Encantadia: A Love Untold [C...

By AmihanMaxTine

278K 7.4K 2.4K

One Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love L... More

Ω Kabanata I Ω Ang Pagbabalik sa Lireo
Ω Kabanata II Ω Ang Kapasyahan ni Mine-a
Ω Kabanata III Ω Ang Sayaw ng Pag-Ibig
Ω Kabanata IV Ω Maskara
Ω Kabanata V Ω Ang Reyna
Ω Kabanata VI Ω Reyna Amihan
Ω Kabanata VII Ω Ang Itinadhana ni Emre
Ω Kabanata VIII Ω Pagdadalang-Diwata
Ω Kabanata IX Ω Mga Nababagabag na Damdamin
Ω Kabanata X Ω Mine-a
Ω Kabanata XI Ω Lihim
Ω Kabanata XII Ω Panlilinlang
Ω Kabanata XIII Ω Si Lira
Ω Kabanata XIV Ω Ang Prinsipe ng Sapiro
Ω Kabanata XV Ω Ang Pagkawala ni Alena
Ω Kabanata XVI Ω Ang Galit ng mga Sang'gre Ω
Ω Kabanata XVII Ω Pagtatagpo Ω
Ω Kabanata XVIII Ω Agam-agam ni Amihan
Ω Kabanta XX Ω Bugso ng Kapangyarihan
Ω Kabanata XXI Ω Ang Reputasyon ni Danaya
Ω Kabanata XXII Ω Ang Kaparusahan kay Danaya
Ω Kabanata XXIII Ω Ang Katuparan ng Plano ni Pirena
Ω Kabanata XXIV Ω Ang Pagbagsak ng Lireo
Ω Kabanata XXV Ω Ang Pagkagapi ni Amihan
Ω Kabanata XXVI Ω Ang Kantao, ang Dyamanteng Lira At ang Maskara ni Hara Amihan
Ω Kabanata XXVII Ω Mga Itinakdang Pagtatagpo
Ω Kabanata XXVIII Ω Ang Pagkikita nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXIX Ω Ang Pagbabalik
Ω Kabanata XXX Ω Ang Muling paghaharap nila Amihan at Pirena
Ω Kabanata XXXI Ω Ang Misyon nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXXII Ω Ang Pagbabalik ng Ala-ala ni Alena
Ω Kabanata XXXIII Ω Ang Damdamin ni Amihan
Ω Kabanata XXXIV Ω Ang Kapahamakan kay Lira
Ω Kabanata XXXV Ω Ang Basbas kay Lira mula sa Devas
Ω Kabanata XXXVI Ω E Correi....... Hara
Ω Kabanata XXXVII Ω Ang Muling Pagkikita nila Amihan at Alena
Ω Kabanata XXXVIII Ω Ang Paghingi ng Kapatawaran ni Amihan kay Danaya
Ω Kabanata XXXIX Ω Ang Anak ni Hara Amihan
Ω Kabanata XL Ω Ang Pagliligtas ni Rehav Ybrahim sa Hara Amihan
Ω Kabanata XLI Ω Si Caspian
Ω Kabanata XLII Ω Ang mag-Inang Amihan at Lira
Ω Kabanata XLIII Ω Ang Punyal ng Sandugo
Ω Kabanata XLIV Ω Isang Pamilya
Ang Apat na Sang'gre
Ω Kabanata XLV Ω Si Kahlil
Ω Kabanata XLVI Ω Ang Panlilinlang ni Pirena
Ω Kabanata XLVII Ω Bugna
Ω Kabanata XLVIII Ω Edi Sanctre
Ω Kabanata XLIX Ω Ang Batis ng Katotohanan
Ω Kabanata L Ω Rehav ese Adoyaneva
Ω Kabanata LI Ω Mga Maitim na Balak ni Adhara
Ω Kabanata LII Ω Ang Sumpa ni Ether
