A Player + A Manhater + A DAR...

By misskomplikado

339K 4.2K 601

He's an all time player. Wala pa siyang sineryosong babae. She's the ultimate manhater. Nang dahil sa isang... More

Prologue
Chapter 1 - The Past.
Chapter 2 - Meet Mr. Playboy.
Chapter 3 - Status: Manhater?
Chapter 4 - Truth or DARE?
Chapter 5 - Friends.
Chapter 6 - Splash!
Chapter 7 - The Consequence.
Chapter 8 - Erik a.k.a. THE PLAYER.
Chapter 9 - The Game.
Chapter 10 - First Date
Chapter 11 - He got caught!
Chapter 12 - Alone
Chapter 13 - The Perfect Dress
Chapter 14 - Fight for you
Chapter 15 - Sweet Old Photograph
Chapter 16 - Who, What and Why...???
Chapter 17 - Him again?!
Chapter 18 - Stuck with each other
Chapter 19 - Thinking of you
Chapter 20 - Exams. Exams. Exams.
Chapter 21 - Confused?!
Chapter 22 - The Annual Ball (part 1) "Grand Entrance"
Chapter 23 - The Annual Ball (part 2) "He meets him"
Chapter 24 - The Annual Ball (part 3) "Deja Vu"
Chapter 25 - The Annual Ball (part 4) "Expect the unexpected"
Chapter 26 - The Annual Ball (part 5) "The Game Plan"
Chapter 27 - "Smile :)"
Chapter 28 - All about him
Chapter 29 - Some old stuff
Chapter 30 - He found her...
Chapter 31 - Meet the Parents
Chapter 32 - Busy?!!
Chapter 33 - Almost!
Chapter 34 - Okay.
Chapter 35 - Ready - Set - Go!
Chapter 36 - A Trip To Remember
Chapter 37 - Double Trouble?!
Chapter 38 - Ian's POV
Chapter 39 - Erik's POV
Chapter 40 - Just Say It
Chapter 41 - Stay.
Chapter 42 - The Chase
Chapter 43 - One Sweet Day
Chapter 44 - The Contract
Chapter 45 - A Sweet Serenade
Chapter 46 - Moment of truth
Chapter 47 - SODAmn Sweet!
Chapter 48 - Done.
Chapter 49 - Unsaid.
Chapter 50 - It's over.
Chapter 51 - Still waiting...
Chapter 52 - Who's that girl?!
Chapter 53 - He's back...
Chapter 54 - Rebound???
Chapter 55 - The Flashback.
Chapter 56 - The Confession.
Chapter 57 - Her Decision.
Chapter 58 - The Soda. Again.
Chapter 59 - The unrequited love.
Chapter 60 - Childhood memories.
Chapter 61 - Another encounter.
Chapter 62 - Goodbye.
Chapter 64 - Choices and Chances.
Chapter 65 - 143
Chapter 66 - Two Sides.
Chapter 67 - The Sign.
Chapter 68 - The Boat.
Chapter 69 - Letting Go.
Chapter 70 - Game Over
Epilogue
Author's Note: PLEASE READ! :)

Chapter 63 - I won't give up.

2.7K 37 8
By misskomplikado

Alexa's POV

Nakatayo lang ako sa may hallway nang matagal. Tinitignan ko si Erik habang patuloy ito sa paglalakad palayo sa'kin. Hinihintay ko siyang lumingon sa akin pero wala. Nasaktan ata siya ng sobra sa mga sinabi ko lalo na nung marinig niya na kami na ni Ian. Masakit but he has the right to know.

Ang totoo niyan gusto ko siyang habulin. Pero para saan pa? Wala rin namang magbabago.

Pinagmasdan ko siya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Patuloy pa rin sa pagtulo yung mga luha ko. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilan.

Ilang minuto rin akong ganun. Naisip ko na baka hinahanap na ako nila Ilan. I tried to fix myself, yung parang walang nangyari. Pinunasan ko yung mga luha ko. Ayokong ipakita sa kanila na ganito ako.

