He Choose To Stay (HHMR BOOK...

By Miss_Aech

253K 8.5K 4.3K

History repeats itself, but it's the other way around. He'll be the one to chase. He'll be the one to suffer... More

He Choose To Stay (HHMR BOOK 3)
The Beginning
HCTS 1 - #Kismet
HCTS 2 - #Secret
HCTS 3 - #Sydney
HCTS 4 - #TrueFeelings
HCTS 5 - #Assume
HCTS 6 - #SpecialFriend
HCTS 7 - #Trigger
HCTS 8 - #Australia
HCTS 9 - #DoctorMontesor
HCTS 10 - #Plan
HCTS 11 - #Criminal
HCTS 12 - #Safe
HCTS 13 - #GetHerBack
HCTS 14 - #WeirdFeelings
HCTS 15 - #Textmate
HCTS 16 - #BadThoughts
HCTS 17 - #Camperdown
HCTS 18 - #Scared
HCTS 19 - #Hurt
HCTS 20 - #CutOff
HCTS 21 - #RollerCoaster
HCTS 22 - #Afraid
HCTS 23 - #String
HCTS 24 - #Closer
HCTS 25 - #Fair
HCTS 26 - #Akin
HCTS 27 - #Mad
HCTS 28 - #His
HCTS 29 - #ThePast
HCTS 30 - #Karline'sWedding
HCTS 31 - #Interview
HCTS 32 - #Home
HCTS 33 - #Chance
HCTS 34 - #LittleByLittle
HCTS 35 - #Tanga
HCTS 36 - #RedGuy
HCTS 37 - #Love
HCTS 38 - #Big
HCTS 39 -#StupidDecision
HCTS 40 - #ExtremePain
HCTS 41 - #Official
HCTS Special Chapter #K&K
HCTS 43 - #ThisTime
HCTS 44 - #Havoc
HCTS 45 - #PTSD
HCTS 46 - #SoCloseSoFar
HCTS 47 - #Revelation
HCTS 48 - #Dejavu
Announcement

HCTS 42 - #KryptonDay

3.2K 113 69
By Miss_Aech

Next update: Monday :) Sorry naman guys. Kailangan ko pang iedit ang research paper ko sa Filipino para wala na akong problema para BAKASYON na! HAHAHA

Note: I decided na #AkiBobo na ang combine name ni Akiro at ni VG. Bwahahaha! But sorry to say, wala munang AKIBOBO dahil ibang love team naman ang ating tutunghayan!

Enjoy reading! :)

***

Heero's POV

Five years ago, I was in love with a girl. Nung una, gusto ko lang siya. I like her guts and also nakikita ko ang sarili ko sa kaniya.

Sobra din kung magmahal. Laging nasasaktan. Laging nag-e-effort. Matapang. May pinaglalaban. That's what I like about her.

When she left, I realized that I love her. But, I can't have her. She's in love with her boyfriend. She made him the center of her life and a person like me who suddenly popped in to her life have nothing against the guy who she knew from a long time and not only she knew him, she love him so damn much.

Ang sabi ko sa sarili ko, I should give up my feelings dahil wala itong binatbat sa nararamdaman nung lalake sa kaniya. But, every time I think of my past, naalala ko ang pwedeng maging kapalaran niya and for that, hindi ko magawang talikuran siya.

Hinihila ako pabalik sa kaniya at patuloy na umaasa na baka, kami pala talaga dahil pareho kami ng naging kapalaran. At kahit anong gawin ko, I care too much for her.

I can't bear to see her crying over her stupid asshole boyfriend who didn't give a damn to her. Ilang beses ko na bang nasaksihan ang pag-iyak niya at kung hindi naman iyak ay ang malungkot at dismayado niyang mukha kapag nagsusumbong siya sa'kin sa mga away nila.

Sabi ko sa sarili ko, bakit sa'kin pa siya nagsusumbong? Nakakairita dahil wala naman akong pakialam sa relasyon nila. But, my care for her at ang awa na tanging nararamdaman ko lamang sa kaniya ay napalitan ng pagkagusto.

