Falling for Mr. Wrong (A Shar...

By imnotkorina

145K 4.7K 981

Alam ni Corazon kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para masabing ito na si Mr. Right... More

FALLING FOR MR. WRONG (A SharDon Fanfic)
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER: Mr. Right

CHAPTER 20

3K 100 41
By imnotkorina

CORAZON

Ang sakit sa parteng tinamaan sa kanyang mukha ang unang sumalubong sa kanyang pandama pagdilat pa lamang ng mga mata. She groaned before moving her hand over her nose. Mabuti na lang at wala nang dugo doon at tanging band-aid ang kanyang nasalat.

"Corazon! Mabuti naman at nagkamalay ka na!" Ronnie's handsome face came into the view.

Dahan-dahan siyang bumangon at naupo sa gilid ng examination table na naroon sa clinid na pinagdalhan sa kanya. Kumurap siya upang mas maging maayos ang paningin at makita ang mga kasama roon.

Ang mga players niya na sina Raquel at Fiona ay magkatabi. Parehas ang ekspresyon ng mga ito na kinababakasan ng pag-aalala. Si Ronnie ang halos nasa tabi ng kanyang kama. While Donny is at the back. Tahimik lamang na nakamasid gamit ang seryoso at matalim na mga mata.

She doesn't know what ten years have done to him. Malaki ang naging pagbabago kay Donny and she's not just talking about the physical aspect. His aura, his demeanor and the way he talks. He used to be that playful and carefree man. Nakaka-intimidate man ay hindi naman labis tulad nito.

Hindi na ito ang Donny na kilala niya. But then again, does she really know him?

"Coach Corazon, naagapan ko na ang pagdurugo ng ilong mo. Wala namang naging malalang pinsala sa'yo at kailangan lang lapatan ng compress ang mukha mo para maalis ang sakit," ang school nurse nila na bumawi ng kanyang atensiyon.

Marahan siyang tumango. Iniabot sa kanya ang cold compress at iyon ang nilagay niya sa kanyang mukha gaya ng instruction nito bago nagpaalam para bumalik sa puwesto.

"Coach, pasensiya na talaga. Hindi ko naman sinasadyang patamaan ka ng bola," si Fiona. Ito pala ang salarin!

"Hayaan mo na 'yon. Ayos lang ako. Hindi naman ito ang unang beses na natamaan ako ng bola sa mukha, eh," alo niya rito. "Sige na. Magsibalik na kayo sa mga kasama niyo. Ikaw din Raquel. Ikaw muna ang magbantay sa team sandali. Babalik din ako."

Tumango ang mga ito at agad na umalis doon. Leaving her with Donny and Ronnie.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba talaga? Pinag-alala mo ako," wika ni Ronnie.

Nahagip ng tingin niya ang pagkilos ni Donny sa likod. Mula sa pagkakapamulsa ng isang kamay sa bulsa ng pantalon ay humalukipkip ito. Sumulyap ito kay Ronnie. His plump lips were frowning and his gaze was very dangerous.

Agad niyang binalik ang paningin kay Ronnie ngunit naiilang din sa ginagawa ni Donny.

"A-Ayos na. Pasensiya na sa abala—"

"Hindi ka naman takot noon sa dugo hindi ba?" usal nitong muli.

"Noon?" Donny's deep baritone echoed in the small clinic.

Tila cue iyon sa puso niya para pumintig ng marahas. Nang sulyapan niya ito ay nakita niya kung paanong mas nagsalubong ang makapal nitong mga kilay.

Humarap si Ronnie sa isa pa nilang kasama. "Ah, opo, Attorney. Magka-klase kami ni Corazon noong Grade Six. Malapit ko siyang kaibigan," magiliw na sagot ni Ronnie dito. Completely oblivious to Donny's hostile expression and harsh tone.

Bakit ba ganito ito makatingin at makapagtanong?

Humulas ang pagkaka-krus ng mga braso ni Donny sa dibdib at mariing napatitig kay Ronnie. "You are that 'Ronnie'?" mas mabalasik na ngayon ang boses ni Donny.

Mahina siyang suminghap nang may mapagtanto. Naikuwento niya ang tungkol kay Ronnie noon dito. But...that was long ago! Huwag nitong sabihin sa kanya na naaalala pa rin nito iyon?

"A-Attorney?" naguguluhan na tanong ni Ronnie.

