An Orphan's First Love 2: Dan...

By JeraldineTanL

801K 12.4K 1.5K

LOVE is DANGEROUS. This is the second book. An Orphan's First Love ang title ng book 1. More

Dangerous Love
[ 1 ] Surprise
[ 2 ] Forgiveness
[ 3 ] Phone Call
[ 4 ] Secret
[ 5 ] Eric
[ 6 ] Confused
[ 7 ] Back To Normal
[ 8 ] Fear
[ 9 ] Video
[ 10 ] Wedding Planner
[ 11 ] Daughter
[ 12 ] Family
[ 13 ] Fool
[ 14 ] Christmas
[ 15 ] Christmas Gift
[ 16 ] Sorry
[ 17.1 ] Visit
[ 17.2 ] Gift
[ 17.3 ] Pride
[ 18 ] Love
[ 19 ] What if?
[ 20 ] Selfish
[ 21 ] Giving
[ 22 ] Breakfast
[ 23 ] Couple Shirt
[ 24.1 ] Simple Date
[ 24.2 ] Change
[ 24.3 ] Wish
[ 25 ] A Bad Mother
[ 26 ] Impression
[ 27 ] Peace of Mind
[ 28 ] Work or Family?
[ 29 ] Karma
[ 30 ] Sick
[ 31 ] Flowers
[ 32 ] Note
[ 33 ] Warning
[ 34 ] Obsession
[ 35.1 ] Prisoner of Love
[ 35.2 ] Hero
[ 35.3 ] Challenge
[ 36 ] Baby
[ 38 ] Letting Go
[ 39 ] Brother
[ 40 ] Picnic
[ 41 ] Jealous
[ 42 ] Kidnapped
[ 43 ] Sorry
[ 44 ] Looking Back
Epilogue

[ 37 ] Protective

9.8K 188 29
By JeraldineTanL

Chapter 37: Protective

"Mommy?"

"Yes, baby?"

"Where's Daddy?"

"Daddy?"

Tumango lang ang anak ni Steffi at naghihintay ito ng sagot mula sa kanya. Pinagiisipan niya na kung dapat niya na bang ipaalam dito ang totoo. Hindi pa man ito ganun na nakakaintindi, kapag unti-unti naman itong pinaliwanagan ay maiintindihan din niya ito.

"Faye, your Daddy Eric is not your real daddy."

"Then who is my Daddy?"

"Your tito Jico."

"Huh? Mommy, I have two daddies?"

Umupo si Steffi sa harap ng anak at hinawakan ang mga maliliit na kamay nito.

"Jico is your only daddy, okay?"

"Then what about Daddy Eric?"

"You will not understand now but you will in the future."

"Okay. Mommy"

Tumakbo si Faye palayo doon at sinamahan na ulit si Stephen sa paglalaro. Napatingin si Steffi sa phone niya na umiilaw. Nang makita niya na si Eric ang tumatawag ay sinagot niya ito.

ry about me."

[ Sinaktan niya ba kayo ni Faye?! ]

"Hayaan mo na lang. Kalimutan na lang natin yun."

[ Forget about it?! Nasaktan ka at siguro pati na din ang anak natin. Paano ko palalagpasin lang 'yon?! ]

"I said were okay. Wag na natin palakihin pa, okay?"

[ Babalik ako dyan bukas na bukas din. ]

"A-ano?!"

[ I have to check on you and Faye. Hindi ko kaya na maghintay lang dito sa balita tungkol sa inyo. ]

"Okay na kami. Hindi na kailangan."

[ No, Steffi. I have to go there at ibabalik ko na kayo dito. Sabi ko na nga ba at walang magandang gagawin si ZAC sa inyo. ]

"Hayaan mo na lang, Eric. Ligtas naman kami ngayon. You really don't have to worry about us."

[ I'll see you tomorrow. Bye ]

"Teka--"

Hindi pa man nakakasagot si Steffi ay binabaan na siya ni Eric. Natatakot siya dahil malalaman na ni Eric ang totoo. Inaasahan niya na magagalit ito pero naaawa siya dito. Ilang taon din nila itong niloko at pinaniwala na may anak talaga siya kay Steffi para lang maitago ang pagkakamali nila ni Jico noon.

Naisipan ni Steffi na tawagan na si Kurt.

"Kurt, I'm ready."

[ Sigurado ka ba dito sa gagawin natin, Steffi? Baka ano na naman-- ]

"I'm sure. I'm not scared anymore. I've got nothing to lose."

