BEST-Friend-Zoned (Book 2)

De katnisssss

2.4K 20 9

Nagbabalik na ulet sila Luga at Gulaman. It's still the same label. But could it be possible, na nagkapalit n... Mais

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty-Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty
Author's Note
Epilogue

Special Chapter

39 0 0
De katnisssss

"Pauwi na kayo ni Logan?"

Hindi ko na alam kung ano ba ang uunahin ko - ang pag-eempake o ang pagsagot kay Mama.

"Opo, Ma. Inaayos na po namin lahat ng dadalhin diyan, mamayang hapon po ang flight namin."

Hindi ko na halos maiayos ang mga damit na nilalagay ko sa maleta. I just hope I can make Daphne happy with these clothes I am putting yet I don't have to deprive myself from uneasiness wearing all these 'fancy' clothing once I get back there. Kung sa bagay, may mga damit nga pala ako roong masasabi kong mas magiging maayos ako.

I'll take note of packing more of those once we arrived.

"Bakit ba kasi nausog ang flight niyo? Dapat nga ay kahapon pa kayo naririto."

"Ma, alam mo naman kung gaano ka-busy sa university ngayon, di ba? Malamang ganoon din si Luga. Mabuti na nga lang at pinayagan kaming makapag-leave gayong nasa kalagitnaan pa lang ng semester."

Rinig na rinig ang tampo roon sa boses ni Mama. "O siya sige, siguraduhin niyo lang na makakarating na kayo rito bukas. Aba't sa Biyernes na ang kasal nila Bettina, kailangan mo pang sukatin ang damit mo, puro pa naman kayo kain ni Logan. Sabi ng Tita mo tumataba ka na raw!"

Napasimangot ako sa tinuran ni Mama.


Oo na, aminado naman akong puro kain ang ginagawa naming dalawa nitong mga nakaraang araw. Hindi, ako lang pala halos. Lagi siyang bumibisita sa university bitbit ang isang dosenang pagkain. Araw-araw walang palya. Para raw hindi ako magutom.

Akala ko matatapos na iyon kapag sinagot ko na siya, mas lalo pa atang lumala. Sa pagkakataong ito, hindi na ako makapag-reklamo pa.


"Sige na, Ma. Mag-aayos lang ako, magkita na lang po tayo diyan bukas. I still have to call Ian."

"Mag-ingat kayong dalawa!"

Tumango na lamang ako "Opo!" at saka hinintay na maputol ang tawag.


Nang matapos sa mga damit ay humiga muna ako sandali sa kama.

I've been trying to recount how many times I was able to lay like this in my bed. I was just so busy, I still feel like I'm a Harvard student. Akala ko pa naman kapag naging professor na ako ay mas mababawasan ang trabaho ko, hindi pala. I'm not even taking my Masteral's yet.

"Pagod ka na?" Sumulpot na lamang bigla si Logan sa kwarto ko dala-dala na naman ang mga pagkain niya.

Kinunotan ko lamang siya ng noo.


No way I'm eating those again! Kahit naman panay ang jogging ko araw-araw, hindi maipagkaka-ila na tumaba nga ako. And I forgot how I have to be fit on Bettina's wedding. I'm kind of seeing Ian nagging me this time around...

Or should I say, more of complimenting me with his sarcastic tone.


'Look at you, you're Mrs. Roberts! Sabi ko na nga ba kaya ayokong magturo, I'm suddenly becoming a not so hot teacher! <Evil laugh>'


Bumalik ako sa pagkaka-upo. "Tumawag si Mama, nanermon na naman."

Tumawa lang siya.

"I swear magda-diet na ako! Bahala kang kainin 'yan mag-isa!" Padabog ko siyang iniwan sa loob ng kwarto. Patuloy lang naman siya sa pagtawa.


Wala talagang pinagbago, hays! Sana pala hindi ko na lang siya sinagot o hindi ko muna siya sinagot para hanggang ngayon, alila ko pa rin siya. Hindi na ako makaangal sa kanya ngayon...


'Ian...'

'Yup? Where are you?' Sagot naman niya sa kabilang linya.

Dinama ko ang medyo malamig pa ring hanging umiihip sa kabuuang lugar. 'Still in MA, we'll be there probably in the morning.' Nakita ko ang usok na lumabas sa bibig ko nang huminga ako ng malalim. 

