The Perfect Weapon [COMPLETED]

By ROOBIINHOOD

606K 18K 868

Reese Elizabeth Cohlsin was in coma for fifteen years. Nang magising ay namanhid na ang kanyang puso at damda... More

General Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4- Minor Edit
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56- The End

Chapter 3

14K 453 58
By ROOBIINHOOD

Sadly, I deleted the POVs of the boys in this whole chapter.

But if you have read (and still recall) the original version before this, then congrats, and I hope you had a good laugh. :)

***

Reese Elizabeth Cohlsin


"Good luck sa first day of school mo, Reese, sana ay umayon sa iyo ang araw ngayon." Paalam ni Charry, "Hahabol na ako sa aking first subject. Huhu!"

"Reese, huwag mong kakalimutan ang schedule mo ah. Oh ito, pinagbalot ka namin ng pagkain para sa break time mo," inabutan ako ni Terry ng maliit na lunchbox, "May sandwich diyan at sushi-- made by me, myself and I."

"Hail, Madam Terry! Salamat sa masarap mo na pabaon!" Hinatak na siya ni Charry palabas at pasalampak na isinara ang pinto.

Naiwan naman ako na nakatingin sa lunch box, "Bento box galing sa mga roommates ko."

Ilang segundo na tinitigan ko ito bago napagpasyahang isilid sa aking bag at tumayo. Tahimik na lumabas ako ng apartment at siniguroado na naka-lock ito nang maiwasan na may ibang makapasok.

Hindi ko rin pinalagpas na pasadahan ng tingin ang buong palapag nang makasiguro kung may ibang estudyante pa.

Mabagal na binagtas ko ang hagdan pababa ng dormitory. Matirik na ang araw sa oras na ito. Nang makalayo na ako ng tuluyan ay saka ako may narinig na sumisigaw.

"Reese!"

Paglingon ko ay humahangos si Castiel palapit sa akin, "Bakit?" Tanong ko nang makalapit na siya.

"Wait." Yumuko siya upang humabol ng kanyang hininga, "Hooh! Kapagod!"

"Tinatawag mo ako, may kailangan ka ba?"

Bumuga siya ng hangin at sinuklay ang kanyang buhok na nagkalat sa kakatakbo, "What time is your class? Pwede ka ba ngayon?"

"Mamayang alas onse pa ang klase ko, bakit? Pupunta ako ng library para magbasa." Napakalaki kasi ng silid-aklatan ng Academy, mas malaki at maraming libro kung ikokompara sa mga koleksyon ni Papa.

"Sama ka sa bahay-- huwag kang mag-isip ng kung ano. Sa bahay namin ng mga kaibigan ko... kompleto sila ngayon kaya gusto sana kitang ipakilala sa kanila."

May bahay sila. Naaalala ko na may sinabi si Papa tungkol sa lumang warehouse dito na ginawang bahay tuluyan ng tagapagmana ng Academy, iponapasa sa susunod na mag-aaral rito.

"Bakit naman ako sasama? Hindi kita pinagkakatiwalaan, Castiel, at mas lalong wala akong tiwala sa mga kaibigan mo." Wika ko naman.

"We are the good guys, Reese. I swear, if they do something bad or inappropriate... Or if you ever feel uncomfortable, ihahatid kaagad kita sa klase ko." Pangungumbinsi niya sa akin. Mukhang maayos naman siyang kausap.

"Baka ma-late ako sa una kong klase kapag sumama ako sa'yo."

"Then I'll talk to your teachers. Ako ang bahala sa'yo, Reese. I promise." Itinaas niya pa ang kanyang kanang palad na animo ay sumusumpa.

Nag-aksaya siya ng oras at lakas para ayain ako sa bahay niya kaya pinaunlakan ko ang kanyang inaalok. Mukhang tapat naman siya sa kanyang sinabi, at kung sakali man na may mali silang gawin ay hindi ako magdadalawang isip na balian sila ng buto.

"Sige."

Mabilis niya akong hinatak sa kamay at lakad-takbo kami papunta sa kabilang direksyon. May mangilan-ngilan kaming estudyante na nakakasalubong at base sa kanilang reaksyon ay ito ang magiging bulung-bulungan tungkol sa amin.

"Don't mind them, Reese." Nakangiting pukaw sa akin ni Castiel, "Medyo malayo ang bahay namin pero worth it naman pagdating natin doon. Ipaghahanda kita ng makakain. Sumabay ka sa amin mag-agahan ha?"

"Ayaw ko sanang lumiban sa klase dahil unang araw ko ngayon."

"Ako na ang bahala sa mga teachers mo. Close ako sa lahat ng instructors dito kaya hindi ka magkakaproblema." Pinagpapawisan na siya sa noo, "Grabe ang init ng panahon ngayon. Sana nagkotse na lang ako."

"Mabilis ka ba mapagod?"

"Not really. Ikaw? Hindi ka pa pinagpapawisan ah." Puna niya sa hitsura ko, "Medyo malamig pa ang palad mo."