[ Steffi.. ]

"Kurt, please, pagbigyan mo na ako kahit ngayon lang."

[ Alam mo na delikado. ]

"I don't care. Nandyan ka naman, hindi ba? Hindi mo naman ako iiwanan. Tutulungan mo ako, 'di ba?"

[ Sige, I'll be there in a few minutes. ]

Madaling nag-ayos si Steffi at nagpaalam kina Faye at Stephen. Sandali siyang aalis doon habang wala si Jico. Alam niya na kapag nandoon ito ay hindi siya papayagan nito na lumapit sa kanino man na may kinalaman kay ZAC kaya tatakas siya habang wala ito.

Lalabas na sana siya pero hinarang siya ng guard. Nang dahil sa nangyari ay naging mas protective si Jico sa kanya at hindi niya din naman ito masisisi. Gusto lang nitong protektahan ang anak niya pati na din siya kaya hanggang maaari ay ayaw niya itong paalisin mag-isa dahil baka may binabalak na masama si ZAC sa kanya at nag-iingat lang ito.

"Hindi ka ba aalis sa daan? May pupuntahan kami ni Jico at magkikita kami."

"Wala po siyang nabanggit sa 'kin. Mahigpit niya pong ipinagbilin na hindi kayo pwedeng lumabas sa gate na 'to."

Pinilit ni Steffi na tumakas doon pero pilit siyang hinaharangan ng guard. Isa sa mga alalay ni Jico ang kinuha niyang guard kaya hindi nito basta bastang palalagpasin doon si Steffi.

"Ma'am, wag na po kayong magpumilit. Kung talagang may lakad kayo ni boss, sasabihan niya ako kaya wag niyo akong lokohin. Sana wag mo din akiong pilitin na gawan kayo ng hindi niyo magugustuhan."

"Bakit? Inutusan ka ba ni Jico na saktan din ako kung sakaling magpumilit ako? I'm sure that he wouldn't do that. Baka nga ikaw pa ang masaktan sa kanya kapag sinubukan mo akong saktan."

"Wag ka na pong magpumilit dahil hindi talaga kita hahayaan na makalabas dito."

"Eh magkikita nga kami!"

Napatingin si Steffi sa labas at nakita niya si Kurt na naghihintay doon at nakamotor lang ito. Lumapit si Kurt sa kanila at nakinig sa usapan nila.

"Alam mo, sasamahan kita para matawagan mo si Jico. Ako pa ang magcoconfirm sa 'yo"

"Pasensya na po pero hindi kikta matutulungan."

Nilibang ni Steffi ang bantay para hindi nito mapansin si Kurt na binubuksan na ang gate. Nang makita ni Steffi na bukas na 'yon at sumenyas si Kurt ay sinipa niya ng malakas ang lalaki at tumakbo palabas. Madali siyang sumakay sa motor ni Kurt at umalis sila doon.

Nang makalayo na ang motor sa tinitirhan nina Steffi ay binagalan na ni Kurt ang takbo nito.

"Ang higpit yata ngayon ni Jico ah? Bantay sarado ka pala."

"Ayaw niya lang na makaalis ako dahil natatakot siya na baka may kung anong binabalak na naman ako at may masamang mangyari sa 'kin."

"May kakaiba ka naman talagang binabalak. Kung hindi lang kita kaibigan, hindi kita tutulungan sa lalaking 'yon. Kilala ko 'yon. Matagal ng sunud sunuran kay Jico 'yon. Mukhang mananagot siya kapag nalaman ni Jico ang tungkol dito."

"Babalik din naman ako kaagad pagkatapos. Wala naman akong plano na magtagal."

"Tingnan natin kung hindi ka magtatagal."

Nang makarating sila sa lugar na pupuntahan nila ay sandaling tumigil si Kurt at pinigilan si Steffi sa paglalakad.

"Sigurado ka ba talaga sa gagawin mo? Wag na lang tayong tumuloy."

"Nandito na ako, aatras pa ba ako?"

"Steffi, iniisip lang kita. Paano kung--"

"Kurt, hindi 'yan. Alam kong hindi mo hahayaan na may gawin siya sa 'kin na hindi maganda. Gusto ko lang siyang makausap sandali at aalis na din tayo kaagad."

"Pagbibigyan kita ngayon pero hindi na mauulit 'to. Hindi ko gusto ang gagawin mo pero puamayag ako dahil para din 'to sa inyong dalawa."

"Thank you, Kurt."

