Encantadia: A Love Untold [C...

By AmihanMaxTine

278K 7.6K 2.4K

One Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love L... More

Ω Kabanata I Ω Ang Pagbabalik sa Lireo
Ω Kabanata II Ω Ang Kapasyahan ni Mine-a
Ω Kabanata III Ω Ang Sayaw ng Pag-Ibig
Ω Kabanata IV Ω Maskara
Ω Kabanata V Ω Ang Reyna
Ω Kabanata VI Ω Reyna Amihan
Ω Kabanata VII Ω Ang Itinadhana ni Emre
Ω Kabanata VIII Ω Pagdadalang-Diwata
Ω Kabanata IX Ω Mga Nababagabag na Damdamin
Ω Kabanata X Ω Mine-a
Ω Kabanata XI Ω Lihim
Ω Kabanata XII Ω Panlilinlang
Ω Kabanata XIII Ω Si Lira
Ω Kabanata XIV Ω Ang Prinsipe ng Sapiro
Ω Kabanata XV Ω Ang Pagkawala ni Alena
Ω Kabanata XVI Ω Ang Galit ng mga Sang'gre Ω
Ω Kabanata XVII Ω Pagtatagpo Ω
Ω Kabanata XVIII Ω Agam-agam ni Amihan
Ω Kabanata XIX Ω Ang Katotohanan Ukol kay Ybarro
Ω Kabanta XX Ω Bugso ng Kapangyarihan
Ω Kabanata XXI Ω Ang Reputasyon ni Danaya
Ω Kabanata XXII Ω Ang Kaparusahan kay Danaya
Ω Kabanata XXIII Ω Ang Katuparan ng Plano ni Pirena
Ω Kabanata XXIV Ω Ang Pagbagsak ng Lireo
Ω Kabanata XXV Ω Ang Pagkagapi ni Amihan
Ω Kabanata XXVI Ω Ang Kantao, ang Dyamanteng Lira At ang Maskara ni Hara Amihan
Ω Kabanata XXVII Ω Mga Itinakdang Pagtatagpo
Ω Kabanata XXVIII Ω Ang Pagkikita nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXIX Ω Ang Pagbabalik
Ω Kabanata XXX Ω Ang Muling paghaharap nila Amihan at Pirena
Ω Kabanata XXXI Ω Ang Misyon nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXXII Ω Ang Pagbabalik ng Ala-ala ni Alena
Ω Kabanata XXXIII Ω Ang Damdamin ni Amihan
Ω Kabanata XXXIV Ω Ang Kapahamakan kay Lira
Ω Kabanata XXXV Ω Ang Basbas kay Lira mula sa Devas
Ω Kabanata XXXVI Ω E Correi....... Hara
Ω Kabanata XXXVII Ω Ang Muling Pagkikita nila Amihan at Alena
Ω Kabanata XXXVIII Ω Ang Paghingi ng Kapatawaran ni Amihan kay Danaya
Ω Kabanata XXXIX Ω Ang Anak ni Hara Amihan
Ω Kabanata XL Ω Ang Pagliligtas ni Rehav Ybrahim sa Hara Amihan
Ω Kabanata XLI Ω Si Caspian
Ω Kabanata XLII Ω Ang mag-Inang Amihan at Lira
Ω Kabanata XLIII Ω Ang Punyal ng Sandugo
Ω Kabanata XLIV Ω Isang Pamilya
Ang Apat na Sang'gre
Ω Kabanata XLV Ω Si Kahlil
Ω Kabanata XLVI Ω Ang Panlilinlang ni Pirena
Ω Kabanata XLVII Ω Bugna
Ω Kabanata XLVIII Ω Edi Sanctre
Ω Kabanata XLIX Ω Ang Batis ng Katotohanan
Ω Kabanata L Ω Rehav ese Adoyaneva
Ω Kabanata LI Ω Mga Maitim na Balak ni Adhara
Ω Kabanata LIII Ω Mga Mapaglarong Puso
Ω Kabanata LIV Ω Amarteya Lireo
Ω Kabanata LV Ω Ang Pangako Ni Ybrahim
Ω Kabanata LVI Ω Ang Dalawang Kahilingan
