Falling for Mr. Wrong (A Shar...

By imnotkorina

146K 4.7K 981

Alam ni Corazon kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para masabing ito na si Mr. Right... More

FALLING FOR MR. WRONG (A SharDon Fanfic)
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER: Mr. Right

CHAPTER 16

3.3K 109 12
By imnotkorina


CORAZON

Habang lumalapit ang araw ng debut ni Kristine ay mas lalo lamang naging abala ito at ang kanyang tiya. Para sa rehearsals ng cotillion at kung ano-ano pa sa mismong venue, final fitting ng gown at pagsiguro sa ilang pang mahahalagang detalye para sa mahalagang araw nito.

"I can't wait to see you in a dress tomorrow," naka-ngiting sabi ni Donny sa kanya habang haplos ng isang palad nito ang kanyang mukha.

"Bakit ako? Si Kristine naman ang may debut bukas. Dapat mas ma-excite ka sa itsura ng debutante," aniya na kunot ang noo.

Inayos ni Donny ang braso nitong nakatukod sa punong kinasasandalan niya. She sneaked out just to see him. Hindi miminsan siyang tumakas para lang makipag-kita dito kahit sandali. Alam niyang mali ngunit mas natatakot siya sa galit ng kanyang ate oras na malaman nitong kinakatagpo niya si Donny.

"Kasi ikaw 'yung gusto ko," he grinned.

Inilapit ni Donny ang mukha nito sa kanya hanggang sa madampian nito ng halik ang kanyang labi. Its softness never failed to make her sigh as she responded to his kisses. Hindi niya alam kung tama ba ito'ng nangyayari ngunit hindi rin naman niya mapigilan ang kanyang sarili.

Sa pagtungo nila sa kalapit na hotel ng venue kung saan aayusan si Kristine ay dala na rin niya ang mga sariling gamit. Nangiti siya habang pinagmamasdan ang simpleng damit na binili ni Donny para sa kanya. She wondered how she would look in that dress. Nahinto lamang ang pagde-daydream nang tawagan na siya ng kanyang tiya para tulungan ang kanyang pinsan.

Puno ng tao sa loob ng suite dahil bukod sa mga nag-aayos kay Kristine ay may mga videographers at photographers na naroon para kunan ang ginagawang preparasyon. Halos ilang oras din ang ginugol para ayusan si Kristine. At tulad ng inaasahan sa kanyang pinsan, lutang na lutang ang ganda nito sa ayos at suot na gown. She looked like a real princess.

Abala na si Kristine sa picture taking. Kinuha niyang pagkakataon iyon para maghanda na rin. Pagod siya sa lahat ng utos sa kanya kanina pero ang isiping makikita niya si Donny ay ang tanging nagpasigla sa kanya.

Patungo na siya sa isang bakanteng kuwarto nang mapahinto nang harangan ni Kristine. Tinignan niya ang mga taong nasa paligid nila at lahat ay may kanya-kanyang ginagawa. Ang videographers na nagco-cover ay kasalukuyang kausap ng tiyahin niya't mukhang ipinapakita ang mga naunang nakunan.

"Saan ka pupunta?" Kristine asked with a very sweet smile on her face. "Ano 'yan?" tukoy nito sa dala niya.

Nilingon niya ang hawak na paperbag, "A-Ah...m-magpapalit na sana ako ng damit—"

"Bakit?" her smile now is sarcastic. "Para saan? Bakit kailangan mong magpalit ng damit?"

Bumaba ang tingin niya sa suot nitong gown. Its intricate silver embellishments were shining like little stars. Tila ilusyon ang neckline nito kaya naman mukhang nakakapit na mismo sa balat ni Kristine ang kumikinang na mga bato.

"P-Para sa debut mo—"

"Bakit? Pupunta ka? Ahm...in-invite ba kita?" tumaas ang dalawang kilay nito habang nakahalukipkip sa harapan niya.

Humigpit ang kapit niya sa hawakan ng dalang paper bag at mas lalo lamang napayuko. She couldn't look at her cousin straight in the eyes. Siguro dahil nahihiya sa pag-aakalang maaari siyang magpunta sa enggrandeng debut nito.