Nagpatuloy sa paglalakad si Steffi hanggang sa matanaw niya si ZAC. Halos dalawang oras na itong naghihintay sa kanya. Nang malaman niya kay Kurt na gusto siyang makausap ni Steffi, agad siyang naghanda. Ayaw niya na mauna ito ng dating sa kanya kaya inagahan niya ang pagpunta.

Nang makita ni ZAC na papalapit si Steffi doon ay agad itong tumayo. May hawak siya na isang bouquet ng bulaklak. May nakahanda din na pagkain doon. Pinaghandaan ni ZAC ang pagkikita nila ni Steffi na 'yon dahil baka sa mga gagawin niya ay makuha niya ulit ang loob nito.

Hindi na din naman gaanong lumapit si Kurt para makapag-usap nang maayos ang dalawa. Nakatayo lang siya sa lugar kung saan nakikita niya ang dalawa at hindi niya maririnig ang ano man na magiging usapan ng mga ito.

"Geneere, masaya ako na nakarating ka. Akala ko hindi ka na pupunta. Akala ko ayaw mo na akong makausap. Para sa 'yo nga pala."

Kitang kita sa ngiti at sa mga mata ni ZAC ang kasiyahan na makita doon si Steffi. Hindi niya mapigilan na ngumiti dahil nakikita at kasama niya ito ngayon.

Iniabot sa kanya ni ZAC ang bouquet ng bulaklak pero hindi 'yon kinuha ni Steffi. Lumapit lang si Steffi sa upuan pero bago pa man niya mahila iyon ay hinila na 'yon ni ZAC para sa kanya.

"Umupo ka na."

"Hindi mo na ako kailangan pang alalayan, kaya ko na ang sarili ko."

Umupo na mag-isa si Steffi. Dahil hindi niya kinukuha ang bulaklak ay ipinatong na lang ni ZAC sa lamesa ang bulaklak. Sinenyasan na din ni ZAC ang waiter at dinalhan na sila nito ng pagkain.

"Kumain ka na muna. Ako ang nagluto nyan para sa 'yo."

Binabalewala lang ni Steffi ang lahat ng mga sinasabe ni ZAC. Ni hindi siya ngumingiti at tumitingin dito ng maayos. Mahal niya man si ZAC, nangingibabaw pa din ang pagkamuhi niya dito.

Nagsimulang kumain si ZAC at ipinaghiwa niya pa ng steak si Steffi pero hindi nito ginagalawa ang pagkain niya. Nakatingin lang siya kay ZAC at walang makikitang emosyon sa mukha nito.

"Hindi mo ba gusto 'yung pagkain?"

"Itigil mo na nga 'tong kalokohan na 'to. Pumunta ako dito para makipag-usap ng seryoso at hindi para makipagdate sa 'yo."

Nawala ang ngiti sa mga labi ni ZAC. Napahawak siya sa kamay ni Steffi na agad din niyang tinanggal dahil iniiwas nito ang kamay niya.

"Sorry, Geneere. Gusto ko lang naman na--"

"Kahit na ano pa man ang gawin mo, wala ng magbabago pa sa desisyon ko. Iniwan na kita at hindi na ako babalik pa sa 'yo."

Nang marinig 'yon ni ZAC ay nakaramdam siya ng galit. Itinago niya ang kamay niya para hindi makita ni Steffi ang pagsara ng mga kamao niya. Pilit niyang itinatago ang nararamdaman niya para hindi matakot sa kanya si Steffi.

"Nandito lang ako para makipag-usap sa 'yo. Pagkatapos ng sasabihin ko, aalis na din ako. Wala naman talaga akong plano na kausapin ka pero sa tingin ko, kailangan mo din malaman ang totoo dahil involved ka dito."

"Ano ba ang sasabihin mo?"

Tiningnan nang mabuti ni Steffi si ZAC para makita niya ang magiging reaksyon nito. Huminga siya nang malalim bago siya nagsalita.

"I was pregnant with our child, remember?"

"Oo. Kaya nga mas lalong kailangan mong bumalik sa 'kin dahil may anak na tayo at bubuo na tayo ng sariling pamilya."

"Ang taas naman ng pangarap mo. Pagkatapos ng ginawa mo sa 'kin, umaasa ka pa din pala na babalikan kita dahil lang sa may anak tayo."

"Oo. Ayoko na lumaki ang anak natin na--"

"You don't have anything to worry about. Wala na ang anak natin kaya wala ka na ding iintindihin pa."

"Anong sinabe mo?"

"Narinig mo ako. Kailangan ko pa bang ulitin? Wala na ang anak natin."