Mabilis siyang lumundag pababa ng examination table. Nagtagumpay siyang agawin ang atensiyon ng dalawang lalaki. Naikuwento niya man kay Donny ang nakaraan nila ni Ronnie, hindi pa rin niya lubos maintindihan ang galit na nakikita niya rito.

"Maraming salamat po, Attorney, sa pagdala ninyo sa'kin dito. Pasensiya na po kung naka-abala." Lumamlam ang mga mata ni Donny habang tinatanaw siya. Nag-iwas siya ng tingin at nilipat iyon kay Ronnie. "Ronnie, sa'yo din. M-Mauuna na ako. May training pa kami ng mga bata."

Ibinaba niya ang compress sa ibabaw ng examination table bago ambang lalagpasan na ang dalawa. Ngunit hindi man lang nahirapan si Donny na pigilan siya sa braso gamit ang isang kamay nito.

"You just passed out. Mas makakabuti kung magpahinga ka muna o umuwi na lang ngayong araw," he said in hard tone.

Tinabig niya ang kamay nito. Mabilis niyang nabawi ang braso para maharap ito't matingala ngunit pasimple niyang sinapo ang parteng hinawakan nito. Nadama niya ang mahinang boltahe ng kuryenteng naglandas mula doon patungo sa bawat parte niya.

"M-Maayos na po ako, Attorney Pangilinan." Sinikap niyang gawing blangko sa kahit na ano'ng emosyon ang kanyang tono.

Malinaw sa kanya kung paanong nagtagis ang panga nito habang nakikipaglaban ng tingin sa kanya. Hindi niya mawari kung paanong buo pa siya ngayon habang kaharap ito gayong sa loob-loob niya ay halos tibok na lang ng puso niya ang kanyang naririnig.

Sampung taon. Marami nang nagbago sa kanilang dalawa. But the way her heart's reaction is still the same. It beats so loud and so fast as if she'd run a mile. It responds to him as if it hasn't been broken before. Or until now...

"C-Corazon..." tawag ni Ronnie.

Nagbaba siya ng tingin. What is she thinking? Bakit nilalabanan niya ng titig si Donny? Did she forget her manners? He's an important guest in their school.

"Tama si Attorney. Mas mabuti kung umuwi ka na lang. Ihahatid na kita—"

"Ako nang bahalang maghatid kay Corazon, Engineer Alonte," sansala dito ni Donny.

"Ayos lang po, Attorney. Alam ko kung nasaan nakatira si Corazon."

"I don't want to repeat myself, Engineer."

Nang tingalain niya ito'ng muli ay kita niya kung paano ang mataman at hindi natitinag nitong titig sa kanya. Itinago niya ang kanyang iritasyon. At ano sa tingin ni Donny ang ginagawa nito ngayon?

Sinulyapan niya si Ronnie na bakas pa rin ang kaguluhan sa anyo. Nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanila ni Donny na para bang nalilito.

"Sa tingin ko nga dapat muna ako'ng magpahinga. Puwede mo ba ako'ng ihatid Ronnie? Kung hindi iyon makaka-abala sa'yo."

Mas pipiliin na niyang magpahatid dito kaysa naman kay Donny.

Sa una'y hindi nakapagsalita si Ronnie ngunit pagkaraan ay nabawi rin ang pagkawala sa sarili, "S-Siyempre naman hindi, Corazon. Kung ayos lang kay—"

"Kukunin ko lang ang gamit ko at magpapaalam sa mga bata. Hintayin mo na lang ako sa gate, Ronnie. Maraming salamat ulit sa'yo..." hindi na niya hinintay pa itong makasagot. Umalis na siya doon at nagpasalamat na hindi na binalak pa ni Donny na pigilan siyang muli.

Ginawa niya ang mga sinabi. Nagpaalam siya sa kanyang mga players at sinabing sundin ang routines para sa araw na iyon bago umuwi. Because Raquel is the team captain, she made her in-charge of the training.

Pagkatapos ay ang kanyang mga gamit naman ang inasikaso niya. Hindi na siya nag-abala pang palitan ang varsity shirt at dri-fit volleyball shorts na suot para hindi na maantala pa si Ronnie ng mas matagal. Kung hindi lang niya iniisip na baka mas lalong hindi makawala kay Donny ay hindi naman talaga niya tatanggapin ang alok ni Ronnie.

At ano namang eksena iyon? Bakit ito nagpupumilit ihatid pa siya pauwi? Why? Because he's concerned about her? Ha! Talaga, Corazon, ha? Ang ganda mo naman pala. Nakita mo girlfriend niya 'di ba? Baka guilty?

