A Player + A Manhater + A DAR...

By misskomplikado

339K 4.2K 601

He's an all time player. Wala pa siyang sineryosong babae. She's the ultimate manhater. Nang dahil sa isang... More

Prologue
Chapter 1 - The Past.
Chapter 2 - Meet Mr. Playboy.
Chapter 3 - Status: Manhater?
Chapter 4 - Truth or DARE?
Chapter 5 - Friends.
Chapter 6 - Splash!
Chapter 7 - The Consequence.
Chapter 8 - Erik a.k.a. THE PLAYER.
Chapter 9 - The Game.
Chapter 10 - First Date
Chapter 11 - He got caught!
Chapter 12 - Alone
Chapter 13 - The Perfect Dress
Chapter 14 - Fight for you
Chapter 15 - Sweet Old Photograph
Chapter 16 - Who, What and Why...???
Chapter 17 - Him again?!
Chapter 18 - Stuck with each other
Chapter 19 - Thinking of you
Chapter 20 - Exams. Exams. Exams.
Chapter 21 - Confused?!
Chapter 22 - The Annual Ball (part 1) "Grand Entrance"
Chapter 23 - The Annual Ball (part 2) "He meets him"
Chapter 24 - The Annual Ball (part 3) "Deja Vu"
Chapter 25 - The Annual Ball (part 4) "Expect the unexpected"
Chapter 26 - The Annual Ball (part 5) "The Game Plan"
Chapter 27 - "Smile :)"
Chapter 28 - All about him
Chapter 29 - Some old stuff
Chapter 30 - He found her...
Chapter 31 - Meet the Parents
Chapter 32 - Busy?!!
Chapter 33 - Almost!
Chapter 34 - Okay.
Chapter 35 - Ready - Set - Go!
Chapter 36 - A Trip To Remember
Chapter 37 - Double Trouble?!
Chapter 38 - Ian's POV
Chapter 39 - Erik's POV
Chapter 40 - Just Say It
Chapter 41 - Stay.
Chapter 42 - The Chase
Chapter 43 - One Sweet Day
Chapter 44 - The Contract
Chapter 45 - A Sweet Serenade
Chapter 46 - Moment of truth
Chapter 47 - SODAmn Sweet!
Chapter 48 - Done.
Chapter 49 - Unsaid.
Chapter 50 - It's over.
Chapter 51 - Still waiting...
Chapter 52 - Who's that girl?!
Chapter 53 - He's back...
Chapter 54 - Rebound???
Chapter 55 - The Flashback.
Chapter 56 - The Confession.
Chapter 57 - Her Decision.
Chapter 58 - The Soda. Again.
Chapter 59 - The unrequited love.
Chapter 60 - Childhood memories.
Chapter 61 - Another encounter.
Chapter 62 - Goodbye.
Chapter 63 - I won't give up.
Chapter 65 - 143
Chapter 66 - Two Sides.
Chapter 67 - The Sign.
Chapter 68 - The Boat.
Chapter 69 - Letting Go.
Chapter 70 - Game Over
Epilogue
Author's Note: PLEASE READ! :)

Chapter 64 - Choices and Chances.

2.7K 36 4
By misskomplikado

Alexa's POV

Ilang araw na rin kaming di nagkikita ni Ian. Ang sabi niya marami daw siyang inaasikaso ngayon. Ayaw naman niyang sabihin kung ano yun. Nagkakatext kami paminsan minsan, pero ganun lang.

Hindi ko alam pero parang may nagbago sa kanya mula nung huli kaming nagkita. Ewan ko ba.

Nagi-gulity na rin ako dahil di ko sinabi kay Ian yung tungkol kay Erik. Alam ko kasi masasaktan siya. Pero kung di ko naman sasabihin, alam ko masasaktan rin siya.

Bakit ba kailangan maging ganito ka-komplikado ang lahat. Parang lahat ng galaw na gawin ko meron at merong masasaktan.

