Encantadia: A Love Untold [C...

By AmihanMaxTine

278K 7.4K 2.4K

One Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love L... More

Ω Kabanata I Ω Ang Pagbabalik sa Lireo
Ω Kabanata II Ω Ang Kapasyahan ni Mine-a
Ω Kabanata III Ω Ang Sayaw ng Pag-Ibig
Ω Kabanata IV Ω Maskara
Ω Kabanata V Ω Ang Reyna
Ω Kabanata VI Ω Reyna Amihan
Ω Kabanata VII Ω Ang Itinadhana ni Emre
Ω Kabanata VIII Ω Pagdadalang-Diwata
Ω Kabanata IX Ω Mga Nababagabag na Damdamin
Ω Kabanata X Ω Mine-a
Ω Kabanata XI Ω Lihim
Ω Kabanata XII Ω Panlilinlang
Ω Kabanata XIII Ω Si Lira
Ω Kabanata XIV Ω Ang Prinsipe ng Sapiro
Ω Kabanata XV Ω Ang Pagkawala ni Alena
Ω Kabanata XVI Ω Ang Galit ng mga Sang'gre Ω
Ω Kabanata XVII Ω Pagtatagpo Ω
Ω Kabanata XVIII Ω Agam-agam ni Amihan
Ω Kabanata XIX Ω Ang Katotohanan Ukol kay Ybarro
Ω Kabanta XX Ω Bugso ng Kapangyarihan
Ω Kabanata XXI Ω Ang Reputasyon ni Danaya
Ω Kabanata XXIII Ω Ang Katuparan ng Plano ni Pirena
Ω Kabanata XXIV Ω Ang Pagbagsak ng Lireo
Ω Kabanata XXV Ω Ang Pagkagapi ni Amihan
Ω Kabanata XXVI Ω Ang Kantao, ang Dyamanteng Lira At ang Maskara ni Hara Amihan
Ω Kabanata XXVII Ω Mga Itinakdang Pagtatagpo
Ω Kabanata XXVIII Ω Ang Pagkikita nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXIX Ω Ang Pagbabalik
Ω Kabanata XXX Ω Ang Muling paghaharap nila Amihan at Pirena
Ω Kabanata XXXI Ω Ang Misyon nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXXII Ω Ang Pagbabalik ng Ala-ala ni Alena
Ω Kabanata XXXIII Ω Ang Damdamin ni Amihan
Ω Kabanata XXXIV Ω Ang Kapahamakan kay Lira
Ω Kabanata XXXV Ω Ang Basbas kay Lira mula sa Devas
Ω Kabanata XXXVI Ω E Correi....... Hara
Ω Kabanata XXXVII Ω Ang Muling Pagkikita nila Amihan at Alena
Ω Kabanata XXXVIII Ω Ang Paghingi ng Kapatawaran ni Amihan kay Danaya
Ω Kabanata XXXIX Ω Ang Anak ni Hara Amihan
Ω Kabanata XL Ω Ang Pagliligtas ni Rehav Ybrahim sa Hara Amihan
Ω Kabanata XLI Ω Si Caspian
Ω Kabanata XLII Ω Ang mag-Inang Amihan at Lira
Ω Kabanata XLIII Ω Ang Punyal ng Sandugo
Ω Kabanata XLIV Ω Isang Pamilya
Ang Apat na Sang'gre
Ω Kabanata XLV Ω Si Kahlil
Ω Kabanata XLVI Ω Ang Panlilinlang ni Pirena
Ω Kabanata XLVII Ω Bugna
Ω Kabanata XLVIII Ω Edi Sanctre
Ω Kabanata XLIX Ω Ang Batis ng Katotohanan
Ω Kabanata L Ω Rehav ese Adoyaneva
Ω Kabanata LI Ω Mga Maitim na Balak ni Adhara
Ω Kabanata LII Ω Ang Sumpa ni Ether