Mas kapani-paniwala ang huli. He probably realized his mistakes at ganito ito bumabawi. Huwag ito'ng mag-alala dahil wala na iyong nakaraan sa kanya. Wala na itong kailangang gawin. Wala na ito'ng kailangang bawian.

She actually prefers it if they'd just stay out of each other's lives. If they won't cross paths again. Kaso mukhang malabo ang huli dahil nga benefactor na ito ng school nila at usap-usapan pang dito na maninirahan. Sana maging estranghero na lang sila sa isa't-isa.

Hindi siya galit dito. But she just wants it that way.

"Pasensiya na. Matagal ba ako?" hinging-paumanhin niya kay Ronnie. Nakasandal ito sa pintuan ng passenger's seat nang kanyang datnan sa labas ng gate.

Kumurba ang ngiti sa labi nito, "Hindi naman. Let's go?"

Tumango siya bago pumasok sa pintong ipinagbukas pa nito para sa kanya. Umikot ito pagkatapos bago sumakay sa driver's seat. Hindi nagtagal ay nagsimula nang umandar ang kotse ni Ronnie.

"Magkakilala pala kayo ni Attorney Pangilinan?" tanong nito pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan.

She shifted uncomfortable on her seat. Tinanaw niya si Ronnie sa kanyang tabi, "M-M-may sinabi siya sa'yo?"

"Huh?" nangungunot-noo ngunit nangingingiti nitong tanong. "Wala naman. Alam niya kasi ang pangalan mo. And with the way he talks and looks at you a while ago, I just kind of guessed it. Why? May dapat ba ako'ng malaman?"

"W-Wala. Wala naman..." iling niya. Nakahinga siya roon ng maluwag.

"So..."

"Oo magkakilala kami. Nagpunta na siya rito ten years ago..." she stared outside the car's glass window. "Escort kasi siya ng pinsan ko noon."

"Ni Kristine? Ah..."

Binalingan niya ito at nakitang patango-tango ito."K-Kayo? Bakit kayo magkasama ni Donny—Attorney sa school kanina?" kuryoso niyang tanong.

"Remember that project I was telling you about? Construction Company ko ang nakuhang contractor para sa gymnasium at bagong building na itatayo sa school ninyo. Wow! Now that I think of it, what a coincidence, right? Hindi ko alam na do'n ka din pala nagtuturo."

Alanganin siyang napangiti. Hindi lang ikaw ang na-surpresa ngayong araw, Ronnie.

"Pero alam mo? Honestly, I thought you have a past with Attorney Pangilinan. Kung maka-tingin kasi siya sa'kin kanina parang galit. Wala naman ako'ng makitang ibang dahilan para magalit siya ng ganoon kung hindi...dahil sa selos."

Natawa siya sa sinabi ni Ronnie. "Ano ka ba! Hindi 'no."

Napawi na ang kanyang halakhak ngunit natatawa pa rin siya sa ideya ni Ronnie. Hindi niya alam kung bakit ganoon din ang inakto ni Donny kanina pero nasisiguro niyang hindi iyon dahil sa selos. It just...doesn't make sense. Why would he be jealous?

"Hindi talaga naging kayo noon?" paglilinaw nito.

Lalong nalusaw ang ngiti niya. Ngayon ay malungkot at seryoso na muli niyang tinatanaw ang harap. Malapit na sila sa kanila, "Hindi. Bakit naman magiging kami?"

She was not his type of girl. He's just a challenge for him. An entertainment.

"Yeah, right!" natawa na rin si Ronnie. Unti-unti ay huminto ang sasakyan nito sa tapat ng bahay na inuupahan niya. "I know his current girlfriend. Kisses Delavin? Tingin ko 'yung mga kagaya niya ang tipo ni Attorney Pangilinan. Prim, proper and very feminine."

Napangiti siya. Naiinis sa sumibol na sakit sa dibdib niya. Pinilig niya ang ulo bago kinalas ang kanyang seatbelts.

"But me? I want the strong and sporty type..." Nag-angat siya ng tingin kay Ronnie. Bahagyang lumiliit ang mga mata nito sa pag-ngiti.

Nagbawi siya ng tingin bago dinampot ang mga gamit na nasa paanan, "Sige, Ronnie. Dito na ako."

