Encantadia: A Love Untold [C...

By AmihanMaxTine

278K 7.6K 2.4K

One Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love L... More

Ω Kabanata I Ω Ang Pagbabalik sa Lireo
Ω Kabanata II Ω Ang Kapasyahan ni Mine-a
Ω Kabanata III Ω Ang Sayaw ng Pag-Ibig
Ω Kabanata IV Ω Maskara
Ω Kabanata V Ω Ang Reyna
Ω Kabanata VI Ω Reyna Amihan
Ω Kabanata VII Ω Ang Itinadhana ni Emre
Ω Kabanata VIII Ω Pagdadalang-Diwata
Ω Kabanata IX Ω Mga Nababagabag na Damdamin
Ω Kabanata X Ω Mine-a
Ω Kabanata XI Ω Lihim
Ω Kabanata XII Ω Panlilinlang
Ω Kabanata XIII Ω Si Lira
Ω Kabanata XIV Ω Ang Prinsipe ng Sapiro
Ω Kabanata XV Ω Ang Pagkawala ni Alena
Ω Kabanata XVI Ω Ang Galit ng mga Sang'gre Ω
Ω Kabanata XVII Ω Pagtatagpo Ω
Ω Kabanata XVIII Ω Agam-agam ni Amihan
Ω Kabanata XIX Ω Ang Katotohanan Ukol kay Ybarro
Ω Kabanta XX Ω Bugso ng Kapangyarihan
Ω Kabanata XXI Ω Ang Reputasyon ni Danaya
Ω Kabanata XXII Ω Ang Kaparusahan kay Danaya
Ω Kabanata XXIII Ω Ang Katuparan ng Plano ni Pirena
Ω Kabanata XXIV Ω Ang Pagbagsak ng Lireo
Ω Kabanata XXV Ω Ang Pagkagapi ni Amihan
Ω Kabanata XXVI Ω Ang Kantao, ang Dyamanteng Lira At ang Maskara ni Hara Amihan
Ω Kabanata XXVII Ω Mga Itinakdang Pagtatagpo
Ω Kabanata XXVIII Ω Ang Pagkikita nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXIX Ω Ang Pagbabalik
Ω Kabanata XXX Ω Ang Muling paghaharap nila Amihan at Pirena
Ω Kabanata XXXI Ω Ang Misyon nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXXII Ω Ang Pagbabalik ng Ala-ala ni Alena
Ω Kabanata XXXIII Ω Ang Damdamin ni Amihan
Ω Kabanata XXXIV Ω Ang Kapahamakan kay Lira
Ω Kabanata XXXV Ω Ang Basbas kay Lira mula sa Devas
Ω Kabanata XXXVI Ω E Correi....... Hara
Ω Kabanata XXXVII Ω Ang Muling Pagkikita nila Amihan at Alena
Ω Kabanata XXXVIII Ω Ang Paghingi ng Kapatawaran ni Amihan kay Danaya
Ω Kabanata XXXIX Ω Ang Anak ni Hara Amihan
Ω Kabanata XL Ω Ang Pagliligtas ni Rehav Ybrahim sa Hara Amihan
Ω Kabanata XLI Ω Si Caspian
Ω Kabanata XLII Ω Ang mag-Inang Amihan at Lira
Ω Kabanata XLIII Ω Ang Punyal ng Sandugo
Ω Kabanata XLIV Ω Isang Pamilya
Ang Apat na Sang'gre
Ω Kabanata XLV Ω Si Kahlil
Ω Kabanata XLVI Ω Ang Panlilinlang ni Pirena
Ω Kabanata XLVII Ω Bugna
Ω Kabanata XLVIII Ω Edi Sanctre
Ω Kabanata XLIX Ω Ang Batis ng Katotohanan
Ω Kabanata L Ω Rehav ese Adoyaneva
Ω Kabanata LI Ω Mga Maitim na Balak ni Adhara