"Marami ako'ng kaibigang pupunta ngayon at siguro naman alam mong hindi sila basta-basta. Mayayaman ang mga iyon at karamihan sa kanila hindi pa alam na pinsan kita. At wala ako'ng balak na ipaalam pa iyon sa kanila. Kaya kaysa mapahiya ako nang dahil sa'yo, mas mabuti kung umuwi ka na lang."

She couldn't utter even a single word. It's Kristine's party after all. Hindi niya puwedeng igiit ang sarili niya gayong hindi naman siya nito pinapayagang dumalo.

"Oh, bakit mukhang malungkot ka? Ganoon mo ba kagustong magpunta sa party ko, Corazon?" Kristine let out a mocking chuckle. "O baka naman gusto mo lang landiin ang escort ko? Well, sorry, pero hindi kita bibigyan ng pagkakataong sirain ang gabi ko. Namin ni Donny. Kaya umalis ka na at ayaw kong makita ang pagmumukha mo sa debut ko mamaya."

"Kristine! Halika dito at kukunan pa tayong dalawa," tawag ng tiya niya sa kanyang pinsan.

Doon lamang siya naglakas-loob na tingalain si Kristine. Her thin and perfect lips curved into a smirk. Umirap ito bago hinawakan ang palda at naglakad patungo sa kung saan ang kanyang tiya.

Bumagsak ang kanyang balikat at marahas ang naging buga niya ng hangin. Malungkot siyang ngumiti habang pinagmamasdan ang hawak. Bakit ba hindi niya ito nakitang paparating?

Nagsimula na muli siyang maglakad ngunit ang direksiyong tahak niya ay ang palabas sa suite. Nakasalubong niya pa si Maymay. Naka-ponytail ang mahaba nitong buhok at ang suot ay bumagay sa balingkinitan nitong katawan.

"Oh, Raz, 'di ka pa ba magbibihis? Malapit na magsimula ang party," anito sa kanya.

"Ah...magbibihis na rin." She didn't linger there for too long. Pinagpatuloy niya ang pag-alis upang hindi na mabigyan pa ng pagkakataon si Maymay na mas makapag-tanong pa.

Sa tricycle pauwi ay panay ang tunog ng kanyang cellphone. Isang beses ay tinignan niya iyon at nang makita ang pangalan ni Donny sa screen ay hindi na muli pa iyong pinansin. She couldn't tell him that she can't make it tonight. Sa takot na oras na gawin niya iyon ay may gawin si Donny na mas lalo lamang gagalit sa pinsan niya.

Though, she doubts if Donny will really walk out from that party. Pero kahit na. Mas mabuti na iyong wala siyang sasabihin.

"Nandito na tayo, 'ne."

Napaigtad siya nang marinig ang boses ng tricycle driver. Mukhang kanina pa sila nakahinto sa bahay ng kanyang tiyang at sa lalim ng kanyang pag-iisip ay hindi niya iyon kaagad napansin.

"Ah, pasensiya na po. Ito po bayad. Salamat..." pagka-abot sa kanyang eksaktong bayad ay umibis na siya mula sa tricycle.

Halos ilang minuto pa lang na lagpas alas-sais. Siguro'y pauwi pa lang ang kanyang Ate Joy mula sa grocery store ng kanyang tiyang. Mag-isa lang pala siya ngayon sa bahay. Siguro maganda kung lutuan niya ng hapunan ang kanyang kapatid kaysa naman iyong tumunganga lang siya at walang gawin.

"Raz? Raz! Uy!" si Myriah.

Nilingon niya ito at saglit pang nagtaka nang makita na masyado ito'ng naka-ayos. Hanggang sa naalala niya kung ano'ng mayroon ngayon, "Papunta ka na ba sa plaza?" Ang alam niya'y doon gaganapin ang sayawang pupuntahan nito.

"Hindi pa! Maaga pa. Papunta ako ngayon kanila Mariko. Magsasabay kami papuntang plaza kasi wala ako'ng kasama. Ang akala ko kasi nasa debut ka ni Kristine?" nagugulumihanan nitong tanong.

Yumuko siya at hindi na nagsalita pa. Ngunit narinig niya ito'ng napa-'tsk' kaya nagtaas siya ng tingin sa kanyang kaibigan.

