A Night With My Husband's Bro...

De Princess_Daffodilz

506K 7.6K 483

Warning: This story contains mature scenes and violence. Many typos and grammatical errors. So read at your... Mai multe

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2.1
CHAPTER 2. 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER #1
SPECIAL CHAPTER #2
Author's Note

SPECIAL CHAPTER #3

6.5K 142 5
De Princess_Daffodilz


Dalawang buwan na ang nakakaraan simula nung ikasal kami ng asawa ko.

Walang nagbago. He's still as sweet as ever. Dumagdag pa nga ang pagiging sweet niya ngayon eh.

Paggising ko, may bulaklak na sa tabi ko with matching sweet messages pa.

Minsan, aabsent siya para lang makapagbonding kaming dalawa. Pumupunta kami sa mga kilalang beach resort dito sa Pinas o kaya'y pumupunta kami dun sa private resort niya sa Negros.

Wala na talaga akong mahihiling pa, hindi man masasabing perpekto ang pagsasama at buhay namin ngayon pero masaya kami. Wala ng problema.

"Hon, wake up!"

"Hmm..."
Ungol lang ang sagot ko sa kanya. Kanina niya pa ako ginigising pero antok na antok pa ako, tinatamad na gumising.

Ramdam ko ang paghalik niya sa buong mukha ko.

"Five minutes, hon. Give me five minutes."
Inaantok na sagot ko sa kanya.

"Still sleepy?"
Malambing na tanong niya sa'kin.

Tumango ako. Nakapikit pa rin ang mga mata.

"Okay. Alam kong pagod na pagod ka dahil madaling araw na tayong nakatulog kanina.

I'm so sorry, Hon. Just sleep, okay? Pupunta na akong work.
I love you."

Naramdaman ko pa ang paggawad niya ng halik sa labi ko.

Hinila na ulit ako ng antok.

Naggising ako nang makaramdam ng sobrang gutom. Tamad na bumangon ako sa kama.

Napangiti nang makita ang tatlong roses sa bedside table, may kalakip pa itong sticky note na may nakasulat na,

Hey sleeping beauty! Seeing your beautiful face already made my day!
I love you so much, my beautiful wife.

Don't forget to eat your breakfast and lunch, okay?

Nakangiting kinuha ko ito at nilagay sa box kung saan tinipon ko lahat ng mga cards and sticky notes na binibigay niya. Kapag out of town siya ay lagi ko itong binabasa.

"Nay!"
Tawag ko sa ina habang pababa ng hagdan.

"Yaya, catch me!"

Napangiti ako nang makita ang gwapo kong anak na nakikipaghabulan sa yaya niya.

Tumigil pa siya sa harap ko.

"Good afternoon, Mommy!"
Bati niya sa akin bago tumakbo ulit.

Ehh?

Natigilan ako.

Afternoon? Did I hear it right?

Napatingin ako sa wall clock.

Naihilamos ko ang mga kamay nang makita kung anong oras na.

It's already 3 in the afternoon!

What the heck?! Kaya pala sobrang nagugutom na ako! Ang haba ng itinulog ko! My ghaaaaddd!

Dumiretso ako sa kusina at naghanap ng makakain.

Biglang bumaliktad ang tiyan ko nang malanghap ang amoy ng adobo.

Agad na nagpunta ako sa sink at dumuwal.

Nanghihinang napaupo ako.

Buntis kaya ako?

Ganitong-ganito din kasi ako noong ipinagbubuntis ko pa si Ethan eh. Nagduduwal. Antukin. Tapos.... delayed na ang menstruation ko!

Nakangiting napahawak ako sa impis pang tiyan.

"My baby!"
Masayang sambit ko.

"Anak?"
Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ng ina.

Nanghihinang tumayo ako at niyakap siya.

"Nay! Posibleng buntis ho ako!"
Masayang sumbong ko sa kanya.

Lumiwanag ang mukha niya sa tuwa.

"Talaga, anak? That's good news!"

"Pero kailangan kong siguraduhin, Nay. Bibili ako mamaya ng pregnancy test."

"Mom, Lola... I got something for the both of you!"

Napatingin kami ni Nanay kay Ethan na humahangos na lumapit sa amin. May bitbit itong dalawang mangga sa magkabilang kamay.