Pagkagustong alagaan siya. Pagkagustong protektahan siya sa sakit na mararamdaman niya. Pagkagustong angkinin na lamang siya. Hanggang sa minahal ko na siya.

If I was Dewlon Montesor, I will fucking love Courtney Salvador unconditionally and selfishly. I won't ever take her for granted. I can see myselt to her. Minsan narin akong nasaktan at tinake for granted ng taong minahal ko and it hurts so badly.

Ang sabi ko kay Kirt noon, kapag ikaw ang unang nakaramdam ng pag-ibig, sa huli ikaw ang kawawa. Kasi ikaw 'yung mananatili. Ikaw 'yung mananatiling tapat because your partner will lose their affection.

Pero ayaw niyang maniwala. That's one of the reason why I like about her and also one of the things that I hate about her too. Paano pala kung ginagawa ka ng tanga? Paano pala kung nagbubulag-bulagan kana? Hindi na pwedeng lumaban. Dapat tumigil na.


But, destiny is so hard on me. Naghiwalay nga silang dalawa at nagkaroon nga ako ng pag-asa. Naaksidente naman siya.

Nang mabalitaan ko na naaksidente siya ay gusto ko ng liparin papuntang Manila. Pero paano? Hindi ko alam kung paano.

"Gusto mo na bang kunin ang offer ni Arianna na pumunta ang Kismet ng Manila?" tanong ni Ate Herah sa'kin.

Napahilamos ako ng mukha, "How can we accept her offer if Kirt is in the hospital at  nag-aagaw buhay? Paano kami mag-peperform, Ate!" frustrated na sabi ko. I really want to see her. Gusto kong malaman kung maayos na siya dahil paniguradong mababaliw ako kung maghihintay lang ako sa mga impormasyon.

"You can talk to her and ask her if she can consider waiting for another chance kapag nagising na si Kirt," kalmadong sagot niya.

Sinamaan ko ng tingin si Ate, "How can you think of the band now, Ate? Si Kirt nag-aagaw buhay! Hindi kaba nag-aalala? Mas nag-aalala ka pa ba sa banda?" iritadong sabi ko sa kaniya.

Nagulat siya sa sinabi ko, "Nag-aalala din ako sa kaniya, Heero! The hell with you! Sinasabi ko lamang ito para matulongan kang pumunta ng Manila dahil hindi pa kaya ng inipun natin. Kaya pinapa-decide na kita ngayon para masabihan ko na kaagad si Ralph para matulongan kang makausap si Arianna Bustamante," mahaba niyang litanya.

Natigilan ako sa sinabi ni Ate. Ngayon ko lang napansin na matamlay siya at mukhang namumutla. Sinapo niya ang ulo niya at ngumiwi sa sakit ng ulo. Naalarma ako sa naging reaksyon niya kaya kaagad ko siyang dinaluhan.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya.

Umiling siya pero muntik na siyang maduwal. Tinakpan niya ang bibig niya gamit ang mga palad niya at saka tumakbo papasok ng banyo. Nasusuka siya.

Sinundan ko siya sa banyo at narinig ko ang pagduwal niya. Bakit siya nagduduwal? Isa lang ang pumasok sa isip ko, buntis siya. Ngunit kanino?

Nung araw na'yun. Hindi ko muna prinoblema ang kalagayan ni Ate kahit kating-kati nakong malaman kung buntis nga ba siya o kung si Ralph ang ama nito.

Kinausap ko si Ralph para dalhin niya kaming Kismet sa Manila. Alam 'kong makakapunta naman silang tatlo sa Manila kahit hindi na sila sagot ng BEC, pero, ako, kailangan ko ito.

Naging madali ang proseso. Nakarating kami kaagad sa Manila. At kaming apat, ang tanging pakay ay makita lang si Kirt na maayos.

Ang pahingang ibinigay samin ni Ralph ay ginamit naming oras para madalaw si Kirt sa sinabing hospital ng kaibigan ni Kirt na si Kyona.

Kinapalan ko na ang mukha ko para magtanong sa mga nakakaalam dahil nabalitaan ko lang din habang nag-uusap sila sa school.

