He Choose To Stay (HHMR BOOK...

By Miss_Aech

254K 8.5K 4.3K

History repeats itself, but it's the other way around. He'll be the one to chase. He'll be the one to suffer... More

He Choose To Stay (HHMR BOOK 3)
The Beginning
HCTS 1 - #Kismet
HCTS 2 - #Secret
HCTS 3 - #Sydney
HCTS 4 - #TrueFeelings
HCTS 5 - #Assume
HCTS 6 - #SpecialFriend
HCTS 7 - #Trigger
HCTS 8 - #Australia
HCTS 9 - #DoctorMontesor
HCTS 10 - #Plan
HCTS 11 - #Criminal
HCTS 12 - #Safe
HCTS 13 - #GetHerBack
HCTS 14 - #WeirdFeelings
HCTS 15 - #Textmate
HCTS 16 - #BadThoughts
HCTS 17 - #Camperdown
HCTS 18 - #Scared
HCTS 19 - #Hurt
HCTS 20 - #CutOff
HCTS 21 - #RollerCoaster
HCTS 22 - #Afraid
HCTS 23 - #String
HCTS 24 - #Closer
HCTS 25 - #Fair
HCTS 26 - #Akin
HCTS 27 - #Mad
HCTS 28 - #His
HCTS 29 - #ThePast
HCTS 30 - #Karline'sWedding
HCTS 31 - #Interview
HCTS 32 - #Home
HCTS 33 - #Chance
HCTS 34 - #LittleByLittle
HCTS 35 - #Tanga
HCTS 36 - #RedGuy
HCTS 37 - #Love
HCTS 38 - #Big
HCTS 39 -#StupidDecision
HCTS 40 - #ExtremePain
HCTS 42 - #KryptonDay
HCTS Special Chapter #K&K
HCTS 43 - #ThisTime
HCTS 44 - #Havoc
HCTS 45 - #PTSD
HCTS 46 - #SoCloseSoFar
HCTS 47 - #Revelation
HCTS 48 - #Dejavu
Announcement

HCTS 41 - #Official

3K 122 91
By Miss_Aech

#ValKiro #VKiro #ValfreKiro
#AkiBobo😝😝 #BabalaKiro 😂😂 BWAHAHAHA!
Ano mas bet nyong combine name? Lol!

***

Akiro's POV

I got drunk that night. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naguguluhan na'ko.

Will I help her? Tutulongan ko ba siya? I don't know what to do!! I need someone to tell me what to do. Hindi ko kayang mag-isa...

I drove my car into her house. Siya nalang mag-isa sa bahay niya di kalayuan sa Marikina. I drove hanggat hindi pa 'ko masyado lasing.

I need to see her. I need her right now as a friend. Wala akong ibang malapitan. Siya lang ang alam 'kong mapagpalabasan ko ng sama ng loob.

Kahit 11 PM na ng gabi kumatok ako sa gate niya. Sobrang lakas para marinig niya kaagad.

"VG! Please open the gate..." I said at muling kinalampag ang gate niya.

Mga ilang minuto pa 'kong nambulabog bago ko marinig ang boses niya.

"Omygod! Akiro what are you doing here!?" gulat na gulat na tanong ni VG habang nagsusuot ng kaniyang cardigan at medyo gulo ang buhok.

But, fuck why do I see her so attractive right now? Lasing na talaga ako. Kung anu-ano na ang nakikita ko.

Nang buksan niya ang gate ay kaagad akong lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang mukha niya. I don't know what's gotten into me! My body is dethroning my mind.

"A-anong g-ginagawa mo?" nauutal niyang tanong. I looked at her lips. Her red kissable lips. Damn it!

Napailing ako at lumayo sa kaniya. Don't you ever think of kissing her, Akiro.

"I don't know what to do anymore, VG. I don't know what to choose..." sabi ko at tumingin sa kaniya.

"Naglasing ka nanaman?" biglang sabi niya. I can see how worried she was for me. Why didn't I see her eyes? Her eyes shouts that he cares. That she likes me.

