Me and My Boys VOLUME 4

By JayChowder

297K 9.8K 2.4K

Yup! Another adventure of Allexa and his boys! More

Special Dedications
Chapter 2: Tamad
Chapter 3: Local News
Chapter 4: Sermon
Chapter 5 Reminisce
Chapter 6: The Call
Chapter 7: Eto-Kal LT
CHAPTER 8: The Visitors
Chapter 9: It smells like trash
Chapter 10: Mcdo 24/7
Chapter 11: Cute? Saang banda?
Chapter 12: Haliparot
Chapter 13: Ouch
Chapter 14: Pumayag ka?!
Chapter 15: Holy mother of goose
Chapter 16: Great, now what??
Chapter 17 Spell OA
Chapter 18 Nagda-drugs ata siya?
Chapter 19: 3D
Chapter 20: Alam niyo na, OA
Chapter 21: Faded
Chapter 22: Hi ate
Chapter 23: You're sick
Chapter 24: The Visitor
Chapter 25: The gathering
Chapter 26: Greenhouse
Chapter 27: Are you okay?
Chapter 28: Gang from North
Chapter 29: Eagle
Chapter 30: She mustn't know
Chapter 31: Literal
Chapter 32: To infinity?
Chapter 33: Maybe
Chapter 34: No Mercy
Chapter 35: Us

Chapter 1: Seen

16K 475 192
By JayChowder

IPINAPAYPAY KO YUNG passport sa muka ko while waiting for my husband--yeah, husband. I'm 19 years old and I have a husband.

Anyway, I miss Philippines so much! Namiss ko ang East City, huhubels.

Malamig dito pero since it's summer, medyo mainit, I am not complaining though! I looked around the airport, almost everyone is busy. Nakaupo ako sa isang maleta ko, umalis kasi si husband para kunin yung iba naming luggage.

After a year studying in US, sa wakas, nakauwi narin kami! Sayang nga lang dahil busy daw lahat ng friends namin kaya walang sumundo sa amin. Naiintindihan ko naman, and besides, one month ang vacation namin kaya madami pa kaming time para magkikita kita.

"Cofi, you okay?" Tanong ni Bryce, nakabalik na pala siya dala ang dalawang luggage namin.

"Yeah, I'm fine. Okay na ba lahat ng luggage natin?" I asked him and he checked all our things.

Cofi, yun ang tawagan namin. Ang simple pero at least hindi corny. Ayaw kasi ni Bryce ng mga sweet na tawagan. One day, habang nagko-coffee kami, he held my hand and smiled sweetly sabay sabi ng "I will call you cofi", eh ako namang si babae, kinilig! Tinanong ko, "Bakit? Because you love coffee?". Hindi siya sumagot besh! Ngumiti lang siya at uminom ng kape niya! Nage-effort talaga siyang maging sweet, pero hindi naman ako nagrereklamo, hehe.

"Yeah we're good." He answered. I stood up when I saw Jerry coming towards us, siya yung dating butler ni Bryce

"Hi Jerry!" Bati ko nung nakalapit siya and I hugged him a little.

"Hello, welcome back. Are you ready to go?" Nakangiting tanong niya. Hindi parin siya nagbabago, body guard na body guard talaga ang itsura. you know? Matikas, looking tough and handsome as ever.

"Patulong nalang sa mga luggage" sabi ni Bryce sa kanya at agad naman niyang ginawa, apat lang ang luggage namin plus dalawang carry-ons at yung maliit na shoulder bag ko. They pulled the four luggages, two each, and I followed them behind, but Bryce always made sure that I'm following him kasi panay ang sulyap niya.

He is so protective of me, pero hindi naman niya ako ini-spoil. Hindi kami nanghihingi ng pera sa mga magulang namin-or in my case, kay lolo- kasi we are married and we decided to live on our own. Kaya naman nagpa-part time si Bryce sa branch company ni Daddy Bennie sa US at ako naman sa company ni lolo.

"Cofi, would you like some water?" Tanong ni Bryce habang inilalagay nila yung mga luggage sa van ni Jerry.

"Hindi na Cofi, thank you. Ikaw?" Tanong ko at tumingin siya sa paligid.

"I'll be back" sabi niya saka naglakad patungo sa mga vending machine.

"Allexa" tawag ni Jerry pagkasara niya yung door sa likod ng van at sinilip ko siya.

"Yes po?" Tanong ko at pumunta siya sa tapat ng car door kung saan ako nakaupo.

"Huwag mo sanang mamasamain itong tanong ko, kelan niyo balak magbaby ni sir Bryce?" Tanong niya at naramdaman kong uminit yung muka ko.

"Jerry naman!" Reklamo ko habang pinapaypayan ang muka ko at tumawa siya ng mahina saka umikot sa van at sumalay sa driver's side.