Sandaling natahimik sa kabilang linya ngunit bigla naman din ang ingay na nanuot sa tenga ko nang muli na siyang magsalita. 'You've got to be kidding me! Dapat pala ninakaw na kita diyan sa boyfriend mo no'ng paluwas na kami rito!'

Nagkibit-balikat na lang ako.

'Anyway...' biglang panghihina ng boses niya. 'That story has the right to be shared. Binigla-bigla niyo naman kami. Naku, Angela! I don't want to hear any ringing bells with you two, at least, not yet! Dapat kami munang dalawa ni Sean!'

'Well, go ahead and tell Kyle too! I'm sure Daph's not a competition so you need not to worry. At ako pa talaga? Tss!'

'You'll never know, honey...'


Itaga mo sa bato, Ian. I'm sure we'll end up last.

Ni hindi pa nga ako nasasanay sa relasyong meron kami ngayon paano pa kaya kung magiging mag-asawa na kami. And duh, two months aren't enough for you to finally wed. Years of being on the bestfriend tag don't count as part of the relationship years.


Inilayo ko na lamang ang usapan. 'Nasa Bora na kayo? How's Bettina? Please give her a mind-blowing bridal shower. She needs it, Ric's just too stiff.'

'No worries, Bettina will surely have the time of her life, she might've turn the wheel on locking her vows with Ric.' Tumawa siya ng malakas. 'Anyway, I'll sort of give the guys some sneak in first before I head to Betty's.'

Napairap na lang ako. Of course!

'And yup, we're here na, kayo na lang ang kulang! Make sure you two are both in parties, I swear you'll enjoy it as well, Angel.'

'You know what, nice talking to you, Ian. Babalik na ako sa kwarto para makapagpahinga pa bago lumipad ang eroplano. I'll see you there!'


Nakarating kami ng Maynila mas maaga sa inaasahan. I guess that's just better. Marami pa kaming kailangan asikasuhin bago pa man kami lumipad papunta ng Aklan.

"Hindi naman natin nakalimutan yo'ng regalo para kina Betty, 'no? Pinag-isipan ko pa man din yun, sayang kung hindi natin nadala." Puna ko nang makasakay na ng taxi at paalis na ng airport.


Nakailang beses ding tumawag si Mama habang nasa daan kami, pilit na sinisiguro na makakarating nga kami sa tamang oras.

Nang makarating, una naming tinungo ang bahay nila Logan. Naroon daw si Mama at nag-uusap sila ni Tita Marie tungkol sa lulutuin para sa mangyayaring kasal.

"Kumusta ang byahe?" Bungad ni Tito nang mapagbuksan kami ng gate.

Ngumiti ako kay Tita na agad kumapit sa akin nang makapasok ako sa bahay. Hanggang sa makalapit sa dining area ay ganoon ang posisyon naming dalawa.

"Maayos naman po. Akala ko maaaksidente na kami kakamadali sa amin ni Mama." Tumingin ako kay Mama na nakangiti lang din. "Have we missed lunch?"

"Umakyat ka muna sa taas para masukat mo na yung dress mo, kapag hindi nagkasya, hindi ka kakain."

"Oh stop it, Christine! Mabuti nga't nagkalaman itong si Angela. Siguro kailangan kong pasalamatan si Logan?" Nang matapos kay Mama ay muli niyang idinerekta sa akin ang mga mata niya. May kinang doon na hindi ko maintindihan para saan. "Samahan kitang magsukat?"

Tumango ako. Hindi ko nga lang alam kung anong klaseng ngiti ang naigawad ko sa kanya.

"'My, stop freaking her out, please..."

Hindi binigyang pansin ni Tita ang mga salitang iyon ni Logan, patuloy lang siya sa pag-gabay sa akin patungo sa kwarto ni Mia.

Pagkarating sa loob ay nagmadali siyang kunin yo'ng sinasabing gown ni Mama. I got to see it in the picture so it's not a shock seeing the design today. Agad na pinasukat sa akin yo'n ni Tita.

"Mabuti na lang tumaba ka ng kaunti, tamang tama lang sa'yo to." Puna niya nang makita na akong suot iyon, inayos niya ang laylayan ng damit. Sabay naming tiningnan ang sarili ko matapos. "Sunod, wedding gown naman ang suot mo."

Ngumiti ako. I can't see myself on that status yet but I'd like to think how will I look like wearing that sacred gown.