Akala ko nakamove-on na ako.

Akala ko okay magiging okay na ulit lahat.

Pero akala ko lang pala yun.

Nasabi ko na rin kila Rhea lahat lahat. 

Naalala ko pa nung huli kaming magkausap na magkakaibigan...

- FLASHBACK -

"Sa tingin mo ba hindi masasaktan si Ian sa ginagawa mo?" Tanong ni Rhea.

"Pinoprotektahan ko lang siya." Sagot ko.

"In time, alam mong dapat mo ring sabihin yun sa kanya." Sabi niya.

"I know, kaya lang sa ngayon parang di ko pa kaya." Sabi ko.

"Dahil kay Erik? Umamin ka nga, mahal mo ba si Ian?" Tanong ulit ni Rhea.

"Oo naman." Agad kong sagot.

"E si Erik, mahal mo pa?" Tanong niya.

Natahimik ako.

"Silence means yes." Sabi ni Bunny.

"Hindi ganun. I mean, hindi na pwede. Ewan ko, naguguluhan ako." Sabi ko.

"Alam mo kung bakit ka naguguluhan?" Tanong ni Bunny.

Hindi ako kumibo.

"Kasi 'di mo maamin sa sarili mo yung totoo." Sagot nito.

"Totoo?" Tanong ko.

"Yung katotohanan na ang sabi ng puso mo, si Erik. Pero dahil nandiyan na si Ian, ang sabi ng isip mo si Ian. Tama ba ako?" Sagot ni Bunny.

Hindi ulit ako kumibo.

Lumapit si Rhea sa akin. "Bez, you need to make a choice."

"Pero tama si Bunny. Nandiyan na si Ian. Kapag sinunod ko yung gusto ng puso ko, maraming masasaktan. Isa pa, nandiyan na rin si Alyanna." Sabi ko.

"Kung mahal talaga ni Erik si Alyanna, bakit ganun na lang naging reaskyon niya nung sabihin mong kayo na ni Ian?" Sabi naman ni Rosel.

"I think we're missing something here. Sa tingin ko dapat pinatapos mo muna siya kung ano man yung gusto niyang sabihin." Sabi ni Rhea.

"Wala na akong magagawa. I already made a choice." Sabi ko.

Tumingin sa akin yung tatlo. Tumingin rin ako ng diretso sa kanila.

"I chose Ian."

 - END OF FLASHBACK -

Pinili ko si Ian.

I think it's the best choice para sa lahat.

Para sa akin.

Para kay Ian.

Para kay Erik.

Para kay Alyanna.

Pero bakit ganun.

Kahit nakapag-desisyon na ako...

Bakit parang di pa rin ako masaya?

---

Kinabukasan Friday, pag-uwi ko galing ng school, nagpasama si Mama sa akin na pumunta sa supermarket. Parang gusto daw niyang mamili ng konti, naubos na rin kasi yung supply namin ng pagkain.

Pumayag naman ako agad. Unang-una, I need this. Kailangan kong libangin muna yung sarili ko. Si kuya yung nagdrive ng kotse. Tapos, dadaanan na lang niya kami pauwi.

Medyo maraming namimili since weekend na naman bukas. Nauuna si mama tapos ako naman yung nasa likod nagtutulak nung push cart namin.  

Ayun, ikot dito ikot doon. Patingin-tingin ako sa gilid, naghahanap ng pagkain na pwede kong kunin. Patuloy lang ako sa pagtutulak nung cart, di ko namalayan, nabangga ko na pala yung nasa unahan ko.

"Ay, sorry Ma-" Napatigil ako sa pagsasalita dahil pagtingin ko sa harap, hindi si mama yung nakita ko kung hindi isang matandang babae. 

"Ma-manang?"

Humarap ito sa akin at hindi nga ako nagkamali.

"Manang? Este, Lola? A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko na naguguluhan. Yung huling kita ko kasi kay Lola, sa resort pa sa Cebu.