Hanggang sa makarating kami sa hospital. Natigilan kaming lahat ng makita namin si Kirt sa garden ng hospital. Nakita namin siya dahil medyo naligaw kaming apat.

"Kirt-kirt!" tawag ni Mixx kay Kirt.

Parang binunutan ako ng tinik ng makita siyang maayos at buhay pa. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kung maaabutan ko siyang nakahiga sa hospital bed na walang malay.

Nilapitan namin siya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin saming apat. And when I stepped up and called her name kumunot lalo ang noo niya.

"Excuse me? Kilala ko ba kayo?" nagtatakang tanong niya sa'kin sabay sulyap sa tatlong kasama ko.

Kumunot ang noo ko, "Syempre naman kilala mo kami. Anong klaseng laro ito, Kirt?" tanong ni Ysabel sa kaniya.

"Sobrang nag-alala kami sa'yo..." sabi ko sa kaniya.

"May amnesia agad-agad, Kirt? Ako si Nikke, siya naman si Ysabel at si Mixx at syempre si HEERO SANDOVAL!" pagpapakilala ni Nikke sa aming apat like she really got an amnesia.

Pero nagulat kaming lahat ng mas kumunot ang noo niya. Papalit-palit ang tingin niya saming apat tila inaalala kaming apat. Hanggang sa...

"Aaaah!!" sigaw niya at napahawak sa ulo niya.

Lahat kami naalarma. Nilingon ng malapit na nurse si Kirt. Kaagad siyang dinaluhan. Nakita ko naman sa di kalayuan ang Papa ni Kirt na si Tito Danillo na humahangos papunta sa anak niya.

"Anong nangyayari??" nagpapanick na tanong ni Ysabel.

Kahit ako ay kinakabahan sa nangyayari, "Tito, ano pong nangyayari sa kaniya?" tanong ko kay Tito Danillo.

Balisa ang mukha ni Tito. Nakita kong may tinurok na kung ano sa leeg ni Kirt hanggang sa bigla nalang itong tumigil sa kakasigaw at nawalan ng malay.

Bumaling si Tito Danillo samin. Balisang balisa siya at naiiyak na. He patted my shoulder, "Malakas ang pagkakabunggo ni Kirt. Nagkaroon ito ng epekto sa utak niya..." malungkot niyang saad.

Napasinghap si Ysabel. Niyakap siya ni Mixx. Gulat naman ang mukha ni Nikke kagaya ko.

"A-anong pong epekto nito sa kaniya?" naguguluhang tanong ko.

Kahit alam ko na ang sagot, gusto ko paring ikumpirma sa kaniya.

"May amnesia ang anak ko, Heero. Ang tanging naalala niya lang sa ngayon ay ang pagkabata niya. Nakalimutan niya na kayo..." sabi ni Tito.

Kulang nalang ay marinig kong mapunit ang puso ko sa loob. Pero, pinili kong isipin na okay lang na makalimutan niya kami kaysa naman mamatay siya.

It was amazing that she survived a critical state like that. Nabuhay siya, dahil may kailangan pa siyang tapusin dito sa mundo.

Nabuhay pa siya dahil hindi namin kaya na wala siya. Nabuhay pa siya dahil karapatan niyang maramdaman ang tamang pagmamahal na pwede kong ibigay sa kaniya.

I chose to stay, pero hindi nila ako pinayagan. Gusto kong nandyan ako sa tabi ni Kirt habang inaalala niya ang lahat.

Pero bakit ang sama ng tadhana? Ang sabi ng Tito Danillo, wag na daw kaming magpakita kay Kirt. Hindi niya 'yun basta-bastang sinabi kundi nakiusap siya at nagmakaawa samin.

Kahit parang sinasaksak ang puso ko. Naiintindihan ko si Tito Danillo. Paano magkakaroon ng panibagong buhay si Kirt kung nakaaligid kami sa kaniya? At paano ako mananatili kung kapag magpapakilala kami ay sumisigaw siya sa sakit?

Luhaan si Ysabel ng dumiretsyo kami sa BEC. Ang totoo niyan, gusto kong magalit. Gusto kong magwala.