Ω Kabanata LII Ω Ang Sumpa ni Ether
Ω Kabanata LIII Ω Mga Mapaglarong Puso
Ω Kabanata LIV Ω Amarteya Lireo
Ω Kabanata LV Ω Ang Pangako Ni Ybrahim
Ω Kabanata LVI Ω Ang Dalawang Kahilingan
Ω Kabanata LVII Ω Ang Itinadhana Para kay Amihan
Ω Kabanata LIX Ω Ang Paglalakabay Patungong Devas
Ω Kabanata LX Ω Ang Pagbabalik Ng Ala-ala nila kay Lira
Ω Kabanata LXI Ω Ang Galit Ni Hara Amihan
Ω Kabanata LXII Ω Ang Pagpaparaya ni Alena
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Agam-agam ni Pirena
Ω Kabanata LXIV Ω Ang Huling Mensahe ni Mine-a
Ω Kabanata LXV Ω Ang Kapatawaran
Ω Kabanata LXVI Ω Hadezar
Ω Kabanata LXVII Ω Halik ng Pamamaalam
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Katuparan ng Propesiya kay Amihan
Ω Kabanata LXIX Ω Isang Bagong Simula
Encantadia: Ang Ikalawang Yugto
Ӝ Kabanata LXX Ӝ Ang Encantadia
Ӝ Kabanata LXXI Ӝ Ang Pagbangon
Ӝ Kabanata LXXII Ӝ Ang Bagong Etheria
Ӝ Kabanata LXXIII Ӝ Ang Huling Pagsubok para kay Lira at Mira Ӝ
Ӝ Kabanata LXXIV Ӝ Avisala, E Correi
Ӝ Kabanata LXXV Ӝ Ang Kasiyahan sa Lireo
Ӝ Kabanata LXXVI Ӝ Ang Apat na Kaguluhan sa Encantadia
Ӝ Kabanata LXXVII Ӝ Katotohanan at Panlilinlang
Ӝ Kabanata LXXVIII Ӝ Si Lirios
Ӝ Kabanata LXXIX Ӝ Pagkakabihag
Ӝ Kabanata LXXX Ӝ Isang Alok
Ӝ Kabanata LXXXI Ӝ Ang Brilyante ng Apoy
Ӝ Kabanata LXXXII Ӝ Ang Tunay na Danaya
Ӝ Kabanata LXXXIII Ӝ Ang Pagbagsak
Ӝ Kabanata LXXXIV Ӝ Enamuya
Ӝ Kabanata LXXXV Ӝ Ang Pagbalik Sa Nakaraan
Ang Kasaysayan ng Lumang Encantadia ayon sa kalatas na sinulat ni Raquim.
Cast and Characters of EALU: Enamuya Arc
Ӝ Kabanata LXXXVI Ӝ Ang Pagkawala ng mga Brilyante
Ӝ Kabanata LXXXVII Ӝ Ang Pagdadalang-Diwata ni Ornea Ӝ
Ӝ Kabanata LXXXVIII Ӝ Ang Muling Pagkikita
Ӝ Kabanata LXXXIX Ӝ Si Amihan, Ng Kaharian ng Lireo
Ӝ Kabanata XC Ӝ Ang Sapiryan at ang Diwata
Ӝ Kabanata XCI Ӝ Sila Memen at Ornea
Ӝ Kabanata XCII Ӝ Sang'gre laban sa Heran
Ӝ Kabanata XCIII Ӝ Ang Ina ng mga Sang'gre
Ӝ Kabanata XCIV Ӝ Si Mine-a
Ӝ Kabanata XCV Ӝ Si Mine-a at si Cassiopei-a
Ӝ Kabanata XCVI Ӝ Ang Pagliligtas
Ӝ Kabanata XCVII Ӝ Pagmamahal
Ӝ Kabanata XCVIII Ӝ Si Raquim, si Mine-a at si Hagorn
Ӝ Kabanata XCIX Ӝ Lireo
Ӝ Kabanata C Ӝ Ang Paglusob
Ӝ Kabanata CI Ӝ Ang Inang Brilyante
Avisala
Kabanata CII: Ether
Kabanata CIII: Pagbabalik sa Kasalukuyan
Kabanata CIV: Pag-Iisang Dibdib
Kabanata CV: WAKAS
Avisala Eshma