"Ah, mukhang alam ko na. Nagmaldita na naman iyang pinsan mo at hindi ka pinapunta doon sa party niya?" nailing si Myriah at marahas na napabuga ng hangin. "Maganda lang talaga 'yang pinsan mo! Sana naging ugali na lang niya iyong mukha niya baka natuwa pa ako sa kanya!"

"Hayaan mo na. Party naman niya iyon. Siguro naman may karapatan siyang mamili ng gusto niyang papuntahin. Pasok na ako sa loob. Mag-enjoy ka do'n."

"Uy, teka sandali!" pigil nito sa kanyang braso. "Tutal nandito ka lang din naman, sumama ka na lang kaya sa'kin? Tara! Walang tao diyan sa inyo, oh. Hindi ka ba mababagot niyan?"

"Uuwi na din naman si Ate—"

"Ano'ng oras pa 'yun? At kailan pa dumiretso ng uwi ang Ate Joy mo sa inyo lalo't Sabado? Siguradong nasa mga kaibigan niya rin iyon. Halika na!" patuloy ito sa paghila sa braso niya habang siya'y pinapabigat ang katawan para hindi nito matangay.

"Hindi ako nakabihis! Alangan namang magpunta ako doon na ganito ang itsura?" aniya't sa wakas ay tinigilan siya nito sa paghila.

"Eh, ano 'yan? Damit ba 'yan?" bago pa man niya mapigilan si Myriah ay nakuha na nito ang paper bag mula sa kanya. Iniangat nito ng kaunti ang damit na nasa loob at agad bumaha ang pagkamangha sa ekspresyon. "Ang ganda naman nito! Ito ba dapat ang isusuot mo sa debut? Naku, kaya ka naman pala 'di pinayagan ni Kristine na pumunta. Paniguradong mas maganda ka pa sa kanya kung nagkataon!"

Natatawa niya ito'ng nginiwian, "Sinasabi mo lang 'yan kasi gusto mo ako'ng sumama sa'yo!"

"Totoo nga! At nandoon pa si Donny. Tiyak ako'ng hindi ka din tatantanan ng tingin no'n!" umiling si Myriah. "Mahusay mambakod 'yang pinsan mo, ah. Akala niya naman sa ginagawa niya maaagaw niya si Donny sa'yo!"

"H-Hindi naman sa'kin si Donny." Technically not, though.

Muli ay napasinghap si Myriah, "Sige na, sige na. Pero halika na! Samahan mo na ako. Marami tayong mga kaklase at ka-eskuwelang nando'n. Mas masaya naman 'yun kaysa iyong mag-isa ka diyan."

Hindi binitiwan ni Myriah ang kanyang braso habang nakikiusap ito sa kanyang sumama na sa sayawang iyon. Well, it's not really a very bad idea. Tama naman ito, eh. Mas magandang ideya iyon kaysa ang manatili dito sa bahay ng mag-isa. Tiyak kasing gagabihin ang mga kasama niya.

"S-Sige na nga," sa huli'y pagpayag niya.

"Yes! Halika na. Tutulungan kitang mag-ayos."

Binuksan niya na ang gate at tumuloy na sila sa loob. Damang-dama niya ang excitement ni Myriah dahil sa ideyang ime-make over siya nito. Matagal na siyang kinukulit nitong ayusan at ngayon lamang siya napapayag dahil may rason naman.

"Alam ko na ang ireregalo ko sa birthday mo, Corazon! Suklay! Kailan ba huling nakatikim ng suklay 'tong buhok mo?"

Halos mabunot na ni Myriah ang anit niya habang pinapasadahan ng round brush ang kanyang buhok at tinutuyo sa pamamagitan ng blow dryer ng kanyang Ate Joy.

"Nagsusuklay ako 'no!" aniya na nag-iinit ang pisngi.

Umiling ito at tila dismayado pa rin. Matapos matuyo ng kanyang buhok ay pinasadahan naman nito iyon plantsa upang mas maging bagsak at mas maayos. Kung ano'ng cream pa ang inilagay nito sa kanyang buhok, mula pa rin sa gamit ng ate niya, at mas nagmukhang madulas at maganda iyon.