Matapos ang nangyaring salu-salo, nagpaalam na muna kami ni Mama para makapag-ayos na rin para sa magiging byahe namin mamayang gabi.

Gaya nang sinabi ko, nag-empake ako ng iilang kumportableng damit. Sinubukan ko ring ayusin ang mga gamit ko sa kwarto kahit wala naman halos kailangang ayusin doon. Agad din akong umalalay kay Mama pagkatapos ko.

"Uuwi rin po kayo agad?" Tanong ko habang tinutupi ng maayos ang mga damit na dala niya. Masyado yo'ng kaunti para sabihing magtatagal sila sa isla.

Patuloy lang siya sa pag-aayos. "Marami pang kailangan tapusin dito, alam mo namang hirap din akong iwan ang grocery store natin. Tsaka, para naman sa inyo yo'n pagkatapos ng kasal, oras niyo yo'n."

Hindi na ako nakaangal pa.


Ito ang gusto kong alisin kay Mama - ang masyado niyang pagiging workaholic. Siguro ang out-of-town trip ang magandang plano para sa kanya, mas magandang isama ko sila Tita Marie para wala na siyang angal pa kung sakali. Hmm? Let me talk to Logan about that plan.


Napuno pa ng kwentuhan ang gabing iyon nang dumating na si Mia. Napagdesisyunan rin ng barkada na mag-overnight na lang kina Logan para sabay-sabay na kaming lahat para sa flight bukas ng umaga, kaya naman halos hindi rin kami nakatulog. 

Nang dumating ang madaling-araw ay mabilis kaming kumilos papunta ng airport. Mabilis lang din ang naging byahe namin papunta ng Caticlan. Ilang transfer din ng sasakyan ang nagawa namin bago pa man makarating sa tutuluyang hotel.

"Finally, you're here!" bulyaw agad ni Ian sa akin nang sumabay kami sa kanila para sa late breakfast. Yumakap siya sa akin at nang makita kung sino yung biglang umaligid ay saka siya ngumiti ng masama. "So why won't you introduce your boyfriend?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Shut up, Ian!"

Nagtawanan lamang sila.

Masaya ang naging umagahang iyon. I get to see the complete gang. I get to see Betty and Ric, who're very excited on the upcoming wedding and I get to see this whole paradise again.

Isa lang ang hindi masaya, naging tampulan ako ng tukso sa hapag-kainan.

"The last time we get here, ako pa ang boyfriend mo, now what happened? I wonder if I join you in Harvard, will it still be this way?" Matapos ay nilingon niya si Logan na sumiksik talaga para lang makatabi ako. "Nawala lang ako sa tabi niya, sinulot mo na agad Logan."

Nagkibit-balikat lang naman ang luga. Ako lang ata ang hindi tumawa sa sinabing iyon ni Ian.


Nang matapos ay saka kami tumungo sa kanya-kanya naming mga kwarto. Halos lahat ng ibang bisita ay nasa parehong hotel kung saan gaganapin ang beach wedding. Ang iba naman, doon sa Station 2 nanatili, because that's where the limelight of nightlife is.

Tatlong deluxe suites ang inokupahan naming mga bagong dating. Kasama ko sina Mama, Tita at Mia sa kwarto.

Pagkarating pa lang ng kwarto, imbes na makapagpahinga galing sa naging byahe, tinext naman kaagad ako ni Ian tungkol sa magiging despedida de soltera ni Betty.

"We're doing it tonight. It's actually surprise, she doesn't know anything about it. So... we had to keep her away from sort of her together moments with Ric before the wedding. I think the guys are planning to have the stag party also tonight, so we're both on the same track."

Pagsapit ng gabi ay sabay-sabay ulit kaming nag-dinner. Gaya ng inaasahan, pinili na naman ng dalawa ang mamasyal nang sila lang dalawa.

I really don't get it. After marriage, the more bond the two of you can have so while you're still single, enjoy your time with family and friends. Try to cut the strings between you and your partner in life... just for a while. Sila Betty ata ang baliktad.

And so the plan has officially start...


Kanya-kanya kaming stratehiya kung paano nanakawin ang dalawa. Piniringan namin sila para lang hindi makita ang kung anuman ang nasa paligid nila, especially what we prepared.

Si Ric halos kargahin na ng mga lalaki dahil masyado siyang magalaw. Si Betty naman, gaya ng natural na siya, mahinhin lang pero maraming tanong.