Ω Kabanata LVIII Ω Ang Pagsisilang ni Amihan

3K 79 43
By AmihanMaxTine

Ω Kabanata LVIII Ω
Ang Pagsisilang ni
Amihan
Ω


Habang nagpapahinga si Amihan ay pumasok si Ybrahim sa silid niya. Napatingin naman si Amihan dito at siya'y luminga-linga kung may nakakita sa pagpasok ni Ybrahim ngunit wala naman. Agad na lumapit sa kanya ang rehav.

"Amihan...."
"Ybrahim ano ang iyong kailangan?" Tanong niya. Umupo naman si Ybrahim sa tabi niya at hinawakan nito ang kamay niya saka tiningnan ang kanyang palad.

"Amihan sabihin mo sa akin... Ang panaginip kagabi..."
"Oo Ybrahim ikaw nga ang ama ng sanggol sa aking sinapupunan." Sambit niya sa rehav. Napangiti naman si Ybrahim saka niya hinalikan ang kamay ni Amihan.

"Pinapangako ko sayo Amihan....na magiging mabuti akong ama sa ating anak.... At gagawin ko ang lahat maipagtanggol lamang siya sa kahit na anong panganib dito sa Encantadia." Sambit ni Ybrahim, napangiting tumango si Amihan
"Naniniwala ako sa pangako mo Ybrahim." Sambit ni Amihan.
"Avisala eshma Amihan." Sambit ni Ybrahim ng biglang makaramdam si Amihan ng pananakit sa kanyang sinapupunan.

"Amihan anong nangyayari?" Tanong ni Ybrahim sa Hara.
"Nararamdaman ko Ybrahim magsisilang na ako." Sambit ni Amihan. Tumayo naman si Ybrahim.
"Tatawag ako ng mga dama.... Konting tiis lamang, Mahal kong Reyna." Sambit ni Ybrahim saka niya hinalikan sa noo si Amihan bago siya lumabas ng silid para tumawag ng mga dama.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa isang iglap ay nasa Avila na sila Mira, Anthony at Pagaspas. Napangiti ang mortal at diwata ng makita ang Avila na mistulang isang paraiso sa ganda.

"Napakaganda pala dito." Sambit ni Mira.
"You're right Mira, para siyang garden of Eden katulad sa mga nababasa ko." Nakangiting sabi ni Anthony. Napangiti naman si Pagaspas sa mga papuri ng dalawa para sa Avila.

"Ang sabi nyo ay nagmamadali kayo... Kaya tayo na kay Panabon." Sambit ni Pagaspas. Tumango naman ang dalawa saka sila sumunod sa binatang mulawin.

Ilang sandali pa ay nakaharap na nila ang isang may gulang ng Mulawin na tinawag ni Pagaspas na Panabon.
"Panabon siya si Diwani Mira ang nagpatugtog sa plauta ni Avilan." Sambit ni Pagaspas. Napatango naman si Panabon.

"Ano ba ang kailangan ng prinsesa ng Lireo sa amin." sabi nito.
"Kailangan ko nang makabalik sa Encantadia at ang sabi ni Pagaspas ay may isa pang lagusan dito...maaari ba naming magamit ito?" Sambit ni Mira. Tumango naman si Panabon.

"Oo naman Diwani maaaring magamit ng mga kaibigan naming diwata ang lagusan papunta sa mundo niyo." Nakangiting sabi ni Panabon saka siya napatingin kay Anthony.
"Kasama ba ang taong ito?" Tanong nito.
"Oo kasama ko siya." Sagot ni Mira napatango muli si Panabon.
"Kung gayon ay tayo na." Sambit ni Panabon saka ito nagpatiunang maglakad papunta sa kinalalagyan ng lagusan.