Ω Kabanata LIII Ω Mga Mapaglarong Puso
Ω Kabanata LIV Ω Amarteya Lireo
Ω Kabanata LV Ω Ang Pangako Ni Ybrahim
Ω Kabanata LVI Ω Ang Dalawang Kahilingan
Ω Kabanata LVII Ω Ang Itinadhana Para kay Amihan
Ω Kabanata LVIII Ω Ang Pagsisilang ni Amihan
Ω Kabanata LIX Ω Ang Paglalakabay Patungong Devas
Ω Kabanata LX Ω Ang Pagbabalik Ng Ala-ala nila kay Lira
Ω Kabanata LXI Ω Ang Galit Ni Hara Amihan
Ω Kabanata LXII Ω Ang Pagpaparaya ni Alena
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Agam-agam ni Pirena
Ω Kabanata LXIV Ω Ang Huling Mensahe ni Mine-a
Ω Kabanata LXV Ω Ang Kapatawaran
Ω Kabanata LXVI Ω Hadezar
Ω Kabanata LXVII Ω Halik ng Pamamaalam
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Katuparan ng Propesiya kay Amihan
Ω Kabanata LXIX Ω Isang Bagong Simula
Encantadia: Ang Ikalawang Yugto
Ӝ Kabanata LXX Ӝ Ang Encantadia
Ӝ Kabanata LXXI Ӝ Ang Pagbangon
Ӝ Kabanata LXXII Ӝ Ang Bagong Etheria
Ӝ Kabanata LXXIII Ӝ Ang Huling Pagsubok para kay Lira at Mira Ӝ
Ӝ Kabanata LXXIV Ӝ Avisala, E Correi
Ӝ Kabanata LXXV Ӝ Ang Kasiyahan sa Lireo
Ӝ Kabanata LXXVI Ӝ Ang Apat na Kaguluhan sa Encantadia
Ӝ Kabanata LXXVII Ӝ Katotohanan at Panlilinlang
Ӝ Kabanata LXXVIII Ӝ Si Lirios
Ӝ Kabanata LXXIX Ӝ Pagkakabihag
Ӝ Kabanata LXXX Ӝ Isang Alok
Ӝ Kabanata LXXXI Ӝ Ang Brilyante ng Apoy
Ӝ Kabanata LXXXII Ӝ Ang Tunay na Danaya
Ӝ Kabanata LXXXIII Ӝ Ang Pagbagsak
Ӝ Kabanata LXXXIV Ӝ Enamuya
Ӝ Kabanata LXXXV Ӝ Ang Pagbalik Sa Nakaraan
Ang Kasaysayan ng Lumang Encantadia ayon sa kalatas na sinulat ni Raquim.
Cast and Characters of EALU: Enamuya Arc
Ӝ Kabanata LXXXVI Ӝ Ang Pagkawala ng mga Brilyante
Ӝ Kabanata LXXXVII Ӝ Ang Pagdadalang-Diwata ni Ornea Ӝ
Ӝ Kabanata LXXXVIII Ӝ Ang Muling Pagkikita
Ӝ Kabanata LXXXIX Ӝ Si Amihan, Ng Kaharian ng Lireo
Ӝ Kabanata XC Ӝ Ang Sapiryan at ang Diwata
Ӝ Kabanata XCI Ӝ Sila Memen at Ornea
Ӝ Kabanata XCII Ӝ Sang'gre laban sa Heran
Ӝ Kabanata XCIII Ӝ Ang Ina ng mga Sang'gre
Ӝ Kabanata XCIV Ӝ Si Mine-a
Ӝ Kabanata XCV Ӝ Si Mine-a at si Cassiopei-a
Ӝ Kabanata XCVI Ӝ Ang Pagliligtas
Ӝ Kabanata XCVII Ӝ Pagmamahal
Ӝ Kabanata XCVIII Ӝ Si Raquim, si Mine-a at si Hagorn
Ӝ Kabanata XCIX Ӝ Lireo
Ӝ Kabanata C Ӝ Ang Paglusob
Ӝ Kabanata CI Ӝ Ang Inang Brilyante
Avisala
Kabanata CII: Ether
Kabanata CIII: Pagbabalik sa Kasalukuyan
Kabanata CIV: Pag-Iisang Dibdib
Kabanata CV: WAKAS
Avisala Eshma