Maya-maya pa, bumalik na ako sa kwarto ni Kyla. Sinalubong naman agad ako ni Ian. Ilang segundo rin niya akong tinitigan.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya.

Napansin ata niya na medyo namumugto pa yung mga mata ko.

"Ha, oo. Ayos lang ako." I lied.

"Umiyak ka ba?" tanong ulit niya.

"Ano kasi, may nakasalubong kasi akong babae at lalaki kanina. Naghiwalay na kasi sila, pareho silang iyak nang iyak. Siguro, nadala lang ako ng emosyon ko kaya ganun." sabi ko na lang.

Ian smiled weakly.

"Siguro, mahal na mahal nila yung isa't-isa para maapektuhan ka nang ganyan." Sabi niya.

Di ko alam pero parang bumigat yung dibdib ko.

"Halika ka dito," sabi niya sabay hila sa akin at yakap nang mahigpit. "Wag ka nang malungkot please? Di ko kayang makita kang ganyan."

Hinigpitan ko yung yakap sa kanya at bahagyang tumango. Sobrang natutuwa ako dahil nandiyan si Ian para sa akin pero di ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito. Di ko alam kung kailan ulit ako magiging okay.

Ilang minuto pa ang lumipas at nag-aya nang kumain si Ian. Soda lang yung ininom ko, pinipilit ako ni Ian na kumain pero ang sabi ko kumain na ako kanina sa cafeteria. I lied again. Ang totoo niyan, wala talaga akong gana. Siguro dahil na rin sa nangyari kanina.

Tahimik lang rin ako maghapon. May mga pagkakataon na nagkakasiyahan sa kwentuhan sila Kyla, Archie at Ian. Nakikingiti na lang ako para di rin naman nila mahalata na biglang nagbago yung mood ko.

Maya-maya pa, nagpaalam na rin kami kay Kyla at Archie bago pa tuluyang umalis. Nangako naman si Ian na babalik bago tuluyan ma discharge sa hospital si Kyla.

Buong biyahe namin, kwento lang nang kwento si Ian. Pinipilit niya akong pasayahin pero wala pa rin. Ilang beses rin nitong tinanong kung talagang okay lang ba ako. Tumango lang ako at ngumiti.

Di ko maintindihan kung ano yung nararamdaman ko. Dapat nga masaya ako diba? Kasi at last, may closure na rin kami ni Erik. Sa wakas, tapos na talaga. Pero bakit ganun? Bakit sobrang bigat sa pakiramdam. Feeling ko I made the wrong decision.

Huminga ako ng malalim.

Bakit nasasaktan pa rin ako?

Bakit kahit anong gawin ko, ikaw pa rin yung naiisip ko Erik?

Ano bang ginawa mo sa akin at hindi kita mabitawan?

Bakit di kita makalimutan?

"Nandito na tayo?" Sabi ni Ian.

Huminto na kami, di ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay ko. Masyado nga atang lumulutang yung isip ko ngayon. Tumingin ako kay Ian.

"Sorry Alexa, alam kong napagod ka sa mga nangyari ngayong araw. Sorry for bringing you into this." Sabi niya.

"Ano ka ba? Ayos lang. I'm glad okay na si Kyla. And wag ka na ring mag-alala okay?" Sabi ko naman.

"Ikaw yung inaalala ko e. May nangyari ba na gusto mong sabihin sa akin? Napansin ko kasi na naging tahimik ka at walang kibo." Sabi ulit nito.

Di ko alam kung ano yung gagawin ko. Gusto kong sabihin kay Ian lahat. Na bumalik na si Erik, na nasabi ko na lahat sa kanya, na tinapos ko na kung ano man yung meron sa amin dating dalawa. Pero alam ko, pag sinabi ko yun, masasaktan ko lang si Ian. Ayoko nang makasakit pa. Ayokong pati siya madamay at masaktan.

"Napagod lang siguro ako. Don't worry, I'll be fine." Sabi ko.