Isang kweba ang naratnan nila doon at ng hinawi ni Panabon ang mga baging na tumatakip dito ay nakita na nila ang lagusan papuntang Encantadia.
"Avisala eshma Panabon, Pagaspas.." Sambit ni Mira. Nakangiting sumaludo sa kanya si Pagaspas.
"Walang anuman...." Sambit ni Panabon. Tumango ang dalawa saka sila humarap sa lagusan.

Maglalakad na sana papasok dito si Mira ng hawakan ni Anthony ang kamay niya.
"Anthony?" Tanong niya.
"Sabay tayo." Nakangiting sabi ni Anthony, di mapigilan ni Mira ang mapangiti saka sila naglakad papasok sa lagusan papuntang Encantadia.

"Sana ay magtagumpay sila sa kung anong misyon ang binigay sa kanila ng kataas-taaasang langit." Sambit ni Panabon na pinagdasal ang tagumpay ni Mira.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Habang nagluluwal ng sanggol si Amihan sa kanyang silid kasama ang mga dama at punong babaylan, ang lahat ay nasa labas lamang nito at naghihintay.

Kanina pa di mapakali si Ybrahim sa kanyang kinatatayuan, nag-aalala siya para sa reyna at sa magiging anak nila.
Naisip niya na napakahirap pala ng nagiging lagay ng mga ama at asawa sa mga ganitong sitwasyon.

"Ako'y nasasabik na sa pagdating ng aking hadia." Nakangiting sabi ni Danaya kay Alena.
"Ganoon ka din ba?" Tanong nito kay Alena na kanina pa nakatingin kay Ybrahim.
"Alena?"
"Ah oo Danaya nasasabik na din ako." Sambit ni Alena, at muli ay tiningan niya muli si Ybrahim na nag-aalala.

Ilang sandali lamang ay nakarinig na sila ng pag-uha ng isang sanggol at kasabay nito ay ang pagbagsak ng nyebe sa labas ng bintana ng Lireo.
"Nyebe ba ang aking nakikita?" Tanong ni Aquil na napatingin sa bintana.
"Kataka-taka na kasabay ng pagsilang ng anak ni Amihan ay ang muling pagbagsak ng nyebe sa Encantadia." Sambit ni Imaw.

"Siyang tunay Imaw... Ngayon lang ako nakakita ng nyebe." Sambit ni Danaya.
"Tama ka dahil ang huling pagbagsak ng nyebe ay noonh ipinanganak ang inyong inang si Mine-a." Sambit ni Imaw.
"Kaya ba Mine-a ang ngalan ni Ina?" Tanong ni Alena.
"Siyang tunay mga Sang'gre." Sagot ni Imaw. Napatango naman ang dalawang Sang'gre ng muli ay nakarinig sila ng pag-iyak ng sanggol at kasabay nito ay ang pagbukas ng pintuan ng silid.

"Halina maaari na tayong makapasok ." Nakangiting sabi ni Ybrahim ma agad nilang ginawa di na nila napansin ang pagliwanag ng buwan. Mas maliwanag kesa sa mga nagdaang gabi.

Nagulat ang lahat ng pagpasok nila ay dalawang sanggol ang nasa tabi ng mahina-hinang si Amihan.
"Kambal ang iyong anak Amihan." Nakangiting sabi ni Danaya na agad na lumapit sa Hara at tiningnan ang mga hadia.
"Siyang tunay Danaya kaya siguro kulay puti ang simbulo ng paglalang na lumabas sa aking palad." Sambit ni Amihan

"Ngunit sila ay mga sanggol na lalaki" nagtatakang sabi ni Aquil sa lahat na ikinataka nila sapagkat laging babae lang ang nagiging anak ng Reyna ng Lireo kaya kataka-taka ang naganap na ito sa kanila.

"At hindi lamang iyon mayroon din silang mga marka sa likuran, marka ng araw at buwan?" Sambit ni Alena na tiningnan na din ang mga hadia.
"Ano ang ibig sabihin nito Imaw?" Tanong ni Danaya sa nakatatandang Adamyan. Napailing naman si Imaw sapagkat maging siya ay di niya maarok ang ibig sabihin nito.

