HCTS 28 - #His

3.6K 137 55
                                    

Here's the update! Thank you guys for still reading this! Finally, after I post the part two of WTBTL Epilogue, dito na ako laging mag-uupdate so please konteng antay nalang! HAHAHA! Hoping for your support sa last chapter ng WTBTL! Thanks!

If you miss Dewlon and Kirt, you can always visit their facebook. Active sila minsan! Hahaha! Shout out sa mga RP's ng mga characters ko. Love you guys! I had fun reading your post and all. Konteng kembot nalang nagagaya niyo na sila. Lols.


***


Kirt's POV



Akiro left my condo too after I said those words to him. Mali nga namang pangunahan ako, hindi ba? At paano siya nakapasok sa condo ko?


"Anyare?" tanong ni VG na nagpupunas ng buhok. "Si Dewlon nasan?" dugtong niya.



Napapikit ako ng mariin at uminom ng tubig na nakapatong sa lamesa. "Umalis na pagkarating ni Akiro..." tulalang sagot ko.


Rinig ko ang pagsinghap niya, "What the fuck? Si Akiro nandito? Naligo lang ako ang dami ng nangyari? Ano? Nag-away ba ang dalawa! Ano, kwentuhan mo nako!" atat na atat niyang sinabi sabay upo sa tabi ko.

Sumigaw ako ng sobrang lakas kaya napatakip siya ng tenga habang nakangiwi. Nagsisigaw pa ako habang tinatadyak tadyak pa ang paa.



"Arggggh! Nakakainis!!" angil ko.




"Ano ba, Kirt, ang dolphin mong sumigaw!" sita niya at hinagis sakin ang towel niya.



Hinayaan ko sa mukha ko ang towel. Sumigaw pa ulit ako dahil sa inis. Nakakainis talagaaaaa!



Kung bakit ako inis na inis ay dahil sa sarili ko. Shit naman kasi, eh. Bakit kailangan kasi nilang magsabay dito? Kailangan ba talaga nila akong baliwin, ha?




Ano nalang ang mangyayari kung sabay sabay nila akong liligawan? Hindi ko ata carry!! Titiklop ako sa isa, titiklop din ako sa kabila. Shit!


"Kung bakit kasi ang haba ng buhok mo! Sino ba talaga Kirt?" tanong ni VG sakin, seryoso.




Inalis ko ang towel sa mukha ko at ngumuso. Ngumiwi ako sa kaniya at nagkibit balikat.






Umiling-iling siya, "Si Sydney na ikaw, alam 'kong gusto si Akiro, pero bakit biglang nagbago?" tanong niya sakin.


Napapikit ako ng mariin, "Hindi ko din alam. Siguro kasi, hinahanap ko pa ang dating ako. Natatakot akong kapag pumili na ako ngayon, baka pagsisihan ko sa huli..." sagot ko at bumuntong hininga.



Napahampas ng lamesa si VG, "In short kasi, gusto mo narin talaga si Dewlon. Ang feelings mo kay Dewlon ngayon napantayan na ang feelings mo kay Akiro noon. That's the reason!" sagot niya, may punto siya.




"Well, tama ka diyan, pero may iba pa. Ayaw mo naman kasing sabihin sakin kung si Dewlon 'yung prince charming ko noon, eh kaya ako naguguluhan, e! Eventually kasi malalaman ko rin tsyaka obvious naman na--"


"Oo na! Oo na! Si Dewlon na!" mabilis na sagot niya.



Nanlaki ang mata ko. Sinubukan kong wag mag-isip ng memorya para wag sumakit ang ulo ko sa impormasyon.


Napaawang ang bibig ko. Lumapit siya sakin na parang nagtataka kung bakit hindi pa ako ngumingiwi dito.




"Di sumakit ulo mo?" nagtatakang tanong niya.






He Choose To Stay (HHMR BOOK 3) (Completed)Where stories live. Discover now