Me and My Boys VOLUME 4

By JayChowder

297K 9.8K 2.4K

Yup! Another adventure of Allexa and his boys! More

Special Dedications
Chapter 1: Seen
Chapter 3: Local News
Chapter 4: Sermon
Chapter 5 Reminisce
Chapter 6: The Call
Chapter 7: Eto-Kal LT
CHAPTER 8: The Visitors
Chapter 9: It smells like trash
Chapter 10: Mcdo 24/7
Chapter 11: Cute? Saang banda?
Chapter 12: Haliparot
Chapter 13: Ouch
Chapter 14: Pumayag ka?!
Chapter 15: Holy mother of goose
Chapter 16: Great, now what??
Chapter 17 Spell OA
Chapter 18 Nagda-drugs ata siya?
Chapter 19: 3D
Chapter 20: Alam niyo na, OA
Chapter 21: Faded
Chapter 22: Hi ate
Chapter 23: You're sick
Chapter 24: The Visitor
Chapter 25: The gathering
Chapter 26: Greenhouse
Chapter 27: Are you okay?
Chapter 28: Gang from North
Chapter 29: Eagle
Chapter 30: She mustn't know
Chapter 31: Literal
Chapter 32: To infinity?
Chapter 33: Maybe
Chapter 34: No Mercy
Chapter 35: Us

Chapter 2: Tamad

10.5K 394 127
By JayChowder

"ANO?" MAHINHING TANONG ko habang nakatingin sa kanya na para siyang tinubuan ng dalawang kalbong ulo--or para siyang tinubuan ng buhok, pwede rin.

"Magpapaliwanag ako" agad niyang sabi sabay taas ng isang palad niya sa muka ko.

"Sandali," sabi ko sabay tapik sa kamay niya, "Medyo naniniwala ako na anak mo 'yan dahil hairless siya—"

"Bastos kang bata ka" siksik ni Etong.

"-Pero ang ibig kong sabihin sa tanong ko is, 'Ano? May pumatol sa'yo?' gano'n" tuloy ko at lumaki ang butas ng ilong niya.

"Hoy, sisimulan mo na naman" sabi ni Jason sabay hila sa likod ng collar ko para malayo ako kay Kalbo saka kinuha niya yung bata, "matuwa ka nalang dahil may bago tayong alaga, lumaki na si Allen eh".

Napatingin ako kay Allen at nagpeace sign siya sabay ngiti ng malapad.

"He still looks like a baby to me" sabi ko.

"I agree" dagdag naman ni Kurt sabay akbay kay Allen.

"Here, hold him" sabi ni Jason sabay abot sa akin nung bata na agad kong kinuha.

"Pero how sure are you na anak mo nga ito? Hindi naman sapat na dahilan yung kalbo niya para masabing anak mo nga siya." Sabi ko.

"Lexa, normal lang na wala siyang buhok, baby nga 'di ba?" sabi ni Kurt.

"Meron namang mga bata na mabuhok ah, pero sa bagay." agad na sabi ko.

"Hehe joke lang, hindi ko talaga anak yan, pinahawak lang nung kapitbahay namin. Hindi namin maiwan kaya dinala nalang namin dito" sabi ni Kalbo at nagpa'pffft! Yung mga kasama namin.

Ibinalik ko yung baby kay Jason at tinanggal ko yung isang sapatos ko, alam na ata ni Kalbo ang mangyayari kaya napaatras siya't tumalikod, tatakbo na sana siya pero nasapol ko na yung ulo niya gamit nung sapatos ko.

"Isang taon tayong hindi nagkita tapos iyan ang isasalubong mo sa'kin!?" sigaw ko habang hinihimas niya yung likod ng ulo niya.

"Andali dali mo paring lokohin, tsk tsk tsk" sabi ni Etong at tinanggal ko yung isa pang sapatos ko't ibinato rin sa kanya nung tatakbo na sana siya palabas ng kitchen. Tumingin ako kay kina Adong at Ilong at sabay silang ngumiti ng painosente, I spared their lives at nagrelax ako.

"Ano na nga uli ang pangalan niya?" tanong ko sabay kuha sa baby.

"Danilo" sagot ni Jason at umupo siya sa tabi ni Bryce na kanina pa kami pinapanood, pinipicturan pa ako habang hawak ko si Danilo.

"Bagay mo namang magkaanak, bakit ayaw niyo pa?" tanong ni Nathaniel.

"Eh hindi naman kasi gano'n—"

"Kadaling gumawa? Madali lang kaya!" siksik ni Nathaniel, sayang wala na akong suot na sapatos kaya imaginary gun nalang ang itinutok at ibinaril ko sa kanya. Humawak siya sa puso niya't kunwaring natamaan, mabuti nalang sinasakayan niya parin ang trip ko.

"What I was going to say is hindi gano'n kadaling magka-baby, napakalaking responsibility kaya no'n" sabi ko, nagulat nalang ako nung biglang umiyak si Danilo kaya agad siyang kinuha ni Adong.

