sarili nitong panangga sa ulan. Mabilis itong umikot hanggang sa maka-upo na sa likod ng manibela.

Ngayon ay talagang nabasa na ang damit nito. The cloth of his white long sleeves sticked on his skin and molded on every curve of his muscles. Inilayo niya ang kanyang mga mata rito. Inihulog ang jacket sa kanyang balikat upang mas lalong mapawi ang lamig.

Binuhay ni Donny ang makina at mabilis na pinatay ang aircon sa loob ng kotse upang hindi na maging mas malamig pa. But that's not really needed. Ang init ng katawan ni Donny ay naiwan sa jacket nito na ngayo'y nakabalot na sa kanyang balikat. Providing not only warmth but also security.

Nanatili ang tingin niya sa dashboard habang ito'y tahimik lang din na nagmamaneho. Nakakabingi ang ingay na namamayani sa buong sasakyan. Tanging ang mabigat niyang paghinga at marahas na tibok ng puso ang naririnig ng kanyang tenga.

Nagpapasalamat na lang siya na no'ng huminto ang sasakyan ni Donny sa tapat ng bahay niya ay tumila na ang ulan. Binuksan niya ang pintuan at mabilis na bumaba mula sa sasakyan. Ngunit mas mabilis si Donny dahil nakatayo na kaagad ito sa gilid ng sasakyan.

Huminto siya sa harapan nito at inalis ang leather jacket nito sa kanyang balikat. Muli ay naramdaman niya ang lamig ng gabi. Iniabot niya iyon kay Donny nang walang sinasabing kahit na ano. Ano pa bang dapat sabihin?

Ang buong akala niya ay kukunin ni Donny ang jacket na inilalahad niya nang kumilos ito. Para lang pala magulat nang tabigin nito ang kanyang kamay at ikulong siya sa mga bisig nito para sa mahigpit na yakap.

"Attorney—"

"I know I don't have the right to ask this. But this is the last time so please give me even just a minute," naramdaman niya ang pagkilos ng labi nito sa kanyang leeg.

Napapikit siya ng mas humigpit pa ang yakap ni Donny. Ang isang palad nito'y nasa kanyang batok na tila kulang pa ang lapit nila at kailangan pa siya nitong idiin sa katawan nito upang maging sapat ang distansiya nilang dalawa.

"No..." he breathed on her skin again. "Give me five minutes, little girl."

Her mind's telling her to push him away. Ano'ng karapatan nitong humiling ng kahit limang minuto sa kanya? Pagkatapos ng lahat? Ngunit muli ay naging traydor ang kanyang katawan at hinayaan si Donny. Ang mga palad niya'y walang pakinabang na nanatili sa magkabila niyang gilid habang sa isa'y mahigpit na kipkip ang jacket nito.

Naluha siya habang dinadama ang pamilyar na pakiramdam. It hurts being this close with Donny and not being able to hug him back. To tell him how much she loves him and how much it still hurts. Dahil alam niyang oras na gawin niya ang mga iyon ay tila lalo lamang niyang pinanindigan ang pagkakamaling ito.

Ang dami pa naman niyang gustong sabihin. Mga tanong at salitang naipon sa loob ng sampung taon. Ngunit ni isa ay wala siyang nagawang isatinig. Kahit na iyong dalawang salitang matagal na niyang gustong sabihin dito. Mahal kita, Donny.

But it's wrong. All of this. Allowing him to hug her like this. Letting herself enjoy the feeling of being enclosed with his arms. This is all so wrong. Donny has Kisses now and she doesn't want her feelings to be played by him again.

Sinubukan niya nang dumistansiya. Inisip na sapat na ang panahong naibigay niya rito at sa kanyang sarili. She thought it's enough for Donny as well. Ngunit bago pa man lubusang makalayo ay kinabig siya nito hanggang sa maramdaman niya ang pagsiil nito ng halik sa kanyang labi.

She tried to push him away on the chest. Not because she doesn't like to kiss him but because she knew this shouldn't be happening. Ngunit nawalan siya ng lakas nang magsimulang kumilos ang labi nito sa kanya at itulak nito ang batok upang mas mapalalim pa ng husto ang halik.

"D-Donny..." dapat ay matalim ang tonong gamit niya doon. Hindi malambing at mas lalong hindi dapat nang-aakit!