Napangiti naman Ybrahim at walang pag-aalinlangan na nilapitan ang mga bagong silang na anak at kanyang binuhat ang isa sa mga sanggol na kulay puti ang buhok at hinaplos ang pisngi ng isa pang sanggol na itim ang buhok.

"Marahil dahil sila ay tigapagmana ng Sapiro at hindi ng Lireo." Sambit ni Ybrahim, napangiti siya ng tumingin sa kanya ang anak at ngumiti.
"Ano ang ibig mong sabihin Ybarro?" Tanong ni Alena nararamdaman na niya ang sagot ngunit nais niyang marinig pa rin iyon.
"Sapagkat si Ybrahim ang muling isinugo sa akin ni Emre para maging ama ng aking mga anak." Sambit ni Amihan wala naman ng dahilan para itago pa ito, malalaman at malalaman din naman nilang lahat.

"Kung ganoon ay ano ang ngalan ng inyong mga anak?" Tanong ni Danaya na kahit nagtataka ay natutuwa pa din para sa kapatid. Marahan namang tumayo si Amihan at kanyang kinarga ang isa pang sanggol na itim ang buhok.
"Ito si Lirios.... At iyan si Caspian." Nakangiting sambit ni Amihan. Napangiti naman si Ybrahim sa ngalan ng kanyang mga anak.

"Kaygandang mga pangalan, Caspian at Lirios....na ang ibig sabihin ay tigapagtanggol ng buhay na pag-ibig." Natutuwang sabi ni Ybrahim. Nakangiting lumapit si Amihan dito at sabay nilang pinagmasdan sa kanilang mga bisig ang kanilang mga anak.

Napaiwas ng tingin si Alena. Masakit sa kanyang malaman na tama ang hinala niya na si Ybarro ang muling ama ng anak ni Amihan. At di niya kayang makita na nagmumuka na silang pamilya.

Marahang umatras si Alena saka siya lumakad palabas ng silid ni Amihan ng di napapansin ng iba.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Napatigil sa panghuhula si Rosa ng pumasok sa silid ang isang babaylan, agad itong yumukod sa harap ni Ilios.
"Ano ang balita nagsilang na ba ang Hara?" Tanong ni Ilios sa babaylan

"Oo Pantas Ilios nagsilang na ang Hara ng kambal na lalaki." Sagot ng babaylan na ikinagulat ni Ilios at ng iba pang kasapi ng Konseho.
"Kambal na lalaki?" Nagtatakang sabi ni Ilios.

"Tanakreshna! Ang isang anak ng Hara Amihan ang magdadala ng kamalasan sa buong kaharian ng Lireo!" Sambit ni Rosa na animo ay may nababasa sa liwanag ng kanyang pamaypay.

"Rosa?" Nagtatakang tanong ng Pantas.
"Ang isa sa kambal ay magdadala sa kaharian ng mga diwata sa isang digmaan.... Digmaan maaaring ikaubos at ikawala ng lahi ng mga diwata dito sa Encantadia!" Nahihintatakutang sabi ni Rosa. Nilukob naman ng pangamba ang buong konseho dahil sa hula nito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Napadilat mula sa pagkakahimbing si Cassiopei-a at siya ay napa-upo. Kanyang pinagmasdan ang panadaliang pagbagsak ng nyebe sa Encantadia.

"Isinilang na pala sila ang dalawang sanggol na aking nakita sa aking Mata... Ngunit bakit ganoon pakiramdam ko ay may kulang sa pinapakita ng aking Mata?" Nangangambang tanong nu Cassiopei-a sa kanyang sarili.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Di mapigilan ni Lira ang malungkot habang naglalakad siya sa kakahuyan ng di kalayuan sa Lireo. Oo natutuwa siya na naipanganak na si Caspian at may isa pa siyang kapatid pero nalulungkot din siya kasi ni di niya malapitan ang mga ito dahil wala naman nakakakilala sa kanya, dama lang siya sa paningin nila.