Naghugis-puso ang mga mata ko nang makita ang mga ito.

"Yaya gave these to me! Here Mom!"
Agad na kinuha ko sa kamay niya ang mangga nang iabot niya ito sa'kin.

Buntis nga talaga ako! I'm craving!

I paused when he touched my face with his little fingers.

"Masarap ba, mom?"

Nakangiting tinanguan ko siya at kiniss sa lips.

This little boy will be a Kuya na!

Dahil nanghihina ang katawan ko ay si yaya nalang ang inutusan kong bumili ng pregnancy test.

Nang bumalik ito ay agad akong umihi at pinatak rito.

Alam kong best result will be at morning pero atat na atat na akong malaman kung positive. Pero malaki naman ang tiwala kong buntis nga ako.

Napatili ako nang makita ang dalawang linya sa PT.

Agad akong lumabas ng cr at sinabi ang balita kina Nanay, Tatay at Mama na kararating lang galing sa regular check-up nito.

Sobrang saya ng tatlo sa narinig na balita. Excited na kinuha ko ang cellphone at tinext ang asawa.

To: Honey
Hon, I have a good news!

Naghintay ako ng reply niya. Ilang sandali pa ay tumunog ang phone ko.
Agad na binasa ko ang reply niya.

What is it, hon?

: I'll tell you when you come home.

Napasimangot ako nang may katagalan pa bago siya nagreply. Ganito ngang talaga ang mood ng isang buntis. Napakashort-tempered!

I'm sorry hon if matagal akong nakapagreply. I'm in the middle of a business meeting lang kasi. Hmm. Naexcite tuloy akong marinig ang good news na yan.I'll be home at 9. See you tonight, hon. I love you!

Napangiti agad ako nang mabasa ito.

: I love you more, hon.

Nagpatulong ako kina nanay at mama sa pagset-up ng dinner date namin ng asawa mamaya

Gusto kong maging memorable at romantic ang pagsasabi ko sa kanya ng good news , na buntis ako!

Nung ipinagbubuntis ko kasi si Ethan ay hindi ko masabi-sabi sa kanya na anak niya ito. Hindi ko nagawang ipagtapat sa kanya agad. Kaya ngayon, ngayong ok na kami at asawa niya na ako, I'll make this night one of the happiest and memorable for us!

Panaka-nakang sinusulyapan ko ang orasan. Six forty-five na ng gabi.

Pumanhik ako sa kwarto't naligo.
Nagbihis at isinuot ang isang pulang bestida. Simple lang ang tabas nito.

Inilugay ko lang ang buhok.
Naglagay ng konting lipstick at polbo bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa garden kung saan nakaset ang dinner date namin ni hon mamaya.

Tiningnan ko ang relo. Napangiti nang makitang 8:30 na ng gabi. Malapit na!

Naupo ako sa pulang upuan. Pumapatak ang orasan hanggang sa apatnapung minuto na ang nakakaraan.

Naghihikab na ako sa kakahintay sa kanya pero pilit kong ginagapi ang antok. Malapit naman na ito eh. Ilang minuto nalang ay darating na din 'yun.

Inilagay ko ang kamay sa mesa. Ipinatong ang baba rito. Hanggang sa hindi ko na kinaya.... tuluyan na nga akong hinila ng antok.

******

KEN'S POV

"Sh*t!"
Ilang beses na akong napapamura habang pinapalo ang manibela ng kotse.

Sobrang traffic kasi at anong oras na oh? Eight forty na ng gabi! But I'm still 90 kms. away from home!

I told hon I'll be home at nine. But what the heck?!

Napabuntong-hininga nalang ako.

Patience, Seb. Patience!

Nakahinga ako ng maluwag nang umusad na.

Dali-dali akong lumabas ng sasakyan nang makarating sa bahay. It's already 11 in the evening!

Natigilan ako nang maapakan ko ang mga rose petals na nakakalat sa sahig.

Napakunot-noo ako.

Ano'ng meron?

Sinundan ko nalang ito.

Papunta sa direksyon kung nasaan ang garden namin.

Natigilan ako nang makita ang napakaganda kong misis na natutulog. Nakaramdam ako ng konsensya. Alam kong naghintay siya sa'kin.

Napangiti ako. She really set a romantic dinner for us. Sinira ko nga lang dahil late na akong nakauwi. Nalungkot ako.