"Will I let her go? Will I take her back?" tanong ko sa kaniya at napapikit ng mariin.

"Why are you telling this to me? Why can't you decide on your own, Akiro? Matanda kana..." sabi niya at tinalikuran ako.

"Iiwan mo din ba 'ko katulad niya? Hindi ko alam kung bakit ako naguguluhan! I want her back but something stopping me!" and I don't know why!

Napatigil siya sa paglakad. Napahilamos ako ng mukha at sinipa ang batong nasa daan ko.

Nakita kong humarap si VG sakin. Malayo-layo na siya ng konte, "If you love her then what's wrong? Ikaw lang may alam kung bakit, Akiro..." sabi niya.

"You told me you like me. Tell me, VG, kailan pa?" seryosong tanong ko sa kaniya at humakbang palapit sa kaniya.

Nanlaki ang mata niya sa itinanong ko. Napaatras siya ng malapit nako sa kaniya.

"Tell me..." ulit ko at seryoso siyang tinignan.

"M-matagal na, p-pero alam ko naman ang nararamdaman mo para kay Kirt, eh..." nauutal niyang sagot at nag-iwas ng tingin.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Damn it! Lagi niya 'kong sinusurpresa kaya ganoon nalang kabilis ang tibok ng puso ko.

Suddenly I want to caressed her face. I have this fucking urge to kiss her, make her mine. Own her but damn why would I? May iba akong mahal...

"Then why did you kissed me and run away?" tanong ko sa kaniya at mas lalong lumapit sa kaniya pero atras naman siya ng atras.

Napalunok siya. Bakas ang nerbyos sa mukha niya. "Wala akong ibang intensyon doon, Akiro. Hinalikan kita dahil gusto 'kong matapos na 'tong nararamdaman ko para sayo. Matagal ko 'tong tinago and I wanted to end it dahil alam 'kong hindi mo ko magugustuhan." seryosong sabi niya at tumungo. Her eyes are bloodshot. She was crying.

Parang kinurot ang puso ko. I rejected so many girls before and it doesn't sting like this.

For all this years, I didn't imagine her liking me that way. We're friends. Siya ang napagsasabihan ko sa nararamdaman ko para sa kaibigan niya. But, all along she was enduring the pain.

"I'm sorry..." I sincerely said.

Rinig ko ang paghikbi niya, "Why are you saying sorry? Hindi mo kasalanan kung nagkagusto ako sayo. Nagustuhan ko ang mga bagay na ginagawa mo para kay Kirt. Hindi mo kasalanan dahil dapat hindi kita ginugusto, pero wag kang mag-alala, Akiro. I will not be a burden. Lalayo ako--"

"Please don't fucking leave me too. Kirt already left and you're the only one I have right now. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Even Manager Lim isn't trustful..." nagmamakaawang sabi ko at hinawakan ang magkabila niyang braso.

Nanlaki ang mata niya, "B-bakit ako nalang? You still have your mother. Mga kapatid mo..." sagot niya at sinubukang kumalas sa mga kamay ko pero idinikit ko siya sa dingding ng bahay niya.

I looked at her with my begging eyes. The thought of her leaving hurts so much.

Siya nalang ang matatakbuhan ko sa ngayon. My mother is sick. Kasalukuyan siyang inaalagaan ng mga kapatid ko sa Laguna. My father left us years ago.

They're far from me and they're just different. Pili lang ang mga nasasabi ko kay Mama.

"Akiro...you see I can't stay with you. It will only hurts me..." diretsyo niyang sagot at sinubukan nanamang tumakas sa mga kamay ko.

Nakaramdam ako ng hapdi sa gilid ng mata ko. Umiling ako, "No, please...you can't..." sabi ko sa kaniya at hinila siya palapit sakin para yakapin.

"Just stay, Valerie. I can't decide on my own kaya lagi ako ang sumusunod. I need you to decide for me. Make me do the right thing. Samahan mo 'ko sa Cebu..." the last thing I said before I hugged her so tight.

And when the moment she hugged me back, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. She never fail to surprised my heart that it beats so fast.