Ω Kabanata LIII Ω Mga Mapaglarong Puso
Ω Kabanata LIV Ω Amarteya Lireo
Ω Kabanata LV Ω Ang Pangako Ni Ybrahim
Ω Kabanata LVI Ω Ang Dalawang Kahilingan
Ω Kabanata LVII Ω Ang Itinadhana Para kay Amihan
Ω Kabanata LVIII Ω Ang Pagsisilang ni Amihan
Ω Kabanata LIX Ω Ang Paglalakabay Patungong Devas
Ω Kabanata LX Ω Ang Pagbabalik Ng Ala-ala nila kay Lira
Ω Kabanata LXI Ω Ang Galit Ni Hara Amihan
Ω Kabanata LXII Ω Ang Pagpaparaya ni Alena
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Agam-agam ni Pirena
Ω Kabanata LXIV Ω Ang Huling Mensahe ni Mine-a
Ω Kabanata LXV Ω Ang Kapatawaran
Ω Kabanata LXVI Ω Hadezar
Ω Kabanata LXVII Ω Halik ng Pamamaalam
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Katuparan ng Propesiya kay Amihan
Ω Kabanata LXIX Ω Isang Bagong Simula
Encantadia: Ang Ikalawang Yugto
Ӝ Kabanata LXX Ӝ Ang Encantadia
Ӝ Kabanata LXXI Ӝ Ang Pagbangon
Ӝ Kabanata LXXII Ӝ Ang Bagong Etheria
Ӝ Kabanata LXXIII Ӝ Ang Huling Pagsubok para kay Lira at Mira Ӝ
Ӝ Kabanata LXXIV Ӝ Avisala, E Correi
Ӝ Kabanata LXXV Ӝ Ang Kasiyahan sa Lireo
Ӝ Kabanata LXXVI Ӝ Ang Apat na Kaguluhan sa Encantadia
Ӝ Kabanata LXXVII Ӝ Katotohanan at Panlilinlang
Ӝ Kabanata LXXVIII Ӝ Si Lirios
Ӝ Kabanata LXXIX Ӝ Pagkakabihag
Ӝ Kabanata LXXX Ӝ Isang Alok
Ӝ Kabanata LXXXI Ӝ Ang Brilyante ng Apoy
Ӝ Kabanata LXXXII Ӝ Ang Tunay na Danaya
Ӝ Kabanata LXXXIII Ӝ Ang Pagbagsak
Ӝ Kabanata LXXXIV Ӝ Enamuya
Ӝ Kabanata LXXXV Ӝ Ang Pagbalik Sa Nakaraan
Ang Kasaysayan ng Lumang Encantadia ayon sa kalatas na sinulat ni Raquim.
Cast and Characters of EALU: Enamuya Arc
Ӝ Kabanata LXXXVI Ӝ Ang Pagkawala ng mga Brilyante
Ӝ Kabanata LXXXVII Ӝ Ang Pagdadalang-Diwata ni Ornea Ӝ
Ӝ Kabanata LXXXVIII Ӝ Ang Muling Pagkikita
Ӝ Kabanata LXXXIX Ӝ Si Amihan, Ng Kaharian ng Lireo
Ӝ Kabanata XC Ӝ Ang Sapiryan at ang Diwata
Ӝ Kabanata XCI Ӝ Sila Memen at Ornea
Ӝ Kabanata XCII Ӝ Sang'gre laban sa Heran
Ӝ Kabanata XCIII Ӝ Ang Ina ng mga Sang'gre
Ӝ Kabanata XCIV Ӝ Si Mine-a
Ӝ Kabanata XCV Ӝ Si Mine-a at si Cassiopei-a
Ӝ Kabanata XCVI Ӝ Ang Pagliligtas
Ӝ Kabanata XCVII Ӝ Pagmamahal
Ӝ Kabanata XCVIII Ӝ Si Raquim, si Mine-a at si Hagorn
Ӝ Kabanata XCIX Ӝ Lireo
Ӝ Kabanata C Ӝ Ang Paglusob
Ӝ Kabanata CI Ӝ Ang Inang Brilyante
Avisala
Kabanata CII: Ether
Kabanata CIII: Pagbabalik sa Kasalukuyan
Kabanata CIV: Pag-Iisang Dibdib
Kabanata CV: WAKAS
Avisala Eshma