"Aray ko naman hija, nabali ata yung balakang ko sa ginawa mo." Sabi nito.

"S-sorry po. Hindi ko po kasi kayo nakita." Sabi ko naman.

"Yan ang problema sa'yo e. Marami kang bagay na hindi nakikita. Palibhasa,  you are not paying attention. Di mo alam, nasa harap mo na, pinakawalan mo pa." Sabi nito.

"Ano po?" Tanong ko.

"O kita mo, di ka na naman nakikinig. Ikaw talaga! Aatakihin ata ako sa'yo sa puso e." Sabi ni lola sabay hawak sa dibdib niya.

"Ah, naku! Teka, Lola, ayos lang po ba kayo? Gusto niyo po bang umupo muna?" Sabi ko.

Tumayo nang tuwid si lola, tumingin sa akin nang diretso at nagsalita.

"Hija, wag yung puso ko yung alalahanin mo. Yung puso mo." Sabi niya sabay turo sa dibdib ko.

Napahinto ako. Tama ba yung naririnig ko?

"Naalala mo ba yung sinabi ko sa'yo dati?" Tanong ni Lola.

Alalahanin niyo lang kung gaano niyo kamahal yung isa't-isa.

Hindi pa rin ako makapagsalita.

"Minsan, okay lang na bigyang mo ulit ng chance yung taong nakagawa sa'yo ng mali. Hindi rin masama kung bibigyan mo ulit ng chance yung sarili mo." Sabi nito.

I was taken aback.

"Malapit mo nang maintindihan lahat hija. At pag dumating yung panahon na alam mo na ang lahat, alalahanin mo lang yung sinabi ko sa'yo dati. At syempre, sundin mo lang kung ano yung laman ng puso mo at kung saan ka mas magiging masaya." Nakangiting sabi nito sabay hawak sa balikat ko.

Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko tumaas lahat ng balahibo ko. 

Paano nalaman ni Lola lahat tungkol don?

Kami ba ni Erik yung tinutukoy niya?

Tumingin ulit ako kay Lola pero naglalakad na ito palayo. Sinubukan ko siyang hanapin pero pagtingin ko, wala na ito. Kahit saan ako tumingin, hindi ko na siya makita.

Imposible. Sabi ko sa sarili ko.

Nagulat na lang ulit ako nang tawagin ako ni Mama.

"Alexa, saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap." Sabi ni mama.

"Ah, Ma, may nakita ka bang matandang babae kanina, kaaalis-alis lang. Kausap ko kanina." Tanong ko.

"Matandang babae, wala naman. Bakit?" Sabi nito.

"Ah, wala naman po." Sabi ko, sabay sunod ulit kay Mama at tulak nung cart.

Totoo bang nangyari yun?

Teka, nananaginip lang ba ako?

Ilang minuto rin ang lumipas, nagpaalam muna ako kay mama na pupunta ako sa may candy corner. Pumayag naman si Mama at sinabi na susunod na lang siya. Malapit lang rin kasi yung candy corner sa may cashier.

Naglalakad na ako papunta dun nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Alexa?"

Humarap ako sa likod kung saan may tumawag sa pangalan ko at nagulat ako sa nakita ko.

Si Tita Sonya.

Yung mama ni Erik.

O_O

"Alexa, ikaw nga?" Sabi nito sabay lapit at yakap sa akin nang mahigpit.

Ngiting-ngiti ito sa akin.

Teka, diba nasa Amerika sila?

Kailan pa sila umuwi? 

Nahalata ko na bahagya itong pumayat kumpara nung huli ko siyang nakita.

"Kumusta na?" Tanong ni Tita Sonya.

"Okay naman po. Kayo po, kumusta na?" Sabi ko.

"Naku, eto. Awa ng Diyos, medyo okay na. Alam mo naman yung nangyari mula nang magkasakit ako." Sabi nito.