"Wow! Bagay nga sa'yo ang mas mahabang buhok, Raz. Huwag mo na sanang gupitin 'yang buhok mo! Sinisira mo 'yang ganda mo 'te," sermon nito sa kanya bago iyong mga make-up naman ng kanyang Ate ang pinakealamanan.

She stared at her reflection in the mirror. Hindi na nga ganoon kaikli ang kanyang buhok. Its tips were almost touching her shoulders. Nagbaba siya ng tingin habang kinukurot-kurot ang palad niya. Now she resembled so much like her mother from the old pictures she kept.

Ngunit pinatingala lamang siya muli ni Myriah para malagyan ng make-up sa mukha. Noong una ay nababahala siya. Iniisip niyang baka magmukhang clown o ano. Ngunit hindi. Dahil nang matapos ito sa paglalapat ng make-up sa kanya ay mas lalo lamang niyang hindi makilala ang sarili.

"Manipis na make-up lang dapat sa'yo. Para lang magmukhang buhay na buhay ang balat mo," paliwanag nito sa kanya. "Ang ganda mo Corazon! Sana lang nakikita ni Donny 'yan. Naku!"

Nangiwi siya, "Isusuot ko na 'yung damit." Naka-roba lang kasi siya.

Dinampot niya ang damit at nagpalit sa banyo. Dahil walang salamin doon ay bumalik pa siya sa kuwarto nila ng kanyang ate para lang makita ang kanyang sariling imahe.

"Corazon!" halos pahisteryang sigaw ni Myriah. Malapad ang ngiti nito habang sinusuyod siya ng tingin. "Sinasabi ko na nga ba't mas maganda ka pa sa Kristine na iyon!"

Inilingan lamang niya ang kaibigan. Nagtungo siya sa full length mirror na nakadikit sa dingding ng kuwarto. The dress was indeed beautiful. Magaan ang tela nito at napaka-kumportable sa katawan. Kaso ay hindi niya mapigilang makadama ng pagka-ilang. This is the first time she tried wearing girl's clothes again.

"M-Myriah...ayaw ko na pala," hinarap niya ito. "Mas mabuti yata kung hindi na ako pumunta do'n. Ikaw na lang."

"Ha? Ano ba'ng sinasabi mo diyan?"

"N-Nakakahiya, eh!" pag-amin niya.

She brushed her exposed arms. Hanggang ibabaw lamang ng tuhod niya ang laylayan ng palda ng kanyang suot kaya naman kita din ang kanyang binti. Bagaman mababa ang v-neckline ng damit ay hindi naman iyon nagpapakita ng masyadong balat. But still...she felt so uneasy.

"Naiisip mo pa rin ba iyong ginawa't mga sinabi sa'yo ni Ronnie dati?" may bahid na ng awa ang tinging ibinibigay sa kanya ni Myriah.

"H-Hindi..." she said a little sharply. Pumikit siya't bumuntong-hininga. "Medyo."

"Tignan mo nga ulit ang sarili mo sa salamin, Corazon! Nasa'n diyan iyong hindi maganda, aber? Siguradong kung nakikita ka lang ng Ronnie na iyon ngayon pagsisisihan niya ang kasalanan niya noon!"

Alam naman niyang dapat ay hindi niya na pinapaniwalaan pa ang mga nasabi ni Ronnie sa kanya. Pero hindi niya rin naman maiwasan iyon.

"Hay, naku, tara na nga. Mukhang nagsisimula na iyong sayawan ngayon," hinawakan muli ni Myriah ang kanyang braso at hinila upang hindi na siya maka-angal pa. Nasa labas na sila ng kuwarto ng kanyang ate nang mapagtanto niyang wala pa siyang suot na sapin sa paa.

"Myriah, wala ako'ng sapatos," pigil niya sa kaibigan.

Napalingon ito sa kanya. Napaawang ang mga labi nang makitang wala nga siyang suot sa paa, "Baka may sapatos ang ate mo diyan."

Tumingin sila doon ngunit may maganda man ay masyado namang maluwag sa kanyang paa. Myriah sighed in frustration. Nilagay nito ang daliri sa baba at tinapik-tapik iyon na tila malalim na nag-iisip.

"Si Kristine? Baka may mga sapatos si Kristine na kasya sa'yo. 'Di ba kanya iyong rubber shoes na gamit mo dati?" suhestiyon nito.