Ω Kabanata XIX Ω Ang Katotohanan Ukol kay Ybarro

2.4K 78 20
By AmihanMaxTine

Ω Kabanata XIX Ω
Ang Katotohanan Ukol kay Ybarro
Ω

               Maaga pa lamang ay naging abala na si Mila sa paglilinis ng mansion nila Akeshya at Berdano ayon kasi sa mag-asawa ay isang kaibigan at kasosyo sa negosyo ang magbabakasyon sa kanila. Kaya naman naglinis sila ng nanay niyang si Amanda.

            "Anak malinis na ba diyan?" Tanong ni Amanda sa anak,  paglabas nito ng kusina.
           "Opo naman Nay... Makintab na nga oh... Pwede na silang magsalamin." Nakangiting biro ni Mila sa Ina.
           "Ikaw talagang bata ka puro ka kalokohan.... Tara na sa loob at tulungan mo akong mag-ayos ng hapag baka mamaya ay dumating na sila Ma'am Akeshya at ang bisita nila." Sabi ni Amanda. Tumango naman si Mila saka ito sumunod sa nanay sa dining area.

            Maraming putahe ang niluto ng nanay niya para sa mga amo nila at mga bisita nito ang sabi kasi ni Sir Berdano ay matagal daw nawala sa Pilipinas ang mga ito kaya na-miss ang Filipino food.

          Habang naghahain ay nakarinig sila ng paghinto ng isang kotse.
          "Naku baka nandyan na sila.... Madali ka Mila ilabas mo na itong kare-kare." Sabi ni Amanda at ipinasa kay Mila ang bowl na pinaglalagyan ng kare-kare. Agad naman na kinuha ito ni Mila at nagmamadaling naglakad papunta sa dining room.

          Sa pagmamadali ni Mila ay di niya napansin na may kasalubong pala siya kaya nagkabanggaan sila.
          "Aaaay!" Sigaw niya ng matapon dito ang kare-kare at napa-upo sila pareho sa sahig.
          "What the hell!" Sigaw nito.

          "Oh my God!  Anthony!  Are you okay?!" Sigaw ng babaeng palapit sa kanila.  Nakangiwi naman na tiningnan ni Mila ang nakabanggaan niya na tinawag na 'Anthony'.

           At di siya nagkamali ng akala nakasimangot na nakatingin ito sa kanya.

          "Sorry..." Sabi niya saka siya nag-peace sign dito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
            "Ako..... Ang iyong ama." Sambit ni Ybarro sa diwani.  Nakakunot naman ang noo na tumingin si Lira sa Ina. Maging sila Danaya at Pirena ay nagulat sa isiniwalat ng mandirigma.

          "Siya ang aking ama.... Isang mababang uri ng mandirigma?" Puno ng disgustong sabi ni Lira kay Amihan.

           "May katotohanan ba ang sinasambit ng mandirigma Hara?" Tanong ni Danaya.  Di naman tumugon si Amihan kay Danaya kanyang nilapitan si Lira.
  
         "Lira.... "
         "Oo... Lumaki nga ako sa mga mandirigma ngunit di ako nanggaling sa kanilang lipi." Sambit ni Ybarro.

          "Ano ang ibig mong sabihin mandirigma? " tanong ni Pirena kay Ybarro.
          "Ang tunay kong pinagmulan ay ang lahi ng mga sapiryan." Sambit ni Ybarro.

          "Isa kang Sapiryan?" Sambit ni Danaya.
          "Siyang tunay sapagkat ako si Ybrahim ang nawawalang prinsipe ng Sapiro." Sambit ni Ybarro sa mga ito na labis na ikinagulat ng mga sang'gre lalo na ni Amihan.