Ω Kabanata LVII Ω Ang Itinadhana Para kay Amihan
Ω Kabanata LVIII Ω Ang Pagsisilang ni Amihan
Ω Kabanata LIX Ω Ang Paglalakabay Patungong Devas
Ω Kabanata LX Ω Ang Pagbabalik Ng Ala-ala nila kay Lira
Ω Kabanata LXI Ω Ang Galit Ni Hara Amihan
Ω Kabanata LXII Ω Ang Pagpaparaya ni Alena
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Agam-agam ni Pirena
Ω Kabanata LXIV Ω Ang Huling Mensahe ni Mine-a
Ω Kabanata LXV Ω Ang Kapatawaran
Ω Kabanata LXVI Ω Hadezar
Ω Kabanata LXVII Ω Halik ng Pamamaalam
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Katuparan ng Propesiya kay Amihan
Ω Kabanata LXIX Ω Isang Bagong Simula
Encantadia: Ang Ikalawang Yugto
Ӝ Kabanata LXX Ӝ Ang Encantadia
Ӝ Kabanata LXXI Ӝ Ang Pagbangon
Ӝ Kabanata LXXII Ӝ Ang Bagong Etheria
Ӝ Kabanata LXXIII Ӝ Ang Huling Pagsubok para kay Lira at Mira Ӝ
Ӝ Kabanata LXXIV Ӝ Avisala, E Correi
Ӝ Kabanata LXXV Ӝ Ang Kasiyahan sa Lireo
Ӝ Kabanata LXXVI Ӝ Ang Apat na Kaguluhan sa Encantadia
Ӝ Kabanata LXXVII Ӝ Katotohanan at Panlilinlang
Ӝ Kabanata LXXVIII Ӝ Si Lirios
Ӝ Kabanata LXXIX Ӝ Pagkakabihag
Ӝ Kabanata LXXX Ӝ Isang Alok
Ӝ Kabanata LXXXI Ӝ Ang Brilyante ng Apoy
Ӝ Kabanata LXXXII Ӝ Ang Tunay na Danaya
Ӝ Kabanata LXXXIII Ӝ Ang Pagbagsak
Ӝ Kabanata LXXXIV Ӝ Enamuya
Ӝ Kabanata LXXXV Ӝ Ang Pagbalik Sa Nakaraan
Ang Kasaysayan ng Lumang Encantadia ayon sa kalatas na sinulat ni Raquim.
Cast and Characters of EALU: Enamuya Arc
Ӝ Kabanata LXXXVI Ӝ Ang Pagkawala ng mga Brilyante
Ӝ Kabanata LXXXVII Ӝ Ang Pagdadalang-Diwata ni Ornea Ӝ
Ӝ Kabanata LXXXVIII Ӝ Ang Muling Pagkikita
Ӝ Kabanata LXXXIX Ӝ Si Amihan, Ng Kaharian ng Lireo
Ӝ Kabanata XC Ӝ Ang Sapiryan at ang Diwata
Ӝ Kabanata XCI Ӝ Sila Memen at Ornea
Ӝ Kabanata XCII Ӝ Sang'gre laban sa Heran
Ӝ Kabanata XCIII Ӝ Ang Ina ng mga Sang'gre
Ӝ Kabanata XCIV Ӝ Si Mine-a
Ӝ Kabanata XCV Ӝ Si Mine-a at si Cassiopei-a
Ӝ Kabanata XCVI Ӝ Ang Pagliligtas
Ӝ Kabanata XCVII Ӝ Pagmamahal
Ӝ Kabanata XCVIII Ӝ Si Raquim, si Mine-a at si Hagorn
Ӝ Kabanata XCIX Ӝ Lireo
Ӝ Kabanata C Ӝ Ang Paglusob
Ӝ Kabanata CI Ӝ Ang Inang Brilyante
Avisala
Kabanata CII: Ether
Kabanata CIII: Pagbabalik sa Kasalukuyan
Kabanata CIV: Pag-Iisang Dibdib
Kabanata CV: WAKAS
Avisala Eshma

Ω Kabanata LII Ω Ang Sumpa ni Ether

2.2K 62 11
By AmihanMaxTine

Ω Kabanata LII Ω
Ang Sumpa ni Ether
Ω


                
             Ilang beses nang nagpabalik-balik si Amihan sa bawat sulok ng kagubatan na sa tingin niya ay naroon si Lira ngunit siya ay bigo... Walang Lira siyang nakita.