"Po? Nagkasakit po kayo?" Tanong ko.

"Oo. Yun nga yung dahilan bakit biglaang pumunta si Erik sa Amerika. Alalang-alala nga siya sa akin. Tapos, hindi rin pala siya nagpaalam sa inyo. Yung batang yun talaga." Sabi ni Tita na hindi pa rin naaalis yung ngiti sa labi.

"Nakwento rin niya sa amin ng Papa niya na nagka-problema nga daw kayo pero ang sabi niya di daw siya susuko. Naku, e araw-araw nga nung nasa hospital kami hanggang makauwi, laging ikaw ang bukang bibig ni Erik. Hindi nauubusan ng kwento tungkol sa'yo. Ang sabi ko nga, tawagan ka niya, e gusto daw niya personal niyang sabihin lahat. Kaya nga nung medyo umayos na yung lagay ko, pinauwi ko na siya dito sa Pilipinas. Excited nga dahil sa wakas daw magkakausap na ulit kayo." Tumigil sa pagku-kwento yung Mama ni Erik nang mapansin niyang hindi pa rin ako nagsasalita.

Nabigla ako sa lahat nang narinig ko.

Totoo bang lahat ng sinabi ni Tita Sonya?

"Alexa, teka, nag-kausap na ba kayo ni Erik? Hindi ba niya nasabi sa'yo?" Tanong ni Tita. Nag-aalala na yung mukha niya.

Bumigat yung dibdib ko sa mga nalaman ko. Feeling ko nanginginig buong katawan ko pati na yung boses ko.

Napailing ako. "H-hindi ko po siya nabigyan ng chance magpaliwanag."

Naging seryoso yung mukha ni Tita Sonya. 

Kahit na mabigat sa loob ko, tinanong ko pa rin yung tungkol sa kanila ni Alyanna.

"S-sila na po ni Alyanna diba?" Tanong ko.

Umiling si Tita.

Mas lalong sumakit yung dibdib ko.

"Magkababata lang silang dalawa. Parang kapatid lang ang turing ni Erik kay Alyanna." Sabi ni Tita.

Hinawakan ni Tita yung kamay ko. Nahalata niya ata na medyo nanginginig ako. Hindi ko alam.

"Alexa, ano bang nagyari?" Tanong nito.

"Kasi po-" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil dumating si Mama.

 

"Sonya?" Tawag ni Mama. 

"Cecil?" Sagot naman ni Tita Sonya.

Lumapit sila sa isa't-isa at nag-yakapan. Nagtaka ako nung una pero naalala ko na.

Naging magkaibigan kasi sila noon sa probinsya kung saan naging magkababata kami ni Erik or should I say EJ.

"Kumusta na? Wow, it's been a long time." Sabi ni Mama.

"Eto, okay naman. Kayo, kumusta?" Sagot nito.

Nagtawanan silang dalawa at napatingin sa akin.

"I can't believe it. You mean si Alexa si Xandra?" Tanong ni Tita Sonya.

Tumango lang si Mama.

Bahagya naman akong napayuko.

"So, magkakilala na pala kayo?" Tanong ni Mama.

Ngumiti yung mama ni Erik.

"Oo. Sila ni Erik, I mean EJ." Sagot ni Tita Sonya.

Kumunot yung noo ni Mama. Tumingin siya sa akin at kay Tita Sonya. Hindi niya kasi alam yung sa amin ni Erik. 

Tumingin sa akin si Tita Sonya. Mukhang naintindihan na niya kung bakit.

"Naku Cecil, mabuti pa, magbayad na muna tayo tapos tsaka natin pag-usapan lahat sa meryenda." Sabi ni Tita Sonya at tumango sa akin. Pumayag rin naman si Mama.