"I'm sorry, hon. I'll make it up to you, I promise that."

Umupo ako sa harap niya.

Tinitigan ko muna ang napakaganda niyang mukha. Kahit tulog siya, napakaganda niya pa rin. She's like an angel in red dress. Ahh this dress! Even if it's just a simple red dress, but it's really enticing. Ang ganda niya sa dress na 'to eh!

Hinaplos ko ang mukha niya.

"Hon, I'm already here."
Masuyong bulong ko sa kanya habang hinahaplos ang makinis niyang mukha.

"Hmm.."
Dahan-dahan niyang iminulat ang magaganda niyang mga mata.

"Hon?"

Nakangiting tinanguan ko siya.

"Yes, hon. I'm here."

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo.

"Ano'ng oras na, hon?

Gutom ka na ba?

Wait! I'll just go inside and get the fo—"

"Hon."
Pinigilan ko ang isang kamay niya.

"I'm not hungry. Alam kong gutom ka na. Ako nalang ang kukuha ng pagkain sa loob. Don't bother yourself. Ikaw na nga 'yung pinaghintay ko ng ilang oras. Ngayon ako naman ang magseserbisyo sa'yo."

Pumunta na ako sa loob at kinuha ang mga pagkain.

Sinubuan ko pa siya.

"Kumain ka din, hon!"
Sabi niya sa'kin pero umiling ako.

"I'm still full, hon. Iba kasi ang gusto kong kainin ngayon eh ."
Kinindatan ko pa siya.

Natatawa ako nang pinamulahan siya ng mga pisngi.

God... I really love seeing every innocent reaction from her! The way her cheeks get red like this. The way she shivers everytime I kiss every parts of her body.

"Pilyo ka talaga, hon!"

"What? We do that every night naman ah!"

Amuse na tinitigan ko siya, lalo kasing namula ang mga pisngi niya.

"A-Ahh hon! Di ba sinabi ko kanina na may magandang balita ako para sa'yo?"

Inilapit ko ang mukha sa kanya. Bigla siyang natense at napapalunok.

Aww.. so cute! My honey is so adorable! Her reactions  feel like it's the first time we ever kissed and touched.

"Hmmm.. What is it, hon?"
Inilapit ko ang labi sa kanya at ginawaran siya ng isang mabilis na halik.

Lumipat ako sa tabi niya habang hawak-hawak pa rin ang magkabilang-balikat niya. Pinalakbay ko ang mga kamay sa bewang niya pababa sa laylayan ng suot niyang bestida.

"H-Hon... N-Not now, okay? Pakinggan mo muna ako, please?"

Lumayo siya sa'kin.

Tumuwid ako ng tayo.

"Okay, hon. Ano ba 'yun?"

Kumislap ang mga mata niya.

"I'm pregnant!"

Napaawang ang mga labi ko.

"Really?!"
Sobrang saya ko.

Hindi ko na namalayan, umiiyak na pala ako sa sobrang saya.

Tinanguan niya ako.

"Yeah. Magiging kuya na si Ethan!"

Niyakap ko siya nang mahigpit saka ginawaran ng isang masuyong halik sa labi.

God! I'm so lucky! I am so happy!

Magkakaroon na ng kapatid si Ethan!

--------------

Months have passed. Mabilis na lumipas ang mga araw.

At ngayon ay kabuwanan na ni hon.

Excited na excited na kaming makita ang baby sister ni Ethan.

Oo, babae siya! Nalaman namin noong six months old pa lang ito. And I was so happy! May babae na ako!

Pero iaachieve ko pa rin ang isang dosenang anak, men! Ang ganda ng lahi namin eh, dapat paramihin talaga!

But seriously, kahit magkaroon lang kami ng limang anak, okay na ako dun!

Iba kasi ang pakiramdam na maging ama eh. It is a very very overwhelming at heartmelting feeling everytime your child/dren call/s you "dad/papa/tay". Hindi maipaliwanag ang saya eh.

Also, being a husband brings incomparable feeling. Gusto kong lagi akong nasa tabi ng asawa ko. Gusto ko siyang alagaan araw-araw. Sa tuwing masa trabaho ako, gusto kong hilahin ang oras para makauwi na ng bahay at makasama ang asawa ko.