Napatingin siya sa kalangitan ng may bumabagsak na maliliit na kulay puti na animo bulak. Saka siya napangiti ng makitang nyebe ito.
"Snow!" Nakakatuwa naman saka niya isinahod ang palad niya at hinayaan ang nyebe na bumagsak doon. Ngunit ang sayang handog nito ay panandalian lamang katulad ng nyebe na unti-unti na ding nawawala.

Napahinga ng malalim si Lira at napa-upo sa batuhan at marahang pinahid ang luha niya ng makarinig siya na may nagsasalita at parang kilala niya ang mga ito agad siyang tumayo at humarap sa mga nagsasalita.

"Mira! Anthony!" Nakangiting tawag niya sa mga ito kahit na di niya alam kung natatandaan sya ng mga ito. Napangiti naman ang mga ito ng makita siya.
"Lira!" Magkapanabay na sabi ng mga ito saka siya niyakap ng mahigpit. Napaiyak na siya ng maramdaman ang yakap ng pinsan at kaibigan.

"Salamat... Salamat at naaalala niyo ako." Nakangiting sabi ni Lira sa dalawa.
"Oo naman Lira naaalala kita, namin ni Anthony.... Ano bang nangyayari, bakit umuulan ng nyebe?" Tanong ni Mira sa pinsan, maging si Anthony ay ganun din ang nais itanong sa kaibigan.

"Hindi ko alam kung bakit baka mag-papasko na dito sa Encantadia at tungkol naman sa una mong sinabi, wala na kasing nakaka-alala sa akin dito..... Maging sila Inay, itay... Sila Ashti basta lahat di na nila ako naaalala.... Sinumpa kasi ako ni Bathalumang Ether....na di na ako maaalala ng kahit na sino dito sa Encantadia." Sabi niya. Marahan namang pinahid ni Mira ang luha ni Lira.

"Lahat ng nandito sa loob ng Encantadia kaya siguro naaalala ka namin ni Anthony dahil wala naman kami dito sa Encantadia ng sinumpa ka ni Ether." Sapantaha ni Mira.
"Maybe Mira is right.... Anyway how can we fix this?" Tanong ni Anthony sa kanila.

"Di ko din alam Anthony ikaw Mira... May alam ka ba kung paano ako makakawala sa sumpang ito?" Tanong ni Lira
"Kung si Ether ang nagbigay ng sumpa..... Wala na tayong ibang mahihingian ng tulong kundi si Emre." Sabi ni Mira sa pinsan.
"So you mean?" Si Anthony

"Kailangan ko ulit bumalik sa Devas." Sambit ni Lira sa dalawa.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kanina pa pinagmamasdan ni Pirena ang pagsasanay ng mga babaeng galing Carcero at kanina pa din niya iniisip kung bakit panandaliang umulan ng nyebe kanina di niya alam kung maganda ba o masamang pangitain yun, ng dumating si Gurna at lumapit sa kanya.
"Mahal na Reyna may nasagap akong balita mula sa Lireo." Sambit nito.
"Ano iyon?" Tanong niya.

"Si Amihan, muli siyang biniyayaan ng anak ng tigapagmana." Ang ulat ni Gurna sa kanya. Tumaas ang kilay ni Pirena sa sinabi ng tapat na dama.
"Sa tingin mo ba may pakialam ako dyan Gurna?" Tanong niya dito.

"Di mo ako naiintindihan Pirena.... Nasa Lireo ngayon si Ybrahim at ang ibig sabihin nun ay malaya nating masasalakay ang Sapiro at makukubkob ito." Panukala ni Gurna na nagustuhan niya.

"Mukang may hatid na swerte ang panadaliang pag-ulan ng nyebe kanina...." Sambit niya saka siya humarap kayla Mayca.
"Maghanda kayo! Sasalakayin natin ang Sapiro!" Sambit ni Pirena sa mga ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Marahang umupo si Alena sa kanyang silid at di niya maiwasan na maaala ang mga nagdaang pangyayari na kung paanong noon pa lang ay si Ybarro na ang pinipili lagi ni Emre para maging ama ng anak ni Amihan. Napayuko siya at pinahid ang luha niya.