        Nanghihinang napa-upo si Amihan sa batuhan at di niya mapigilan na mapa-iyak dahil pakiramdam niya ay tila mawawala muli sa kanya ang kanyang anak. Pinahid ni Amihan ang kanyang mga luha saka siya tumayo at inilabas ang brilyante ng hangin.

          "Brilyante ng hangin dinggin ang aking hiling dalhin mo ako sa aking anak na si Lira." Pagbibigay utos niya sa kanyang brilyante ngunit makalipas ang ilang saglit ay wala siyang sagot na nakukuha mula dito.
          "Brilyante anong nangyayari sayo bakit di mo sinusunod ang aking utos... Nasaan si Lira!" Sambit ni Amihan at inulit niya ang utos sa brilyante ngunit ganoon pa din ang sagot nito sa kanya.

            "Lira! Lira! Anak nasaan ka.... Bakit di ka maabot ng kapangyarihan ko!  Emre wag mong ipahintulot na mawala muli sa akin ang aking anak!" Sigaw ng umiiyak na hara ng Lireo saka siya nalugmok sa damuhan na siya namang nadatnan nila Danaya at Muros.
             "Amihan!" Agad na dinaluhan ni Danaya ang kanyang apwe at kanyang niyakap ito.

          "Amihan anong nangyari? Nasaan na si Lira at ang Adhara na ito?" Tanong ni Danaya.
         "Hindi ko alam Danaya.... Wala na si Lira kay Adhara... At ngayon ay di siya makita ng aking brilyante.... Nawawala muli ang aking anak Danaya..." Umiiyak na sabi ni Amihan sa kapatid.

             "Mahal na Reyna... Sang'gre Danaya pahintulutan niyo po ako na hanapin si Lira." Sambit ni Muros sa kanila.
            "Di ito ang tamang panahon para gawain mo yan Muros halina at ibalik muna natin sa Sapiro ang Hara." Sambit ni Danaya at sila ay bumalik sa Sapiro kasama ang tahimik na umiiyak na si Amihan.

            Pagdating nila sa Kamalig ng Sapiro ay sinalubong sila ni Aquil at sinabi nito na nasa Dakilang Moog na ang lahat ng kasama nila alinsunod na din sa utos ni Ybrahim na doon na sila magkuta.

           Pagdating sa Dakilang Moog ay agad na pinagpahinga ni Danaya si Amihan sa silid na inihanda ni Ybrahim para dito saka siya lumabas. Lumapit siya kayla Aquil at Muros, alam niyang nabanggit na ni Muros kay Aquil ang nangyari ng maya-maya pa ay dumating na sila Ybrahim at Alira Naswen agad itong lumapit sa kanila.

            "Danaya.... Nandito ka na... Nasaan sila Amihan at Lira?" Tanong ni Ybrahim
          "Nagpapahinga si Amihan sa kanyang silid, nanghina siya sa labanang naganap sa pagitan nila ni Adhara...... At si Lira.... Di siya nahanap ni Amihan." Sambit ni Danaya. Napailing naman si Ybrahim saka siya nagmadaling pumasok sa silid ni Amihan at nakita niyang nahihimbing si Amihan ngunit nakikita din niya ang paghihirap ng kalooban nito kahit natutulog.

            Agad siyang umupo sa tabi nito at kanyang hinaplos ang pisngi ng Hara.
            "Mahal kong Reyna." Mahinang sambit niya ngunit sapat na iyon para magmulat si Amihan at tumingin sa kanya.
          "Ybrahim....si Lira... Nawawala si Lira... Ang ating anak." Sambit ni Amihan at muli ay lumuha ang reyna ng mga diwata.