"Baby damulag ka talaga!" she said and laughed bitterly.

I felt relieved. She's coming with me in Cebu and she'll make me do the right thing.

Kirt's POV

Tumakbo ako palabas ng bahay nila Dewlon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Magpapakita ba ako o uuwi nalang sa unit ni Dewlon para magmukhang tanga.

Napatigil ako sa pagtakbo when I realize something. Lagi nalang ba akong tatakbo? Hindi ko ba haharapin at maging matapang?

I have the right to ask why are they hugging kasi cool off lang kami ni Dewlon. I should fight, but apart of me is just scared to know the truth if I ask.

Nanatili ako sa labas ng gate ni Dewlon. Kasalukuyan pang nagtatalo ang utak ko kung ano ang gagawin ng may bumusina.

Nanliit ang mata ko ng makita ang isang puting van. Huminto ito sa tapat ng bahay ni Dewlon. Tinted ang van kaya hindi ko makita ang nasa loob.

At halos manlaki ang mata ko ng lumabas ang taong nasa loob. Napatakip ako ng bibig.

"Kirt!" tawag niya sakin at saka ngumiti.

"Arianna!" gulat na tawag ko sa kaniya at tumakbo para yakapin siya.

Niyakap niya ako pabalik, "I miss you!" she said at kumalas ng yakap.

Ngumiti ako ng malapad. "I miss you too! Bat di ka nagtext na pupunta kanang Cebu? Ginulat mo naman ako!" sabi ko.

Mabuti nalang at dumating si Arianna. Hindi ko kasi alam kung ano na ang gagawin ko sa labas ng gate ni Dewlon.

"We wanted to surprise you! Sabi ni Heero dito kasi ang bahay niyo..." sabi niya sabay lingon sa kababang si Heero kasama si Mixx, sa pagkakaalala ko sa pangalan nila.

Arianna and the Kismet will help me bring back the memories that we spent together during my second year college here in Cebu. Ito ang dahilan kung bakit nandito sila sa Cebu.

Nginitian ko silang dalawa. Lumabas din si Ysabel sa van. "Hello, Sydney!" bati ni Ysabel sabay kaway.

Kumaway ako pabalik at ngumiti, "Hi!" bati ko.

Nakakalungkot isiping di ko pa sila naalala. But, I'm grateful dahil handa silang tulongan ako. I must've been a very good friend to them.

"Si Nikke?" tanong ko dahil napansin 'kong kulang.

"Ayun, namiss yung girlfriend niya. Pumunta muna doon," sagot ni Mixx at inakbayan si Ysabel.

"We want to invite you for dinner, Kirt. Kung gusto mo ay isama mo si Dewlon..." sabi ni Arianna.

Pagkarinig ko ng pangalan ni Dewlon ay agad akong napailing. "Wag n--"

"Good evening, Dewlon," biglang bati ni Arianna sa likod ko.

Pagkalingon ko ay nakita ko si Dewlon na kakalabas lang ng gate at kasunod niya ay si Graisyl. Kinurot nanaman ang puso ko.

Bahagyang nanlaki ang mata ni Dewlon ng makita niya ako kasama si Arianna at sila Heero. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

"Nakarating na pala kayo..." malamig na sabi ni Dewlon.

"We just arrived. Nakita namin si Kirt sa labas ng gate mo, Mr. Montesor. I wonder why she's outside?" biglang sagot ni Heero kay Dewlon.

Napatingin ako kay Heero. He's now giving dagger looked at Dewlon. Mataman naman akong tinignan ni Dewlon pero nag-iwas ako ng tingin pero napadako naman ang tingin ko kay Graisyl na nakahalukipkip at bahagyang nakataas ang kilay.

Kumunot ang noo ko. What's with this woman? She's getting into my nerves!

Natahimik si Dewlon sa sinabi ni Heero. Mukhang hinihintay nila ang side ko.

"Galing ako sa bahay namin. Papasok na sana ako sa bahay ni Dewlon," sagot ko at tinuro pa ang bahay namin.