Ngumiti ulit siya. Yung malungkot na ngiti. Hinila niya ulit ako at niyakap nang mahigpit. Gusto ko ulit umiyak nun pero pinigilan ko lang. "Thank you, Ian" bulong ko sa kanya.

Bumitaw na siya at ngumiti sa akin. "Goodnight, Alexa."

Hinintay muna ako ni Ian makapasok sa loob ng bahay bago tuluyang umalis. Agad naman akong dumiretso sa kwarto ko. Ni-lock ko yung pinto. Gusto ko muna mapag-isa.

Humiga ako sa kama ko at tumulo na ulit yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

***

Ian's POV

Nagda-drive na ako pauwi sa condo ko. Di ko alam pero ang bigat rin ng nararamdaman ko.

Pag nakikita ko si Alexa, nasasaktan ako. Lalo na nung nakita ko sila kanina. 

Silang dalawa.

Sila ni Erik.

- FLASHBACK -

Ang tagal naman ni Alexa.

Nagsimula na akong mag-alala. Kanina pa kasi siya bumaba at hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik. Nagpaalam muna ako saglit kay Kyla para hanapin si Alexa.

Naglalakad ako sa may hallway. Naisip ko na sumakay na ng elevator. Papunta na sana ako dun nang mapansin ko na bigla itong bumukas at may lumabas na isang lalaki. Akala ko na-malikmata lang ako sa nakita ko. Tinitigan ko siya ng mabuti. Hindi ako pwedeng magkamali. Yung lalaki. Si Erik yun.

Nakabalik na siya?

Kailan pa?

Alam na ba ni Alexa?

Napansin kong nakayuko siya at may pinunasan sa mata niya.

Teka, umiiyak ba siya?

Pero bakit?

Pupuntahan ko na sana siya nang marinig ko siyang magsalita.

"Alam ko na aalagaan ka ni Ian. I just want you to be happy Alexa." 

"Goodbye."

Tapos, umalis na si Erik nang hindi man lang lumilingon.

Pakiramdam ko nanigas yung buong katawan ko. Hindi ako makagalaw.

Ka-kasama ba niya si Alexa?

Anong ibig niyang sabihin?

Ilang segundo pa at may lumabas na babae sa elevator.

Hindi nga ako nagkamali dahil si Alexa yun.

Bumigat yung pakiramdam ko not just because I saw her and Erik together, it's because nakita ko rin siyang umiiyak.

Hindi niya ako napansing nakatayo dahil dun lang siya nakatingin sa direksyon ni Erik. Humihikbi siya at nagpupunas ng luha.

Ang tagal rin niyang ganun. Nakatitig sa kung saan naglakad palayo si Erik. 

Ramdam ko na gusto niya itong habulin pero di rin niya magawa.

Ano man yung nangyari sa loob ng elevator, alam kong masakit ito sa kanilang dalawa.

Base sa mga narinig ko, mukhang alam na ni Ian yung tungkol sa amin ni Alexa.

Pero kung sinabi yun ni Alexa, bakit siya umiiyak?

Bakit mukhang nasasaktan siya?

Gusto ko siyang puntahan at yakapin. Gusto kong punasan yung mga luha niya pero alam ko, nung oras na yun, hindi ako yung kailangan niya.

- END OF FLASHBACK -

Matamlay akong bumalik sa kwarto ni Kyla matapos kong makita sila Erik at Alexa. 

Nagsinungaling ako kay Kyla na hindi ko nakita si Alexa.

Pinilit kong ipag-walang bahala ang lahat.

Ilang minuto rin ang lumipas at bumalik na siya. Napansin ko na nag-iba na yung mood niya.

Tinanong ko kung ayos lang ba siya. Sabi niya ayos lang siya. Alam kong nagsisinungaling siya.

Tinanong ko kung ano yung nangyari. Sabi niya, may nakita daw siyang babae at lalaki na naghiwalay kanina. 

Alam ko, sila ni Erik yung tinutukoy niya.

