Completed Genre: Romcom/Action All rights reserve 2022 You can read it as stand alone Rated SSPG --- Handang gawin ni Rhian ang lahat para sa pamilya.Tumigil siya sa pag aaral at pinasok ang iba't ibang trabaho.Kahit pa marumi at nakakahiya sa paningin ng iba,napilitin siyang magtinda ng mga sex toys para mabuhay. Aksidenteng naideliver ang ilang package ng mga tinda niyang laruan kay Gregory Monasterio -isang bilyonaryong mafia na may asul na mata at nanganganib mawalan ng kaligayahan dahil sa tumatamlay na alaga. Dahil sa pagkakasangkot ng negosyo ni Rhian sa organisasyon ng isang sindikato,nagsimulang manganib at magulo ang kanyang walang kuwentang buhay. Nangako siya sa lalaki na gagawin niya ang lahat huwag lamang siya nitong patayin.Isang kakaibang deal ang nabuo sa pagitan nila no'ng araw na iyon. Nangako si Gregory na hindi siya nito papatayin ,kung magagawa niyang pagalingin ang ayon dito'y nakakarindi nitong sakit. Hindi alam ni Rhian kung nagbibiro lamang ito o pinaglalaruan lamang siya ng tadhana.Pero kilalang mamamatay tao si Gregory na kayang kitilin ang buhay niya at ng kanyang pamilya. Pumayag siya sa lahat ng kondisyones nito at nagsimulang gamutin hindi lamang ang alaga ng lalaki kundi pati ang matigas nitong damdamin at ang taliwas na paraan nito ng pag iisip .