Bakit ganoon? Bakit ganito kahirap? Masakit isiping para kaming tinapon na memoryang ayaw ipaalala. Ang sakit isiping mawawala na siya sa buhay namin.

Nang makarating kami sa BEC, alam naming hindi na kami magpapatuloy pa. Para ano pa? Wala na si Kirt. Kasama namin siyang binuo ito kaya paano namin ipagpapatuloy kung wala rin naman siya?

Kakausapin daw kami ni Arianna Bustamante. Wala dito si Ate Herah kaya ako ang magdedesisyon para samin. Ang sabi ni Ralph, maghintay
lang daw kami dahil wala pa si Arianna.

Ang sabi nila, bakit Arianna Bustamante ang tawag ko sa boss namin. Dapat igalang ko man lang at tawaging Miss Arianna o Miss Bustamante.

I just don't feel like calling her that kind of names. Sa pagkakaalam ko, mas matanda pa ako sa kaniya. Mayaman lang siya kaya umangat siya.

Gusto ko naman talaga siyang galangin dahil may respeto naman ako. Kung hindi ko lamang nakita ang mga pictures niya sa facebook. Iba't-ibang lalake ang mga kasayawan niya at ang masama, kahalikan pa.

Maruming babae. Yan ang tingin ko kay Arianna Bustamante.

Napagdesisyunan kong lumabas muna hanggat wala pa 'yung Arianna. Natyambahan ko ang isang pintuan papunta sa rooftop.

Sumalubong kaagad sa'kin ang malakas na paghampas ng hangin. Mataas din itong building ng BEC. Mga nasa 16 na palapag ito.

Lumapit ako pinakadulo upang tanawin ang nasa baba. At halos malula ako. I would never jump and kill myself if ever I want to commit a suicide.

Habang nag-iisip ako ay nakarinig ako ng hikbi. Hagulhol ng iyak ng babae.

Hinanap ko kung sino at nang mapadako ako sa kabilang side ng rooftop ay doon ko nakita ang nakatalikod na babae na nakaharap sa kabilang side.

Nakatingin din siya sa ilalim. Hindi ko na sana papansinin g mapansin ko ang pagkakahawig niya kay Arianna Bustamante.

"I can't do this anymore...pagod na pagod na'ko! Mahal na mahal ko naman siya! Ibinuhos ko lahat ng pagmamahal ko! I am so fucking in love with him at so as he pero bakit!? Bakit niya ako iniwan!? Bakt niya ako pinagpalit sa hipon na babaeng 'yun!" sigaw ni Arianna habang umiiyak.

Gustong kong umirap. Is that even genuine? Nasasaktan ba talaga siya. Sino pala ang mga nanakit sa kaniya?

A dirty girl like her deserve to get hurt at iwan. Kung ganoong klaseng babae lang naman siya then she deserves it.

"Kung tatalon ba ako dito, mamamatay ako?" tanong niya sa sarili.

Gusto kong sumigaw na HINDI. Hindi ka mamatay diyan, mababalian ka lang...
Tangina, nag-iisip ba talaga siya?

Bigla niyang binatukan ang sarili, "Syempre mamatay ka! Tangina naman!" sagot niya din sa sarili. Baliw!

Gusto ko na sanang umalis doon at yayain nalang ang mga kasama kong umuwi ng Cebu dahil mukhang nababaliw na'tong kakausap samin.

Pero nakaramdam ako ng kaba na baka sa katangahan niya, magdesisyon siyang tumalon. Kahit alam ko namang mukhang takot naman siyang magpakamatay pero may humihila sakin para manatili lang doon.

"Pero ang sakit sakit na talaga! Hindi ko kayang makita ang hayop na lalakeng 'yun kasama ang hipon na babaeng 'yun! Hindi naman kasi sila bagay!" naiiyak niyang sabi at nakita ko ang pagtapak niya sa dulo ng building.

Bigla akong naalarma. Tatalon ba talaga siya? Nang akmang tatalon siya ay sumigaw nako pero yun pala mabilis siyang bumaba. Takot naman pala!

Nagulat siya ng makita akong malapit na sa kaniya at sa sobrang gulat niya ay napaatras siya sa dulo ng building.