"Ano'ng ibig mong sabihin? Gagamit ako ng sapatos ni Kristine?" bulalas niya. "Magagalit iyon!"

"Hindi siya magagalit kung hindi niya malalaman!"

"Myriah!"

"Sandali mo lang namang gagamitin. Isang gabi lang at ibabalik mo din kaagad. Marami naman sigurong sapatos si Kristine at hindi na niya iyon mapapansin!"

Gusto pa sana niya itong pigilan ngunit natangay na siya nito. Now they were standing in front of her cousin's bedroom door.

"Myriah, huwag na. Iyong kay Ate na lang—"

"Hindi nga kasya iyon sa'yo. Huwag kang mag-alala. Sinasabi ko sa'yo, hindi na niya iyan mapapansin," pangungumbinsi nitong muli sa kanya.

She couldn't help but feel really bad about this. Ngunit papasok sa loob ng malawak at magandang kuwarto ng kanyang pinsan, ay tuluyan nang nawala ang kanyang protesta. Manghihiram lang naman siya. Hindi naman niya nanakawin iyon sa pinsan niya. Lilinisin na lang niya upang talagang hindi nito mapansin.

"Ang daming sapatos! Nasusuot pa ba ni Kristine ang mga ito?!" namamangha si Myriah sa isang buong dingding sa walk-in closet ng pinsan niya na puro sapatos lamang ni Kristine.

"I-Iyong mga paborito lang niya ang nakikita kong suot niya." Mayroon pa nga doong naka-kahon at price tag pa. Mga matagal nang nabili ng kanyang pinsan ngunit ni minsan ay hindi man lang nito sinuot.

"Ano ba 'yang pinsan mo. Bumibili lang ng sapatos para pan-display? Sige na, mamili ka na. Nang mapakinabangan naman ang mga sapatos na 'yan."

Alangan man sa una ay sinuyod niya ng tingin ang lahat ng magagandang sapatos na nandoon. Alam niyang maling makadama ng inggit para sa kahit na ano'ng bagay. Ngunit alam niya sa sarili niyang sa kaibuturan niya'y hinihiling niya rin na tulad ng buhay ng pinsan niya ang buhay na mayroon siya.

She smiled when she saw a pair of silver strappy sandals. Itinuro niya iyon kay Myriah. Ngumiti ito sa kanya at nag-thumbs up, "Bagay 'yan!"

Ibinalik niya rin doon ang tingin. She smiled as she looked at the beautiful pair of sandals in front of her. Kinuha niya iyon at sinukat. Lapat na lapat iyon sa kanyang paa na tila ba ginawa iyon para sa kanya. Siguro kahit sandali...puwede niyang pangarapin ang buhay na inaasam-asam niya.

"Sandali lang pala," pigil niya kay Myriah nang palabas na sila nito sa bahay.

"Bakit? May nakalimutan ka pa?"

Tumango siya, "Babalikan ko lang. Hintayin mo ako dito."

Tumakbo siya papasok hanggang sa makarating muli sa kuwarto nila ng kanyang Ate. Agad niyang nahanap ang kanyang sadya. Ang hairpin na si Donny mismo ang nagbigay sa kanya.

Humarap siya sa salamin at inilagay iyon sa kanyang buhok. Gusto niyang kahit na hindi sila nagkita ngayong gabi ay tumupad siya sa pangakong gagamitin ang mga regalo nito sa kanya.

Bumalik siya kay Myriah at sabay na silang naglakad patungo sa plaza.

Hindi niya maintindihan kung para saan ang kabang kanyang nararamdaman. Habang papalapit ay mas lalong dumadami ang mga taong tulad nila ni Myriah ay sa plaza din ang tungo. Ilang mata ang nahuhuli niyang bumabaling sa direksiyon nila dahilan upang mapayuko siya.

"Corazon?" si Macoy na nakasalubong nila sa registration booth kung saan sila magbabayad at magpapalista ni Myriah.

Tipid na ngiti ang tanging naitugon niya. Nanliliit ang mga mata nito sa pag-ngiti habang pinapasadahan siya ng tingin. Basketball team captain ito sa school nila ni Myriah. "Hindi kita...nakilala kaagad. Akala ko may bagong dayo. Ang ganda mo."