Pinulupot ni Donny ang isang braso sa kanyang bewang at mas lalo lamang siya nitong itinulak sa sarili. His tongue licked the seam of her lips, asking for entrance. Ibinigay niya ang hinihingi nito nang hindi nagdadalawang-isip. He started moving again. She tried mimicking him but she failed miserably.

Corazon! Sigaw niya sa sarili nang mapagtantong sa halip na iniisip kung paano ito hahalikan pabalik ay dapat niyang isipin kung paano ito maitataboy!

Bakit ba hanggang ngayon ay alipin siya ng mga halik nito? Kahit noon! Kahit pa alam niyang mali at labag sa utos ng kanyang kapatid, kapag si Donny na ay handa niyang baliin ang lahat maging ang sariling prinsipyo!

Natauhan siyang muli. Pilit na inaalis ang utak sa malambot nitong labi at masarap na halik. Tinulak niyang muli si Donny sa dibdib nito. Nang gamitan siya nito ng lakas ay agad siyang natalo. She bit his lip ngunit pilit itong kumakawala. Kissing her with so much passion and urgency. Mas diniinan niya ang pagkagat sa labi nito hanggang sa malasahan na niya ang bakal sa dugo nito.

Sa wakas ay pinakawalan na siya ni Donny. Kapwa nila habol ang hininga nang matapos ang halik. Hindi pa rin nito tuluyang inilalayo ang labi sa kanya. He's looking at them like he wanted another breathtaking kiss. Idinikit nito ang noo sa kanya habang ang hinlalaki'y pinasadahan ang ibaba niyang labi.

Muli ay itinulak niya ito. Pinunasan niya ang labi gamit ang likuran ng kanyang palad. Nahihiya para sa sariling katangahan. On the other hand, Donny licked his lips slowly. Para bang nais nitong makita niya iyon ng buo.

"For the last time..." he said in a low drawl. His eyes looked so pained and lost. She wanted to reach out to him and brush that sadness away from his expression but she stopped herself.

Sa halip ay sinikap niyang buhayin ang galit sa kanyang sistema. Ngunit kung may dapat man siyang kainisan ngayon, siya iyon at hindi ito. "U-Umalis ka na!"

Mabilis niya itong nilagpasan bago pa man siya nito muling mapigilan. Padarag niyang sinara ang pintuan bago sumandal doon. Habol niya ang hininga. Tinampal ang noo ng paulit-ulit. Naiinis sa lahat ng maling desisyon niya sa buhay!

She sank on the floor after she got tired punishing herself for her foolishness. Her head is still so dizzy from the kiss she shared with Donny. Her heart just couldn't calm down from hammering. It's always like this with him. She always makes the wrong decisions.

Hindi siya nagawang patulugin ng halik na iyon. Every time she would close her eyes, nararamdaman niya ang mga labi ni Donny na sabik na humahalik sa kanya. At naiinis siya dahil doon. Dahil parang paulit-ulit na nire-replay sa utak niya na tila sirang-plaka ang napakalaking kagagahan niya.

Mabuti at sa pagkakataong ito ay tumupad si Donny sa pangako. Sa mga sumunod na araw, ni anino nito ay wala siyang nakita. Even his bodyguards are nowhere to be found. At least, kahit paano, ay may isang salita naman pala ang Attorney Pangilinan na iyon.

She just couldn't understand why instead of being happy...her heart felt emptier more than before. Hindi niya alam kung martir lang ba talaga siya o tanga o pareho.

"Corazon, can we talk? Kahit sandali lang. This is Kisses."

Tila literal na huminto ang paligid nang mabasa niya ang mensaheng iyon habang nililigpit ang gamit at naghahanda na pauwi.

"Ma'am Corazon, tara na! Umuwi na tayo," yaya ng kanyang co-teacher na si Ma'am Beverly.

Nagtaas siya ng tingin dito. Nakahanda na ang mga gamit sa ibabaw ng mesa nito at siya na lamang ang hinihintay. "A-Ah, mauna na ho kayo Ma'am. M-May...gagawin pa pala ako."

Nagsalubong ang kilay nito. "Ganoon ba? Naku, bilisan mo ha? Magsasara na ito'ng school."

"Sige po.