Ganun nga ang ginawa namin. Sinabi ko kay Mama at kay Tita Sonya lahat. Yung nangyari sa amin ni Erik. Yung tungkol sa dare at yung tungkol sa pustahan. Sinabi ko rin kay Tita Sonya yung sa amin ni Ian. Sinabi ko na rin sa kanila na noon ko pa alam na magkababata kami ni Erik. Nag-sorry ako dahil alam ko mali na naglihim ako sa kanila lalo na kay Mama.

Ang totoo niyan, 'di ko akalain na maiintindihan nila pareho.

Ine-expect ko talaga na papagalitan ako ni Mama pero hindi. Kalmado lang siya. Sinabi pa niya na kung sinabi ko lang daw agad, sana nabigyan niya rin ako ng payo. Nag-sorry naman ako dahil dun.

Sobrang bait rin ni Tita Sonya. Hindi pa pala alam ni Erik na nandito na siya sa Pilipinas. Balak daw niya itong sorpresahin ngayon gabi. Sinabi rin nito na hindi rin naman daw niya ako masisisi sa mga naging desisyon ko. May mga nagawang mali rin naman daw si Erik. Nag-sorry rin ako sa kanya.

Sa huli, pareho lang sila ng naging payo sa akin.

"Gawin mo kung ano yung makapagpapasaya sa'yo."

"Sundin mo lang kung ano yung gusto mo at gusto ng puso mo."

Erik's POV

Ilang araw na akong ganito. Hindi kasi ako makaisip ng pwede kong gawin para makausap ko ulit si Alexa.

Natatakot kasi ako na baka kapag nakita niya ako, umiwas lang siya.

Alam kong may closure na kami pero tulad ng sinabi ko dati, hindi pa rin ako susuko.

Ayaw ko rin naman silang guluhin ni Ian.

Gusto ko lang ulit siyang kausapin. Naging maiksi lang kasi yung oras namin noon. Hindi ko alam. I'm actually planning a date for the two of us. Yung tipong buong araw kaming magkasama, gagawin ko lahat. Ipapakita ko sa kanya kung gaano ko talaga siya kamahal. Just one day. At kung sa pagtatapos ng araw na yun, sabihin pa rin niya na wala na talaga, then tsaka pa lang ako titigil. yun nga lang, hindi ko alam kung mapapapayag ko ba siya.

Ang hirap. Mukhang imposible rin kasi yung iniisip ko.

Sinubukan kong tumawag kay mama sa Amerika para manghingi ng advise kaso si Manang Gigi lang yung sumagot.

At sa di sinasadya, nadulas sa akin si Manang Gigi na pauwi nga daw ng Pilipinas sila Mama para sorpresahin ako.

Nagulat ako. Na-surprise talaga ako kaya sinabi ko na lang kay manang Gigi na wag na lang niyang sabihin kila mama na alam ko na.

Nagsimula na akong maglinis ng condo ko.

Alam kong mga kinagabihan, darating na sila mama at papa.

Actually, kahit papaano, natuwa rin ako.

Gusto na rin silang makita.

Ilang oras rin akong nag-ayos.

Nagliligpit na lang ako ng mga bag na nakakalat sa kwarto ko nang may biglang mahulog sa isa sa mga bag na bitbit ko.

Tinignan ko kung ano yun.

I.D.

Naalala ko nga pala, hindi ko na naalis dun yung I.D. ko mula nung nagbakasyon kami.

Kinuha ko yun para itago pero nagulat ako nang iharap ko ito sa akin.

Hindi sa akin 'to.

Yung nasa picture.

Si Alexa yun.

Paanong nangyaring nasa akin yung I.D. niya?

Paano kami nagkapalit?

Naalala ko na.

Malamang ito yung nung araw na naglaro kaming dalawa ng basketball bago yung Annual Ball.

Tama, maaaring nagkapalit kami ng dampot nung ID nung pauwi na.

Pero hindi yun yung ikinagulat ko.

Mas nagulat ako nang mabasa yung buong pangalan ni Alexa.

ALEXANDRA S. TANCHENGCO

Hindi ako pwedeng magkamali.