            "Wag ka nang lumuha mahal kong reyna...." Sambit ni Ybrahim saka pinahid ang luha ni Amihan.
          "Ipinapangako ko sayo na hahanapin ko ang ating anak......ibabalik ko sa piling natin ang ating si Lira." Sambit ni Ybrahim napatango naman si Amihan saka siya hinagkan sa noo ni Ybrahim at naglakad ito palabas ng silid ni Amihan na napahinga ng malalim dalangin niya kay Emre na matagpuan nga ni Ybrahim ang kanilang anak.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
            Ilang beses ng gumamit ng evictus si Lira ngunit sa kagubatan pa rin siya lumalabas at kinakabahan na siya.

        "Ano ba toh may sira ba ang powers ko? Bakit di ako makabalik ng Sapiro?" Nagkakamot ng ulo na sabi ni Lira saka siya nag-evictus ulit pero sa kagubatan pa din siya lumitaw.

         "Ano ba...." Inis na sabi ni Lira ng may maramdaman siya sa kanyang likuran kaya naman napalingon siya. Nanlaki ang mata ni Lira sa kanyang nakita.

         "Avisala Lira." Sambit nito.
         "Ay dyuskupo ang laking ahas!" Puno ng takot na sabi ni Lira.

            Napaatras si Lira ng lumapit sa kanya ang malaking ahas na ito.
          "Wag mo akong lapastanganin Lira hindi ako pangkaraniwang ahas ako ang Bathalumang Ether." Sambit nito sa kanya.
         "A-At ano ang kailangan mo sa akin?" Tanong ni Lira.
          "Ang kailangan ko sayo ay ang mawala ka sa Encantadia!" Sambit nito na ikinatakot ni Lira kaya naman agad siyang nagtatakbo ngunit bigla na lang siyang lumutang na animo may kung anong bumalot sa kanya na inilapit sya sa Bathalumang Ether.

           "Wag kang mag-alala Lira di kita papatayin dahil may mas maganda akong naisip para sayo." Sambit ni Ether saka niya pinuluputan si Lira gamit ang kanyang buntot.
            "Pakawalan mo ako! " sigaw ni Lira na nagpupumiglas sa hawak nh masamang bathaluman.
               "Ssheda!" Sambit ni Ether saka niya hinigpitan ang pagpulupot ng kanyang buntot kay Lira.
              "Aray! Bitawan mo ako malaking uod!" Sigaw ni Lira.

            "Sa bisa ng aking kapangyarihan bilang bathaluman isinusumpa kita Lira na mula sa sandaling ito walang ni isang nilalang dito sa Encantadia ang makaka-alala sayo dahil para sa lahat si Diwani Lira na anak nila Hara Amihan at Rehav Ybrahim ay matagal ng namatay" pagsumpa ni Ether sa kaawa-awang si Lira saka niya ito binugahan ng itim na usok at unti-unti ay nawalan ng malay habang marahang umeepekto ang sumpa ng bathaluman sa kaawa-awang diwani.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
              Marahang tumayo si Amihan at kinuha sa mesa ang nakapatong doon na espada ni Lira at ang balabal na inihandog nito sa kanya. Di maiwasan ni Amihan na mapa-iyak ng kanyang kinuha ito at niyakap niya ng mahigpit na animo ito si Lira.

          "Lira.... Anak.... Nasaan ka na.... Ako'y labis ng nangungulila sayo...." Sambit habang nakatingin sa labas ng bintana ng Sapiro kanina pa di tumitigil ang kanyang mga mata sa pagluha at ang kanyang puso ay puno ng pag-aalala para sa anak.

           Napalingon si Amihan ng makaramdam na may pumasok sa kanyang silid ngunit bago niya matawag si Danaya ay tila ba isang napakalakas na pwersa ang sa kanila ay tumama na muntikan niya pang ikabuwal agad naman siyang dinaluhan ni Danaya.

           "Nasaktan ka ba Hara ?" Tanong ni Danaya. Umiling naman si Amihan saka niya pinahid ang luha na ikipinagtataka niya kung bakit siya naluha saka siya napatingin sa kanyang mga yakap na gamit... Isang espada at balabal.
          "Ano kaya ang pwersa ba iyon na parang tumama sa atin?" Tanong ni Danaya
          "Di ko alam Danaya.... Ngunit Danaya.... Alam mo ba kung kaninong kagamitan itong mga hawak ko?" Tanong ni Amihan sa apwe. Napakunot naman ang noo ni Danaya na tiningnan ang mga gamit na tinutukoy ni Amihan.