"Nagtataka lang ako, kasi isang taon na nung kinasal kayo ni young master eh" sabi niya, bumukas yung door ng passenger's side at pumasok si Bryce.

"You okay Cofi? Bakit namumula ka?" Tanong niya at nagpaypay ako.

"Mainit" sagot ko, it wasn't a lie.

Ngumiti lang siya saka itinurn on yung aircon at inistart naman ni Jerry yung engine at pinaandar.

"Sigurado kang gusto mong sa dating bahay natin tumira muna?" Tanong ni Bryce without looking at me, nakatingin kasi siya sa cellphone niya.

"Oo naman, namiss ko yung place eh" sagot ko at inalala ko yung mga nangyari sa bahay na iyon with my friends.

Nagusap yung dalawang lalakeng kasama ko tungkol sa mga current events kaya naglabas na ako ng phone at binuksan yung App namin, ginawa yun ni Nathaniel-one of our besties- para matrack lahat ng mga friends namin, pero we just use it nalang para magcommunicate since nagkawatak watak naman kami.

Hindi ko pa sigurado kung magbabakasyon si Jason...after what happened to him and Mary Jane. Si Kurt naman busy sa business nila, Allen is in Japan while Nathaniel is in Paris. The rest of the boys, nagkalat sa Pilipinas. Uhhhhggg, I miss them!

Binuksan ko yung message bar ng Scape App, kokonti lang ang online. I typed 'We arrived. OTW to our house' tapos hinintay kong may magreply.

Seen
Seen
Seen
Seen
Seen
Seen
Seen
Seen

"Bakit ganun?" Tanong ko at napatingin si Bryce sa akin, "bakit walang nagrereply?"

"Baka naman busy sila" he answered and checked his phone kaya nadagdagan yung seen list ko.

"Too busy to type 'okay' or 'key' or kahit 'k' lang? Haaay" I kept my phone in my bag, gusto kong magdrama pero tinatamad ako, hahabels.

"Hayaan mo na, magrereply din naman sila mamaya" Bryce said at nag-usap uli sila ni Jerry kaya tumingin nalang ako sa labas at pinanood ang mga nalalampasan namin.

One year. One year na ang nakalipas mula nung huli ko silang nakasama. Pwera kina Nathaniel at Allen kasi sa amin sila nag-celebrate ng Christmas and New Year. Thankfully, may communication kaming lahat, thanks to the App.

We arrived in our house earlier than I've expected, or napahimbing lang ang tulog ko? Anyway, hindi ko na hinintay si Bryce na pagbuksan ako, lumabas ako mula sa sasakyan at nag-inat habang pinagmamasdan ang bahay namin.

As what the boys have promised, the place is well taken care of. Meron na ring garden sa malawak na lawn namin, and wow! May gazebo narin na pwedeng pagrelaxan! In fairness, inalagaan talaga!

"I miss this place!" I happily shouted at lumapit ako sa may pintuan.

"Cofi!" Sigaw ni Bryce bago ko pa mabuksan yung pinto and I looked back at him.

"Yeah?" Tanong ko and he smiled at me.

"Have fun" he said, kumunot ang noo ko pero hindi ko na siya tinanong kung ano ang ibig niyang sabihin so I opened the door.

*Pak!*

"Ahhh!" Sigaw ko sa gulat nung biglang may pumutok at nagliparan ang mga confetti.

"Welcome home!!" Sigaw ng mga lalakeng nasa harap ko.

I had to blink many times para lang magregister ang mga muka nila sa utak ko.

"You're..you're here" sabi ko at si Nathaniel ang lumapit saka inakbayan ako.

"Surprise?" Tanong niya.

"Pero.. akala ko ba may mga summer classes kayo?" Tanong ko so mga lalake sa harap ko.

"I lied ate, hehe sorry." sabi ni Allen na halos umabot na sa height ko ang tangkad niya. Huhubels, ambilis niyang tumangkad.

"Me too" sabi ni Jason.

"Hindi na kami nagenroll" sabi naman ni Kurt.

"Ha?!" napabitaw si Nathaniel sa akin dahil sa lakas ng boses ko, "As in.. HA!???" Tanong ko, "bakit? Nababaliw na ba kayo?" pero nagkibit balikat sila kaya napaisip ako, "Oo nga no? Mga baliw pala talaga kayo. Pero kahit na--!"

"Bayad na" siksik ni Etong at disappointed yung iba na naglabas ng tig500 nila't ibinigay sa kaniya.

"Wait, ano'ng nangyayari?" Tanong ko habang pinapanood silang nagbibigayan ng pera.

"Nagpustahan kasi kaming sesermonan mo kami pagdating niyo" sabi ni Nathaniel.

"Ahh, may share ako?" Tanong ko, "at asan si Kalbo? Siya lang ang wala sa inyong 5 idiots eh. Napisa na ba siya?"