"Alena ano't nag-iisa ka dito?" Tanong ni Danaya na naratnan siya sa kanyang silid sa Lireo.
"Wala Danaya nais ko lamang magnilaynilay." Sabi niya umupo naman sa tabi niya si Danaya.
"Pagnilaynilayan ang ano?" Tanong nito. Napangiti naman ng malungkot si Alena.

"Ako....si Ybarro....at si Amihan." Sagot nya.
"Alena...."
"Noon pa man Danaya....noon pa man sila na ni Ybarro ang magkapalad.... Sila na ang itinadhana ni Emre para sa isa't-isa.....at ng mawala si Lira akala ko mapuputol na ang ugnayan na iyon....ngunit heto na naman sila muli ang pinagtagpo sa panaginip ng paglalang." Sambit ni Alena na di na napigilan ang luha niya.

"Alena wala naman kasalan sila Amihan at Ybrahim doon.... Kaloob ito ni Emre sa kanila." Sambit ni Danaya na pilit pinapagaan ang loob ng kapatid.
"Alam ko Danaya.....pero di ko maiwasang magalit dahil ako ang unang minahal ni Ybarro..... Ako!" Umiiyak na sabi niya, pinahid naman ni Danaya ang luha ni Alena.

"Alena kung ano man ang namamagitan kina Amihan at Ybrahim.... Di natin mapipigilan yun.... Ikaw na nga ang nagsabi na itinadhana na sila ni Emre....at isa pa Alena ang puso ay di natuturuan....kusa itong pumipili ng mamahalin." Sambit ni Danaya at siya ay umaasa na malinawan si Alena sa nararamdaman nito.

Na kung minsan ay may ginagamit ang tadhana na kasangkapan para magtagpo ang tunay na magkapalad.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Agad na yumukod si Agane kay Hagorn ng siya ay dumating sa Hathoria... Galing siya sa paghahanap sa asawa at anak ng kanyang panginoon.
"Ano ang nangyari sa iyong paghahanap Agane?" Tanong niya dito.

"Hindi ko nahanap ang iyong asawang si Lila Sari at ang anak mo, Panginoon" pag-uulat niya dito. Naikuyom naman ni Hagorn ang kanyang palad saka siya nagpakawala ng bolang apoy na tumama sa isang hathor na ikinamatay nito.

"Pashnea!" Sigaw niya sa inis. Napaatras naman si Agane sa ginawa ni Hagorn ng may maisip siya.
"Panginoon.... May naisip akong paraan para mahanap natin ang iyong anak at asawa." Sambit ni Agane.

"Sige magsalita ka." Utos nito sa kanya.
"Ang tungkod ni Imaw na balintataw.... Sa tingin ko ay iyon ang makapagsasabi sa atin kung nasaan si Lila Sari." Sambit ni Agane, napatango naman si Hagorn.

"Tama.... Ang tungkod ng balintataw.... Maghanda ka Agane ating sasalakayin ang Lireo." Utos ni Hagorn na agad naman sinunod ng kanyang mashna de.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kanina pa pinakikintab ni Wahid ang kanyang sisakyang panghimpapawid na inihandog sa kanya ng mga diwata para sa pagtulong sa mga ito. Minsan iniisip nga niya kung bakit nasira ang dati niyang pag-aaring sisakyang panghimpapawid gayong wala naman siyang pinuntahan kundi Sapiro lamang.

"Wahid!" Napalingon siya ng may tumawag sa kanya at nakita niya si Lira pero nagulat siya ng makita na kasama nito si Diwani Mira at ang isang mortal na di niya kilala, lumapit ang mga ito sa kanya.
"Lira? At bakit kasama mo si Diwani Mira?" Tanong niya.