Humalukipkip si Heero at mataman akong tinignan, "You, sure?" tanong niya.

Damn. Ganito ba ka talino si Heero na alam niya kaagad na kanina pa ako sa labas ng gate ni Dewlon? Close ba talaga kami nito noon?

"So tara? Sasama kaba Dewlon? Mukhang may bisita pa kayo..." tukoy ni Arianna kay Graisyl.

Bago paman makasagot si Dewlon ay sumabat nako, "Tayo nalang! Mukhang nag-cacatching up pa silang dalawa kaya tayo nalang," sabi ko kay Arianna at tinulak na siya papasok sa sasakyan.

"Eunice!" rinig kong tawag ni Dewlon sa'kin habang papasok ako sa van. Pumasok na sila Ysabel at Mixx.

Dire-diretsyo ang pasok ko at hindi nilingon si Dewlon, pero tumakbo si Dewlon papunta sa van kaya kinabahan ako.

Bago paman makalapit si Dewlon ay hinarangan siya ni Heero. Nakatalikod si Heero kaya hindi ko makita ang mukha niya. Iritado lang ang mukha ni Dewlon habang nakatingin kay Heero.

"We'll take care of her. Wag kang mag-alala. Hindi namin siya pababayaan..." malamig na sabi ni Heero sabay sarado ng pinto ng van.

Nakatingin parin ako kay Dewlon sa labas. Hindi niya naman ako makikita dahil tinted ang van.

Nakita kong may pinag-uusapan pa si Heero at si Dewlon pero hindi namin 'yun marinig sa loob.

"May nangyari ba?" tanong ni Arianna sakin. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

Napakagat labi ako, "Cool off muna kami ni Dewlon..." sagot ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya, "Ha? Bakit naman?" tanong niya. "So, naalala mo na pala na naging kayo..." dugtong niya.

Nagulat ako, "Alam mo?" tanong ko sa kaniya.

Tumango siya, "Yup, Heero told me everything. And the rest of your bandmates noon..." sagot ni Arianna at nilingon sila Ysabel.

Pumasok si Heero sa front seat kaya umandar na ang sasakyan. May driver pala sila dito.

Sinilip ko ang labas kung saan naiwan si Dewlon doon kasama si Graisyl. It hurts to leave them their alone pero alam 'kong may kutob na si Dewlon na iba na ang iniisip ko. Baka nga takot pa siya na maalala ko na si Graisyl.

"Masaya ba 'ko sa kaniya?" tanong ko kayla Mixx at Ysabel and even Heero looked at me.

Natigilan sila sa tinanong ko. Their eyes weren't sure what to answer me. Hindi ba ako naging masaya kay Dewlon?

"Girlfriend material ka, Kirt..." sabi ni Mixx sabay akbay kay Ysabel.

Tumango naman si Ysabel, "Ikaw na ata ang pinakama-effort na girlfriend and Dewlon was very lucky back then..." dugtong pa nito.

Napangiti ako sa sinagot nila, pero hindi nila sinagot ang tanong ko. Masaya ba ako?

"Eh si Dewlon? Masaya ba siya sakin?" tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan ang dalawa. "Hindi namin close si Dewlon kaya wala kaming alam tungkol sa kaniya..." sagot ni Mixx.

Napakagat labi ako. Wala nanaman akong nakuhang sagot. Masaya ba si Dewlon sakin? Ano ba kaya talaga ang dahilan kung bakit kami naghiwalay?

Kung tungkol man ito kay Graisyl, kulang pa ba ako? Hindi ba siya naging masaya sakin kaya siya naghanap ng iba?

But, he's here now. He's pursuing me, ano ang ibig sabihin nun kung ganoon?

"You're happy with him, Kirt..." biglang sabi ni Heero sa front seat.

Nagulat ako sa sinabi niya. Nakatingin siya sa labas, "Masaya ka sa kaniya at masaya din siya sa'yo. Possessive din siya sayo at ganoon kadin sa kaniya." dugtong ni Heero na nagpabigay ng pag-asa sa puso ko.