"Halika Danilo, ilalayo kita sa warkang iyan" sabi ni Adong at napatingin ako kina Kurt.

"Ano'ng warka? Bakit niya ako tinawag na warka?" tanong ko, lumabas na sina Adong at Ilong at sinundan sila ni Kalbo, mukang napamahal na yung bata sa kanila kasi halos pinagaagawan na nila.

"Encantadia ate, laging inaabangan ni kuya Adong" Si Allen ang sumagot.

"Encan-?" tanong ko at nagkibit balikat lang sila, "nevermind, kumusta na nga pala ang paga-aral niyo?".

"Magshishift nga ako" sagot ni Etong na nagbukas ng ref.

"Ay really? So ano'ng new course mo?" tanong ko.

"Crim" he answered.

"Crim?"

"Nagtitinda ng ice cream, hahaha!" biro ni Nathaniel, inaamin ko, nakakatawa nga naman yun pero hindi ko nilakasan ang tawa ko para hindi na naman niya sobrahan.

"Okay din naman yang course mo" sabi ko kay Etong para lumakas ang loob niya.

"Hindi nga lang ako sigurado kung iyon nga talaga ang gusto ko, lalo na't pinagpipilitan na naman ni Lolo na kumuha ako ng kahit anong related sa business." Kumuha siya ng bottled water mula sa ref saka humarap sa amin.

"Baka naman business talaga ang para sa'yo kuya?" tanong ni Allen.

"Siguro" kibit balikat niyang sagot.

"Eh ikaw? Kumusta naman ang kurso mo?" tanong ko kay Nathaniel, nabalitaan ko kasi kay Liezyl na binabalak niyang magshift.

"Magshishift din ata ako, ewan ko." Sagot niya sabay kibit balikat.

"Ganito nalang, where do you see yourself in the future?" tanong ko.

"In my bed" agad na sagot niya saka tumawa, naghigh five pa sila nina Kurt at Allen.

"Umayos ka nga!" utos ko.

"Joke lang, ikaw naman. Sige ulitin mo yung tanong" he said, madami pa akong pasensya kaya inulit ko yung tanong.

"Where do you see yourself in the future?"

"In the mirror, haha!" naghigh five uli sila kaya tumingin nalang ako kay Jason.

"Pakibatukan nga siya please?" I asked him at niyakap ni Kurt ang ulo ni Nathaniel.

"Huwag! Masyadong delicate ang utak nito!" he said, "Baka maalog eh lalala pa ang pagka-Nathaniel niya."

"Point taken" agad kong sabi.

"Pasimple pa kayo," sabi ni Nathaniel na kumawala sa mga kamay ni Kurt, "Hindi kayo magiging masaya kung wala ako 'no!"

"Wala nga pala tayong stock" sabi ni Jason na nagkunwaring hindi niya nadinig si Nathaniel, "Sino'ng pupunta sa grocery store?"

Tumingin kami kay Etong, "Tinatawag ako nina Kalbo" sabi niya saka tumakbo palabas ng kitchen, psh, tamad.

"Ikaw nalang Lexa" sabi ni Jason.

"Ayaw ko nga, tinatamad ako. Kayo nalang" sagot ko.

"Ako rin, kung may paligsahan lang talaga ng katamaran, kahit matalo nalang ako dahil siguradong tatamarin ako sa pag akyat ng stage kung iaannounce ang winner" said Nathaniel but we did our best to ignore him.

"Bato-bato-pik nalang" sabi ni Kurt at dali kaming pumwesto, ayaw pa gumalaw ni Bryce kaya tumingin kaming lahat sa kanya.

"What?" He asked at dali kaming umiwas ng tingin.

"Hindi na siya kasali, sigurado namang tinatamad din" sabi ko't angready kami, "dalawang magkapareha, talo"

"Bato bato..pik!" said Kurt.

"Yuhoo!" sigaw nila nina Jason at Allen.

"NOooo!" sigaw namin ni Nathaniel, "Bakit kailangang siya pa ang kasama ko, huhubels" drama ko.

"Hindi ba bad idea na sila ang magkasama?" tanong ni Bryce.

"Edi samahan mo sila pare" sabi ni Jason.

"Never mind, they can do it" he said and went out of the kitchen.

"Asawa mo ba talaga yun?" Nathaniel asked.

"Nagsisimula na nga rin akong magtaka eh, tara na nga para matapos na" I said and went out of the kitchen, "Labas kami, may ipapabili kayo?" tanong ko sa tatlong nasa sala, busy sa pagaalaga kay Danilo.

"Baby wipes tsaka pampers na small, yung soft and cottony, alam mo yun? Piliin mo yung maganda ang kwalidad ha!" si Kalbo yung sumagot.

"Aba! Kinacareer ang pagiging tatay! Oo na oo na" sabi ko. Soft and cottony? Hindi ba napkin yun? Hindi ko na tinanong.