           "May katotohanan ba ang sinasabi niya?" Tanong ni Lira sa Ina.

            "Isa lang ang paraan para malaman natin ang katotohanan.... Tayo na sa punong bulwagan at ipatawag si Imaw ng magamit ang balintataw at makita kung may katotohanan ang sinambit ng mandirigmang ito." Sabi ni Pirena saka ito nagpatiuna sa paglalakad papuntang punong bulwagan.

          Tahimik naman na sumunod ang lahat. Pagkaalis naman ng lahat saka lumabas sa pinagkukublian si Ades. Siya ay nagtataka kung paano nalaman ng Rehav and tunay na pinagmulan nito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
             "Nakakahiya ang ginawa mo Mila... Simpleng gawain na lamang ay di mo pa magawa!" Galit na sermon ni Berdano kay Mila habang nasa kusina sila at ang natapunan niyang Anthony na yun ay nagpapalit sa taas.

           "Sorry po Sir Berdano." Sabi ni Mila, samantalang si Amanda naman ay nakayuko.
          "Tama na yan Berdano di naman sinasadya ni Mila..... Aksidente lang naman ang nangyari." Pagsawata ni Akeshya kay Berdano.

           "Kausapin mo nga ang mga yan." Galit na sabi ni Berdano saka ito tuluyang lumabas ng kusina.
          "Ma'am Akeshya sorry po talaga" nahihiyang sabi ni Mila. 
           "Wag mo nang alalahanin yun Mila... Aksidente ang nangyari walang may kasalanan" sabi ni Akeshya, napatango naman si Mila,  pero nahihiya pa rin talaga siya sa nangyari.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

           Nasa punong bulwagan na ang lahat pati si Imaw na magiging sagot sa kanilang katanungan.

         "Sige na Imaw alamin na natin kung may katotohanan nga ang sinambit ng mandirigma." Sabi ni Pirena sa pinuno ng mga adamyan. Tumango naman si Imaw at kanyang itinaas ang tungkod ng balintataw.

             "Aking tungkod na Balintataw kami ay iyong tulungan.... Iyong alamin kung ang mga sinambit ng mandirigma ay pawang katotohanan." Utos ni Imaw sa tungkod nito, di nagtagal ay nagliwanag ang tungkod at isang pangyayari sa nakalipas ang ipinamalas nito sa kanila.

            Ang sanggol na prinsipe sa bisig ng Haring Armeo at Hara Mayne ng Sapiro ay walang iba kundi si Ybarro. Ikinagulat ng lahat ito.

          "Ang mga sinambit ng mandirigma ay pawang katotohanan mahal na reyna.....siya nga si Prinsipe Ybrahim ng Sapiro." Sambit ni Imaw. Humarap naman si Ybarro sa mga sang'gre at sa Hara,  bago siya humarap kay Lira.

            "Nakita mo na Lira.... Di ako isang pangkaraniwang mandirigma... Ako si Prinsipe Ybrahim ng Sapiro." May pagmamalaking sabi ni Ybarro sa anak. Tiningnan naman siya ni Lira.

          "Marahil ikaw nga ang prinsipe.... Ngunit aanhin ko ang isang amang prinsipe kung wala naman itong kaharian." Matalas na sabi ni Lira na nakasakit sa damdamin ni Ybarro.

          "Lira.... " suway ni Amihan sa anak. Di naman siya pinansin ni Lira bagkus ay madali itong umalis ng punong bulwagan.

          "Lira!" Tawag ni Amihan ngunit di na ito lumingon pa. Tumingin naman si Amihan kay Ybarro na nakita niyang nalungkot sa ginawi ng kanilang anak.
          "Agape avi... Sa ginawa ni Lira Yba... Ybrahim... " sambit ni Amihan.

         "Wag mo nang intindihin iyon Amihan nananalig ako na pagdating ng panahon ay matatanggap din ako ni Lira.... At Ybrahim na lamang ang itawag mo sa akin.... Dahil matagal ng patay si Ybarro." Sambit ni Ybrahim saka ito naglakad para umalis.