Nasaktan ako ng sobra nun. I smiled weakly.

Niyakap ko siya nang mahigpit. 

Alam ko kahit anong gawin ko, she won't be okay.

Pinipilit niyang ngumiti pero alam ko deep inside, sobrang siyang nasasaktan. 

I hate to see her like this.

Ganitong ganito siyang nung iniwan siya ni Erik.

Tahimik lang siya at walang kibo kahit nung pauwi na kami. Ang lalim ng iniisip niya. Kahit anong kwento at patawa ko, wala ring epekto sa kanya.

Bago siyang bumaba ng sasakyan, nilakasan ko na yung loob ko. Tinanong ko kung may nangyari ba kanina na naging dahilan kung bakit siya nagkakaganun kahit una pa lang naman alam ko na talaga yung dahilan. Hinintay ko siyang magsalita pero hindi pa rin niya sinabi.

Hinila ko siya at niyakap nang mahigpit.

Nung oras na yun, ayoko siyang bitawan. Ramdam ko kasi na oras na bumitaw ako, things will never be the same again. 

Pero in the end, bumitaw pa rin ako. Gusto ko kasi makapag-isip siya ng mabuti tungkol sa aming dalawa, sa kanila ni Erik... kahit alam ko naman kung sino yung mas matimbang.

Nasasaktan ako pero ayoko lang ipakita.

Sabi ko dati, kapag naging kami ni Alexa, di na ulit siya iiyak.

Na hindi na ulit siya masasaktan.

But look at her now?

She's in pain at wala akong magawa.

Kasi hindi naman ako yung sagot.

Akala ko dati pag naging kami, makakalimutan na niya si Erik.

Na baka kako matutunan rin niya akong mahalin.

Ginawa ko lahat kahit alam ko na mahirap.

Sumugal ako kahit alam ko naman na nung una palang imposible na.

Umasa ako sa maliit na chance na magiging masaya kami.

But I was wrong.

I was a fool to believe she could love me.

Kasi deep inside, I know it will always be Erik.

And that I can never replace him in her heart.

At sa mga nangyari kanina, I realized one thing...

They still love each other.

***
***

 AFTER TWO DAYS, SA MAY AIRPORT...

Erik's POV

"Pinaaalis mo na ba talaga ako? I can still stay for a couple of weeks if you want." Sabi ni Alyanna.

Tumawa ako. "I know I owe you a lot Alyanna. Alam ko rin na masyado na kitang naaabala. Isa pa, marami ka pang dapat asikasuhin sa States." Sabi ko.

Ngumiti ito.

"Sigurado ka bang ayaw mong kausapin ko si Alexa. I can explain to her everything. Na hindi mo naman talaga ako girlfriend. Na siya naman talaga yung mahal mo." Sabi nito.

"You don't have to do that. Isa pa, sila na naman ni Ian. Kahit anong gawin ko, wala na akong magagawa." Sabi ko.

Nakwento ko na rin kasi kay Alyanna yung lahat ng nangyari pati yung huli naming pag-uusap ni Alexa sa elevator. 

I admit, I'm slowly giving up.

Naging seryoso rin yung mukha niya. Hinawakan niya ako sa balikat at tumingin sa akin ng diretso. "Just please, don't give up on her. Kahit gaano kahirap. Fight for what you really want and who you really love."

I can't believe na sa kanya ko to naririnig. May matured side pala ang isang to. And no matter how I hate to admit it, she's right.

Tumango ako. Ngumiti siya at niyakap ako nang mahigpit.

"Remember, di pa tapos ang laban. Ikaw pa rin ang bet ko para kay Alexa. Kung di ka man sa akin mapupunta, at least you'll end up with the girl you truly love and who truly loves you."

"Thank you, Alyanna." Sabi ko.

"Thank me later pag nakuha mo na siya ulit. O siya, I need to go. Goodbye EJ."

Tumango lang ako at ngumiti habang tuluyan na siyang pumasok sa loob ng airport para mag check in.

I will definitely miss her.