Napatili siya ngunit kaagad kong nahawakan ang isa niyang kamay at mabilis na hinila palapit sakin.

Sumalpok siya sa dibdib ko. Napahawak pa siya sa bewang ko at di ko sinasadyang hawakan din ang bewang niya.

Nang dinungaw ko siya ay ang pagdungaw niya rin sakin at dahil malapit kami sa isa't-isa ay halos magtama na ang labi namin.

(Jung Hye Sung a.k.a Princess Myeong-Eun sa Moonlight as Arianna Bustamante)

Napaawang ang labi niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya and her eyes fucking caught my attention.

Nung una ko siyang makita, maganda na siya sa paningin ko pero ngayong malapitan ay halos mapamura ako sa kagandahan niya. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang manipis at mapupula.

Lalake lang ako. I can appreciate this kind of beauty pero ang maalala ang mga pictures niya sa facebook nawala ang paghanga ko.

Ako ang lumayo sa kaniya habang siya ay gulat na gulat parin.

"I-ikaw si Heero Sandoval diba?" tanong niya sakin na parang namumula.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at tumango, "Oo ako nga. At alam ko na ikaw si Arianna Bustamante na kakausap samin ngayon pero kamuntik nang magpakamatay," malamig na sabi ko at mataman siyang tinignan.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko. Tinignan niya ako ng may pagmamakaawa sa mata.

"Please, Mr. Sandoval, don't tell anyone about this. Please!" pagmamakaawa niya.

Psh. Unbelievable. "Bakit ko naman ipagkakalat? Bilisin mo na diyan at kausapin mo na kami..." sabi ko sa kaniya. Hindi ko na siya irerespeto dahil di rin naman kami magpapatuloy.

Napalitan ng inis ang mukha niya. Pumamewang siya, "How dare you talk to me like that, Mr. Sandoval? Pwede kitang ipatapon sa labas, alam mo ba 'yun?" mataray na tanong niya.

I smirked, "Okay lang, ayoko rin namang magtrabaho sa pamamahala ng babaeng mahina katulad mo. Maybe your life is just a playtime for you, pwes sa iba hindi. Mahalaga ang buhay. Ang iba diyan, halos magdiwang dahil nabuhay pa, eh ikaw?" sabi ko sa kaniya at saka siya tinalikuran.

In that day, I met a crazy stupid girl. But, I didn't know she will have a very big part of my life. No, scratch that, she's not only a part of my life. She's my life.

She was the reason why I survived the lonely years. Siya ang ginawa kong libangan at pagkakaabalahan.

She wants a game? Paglalaruan ko rin siya, pero ang paglalarong 'yun ay nauwi sa pagmamahal.

Iba siya sa inakala ko. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Now, I understand why Kirt isn't the right girl for me, kasi may Arianna Bustamante.

Kirt's POV

Isang buwan na ang nakakalipas. Dumating na ang araw ng pinakahihintay naming araw.

Ilang araw di naming pinaghandaan. Tulong-tulong kami sa mga arrangement dahil mukhang bongga talaga ang kasal ni Kram at ni Kyona.

Oo, ikakasal na sila. Akalain mo nga namang hinintay talaga ako ni Kyona. Gusto niya talaga na ako ang maging maid of honor niya.

At ito na kami ngayon, hinahanda na ang aming sarili para sa kasal ni Kyona mamaya.

Nasa condo ako ni Dewlon. He hired a professional stylist and make up artist para sakin.

Baby blue ang theme color ng kasal nila Kyona. Nakakapagtaka nga ang kanilang invitation card.

#KryptonDay ang nakalagay sa dulo. December 14, 20**

Bermonths na means tag-lamig pero dito sa kwarto ni Dewlon tag-init.

Nakabath robe ako habang nag-bloblow ng buhok. Nasa labas na ang make up artist ko  pero I chose to blow my hair by myself para mapanood ko ang pagmomodel ni Dewlon sa kwarto.

Topless lang siya habang naglalakad-lakad sa kwarto hinahanap ang mga damit na gagamitin niya.