         "Magbigay pugay sa rehav ng Sapiro!" Sigaw ni Aquil sa mga kawal na pinag-ingay ang mga sibat na dala tanda ng pagbibigay ng pugay ng mga ito sa kanya.

          Marahang naglakad palabas si Ybrahim.... Mula sa araw na ito siya na si Ybrahim,  ang rehav ng Sapiro.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
                  Mabilis naman na naglalakad sa kakahuyan si Ades papunta sa tahanan ng 'Mata'. Nais niyang makausap ito dahil alam niyang bukod sa kanilang dalawa ni Mine-a ay si 'Mata' ang isa pang nakaka-alam sa lihim nila.

            "Mata.... Magpakita ka sa akin.... " sambit niya ng makarating na siya sa tahanan nito. Ilang saglit pa ay lumitaw na ito.

          "Alam ko kung ano ang iyong nais kaya ka napadpad dito." Sambit nito.
          "Kung alam mo na nga.... 'Mata' nakalalapit na si Rehav Ybrahim sa Hara Amihan." Sambit niya. Napatango si Cassiope-a sa sinambit ni Ades.

           "Alam kong ako ang nag-utos kay Mine-a noon na paglayuin ang dalawa..... Ngunit Ades sa paglipas ng panahon, sa bawat pagpapasya ng isang nilalang ay nababago nito ang hinaharap nito...." Sambit nito sa dama.

           "Kung gayon ang sinasabi mo ay maaari nang di na banta sa katungkulan ni Hara Amihan ang Rehav Ybrahim?" Sambit niya

         "Maaari.... Kaya humayo ka at bumalik sa Lireo at bantayan ang Hara dahil Ades may mga mangyayari na d-i natin pare-perhong magugustuhan." Utos ni Cassiope-a sa punong Dama.

          "Avisala Eshma 'mata'" sambit nu Ades saka ito yumukod at nagmadaling makabalik sa palasyo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
           Kanina pa hinahanap ni Mila si Anthony balak kasi niyang humingi ulit ng tawad dito sa nagawa niyang pagkakamali, nakita naman niya ito sa may veranda. Huminga muna siya ng malalim saka siya naglakad palapit dito.

               "Sir Anthony..... " mahinang tawag niya dito, nakakunot naman ang noo na bumaling sa kanya si Anthony.

            "Now what bubuhusan mo naman ako ng bagoong para kumpleto na?" Inis na sabi nito. Agad siyang umiling.

           "Sir.... Hindi po.... Mag-so-sorry lang po ako.... Sa nagawa ko.... Sorry po talaga." Nakayukong sabi ni Lira. Napailing naman si Anthony.

           "Oo na.... Dumistansya ka lang sa akin baka kung ano na naman aksidente magawa mo." Inis na sabi nito saka pumasok sa loob ng bahay.

           Nakasimangot naman na sinundan ng tingin ni Mila si Anthony.
           "Gwapo nga masungit naman.... Hmp." Inis na sabi din niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
              Napalingon si Pirena sa pagpasok ni Gurna sa kanyang silid, kanina niya pa hinihintay ang tapat na dama niya para magbigay ng ulat mula sa Hathoria.

          "Anong dala mong ulat ukol kayla Hagorn?" Tanong agad niya pagkatapos nitong yumukod sa kanya.

         "Sang'gre Pirena.... Naiinip na si Hagorn.... Kung maaari nga lang ay sumugod na sila dito sa Lireo." Sabi ni Gurna. Napailing naman si Pirena.

          "Ashtadi.... Di makapaghintay." Galit na sabi niya saka siya uminom ng alak na hawak.
           "Kaya kung ako sayo.... Madaliin mo na ang iyong gagawin para mabawi mo na kay Amihan ang brilyante ng apoy." Mungkahi ni Gurna.