"S-Salamat," ngiti pa rin niya kahit sa loob-loob ay gustong mapangiwi. Sa ilang taon nilang magka-eskwela at magka-baranggay ay ngayon lamang siya nito kinausap.

"Una na ako doon. Isasayaw kita, ha?" he flashed his boyish smile again. Hindi na siya nito hinintay pang tumugon at agad na tumalikod.

Impit ang tili ni Myriah sa kanyang tabi. Nilingon niya ito at hindi niya namalayang pinakinggan pala nito ang pag-uusap nila ni Macoy, "Nakita mo iyon, Corazon? Sigurado ako'ng maraming magsasayaw sa'yo ngayon!"

Napaigtad siya ng pabiro nitong tusukin ang kanyang tagiliran.

Nangingiti siyang nailing. Ngunit hindi iyon ang unang beses na nilapitan siya't kinausap ng kalalakihang noon ay hindi naman siya napapansin. Inulan siya ng papuri mula sa mga ito. Lahat ay pawang gulat dahil sa kanyang pagbabago.

But they didn't affect her as much as Donny does. Iba kapag si Donny. Iba ang tambol ng kanyang puso. Iba ang sayang lumalaganap sa kanyang sistema tuwing ito ang ngumingiti at nagsasabi ng magagandang bagay sa kanya.

"Ngayon ka lang ata namin nakitang naka-dress, Corazon! Ang ganda-ganda mo!" ani Miles sa kanya.

Sa grupo nito kasama nina Mariko sila sumama ni Myriah. Isang lokal na banda ang kasalukuyang tumutugtog pa sa harapan. Chairs were fixed on the sides. Malawak ang espasyo sa gitna para sa sayawang magsisimula pa lamang mamaya.

"Hindi siya tinatantanan ng tingin nina Macoy," ani Myriah dahilan upang lingunin nina Miles ang banda nina Macoy at ilang kasama nito sa basketball team.

"Naku, mukhang may mga nabihag ka na kaagad Corazon!" naghagikgikan ang mga ito.

Mabuti na lang at nagsalita na ang emcee para sa pagsisimula ng programa kaya tinigilan na siya sa panunukso ng mga ito. Hindi nagtagal ay nagsimula nang tumugtog ang banda ng malumanay na love songs. Siya ang tinutukso ng mga kasama niyang dadagsain ng magyayayang sumayaw ngunit naunahan pa siya ng mga ito na ma-alok patungong dance floor.

'Di na rin naman siya naghintay pa ng matagal. Because Macoy walked up to her. Halos hindi pa nga nag-iinit ang kanyang puwitan sa silya nang yayain siya nito gaya ng sinabi kanina.

"Puwede ba kitang isayaw, Corazon?" alok nito habang nakalahad ang palad sa kanyang harapan.

Humugot siya ng malalim na hininga't inalala si Donny. But he's probably dancing with her cousin right now as his escort. Siguro ay nae-enjoy din ang magarbong debut ng kanyang pinsan. Hindi niya alam. Naiwan ang cellphone niya sa bahay dahil wala namang bulsa ang suot niyang dress kaya wala siyang balita.

Tumayo siya at muling sumagap ng hangin. Mabuti pang i-enjoy na lamang ito'ng gabi bilang narito na rin naman siya. Kaysa naman maburo siya sa gilid ng mag-isa habang nagkakasiyahan ang lahat. Ngumiti siya kay Macoy ngunit bago pa man matanggap ang nakalahad na palad ay napahinto siya nang isang pamilyar na tinig ang umagaw mula sa likod.

"I think it's better if you'll just look for another partner," Donny's deep baritone from behind Macoy.

Sabay silang napalingon ni Macoy dito. Sa suot na three piece suit na bumagay ng husto sa pang-modelo nitong tindig at katawan hindi lamang atensiyon nila, ngunit maging ng lahat ng naroon, ang walang hirap na napukaw ni Donny.

He simply outshined every man in the vicinity. Lahat ay nasa pinaka-magandang postura at porma ng mga ito but no one could ever compete with Donny. Especially not now that he looked so dashing in his suit. Tila prinsipeng hinugot mula sa fairytales.

"Corazon is mine," he said, his expression is still dark and serious.

Binalingan siya ni Macoy. Matinding effort ang kanyang kinailangan upang ibalik ang tingin rito dahil ang mga mata niya'y masyadong sakim kay Donny. "Corazon..." tawag ni Macoy sa kanya.

Donny chuckled sarcastically. Napalunok siya bago inilipat muli ang tingin dito. Dahan-dahan ang mahahabang binti nito sa paglalakad patungo sa kanyang direksiyon. Taliwas sa anyo nitong tila pikon ang kaswal na pagkakapamulsa ng isa nitong kamay sa bulsa ng suot na pantalon.

"Yes, Corazon..." Donny's arm snaked on her waist. Naramdaman niya ang labi nito sa kanyang sentido. "Sabihin mo sa kanya kung kanino ka sasama."

Her heart thumped madly in her chest. Her system was in chaos. Ang pamilyar na pabango ni Donny at ang init na nagmumula sa katawan nito na tumatawid sa kanya ay hindi tumutulong para makapag-isip siya ng maayos.

"P-Pasensiya na, Macoy," hingi niya ng tawad para sa lalaking unang nag-alok sa kanya ng sayaw. Ngunit hindi niya kayang piliin ito gayong narito si Donny. Dahil alam niyang kahit na ano pang mangyari, si Donny ang paulit-ulit niyang pipiliin.

Nakadama siya ng konsensiya nang bumakas kay Macoy ang pagka-dismaya. Nagtiim-bagang ito at walang salitang umalis doon. Sinundan niya ito ng tingin ngunit marahang ipinaling ni Donny ang kanyang mukha rito upang hindi na maibigay pa sa iba ang kanyang atensiyon.

Bahagya ito'ng lumayo sa kanya. Hindi iwinawaglit ang tingin habang inaalis ang suot na coat. Basta nitong inihagis iyon sa silya bago ang pagtanggal ng tie ang inasikaso. He unbuttoned the first two buttons of his white long sleeves. Bakas sa mga mata nito ang pag-aakusa sa kanya.

"You're so beautiful," sinsero nitong sabi habang ang nag-aagaw na pagkamangha at inis ay halata sa ekspresyon nito.

Nag-iwas siya ng tingin. "B-Bakit ka nandito, Donny?"

"I think I should be the one asking you that, little girl. Why are you here? I was expecting to see you at Kristine's party! And I've been calling and texting you for goddamned hours, Corazon. Gaano kahirap ang sagutin iyon?" nagbabadya ang galit sa tono nito.

"S-Sorry..."

Donny smirked before folding the sleeves of his shirt up to his elbow. He bit his lower lip while obviously trying to hide his annoyance. "At iyon pa ang eksenang dadatnan ko? Kung hindi pa pala ako dumating, kung sino-sino'ng lalaki na ang nag-alok makipag-sayaw sa'yo..." bitterness dripped from his tone.

"Sorry..."

Nailing si Donny. Pagkatapos nitong ayusin ang isa pang manggas ay kinuha nito ang kanyang kamay, "It's your cousin again, isn't it?" Ibubuka pa lamang niya ang bibig ngunit pinutol na kaagad siya nito. "Don't try to say anything if you're just going to lie, little girl."

Dinala siya nito sa gitna ng dance floor at doon huminto sa paglalakad. Humarap ito sa kanya. Tiningala niya si Donny na mataman ang tinging ibinibigay sa kanya. Light reflected on his eyes and it only made him look more breathtaking.

"I just...want to dance with you," itinabi nito ang takas na buhok sa likuran ng kanyang tenga. "Hinanap kita doon kanina. Tinapos ko muna ang cotillion bago ako umalis nang ma-realize kong wala ka talaga do'n."

"Donny..." her eyes widened in fear. "S-Si Kristine..."

He exhaled. Hinila siya nito palapit sa katawan nito. Ang isang braso ay nakabalot sa kanyang bewang habang ang isang kamay ay marahang hinahaplos ang kanyang pisngi. Mas lalo lamang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"I know. Hindi dapat ako umalis. But what do you want me to do, hmm, little girl? I badly wanted to see you." Halos pabulong ang bawat bigkas nito sa salita.