Pinagdiinan ni Steffi ang huling sentence na sinabe niya para tumatak iyon kay ZAC. Napatayo si ZAC at humawak sa magkabilang balikat ni Steffi. Nang makita 'yon ni Kurt ay agad siyang naghanda na kumilos kung sakali man na kailanganin siya ni Steffi.

"Ipinalaglag mo ang anak natin?!"

"Wag mo akong hawakan at wag mo din akong sigawan. Kung hindi, sisigaw ako dito para lumapit dito si Kurt. Pag nangyari 'yon, hindi mo na maririnig ang buong sasabihin ko."

Agad na umayos si ZAC at bumalik sa kinauupuan niya. Pilit niya na pinapakalma ang sarili.

"Patay na ang sana ay magiging unang anak natin."

"Paano nangyari 'yon?"

Tumawa si Steffi na ipinagtaka naman ni ZAC. Naiinis si Steffi at dinadaan niya sa ganoong paraan para itago kay ZAC ang tunay na nararamdaman niya.

"You killed our child. Ikaw ang pumatay sa kanya. Kung hindi mo sana ako sinaktan noong gabing 'yon, sana buhay pa ang anak natin."

Hindi makapaniwala si ZAC sa narinig at napapailing siya.

"Imposible 'yan."

Naghina siya sa kinauupuan niya at tila ba nawalan siya ng lakas. Hindi niya matanggap ang narinig.

"Ikaw mismo ang pumatay sa anak natin. Hindi lang pala ako ang kaya mong saktan. Nagawa mo pang pumatay ng walang kamuwang muwang na--"

"Hindi! Wala akong ginawa!" depensa niya.

"Nasasaktan ka sa naririnig mo? Tama yan. Dapat maramdaman mo din ang naramdaman ko noong nalaman ko na wala na ang anak natin! Kahit anong gawin mo, wala nang mas sasakit pa sa ginawa mo! Pati ang sarili mong anak, nagawa mong patayin! Wala kang awa!" sigaw ni Steffi.

Sobrang nasaktan si ZAC sa narinig. Ang nag-iisa sanang dahilan para balikan siya ni Steffi, mawawala pa sa kanya.

"Ngayon, lalo na akong hindi pa babalik sa 'yo. Hindi pala. Kahit na buhay pa ang anak natin, hindi na talaga ako babalik pa sa 'yo. Mamamatay tao ka. Demonyo ka!"

"Steffi.."

"Makonsensya ka sana sa ginawa mo. Kung hindi dahil sa 'yo, buhay pa sana siya. Yan lang naman ang gusto kong sabihin sa 'yo. Gusto ko lang malaman mo at maging fair ako sa 'yo dahil tatay ka sana noon."

Tumayo na si Steffi pero madaling tumayo si ZAC at hinawakan ang kamay niya saka ito lumuhod.

"Geneere, wag mo akong iiwan. Nagmamakaawa ako sa 'yo. Hindi ko kaya na wala ka."

Hindi na tumitingin pa sa kanya si Steffi.

"Sana naisip mo yan bago mo pa man ako nagawangsaktan. Nagawa mo na ang lahat, wala ng magbabago pa."

Hinila ni Steffi ang kamay niya at saka niya tinalikuran si ZAC. Masali siya nitong hinabol at niyakap siya galingaa likuran niya.

"Sorry, Geneere. Hindi na mauulit. Patawarin mo na ako. Bumalik ka na sa 'kin. Hindi na kita sasaktan ulit. Gagawin ko ang lahat balikan mo lang ako at para hindi mo ako iwan. Nagsisisi na ako sa ginawa ko."

"Nangyari na ang nangyari. Wala nang magagawa ang sorry at pagsisisi mo. Kahit na ano pa ang gawin mo, hindi mo na maibabalik ang anak natin. Wala nang silbi ang sorry mo."

"Hindi, Geneere. Babalik ka din sa 'kin at sisiguraduhin ko 'yan. Hindi mo ako pwedeng iwan."

"Hindi pwedeng iwan?"

Madaling kumawala si Steffi.

"Guess what? I just did."

"Steffi.."

Hahabulin pa sana ni ZAC si Steffi pero agad na humarang si Kurt para kontrolin ang kaibigan.

"Steffi, wag mo akong iiwan!" sigaw niya.

"Aalis na ako, Kurt. Salamat s tulong mo."

"Steffi! Magpapakamatay ako kapag iniwan mo ako!"