           "Alam ko.... Pero bago yun.... Dapat ko munang masira ang magandang imahe ni Danaya sa aming kapatid na Hara...ng sa gayo'y ako na lamang ang pagkatiwalaan ni Amihan." Sambit ni Pirena kay Gurna na napangiti naman sa naisip na plano ng alaga.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
             Nakangiting pinagmamasdan ni Amihan ang paglalaro nila Banak at Nakba sa hardin ng Lireo ng dumating si Ybrahim. Kasama nito sila Wantuk at Paco na may dalang prutas at mga bagong pitas na bulaklak.

         "Avisala Hara Amihan." Sambit nito.
         "Avisala Rehav Ybrahim." Tugon naman niya. Napangiti naman ito.
         "Ybrahim.... Hanggang ngayon ay di pa din ako sanay sa pangalan na iyon." Nakangiting sabi ni Ybrahim.

          "Ngunit iyon ang iyong nais, Hindi ba?" Tanong niya.
         "Tama ka.... Bueno.... Pumunta ako dito para ibigay sa ating anak ang mga prutas at bulaklak na dala ko....dito man lang ay gumaan ang loob sa akin ni Lira." Nakangiting sabi ng Rehav. Napatango naman si Amihan.

            "Abog, mga dama, inyong kunin ang mga handog ng  para sa Diwani." Sambit niya sa kawal at dama na lumapit naman kayla Wantuk at Paco para kuhanin ang mga handog nito kay Lira. Saka bumaling muli si Amihan kay Ybrahim.

          "Akin na lamang sasabihin kay Lira na ikaw ay dumaan dito para ibigay ang mga iyan.... Sapagkat wala siya dito.... Siya ay nagsasanay kasama si Danaya....." Sambit ni Amihan saka ito tumalikod para pumasok sa palasyo ng bigla siyang hawakan ni Ybrahim sa siko para pigilan.

             "Sandali lamang" sabi ng Rehav, Agad naman na humarang ang mga kawal para protektahan ang Reyna.

             "Ayos lamang." Sabi ni Amihan saka tumabi muli ang mga kawal. Marahan naman tinanggal ni Ybrahim ang pagkakahawak sa Hara.

            "Ano pa ang iyong nais?" Tanong ni Amihan
           "Nais ko sanang malaman ang kasaysayan ng Sapiro.... At alam kong sa'iyo ko lamang malalaman iyon Hara Amihan" sambit ni Ybrahim. Napatango naman si Amihan at napatingin siya sa parating na si Alira Naswen.

             "Ngunit magiging abala ako ngayon.... Kaya naman marapat na ang mashna ng Sapiro na si Alira Naswen ang iyong  kausapin ukol sa iyong nais...." Sambit ng Hara at saka lumapit si Alira Naswen sa kanila at nagbigay pugay.

           "Alira Naswen.... Ikaw na ang magsalaysay ng kasaysayan ng Sapiro para sa inyong Rehav." Sambit ni Amihan sa Mashna.

         "Masusunod Mahal na Reyna.....tayo na Mahal na Prinsipe." Nakangiting sabi ni Alira Naswen. Napatango naman si Ybrahim.

        "Kung gayon ay maiwan ko na kayo." Sambit ni Amihan saka niya iniwan ang mga ito. Sinundan naman siya ng tingin ni Ybrahim at ng makapasok na ang reyna sa palasyo saka lang ito bumaling sa mashna.

          Pagpasok ni Amihan sa palasyo ay di niya mapigilan na di lingunin ang mga ito lalo na si Rehav Ybrahim.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
YbraMihan
LirAnthony
Comment and Votes

Continue Reading

You'll Also Like

17.9K 1.2K 74
Kilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing s...
1.6M 35.3K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈
18.3K 443 19
the book 3 has come arrived: the story unfolds about our main character named Amihan who is the second eldest among of the four sisters. Mature and...
It's You By Aloha

General Fiction

18.6K 366 45
"Sa totoong mundo mahirap manglimos ng totoong pagmamahal."