           "Di ko din batid kung kanino yan Amihan...." Sambit ni Danaya saka kinuha kay Amihan ang espada.
           "Ngunit napakaganda ng espada na ito.... Magandang klase... Sino nga kaya ang nagmamay-ari nito?" Naitanong din ni Danaya. Nakatingin naman si Amihan sa espada at kanyang iniisip kung sino nga ang nagmamay-ari nito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

                   "Wantuk bilisan mo nais ko nang----" di pa natatapos ni Ybrahim ang kanyang sinasabi ng makaramdam siya ng kakaibang pwersa na sumakop sa kanila. Napatingin siya kay Wantuk na nagtataka din.

           "Anong nangyari?...at anong ginagawa natin dito sa kagubatan di ba dapat nasa dakilang moog na tayo?" Tanong ni Wantuk.
       
          "Iyan din ang aking ipinagtataka Wantuk.... Kung bakit tayo nandito....at ano ba ang ating hinahanap... Ang mabuti pa ay bumalik na tayo ng Sapiro." Sambit ni Ybrahim ng makarinig sila ng kaluskos sa di kalayuan.
            "Kung sino ka mang nilalang ka lumabas ka at magpakita." Sambit ni Ybrahim at ilang sandali pa ay lumabas si Alena mula sa kasukalan.

          "Alena..." Sambit niya saka lumapit ito sa kanya.
         "Ybarro... Patawarin mo ako at nabulagan ako ng galit sa pagkamatay ni Kahlil kaya naman sana maoatawad no ako at masamahan sa aking mga apwe ng makahingi din ako ng tawad sa kanila." Turan ni Alena sa rehav.

         "Alena wala ka naman naging suliranin sa akin... At kung nais mong maka-usap ang mga apwe mo eh halika at pumunta sa Dakilang Moog ng Sapiro naroon ang aming kuta." Sambit ni Ybrahim saka siya niyakap ni Alena sa una ay nabigla siya ngunit ilang sandali niyakap na dim siya ni Ybrahim.

         "Kung gayon ay tayo na sa Dakilang Moog." Nakangiting sabi ni Alena saka kumapit dito sila Ybrahim at Wantuk pabalik ng Sapiro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

              Napapangiti si Pirena habang pinanonood ang mga argona ng Hathoria na lumilipad palibot ng tore ng Lireo.
        "Reyna Pirena.... Nasaan si Alena?" Tanong ni Gurna kay Pirena na nainom ng alak.
         "Isinasagawa na niya ang aming plano... Bakit ba humahangos ka?" Tanong ni Pirena sa kanya.

          "Si Icarus napaslang na siya at si Agane naibalik na siya ni Asval dito sa Lireo... Kaya kung ako-----" di na natapos ni Gurna ang sinasabi niya ng pumasok na sa silid ni Pirena si Hagorn at Agane.

         "Nakapag-ulat na pala sayo ang tapat mong dama." May diin at galit sa boses na sabi ni Hagorn napatayo naman si Pirena tiyak na nya ngayon na alam na ng kanyang ama ang pagtataksil na ginawa niya dito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
              Habang tinitingnan ang plano na ginawa nila Aquil, Alira Naswen at Muros para sa paglusob sa Lireo ay di maiwasan di isipin ni Amihan ang espada at balabal hanggang ngayon iniisip niya kung saan ito nanggaling at sino ang nagmamay-ari nito.

           "Mga kapanalig.... May kasama ako." Sambit ni Ybrahim na bagong dating napatangin naman ang lahat dito saka nila nakita si Alena. Napahinga naman ng malalim si Amihan dahil alam nilang may galit pa din ito dahil sa nangyari kay Kahlil.

           "Alena.... Nandito ka... Ang ibig sabihin ba nito?" Sambit ni Danaya na umaasang wala ng galit si Alena sa kanila. Tumango naman si Alena agad naman na lumapit si Danaya sa kapatid at niyakap niya ito gumanti naman ng yakap si Alena sa bunsong kapatid.