Pasimple kong binilang ang nakabalandra niyang abs. At akalain mo nga namang buo na 'yung patubong abs sa Sydney noon?

My,my,my! Boyfriend ko na ba talaga ulit itong hot na hot na lalakeng ito? Kahit fresh na ako dahil kakatapos ko pang maligo ay pinagpapawisan na ako ng dahil sa kaniya.

Habang tinitigan ko siya ay di ko namalayang nakatingin narin siya sakin.

"Done gawking?" tanong niya sakin at holy shit nasa harap ko na pala siya.

Napakagat labi ako. "Gawking ka diyan. May dumi lang sa...banda sa abs mo..." sabi ko sa kaniya sabay lunok habang napatingin sa abs niya.

He smirked, "Really?" sabi niya sabay silip sa abs niyang nasa harap ko na. Sa sobrang lapit pwede ko ng pisilin.

Tumingin siya sakin. Dinungaw ko namna siya. "I can't see any dirt, can you please take it off for me?" he said with his malambing voice plus seducing voice.

Napalunok ako. Omygoddd! Ang sabi nga nila, grab the oppurtunity.

Tumango ako at dinampi ang kamay ko sa abs niya. Shit! Ang tigas! Kunwari nilinis linis ko 'yung abs niya pero pinipisil pisil ko na.

Napatili naman ako ng bigla niya akong buhatin at ihagis sa kama. At mas nagulat ako ng tambakan niya ako.

"D-dewlon, ano ba? Maligo kana!" sabi ko sa kaniya at bahagya siyang tinulak.

Kahit di pa siya naliligo, ang bango bango niya! Nyemas! Niyakap niya ako at binaon ang mukha sa leeg ko. Hobby niya po talaga yan.

"I want to stay like this for a while..." bulong niya na nagpakiliti nanaman sakin. Natawa ako dahil nakikiliti ako.

"Baby, sabi ko naman sayo, may kiliti ako diyan!" natatawang sabi ko sa kaniya habang ginagalaw niya ang ilong niya sa leeg ko na parang inaamoy amoy.

Napatawa siya, "Damn, what will I do to you for you to stop laughing when I'm kissing you there?" sabi niya at hinalikan ako sa pisnge.

Ngumuso ako, "Kailangan ba talaga sa leeg? Bat sarap na sarap ka diyan eh mas masarap yung lips ko?" biro ko at napatawa.

Napatingin siya sakin, "Really? Let me taste it then," sabi niya at akmang hahalikan niya nako sa labi ng pigilan ko siya.

"Ooop! Mamaya na! Maligo ka muna!" sabi ko at tuloyan ng umalis sa kama.

He looked at me agitated. Benelatan ko lang siya bago lumabas ng kwarto niya. Iiling-iling ako habang nakangisi.

Simula nung sagutin ko siya at sumabog ito sa mga fans ko at sa mga fans namin ni Akiro. Isang buwan din kaming top news. Kumonte konte narin ngayon eh pero big deal parin ito sa karamihan.

Hindi parin tanggap ng iba na si Dewlon ang nakatuloyan ko at hindi si Akiro. Sa isang buwan ay wala akong narinig na kung ano tungkol kay Akiro kundi ang pagiging successful nito kasama si Mariela Lopiel.

And for Graisyl? She's still here. At kasalukuyan niyang inaalagaan ang kuya niyang si Gabriel sa rehabilitation center.

Gusto kong tanggapin sa sarili ko na wala akong dapat ipangamba kay Graisyl dahil tulad nga ng sinabi ni Dewlon, magkaibigan lang sila.

I trust him. Totoong naniniwala na ako kay Dewlon at kahit ano pa ang manyari. Kahit ano pa ang dahilan kung bakit kami naghiwalay, wala nayun.

Ang importante, binalikan niya ako at magiging masaya na kami.

[Insert song here: It Might Be You cover by Kai. 😍😍 pakinggan niyo guys! Super ganda nung song 😍😍]


"Are you ready?" tanong ko kay Kyona habang nasa labas kami ngayon ng simabahan.

Tumango siya. Kahit natatakpan ang mukha niya ng belo ay alam kong naiiyak na siya. Niyakap ko siya.