Xandra Tanchengco yung pangalan nung kababata ko.

Sa pagkakaalala ko, nickname lang niya yung Xandra. So malamang kinuha yun sa mas mahabang pangalan niya.

Napaisip ako.

Bakit nga ba ngayon ko lang napansin lahat ng ito.

Hindi ko kasi alam na yun yung buong pangalan ni Alexa.

Alexa Tan rin kasi yung pakilala niya sa akin.

Sa Facebook, Alexa Tan lang rin yung nakalagay na pangalan niya.

Dun sa nabasa kong contract (yung about sa dare) Alexa Tan rin yung nakalagay.

Nasabi niya rin sa akin na nickname niya lang rin yung Alexa. 

Alexa Tan.

Xandra Tanchengco.

ALEXANDRA TANCHENGCO.

I couldn't believe it at first.

Matagal kong pinagmasdan yung I.D.

Now, it really makes sense.

Pinaikli niya yung pangalan niya.

I wonder bakit di rin niya ako nakilala.

Kung sabagay, bata pa kami nuon.

Isa pa, EJ yung palayaw kong nung bata ako.

Napangiti na lang ako.

Tignan mo nga naman maglaro ang tadhana.

Si Alexa at si Xandra ay iisa.

to be continued...

_____________________

A/N:

Hello! Sa wakas, nakapag-upate ulit. xD

Alam ko na medyo magulo yung chapter na ito kasi nga marami ring mga revelations na nangyari.

---

Una: Kung naguluhan po kayo sa may ID na scene, pwede niyo yun balikan sa Chapter 21.

Pangalawa: Alexa Tan yung pakilala ni Alexa kay Erik. Pwede niyo itong balikan sa Chapter 9. Yung sa may contract, Alexa Tan rin yung nakalagay dun kaya di rin ito napansin ni Erik. Pwede niyo rin yun balikan sa Chapter 44.

Pangatlo: Sa mga nagtatanong naman bakit hindi agad sila nagkakilalang dalawa, eto kasi yon:

-Hindi na talaga matandaan ni Alexa si EJ. Nung nakwento naman ng mama niya yung tungkol dito, di rin naman maalala nito maalala yung apelyido ni EJ kaya wala talaga. Ang tanging alam lang ni Alexa ay may kababata siyang EJ.

- Si Erik naman, Xandra Tanchangco yung alam niyang pangalan ng kababata niya. (Sorry kung sa chapter ko lang na ito ni-reveal). Alam man niya yung nickname at apelyido, wala rin naman siyang naging clue dahil Alexa Tan yung ginagamit ni Alexa na pangalan.

- Sinandya talaga ni Alexa na paikliin yung name niya since mahaba ang Alexandra Tanchengco. Don't worry dahil sa ID naman, yung buong pangalan pa rin niya yung nakalagay at yung nga yung naging dahilan kung bakit nalaman na ni Erik na si Alexa at Xandra ay iisa.

Pang-apat: Bakit hindi napansin ni Alexa na nagkapalit sila ng ID ni Erik? Abangan sa susunod na mga chapter kung bakit.

----

Maraming revelations pa yung mangyayari. Ayaw ko munang sabihin dito kasi nga sa mga next chappy niyo pa yun malalaman. 

Ayun, kung may mga katanungan, feel free to ask or comment below.

Hindi po ako mangangain. ;)

Haha!

Salamat! :)

- misskomplikado 

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 2 1
(COMPLETED) (UNDER REVISION)
640K 3.3K 6
Ang gusto sana ni Alleah ay makapag-asawa ng mayaman tulad ng naging kapalaran ng kanyang isang pinsan. Pero dahil sa kanyang mga kagagahan at kaloko...
16.4K 658 31
Naniniwala kaba na makakatuluyan mo yung crush mo na sobrang yung parang walang pakelam sayo. Nung una hindi ako naniniwala na magiging kami rin sa...