"Edi magpakamatay ka. Tama yan, sundan mo yung anak natin at kayo na lang ang magsama. 'Yon ay kung sa langit ka mapupunta."

"Mamamatay ako pag iniwan mo ako. Hindi ko kaya na mawala ka."

Huminga ng malalim si Steffi at unti-unting naglakad palayo doon. Sumakay na lang siya ng taxi pauwi. Nang tingnan niya ang phone niya, puno ng tawag at text galing kay Jico. Hindi na siya sumagot pa dahil malapit lang naman ang pinuntahan nila sa bahay nina Jico.

Nang makarating siya sa bahay ay agad na sinalubong siya ni Jico.

"Saan ka ba nagpupupunta?! Sinabihan na kita, 'di ba?!"

"Anong ginawa mo sa kanya?!

Nakita nbi Steffi ang lalaki na inatasan ni Jico na magbantay sa labas na may pasa at sugat sa gilid ng labi nito. Halata na binugbog ito ni Jico.

"Tinuruan ko lang ng leksyon."

"Ang sama mo! Bakit ba ang mapanakit niyong mga lalaki? Ni hindi nga niya ako sinaktan kahit na anong pagpupumilit ko. Ako pa nga ang nanakit sa kanya kanina para lang makaalis. Bakit ka ba kasi umuwi ng maaga? Umalis lang naman ako sandali at bumalik pero nandito ka na kaagad."

"Pinoprotektahan lang kita kaya ako naghigpit. Kung hindi ka pasaway, hindi sana mangyayari 'to sa kanya! Kung may nangyari sa 'yo, mas lalong lagot sa 'kin tong kumag na 'to."

"Pero wala namang nangyari, 'di ba? Palagpasin mo na lang. Nakasakit ka pa."

"Nag-aalala lang ako para sa 'yo! Alam mo na baliw na yung gago na 'yon. Baka ano pa magawa niya sa 'yo."

"Wala siyang ginawa, okay? Nag-usap na kami at hindi niya na ako guguluhin at hindi na ako makikipagkita sa kanya. I hope that puts your mind at ease, Jico."

"Good."

Hinawakan ni Jico ang kamay ni Steffi at hinila siya para yakapin.

"Natakot ako para sa 'yo. Pinakaba mo ako, Steffi. Palagi ka na lang gumagawa ng mga bagay na hindi ko inaasahan. You never fail to surprise me, Steffi."

"Ang drama mo, Jico!" sigaw niya sabay tulak dito. "Masyado kang protective sa 'min ni Faye pero naiintindihan naman kita. Alam ko na gusto mo lang talaga kaming bantayan at alagaan ni Faye. I really appreciate that. Thank you."

Hinawakan ni Jico ang mukha ni Steffi at hahalikan niya sana ito pero agad na lumapit ang mga bata sa kanila.

"Daddy, what are you doing?!" tanong ni Stephen. "You told me that you should only kiss--"

Agad na tinakpan ni Jico ang bibig ng bata.

"Jericho, you can kiss a girl if you love her," sabi ni Jico sabay tingin kay Steffi.

"So I can kiss Faye, too?"

"Jico, ano bang itinuturo mo sa bata?!"

"Mommy, do you love Daddy?"

Hindi na sumagot pa si Steffi at nginitian na lang ang bata.

"Daddy, you can kiss my Mommy now! We will just play in our room."

Hinila ni Stephen si Faye papunta sa kwarto nil at tiningnan ni Jico ang bantay na nakatayo pa doon para umalis na ito.

"Paano ba 'yan? Pwede na daw kitang halikan?" sabi ni Jico na may ngisi sa mga labi niya.

"Ewan ko sa 'yo! Dyan ka na nga! Kung ano anong mga ginagawa mo. Puntahan na lang natin yung mga bata."

Naunang umalis si Steffi doon at hindi maitago ni Jico ang pilyong ngiti sa mga labi niya. Nakita niya ang pamumula ni Steffi sa nangyari.

'Darating din ang araw na magiging isang pamilya kami. Sisiguraduhin ko 'yon. Mamahalin niya din ako kagaya ng pagmamahal niya kay ZAC.'

-----------------------------------

Ang haba na naman ng update <3 pasensya na guys kung natagalan. super nabusy lang with school stuffs this week dahil puro deadline na. malapit na talaga siya matapos. mga 40 something chapters lang talaga siya :)

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
56K 911 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
314K 6K 71
Casey sets her own incredibly high standards for her ideal man. Only those who possessed such standards will be able to catch her heart. Casey held h...