Ω Kabanata XXII Ω Ang Kaparusahan kay Danaya

1.9K 60 25
By AmihanMaxTine

Ω Kabanata XXII Ω
Ang Kaparusahan kay
Danaya
Ω


           Katatapos lamang umusal ng panalangin ni Amihan sa Bathalang Emre ng paglingon niya ay nakita niya si Danaya.

         "Danaya.... Ano't di ka nasa iyong piitan?" Tanong niya.
         "Hindi ako titigil hangga't di kita napapaslang... Ikaw na pinaglingkuran ko tapos ipabibilanggo mo lang ako!" Sigaw ni 'Danaya' saka niya sinugod si Amihan gamit ang espada na agad naman na naiwasan ni Amihan.

         "Ssheda Danaya....kaya kita ipinabilnaggo dahil may nagawa kang kasalanan!" Sigaw niya, patuloy lang sa pag-atake si 'Danaya' kaya naman natumba na si Amihan.

         "Mamatay ka na!" Sigaw ni 'Danaya' at sasaksakin na sana niya si Amihan ng may tumadyak sa kanya kaya naman natumba siya palayo kay Amihan.

          "Amihan.... Nasaktan ka ba?" Tanong ni Ybrahim na agad siyang itinayo kaya naman napayakap siya sa rehav.
           "Ybrahim..... Avisala eshma at nandito ka...." Puno ng pagpapasalamat na sabi ni Amihan. Dumating naman sila Muros at Aquil.

           "Sang'gre Danaya.... Di ko akalain na magagawa mo ito sa iyong Hara." Sambit ni Muros.
            "Sa ginawa mong ito Danaya.... Nawala na ang tiwala namin sayo." Sambit ni Mashna Aquil at itinutok niya ang espada sa sang'gre.

            "Ssheda di ko kailangan ng mga opinyon niyo.... Babalikan kita Amihan tandaan mo iyan!" Sigaw ni 'Danaya' saka ito nag-evictus paalis ng Lireo.

            Agad naman na bumaling sa Hara ang dalawang kawal.
          "Hara Amihan maayos na ba ang iyong lagay?" Tanong ni Muros na may pag-aalalang hinawakan sa kamay ang Hara.

          "Maayos na ang lagay ko Hafte." Sambit ni Amihan.
          "Avisala Eshma Rehav Ybrahim sa pagtulong mo sa aming Hara." Sambit ni Aquil.
          "Walang anuman sa kahit na anong panahon ay handa akong tumulong sambit nito saka bumaling kay Amihan na napatango naman.

           Humahangos naman na dumating si Lira ng malaman ang kaganapan ukol sa Ina.
          "Ada.... Mabuti't walang nangyari sa iyo..." Sambit nito. Nakangiting niyakapnnaman ni Amihan si Lira.
          "Tama ka anak, at ito ay ipinagpapasalamat ko sa iyong ama." Nakangiting lumingon si Amihan kay Ybrahim na lihim na natuwa sapagkat ito ang unang beses na ngumiti sa kanya ang Hara.

          "Avisala eshma Ado..." Nakangiting sabi ni Lira saka ito yumakap sa ama.
          "Mukang napagod na ang Hara.... Marapat na siya ay magpahinga na." Sabi naman ni Ades. Sumang-ayon naman ang lahat saka naglakad si Amihan at Lira papuntang silid samantalang sinundan na lamang sila ng tingin ng Rehav ng Sapiro.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
              Nang mahimasmasan si Mila kay Muyak ay nagulat na naman siya ng makarinig ng mga katok sa pintuan.

          "Muyak magtago ka muna." Sabi niya, lumipad naman si Muyak sa likod ng picture frame saka tumayo si Mila at binuksan ang pintuan at nagulat pa siya ng makita si Anthony.

          "Sir Anthony." Nabiglang sambit niya.
           "May kasama ka ba dito? Para kasing narinig kitang nagsasalita eh." Sambit nito.
           "Wala.... Wala Sir... Ano po ba yun?" Tanong niya.
          "Ah.... Dinalhan kita ng tsaa.... Pampakalma dahil sa nangyari kanina." Sambit ni Anthony saka binigay sa kanya ang tasa na may lamang tsaa na tinanggap naman niya at ipinatong sa maliit na bedside table.

            "Yun lang po ba Sir?" Tanong ni Mila. Tumango naman ito.
            "Oo yun lang... Sige magpahinga ka na." Sabi ni Anthony saka ito lumabas ng kwarto niya. Sinarado naman agad ni Mila ang pintuan at di niya maiwasan na mapangiti.....

          "May itinatago din palang kabaitan si Sir Anthony." Napapangiting sabi niya. Napailing naman si Muyak habang nakatingin sa diwani ni Hara Amihan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
                 Mataas na ang sikat ng araw ng magising si Danaya sa kakahuyan. Kagabi ay tumakas siya sa tulong ni Muros pero ngayon sa tingin niya ay di siya dapat tumakas dahil parang pinatunayan na niya na may kasalanan siya kung magtatago siya.

              "Kailangan kong bumalik sa Lireo at maipaliwanag kay Amihan na nagkakamali ang paslit na asqillesue.... At si Pirena ang nasa likod nito." Sambit niya sa sarili saka siya nag-evictus pabalik sa palasyo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
          Palabas na sana ng kanyang silid si Amihan ng pumasok si Pirena at mukang nais siyang kausapin.

           "Hara.... Nais ko sanang malaman kung maayos na ang iyong lagay." Sambit nito.
           "Maayos na ang aking lagay Pirena.... Saan ka ba nanggaling kagabi?" Tanong niya.
           "Ah.... May inasikaso lamang ako.... Poltre kung wala ako dito at di kita naipagtanggol kay Danaya." Paghinging paumanhin ni Pirena sa kanya. Pagkasambit ni Pirena kay Danaya ay nakaramdam muli si Amihan ng lungkot pagkat di alam kung bakit nagkaganoon ito... Kung bakit kinakalaban siya nito ngayon.

             "Wala iyon Pirena wag mo nang isipin." Sambit niya. Huminga naman ng malalim si Pirena.
            "May iba ka pa bang nais?" Tanong niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay.
            "Amihan ikaw ang aking Hara.... Kaya di ko mapapatawad ang aking sarili kung may mangyari sa'iyo na wala akong magawa." Malungkot na turan ni Pirena.

          "Pirena wag mo nang isipin iyon." Sambit niya
         "Hindi Amihan.... Nais kitang ipagtanggol ngunit paano ko magagawa iyon kung wala akong kapangyarihan... Kung wala sa akin ang brilyante ng Apoy." Sambit ni Pirena sa siya tumalikod.

           "Paano ko maipagtatanggol ang Lireo kung wala akong kapangyarihan hindi ba." May lungkot na sabi ni Pirena. Napanhinga naman ng malalim si Amihan.

           "Pirena...  Naging mabuti ka sa pagbabalik mo dito sa Lireo at nakikita ko iyon.... Kaya tama ka, sa tingin ko ay nararapat ng muling mapasa-iyo ang brilyante ng Apoy." Sambit niya saka naman humarap muli sa kanya si Pirena.

              Inilahad ni Pirena ang kanyang palad, samantalang inilabas naman ni Amihan mula sa kanyang palad ang brilyante ng Apoy.

             "Brilyante ng Apoy.... Dinggin ang aking samo..... Ipinagkakatiwala na muli kita sa iyong dating panginoon.... Ipinagkakatiwala na kita kay Pirena." Sambit ni Amihan saka unti-unti ay lumipat sa mga palad ni Pirena ang brilyante ng Apoy. Napangiti naman si Pirena ng maramdaman muli ang init ng brilyante ng Apoy sa katawan niya.

          Nakangiting niyakap niya si Amihan.
         "Avisala Eshma aking apwe." Sabi niya.
          "Walang anuman Pirena." nakangiting sabi ni Amihan. Di naman mapigilan ni Pirena ang mapangisi sa wakas na sa kamay na niya ang brilyante ng Apoy...... mapapabagsak na niya si Amihan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
         
                Paglitaw ni Danaya sa Lireo ay agad siyang nagpunta sa punong bulwagan sa pagbabaka-sakali na naroroon si Amihan. Ngunit ng pagdating niya doon ay nakita agad siya ng mga kawal at tinutukan siya ng mga ito ng sibat.

           "Ssheda mga kawal naririto ako para maka-usap ang Hara." Sambit niya sa mga ito.

          "Ang Hara na nilapastangan mo?" May galit sa boses na sabi ni Aquil kasunod si Muros.
          "Ano ang sinasabi mo Aquil?" Tanong niya.
         "Wag ka nang mag-maang-maangan Sang'gre Danaya.... Sige na mga kawal... Hulihin siya." Sambit ni Muros di naman lumaban si Danaya ng gapusan siya ng mga ito.

           "Ipatawag ang Hara Amihan at ang konseho.... Nadakip na ang palalong Sang'gre." Sambit ni Aquil. Di naman mapigilan ni Danaya na mapa-iyak sapagkat alam niyang wala siyang kasalanan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

           "Sige Sang'gre Danaya..... Magsalita ka....ipagtanggol mo ang iyong sarili sa Konseho at sa harap ng Mahal na Reyna." Sambit ni Imaw sa kanya. Habang nakamasid naman si Amihan sa bunsong apwe.

           "Wala akong kahit na anong ginagawa na magiging labag sa ating kaharian.... Di ko pinaslang ang pamilya ng paslit na asqillesue.... At lalong di ko pinagtangkaan ang Hara Amihan." May diin sa bawat salita ni Danaya.

             "Ngunit iyon ang nakita ng lahat.... Sa tungkod ng Imaw...." Sambit ng isa sa mga konseho.
            "Na isang kasinungalingan.....Amihan alam mong di ko magagawa iyon..." Sambit niya at di niya maiwasan na mapaiyak.

          "Wag ka nang umapela sa Hara.... Konseho bigyan ng kaparusahan ang palalong sang'gre." Pagsawata naman ni Pirena sa pagsasalita ni Danaya.

