HCTS 36 - #RedGuy

3.1K 148 124
                                    


Kirt's POV

"You did what?!" I spatted habang nakakunot ang noo.

Damn, Junnie Mari and his money nga naman talaga!

"Lilipat lang naman sila. I want my unit back..." sagot niya habang papalabas na kami ng condo building sa underground parking lot.

Hinabol ko ng tingin ang mata niya, "You manipulated that family para lumipat sa ibang unit for you to get yours back. You and your money, aish!" iiling-iling na sabi ko at humalukipkip.

"For your information, piggy. I did not manipulated them. My offer to make them stay in a more bigger unit ay agad nilang pinaunlakan. I just offered, manipulating is my second option," sagot niya at di ko namalayang nasa tapat na namin ang sasakyan niya.

The eff with piggy! Ang dami ko ng pangalan sa kaniya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka ako pumasok. Napailing nalamang ako sa loob habang seryoso siyang tinitignan sa labas na umikot para pumasok sa driver's seat.

"But still you thought of it. At isa pa, pwede naman tayong manghiram nalang. Tatambay lang para makaalala ako," sabi ko sa kaniya. Di na siya gagastos!

Mataman niya akong tinignan, "I don't want to spoil you baby, but we have a lot of memories in that place. And borrowing that place won't be enough," supladong sagot niya.

Napalunok naman ako sa sinagot niya. A-anong ibig sabihin niya sa maraming memories? Like what? Kaming dalawa lang? Bakit kaming dalawa lang? Damn!

Nagulat ako ng humilig siya sakin. Napapikt ako at napadiin ng sandal sa upuan. Bakit ang atat naman ni Dewlon? Kiss nanaman ba kami?

"Stop thinking, relax" nakakaakit niyang bulong sakin.

Napakagat labi ako. Shet! Kailangan ganoon ang boses? Nang silipin ko siya ay nakatingin siya sakin ng seryoso. His eyes darted on my lips. Sinasabi ko na nga ba eh! Gusto niya ulit ng kiss!

I looked at his red lips. Pumikit ako at bahagyang nginuso ang labi ko para malaman niyang ready nako but I heard a sudden clicked I opened my eyes. Nanlaki ang mata ko ng makitang inaayos ni Dewlon ang seat belt ko.

"Seat belt first before anything else," he said trying not to smile.

Napakagat labi naman ako ng marealized na wala naman pala siyang balak halikan ako.

Nag-umpisa na siyang mag-drive. Gusto kong batukan yung sarili ko. Did I really just expect him to kiss me? Damn it! Sobrang nakakahiya. I can fucking feel my cheeks burning up!

Habang palabas kami ay biglang dumilim ang daan. Papalabas kasi kami sa underground parking lot ng building nato.

Ang tanging nakikita ko lang ay ang ilaw ng sasakyan ni Dewlon. Habang nakatingin ako sa daan, I felt a soft thing touched my lips. It was so fast kaya di ako nakagalaw sa gulat.

And the moment na nakalabas na kami sa underground nawala na'yung malambot na'yun.

Napatingin ako kay Dewlon na ngayo'y seryoso lang na nakatingin sa daan na parang hindi siya 'yung HUMALIK SAKIN! Oh, damn it!!

Napakagat labi ako. Umangat ang kamay ni Dewlon at hinawakan ang labi niya at saka napakagat labi. Ngingiti-ngiti siya.

Di ko tuloy mapigilang ngumiti narin. I want to ask him what's up with kissing me, pero alam kung babalik din sakin kung aasarin ko siya.

I am the one who ask for the kiss! Damn, Junnie Mari!

"Napaka-unpredictable talaga," bulong ko at napahawak rin sa labi ko habang nakatingin sa labas.

He Choose To Stay (HHMR BOOK 3) (Completed)Where stories live. Discover now