Is this how it feels to marry the man of your dreams? The man of your life? Full happiness. Sa sobrang maiiyak ka.

Hindi paman kami nakakapasok ay nagsimula ng kumanta ang Kismet. Silang lahat kasama at ang iba pang choir ng simbahan.

"Time..."

"I've been passing time watching trains go by, yeah..."

"All of my life..."

Kaagad bumukas ang malaking pintuan ng simbahan. Nagsipasukan na ang mga flower girls at ring bearer. Kasunod ang bridesmaid at groomsmen kasunod ako at sa likod ko ay ang bride at si Tita Kara.

"Lying on the sand, watching seabirds fly..."

"Wishing there would be
Someone waiting home for me, yeah..."

"Something's telling me it might be you. It's telling me it might be you..."

"All of my life...hmmm..."

Nasabi ko na bang si Dewlon ang best man ni Kram? Pinilit talaga siya para partner kami.

"Looking back as lovers go walking past..."

"All of my life..."

Habang nagmamartsya ay nakatingin lang ako kay Dewlon na katabi ni Kram at ganoon din siya kaya napangiti ako.

"Wondering how they met and what makes it last..."

"If I found the place
Would I recognize the face?"

I'm imagining myself, walking in this aisle and Dewlon is waiting for me at the altar, waiting for me to marry him.

"Something's telling me it might be you..."

"It's telling me it might be you..."

"All of my life..."

I can't imagine myself marrying someone else other than Dewlon.

High school palang ako. Pinapangarap ko ng mapangasawa siya kahit hindi ko pa siya jowa. Montesor na ang gusto kong last name.

"So many quiet walks to take..."

"So many dreams to wake..."

Napansin ko ang pagpunas ng mukha ni Kram habang nakatingin sa likod ko. He was smiling but he can't stop but cry.

"And we've so much love to make..."

And seeing him cry for Kyona makes my heart melt. Marami na silang pinagdaanan and they both deserve to settle down. Ako kaya? Kailan pa?

"I think we're gonna need some time. Maybe all we need is time..."

"And it's telling me it might be you. All of my life..."

Time. All we need is time. And Dewlon is the one for me. Siya ang pakakasalan ko.

"Lalalala..."

"Lalalala..."

"Lalalala...lala...lalalala..."

Naputol ang titigan namin ni Dewlon nang lumiko nako sa row ng mga babae. But, I was surprised nang sinundan niya ako. Leaving Kram, walking towards Kyona.

"I've been saving love songs and lullabies..."

"Anong ginagawa mo dito? Doon ka sa kabila..." sabi ko sa kaniya at tinuro ang side ng mga lalake. Agaw eksena masyado ang lalakeng to.

"And there's so much more.
No one's ever heard before..."

Umupo nako kaya naman tumabi siya sakin. Umusog si Dreena na nakatabi ko dapat. This past few days talaga, ang clingy talaga ni Dewlon.

"Something's telling me it might be you..."

Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop ito. He looked at me with desire, "Is it me, or I imagine you walking in that aisle, ready to marry me?" sabi niya sabay buntong hininga.

"It's telling me it might be you..."

"All of my life...

Napailing ako. Damn, pareho ata kami ng iniimagine kanina habang nagmamartsya kami. Nakakatuwang isipin.

"Maybe it's you..."

"Maybe it's you..."

Naramdaman kong hinalikan ni Dewlon ang kamay kong hawak niya.

"Someday. Tayo naman..." seryosong sabi niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. I really do hope so...

"I've been waiting for all of my life..."

Continue Reading

You'll Also Like

975 58 33
NOTE: This story is still ongoing and it is not complete yet, so stay tuned for the next chapters that we will publish next time and I hope you enjoy...
145K 11.4K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
294K 7K 166
Atty. Lexus Park is in search for a pretend girlfriend who'll help him bring back his reputation, after it was ruined by the girls he had flings with...
10.6K 953 25
Nakamtan ang 2021 Wattys Awards Shortlist Pamilya ang pinaka-importante para sa 22-year-old aspiring screenwriter na si Lindsay, gagawin niya ang lah...