"Wag ka nang maraming tanong kailangan naming ang serbisyo ng sisakyang panghimpapawid mo." Sabi ni Lira sa kanya.
"At bakit ko naman ipapahiram sa inyo ito." Sabi niya.
"Dahil sinabi ko... May angal ka ba sa isang diwani na katulad ko?" Tanong ni Mira.

"Wala para nagtatanong lang eh." Sabi ni Wahid na napakamot sa ulo.
"Mabuti tayo na at sumakay, sumama ka din Wahid, Ikaw ang magpapatakbo nito." Sabi ni Mira saka ito inalalayan ni Anthony na makaakyat at si Wahid naman ang umalalay kay Lira na makaakyat sa sisakyang panghimpapawid.

"Teka saan ba tayo papatungo?" Tanong ni Wahid pagkaakyat sa sisakyang panghimpapawid.
"Sa Devas." Nakangiting sabi ni Lira. Napakunot naman ang noo ni Wahid para kasing nangyari na ito......na magkalakbay siya papuntang Devas.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..

Napapangiti si Ybrahim habang kanyang pinagmamasdan si Amihan na ipinaghehele sa higaan nito ang dalawang anak. Habang pinagmamasdan niya ito ay di ang reyna ang kanyang nakikita kundi si Amihan, isang mapagmahal na Ina.

Lumapit siya sa mga ito at nakita niyang nahihimbing na ang kanilang kambal na anak. Marahan naman niyang iniyakap ang kanyang mga bisig sa katawan ng reyna at kanyang inihilig ang ulo sa kaliwang balikat ni Amihan habang pinagmamasdan ang kanilang mga anak. Nabiglang napatingin naman sa kanya si Amihan.

"Ybrahim..."
"Avisala eshma.... Mahal ko...." Bulong niya kay Amihan na di inalis ang tingin sa kanya.
"Kong reyna at binigyan mo ulit ako ng pagkakataon na maging ama." Sambit niya. Napahinga naman ng malalim si Amihan.

"Kay Emre tayo magpasalamat dahil siya ang nagbigay ng pagkakataon sa atin na maging magulang muli." Sabi naman ni Amihan saka nito marahang hinawakan ang kamay niyang nakayakap dito at akmang aalisin.

"Ybrahim....baka..."
"Hayaan mo na ako Amihan.... Hayaan mo akong kahit sandali ay mayakap ka nang ganito....ng makasama ka ng tayo lamang...kasama ang ating mga anak." Bulong ni Ybrahim kay Amihan

"Na kahit sandali ay maging isang pamilya tayo na walang ibang iniisip." Bulong muli nito. Napapikit naman si Amihan dahil sa kanyang puso ay iyon din ang kanyang minimithi, ang maging isang pamilya kasama si Ybrahim.

........Tayong dalwa'y
muling magkakasama
Darating din ang panahon
Pagkat pag-ibig kong
ito'y laan sa iyo
(pag-ibig ko'y iyong iyo)
Apoy ng puso ko'y
Maghihintay.......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
So twins ang anak nila Amihan and Ybrahim dahil kayla Emre at Haliyah, dahil sa dalawang retre na naipadala nila ng di sadya.
So the baby with a black hair is Lirios while Caspian is the one who has the white hair.
.
.
.
.
You may say na parang wala namang ginagawa sila Cassiopei-a at Ether dito.... Nuh uh.... Season 2 is coming....
Mas marami silang eksena doon.
👀🐍
.
.
.

Comments and Votes.

Continue Reading

You'll Also Like

19.9K 403 62
Dalawang sanggol ay ipapanganak sa panahon kung saan hindi ka tiyak sa panahon ng iyong kamatayan sila ay isisilang upang tuluyan ng makamtan ang nai...
16.4K 904 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
18.2K 412 63
#471 In Fanfiction Sa Muling Pagbubukas ng isang Bagong Yugto para sa lahat ng nilalang sa Encantadia. Isa nanamang pagsubok ang kanilang haharapin. ...
1.6M 35.4K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