"You ready for a mind-blowing bridal shower, Betty?" Natatawang bulong ni Ian.

"Bridal shower? Then why is Ian here?" Paglihis niya ng sagot na halatang punong-puno ng sarcasm.

"Oh, just enjoy this sexy night, and imagine I'm a girl! Besides, I'm a girl by heart, I could even pass being the girl from you all, especially Angel..."

"Shut up, Ian!"

Napuno ng tawanan ang bawat maraanan namin. Hanggang sa matapos ang kasiyahan, punong-puno pa rin ng tawanan. Ian might be the happier, I don't know what exactly he did but the guys seem to accompany him just right. Or more than right.


"Come on, you just have to lick it! What's so bad about that?"

Hay ewan, Ian! Lasing ka na talaga!

Hindi ko na lang siya pinansin. Hinayaan ko lang siya sa pagsasalita, sa pag-aakalang ikakapagod niya yo'n.

"Oh, the boyfriend is here!" Narinig kong biglang palakpak ni Ian. "Fine, I'm going to shut up." Sunod ay malakas siyang bumulong sa akin. "I hope you're enjoying this night, now! Goodnight, Angel!"

Mabilis akong dinaluhan ni Sean para saluhin ang bigat ni Ian. "Sorry, he had to cause another trouble again." Maang niya pang paumanhin

Iiling-iling na lang akong pinagmasdan si Ian na hindi na halos makaayos ng lakad sa sobrang kalasingan. Saka lang ako lumingon sa katabi ko nang mawala na sila sa paningin ko.

"Uminom ka?" Unang tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa kanya. Na para bang kahit ilang buwan na rin kami, nandoon pa rin ang hiyaan. O sadyang ako lang yo'n?

Umiling ako at nagsimulang maglakad sa may dalampasigan. "Ikaw?"

"Kaunti. Hindi naman ako makatanggi."

Hindi ko siya tiningnan nang tumango ako.

Ilang minuto kaming naglalakad pero halos iyon lang ang naging laman ng usapan namin. Sapat na ang ingay ng alon para lamang mapagbigyang-lugar ang kaming dalawa na naroon at naglalakad sa buhanginan.

"Hey..." Nagulat ako nang inabot niya ako. Mapungay ang mga mata niya nang matanaw ko.

I know he made it out of the line on those drinks, but just enough to make him stable still. Ngayon ko lang din napansin ang pagbabago sa balat niya. Looks like being in a place with winter made him good. You know when he gets to drink now that you're seeing him this red.

Nagbigay ako ng atensyon. Hindi siya dumugtong, nakatingin lang siya sa akin. Nakahawak siya sa isang kamay ko at unti-unting lumuluhod.

Bago pa man maramdaman ng tuhod niya ang buhanginan ay pinigilan ko na siya. "Alam mong hindi kita sasagutin kapag ginawa mo 'yan ngayon."

Imbes na makinig ay patuloy pa rin siya sa pagluhod. Ilang sandali siyang tahimik sa ganoong posisyon, sunod ay ngumiti siya sa akin. "Alam ko..." Pagkatapos ay lumagapak na lang siya ng paupo roon. "Uupo lang naman ako. Hindi ka pa napapagod kakalakad?"

Tss! Baliw talaga!

Umupo na lang din ako. I should act cool kahit napahiya ako roon. Tumingin na lang ako sa may tanawing dagat matapos maramdaman ang ginhawang naidulot ng pag-upo ko sa buhangin.

Bakit nga ba hindi ko naisip na napagod na siya kakalakad? To the point that he's also drunk.

Naramdaman ko ang pagbagsak ng ulo niya sa balikat ko. Hinayaan ko lang kahit tahip tahip sa akin ang kaba.

Binalot muli kami ng katahimikan.

"Di ba sinabi kong maghihintay ako kahit anong mangyari? Papakasalan kita pero sa tamang panahon. Sa panahong alam kong sasagutin mo na ako."

Ang kaninang malakas na pintig ng puso ko ay mas lalo pang lumakas dahil sa mga sinabi niya.

"Umidlip ka na nga lang diyan."

Katahimikan.

Matapos ang ilang minuto, hilik ang narinig kong sagot niya.

Ngumiti ako at saka bumulong malapit sa kanya. "Yo'n ay kung kaya mong maghintay ng sampung taon..."

















Continue lendo

Você também vai gostar

451K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
161K 7.5K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.