Ilang sandali pa at pumunta na rin ako sa may parking at pumasok sa kotse ko. Sumandal muna ako at huminga ako ng malalim.

I just let the time flies by.

For once, gusto kong hayaan muna yung sarili kong huminto at mag-isip...

Panahon na nga ba para tumigil ako?

Oras na ba para tuluyan na kitang pakawalan?

Naisip ko lahat ng mga nangyari these past few months.

Ako.

Si Alexa.

Kaming dalawa.

All those times we've been together.

All those things we've learned about each other,

all those laughter we've shared,

all those tears we've shed,

all those leassons we've learned,

everything.

Kung paano nagsimula ang lahat...

At kung paano ito magtatapos..

Pumikit ako.

God, please tell me what to do.

Help me.

Give me a sign.

Huminga ulit ako ng malalim.

Binuksan ko na yung makina ng sasakyan at umalis.

Ilang segundo pa lang ang lumilipas ng tumunog ito sa radyo ko.

I Won't Give Up - Jason Mraz (pa-play na lang sa gilid)

Napangiti ako nang di oras.

Is this the sign I'm waiting for?

Hinayaan ko lang pakinggan yung kanta...

♦ ♦ ♦

When I look into your eyes

It's like watching the night sky

Or a beautiful sunrise

Well, there's so much they hold

And just like them old stars

I see that you've come so far

To be right where you are

How old is your soul? 

Well, I won't give up on us

Even if the skies get rough

I'm giving you all my love

I'm still looking up

And when you're needing your space

To do some navigating

I'll be here patiently waiting

To see what you find

'Cause even the stars they burn

Some even fall to the earth

We've got a lot to learn

God knows we're worth it

No, I won't give up

I don't wanna be someone who walks away so easily

I'm here to stay and make the difference that I can make

Our differences they do a lot to teach us how to use

The tools and gifts we got, yeah, we got a lot at stake

And in the end, you're still my friend at least we did intend

For us to work we didn't break, we didn't burn

We had to learn how to bend without the world caving in

I had to learn what I've got, and what I'm not, and who I am

I won't give up on us

Even if the skies get rough

I'm giving you all my love

I'm still looking up, still looking up.

Well, I won't give up on us (no I'm not giving up)

God knows I'm tough enough (I am tough, I am loved)

We've got a lot to learn (we're alive, we are loved)

God knows we're worth it (and we're worth it)

I won't give up on us

Even if the skies get rough

I'm giving you all my love

I'm still looking up

♦ ♦ ♦

It's funny how one song can fully describe your feelings at the moment.

Thank you God.

Ang bilis mong sinagot yung prayer ko.

You never let me down.

Napangiti ako.

Now I have the answer.

I know.

I know I'm not perfect.

Marami na akong nagawang pagkakamali.

And I won't let myself make the same mistakes again.

I'm so stupid nung iniwan kita Alexa.

And I'm more stupid kung hahayaan kita ulit mawala sa akin.

After everything we've been through, I won't give up on you Alexa...

I won't give up on us...

kasi mahal na mahal kita.

_______________________

A/N:

Sorry, medyo na-late sa pagpopost. Nagkaproblema kasi. Sa phone ako nag-update tapos nabura lahat. Umulit ako sa dati. As in from scratch. :(

Anyway, at least naayos ko na ulit. Tapos may mga nadagdag rin sa bagong update na'to. Salamat sa paghihintay. Sorry, LSS ako sa I Won't Give Up. Haha. Hope you guys like it. ;)

Kung ikaw si Alexa, anong gagawin mo?

Comment. Vote. Be a fan.

misskomplikado. ♥

Continue Reading

You'll Also Like

640K 3.3K 6
Ang gusto sana ni Alleah ay makapag-asawa ng mayaman tulad ng naging kapalaran ng kanyang isang pinsan. Pero dahil sa kanyang mga kagagahan at kaloko...
238K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
187K 2.2K 29
#HM2: "If it's too good to be true, it probably isn't true."