"Hindi ako napapagod." Diretsang sagot ko, "Ganito talaga ang temperatura ng katawan ko."

"Ah..."

Binilisan namin ang pagtakbo hanggang sa makarating kami sa two-storey house nila.

"Sandali lang, Reese, babalikan kita kaagad." Paalam niya bago tumakbo at nagmamadaling pumasok, "Guys?! May ipalakilala ako sa inyo!" Binalikan niya ako at hinatak upang isama sa kanya papasok ng bahay, "Come in, Reese. I want you to meet my brothers here in the Academy."

Hatak hatak niya ako na hinarap sa tatlo noyang kaibigan na may kanya-kanyang ginawa, may pang-apat ako na nakita na nakahilata sa couch. Nakatingin lang sila sa akin na may iba't-ibang ekspresyon sa mukha. Nabalik silang lahat sa huwisyo ng malaglag ang isang trophy na pinupunasan ng binatilyo sa dulo.

Nagpaunahan sa paglait sa akin ang may kausap sa telepono at ang isang may sinusulat sa piraso ng papel sa kanyang desk.

"Mario Camaro, Miss. Your knight in shining long hair." Si Mario na nabitawan ang telepono ang naunang magpakilala sa akin. Inabot ko ang kamay niya saka niya naman hinalikan ang likod ng palad ko.

Hinatak naman siya palayo ng kaibigan niya at inagaw ang kamay ko, "I'm Alejandro Singh. Gusto mong kumanta? Let's Singh along if you want."

Hinampas naman siya sa ulo ng nagpupunas kanina ng trophy,  "I'm Ford Thompson, and it's a pleasure to meet you. This is Vhon Ashton, madalas siyang tulog kaya nevermind him."

"Magandang araw sa inyong lahat. Ako si Reese at ikinagagalak ko ang makilala kayo." Yumuko ako ng bahagya upang magbigay galang sa kanila.

"Are you hungry? Do you want something to eat?" Ratsada ni Castiel na hindi mapakali, "Here, maupo ka muna rito." Hinatak niya naman ako paupo sa couch malapit paanan ng nahihimbong niyang kaibigan.

Nakatingin lang sila sa akin na isa-isa ko rin silang tinitignan at sinusuri. Parang napako silang lahat sa kanilang pwesto.

"Okay lang ako."

"Ilang taon ka na?" Tanong ni Alejandro sa akin.

"Seventeen, ikaw?"

"Ah, seventeen na kaming lahat maliban kay Mario na mag-eighteen na next week. Late enrollee ka? Akala ko transferee. Madalang tumanggap ng late enrollee rito maliban na lang kung may koneksyon ka sa loob." Mahabang litanya niya.

"Homeschool kasi ako, ito ang unang pagkakataon na pumasok ako sa isang paaralan." Inayos ko ang aking buhok saka sinuri ang buo niyang pagmumukha. Matangos ang ilong, makapal amg kilay pero mababa ang mga pilikmata. Madalang ako makakita ng kulay berdeng mga mata kahit sa telebisyon.

"Kung gusto mo ipapasyal kita sa buong Academy, Reese?" Kapagkuwan ay alok niya.

"Thank you but I have to say no. Magtatagal pa ako rito kaya mas gusto ko na magbasa ng libro sa library sa bawat oras na libre ako." Magalang na tanggi ko sa kanya.

"Hindi ligtas ang lugar na ito para sa katulad mo, Reese. Pero huwag kang mag-alala, nandito naman kami." Nakangiting balik niya, "If someone bothers you, just call us. Okay?"

"Lagi ba kayong ganito?" tanong ko na nagpakunot-noo sa kanila.

"What do you mean?" Balik tanong ni Ford sa akin.

"I've heard rumors about the five of you. Pero magbabago pa naman 'yon kung makikilala ko na kayo ng lubusan." Isa-isang sinuri ko ang mga mukha nila. Halata sa pisikal nila na hindi sila purong Pinoy.

Alejandro has green eyes. Ford has blue eyes. Mario has caramel eyes. At si Castiel kanina na liquid brown pero kung pagbabasehan ang kabuuan ng mukha niya ay halata ang dugo niyang arabo.

"That's another story, Reese." Sagot ni Mario sa akin.

"I know. I have to see it to believe it, right?" Inayos ko ang buhok na kumalat sa akin mukha, "You're all harmless as well... for now."

"Nakapanood na kayo ng horror movie? Yung may napossess na babae, tapos nagsalita ng dahan-dahan in English? 'Yung umiitim ang mga mata niya habang may nakakatakot na background music? Parang gusto kong kilabutan sa isang 'to." Bahagyang umatras si Alejandro, "But regardless, you look harmless too, Reese."

"I like your hair. The color and length really suits you." Puri sa akin ni Mario.

"Maraming salamat, Mario. Bagay rin sa iyo ang hanggang balikat mo na buhok." Balik puri ko sa kanya.

"My pleasure." Mario na may kasama pang kindat, "Inaalagaan ko talaga 'to." Tukoy niya sa buhok sabay suklay rito na parang nasa commercial siya ng shampoo.