Gusto kong andito ako sa tabi nya kapag ipapanganak niya na si Rosy Kaitlin.... 'yan ang naisipan naming ipangalan sa baby girl namin. Gusto 'kong nakahawak siya sa kamay ko habang idideliver ang baby girl namin dahil hindi ko ito nagawa noon nang ipanganak niya si Ethan eh. I want to be her strength everytime she's weak.

"Awwww....hoooonnnn!"

Natapon ko ang mga papeles na inaatupag dito sa study room at mabilis na nagpunta sa kwarto namin. Simula kasi nung 6 months old na 'yung baby sa tiyan niya ay dito ko na ginagawa ang mga paperworks ko sa bahay.

Natatarantang nilapitan ko siya nang makitang namimilipit siya sa sobrang sakit.

"Manganganak na ako, hon!

Lalo akong nataranta.

Agad na kinarga ko siya na parang bagong kasal.

"Mom! Nay! Tay! Manganganak na si Camille!"
Wala akong pakialam kung mabulabog ko ang tulog nila, kailangan ko sila ngayon! I don't know what to do! Natataranta na ako!

Nagmamadali silang lumabas sa kani-kanilang mga kwarto.

Lalong nadadagdagan ang pagkataranta ko nang humihiyaw na sa sakit ang asawa.

If only I could take that pain away. Ayokong nakikitang nasasaktan siya.
Come on, baby girl! Don't give your mommy a hard time, please?

Dali-daling isinakay ko siya sa loob ng kotse.

Sumunod naman ang tatlo sa'min.

Kinakabahang inistart ko na ang makina ng kotse. Hawak-hawak sa isa kong kamay ang malamig niyang palad.

"Hang on, hon! Breathe! We're almost there!"
Kinakabahang sabi ko sa kanya habang nagmamaneho.

Nang makarating kami sa ospital ay agad na dinaluhan kami ng mga nurse. Ipinahiga ang asawa ko sa stretcher habang hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya.

Pinayagan naman ako ng doctor na pumasok sa delivery room dahil gusto kong alalayan ang asawa ko. Ayokong mawalay sa kanya eh like I promised myself. I'll be her strength.

"Push!"
Sabi ng doktor kay hon.

Napapapikit ako sa tuwing napapahiyaw siya sa sakit. Mahigpit na hinawakan ko ang kamay niya.

"Come on, hon! You can do it!"

"Push!"

"AAAAHHHHHH"

"Breathe deeply, Misis. We're almost there!"

"AAAAHHHHH"
Hiyaw ulit ni hon. Lumalabas na ang litid niya sa leeg. Namumula ang mukha.

Naiiyak ako sa tuwa nang marinig ang pag-iyak ng baby girl namin.

Walang mapagsidlan ang saya sa dibdib ko.

Lumuluhang napatingin kami kay Rosy Kaitlin na hawak-hawak na ng doktor. Nilinis ng doktor ito at binihisan.

Sobrang saya ko! Gusto kong humagulgol ng iyak sa sobrang saya!

Nagpapasalamat talaga ako sa Panginoon.

Binigyan Niya ako ng magandang trabaho. Magandang buhay. Di man ganung kaperpektong pamilya pero I have a perfect family of my own naman. Napakaganda at napakabait na asawa ko. Napakagwapo at napakagandang mga anak.

Wala na akong mahihiling pa kundi ang patnubayan Niyo nalang ho kami sa araw-araw naming pamumuhay.

Maraming salamat ho sa lahat ng blessings, Lord God!

Ngayon, kontento na akong namumuhay with my own family.

This happiness we feel will live forever in our hearts.

Continuă lectura

O să-ți placă și

239K 3.9K 54
Completed Genre: Romcom/Action All rights reserve 2022 You can read it as stand alone Rated SSPG --- Handang gawin ni Rhian ang lahat para sa pamilya...
111K 2.2K 15
Hot & Nasty Nights Series 1: Isang madre na ang paniniwala ay tinatawag siya ng Diyos. Pero wrong call pala dahil isang gabi, isang lalaki ang makaka...
1M 32.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
17.4K 393 30
He's 20. Young, handsome, fresh and with EXPERIENCE at may malaking S sa huli! He is a sex addict, magaling magpatirik ng mata in short MAGALING SA K...