If we're happy back then, bakit kami naghiwalay? Ang sabi niya dahil nag-aral siya doon ng medisina kaya hindi siya nakauwi ng Pilipinas.

Hindi ko alam kung paano pagtatagpi-tagpiin ang mga impormasyong meron ako sa ngayon. But it all happened when I was in second year college at pakiramdam ko malapit ko ng maalala ang lahat.

Nakarating kami sa isang five star hotel and the moment I saw the building, Silvestre Hotel ay kaagad akong may naalala kaya napapikit ako.

Naalala ko si Heero may dalang gitara. Tinuturuan niya ako. Pagkatapos naiinis ako sa kaniya and there goes Dewlon, sinusundo ako. May dala akong gitara.

Nakaramdam ako ng tapik, "Nandito na tayo, Kirt..." sabi ni Arianna. Minulat ko ang mata ko. "Ayos ka lang?" dugtong na tanong niya.

Tumango ako sa kaniya, "I'm fine, may naalala lang..." sagot ko sa kaniya.

Napatingin naman ang lahat sa'kin, "Really?" tanong ni Ysabel.

"Ano naman ang naalala mo, Kirt-kirt?" tanong ni Mixx.

Napatingin ako kay Heero, "Naiinis ako kay Heero dahil pinagalitan niya ako sa guitar lesson ko," sagot ko at napanguso.

Natawa na sila Arianna sa sinagot ko. Nakita kong napailing si Heero sa sinabi ko.

"It's because you're not participating..." sagot ni Heero at bakas sa boses niya na natatawa siya.

Tumawa nalang kaming lahat sa naalala ko. Ngayon ko lang narealize na magaan pala sa pakiramdam kapag kasama ko sila. There's a part of me that missed this.

Nakarating kami sa restobar sa loob ng Silvestre Hotel and I remembered this place.

"Mrs. Silvestre offered us to have a part time job here as a performer...so..." sabi ni Heero sabay tingin kay Arianna.

"So, I talked to Tita Aneth Silvestre if she can help us. Magpe-perform kaya ngayon dito..." dugtong ni Arianna.

Kumunot ang noo ko, "Tita mo? Kaano-ano mo ang Mga Silvestre?" tanong ko sa kaniya.

"Well, Tita Aneth is my tita sa father side ko. She's also a Bustamante..." sagot niya.

Bigla akong may naalala. Mrs. Aneth Bustamante Silvestre, tita rin siya ni Jeiko Valerio.

"Eh si Jeiko Valerio? Bustamante din siya diba? Naalala ko lang ngayon..."

Lumiwanag ang mukha ni Arianna, "Yep! He's my cousin too sa father's side ko. Tita ko rin ang mommy niyang namatay na..." sagot niya.

Nanlaki ang mata ko, "Wait, what? Patay na ang Mom ni Jeiko?" tanong ko kay Arianna.

"Hindi mo alam? Matagal nang patay si Tita, high school palang si Jeiko. Kawawa nga, eh. That must be the reason why he became a badboy. But, let's not talk about my cousin, pasok na tayo sa loob. Naghihintay na sa'tin si Tita Aneth..." sabi ni Arianna at iginiya na kaming lahat sa loob.

Maraming tao sa loob ng restobar. Dinala kami ni Arianna sa isang private room. Pagkapasok namin doon ay kaagad kong nakita ang isang sopistikadang babaeng nakasuot ng eleganteng green dress kasama ang isang matangkad na lalake na hula ko'y same age lang.

"Arianna, hija!" masayang bati ni Mrs. Silvestre kay Arianna at nang madako ang tingin sa amin ay nanlaki ang mata niya.

"Oh would you look at that. Buo na ulit ang Kismet," sabi ni Mrs. S.

Nakipagbeso si Arianna sa lalakeng matangkad. May hawig ang lalake kay Mrs S, so I'm going to assume na anak niya itong gwapong ito.

Lumapit si Mrs S sakin at nakipagbeso. Ngumiti siya sakin, "It's been five years since I last saw you in person hija. Noon paman alam 'kong magiging successful. Now look at you, sikat na sikat ka nang artista..." puri ni Mrs S sakin.

Ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko paman masyado naalala si Mrs S ay alam kong naging mabait siya samin ni Heero noon. Basi sa sinabi ni Heero, she offered us to have a part time job here.

Pinakilala kami ni Arianna sa pinsan niyang si Franco Silvestre, at tama ang hula ko. Anak nga siya ni Mrs. S at alam ko ding pinsan ito ni Jeiko. Grabe, ang yayaman ng mga Bustamante! At pinagpala din sa itsyura at katawan!

Maputi si Franco na parang may lahi. Hot na hot ang katawan at grabe ang appeal ng mukha. Kahit singkit ay gwapo at the same time super cute. Shems! Bumagay ang mukha niya sa kulay niya.

Pero, napansin ko ring medyo suplado siya. Biglang pumasok sa isip ko si Dewlon na kasama si Graisyl sa bahay nila. The way he said he wont leave Graisyl. Damn it!

Matapos ang chikahan at catching up, pumwesto na kami ni Heero at nila Ysabel at Mixx at si Nikke na humabol pa kasama ang girlfriend niyang si Sheyen.

Pinapili ako kanina ni Heero kung ano ang kakantahin namin and I told him what song ang feel 'kong kantahin ngayon.

Pinalakpakan kami ng mga customer ng restobar. They were surprised to see us in this mini stage. Kinuhaan pa kami ng pictures and some of them are filming us.

[Song Title: Jar of Hearts cover by Boyce Avenue]

He strum the guitar once and then sing, "I know I can't take one more step towards you..."

"Cause all that's waiting is regret..."

Swabeng swabe parin ang boses ni Heero. Malamig ngunit buo.

"Don't you know I'm not your ghost anymore..."

"You lost the love I loved the most..."

Nakapikit lang si Heero at tutok sa pag-stru-strum ng gitara. Tinignan ko ang mga audience at kumanta.

"I learned to live, half alive
And now you want me one more time..."

Napatingin ako sa kaniya at ganoon din siya. Sabay na kaming kakanta. I can't smile at him dahi nakakalungkot 'yung kanta.

Sa sobrang lungkot, damang dama ko. Bakit kasi ito ang napili kong kanta? Arrggh!

"And who do you think you are? Running 'round leaving scars..."

"Collecting your jar of hearts
And tearing love apart..."

Bwesit! Relate na relate ako sa kanta! Kumikirot ang puso ko eh! Iniisip ko nanaman si Dewlon.

Hindi pa naman ako sigurado sa mga conclusion ko pero shit lang kasi!

"You're gonna catch a cold
From the ice inside your soul..."

"So don't come back for me
Who do you think you are?"

Who do you think you are, Dewlon to come back just like that in my life?

Akmang kakanta na ako ng makita ko si Dewlon na papasok sa restobar. Nanlaki ang mata ko. Muntik ko ng makalimutan ang lyrics!

"I hear you're asking all around..."

"If I am anywhere to be found..."

Hindi ko alam kung hinanap ba niya ako. It was like destiny want us to meet again.

Napatingin ako kay Dewlon na ngayon ay nakahalukipkip na nakatingin sakin. His eyes were dark and cold. Bakit siya nandito? Tapos naba sila ni Graisyl kaya hahanapin niya ko? Damn him.

"But I have grown too strong..."

"To ever fall back in your arms..."

Have I grown strong? I bet not. But, I know I'm strong. Alam 'kong kaya 'kong harapin ang kung ano mang sakit nang nakaraan ko. Hindi pa nga lang ako handa.

"And who do you think you are? Running 'round leaving scars..."

"Collecting your jar of hearts
And tearing love apart..."

Nakatingin lamang ako kay Dewlon habang kinakanta 'yun. Tila pinapantayan ang itim niyang aura.

"You're gonna catch a cold
From the ice inside your soul..."

"So don't come back for me
Who do you think you are?"

