HCTS 32 - #Home

3.5K 123 70
                                    


Kirt's POV


"A shocking news from Sydney Salvador! May amnesia pala ang sikat na aktres! At kasalukuyan na si Dewlon Montesor na nalilink sa kaniya ngayon ay ang katuwang niya para maalala ang kaniyang nakaraan. How romantic!" sabi ng dalagang news reporter sa TV na nakatuka sa entertainment news.


Marahas kong sinubo ang Cheetos sa bibig ko habang nanonood ako ng TV.


"Maala-drama ang kanilang kwento, ano? Pwedeng gawan ng pelikula pero tanungin naman nating ang side ni Akiro na ka-love team ni Sydney dahil mukhang hindi na makapaghintay ang mga fans nila sa reaction ng aktor," sabi ng kasama nitong babae.


Ipinakita sa TV si Akiro na pinalilibutan ng reporters. Napaupo ako ng maayos dahil ito na nga ang inaabangan ko ngayon.


Manager Roa said na ininterview si Akiro. Ipinakita din nila ang interview sakin, pwera kay Dewlon at sa iba pa. At yun din ang inaabangan ko.


"Alam ko ang kondisyon ni Sydney at totoong ayaw ko siyang sumama kay Dewlon dahil di pa ko lubusang nagtitiwala pero so far ayos na kaming lahat. Even the company supports her decision to take a leave after the premier night of Loving Sydney..." nakangiting sagot ni Akiro sa ibinatong tanong sa kaniya.


Liar. Fake. Plastic. That's how we roled. He needs to lie about were all okay. He needs to fake being okay with it. And he needs to be plastic by smiling even though he's not.


He's mad from the inside. Hindi niya nagustuhan ang parteng aalis muna ako. Titigil muna ako. Sa tulong ni Arianna, nagkaroon ako ng leave at kung okay nako ay saka nalang ako babalik.


"Rumors said na baka sila ang magkatuloyan, payag kaba?" tanong ng reporter.


Natawa si Akiro sa itinanong sa kaniya, "I won't let that of course!" sagot niya na ikinatawa ng lahat ng tao.


Napakagat labi ako. Bumilis ang tibok ng puso ko sa maaring isagot niya. Kinakabahan ako.


"I won't let Dewlon take away Sydney. I love Sydney. Loving Sydney nga ang title ng movie diba?


The movie is kind of related to us right now, I will make Sydney happier. So better watch the movie, that's all." sabi niya at bumalik na sa studio ang TV.


"Isang rebelasyong ipinahayag ni Akiro at nagpabaliw sa mga fans nila ni Sydney. Ang haba ng hair Sydney! Ikaw na!" hirit ng reporter.


Tumawa ang kasama niya, "Akiro love Sydney daw. Ngayong alam na natin ang side ni Akiro, alamin naman natin ngayon ang side ni Dr. Dewlon, sa pagbabalik ng MBBS News!" sabi nito kaya nag-commercial na.


Damn it! Hindi man seryoso at sa pabirong paraan sinabi ni Akiro ang sinabing mahal niya ako ay napatunayan niya lang na ganoon nga ang nararamdaman niya.


Ngayon paano na? Now that he announce it already, mas lalo lang gugulo. Marami na silang hypothesis. Mas lalong lalala ang fans and they will started to ask me if I love him back. Damn it!


Natapos nga ang problema ko kayla Mama at Papa at sa lintek na video nayum ngayon naman itong si Akiro. Hindi pa nga solve ang problema ko din kay Dewlon. Hay nako!


Wala naman sanang problema kong inamin niya noon pa pero bakit ngayon pa na may Dewlon? Marami silang iisipin. Kesyo love triangle na, kesyo pinag-aagawan ako ng dalawa, kesyo ganito kesyo ganoon. Nababaliw nako!


But of course, hindi ko na dapat isipin ang iisipin ng mga tao tungkol sakin dahil lilipas din 'yun. I shouldn't stress myself! Think Kirt! Tsk!


He Choose To Stay (HHMR BOOK 3) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon