Encantadia: A Love Untold [C...

By AmihanMaxTine

277K 7.4K 2.4K

One Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love L... More

Ω Kabanata I Ω Ang Pagbabalik sa Lireo
Ω Kabanata II Ω Ang Kapasyahan ni Mine-a
Ω Kabanata III Ω Ang Sayaw ng Pag-Ibig
Ω Kabanata IV Ω Maskara
Ω Kabanata V Ω Ang Reyna
Ω Kabanata VI Ω Reyna Amihan
Ω Kabanata VII Ω Ang Itinadhana ni Emre
Ω Kabanata VIII Ω Pagdadalang-Diwata
Ω Kabanata IX Ω Mga Nababagabag na Damdamin
Ω Kabanata X Ω Mine-a
Ω Kabanata XI Ω Lihim
Ω Kabanata XII Ω Panlilinlang
Ω Kabanata XIII Ω Si Lira
Ω Kabanata XIV Ω Ang Prinsipe ng Sapiro
Ω Kabanata XV Ω Ang Pagkawala ni Alena
Ω Kabanata XVI Ω Ang Galit ng mga Sang'gre Ω
Ω Kabanata XVII Ω Pagtatagpo Ω
Ω Kabanata XVIII Ω Agam-agam ni Amihan
Ω Kabanata XIX Ω Ang Katotohanan Ukol kay Ybarro
Ω Kabanta XX Ω Bugso ng Kapangyarihan
Ω Kabanata XXI Ω Ang Reputasyon ni Danaya
Ω Kabanata XXII Ω Ang Kaparusahan kay Danaya
Ω Kabanata XXIII Ω Ang Katuparan ng Plano ni Pirena
Ω Kabanata XXV Ω Ang Pagkagapi ni Amihan
Ω Kabanata XXVI Ω Ang Kantao, ang Dyamanteng Lira At ang Maskara ni Hara Amihan
Ω Kabanata XXVII Ω Mga Itinakdang Pagtatagpo
Ω Kabanata XXVIII Ω Ang Pagkikita nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXIX Ω Ang Pagbabalik
Ω Kabanata XXX Ω Ang Muling paghaharap nila Amihan at Pirena
Ω Kabanata XXXI Ω Ang Misyon nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXXII Ω Ang Pagbabalik ng Ala-ala ni Alena
Ω Kabanata XXXIII Ω Ang Damdamin ni Amihan
Ω Kabanata XXXIV Ω Ang Kapahamakan kay Lira
Ω Kabanata XXXV Ω Ang Basbas kay Lira mula sa Devas
Ω Kabanata XXXVI Ω E Correi....... Hara
Ω Kabanata XXXVII Ω Ang Muling Pagkikita nila Amihan at Alena
Ω Kabanata XXXVIII Ω Ang Paghingi ng Kapatawaran ni Amihan kay Danaya
Ω Kabanata XXXIX Ω Ang Anak ni Hara Amihan
Ω Kabanata XL Ω Ang Pagliligtas ni Rehav Ybrahim sa Hara Amihan
Ω Kabanata XLI Ω Si Caspian
Ω Kabanata XLII Ω Ang mag-Inang Amihan at Lira
Ω Kabanata XLIII Ω Ang Punyal ng Sandugo
Ω Kabanata XLIV Ω Isang Pamilya
Ang Apat na Sang'gre
Ω Kabanata XLV Ω Si Kahlil
Ω Kabanata XLVI Ω Ang Panlilinlang ni Pirena
Ω Kabanata XLVII Ω Bugna
Ω Kabanata XLVIII Ω Edi Sanctre
Ω Kabanata XLIX Ω Ang Batis ng Katotohanan
Ω Kabanata L Ω Rehav ese Adoyaneva
Ω Kabanata LI Ω Mga Maitim na Balak ni Adhara
Ω Kabanata LII Ω Ang Sumpa ni Ether
Ω Kabanata LIII Ω Mga Mapaglarong Puso
Ω Kabanata LIV Ω Amarteya Lireo
Ω Kabanata LV Ω Ang Pangako Ni Ybrahim
Ω Kabanata LVI Ω Ang Dalawang Kahilingan
Ω Kabanata LVII Ω Ang Itinadhana Para kay Amihan
Ω Kabanata LVIII Ω Ang Pagsisilang ni Amihan
Ω Kabanata LIX Ω Ang Paglalakabay Patungong Devas
Ω Kabanata LX Ω Ang Pagbabalik Ng Ala-ala nila kay Lira
Ω Kabanata LXI Ω Ang Galit Ni Hara Amihan
Ω Kabanata LXII Ω Ang Pagpaparaya ni Alena
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Agam-agam ni Pirena
Ω Kabanata LXIV Ω Ang Huling Mensahe ni Mine-a
Ω Kabanata LXV Ω Ang Kapatawaran
Ω Kabanata LXVI Ω Hadezar
Ω Kabanata LXVII Ω Halik ng Pamamaalam
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Katuparan ng Propesiya kay Amihan
Ω Kabanata LXIX Ω Isang Bagong Simula
Encantadia: Ang Ikalawang Yugto
Ӝ Kabanata LXX Ӝ Ang Encantadia
Ӝ Kabanata LXXI Ӝ Ang Pagbangon
Ӝ Kabanata LXXII Ӝ Ang Bagong Etheria
Ӝ Kabanata LXXIII Ӝ Ang Huling Pagsubok para kay Lira at Mira Ӝ
Ӝ Kabanata LXXIV Ӝ Avisala, E Correi
Ӝ Kabanata LXXV Ӝ Ang Kasiyahan sa Lireo
Ӝ Kabanata LXXVI Ӝ Ang Apat na Kaguluhan sa Encantadia
Ӝ Kabanata LXXVII Ӝ Katotohanan at Panlilinlang
Ӝ Kabanata LXXVIII Ӝ Si Lirios
Ӝ Kabanata LXXIX Ӝ Pagkakabihag
Ӝ Kabanata LXXX Ӝ Isang Alok
Ӝ Kabanata LXXXI Ӝ Ang Brilyante ng Apoy
Ӝ Kabanata LXXXII Ӝ Ang Tunay na Danaya
Ӝ Kabanata LXXXIII Ӝ Ang Pagbagsak
Ӝ Kabanata LXXXIV Ӝ Enamuya
Ӝ Kabanata LXXXV Ӝ Ang Pagbalik Sa Nakaraan
Ang Kasaysayan ng Lumang Encantadia ayon sa kalatas na sinulat ni Raquim.
Cast and Characters of EALU: Enamuya Arc
Ӝ Kabanata LXXXVI Ӝ Ang Pagkawala ng mga Brilyante
Ӝ Kabanata LXXXVII Ӝ Ang Pagdadalang-Diwata ni Ornea Ӝ
Ӝ Kabanata LXXXVIII Ӝ Ang Muling Pagkikita
Ӝ Kabanata LXXXIX Ӝ Si Amihan, Ng Kaharian ng Lireo
Ӝ Kabanata XC Ӝ Ang Sapiryan at ang Diwata
Ӝ Kabanata XCI Ӝ Sila Memen at Ornea
Ӝ Kabanata XCII Ӝ Sang'gre laban sa Heran
Ӝ Kabanata XCIII Ӝ Ang Ina ng mga Sang'gre
Ӝ Kabanata XCIV Ӝ Si Mine-a
Ӝ Kabanata XCV Ӝ Si Mine-a at si Cassiopei-a
Ӝ Kabanata XCVI Ӝ Ang Pagliligtas
Ӝ Kabanata XCVII Ӝ Pagmamahal
Ӝ Kabanata XCVIII Ӝ Si Raquim, si Mine-a at si Hagorn
Ӝ Kabanata XCIX Ӝ Lireo
Ӝ Kabanata C Ӝ Ang Paglusob
Ӝ Kabanata CI Ӝ Ang Inang Brilyante
Avisala
Kabanata CII: Ether
Kabanata CIII: Pagbabalik sa Kasalukuyan
Kabanata CIV: Pag-Iisang Dibdib
Kabanata CV: WAKAS
Avisala Eshma

Ω Kabanata XXIV Ω Ang Pagbagsak ng Lireo

2.3K 75 8
By AmihanMaxTine

Ω Kabanata XXIV Ω
Ang Pagbagsak ng
Lireo
Ω


             "Hara Amihan.... Napasok na ng ibang hathor ang mga maliliit na bulwagan." Sambit ni Aquil kay Amihan. Napailing ang Hara.
            "Pashnea.... Paalisin sila sa Lireo.... Aquil..... Isarado ang mga tarangkahan na di pa nalulusob ng mga Hathor.... Abog at Muros kayo sa kaliwang bulwagan, Aquil ikaw naman sa kanang bulwagan." Utos niya sa mga kawal niya.

           "Masusunod Hara Amihan." Sambit ng mga ito at yumukod sa kaniya ang mga ito bago nagpulasan. Napahinga ng malalim si Amihan ng masalubong niya si Imaw.
           "Imaw."
           "Ako ay nangangamba..." Sambit ni Imaw sa kanya.
           "Hindi nila makukuha ang Lireo sa mga diwata.....ipagtatanggol namin ito ni Pirena." Sambit niya sa pinuno ng mga adamyan.

           "Iyan ay kung tutulungan kita Amihan." Napalingon sa likod si Amihan at nakita si Pirena na nakatutok sa kanya ang espada. At ang mga kawal ng Lireo na may pulang tela sa katawan.
          "Pirena.... Ano ang ibig sabihin nito?" Tanong niya.
          "Ang ibig sabihin nito? kahit kailan ay di mo ako naging kapanalig Amihan." Sambit nito at nagdatingan pa ang mga hathor.

            "Pashnea!" Sambit niya at pinatamaan niya ang mga ito ng hangin saka siya nag-evictus kasama si Imaw papunta sa silid ni Lira ito ang mahalaga sa kanya ngayon. Dapat ligtas ang kanyang anak, ang kinabukasan ng Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

             Nagising mula sa pagkawala ng kanyang malay si Mira at nakitang nasa kanyang silid na siya kasama ang isang babaeng hathor.

          "Hathor.... Ano ang ginagawa mo dito?" Gulat na sabi niya at mas nagulat siya ng humarap ito at makitang si Gurna pala ito
          "Isa kang Hathor Gurna?" Sambit niya.
           "Siyang tunay Lira." Sambit nito ng biglang lumitaw sa kanyang silid ang Hara Amihan at si Imaw.
           "Lira!" Sambit ni Amihan at nagtatakbo naman sa kanya ang kanyang anak. Ng mapatingin siya sa hathor na nasa silid ng kanyang anak.

           "Gurna?"
           "Isa ka pa lang hathor Gurna!" Sambit naman ni Imaw. Ngumisi lang sa kanila si Gurna. Agad naman nagtago sa likod ni Amihan si Lira ng lumitaw na din si Pirena sa silid. Tanging ang higaan lamang ni Lira ang naghihiwalay sa kanila.

         "Pirena...." Sambit niya. Di naman siya nito pinansin, tumingin ito kay Lira.
         "Lira.... Layuan mo na si Amihan.... Sumama ka na sa amin...." Sambit nito.

         "Ssheda! Di ako makapaniwalang itinuloy mo pa rin ang iyong balak ashti!" Galit na sigaw ni Mira sa Ina. Napalingon naman si Amihan sa inaakalang anak.
        "Anak alam mong may balak na ganito ang kapatid ko sa akin?" naguguluhang sabi ni Amihan.

           "Oo Ina.... At di ko inaakalang gagawin niya nga ito" may diin na sabi ni Mira kay Amihan.
          "Tumahimik ka Lira! Nalusob na namin ang Lireo Amihan, kaya't sumuko ka na ng di na magdagdagan pa ang mga kawal at diwatang masasaktan." Sambit ni Pirena kay Amihan. Nagtagis naman ang bagang ni Amihan sa sinabi ni Pirena.

           "Hindi ko gagawin yan Pirena, dahil ako pa rin ang reyna ng Lireo!" Buong tapang na sabi ni Amihan kay Pirena saka niya inilabas ang kanyang brilyante ng hangin.

           "Pirena... Gamitin mo ang mga hawak mong brilyante." Bulong ng nangangambang si Gurna.
           "Di ko magagawa yan sapagkat nasa panig niya si Mira." Mahinang sabi din ni Pirena.

          "Isinasamo ko sa brilyanteng ito na tanggalin ang hininga ng mga hathor, ng kanilang mga kadugo at kapanalig... Tulad nila Gurna at Pirena ng sa gayo'y di matuloy ang masamang balak nila sa Lireo!" Pagbibigay utos ni Amihan sa kanyang brilyante. Saka lumipad ang brilyante papunta sa kalangitan at unti-unti ay binabawi na nito ang hininga ng mga hathor.

           Unti-unti namang nasadlak sa sahig sila Gurna at Pirena kasama ng mga hathor dahil sa pangangapos ng hininga.
         "Magaling ang iyong ginawa Hara Amihan.... Sa lagay nilang yan ay di na sila makakalaban pa." Nakangiting sabi ni Imaw. Ng bigalang bumagsak si Lira sa kanyang likuran na agad dinaluhan ni Amihan.

            "Lira ano ang nangyayari sayo." Sambit niya at kitang-kita ang pangangapos sa hininga nito.
           "Imaw ano ang nangyayari!?" Naguguluhang sabi ni Amihan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

              Nabigla naman sila Ybrahim at ang kanyang mga kasama ng makita na may kaguluhan sa Lireo.
         "Sa wari ko ay nilusob ng mga hathor ang Lireo." Sambit niya. Na sinang-ayunan naman ng mga kasama niya.

         "Lusog.... Magbalik ka sa ating kuta.... Sabihin mo kay Ama na lumikas muna sila hangga't di pa tumitigil ang kaguluhan sa Lireo... Sabihin mong isama niya ang mga bata at matatanda." Sambit niya kay Lusog.
          "Masusunod Ybarro." Sambit nito at saka naglakad pabalik sa kanilang kuta. Nagalakad naman sila nila Wantuk at Paco palapit sa Lireo at nakita nga nila ang mga napaslang na kawal ng Lireo ag Sapiro.

          "Ybarro sigurado na ako ngayon na nilusob na mga ng mga hathor ang Lireo." Sambit ni Wantuk. Bigla naman nakaramdam ng kaba si Ybrahim sa kalagayan ng Reyna at ng kanyang anak.

         "Ang Reyna at ang anak ko... Kailangan natin silang iligtas." Sambit ni Ybrahim saka sila pumasok sa loob ng Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
          Mula naman sa di kalayuan ay lumabas sa pinagkukublihan sila Asval at ang mga alagad niya.
          "Nagsimula na ang paglusob... Ano ang gagawin natin ngayon Asval?" Tanong ni Dagtum.
          "Kailangan nating masigurado na sila Hagorn at Pirena ang mananalo.... Mas may pakinabang tayo sa kanila.... Tayo na." Sambit niya saka sila naglakad palapit sa Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
            "Imaw ano ang nanggayari sa aking anak." Naiiyak at kinakabahan na sabi ni Amihan
         "Hindi ko rin batid Mahal na Reyna.... May dugo bang hathor ang kanyang ama,  kung mayroon man ay yun ang dahilan ng pagkakaganyan ni Lira?" Sambit nito.

           "Ang ama ni Ybrahim ay purong sapiryan ngunit di ko alam ang kanyang Ina.... Kaya di ko alam ang tunay na pinagmulan ni Ybrahim..... Ngunit di maaaring mamatay ang aking anak." Sambit ni Amihan saka siya tumayo at inilabas ang brilyante ng Hangin.

            "Brilyante.... Ibalik mo ang hininga ng aking anak... Inuutusan kita." Sambit niya. Ngunit walang nangyari patuloy oa din sa pangangapos ng hininga si Lira.

           "Brilyante bakit di mo ako sinusunod!  Ibalik mo ang hininga ng aking anak." Umiiyak na sigaw ni Amihan.

           "Amihan ginawa mo ang encantasyon sa mga hathor at sa mga kadugo nito kaya di mo ito maaaring bawiin sa isa lamang....kailangan mong bawiin ang buong sumpa kung gusto mong pangalagaan si Lira." Sambit ni Imaw.

         "Ngunit kung gagawin ko iyon Imaw, magkakaroon muli ng pagkakataon si Pirena at ang mga hathor na saktan tayong lahat." Pangamba niya

         "Kaya nga mamili ka Amihan... Kung ililigtas mo ba ang iyong anak o ang buong Lireo?" Isang mahirap na tanong ang ibinigay ni Imaw sa kanya. Napatingin siya sa halos mawalan ng malay na anak niya....

         Lumuhod siya at niyakap ang kanyang anak.
         "Di ko kaya Imaw.... Di ko kayang isakrispisyo ang aking anak.... Siya na lamang ang natitira sa akin. Ang katangi-tanging buhay na hiniling ko.... Kaya patawarin niyo ako!" Umiiyak na sabi niya.
 
          Tumayo siya at sinamo muli ang kanyang brilyante.
          "Brilyante.... Inuutusan kita na bawiin ang aking sumpa! Ibalik mo ang hininga ng mga hathor ngayon din." Sambit niya at unti-unti ay ibinalik na ng brilyante ng Hangin ang binawi nitong hininga ng mga hathor at mga kadugo nito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
                       Pagpasok sa bulwagan ay nakita nila Ybrahim sila Aquil, Muros at Alira Naswen kasama ang mga kawal na mga sugatan at ang mga walang malay na hathor sa sahig ng Lireo.

         "Aquil!" Sambit niya.
         "Rehav Ybrahim." Sabi nito.
        "Ano ang nangyari sa kanila?" Tanong ni Wantuk.
         "Di rin namin alam kinapos sila ng hininga at nawalan ng malay." Paliwanag ni Aquil.

          "Ang Mahal na Reyna?" Nag-aalalang tanong ni Ybrahim sa Mashna.
          "Mula ng maghiwalay kami kanina ay di pa namin siya nakikita." Sambit ni Aquil.

         "Mashna... May mga sugatan tayo." Sabi ni Alira Naswen ng makita ang mga kawal na may dalang mga sugatan na encantado

          "Abog.... Tulungan mong makatakas ang mga encantado." Utos ni Aquil
          "Paco tulungan mo sila." Sambit naman ni Ybrahim sa kasama. Tumango naman si Paco at lumapit sa mga sugatan.

           "Ybrahim patungo kami sa punong bulwagan." Sambit ni Aquil
            "Kung gayo'y sasama kami sa inyo..... Wantuk tayo na." Sambit ni Ybrahim saka sila naglakad papaunta sa punong bulwagan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

             Ng maibalik na ang mga hininga ng mga hathor ay dinaluhan agad ni Amihan ang anak na unti-unti nang nagmumulat ng mga mata.

         "Anak salamat kay Emre at nagmulat ka." Nakangiting sabi niya saka niya itinayo ang anak.
          "Ina... Bakit niyo ako iniligtas? Hindi ako karapat-dapat sa pagsasakripisyong ginawa niyo..." Umiiyak na sabi ni Mira sa ina-inahan.
           "Anong pinagsasasabi mo na naman anak?.... Ikaw ang kinabukasan ng Lireo kaya karapat-dapat kang iligtas." Naiiyak na sambit niya saka niya niyakap si Lira.

          "Hindi Ina... Mali na iniligtas mo pa ako sapagkat...."
          "Mahal na Reyna... Si Pirena!" Pagsabat ni Imaw sa pag-uusap nila ng makita nito ang pagtayong muli ni Pirena at ng mga kasama nito.
          "Ina.... Gamitin mong muli ang iyong encantasyon, bawiin mong muli ang aming hininga.... Ng sa gayo'y makaligtas ka." Sambit ni Mira kay Amihan, naguguluhan naman na bumaling ang Hara sa Diwani.

           "Ngunit di kita maaaring saktan." Sabi ni Amihan at saka siya bumaling kay Imaw.
           "Imaw ilayo mo na ang aking anak... Umalis na kayo." Sabi ni Amihan sa dalawa.
          "Lira halika na." Sambit ni Imaw at saka sila tumakbo ngunit napigilan ni Gurna ang pagtakas ng dalawa.
            "Di ka makaka-alis dito." Sambit ng dama at saka hinila sa panig nila ang diwani.

            "Lira!" Sigaw ni Amihan at pinatamaan ang mga hathor na susugod sa kanya ng hangin saka siya bumaling kayla Pirena at Gurna na hawak-hawak ang nagpupumiglas niyang anak.
          "Bitawan mo ako!" Sambit ni Mira kay Gurna.
         "Tumigil ka!" Inis na sabi ni Gurna. Umiiyak na tumingin naman kay Amihan si Mira

          "Ina di mo na ako kailangan iligtas!" Umiiyak na sabi nito. Naguguluhan naman si Amihan sa sinasambit ng anak. Tumingin muna si Mira kay Pirena saka siya nagsalita. 
          "Dahil di ako ang iyong tunay na anak!"
          "Ssheda Lira!" Galit na sabi ni Pirena ngunig di nagpaawat ang umiiyak na si Mira
         "Hindi ako ang tunay na Lira! Pagkar ako ay tunay na anak ni Pirena!" Umiiyak na sabi ni Mira kay Amihan, nanatiling tahimik si Pirena ngunit makikita sa kanyang mata ang pangamba. Gulat naman na nakatingin si Amihan sa anak.

           "Anong sabi mo?" Di makapaniwalang sabi ni Amihan sa ibinunyag ng kanyang anak.
           "Lira, anong pinagsasasabi mo anak... Hindi ngayon ang panahon para magbiro.... "
           "Hindi ako nagbibiro Ina. Di mo na dapat binawi ang encantasyon na ibinigay mo kanina. Hindi ako karapat-dapat sa pagliligtas mo dahil ako ay anak ng isang taksil!" Umiiyak na sigaw ni Mira.
    
          "Ssheda!" ang di nakatiis na sigaw ni Pirena.
          "Iyon ang katotohanan Ina... Sapagkat ipinalit ako ni Pirena sa tunay mong anak!" Umiiyak na sabi pa din ni Mira. 

         Di naman mapigilan ng Amihan ang luha niya at unti-unti ay nagbalik kay Amihan ang pagiging malapit ni Pirena sa anak niya, ang pagkakaroon niya ng agam agam ukol kay Lira...  At tama pala siya.... Dahil di ang kanyang Lira ang kanyang kasama.

             "Totoo ba ito Pirena?" Kahit masakit ay nais pa rin ni Amihan na malaman ang katotohanan. Huminga naman ng malalim si Pirena at ngumiti na animo ag nang-uuyam sa kanya.

          "Oo Amihan... Ang Lira na iyong kinikilala ay ang aking anak... Sapagkat ang Lira na iyong anak ay inilayo ko na at pinaslang....kaya't ang sanggol na pinalaki at inalagaan mo ay ang aking anak... Si Mira." Sambit nito saka ito ngumiti sa kanya. Para namang sinaksak si Amihan sa mga sinabi ni Pirena di niya alam na ganito pala ang galit sa kanya ng panganay na kapatid.

              "Hayop ka! Napakasama mo! Kapatid kita Pirena.... Mas masahol ka pa sa ahas! ....ngayon alam mo na kung bakit di ka pinili ng ating Ina!" Umiiyak na sigaw ni Amihan dahil sa sakit na ginawa ni Pirena.
            "Tumahimik ka!" Sambit ni Pirena ng masaling ng sinambit ni Amihan ang kanyang hinanakit sa Ina.

          Sabay na inilabas ng dalawang galit na sang'gre ang kanilang mga brilyante at ubod ng lakas na nagpakawala ng mga apoy at enerhiyang hangin sa isa't-isa. Halos mayanig naman ang buong silid na kanilang kinaroroonan dahil sa napakalakas na kapangyarihan na taglay ng bawat brilyante na nagtatagisan ngayon sa isa't-isa ng kapangyarihan.

          Di naman napaghandaan ni Amihan ang pagdating ni Hagorn at ang pagsaksak nito sa kanyang likuran na ikinadapa niya.
          "Aaarrggghhh!!!" Sigaw niya

           "Amihan!" "Ina!" Magkapanabay na sigaw nila Imaw at ng nagpupumiglas na si Mira.
            "Halika na Amihan umalis na tayo dito!" Sambit ni Imaw. Kaya kahit hirap man at ayaw niyang iwan si Lira kay Pirena ay wala na syang nagawa kundi mag-evictus kasama si Imaw.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

           Kagagapi lang nila Ybrahim at nila Aquil sa isang grupo ng mga hathor na may mga bihag na kanilang iniligtas.

          "Marami pang nagkalat na hathor.... Rehav pakisamahan na sila palabas ng sila ay makalikas na." Sambit ni Aquil kay Ybrahim.

          "Oo.... Wantuk tayo na." Sambit nito at saka naglakad ang mga ito palabas,  naiwan naman para lumaban pa sila Aquil, Muros at Alira Naswen
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
             Mula sa silid ni Lira ay lumitaw sa tarangkahan ng punong bulwagan sila Imaw at ang umiiyak na si Amihan na napaluhod na sa lupa.
           "Mahal na reyna.... Nagdurugo kayo" sambit ni Imaw sa kanya.
           "Balewala ang sakit Imaw.... Mas masakit ang saksak sa aking puso" lumuluhang sambit ni Amihan

          "Paano ako nagawang linlangin ni Pirena? Paano niya nagawa sa akin ito!" Sigaw ni Amihan na para bang matatanggal ng pagsigaw niya ang sakit na nararamdaman.

          "Paano! Kapatid ko si Pirena! Ano ang ginawa niya sa aking anak! Nasaan si Lira!!! ! Ano ba ang kasalanan ko kay Pirena!" Umiiyak na sabi niya. Halo-halong lungkot, kabiguan, galit na ang kanyang nararamdaman sa mga panahong ito at tanging sa pagluha lamang niya ito nailalabas. Ngunit kailangan niyang magpakatatag ngayon para sa kanyang nasasakupan kaya naman muli siyang tumindig.

              "Amihan di natin malalaman ang sagot sa iyong mga katanungan lalo na at nasa gitna tayo ng panganib mahal na Reyna." Sambit naman ni Imaw. Naiintindihan niya kailangan muna niyang mailigtas ang Lireo.

            Inilabas ni Amihan ang brilyante ng Lupa sa kanyang palad.
           "Brilyante ng lupa.... Sinasamo kita na hanapin mo si Danaya at sa oras na kayo ay magkita ay muli mong ipagkaloob ang iyong sarili sa kanya. At pag nangyari iyon ibalik mo siya sa akin.... Kailangan niyang malaman ang nagaganap sa Lireo..." Pagbibigay utos niya sa brilyante ng lupa na lumutang sa hangin at lumipad.

            Nagsimula na itong hanapin si Danaya, dalangin niya ay makita nito agad ang kanyang apwe sapagkat kailangan na kailangan niya ito ngayon.

          Mula naman sa tarangkahan ng Lireo ay lumabas sila Ybrahim at Wantuk kasama ang mga adamyan, dama at kawal na sugatan.

         "Mahal na Reyna!" Pagkakita ni Ybrahim kay Amihan ay agad siyang lumapit dito at dala ng damdamin ay mahigpit niyang niyakap ang Hara ng mga diwata. Sa pakiwari niya ay nakahinga siya ng makita itong ligtas. Ng mapagtanto niya ang ginawa niya ay bumitiw siya ng yakap dito.

           "Agape avi.... Ngunit mabuti at ligtas ka..... Si Lira ang ating anak?" Tanong niya. Napailing naman si Amihan sa katanungan ni Ybrahim.
         "Hindi ko alam Ybrahim.... Sapagkat ang Lira na kasama ni Pirena ay huwad." Sambit niya.

         "Di kita maintindihan Mahal na Reyna" Naguguluhang sambit ni Ybrahim
         "Saka na lamang ako magpapaliwanag..... Abog ulat." Sambit ni Amihan. Lumapit agad sa kanya si Abog.

         "Mahal na Reyna... Napapalibutan na tayo ng mga kalaban... Marami din sa ating kawal ay napaslang na.... Kailangan na nating tumakas mahal na reyna." Sambit ni Abog. Napahinga ng malalim si Amihan.

           "Hanapin niyo si Mashna Aquil at lipunin niyo ang mga adamyan, sapiryan at mga lirean.... Lisanin ninyo ang Lireo.... Magkita-kita na lamang tayo sa bungad ng kuta ng mga mandirigma." Utos niya.
          "Ngunit mahal na Reyna...."
          "Sundin niyo ang utos ko... Ako ang inyong reyna..." Sambit niya sa mas pinatatag na boses.

          "Opo.... Mahal na Reyna." Pagsabat ni Wantuk sa kanila.
         "Nunong Imaw tayo na.... Mga kasama umalis na tayo dito!" Sigaw ni Wantuk at saka nagsilakadan ang mga encantada na kasama nila hanggang sa silang dalawa na lamang ni Ybrahim ang natira.

            Naglakad si Amihan ng mapansin niyang di umalis si Ybrahim kaya naman napalingon siya dito.
          "Di ko pababayaan ang kapatid ni Alena...." Sambit nito ng di lumilingon sa kanya.

           "At ang Ina ng aking anak...." Sambit nito at saka ito lumingon sa kanya. Nakaramdam naman si Amihan ng kaunting saya na sa mga pagkakataon na ito ay may isang nilalang na nasa kanyang tabi. Hinugot naman ni Ybrahim ang espada nya.
           "Kaya't maghanda ka at mapapalaban tayo" sambit nito muli. Tumango naman si Amihan.

            At sabay nilang kinalaban ang mga hathor na sumugod sa kanila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
I added some act on YbraMihan hahaha
Yes.... Magkakanlong na sila sa mga mandirigma.... At alam niyo na toh...

P.S.
💛-malapit ng malaman ni Ybrahim na si Amihan ang kanyang kasayaw noon... Na ito ang tunay na nagmamay-ari ng maskara.
💙-malalaman na rin ni Amihan ang nakaraan na nawala sa kanya.

Comment and Votes.

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 175 24
for the ybrAmihan fandom...♡YbraLirAmihan♡ kyru this is for us!!
67K 1.4K 31
Mahal ni Lira ang kanyang Ashti Alena. Mahal din niya ang kapatid/pinsan na si Kahlil. Ngunit mas mahal niya ang kanyang inay at gagawin niya ang lah...
1.1M 20.2K 49
rich, sexy, beautiful, talented they have it all every single one pero anong gagawin nila kapag nalaman nila na immortal sila? will those 4 boys...
257K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.