         "Ssheda Pirena..... Alam nating dalawa na wala akong kasalanan" galit na sabi ni Danaya sa panaganay na kapatid.
         "Pirena?" Sambit ni Amihan.

         "Wala akong alam Hara.... Siguradong nagsisinungaling lamang si Danaya." Sabi ni Pirena. Napatingin naman muli si Amihan kay Danaya.
         "Walang ibang kaparusahan sa ginawa ni Danaya kundi ang kamatayan Hara, Hindi ba konseho?" Sabi muli ni Pirena.

         "Ang sinabi ni Sang'gre Pirena ay totoo, kamatayan ang kaparusahan sa nagtangka sa Reyna." Sagot naman ng konseho. Napahinga ng malalim si Amihan.

        "Kung talagang naniniwala ka sa kanila Amihan..... Gusto kong ikaw ang kumitil sa aking buhay.... At sa oras na makitil mo ang aking buhay ay inuutusan ko ang aking brilyante ng lupa na ipagkaloob ang sarili sa'yo." Matapang na sabi ni Danaya. Napatayo naman sa kabiglaan si Amihan. Ang lahat naman ay nagulat sa sinabi ni Danaya, si Pirena ay napatingin sa Hara, dahil alam niyang di magagawa iyon ni Amihan.

            "Danaya...." Di alam ni Amihan kung ano ang dapat niyang gawin. Kinuha naman ni Pirena ang espada ni Aquil at inilagay sa mga kamay ni Amihan.
           "Kitilin mo na ang buhay niya Amihan..... Walang puwang ang traydor sa ating mga sang'gre." Madiing sabi ni Pirena. Hinawakan naman ni Amihan ang espada at napaluha siya.... Dahil di niya kanyang gawin ito kaya naman binitawan niya muli.

              "Amihan?" Nagtatakang sabi ni Pirena. Lumakad naman si Amihan palapit kay Danaya. Pigil naman ni Danaya ang luha niya ng tumingin kay Amihan.

            "Alam mong di ko kayang gawin iyon Danaya.... Kaya bilang kapatid mo ipinapaubaya ko na sa'yo ang iyong buhay.... Ngunit bilang iyong Reyna ay pinarurusahan kita na di ka na muling makakatapak sa Lireo. Di ka na kabilang sa mga diwata..... At bilang reyna mo.... Ay inuutusan kitang ibigay sa akin ang brilyante ng Lupa ng di mo ito magamit sa kasamaan." Sambit ni Amihan. Tuluyan naman na bumuhos ang luha ni Danaya sa kaparusahan na ipinataw sa kanya ni Amihan.

           Kanyang inilahad ang kanyang mga kamay at kahit di pa man siya nagsasalita ay lumipat na ang brilyante ng lupa sa kamay ni Amihan. Kinilala nito ang kaparusahan na ipinataw sa kanya ng Hara.

          Ng makuha na ni Amihan ang brilyante ng lupa ay bumalik na siya sa kanyang trono.
         "Mga kawal ilabas na ang encantada na si Danaya.... Di na siya kabilang sa Lireo." Masakit man kay Amihan ay wala na siyang magagawa. Kailangan niyang ipakita sa lahat ng mamamayan ng Lireo na walang kinikilingang dugo o antas ang batas ng Lireo.

          Taas noo naman na naglakad palabas si Danaya ng Lireo habang hawak siya nila Aquil at Muros, ipinapangako niya sa sarili niya na sa babalik siya ng Lireo, at sa pagbabalik niya malilinis niyang muli ang kanyang pangalan sa lahat ng mamamayan ng Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagtiyagaan niyo muna ang YbraMihan scene ngayon dahil nalalapit na ang Fall of Lireo... After that More YbraMihan Scene na.   Hahahahaha
Marami akong inihanda lalo na pag nagkanlong na sila sa mga mandirigma.

#TeamKumot #TeamHawakKamay
Comment and Votes.

Continue Reading

You'll Also Like

306K 13.7K 70
Si Deia, ang binukot na naikasal sa isang binatang dayo na nagngangalang Chard. Paano makakayanan ng isang dalaga ang mabuhay sa bagong mundong nabab...
It's You By Aloha

General Fiction

18.6K 366 45
"Sa totoong mundo mahirap manglimos ng totoong pagmamahal."
67.1K 1.4K 31
Mahal ni Lira ang kanyang Ashti Alena. Mahal din niya ang kapatid/pinsan na si Kahlil. Ngunit mas mahal niya ang kanyang inay at gagawin niya ang lah...
19.7K 146 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...