"Ipagpatuloy mo pa 'yan, Mario. At sisiguraduhin kong iiwan ka ni Maria mo." Pang-aasar ni Alejandro sa kanya.

"Gago. Walang ganyanan. Mali ba 'yong in-aappreciate mo ang magandang view na nasa harapan mo?" Katwiran naman nito.

"Jerk. Don't treat her like that, binabastos mo siya. Pasensya ka na sa ugali niya, babe ha. Ano'ng dorm number mo?" Si Alejandro naman ang binatukan ni Ford.

"Stop it, you two. Come here, Reese, I'll take you to the kitchen." Pag-aya sa akin ni Ford na mabilis konnamang sinunod.

Pagdating sa kusina ay nadatnan naming seryoso sa pagluluto si Castiel. Nang makita ni Ford kung ano ang kanyang niluluto ay natawa naman ito.

"Pasikat ang loko, popcorn lang naman ang alam lutuin. Kiddie master chef of the year." Pang-aasar ni Ford kay Castiel na binigyan ng huli ng matalim na tingin.

"Shut up! Pinapahiya mo pa talaga ako sa bisita!" Binato niya ng popcorn bits si Ford na sinalo naman nito, "Umalis nga muna kayo! Mag-Youtube ako mamaya para sa tanghalian."

"Sige. Kaya mo 'yan, Castiel." Binigyan ko siya ng moral support dahil tiyak na pang-aasar lang ang makukuha niya kay Ford.

"Salamat!" Binigyan niya naman ako ng thumbs up.

"Maghahanda kami ng fire extinguishers. Nasa speed dial ko na ang hotline ng bombero sa bayan." Tatawa-tawa pa si Ford na binato pabalik kay Castiel ang mga butil ng mais.

"Aba'y salamat na lang sa wala." Sarkastikong sagot ni Castiel sa kanya.

Inaya ako ni Ford na maglaro ng chess habang may kanya-kanyang ginagawa ang iba. Tinuruan niya ako ng mga rules at kaagad ko namang naintindihan ang lahat. Matapos ng tatlong game ay inalok niya naman ako na maglaro ng online application sa cellphone.

"Hindi ko dala ang cellphone ko, nasa dorm."

"Here." Tinanggap ko ang inabot niya sa akin, "Cellphone 'yan ni Castiel. Wait for my invitation dahil magduo tayo. It's a five-man game but we can play together along with 3 other players." Itinuro niya rin sa akin ang mga tama at toxic na style ng laro nang maayos. Hindi niya rin pinalagpas ang pagsasabi ng mga emblem sets at positioning ng heroes.

"Ah. Ito ang nilaro kagabi nina Charry at Terry." Kaya late na sila ng gising dahil sa kakalaro nila ng game na ito. Halos apat na oras lang ang pahinga nila, "Nagmumura pa nga si Terry dahil bubu ng kakampi nila."

Biglang nag-iba ang mood niya sa sinabi ko.

"Oh... Okay. So you're dormmates?" Nabiglang tanong niya.

Napansin ko na nag-iba ang tahip ng dibdib niya at medyo nanginig ang kamay niya na may hawak sa kanyang cellphone.

"Oo."

"Ayayay. Pag-ibig!" Biglang sigaw ni Alejandro.

"Nakakabaliw!" Dugtong ni Mario.

Nang sulyapan ko ang mukha ni Ford ay nag-iba na ang kanyang timpla. Nasasaktan siya na may kasamang galit.

"Let's play." Bawi niya, "Huwag mo nang pansinin ang mga siraulo na 'yan."

"Okay."

Magaling si Ford sa online game na nilaro namin. Kahit wala na siya sa mood ay hindi iyon nakasira sa kanyang gaming performance. Ilang beses niya pang naisalba ang hero ko kapag dinudumog na ito ng mga kalaban.

"Mag-install ka nito sa cellphone mo Reese. Let's follow back each other so we can play again together. Mas matino ka pa kasama kesa sa mga tao rito sa bahay." Litanya niya na umani ng samot-saring reaksyon sa tatlong binatilyo.

"Wow naman. Walang masama sa pagto-troll ng kalaban ah!" Katwiran ni Alejandro.

"Natural na magsasaya tayo kasi ng naglalaro, diba?" Dugtong ni Mario.

"Seryoso sa laro si loverboy pero pagdating kay-"

"Shut up, Asstiel!" Putol ni Ford sa sinasabi ni Castiel, "Dami niyong alam."

Continue Reading

You'll Also Like

400K 26.2K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
28.3K 1.1K 48
Isang simpleng dalaga lamang si alesxia. Siya ay nag iisa nalamang dahil sa pagkawala ng kaniya mga magulang sa mismong kaarawan na edad 9 years old...
12.2K 956 53
Simula nang mawala ang ina niya ay nasanay na si Cassey sa kakarampot na pagmamahal na pinaparamdam ng kaniyang ama. Namuhay siyang mag isa, natuto s...
32.7M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...