Bumuntong-hininga siya bago itinabi ang tinatapos na lesson plan. Sumandal siya sa swivel at tumitig sa kisame ng kanyang kuwarto. Nagpakawala siyang muli ng hangin bago pumikit ng mariin. Nagdilat din kaagad nang manariwa sa kanyang isip ang mga naging pangyayari kanina.

Napaigtad siya nang may tumunog ang kanyang desktop computer. Nang balingan niya ang screen ay nakita niyang tumatawag si Myriah sa kanya sa pamamagitan ng Skype. Suminghap siya bago pinagulong ang upuan mula sa table patungo sa computer desk para matanggap ang tawag.

"Oh? Ano'ng nangyari sa mukha mo?" bungad nito kaagad sa kanya.

"Maayos naman ako. Ikaw, kumusta ka rin?" sarkastiko niyang saad.

Humalakhak ito. "Hindi nga. Bakit nagkaganyan iyan?"

"Natamaan ako ng bola kanina," walang buhay niyang sagot.

Wala sa sarili niyang inabot ang ilong kung saan nandoon pa din ang band-aid. May mumunting sugat kasi doon. Hindi naman namamaga ang mukha niya ngunit nananatili pa ring mapula ang parteng tinamaan.

"Bakit ka naman tinamaan ng bola? Baka kung saan-saan ka kasi tumitingin, Coach," biro nito.

Tumikhim siya nang matamaan sa sinabi ni Myriah kahit alam niyang biro. Naalala niya kung paano siya napatitig kay Donny kaya hindi niya kaagad naiwasan ang bolang patungo na pala sa direksiyon niya.

"K-Kalimutan mo na nga iyon. Bakit nga pala ngayon ka lang ulit napatawag?" lihis niya ng topic.

"Busy nitong nakaraan, eh," her friend shrugged. "Siyanga pala. May nakarating sa'king balita...um-attend din pala si Ronnie no'ng reunion?"

Nakahinga siya ng maluwag nang malamang ibang balita pala ang nakarating dito. Hindi naman sa gusto niyang itago ang tungkol sa pagbabalik ni Donny sa kaibigan. Hindi niya lang makita ang importansiya para pag-usapan pa nila ito.

"Oo. Nagkita at nagka-usap kami. Maayos na kami ngayon..." kaswal niyang sagot.

Marahan itong tumango-tango. Tumitig ito sa kanya bago muling nagsalita. "Si Donny rin may pa-comeback sa San Bernardo."

Humugot siya ng malalim na hininga at pinaningkitan ito ng mga mata. "Ang layo mo na nga pero updated ka pa rin sa mga tsismis dito. Iba ka talaga."

Nagkahalakhakan silang dalawa. "Siyempre! May mga mata pa rin naman ako diyan 'no. So, ano? Bakit bumalik? After ten years...talagang naisipan niya pang bumalik at magpakita sa'yo?"

Sumeryoso na siya ng kaunti. "Myriah, 'di naman ako ang binalikan. Nag-donate siya ng bagong classrooms, gymnasium at school facilities sa school."

"Wow! Talaga?! " mangha nitong bulalas.

She nodded her head while unconsciously playing the beads of her bracelet. "Ang sabi nila tatakbo daw siya sa susunod na eleksiyon pero hindi pa naman iyon kumpirmado kaya 'di rin ako sigurado."

"So, hindi lang pala pansamantala ang pagpunta niya diyan? Titira na diyan kung gano'n? May residency requirement bago makatakbo sa isang government post hindi ba?'

Muli ay napatango siya rito.

"Pero ang yaman lang talaga niya. Kung makapag-donate naman ng building at gym kala mo namimigay lang ng sako ng bigas," napailing na lamang si Myriah.

"May pera naman sila, eh. 'Tsaka...abogado na rin naman siya so baka may kinikita rin naman doon."

"Attorney? Really, huh?" tumuwid si Myriah ng upo sa computer chair nito at nagsimulang tumunog ang keyboard nang magtipa. "Oh my God, totoo nga. He's a defense lawyer now at may sariling law firm pa! Dalawang malaking kaso ang nahawakan niya sa dalawang magkasunod na taon at parehas iyong panalo!"

Nilinga niya ito at sinigurong hindi bakas sa mukha niya na masyado siyang interesado sa mga narinig. Damn, Donny...

"Kung hindi ko lang tanda ang guwapong mukha na 'to, hindi ko iisipin na ito ang Donny na nakilala natin noon, eh! Nakakaloka, ha!"