Tumingin sila sa akin, saka sa lalakeng naka-beannie na may balbas. Ba't sila nagtawag ng tubero? Baka may leaks somewhere.

"Gagu, ginawa mo pa akong tubero" sabi nung lalake at napaisip ako, kaboses niya si Kalbo.

Tekaaaaa..

"OHMG! Kalbo!? As in Albert a.k.a Kalbo!?" Hindi makapaniwalang tanong ko pero agad kumunot ang noo ko, "Ba't sa baba mo tumubo yang buhok mo?" Tanong ko at bago pa niya ako naupakan, hinawakan na siya nina Pekto at Adong sa magkabilang kamay habang tumatawa naman yung mga nakarinig.

"Tara na nga sa kusina, sisimulan niyo na naman eh" reklamo ni Kurt at agad siyang sinundan ni Allen. Anlaki na nga niya! Grabe naman si Puberty sa kanya, huhubels talaga..

"Hoy Lexa! 'Di pa tayo tapos!" reklamo ni Kalbo nung hinila ako ni Bryce papuntang kitchen.

"Haynako, ang sabihin mo, namiss mo lang ako" pahabol kong sabi at nadinig kong sumuka siya, or kunwaring sumuka? Huuu! Denial pa siya, hehebels.

Sumunod yung iba sa kitchen at kanya kanyang naging busy habang nagbibiruan, like the old times. Parang hindi kami naghiwa-hiwalay ng isang taon, parang kahapon lang kaming huling nagkita. Pero konti lang kami ah.

"Sampo lang tayo? Asan yung iba?" tanong ko pag-upo ko sa may table, nakalimutan na ata ni Bryce na may mga gamit pa kami sa labas.

"School and stuffs, subukan nalang daw nilang makabakasyon sa weekend. Nasa taas si Ilong, may inaasikaso" si Jason ang sumagot, kasalukuyan siyang nagtitimpla ng orange juice.

"I see, so what's the plan now? Since ,madami naman tayo"

"Ikaw? Ano ba ang gusto mo?" asked Kurt, pumasok narin yung iba sa kitchen pwera kay Etong at kanya kanyang naghanap ng pwesto. Haaay, hindi parin talaga nila binago ang hairstyle nila—except kay Kalbo.

"Mmm," kinalkal ko si brain, ang gusto lang kasi namin ni Bryce eh umuwi para magrelax muna, lumayo sa stress ng school at work. "Hintayin nalang natin na magsidatingan yung iba saka tayo magdecide?" I asked.

"Sa bagay, darating si Crystal bukas" Said Nathaniel.

"Free din si Kate starting tomorrow" Said Kurt, Kate is officially part of our friendship. Hindi pa kami gaanong ka'close pero hindi naman kami naga-away. Konting panahon pa siguro para magkalapit kami ng husto.

"Eh si Liezyl?" I asked Nathaniel.

"Daan daw siya dito mamaya" he answered.

"Uuwidin daw si Renee, magbabaksayon ng ilang linggo--" Hindi ko itinuloy yung sasabihin ko dahilmay nagring na iyak ng bata at nagtinginan sila. "Grabe, hindi niyo pa nahahawakan ang cellphone ko, napalitan agad yung ringtone ko?" Sabi ko sabay kalkal sa cellphone ko, kumunot nalang ang noo ko nung wala namang tumatawag sa akin, "kaninong ringtone yun?" tanong ko sa mga boys na nagtinginan.

"Uhh, Lexa-"

"May natimpla ba'ng gatas?" biglang tanong ni Ilong na kakapasok mula sa kitchen at napatingin kaming lahat sa kaniya, lumaki ang mga mata niya nung nakita niya ako at napayakap siya ng konti sa hawak niyang...

"OHMYGOD, Ilong.." hindi makapaniwala na sabi ko habang dahan dahang lumapit sa kaniya, pero nakatingin ako sa hawak niya, "may..may anak ka na??"

"Uhhhhhh" sabi lang niya sabay tingin sa mga lalake sa tabi ko, "Hindi ah! Kay Kalbo Kaya 'to!" sigaw niya kaya napatingin ako kay Kalbo na biglang ngumiti ng malapad at daling lumapit at kinuha yung toddler mula kay Ilong, saka lang tumigil sa kakaiyak nung nahawakan na ni Kalbo.

"Anak ko nga pala" he said.


-=-=-=-=-=-=-

SEEN

Hello! Let's start a new journey again from our favorite characters!

Thank you!! I love you my dear Chowdies!

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
942K 32.1K 61
Highest rank reached in Humor category is #5 as of Dec.6,2016. "A story of friendship, love and adventure of a girl with her bunch of guy friends." ...
103K 4.1K 54
Ang kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisani...
147K 11.6K 53
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...