HCTS 21 - #RollerCoaster

4.2K 174 62
                                    

Sorry for typos and grammatical error.

Enjoy reading! :)

***

Kirt's POV

Nasa Circular Quay parin kami at kasalukuyan kaming nakatambay sa loob ng sasakyan ni Dewlon na naka-aircon dahil mayroon pa siyang kausap sa phone niya sa labas.

"Ano ba ang sakit ng Papa niya?" tanong ko kay Graisyl.

As much as I want to keep quiet ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko I'm itching for informations.

"Silent ischemia. Mas lumala lang ngayon..." sagot ni Graisyl at bakas din ang pag-aalala sa kaniya.

Akiro moved a bit, "Papasok na siya..." sabi niya kaya napatingin kaming lahat kay Dewlon na pumasok na sa loob ng sasakyan at mukhang iritado.

"Tutuloy pa ba tayo sa Luna Park, Dewlon? Pwede namang i-postpone muna kung may pupun--" hindi ko na napatapos ang sasabihin ko ng magsalita si Akiro.

"Or we can just go without Dewlon. No offense, dude. Kirt really likes amusement park..." sabi ni Akiro.

Siniko ko si Akiro at sinamaan ng tingin. Nagkibit balikat lang siya. It's not a great idea! Nakakahiya kay Dewlon!

"Okay naman siguro 'yun sayo Dewlon diba?" tanong ni Graisyl. "We can just go back and leave them here para ma-enjoy nila..." dugtong naman ni Graisyl.

Nakaramdam ako ng kung anong inis para sa kaniya. Wala naman talagang problema sakin kung magkasama kami ni Akiro sa Luna Park but to think na magkasama sila pabalik ay naiinis ako bigla.

I said I need to cut off whatever this damn feelings I'm feeling towards Dewlon pero di ko parin maiwasang mainis.

Endure it, Kirt. Nag-uumpisa ka palang naman. You'll get over it in the process.

Tumingin ako kay Dewlon sa rear mirror. Bumuntong hininga siya at halos kumalabog ang puso ko ng magtama ang mata namin sa rear mirror.

His eyes were hurt. I don't know but it hurts me too when I saw it. He really needs to go if he's that worried sa ama niya.

"No. We'll go to Luna Park..." mariing sabi ni Dewlon at saka pinaandar ang sasakyan.

"But how about Tito Luke, Dewlon?" tanong ni Graisyl, worried.

Tinignan siya ni Dewlon ngunit mabilis lang 'yun at saka tumingin ulit sa kalsada.

"I'll go home but not right now, Graisyl." supladong sagot niya.

Tumahimik si Graisyl maging kaming lahat. Walang music na tumutunog kaya sobrang boring lang talaga. Kung hindi pa ako kinausap ni Akiro tungkol sa taping bukas napanis na ang laway ko.

Nararamdaman ko ang tension sa loob ng sasakyan. I don't know but I think going to Luna's Park isn't a good idea.

Nang makarating kami sa wakas ay dapit hapon na. Mukhang gagabihin kami sa pag-uwi or baka matulog nalang kami sa hotel. Pero taping nga pala bukas, baka magalit si Direk Mela samin.

At isa pa pala 'yan. Paano na kami kung aalis na si Dewlon? Kahit na hindi naman talaga kami ang magkakatuloyan sa movie ay bida parin siya at hindi mabubuo ang story kung wala siya kaya paano na ang movie?

Biglang nawala ang bagabag sa ulo ko ng makita ko ang malaking entrance ng Luna Park. Isang malaking mukha na ewan ko kung babae o lalake basta mayroon siyang korona tapos doon ka papasok sa bibig niyang nakanganga.

He Choose To Stay (HHMR BOOK 3) (Completed)Where stories live. Discover now