          Nakangiting nakatingin naman si Amihan sa mga ito ng mapadako ang tingin niya kay Ybrahim na may ngiti sa labing nakatingin kay Alena. Nakaramdam ng pamilyar na kirot sa puso si Amihan sa nasaksihan. Huminga siya ng malalim at iwinaksi ang kanyang nararamdaman.

          "Ang iyong pagpanig sa amin ay isang malaking bagay sa amin Alena.... Masaya ako at nandito ka na." Nakangiting sabi ni Amihan sa apwe.
         "Avisala eshma Amihan." Nakangiting sabi ni Alena. Tumango naman si Amihan.
         "Wantuk samahan mo na si Alena sa magiging silid niya." Sambit naman ni Ybrahim kay Wantuk.

          "Masusunod Ybarro... Halika na Sang'gre Alena." Sambit ni Wantuk. Tumango naman si Alena saka ito humarap kay Ybrahim.
          "Ybarro... Maaari mo ba akong samahan sa silid na iyong tinutukoy?" Sambit nito sa rehav. Napatingin naman si Ybrahim kay Amihan na nag-iwas naman ng tingin.
          "Oo... Maaari naman..." Sambit ni Ybrahim saka kumapit si Alena sa bisig ni Ybrahim at naglakad ang mga ito palabas ng punong bulwagan.

            "Natutuwa ako na nasa panig na natin si Alena." Nakangiting sabi ni Danaya kay Amihan.
           "Ako din..... Ah... Sa tingin ko ay sapat na ang nailathalang plano sa akin para sa paglusob sa Lireo.... Magpapahinga na muna ako." Sambit ni Amihan na pilit tinatago ang lungkot sa wangis at boses saka siya naglakad palabas ng punong bulwagan.

           Naitago man ni Amihan sa iba ang lungkot ay di naman ito nakaligtas sa paningin ni Muros... Alam ng tapat na kawal na may pagdaramdam na nararamdaman ang hara.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

                 Marahan  nagmulat si Lira ng mga mata at napagtanto niya na nakahiga siya sa damuhan agad siyang napa-upo at nagpalinga-linga para alamin kung nasa paligid pa ang malaking ahas na nagngangalang Bathalumang Ether saka niya naaalala ang sumpa nito sa kanya bago siya mawalan ng malay.

          "Totoo kaya ang sumpang sinabi ng malaking uod na yun?" Tanong ni Lira sa sarili saka niya tiningnan ang mga kamay niya wala naman nagbago sa wangis niya kaya nananalig siya na di natupad ang sumpa nito.

           Agad na tumayo si Lira at nag-evictus pabalik ng Sapiro at laking tuwa niya ng makita ang bukana ng Sapiro agad siyang naglakad papasok ng biglang harangin siya ng mga kawal.
          "Sino ka encantada?" Tanong ng isa. Kinabahan naman si Lira.
           "Ano ka ba... Ako si Lira.... Anak ni Hara Amihan at Rehav Ybrahim ano ba kayo!" Sabi niya at tatawa tawa pa siya pero nanatiling nagtataka ang dalawang kawal.

          "Ssheda wag mo kaming niloloko encantada... Matagal ng patay ang anak ng aming Hara kaya di maaaring ikaw yun." Sabi ng Kawal na ikinagulat niya.

          "Natupad nga ang sumpa ng malaking uod..." Sambit ni Lira sa sarili.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Comment and Votes

Continue Reading

You'll Also Like

19.9K 403 62
Dalawang sanggol ay ipapanganak sa panahon kung saan hindi ka tiyak sa panahon ng iyong kamatayan sila ay isisilang upang tuluyan ng makamtan ang nai...
10K 469 25
When Life after death plays with destiny, to fulfill the Love that has been shortened by an unfortunate event.
16.4K 904 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
18.2K 412 63
#471 In Fanfiction Sa Muling Pagbubukas ng isang Bagong Yugto para sa lahat ng nilalang sa Encantadia. Isa nanamang pagsubok ang kanilang haharapin. ...