Napatingin naman ako kay Heero na ngayo'y nakatingin narin sa direksyon ni Dewlon. Ngunit agad siyang tumingin sa direksyon kung nasaan si Arianna.

"And who do you think you are? Running 'round leaving scars..."

"Collecting your jar of hearts
And tearing love apart..."

"You're gonna catch a cold
From the ice inside your soul..."

"So don't come back for me
Who do you think you are?"

"Who do you think you are? Who do you think you are?
Who do you think you are?"

Masigabong palakpakan ang natanggap namin ni Heero mula sa mga audience namin. Nagulat pa nga ako dahil binigyan ako ng manager ng restobar ng bouquet of flowers na parang pinaghandaan talaga ang pagpunta ko dito.

Gusto ko sanang umiwas kay Dewlon pero sinalubong niya ako. Nakipagbatian pa siya kanna kayla Mrs. Silvestre.

Sinalubong niya ako ng malamig niyang tingin. Nakahalukipkip siya. Dadaanan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko para iharap sa kaniya.

"What are you doing, Eunice?" mariing tanong niya sa'kin.

Naririnig ko nanaman ang lambing ng boses niya kanina habang sinasabi kay Graisyl na hindi niya ito iiwan. Paano naman ako?

"None of your business," malamig na sagot ko at marahas na inalis ang kamay niya sa braso ko.

As much as I want to maintain a cool look para hindi na maging issue pa 'to sa mga taong nandito sa restobar ay hindi ko magawa. I can't be calm. Naiinis ako.

Pumunta ako sa fresh air area dito sa restobar. I need air! Pagkapasok ko ay sinalubong kaagad ako ng hangin. This area is kind of a veranda pero malapad at may mga tables pa, may mga customer pa nga eh.

The restobar is in the fifth floor of Silvestre Hotel at kitang-kita dito ang iba pang mga buildings ng Cebu.

Maamaze na sana ako sa view kung di lang ako badtrip. Why is he even here? Binigyan na nga sila ng catching up time na dalawa. Baka nga kung di pa ko napadpad doon, hindi na siya umuwi. Wala naman ata siyang balak, diba? Baka padalhan niya ulit ako kay Dave ng Jollibee.

Naramdaman kong may tumabi sa'kin. Amoy palang, kakaibang itim na aura palang alam ko na kung sino.

"Why are you acting like this? Is this because cool off tayo?" tanong niya sa'kin.

Hindi ako tumingin sa kaniya. Inikot ko lang ang mata ko sa mga dumadaang sasakyan sa baba. Hindi ko siya papansinin.

"Baby, please, why are you doing this to me? First, you want us cool off, then you're acting like this. What did I do wrong?" mariing tanong niya. Nasaan ang lambing!? Edi na kay Graisyl!

Bumuntong hininga ako bago ko siya harapin. Pagod ang mga mata niya and confusion is evident on his face.

Mataman ko siyang tinignan, "You started this right? Ikaw 'tong umalis ng maaga sa unit mo ng walang paalam sa'kin. Hindi ko alam kung maghihintay ba 'ko sayo o hindi. Yun pala! May bisita ka!" dire-diretsyong sabi ko at nag-iwas ng tingin. Nanggigigil ako!

"Umalis ako ng maaga dahil makikipagkita ako kayla Migs para asikasuhin ang pagpapakulong kay Gabriel sa rehabilitation center. And yes, you're right I have a visitor, but she needs me because it's her brother who I'm suing..." pagpapaliwanag niya.

Natigilan ako sa sinagot niya. Now that he explained it to me hindi ko na alam ang iisipin.

"Still, you didn't even care to text or call me. O kaya naman umuwi man lang sa unit mo ng mabilis at sabihing magiging busy ka!" asik ko at hinarap siya ulit.

Lumambot ang mukha ni Dewlon. Nawala ang kunot sa noo at napalitan ng liwanag ang madilim niyang aura habang ako ay frustrated parin.

Nagseselos ako. Nagseselos ako kaya ako nagagalit at naiinis ng ganito. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ganito nalang kasi mag-react yung puso ko kapag si Graisyl na ang usapan. Masama talaga ang kutob ko sa kaniya.