"Matalino naman si Donny kahit na minsan lang mag-seryoso." Napa-ngiti siya ngunit agad din niya iyong binura.

"Hindi na siya single? Sabi dito may steady girlfriend siya ngayon at isang taon na sila. Kirsten Danielle Delavin...Senator Romero Delavin's only daughter and Prestige Hotel's heiress..."

"K-Kasama ni Donny nang magpunta siya ng school. Maganda 'tsaka mukhang mabait," naka-ngiti niyang imporma sa kaibigan.

Tumutok ang mga mata ni Myriah sa kanya sa screen. She made her smile wider before looking down. Pinagmasdan niya ang mga kamay na hindi mapakali sa pagkurot sa isa't-isa sa ilalim ng computer table.

"Nako, Corazon, may kuwento pala ako sa'yo! Natatandaan mo ba iyong weird na guest namin dito sa hotel na sinabi ko noon sa'yo?" pagbabago ni Myriah ng paksa.

Dinampot niya ang phone para kalikutin iyon nang hindi pa kaagad makatulog. Natagpuan na lang niya ang sarili na tinitipa ang pangalan ni Kisses sa Google. Matapos ng naging usapan nila ni Myriah ay binalot siya ng kuryosidad tungkol sa pagkatao nito.

"Wala namang malalim na dahilan 'to. Curious lang ako. Hindi naman masamang maging curious 'di ba?" kausap niya sa sarili. "Baliw ka na ba, Corazon? Whoa..."

Natigilan siya nang ang agad bumungad sa kanya ay ang impormasyong CPA Lawyer pala si Kisses! She finished her undergraduate studies in U.P. Diliman. Nagtapos itong Magna Cum Laude roon bago lumipad pa-ibang bansa para pumasok sa isang law school doon at ipagpatuloy ang pag-aaral.

Ngayon ay kabilang ito sa isang nagsisimula pa lamang na law firm...DAP Law Firm.

"Ito 'yung law firm ni Donny..." mahina niyang sambit.

May mga larawan itong naka-gown at nasa pageant. Tingin niya'y aktibo itong sumasali sa beauty contests noon. Nabanggit din doon ang tungkol sa five-star hotel na pinapamahalaan naman ng mama nito gaya ulit ng sinabi ni Myriah kanina.

But there were pictures of Kisses doing charity works as well. Pinindot niya ang isang picture at dinala siya nito sa isang article. Nasabi roon na tuwing pasko o 'di kaya'y birthday nito ay nago-organize talaga ito ng outreach programs para sa mga matatanda, may sakit, mahihirap na community o mga batang nasa ampunan.

Bumangon siya at napa-upo sa kanyang kama. Hindi lang maganda at matalino...mabait pa ito. Though, she kind of already felt the last one already. Iba pa rin na makumpirma talaga iyon.

Pipindutin na sana niya ang 'back' para tapusin na ang pagre-research tungkol sa background ng girlfriend ni Donny. Pero isang link patungo sa panibagong article ang pumukaw sa kanyang mga mata dahil sa thumbnail picture nito.

Isa na lang. Last na 'to. Hindi na ako 'maku-curious'.

Sinalubong siya ng larawan ni Donny at Kisses na tila nasa isang ball at magkasayaw. Kisses is wearing a beautiful pink long gown. It only made her look like a princess that she is. While Donny is wearing a black tuxedo. Mukha naman itong guwapong prinsipe sa suot.

They were looking at each other's eyes. Nasa bewang ni Kisses ang palad ni Donny habang ang isa ay hawak-hawak ang kamay nito. Kisses was smiling from ear to ear as she looked at him. May tipid na ngiti naman sa mga labi ni Donny habang nakatanaw din dito.

His eyes looked so happy. She knew he's happy. There's no way he's faking it. And why would she think that he is? Napangiti siya. She's happy that he found himself a good woman. She's happy that finally Donny matured. She's happy that finally he became capable of loving.

Pero para saan ang mga luhang bumabasa sa mga pisngi niya ngayon?

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
66.9K 1.6K 45
Be thankful, that somehow, somewhere, someone is happy... simply because you exist. *** If you are reading this story on any other platform other th...
7.3K 683 37
(I don't like him book 2) 'Hihintayin kita hanggang sa dumating na ang tamang oras para sa ating dalawa.' Date started : June 3, 2021 Date finished :...
73.8K 2.9K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...