Tanging ang palad niyang nasa dibdib nito ang nagpapanatili ng distansiya sa pagitan nilang dalawa. Nahihirapan siyang salubungin ang mga mata nito. He looked so surreal. His intense dark eyes, narrow nose, angular jaw and lips that were so inviting to kiss...it's just hard to stare at him without melting. Without turning ito nothing.

"You're the only one that I'm looking forward to in that party. And you're not there, angel. How can you expect me to stay?" ang palad nito'y nagtungo sa likuran ng kanyang ulo upang igiya palapit sa labi nito. She closed her eyes when his soft and warm lips touched the skin on her forehead.

Isang panibagong kanta ang itinugtog sa harapan. Ang malamyos na tunog ng insturmento ay halos manuot sa kanyang pandinig.


I don't know why but when I look in your eyes

I felt something that seems so right

You've got yours I've got mine

I think I'm loosing my mind

Coz I shouldn't feel this way

Catch me I'm falling for you

And I don't know what to do...


"K-Kahit na..." tila nawawala sa sarili niyang sambit.

Donny muttered a soft curse. Paulit-ulit na pinasadahan ng hinlalaki nito ang kanyang ibabang labi, "You can't say that to me, little girl. Hindi mo alam kung gaano ako na-frustrate at nag-alala kanina nang hindi kita makita. And you're not even answering your phone! Damn it! I ignore girls heartlessly back in Manila! Now I understand how it feels. Karma na nga yata talaga kita, Corazon..."


How can something so wrong?

Feel so right all along

Catch me I'm falling for you...


"D-Donny..." she almost whispered.


How can love let it go

When it has no place to go

And I can't go along pretending

That love isn't here to stay

Catch me I'm falling for you...


"And when I saw you smiling and talking with another guy, swear, little girl...my vision turned pure red. I've never fucking felt this before..." isinandal nito ang noo sa kanya at nanatiling nakapikit. Kinakalma ang sarili sa matinding galit na bumabakas sa anyo nito. "I'm jealous. I'm so, so jealous. How will I fucking survive a year without here with you? Ngayon pa lang mababaliw na yata ako."


How can something so wrong feel so right all along?

Catch me I'm falling for you...


Nawala yata ang kakayahan niyang makapag-salita dahil nanatili lamang siyang nakatitig sa dibdib nito. He's gently swaying their bodies along with the soft and sweet music coming from the band. Donny took her hand in his and kissed every finger gently.


How can time be so wrong for love to come along?

Catch me I'm falling for you...


"I'll behave in Manila. I'm going to do well in school and be a better man. Babaguhin ko ang lahat ng masasamang bagay na nakasanayan kong gawin. I'll change for you Corazon. I'll be loyal to you. But promise me one thing..." pinagsalikop ni Donny ang kanilang mga kamay at inilagay sa tapat ng dibdib nito. She remained tongue-tied while looking at ther clasped hands.


And it's wrong for me to feel this way

'Coz I don't know what to do without you

I'm falling for you

Catch me I'm falling for you...


"Do not entertain other suitors. No other man, little girl. Wala bukod sa'kin. Please, reserve your heart for me. That's all I'm asking.


How can something so wrong?

Feel so right all along...

Catch me I'm falling for you...


Nagmulat ito at tinignan siya diretso sa mga mata. Bakas sa mga iyon ang pakiusap sa kanya. "Wait for me. Babalik ako sa'yo..."

-----------------------------

NP: Catch Me I'm Falling by Toni Gonzaga (Instant parami ng word count ang song lyrics HAHAHA)

Continue Reading

You'll Also Like

6.4M 350K 26
[PUBLISHED under LIB] #2. "If liking you is a crime then why don't you convict me, attorney?"
146K 4.7K 39
Alam ni Corazon kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para masabing ito na si Mr. Right. Until Donato "Donny" Pangilinan came in...
34.2K 1.4K 55
Kwento ng pag-ibig. May kilig, lungkot at saya. . . . . . . . ---------------------------------------------------- Hi welcome! Buckle up and enjoy...
25.7K 1.4K 26
Dear D, Ang tagal na kitang pinagmamasdan palagi mula sa malayo.. pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa'yo yung totoong nar...