Nang umalis na ang mga ito ay ilan na lamang silang guro sa loob ng faculty ang naiwan. Tinignan niya ang text ni Kisses at binasa muli bago iyon binura. Hindi niya alam kung may mukha pa ba siyang maihaharap dito pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Pagkatapos ng halik na iyon kay Donny.

Itinago niya ang cellphone sa bag bago tumayo at binitbit ang mga gamit. Naglakad siya pababa ng faculty at nang malapit na sa gate ay maingat siyang nagpapaling-paling ng tingin. Huminto ang kanyang mga mata nang makita si Kisses na nakatayo sa gilid ng kotse nito. Looking so elegant and regal, as usual.

Tila naghahanap din ang mga mata nito. Bawat taong lumalabas ay sinusundan nito ng tingin. Nais man niyang bumalik muli sa loob ay totoo ang sinabi ng kanyang co-teacher na magsasara na ang school. Kung matagumpay man siyang makaalis dito ng hindi nito nakikita, pupunta na lang siya sa bahay ng kanyang Ate Joy upang palipasin ang oras.

Isang may kalakihang estudyante ang papalabas. Sinundan niya ito mula sa likod habang iniyuyuko ang ulo para magtago. Alam niyang mukha siyang tanga ngayon dahil ilang estudyante ang napapalingon sa kanya ngunit wala iyon sa kanyang mga concerns.

"Coach Cayabyab! Ano'ng trip mo?" isa sa mga players niya ang sumigaw mula sa malayo.

Suminghap siya at napalingon dito. Nahagip ng tingin niya si Kisses na ngayon ay nakatutok na ang mga mata sa kanya. Kung minamalas nga naman!

"Coach!"

"Corazon, wait!"

Wala ni isa man sa mga sumigaw ang kanyang nilingon. Nagmadali niyang tinahak ang kabilang daan upang takasan ang mga ito. Lalo na ang komprontasyon kay Kisses. She knew she's done something wrong. Natatakot siyang maipamukha iyon sa kanya oras na mag-usap sila. At hindi niya magawang maipagtanggol ang sarili gaya noon kay Kristine dahil may kasalanan naman talaga siya.

"Ah!" singhap niya sabay hinto nang patawid na sana sa kalsada ngunit may mabangga.

Sumabit rito ang kanyang bracelet at dahil sa tuloy-tuloy ang lakad ng lalaki'y nahila ito at napigtas. Sumabog ang mga beads at gumulong sa kalsada. Pinanood niya ang mga iyon habang natataranta sa kung ano'ng dapat unahing pulutin.

"Corazon! Look out!"

Pagkatapos marinig ang sigaw ni Kisses ay nakabibinging ingay ng busina ang sumunod. Nagulat siya nang may malakas na puwersa ang tumulak sa kanya dahilan upang tumilapon siya sa kabilang panig ng kalsada. Naramdaman niya ang sakit sa kanyang mga palad nang gumasgas iyon sa lupa.

"Iyong babae!"

She immediately snapped out from her shock. Sinulyapan niya ang puwesto kung nasaan siya kanina. Unti-unti ay kumapal ang mga tao. Ngunit hindi natabunan ang nakakagimbal na eksenang tumambad sa kanyang mga mata.

Tila tinakasan siya ng dugo nang makita si Kisses na nakahandusay sa kalsada. Bumaba ang driver at ang kasama nito mula sa puting L300 na ilang pulgada na lamang ang layo mula kay Kisses. Nagkakagulo na ang lahat sa pagtawag ng tulong.

Tumayo siya na tila nawawala sa sarili habang naglalakad palapit. Binabangga ang kung sino mang nakaharang sa kanya nang hindi humihingi ng paumanhin. Wala na siyang ibang marinig sa kanyang paligid. Everything and everyone were blacked out from her senses except for Kisses.

She stopped when her distance is enough for her to take a better look at Kisses. Napatakip siya ng bibig kasabay ng sunod-sunod na agos ng kanyang luha nang makita ang duguan nitong anyo.

----------------------------

A/N: May UD pa ako this weekend. Inspired lang ako ngayong araw. LOL Tsaka baka ma-extend na naman 'to. Ayaw ko na ngang mag-predict kung ilang chapters HAHAHAHA

Continue Reading

You'll Also Like

10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
25.7K 1.4K 26
Dear D, Ang tagal na kitang pinagmamasdan palagi mula sa malayo.. pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa'yo yung totoong nar...
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...