"Sama nalang ako ate" Said Allen and wore his cap, haaay, hindi parin ako makamove-on sa paglaki niya. Inakbayan ko nalang siya like the old days. "Aling car ang gagamitin nat-" Hindi na itinuloy ni Allen ang sasabihin niya sana dahil pumarada na yung white van sa harap namin, sabaysabay kaming sumilip sa kung sino yung nagdadrive.

"Akala ko ba tinatamad ka Cofi?" tanong ko nung nakita kong si Bryce pala yung nagdrive.

"Aww! Hindi ka niya matiis!" cooed Nathaniel, konti nalang magiging heart shape na yung mga mata nila ni Allen.

"Tabi" utos ng biglang dumaan sa pagitan namin, si Jason, dumeretsyo siya sa van at binuksan yung pinto sa likod at hinintay kami.

"Akala ko ba tinatamad lahat ng nakatira sa bahay na ito?" tanong ko at nilagpasan din kami ni Kurt at dumeretsyo siya sa driver's side, yung usual na pwesto niya.

"Dali na, ambagal" sabi ni Jason na nagiging impatient na.

"Nagbato-bato-pik pa tayo eh sasama naman pala kayo" sabi ko't nauna akong pumasok, sumunod si Allen kaya nagtabi kami, tapos si Jason at nahuli si Nathaniel.

"Mamaya, puro mga chicheria ang binili niyo, delikado" sabi ni Kurt at gulat kaming nagtinginan nina Nathaniel at Allen.

"Ang galing naman nilang manghula" hindi makapaniwalang sabi ni Nathaniel.

"They are improving" sabi ko, hindi naman sa puro chicheria ang binabalak naming bilhin sana, ¾ lang.


WE ARRIVED in our usual grocery shop 10 minutes later, as usual, we spilt up para mas madali magshop, and as usual, magkasama kami nina Nathaniel at Allen kasi kami ang naka-assign sa chicheria, hehehe

Nathaniel and I were currently debating on getting Nachos or Piatos when Allen nudged us sabay turo sa left side namin, para pa siyang gulat na gulat.

"Ano ba yun?" tanong ko't sabay naming tinignan ni Nathaniel yung itinuturo niya, "O..em..gosh, si Ma'am Maureen ba yun?" I asked.

"Siya nga" sabi ni Nathaniel and I smiled widely.

"Ma'am Mau—mffm!" hindi ko na naituloy dahil biglang tinakpan nung dalawa yung mouth ko at hinila sa likod ng mga chocolates saka ako pinakawalan, "bakit!?" tanong ko sa dalawa.

"Hindi mo ba nakitang may kasama siya?" tanong ni Nathaniel.

"So?" I asked.

"Ate, lalake yung kasama niya, LALAKE" said Allen.

"So??" ulit ko, hindi ko talaga sila magets.

"Allexandria, kailan ang huli mong balita na may kasama siyang lalake?" asked Nathaniel.

"Nung.." kalian nga ba? "Oo nga 'no?" sabi ko't sabay sabay naming sinilip si ma'am Maureen, "wooow, ang gwapo nung kasama niya!"

"Boyfriend niya kaya ate?" asked Allen.

"Imposible, gwapo eh" said Nathaniel.

"bastos ka" sabi ko sabay sapak sa likod niya, "baka hindi pa? Hindi sila magkaholding hands and..parang nagkakahiyaan pa sila?"

"Lalapitan ba natin?" tanong ni Allen.

"Hindi na ata" I answered.

"Ano'ng sinisilip niyo?" biglang tanong sa likuran namin at napasigaw kaming tatlo, naitulak namin yung lalagyan ng mga chocolates at nahulog lahat ng laman n'on.

"Oh no" sabi namin ni Allen.

"Pambihira pare! Ba't ka nanggugulat!?" tanong ni Nathaniel.

"Nagtanong lang ako, nanggugulat na agad?" tanong ni Jason na salarin.

"Eh bakit ka ba kasi basta basta sumusulpot!?" tanong ko, sumali na ako sa sigawan nila.

"Allexa?" siksik ng isang female voice at tumigil kaming lahat at sabay sabay na tumingin kung kanino galing yung boses.

"Uy! Ma'am Maureen!" masayang bati ni Jason at nilagpasan kami para yakapin si ma'am.

"Hello! Sinasabi ko na nga ba kilala ko yung mga nagbabangayan dito! Hanggang ngayon memorado ko parin ang mga boses niyo!" masaya niyang sabi.

"Hello po ma'am!" bati din namin nina Nathaniel at niyakap din siya.

"Sino siya?" seryosong tanong ni Jason, yung lalakeng kasama ni ma'am Maureen ang tinutukoy niya.

"Uhhh..f-fiance ko" she answered.

-=-=-=-=-=-=-

PLEASE BE NICE. It's not difficult to ask politely.

Continue Reading

You'll Also Like

145K 11.4K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
63.7K 3K 10
Note: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya...
34.2K 1.7K 67
A life without friends is lonely and boring, but what does it feel to be a girl having 'boy' friends? Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng na...
25.1K 783 53
A girl was met a ghost that made her world up side down using a chat. This story will give goosebumps, blushing effect, terrified, comedy and a littl...