He held my right hand and kissed it. Napaawang ang labi ko sa ginawa niya. He looked at me with his tantalizing eyes.

"I can't stay close if you don't want me to kiss you, baby. You don't know how hard it is to refrain myself," malambing na sabi niya. Oh ayan na ang lambing, Kirt!

Napakagat labi ako. He's unbelievably unpredictable. Kanina lang kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko dahil OA nga itong puso ko kaysa sa isip ko. Nauunang mag-isip kaysa sa utak.

"Wag mo kong bolahin, Junnie Mari. Buong araw ata kayong nagyayakapan ni Graisyl, e..." sabi ko at bahagya siyang tinalikuran. Sige lang, awayin mo lang Kirt. Magtampo ka.

Nagulat ako ng hapitin niya ang bewang ko kaya naman napalapit ako sa kaniya. Nararamdaman ko na ang matigas niyang dibdib sa likod ko.

Nakayakap na si Dewlon sa'kin mula sa likod ko habang nakaharap sa barandilya. Damn, hindi niya ako pwedeng ganituhin sa maraming tao! But, who am I kidding? Wala na ata akong pakaialam sa mundo kapag kasama ko siya.

"This hug is what I want every day. Every second and every hour. But, I can't do this if you want us cool off." bulong niya sa tenga ko kaya naman halos makiliti ako.

Bolta-boltaheng kuryente na nga ang dumadaloy ngayon sa katawan ko habang yakap niya ko mula sa likod tapos ang lakas lakas pa ng tibok ng puso ko. Aba, wengya, baka sumabog nalang ako bigla dito.

"You told her, hindi mo siya iiwan. What will I think of that, Dewlon? Paano ako?" tanong ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob na'yun para sabihin sa kaniya. But, I can't hide this from him kasi gusto ko ng sagot.

"Kaibigan ko lang siya, Eunice. Friends don't leave each other when they're in vain. She needs me as a friend. Please, don't worry about a thing..." malambing niyang pakiusap.

Kaibigan lang sila? Madaling paniwalaan ngunit hindi madaling intindihin. Because if my man is friend with a woman, iba talaga ang iisipin ko.

"Do you trust me?" tanong niya sakin at naramdaman ko ang labi niyang dumampi sa tenga ko. Shit! Nakakakiliti!

Tumango ako at napakagat labi. "Is this mean, hindi na tayo cool off?" tanong niya at pinaharap ako sa kaniya.

Nang humarap ako sa kaniya ay nakita ko kaagad ang mga taong nanonood samin. Oh god!

Tumingin ako kay Dewlon at ngumiti, "Oo, Dewlon! Sinasagot na kita!" medyo malakas na sabi ko.

Medyo nagtaka pa siya ngunt nakangiti pero sinenyasan ko siyang makisabay nalang at laking pasasalamat ko ng ma-gets niya.

Ngumiti siya at halos mapatili ako ng buhatin niya ako pataas at inikot-ikot. Pumalakpak pa ang mga taong nanonood samin.

Tumawa ako sa ginawa niya. At nang ibaba niya ako ay kaagad niyang sinakop ang labi ko at malugod ko namang tinugunan.

Hindi ko ineexpect na magiging official kami ngayong araw. Hindi lang official na kaming dalawa lang, kundi sa buong Pilipinas. Expect ko ng top news nanaman ako nito mamaya. Oh well.

Continue Reading

You'll Also Like

960K 33.5K 38
It was supposed to be an ordinary day for Krisandra as she tries to achieve her ultimate goal in life; to be rich. Ngunit dahil sa pagiging chismosa...
2.2M 16K 52
Ito po ay isang super duper SPG. Patnubay ng magulang ang kailangan dito. Be open-minded. Kasi kung green-minded ka mababastusan ka lang sa mga ia-up...
1.8M 32.7K 45
Xenovia Guilen Lopez thought she had her happy ending when she married her husband, Trevor Ledesma, he is the most charming guy she ever knew and the...